Samantha’s P.O.V.
Iba pala talaga kapag may pera ka. Mas marami kang options. Mas marami kang kayang gawin, at mas may mangyayari sa lahat ng gusto mong mangyari. Mas madali mong maiisasakatuparan ang kahit ano mang naiisin mo, bayaran ang kabutihan ng mga taong noong sa kawalan mo’y naging mabuti sa iyo, pati na rin ang gantihan ang lahat ng tumarantado sa iyo.
It’s payback time. Sa lahat ng taong naging mabuti, pati na rin sa lahat ng mga nanakit sa akin.
Inuna kong paimbestigahan ang mga nagbabanta ng panganib sa amin ni Fidel. Ang mga walanghiyang tunay na pumatay sa aking tunay na ina. Tama ang hinala namin ni Fidel, at ngayon nga’y may mga ebidensya at nagsilabasang saksi na kami… na ang taong nakilala namin sa pangalang, Director Edgar Toralba-isa sa mga Board of Directors ng kumpanya ni Fidel, na dating karelasyon ng aking tunay na ina, ang tunay na may pakana ng lahat. Kinumisyon niya ang Mayordoma sa bahay, pati na rin ang Hardinero at ilang mga katulong, upang maisagawa ang lahat kanyang mga plano.
Ayon sa mga dating kasambahay ng aking tunay na Mama, nasaksihan daw nila, na si Director Toralba mismo ang lumunod sa pool sa aking Mama. Siya rin ang nagpa-kidnap at pumatay sa pangalawang asawa ni Fidel. Akala ko’y iyon na ang pinakakagulat sa lahat ng ginawa niya. Mas nakakagulat pa pala ang nalaman kong… siya rin pala ang gumamit kay Clara para patayin ang aking Papa, upang tuluyan na nila akong mailayo sa aking tunay na ina.
Ang dahilan?
Pera. Kayamanan. Salapi.
Gusto niyang makuha ang lahat ng kayamanan ng tunay kong Mama. Ayon sa mga saksi at dating katiwala ng aking tunay na Mama, siya rin pala ang nagtulak sa aking Papa para layuan ang aking Mama noon. At dahil sa takot ng Papa na pagtangkaan nito ang aking buhay, ay binitbit niya ako upang magpakalayo-layo, isang araw matapos akong maipanganak.
Ngunit hindi nakuntento roon si Director Toralba. Ipinahanap niya ang aking Papa at ginamit si Clara para akitin ito. At para tuluyan ng mabaon ang sikreto ng aking pagkatao, ay unti-unti niyang nilason si Papa hanggang sa tuluyan na itong mamatay.
Mga hayup sila. Mas malala pa sila sa demonyo. Nararapat lamang sa kanila ang dalhin sa pinakamalalim na parte ng impiyerno. Silang dalawa ang may kagagawan kung bakit ako naulila… pagbabayaran nila ang lahat ng mga paghihirap ko.
Sa awa ng Diyos, ay hindi nagtagal ang kaso. Sa dami ng naglakas loob na tumestigo laban sa kanila, hindi na sila nakalaban pa. Kapwa na sila ngayong mabubulok sa bilangguan. Nakakatawa ngang si Clara, na nasa kulungan na noon pa sa kasong isinampa ni Karl, ay panghabangbuhay nang magbabakasyon sa bilibid.
Mabuti nga sa kanya. Kulang pa nga ‘yun eh. Kung ako ang masusunod, kung ano ang inutang niya, ‘yun din dapat ang pagbayaran niya. Pinatay niya ang Papa, hindi ba’t mas fair kung hindi na rin siya humihinga?
“Hindi mo pa rin ba kakausapin si…” Si Fidel, habang inginunguso si Karl na naging dakilang stalker ko na simula nang malaman niyang napawalang bisa na ang kasal ko kay Fidel.
Nakaabang ito ngayon sa labasan ng korte. Parati siyang naroon kahit hindi ko naman siya pinapansin o kinakausap. Ilang beses ko na rin siyang itinaboy pero bumabalik-balikpa rin ito.
“Wala naman kaming dapat pag-usapan.” Malamig kong sagot sa kanya.
Napansin ko naman ang pag-buntong hininga ni Fidel habang nakatingin siya sa malayo.
“Wala ka na ba talagang nararamdaman para sa kanya?”
“Ikaw na ang mahal ko, Fidel. Hindi na siya.”
Nakangiting umiiling-iling si Fidel.
“Alam mong hindi na tayo pwede, hindi ba?”
“Paanong hindi naging pwede, Fidel? Yes, you were my step-father, but you are not my father!” Nanggigigil kong sinabi sa kanya, “Ngayong wala na ang mga nanghuhusga sa iyo, pwede naman tayong magpakasal muli, hindi ba?”
Matagal bago nakasagot si Fidel, na medyo ikinapikon ko.
“I loved your Mother, and I love her still. Hindi kaya ng kunsensya kong consciously na tuhugin kayong mag-ina.”
Naiiyak na ako. Anong ibig sabihin nun? Na hindi niya talaga ako mahal. Na ang Mama ko lamang talaga ang minahal at mahal niya? Paano naman ako? Sino pala ako sa buhay niya? Parausan din? Pampalipas oras? Ano pala ang ipinagkaiba niya sa lahat ng mga lalaking katawan ko lamang ang habol sa akin?
“So, hindi mo pala ako mahal after all this time?” Tuluyan ng pumatak ang luha ko. Mabuti na lang at narito na kami sa loob ng kotse. Magkatabi kaming naka-upo sa likod habang ipinagmamaneho kami ng aming driver.
“H-hindi gano’n ‘yun, Sam.”
“Kung hindi ganun, eh ano?” Humahagulhol na ako.
“I want you to find the man who will love you as much as I loved your Mother. Mahal kita, Sam. Pero hindi na sa paraang katulad ng dati. Para na kitang anak ngayon, hindi ko–“
“Anak?!” Sigaw ko. Wala na akong pakialam kung naririnig man ng aming driver. “May anak bang ikinakama?!” Hindi ko na mapagilan ang paghikbi ko.
“Alam mong wala nang nangyari sa atin pagkatapos kong malaman na ikaw ang anak ni Ofelia, Samantha.” Kalmado ang pagkakasabi niya na lalo kong ikinainis.
Ano yun? Nalaman lang niya na ako ang anak ng mahal niyang si Ofelia, nawala na lamang na parang bula ang pagmamahal niya sa akin? Ganun ba ‘yun?
“Berting!” Pagtawag ko sa driver.
“Ano po yun Ma’am?” Nakita kong sinilip niya ako sa rear view mirror.
“Ipara mo ang sasakyan, bababa ako.” Malumanay ang pagkasabi ko.
“Po?”
“Ang sabi ko, ipara mo ang sasakyan, bababa ako.” Kalmado pa rin, pero mas malakas na ang pagkasabi ko.
“Eh…” Nakita kong sumulyap ito kay Fidel sa rear view mirror, na tuluyang ikinainit na talaga ng ulo ko.
“Sinabi ng ipara mo, baba sabi ako eh!” Sumigaw na ako, ang bingi eh! Itinabi naman niya ang sasakyan. Sa wakas.
“Samantha!” Si Fidel sabay hila sa kaliwang braso ko. Papalabas na sana ako ng kotseng sinasakyan namin.
“What?!” Singhal ko sa kanya.
“Kailangan nating mag-usap.”
“Wala na tayong dapat pag-usapan Fidel.” Matalim ang titig ko sa kanya. “Salamat sa lahat ng ginawa mo para sa akin at sa aking Mama. Pero simula ngayon, bahagi ka na lamang ng nakaraan ko. Isa ka na rin lamang sa listahan ng mga lalakeng nagpasasa sa katawan ko.” Binawi ko ang kaliwang braso at saka tuluyang bumaba sa kotse. “Good bye, Fidel. Have a good life.” At buong puwersa kong ibinalibag ang pinto ng kotse.
Putang ina niya!
Putang ina nilang lahat na mga lalake!
Pare-pareho talaga sila. Ito na ang kahuli-hulihangpagkakataong masasaktan nila ako. At dahil hindi ko na kailangan ang mga pera nila para mabuhay ako, dudurugin ko silang lahat sa mga palad ko.
“Ayyy bongga ka na talaga Samantha, hindi ka na Purita Mirasol, isa ka ng mamahaling perlas!”
Kauna-unahan kong dinala sa bahay ko si Onin-ang bestfriend kong bading. Matagal-tagal ko na rin siyang hindi nakita kaya naman miss na miss ko na siya talaga. Isa siya sa mga taong gusto kong balikan para pasalamatan. Isa sa mga taong naging mabuti sa akin noong mga panahong walang-wala ako. Siya ang pansamantalang kumupkop sa akin noong pinalayas ako ni Clara. Sa kabila ng kahirapan niya, hindi niya nakuhang magdamot sa akin. Panahon na para ako naman ang bumawi sa kanya.
“Gusto mo bang dito tumira?”
Hindi siya nagsalita. Tiningnan lamang niya ako na para bang hinihintay niyang sabihin ko na nagbibiro lamang ako.
“Ano? Gusto mo bang dito tumira o hindi?”
“Gaga ka!” Nakapamewang at nakataas ang kilay na sagot niya sa akin. “Huwag mo nga akong inookray! Anong gusto mo? Magli-live-in tayo? Maharot ka! Anong tingin mo sa akin, tomboy?!” At nakahawak pa talaga siya sa kanyang flat na dibdib.
Napatawa naman ako sa lukaret na baklang ito. Ito mismo ang namimiss ko sa kanya, ang pagtataray niyang nakakatawa.
“Loka! Huwag kang mag-alala, kung papayag kang dito tumira, bukod ang kuwarto mo.”
“Bukod ba kamo? Eh paano kung gapangin mo ako.”
“Hay nakoh! Kung ayaw mo eh di wag…” Nakahalukipkip at umiikot-ikot ang mata kong sinabi sa kanya, “Kung mas type mo dun sa inuupahan mong mainit at malamok, that is perfectly fine with me. Mas di hamak nga pala namang mas guwapo ang mga bungal na tambay na lalaki do’n sa inyo, kesa sa mga machong empleyado ko.” Sabay turo sa isa sa mga guwapong security personnel na nakatayo sa may hardin.
“Ito naman,” Sabay iniumpog niya ng balakang niya sa balakang ko, “Hindi ka na mabiro. Kailan ba ako puwedeng lumipat?”
“Kung gusto mo ngayon na eh.”
“Oy huwag naman, bigyan mo naman ako ng chance magpaalam sa mga amiga at minions ko dun sa amin.”
“Whatever…” Nakangiti kong sagot sa kangya.
Kita kong may sasabihin pa sana siya nang biglang lumapit sa amin ang isa sa mga katulong.
“Senyorita, may naghahanap po sa inyo sa labas. Pinipigilan nga po siya ng security pero nagwawala po eh. Kailangan daw po niya kayong makausap.”
Sino naman kaya yun? Si Fidel? Pero bakit naman magwawala si Fidel para lang makausap ako, eh samantalang siya pa nga ang iwas na iwas na kausapin ako lately. Kinuha ko ang purse ko at saka hinila si Onin palabas. Plano rin kasi naming kumain sa labas ngayon.
“Ohmeygash! Si Papa Karl.” Bulong sa akin ni Onin habang papalapit kami sa gate.
“Anong kailangan mo?” Malamig kong tanong kay Karl na nasa labas ng bars ng gate.
“Sam… Sam please, kausapin mo naman ako oh. Pakiusap Sam, parang awa mo na.”
Mukhang ewan ang lalaking ito. Taliwas sa Karl na kilala ko. Kapansin-pansin ang laki ng ipinayat niya. Mukha ring haggard ang mukha niya. Hindi na ako nagtataka, nabalitaan ko kasing pabagsak na ang lahat ng mga negosyo nila. At kung kani-kanino na siya nanghihiram ng pera para maisalba pa ang kabuhayan nilang naghihingalo na. Paano naman kasing may mararating ang mga negosyo ng gagong ito? Eh wala na itong ginawa lately kundi ang sundan ako.
“O eto kinakausap naman kita ah? Ano bang ang kailangan mo?”
Hindi naman siya makapagsalita. Eh ano naman sa akin? Ang totoo niyan, wala na talaga akong pakialam kung anong sasabihin niya.
Galit na ako sa lahat ng mga lalake, at kasama na siya roon. Actually, nasa number one spot siya. Magpasalamat nga siya at hindi ko pa siya ginagantihan sa mga katarantaduhang ginawa niya sa akin. Sa pag-wasak niya sa pag-kababae ko sa murang edad, sa paglaglag at pang-iiwan niya sa akin noong mga panahong mahal na mahal ko pa siya, ‘yung pagtrato sa akin na parang basura dahil sa uri ng trabahong nakapitan ko sa sobrang kagipitan, at higit sa lahat, ng paglagay niya ng presyo sa pagkababae ko.
“Samantha… mahal na mahal kita. Mag-usap naman tayo, yung tayo lang.”
“Mahal?!” Na sinundan ko ng halakhak. Napansin ko naman ang agarang panlulumo niya. “Mahal nga ba o, may kailangan ka lang. Magkano ba ang kailangan mo?”
Nagulat siya. Pihadong hindi niya inaasahang mamumutawi sa bibig ko ang mga katagang iyon. Mabuti nga sa kanya. Ganun din naman niya ako pagsalitaan dati ah. Mas malala pa nga.
Hindi siya nakamimik. Parang iiyak na.
“O bakit? Akala mo ba hindi ko alam na desperado ka na rin sa pera? Anong plano mo? Ang makuha ulit ako para mapasayo rin ang kung anong meron ako?”
“S-Samantha…” Kumapit siya sa bars ng gate at maluhaluhang tinitigan niya ako na parang nagmamakaawa.
“Kung ako sa iyo.” Mataray kong dugtong, “Susuko na ako. Mahirap ng ilaban ang wala ng pag-asa. Mahirap ng sumugal sa walang kasiguraduhan. Pabayaan ng mamatay ang naghihingalo, para que pa na ililigtas mo pa ang may sakit, nagsasayang ka lamang ng oras at pagod sa mga bagay na mamatay rin naman.” Ang tinutukoy ko ay ang mga negosyo nilang palugi na. “Kung meron man akong isang pinagsisihan sa mundong ito, ay ang minsang minahal kita, Karl. Hinding-hindi na akong magkakamaling muli, dahil hinding-hindi na kita mamahaling muli.”
“S-Samantha…” Lumuhod na siyang nakakapit pa rin sa bars ng gate. Tuluyan na siyang umiyak na parang tanga.
Ewan ko ba. Pero wala na talaga akong amor sa kanya. Wala na rin akong pakialam sa nararamdaman niya. Manhid na ako, and I like it this way.
“Alam mo? Heto…” Dinukot ko ang checkbook at ballpen sa purse ko, at inumpisahang isulat ang pangalan ni Karl as payee, “Magkano ang kailangan mo? Limang milyon? Sampong Milyon? Pero teka… papaano mo nga pala ako babayaran eh ayoko na naman sa goods mo? Ah, sige, limos ko na lang.” Kinumpleto ko na ang tseke na pinirmahan ko for 10 Million at saka itinapon sa mukha niya.
Lalo siyang umiyak. Pero wala na akong pakialam. Bahala siya sa buhay niya. I had enough of this drama, kaya naman nilingon ko na si Onin at hinatak na siya papasok sa sasakyan. Hindi kami nag-imikan hanggang sa makarating kami sa restaurant.
“Hoy sister, ang matapobre mo na ha! Bakit naman ginanun mo si Papa Karl. Kawawa naman, mahal na mahal ka pa naman no’n.”
“Mahal? Huwag mo akong husgahan, pwede? Wala kang alam sa dinanas ko sa tarantadong iyon.”
“Wala lang. Naalala ko lamang kasi no’ng nawawala ka, kung saan-saan ka niya hinanap. Kung ano-anong aberya ang pinagdaanan niya para lamang makita ka niyang muli, kaya alam kong mahal na mahal ka niya. Pero kung hindi na mahalaga sa iyo ‘yon dahil mayaman ka na, ikaw na ang bahala. Ang sa akin lang, sana huwag mong pagsisihan ito balang araw. Mamaya niyan, magising ka na lamang isang umaga na kung kailan gusto mo na siyang muli, wala na siya.”
Aba, at kinukunsensya pa talaga ako ng baklang ito. Ah hindi! Wala naman kasing alam si Onin sa pribadong buhay namin ni Karl. Hindi niya alam ang pananapak sa akin noon ni Karl, kaya wala siyang karapatang husgahan ako sa ginawa ko.
Hindi niya alam… wala siyang alam.
####################################
KABANATA 18
####################################
Samantha’s P.O.V.
Hah! Mukhang effective ang pagtaboy ko kay Karl. Dalawang buwan ko na siyang hindi nakikitang sumusunod-sunod at nagbabantay na parang aso. Mukhang kuntento na yata sa binigay kong halaga-though nakakapagtakang hindi pa ito nagki-clear sa bangko. Hmmm… hindi pa niya siguro naika-cash o naidedeposito.
Hmp.
Pakipot pa. Kunwari pang ayaw sa pera, pero dinala naman niya yung tseke.
“O, eh kung nagpapasalamat ka at hindi ka na niya inaabangan, bakit nanghahaba ang leeg mo diyan?” Si Onin, habang nag-aagahan kami sa Verranda. Napansin niya pala ang pagtingin-tingin ko sa may gate.
“Naniniguro lang.”
“Naniniguro? Naniniguro saan?” kunot-noo niyang follow-up. “Ang sabihin mo, nami-miss mo siya at nagi-guilty ka sa huling ginawa mo sa kanya. Kunwari ka pang hipokrita ka, nagpapaka mega kontrabida ka pa eh hindi naman bagay sa ‘yo.”
“Ikaw ha! Masyado mo naman yatang sinasamantala ang pribilehiyong pagsalitaan ako ng ganyan ha. Anong hipokrita? Hindi ako hipokrita ‘no? Wala kang alam sa lahat ng kawalanghiyaang ginawa sa akin ni Karl, kaya wala kang karapatang husgahan ako no?”
“Alin ang hindi ko alam? Yung sineduce ka niya to have sex with him noong dose anyos ka at trese siya dahil sa sobrang pagkagusto niya sa iyo?”
Huh? Paano niya nalaman yun?
“Alin pa?” Dugtong niya, “Yung kinailangan pa niyang gamitan ka ng pera niya, para pumurmi ka na at tumigil sa pagpu-puta mo? Ano pa nga ba? ‘Yung tinanggap ka pa rin niya sa sobrang pagmamahal niya sa iyo, kahit kung sino-sino na ang sumawsaw diyan sa pek-pek mo? Aba, Samantha, baka ikaw ang walang alam sa hirap ng dinanas niya sa paghahanap sa iyo? Araw at gabi, araw-araw, as in araw-araw sa loob ng dalawang taon, hinalughog niya ang buong Pilipinas para mahanap ka. Kami nga ni Nenita eh sumuko na sa dediksyon niya, kaya noong bandang huli, siya na lang ang naghahanap sa ‘yo. Kahit may sakit, umaarya siya. Kahit nawawalan na siya ng lakas at pag-asa, hinanap ka pa rin niya. Baka ikaw ang walang alam na halos ikamatay na niya ang paghahanap sa iyo, lalo na noong tinamaan siya ng pulmunya dahil sa umula’t umaraw na paglalakbay niya kung saan-saan.”
Hindi ako makapagsalita. Hindi ko alam kung bakit ang dami nitong nalalaman. Ayokong makunsensya sa ginawa ko. Tama lang ‘yun sa kanya dahil sinaktan din niya ako sa ganoong paraan. Bahala siya sa buhay niya, wala na akong pakialam sa kanya. Halos ikamatay? Bakit? Hiningi ko bang gawin niya ‘yon para sa akin. Kung namatay siya noon, kasalanan na niya yon. Bakit ako pa rin ang kailangang magkargo sa pagkakapahamak niya dahil sa sarili niyan kagagawan?
“Eh ano naman sa akin? Ako ba ang humingi sa kanya na hanapin ako?”
“Alam mo ikaw? Nagkapera ka lang nag-iba na ang anyo mo!” Dagdag pa ni Onin. “Lalo ka ngang gumanda pero bumaho naman ang pag-uugali mo. Mas mabuti ngang hindi na magpumilit sa iyo si Karl, he deserves better than a total bitch you have evolved into. Mas deserving niya yung babaeng masusuklian ang loyalty niya. Hmp. Makaalis na nga dito sa magarang mansyon mo! Mas gugustuhin ko pang makasama ang mga kapitbahay kong tsismosa at mababaho ang hininga, kesa naman sa isang taong hindi ko na kilala. Hindi na kilala, Sam. Hindi na ikaw yung kaibigan kong mabait, mapagmahal at mapagkumbaba. Baboo!” Sabay tindig at akmang aalis.
“Onin, sandali lang!” Hinila ko ang braso niya.
“O baket?” Nakahalukipkip niyang tinaasan ako ng kilay.
“Eh ano ba ang gusto mong gawin ko… eh si Fidel na nga ang mahal ko eh.”
“Si Fidel? Sinong Fidel? ‘Yung ex-husband slash step-father mong kinalimutan ka na kasi mas mahal pala naman niya ang Nanay mo?”
Natameme ako. Lintek na bakla ito! Sagad sa buto kung pagsalitaan ako. Kung hindi nga lamang ito ang pinakatotoong naging kaibigan ko. Tsk.
“Eh ano nga ang gusto mong gawin ko?”
Ayokong iwan ako ni Onin, siya na lamang ang nag-iisang itinuturing kong kapamilya at pinakatunay na kaibigan.
“Bakit? Kung sasabihin ko ba, gagawin mo?”
“Ano ba yun?”
“Mangako ka muna na gagawin mo?”
“Ano nga?”
“Mangako ka muna!”
“Oo na, pangako na… ano ba kasi?”
“Gusto ko, puntahan mo si Karl at humingi ka ng tawad.”
“Ano?! Ayoko nga!”
“Oy, nangako ka!”
“Ayoko nga sabi eh. Matapos ang ginawa ko sa kanya, I’m sure, ayaw na rin niya akong makita pa. So, para que pa?”
“O di inamin mo rin na mali ‘yung ginawa mo.”
Oo na. Alam kong mali nga Pero ano pa ba ang magagawa ko, eh nangyari na nga!
“Iba na lang ang hilingin mo Onin. I’m sure hindi na ako mapapatawad no’n. Baka mapahiya pa ako. Knowing him, maldito rin ‘yun ‘no!”
“Kung ayaw mo, wag mo! Adios!” Sabay talikod at walk out.
“Onin sandali!” Huminto ito sa paglalakad pero nakatalikod pa rin sa akin. “Oo na, sige na, payag na ako. Pero samahan mo ako!”
‘Yun lamang at nag-turn around siyang kuntodo bungisngis.
Dammit!
I don’t really want to do this.
Panigirado akong gagantihan ako ng tarantadong ‘yun sa gagawin kong ito. It’s either tatapak-tapakan ulit niya ako ng mga masasakit na pananalita o ipagtatabuyan niya ako paalis.
Bahala na. Kung mangyari man ‘yun, at least mawi-witness ni Onin na mali ang advice niya, para naman pwede ko na siyang tanggalan ng karapatang sermonan ako tungkol kay Karl.
“Ay Onin, Senyorita Samantha, kayo pala!” Bungad ni Nenita na siyang nagbukas ng gate para sa amin. “Mukhang lalo kang gumanda ah!”
“Uy thank you!” Sabat ni Onin.
“Hindi ikaw,” Sabi naman ni Nenita sa kanya, “Si Senyorita!”
“Gagang ‘to!” Sabay palo ng pamaypay niya sa braso ni Nenita, “Malabo na ang mga mata mo, magsalamin ka na nga!”
Nagtawanan lang sila. Ganun lang talaga sila magbiruan sapol sa mula.
“N-nandyan ba si Karl?” Nag-aalinlangan kong tanong kay Nenita.
Pagkatanong ko noon ay parang biglang nagbago ang expression ng mukha niya. Mula sa masaya, ay biglang lumungkot.
“Oo, pero…” Sagot niya.
“Pero?” Tanong ko.
“Hindi ko alam kung gising siya. Gusto mo bang i-check ko?”
Hindi alam kung gising? Ala-una na ng hapon ah! Ibig sabihin ba noon eh tirik na tirik na ang araw ay natutulog pa siya?
“Katanghaliang tapat natutulog siya?” Tanong ni Onin.
Hindi ko naman maipaliwanag ang expression ni Nenita. Ilang beses siyang nag-buntong hininga na para bang may gusto siyang sabihin na hindi niya masabi-sabi.
“May karamdaman kasi si Senyorito.” Malungkot at malumanay na paglalahad ni Nenita? “Mag-dadalawangbuwan na. Biglang-bigla na lang bumagsak ang kalusugan niya at nagkaroon ng samo’t saring kumplikasyon. Nakauwi nga ang Mama niya nang hindi oras dahil sa pagkakasakit niya. Ang hirap pa, parang ayaw naman niyang tulungan ang sarili niya. Parang ayaw niyang gumaling. Ayaw niyang kumain at inumin ang mga gamot niya. Ayaw rin niyang lumabas ng kuwarto.”
Nagkatinginan kami ni Onin. ‘Yun ba ang dahilan kung bakit hindi na niya ako sinusundan at binabantayan?
“Nag-umpisa ‘yun noong kabilang buwan na umuwi na lang siyang basang basa ng ulan.” Dugtong ni Nenita. “Nang dahil doon, nagkapulmunya na naman siya. Dumagdag pa ang ulcers niya at kung ano anong impeksyon. Simula noon, hindi na siya umalis ng bahay. Ni ayaw magpadala sa Ospital kaya’t dito na lamang siya pinupuntahan ng duktor. Ewan ko ba, bigla na lamang siyang nawalan ng sigla. Umiiyak na nga ang Mama niya para lang kumain siya, ang kaso, ayaw talaga, lalo tuloy lumalala ang kalagayan niya.”
Hindi ko alam kung ano nangyari sa akin, pero malakas ang pakiramdam ko na ‘yung araw na umuwi siya ng basang-basa ay ‘yun ding araw na huling nagpunta siya sa bahay. Umulan kasi ng araw na iyon. Oo, naalala ko. Lumakas nga ang ulan matapos naming mag-usap ng araw na iyon.
“Pwede ba namin siyang puntahan?” Tanong ni Onin.
“Hindi ko alam, nandyan kasi ang Mama niya para bantayan at alagaan siya. Kung gusto niyo, itatanong ko.” Sagot ni Nenita.
Ang Mama ni Karl…
Ilang beses ko na rin siyang nakita, at ‘yun ay noong mga bata pa kami. Buhay pa noon si Papa ko, at magkasama pa ang mga magulang niya.
“Hindi ko na alam ang gagawin ko.” Bumungad sa amin na umiiyak ang Mama ni Karl sa kanilang salas. Kausap nito ang kanyang Papa na nasa wheelchair. Bakas sa kanilang mukha ang matinding kalungkutan. “Hindi na naman niya ginalaw ang pagkain niya.” Nakatingin lamang naman sa kanya ang Papa ni Karl.
“Ah, eh, Senyor Juan, Senyora Aurora…” Pag-agaw ng pansin ni Nenita sa mga amo niya. Tumingin naman ang mga ito. “May mga bisita po si Senyorito.”
Kapansin-pansin ang pag-aliwalas ng mukha ng Papa ni Karl nang makita ako.
“Samantha.” Nakangiting pagbati niya sabay pinagulong niya ang kanyang wheelchair papalapit sa kinatatayuan ko. Namataan ko rin naman ang pagtayo ng Mama ni Karl at pagkatapos ay lumakad kasunod niya.
“Samantha?” Aniya, “Ikaw na ba si Samantha na anak ni Artemio?”
Tumango ako. Hindi ko kasi akalaing naalala pa niya ako at ang Papa ko.
“Tingnan mo nga naman ang bilis ng panahon.” Nakangiting dugtong niya, “Batang-bata ka pa nang huli kitang makita ah. Ang ganda-ganda mo naman hija.”
“Salamat po.” Medyo nahihiya kong sagot.
“Kung si Karl ang ipinunta ninyo,” Sabi ng Mama ni Karl, “Hindi ko sigurado kung haharapin niya kayo. Ilang kaibigan na niya ang dumalaw dito pero hindi naman niya hinaharap.”
Sandaling katahimikan. Nagkakatinginan kami ni Onin.
“Nenita,” Pagbasag ng Papa ni Karl sa katahimikan, “Puntahan mo nga si Karl at sabihin mo na nandirito si Samantha.” Sinabi niya iyon sa paraang parang sigurado siya na ako lamang ang makapagpapalabas kay Karl sa kanyang lungga.
Sinunod naman kaagad ni Nenita ang utos ng amo niya.
“Halika hija,” Pagyaya sa akin ni Tita Aurora, “Hijo.” Sabi naman niya kay Onin. “Maupo muna kayo.”
“Ay… Tita… wag naman po kayong ganyan,” Sagot ni Onin, “Hija rin po ako.” Napangiti lamang naman ang Tita Aurora kay Onin. Ang ganda pa rin niya. Siya talaga ang kamukha ni Karl.
Hindi pa man din kami nakakaupo ay nakita na namin ang nagmamadaling pag-sulpot ni Karl na sinusundan naman ni Nenita. Naka Pajama pa siya, at mas lalo ngang pumayat kumpara noong huli kaming nagkita. Namumultla rin siya at malamlam ang mga mata. Halatang may dinaramdam. Halatang may sakit.
“Sam?!” Maluha-luhang bungad niya na para bang ako lamang ang taong naroroon. Bahagya ko naman siyang nginitian. “Sam…” At tuluyan na nga siyang umiyak habang dali-dali niya akong nilapitan at niyakap ng mahigpit.
Hindi ko inaasahan na maiiyak din ako… hindi ko rin inakala na mapapayakap din ako. Ang higpit ng mga yakap niya, nakakadarang rin ang pag-iyak niya. Hindi ko na namalayan na umiiyak na rin pala ako.
Hindi ito ang inaasahan ko. Ang inaasahan ko ay susumbatan niya ako… na susungitan niya ako… na gagantihan niya ako sa kamalditahang ginawa ko sa kanya, o kaya naman ay palalayasin sa harap niya, lalo na’t nandirito ako sa kanyang teritoryo.
“Anong nangyayari sa iyo, Karl?” Naluluhang bulong ko sa kanya sa gitna ng aming pagyayakapan.
“Namamatay,” Bulong niya pabalik. “Namamatay sa pangungulila sa iyo.”
At pagkatapos noon ay parang walang tao sa paligid na hinalikan niya ako sa labi. “God! I miss you so much!” Bulong niya sabay yakap ulit sa akin.
No’n na ako nagsimulang humagulhol. Hindi ko akalain na ganito niya ako kamahal. Hindi ko akalain na sa kabila ng ginawa ko ay gagantihan pa niya ako ng mainit na yakap at halik.
***
“Huwag nang matigas ang ulo Karl, kumain ka na!” Sabay subo ko sa kanya ng isang kutsarang sopas. Ngumanga naman siya at hinigop ang bawat kutsarang isinusubo ko. Nakikita ko sa gilid ng mata ko na napapangiti ang Tita Aurora.
“Si Samantha lamang pala ang katapat mo.” Biro nito, “Kung alam ko lamang na ganun, matagal ko na siyang ipinasundo.”
Pagkatapos niyang maubos ang kanyang pagkain ay pumayag na din siyang uminom ng gamot. Aalis na sana ako para dalahin ang food tray nang hinila niya ako nang bahagya sa kanang braso.
“Please stay, please don’t leave me.” Bumubukal na naman ang mga luha niya. “Dito ka lang sa tabi ko Samantha? Huwag mo akong iiwanan.”
“Pagabi na Karl, baka gabihin kami ni Onin sa daan.”
“Sasama ako. Isama mo na ako, Sam…”
Napaluha na rin ako dahil walang tigil na pag-iyak niya. Para siyang isang batang paslit na ayaw magpaiwan. Pero hindi ko siya sinagot, bagkus ay hinalikan na lamang siya sa noo at ilong.
“Ok lang ba na hilingin ko sa iyo na dumito ka muna?” Pakiusap sa akin ni Tita Aurora, pagkalabas na pagkalabas ko ng kuwarto ni Karl. “Kahit hanggang sa maka-recover lamang siya.” Umiiyak na siya. “Kung kailangan kong mag-makaawa sa iyo, gagawin ko, gumaling lamang at bumalik ang dating sigla ng anak ko. Sa nakikita ko, ikaw lamang ang natitirang pag-asa ko.”
“Hindi niyo na po kailangang gawin yun, Tita. I’m staying.” Nakangiti kong sinabi sa kanya.
####################################
KABANATA 19
####################################
Samantha’s P.O.V
Hindi ko na namalayan na napa-idlip na pala ako sa tabi Karl. Tumingin ako sa relo, alas otso na pala. Naku, hindi pa pala siya nagdi-dinner. Tiningnan ko siya, mukha namang tulog na tulog pa siya. Kaya naman lumabas na lamang muna ako para ako na mismo ang mag-prepare ng hapunan niya.
“Si Karl? Gising na ba?” Tanong sa akin ni Tita Aurora, habang dala-dala ko yung tray—pabalik na ulit ako sa kuwarto para pakainin siya.
“Tulog pa po siya nang iniwan ko siya kanina, pero gigisingin ko na po para makakain na siya.”
Tumango lamang naman si Tita Aurora, at sinundan ako sa pagpasok ko sa silid.
“Karl, it’s dinner time.” Malambing kong paggising sa kanya. Tinapik ko nang bahagya ang kanyang pisngi. Hindi siya gumalaw. Mukhang malalim ang pagtulog.
“Karl, anak, gising na.” Si Tita naman ang tumapik sa kaniya sa kabilang pisngi, pero hindi pa rin siya gumagalaw.
Nagkatinginan kami ni Tita.
“Karl, gising na.” Mas nilakasan ko ang pagtapik sa kanyang pisngi, at inalog ang kanyang dibdib.
Hindi pa rin siya gumagalaw.
“Karl!” Pag-alog naman sa kanya ni Tita na may halong panic na.
Hindi pa rin siya gumagalaw.
Shit anong nangyayari?
“Karl?!” Yug-yug ko ulit. Hindi talaga siya magising. Tiningnan ko ang mukha niya? Sobrang putla. Kinapa ko ang pulsuhan niya, wala akong maramdaman. Pinakinggan ko ang dibdib niya, wala akong marinig na tibok!
Shit… is he dead?!
Grabe ang kabog ng dibdib ko. Halos hindi na ako makahinga sa sobrang lakas pag-tibok ng puso ko.
Anong nangyayari? Patay na ba siya?
“Karl, anak ko!” Nagsimula ng umiyak ang Tita Aurora.
“Karl!” Sigaw ko at niyuyugyog siya ng paulit-ulit. Nagsimula na akong humagulhol.
Naramdaman ko ang paghagibis ni Tita papalabas.
“Tumawag kayo ng Ambulansya, bilis!” Sigaw niya sa kung sino.
At pagkatapos noon ay halos lumupagi na siya sa pag-iyak habang tintawag ang pangalan ni Karl.
Waiting for the ambulance to arrive was the longest wait I ever had in my life, though ang totoo, wala pang 10 minutes nang dumating ito. Sumama kami ni Tita sa ambulansya, habang si Tito, Onin, Nenita at driver na si Mang Ted ay sumunod na lamang sa amin gamit ang Van.
“I’m so sorry Mr. Montalban,” umiiling na sabi ng doctor kay Tito Juan.
He was then declared DOA—Dead on Arrival.
Napahiyaw ang Tita Aurora na parang walang ibang tao roon. Gumulong na siya sa sahig sa pagwawala habang hinahawakan siya ni Nenita at ni Onin para itayo. Ako naman ay heto, nakatulala. Patuloy lamang sa pagpatak ang aking mga luha.
Wala na si Karl?
Parang hindi totoo. Ayaw talagang mag-sink-in sa akin na wala na nga siya. Bakit ganun? Akala ko ba ok na siya no’ng makita niya ako. Ang saya-saya pa nga niya ng malaman niyang nag-stay ako. Nagtatawan pa nga kami bago kami makatulog na magkatabi kaninang papahapon.
***
“Sam, salamat ha?” Nakangiting sabi ni Karl. Nagpapapak kami ng grapes habang nakaupo kami nang magkatabi sa kama niya.
“Salamat saan?”
“Sa pag-stay. Kahit alam kong, medyo labag sa loob mo. Pasensya na, na-miss lang talaga kasi kita.”
“Ok lang yun…” Sabay subo ko ng isang grape.
“Ako? Hindi mo ba ako na-miss?” Pa-charming pa ang ngiti niya.
Naalala ko tuloy kung gaano ako kinikilig kapag nginingitian niya ako ng gano’n noon. Ganun din ang ngiti niya noon kaya hindi ako makatanggi-tanggi sa kanyang paglalambing.
“Hindi! Bakit naman kita mami-miss, eh ang dami-dami mong atraso sa akin?”
Nanlumo ang mga mata niya.
“Hindi mo na ba talaga ako mahal?” Malungkot ang mga mata niya.
Ang totoo, hindi ko alam ang sagot. Nalilito pa rin kasi ako, kung siya ba o so Fidel ang totoong mahal ko. Ang alam ko, mahal na mahal ko siya noon. Pero noon ‘yun, iba naman kasi yung noon at ngayon. Marami na ang nangyari. Marami na ang nagbago… lalong-lalo na sa akin.
“Kailangan ko ba talagang sagutin yan?”
Lalong nalungkot ang mukha niya, at saka nagbuntong-hininga.
“Si Fidel na ba talaga?” Mahinang tanong niya habang nakayuko. Hindi siya tumitingin sa akin.
“Hindi ko rin alam, siguro. Pero wala na kami eh. Ayaw na niya sa akin. Mas mahal niya ang Mama ko.”
Hindi siya nakapagsalita kaagad.
“Kahit hindi mo na ako mahal, mahal na mahal pa rin kita Samantha. Ikaw lamang ang nag-iisa sa puso ko. Wala nga akong naging girlfriend kundi ikaw. Sayang…”
Tumutulo na ang mga luha niya.
“Sayang at…” Nanginginig niyang dugtong, para namang bukal ang kanyang mga mata sa walang tigil na pagtulo ng kanyang mga luha. “Sayang at hindi na pala tayo pwede. Gayun pa man, ipinapangako ko pa rin sa iyo, na ikaw lang ang una’t huling babaeng mamalin ko.”
***
Ang sakit.
Hindi ko maipaliwanag ang sakit.
Ang sakit-sakit na malaman na tama si Onin sa ganitong paraan. Ang sakit na kung kailan na-realize ko na, na gusto ko na siyang muli, wala na siya. Buti sana, kung umalis lamang siya sandali at babalik din ulit.
Pero hindi ganun.
Iniwan na talaga niya ako, at hindi na siya magbabalik pa.
Ano pa ang silbi ng pag-iyak ko, o kahit ang pagtawag ko sa pangalan niya, kung hindi na naman niya ako naririnig?
Karl….
Karl….
Karl…
Bakit hindi ka na tumutugon? Dati rati naman, isang tawag ko lamang sa iyo? Nandiyan ka na!
Karl…
Karl…
Karl…
Kelan ka ba babalik? Hindi ba, sabi mo mahal mo ako? Kung mahal mo ako… bakit iniwan mo ako?
Parang gusto ko na rin yatang sumama sa kanya habang ibinababa na ang kanyang casket. Hindi ko kasi alam kung paano na ako ngayong wala na siya.
Sana naririnig mo pa rin ako, para naman mabawi ko ‘yung mga sinabi ko sa iyo na…
Hindi kita nami-miss.
At ‘yung, hindi na kita mahal.
Dahil ang totoo…
Miss na miss na kita at…
Mahal…
Na mahal…
Na mahal…
Na mahal…
Kita.
Pero paano pa? Kung huli na? Huli na ang lahat. Hindi mo man lamang narinig bago ka man lamang umalis. Hindi ko man lamang naiparamdam sa ‘yo bago ka umalis.
“Samantha!” Isa malakas na pagtawag iyon na umalingaw-ngaw sa aking pandinig. “Samantha, gising!”
Huh? Iminulat ko ang aking mga mata, at bumulaga sa akin ang nag-aalalang mukha ni…
Karl?
“K-Karl?”
“Oo ako nga, ano ka ba Sam? Tinakot mo naman ako! Kanina pa kita ginigising, ayaw mong magising. Akala ko tuloy nabilaukan ka na ng grapes na kinakain natin kanina. ilang beses kita niyug- umh!”
Hinalikan ko na siya! Ang dami pang sinasabi, samantalang kanina ko pa siya gustong sunggaban. He have no idea of what kind of a bad dream I have been through, kaya humanda siya…
Lagot ang Karl na ito sa akin.
Dahil simula sa oras na ito, ay lulunurin ko siya sa pag-mamahal ko, pasasayahin ko siya araw-araw, at aalagaan na parang wala nang iba pang pinakamahalagang tao sa mundo.
####################################
KABANATA 20
####################################
Karl’s P.O.V.
I never expected that passionate kiss. Sa pagkaka-alala ko kasi, ang sinabi niya sa akin, hindi na niya ako nami-miss, at hindi na siya sigurado kung may nararamdaman pa siya para akin. Kanina lang niya sinabi yun ah, wala pa ngang dalawang oras. Malinaw pa sa isip kong, ‘yun talaga ang sinabi niya bago kami nakatulog ng magkatabi.
Umuungol siya habang hinahalikan pa rin ako. “I know you are not in your best shape yet.” In between her kisses, “But I’m dying to make love with you right now.” Habang sinasabi niya ang mga iyon ay iginiya niya ako para humiga- hinahabol pa rin ng mga labi niya ang mga labi ko ng kanyang mga halik, at saka siya kumubabaw sa akin, “You don’t need to do anything… just allow me to love you, mahal ko.”
Mahal ko? She called me, mahal ko? Woah! What is going on in here?!
Hindi ako makagalaw sa mga sumunod na pangyayari. Unti-unti niya akong hinuhubaran, habang pinapasadahan niya ng mga labi niya ang bawat parte ng aking katawan. Naghubad din naman siya, matapos niyang hubarin ang kahuli-hulihan kong saplot.
“Sam…” She’s feasting on my big buddy, down there. Napapaangat ang puwitan ko sa ginagawa niya. Sobrang sarap, grabe! Lalo pa at isa itong matinding surpresa para sa akin. “Sam, what’s happening?” Nalilito pa rin kasi ako kung bakit biglang-bigla na lamang niya ako pinapaligaya.
Imbes sagutin ako ay tumunghay siya at saka gumapang paitaas para magkatapat ang aming mga mukha. Hinalikan niya ako ng marahan sa aking mga labi, bago niya kinapa ang aking amigo upang itinapat sa kanyang amiga.
Umungol siya nang umupo na siya para isagad ang pag-grand entrance ng aking nagngangalit na kabarkada. “K-karl… I love you…” Daing niya habang inuumpisahan na niya ang walang kasing sarap na pag-indayog niya. “I miss you so much…”
She loves me?! Akala ko ba hindi na niya ako mahal? She misses me?! Akala ko ba hindi na niya ako nami-miss?!
“Samantha…” Ang lupit ng kanyang mga galaw, bagama’t nanghihina pa ako sa aking pagkakasakit, ay nadadarang na ako sa kanyang init. Babaliktad sana ako para ako naman ang kumababaw, pero bigla niya akong itinulak pabalik sa aking pagkakahiga.
“Relax Mahal ko… Let me do all the work for now!” Pagkatapos niyang sabihin ‘yun ay mas binilisan at tinindihan niya ang kanyang paggiling. Halos ikabaliw ko naman ang paglalakbay kong ito sa alapaap! “I love you… I miss you so much, Karl!”
Ayun na naman. ‘yung I love you and I miss you niya, habang buong lambing na binabanggit ang aking pangalan. Sa paraan pa lang ng pagkakasabi niya, init na init na ako, ano pa kaya at heto nga at may kasama pang umaatikabong aksyon.
“Sam!” Hiyaw ko
Grabe siya, para akong aatakihin sa puso sa sobrang galing niya. Halos umikot naman ang ulo ko sa sobrang sarap habang pinagmamasdan ko ang matinding pagbabanggan namin sa ibaba.
“Karl, I love you so much…” In between her sexy-sexy moans.
“I love you too, Sam.” Medyo napalakas na ang pag-ungol ko, habang ipinapagpatuloy ko ang pagsalubong ko sa kanyang mga galaw.
“Oh Karl, oh! You feel too fucking good inside me!”
Ngayon nga ay animong nagpapaligsahan na kami sa lakas ng aming mga hiyaw. Kaya naman hindi na nakapagtatakang, sinundan iyon ng mga katok mula sa labas ng silid.
“Karl, Samantha, are you all right?!” Boses ni Mama.
Oh no! Mabibitin pa yata kami. Naku, hindi pwede ito, malapit na ako!
“S-Sam, naka-lock ba ang pinto?” Bulong ko sa kanya. Hindi naman kami tumigil sa aming ginagawa.
Umiling lamang si Sam, habang nakatingala at dinadama ang sarap ng aming ginagawa
What?! Hindi naka-lock?! Holy crap!
At that instant ay nasulyapan kong gumalaw na ang door knob… Oh shit! Papasok si Mama, hubad na hubad pa naman kami ni Samantha. Pero kung mahuhuli man kami sa aming ginagawa, una kong naisip na kailangan kong takluban ang kahubdan ni Sam. Dahil do’n, ginamit ko ang aking lakas para bumalikwas at kubabawan siya. Pero grabe si Sam, parang walang pakialam, ipinulupot pa niya ang kanyang mga binti sa aking puwitan.
“Karl, Sam?!” At yun na nga po ang dramatic entrance ni Mama. “Susmaryosep!” Sabay taklob niya sa kanyang mga mata gamit ang kanang kamay. Hindi naman siya umalis. Nakatayo lamang siya do’n.
Tumingin ako kay Sam… walastik, parang walang pakialam, nakapikit pa rin siyang dinadama ang ginagawa namin.
“Don’t worry Tita,” Nakapikit pa rin niyang sinabi kay Mama, “Pananagutan ko po ang anak niyo.” And she moaned as if my Mom wasn’t there.
What?! Ako ang lalake pero ako pa raw ang pananagutan niya?! Bago ‘to ah!
“Pakakasalan ko siya sa kahit saang simbahan at huwes!” Dugtong pa niya.
Ang weird ni Mama. Bagama’t nakatakip ang mga mata niya, ay hindi naman siya umaalis. Nando’n lamang siya at nakatayo sa may pinto.
“Ma, will you get out please?” Sabi ko na. Ang awkward kasi eh.
“Ah, eh. Ok. Sorry.” Natataranta namang sabi ni Mama na para bang no’n lamang siya natauhan sandaling pagkatulala. Nag peace sign pa siya bago lumabas at isinara ang pinto.
Pagkalabas ni Mama ay narinig ko namang humagikhik si Sam. Napatawa na rin ako pero… Damn! What could be more awkward than that?
Palibhasa nga’y hindi pa rin talaga ako nakakabawi ng lakas sa pagkakasakit, ay madali akong naitagilid ni Sam, until she got herself on top of me again.
Grabe talaga ang galing ng babaeng ito, nakakasira ng ulo. Ito na yata ang pinakamasarap naming pagtatalik. Ramdam ko ang pananabik niya sa akin… sana nga lamang ay mararamdaman din niya ang pananabik ko sa kanya.
“Sam…” Malapit na ako. Grabe, hindi ako mapakali sa excitement ko. Mas lalo kong nilakasan ang pagsalubong ko sa kanyang indayog.
“Karl, ang galing mo!” Daing niya habang papalapit na kami sa sukdulan. “Oh, Karl, I love you…” Malakas na sigaw niya na alam kong maririnig ni Mama kung nasa labas pa rin siya.
“I love you too, Sam.” Bulong ko naman pabalik. “I love you too…”
And then we both came.
Wow!
That was amazing!
Tila naman gumanda ang pakiramdam ko dahil pinagpawisan ako ng todo.
“Seryoso ka ba sa sinabi mo kay Mama?” Tanong ko habang magkayapos kaming nagpapahinga matapos ang walang kasing sarap na aksyon na ginawa namin kanina.
“Alin? ‘Yung pananagutan kita?” Tatawa-tawa siya.
“Oo.”
“Oo naman…”
“Seriously?” Hindi pa rin kasi ako makapaniwala sa mga nangyayari.
“Kung gusto mo nga bukas na bukas mismo magpakasal na tayo eh.” Walang kagatol-gatol niyang sinabi.
“Huwag mo akong bibiruin ng ganyan, Samantha. Alam mong seri–“
“Hindi nga ako nagbibiro. Kung gusto mo bukas kumuha na tayo ng lisensya! Umh.” Hinalikan niya akong muli sa labi. “Halika na at magbihis na tayo,” Sabay hila niya sa akin para bumangon, “Kailangan ko na kasing harapin ang mga magulang mo para makapamanhikan na ako. Pasensya na, ako lang ang mamanhikan, ulila na ako eh!” Tatawa-tawa siya.
This is turning out to be such a funny situation. Siya? Mamanhikan? Hindi ba dapat lalaki ang namamanhikan?
I don’t know what has gone into her. Whatever it is, I am absolutely loving it. Simula nung ginising ko siya sa malalim na pagtulog, parang, nag-iba siya. No, no… hindi pala exactly nag-iba, kundi, nagbalik. Nagbalik ‘yung dating Samantha. ‘Yung Samantha bago ang lahat ng mga problema namin. ‘Yung Samantha na, kababata ko. ‘Yung Samantha ‘ko’ na malambing, maalaga, mabait at mahal ako.
***
Parang umiikot pa rin ang ulo ko sa bilis ng mga pangyayari. Kamakalawa lamang, depressed ako at may sakit. Kinabukasan, nagkabalikan kami ni Samantha. Ngayon, heto kami at nag-a-apply naman for Marriage License sa City Hall.
“Kailan niyo balak magpakasal?” Tanong nung Clerk sa amin.
“Anong pinakamalapit na araw na available?” Tanong ni Samantha
“Sa susunod na Martes.”
“We’ll take it.” Sagot ni Samantha. “Pero pwede bang makiusap?” Tumingin sa kanya ang Clerk-wari’y hinihintay ang kanyang sasabihin, “Kung sakali mang may hindi matuloy sa mas malapit na araw, tawagan mo kami? Eto ang number ko.” Sabay abot niya ng kapirasong papel na sinulatan niya.
“Sure, pero…” Sagot ng Clerk, “Bakit ba kayo nagmamadali?” Tatawa-tawa ito? “May humahabol ba sa inyo?”
“Hay naku, day!” Impormal na sagot ni Sam, “Kung hindi namin gagawin ito, baka hindi na naman matuloy. Mahirap na, baka makawala na naman ang guwapong lalaking ito sa kamay ko.” Sabay yakap niya sa katawan ko. Napasulyap ang Clerk sa akin-natatawa ng bahagya.
Guwapo raw ako?! This is kind of “positively” overwhelming. Mas sanay kasi ako na ako ang humahabol at nanunuyo kay Sam, pero ang sarap pala ng pakiramdam kapag ikaw naman ang sinusuyo ng mahal mo.
Sa dami ng pinagdaanan naming aberya, the hell with the overwhelming rush, and the hell with what other people think sa pagmamadali namin ngayon. Wala silang alam sa pinagdaanan namin ni Sam. Wala silang alam kung gaano katagal ang aming ipinaghintay makarating lamang kami sa ganitong hantungan ng aming relasyon.
Masyado nang naging matagal ang aming pagdurusa, panahon na talaga sigurong paspasan na namin ang pag-iisang laman at kaluluwa para naman sumaya na kami… para lumigaya na kami.
“Sam…” Habang nagmamaneho ako pauwi pagkagaling namin sa City Hall.
“What?”
“May gusto akong hilingin bago tayo magpakasal…”
“Ano yun?”
“I want a prenuptial agreement.”
Tiningnan niya ako na para bang nangungusap siya na… wala akong originality. ‘Yun din kasi ang hiniling niya nung una kaming nagplanong magpakasal.
“Magtigil ka nga Karl!” Singhal niya sa akin.
“O, bakit?”
“Wala kang originality,” Sabi ko na nga ba’t iyon ang iniisip niya.
“I’m serious Sam. I want it. I don’t want to have anything to do with your–“
“The answer is no, Karl. I want you to have what I have, and own what I own.”
Hindi na ako nakaimik. Is she serious?
“Bakit nga pala… hindi mo ikinash yung tseke? Baka ma-stale na ‘yun, sige ka.”
Alin? Yung sinupalpal niya sa mukha ko 2 months ago?
“I ripped it off that same day, Sam.”
“Are you not mad of me for what I did?” Hindi siya nakatingin sa akin-nakatingin lang siya sa daan-bagama’t kita ko naman na naluluha siya.
“No,” Sagot, “It served me right. Mas malala pa nga ang ginawa ko sa iyo no’n di ba?”
“I’m so sorry, Karl.” Umiiyak na siya. “There is no excuse for what I did.” At saka tuluyan na siyang humagulhol.
Dahil do’n ay humanap ako ng mapaparadahan. I need to get off the road to console her.
“Tama na, Sam. Kalimutan na natin ang mga nakaraan. Hindi na natin mababago ang mga yun eh.” Niyakap ko na siya, humahagulhol pa rin. “Ang mahalaga… magkasama na tayo ngayon. Learning from all our predicaments, mas malakas at matibay na tayo ngayon. Mahal na mahal kita, Sam. Sana ay huwag na nating hayaan na paghiwlayin tayo ng sakit ng ating nakaraan.”
“Mahal na mahal din kita Karl.” Ibinaon niya ang kanyang mukha sa aking leeg kasabay ng mahigpit naming pagyayakapan. “At dahil pinatawad mo ako… may premyo ka.”
Uy, premyo? Ano kayang premyo ko?
“Anong premyo ko?” Nakabungisngis ako.
“Ang premyo mo, payag na akong anakan mo ako ng kahit ilan.” Tumatawa-tawa siya, “Kahit isang dosena!”
Wow! Super premyo nga!
Sobra ang saya ko. Hindi ko maipaliwanag ito. Salamat sa Diyos at nagbalik na siya sa akin. At sa pagkakataong ito, ay hindi na mawawalay pa.
Sana hindi na ito matapos…
Sana parati na kaming ganito…
Maligaya.
####################################
EPILOGO
####################################
“Sige hija, iri na!” Utos ng kumadrona.
Bumuwelo ng isang mahabang pag-iri si Sam.
“Ayan na. Nakikita ko na ang ulo niya. Hinga ng malalalim, sandali, sige, iiri mo ulit.”
Humiyaw si Sam, “Ang sakit! Hayup ka Karl ayoko na talaga!”
Natataranta si Karl. Hindi malaman ang gagawin. Hindi kasi niya inaasahang mapapaanak ng mas maaga si Sam, kaya naman heto, dito na siya napaanak sa pinagbabakasyunan nilang cottage sa Aklan.
“Weh?” Paismid na sinabi ni Onin, nakahalukipkip ito habang nagpapaypay, “Wala ka ng credibility Neng! Hindi ba, yan din ang sinabi mo dun sa panganay, pangalawa at pangatlo ninyo? Ibahin mo na kaya muna ang script mo this time para bumenta! Nakakalurkey ka, kung bakit naman kasi nakapag-asawa ka lamang eh ,nalaktawan ka lamang ng kaunti, buntis ka na agad.”
“Tseh!” Singhal ni Sam kay Onin, “Bakit mo ba ako kinukontra? Eh kung ikaw kaya ang manganak dito!”
“Sure! Eh kung idinudonate mo na lang kasi sa akin yang mayabong mong matris, I am more than willing na magbuntis at umiri in your behalf ‘no? ‘Yung nga lang, kasama si Karl sa donation. Hmp! Ang hirap naman kasi sa iyo, ang hilig mong mangalabit sa asawa mo, tapos siya pa ang sisihin mo kung bakit buntis ka na naman! If I know, wala pa ring isang taon ang batang yan, may kasunod na naman.”
Hinagip ni Samantha ang pinakamalapit na throw pillow at ibinato na niya ‘yon kay Onin. Sumapol naman ito sa mukha nito.
“Manahimik ka na nga!” Bulyaw niya kay Onin, dumaing muli. “Karl ang sakit.” Sabay abot ng kamay niya kay Karl. Hinawakan naman ito ni Karl habang hinahaplos nito at hinahalikan ang kanyang noo.
“O sige hija, konti na lang ito, pagkabilang ko ng tatlo, iiri mo ulit ha? O sige… isa… dalawa… tatlo…”
Buong pwersang umiring muli ni Sam, na sinundan na naman ito ng pagsilang ang isang sanggol na babae. Pinutol ng kumadrona ang umbilical cord nito, ibinaligtad at pinalo ng bahagya sa puwitan. Para musika sa mag-asawa ang pag-iyak ng sanggol na iyon.
Masaya sila. Sa wakas, ay nakababae na sila. Puro kasi mga lalaki ang tatlong nauna-dahil na rin sa kasusubok nila na magkaanak nang babae-naging tig-iisang taon na lamang ang agwat ng mga edad.
“Nasaan ang mga bata?” Tanong ni Sam kay Karl, matapos niyang mahimas-masan sa panganganak. Katabi na niya ang nakabalot na sanggol na kagagaling lamang sa kanyang sinapupunan.
“Huwag kang mag-alala Mahal. Kasama nila ang Mama, Papa at ang mga yaya sa kabilang kuwarto.”
“Ang ganda niya, Karl.” Habang hinahaplos ni Sam ang maliit na mukha ng kanilang unica hija.
“Mana sa iyo.” Nakangiting sabi ni Karl.
Ngumiti lamang naman si Samantha sa kanya at saka magkasabay nilang pinagmasdan ang bagong silang nilang supling.
“Karl…” Pagbasag ni Samantha sa kanilang pananahimik.
“Ano yun?” Nakangiting tugon ni Karl.
“Salamat ha…”
“Salamat saan?”
“Sa pagbibigay mo sa akin ng ganitong kasayang pamilya. Isang bagay na wala ako noon.”
“Mas ako ang dapat magpasalamat sa iyo, Sam. Kung hindi dahil sa iyo, hindi ako magiging ganito kakuntento at kasaya sa buhay ko. Alam mo namang nag-iisang anak din lamang ako kaya sobrang nagpapasalamat ako sa pagpayag mo na bumuo tayo ng mas malaking pamilya. Sulit talaga… sulit talaga ang pagpupursigi kong mapasaakin ka. Sulit ang mga paghihirap at pagdurusang dinanas natin noon.”
Napangiti si Sam sa mga sinabi ng kaniyang buting Mister-na isa ring mabait at mapagmahal na Ama ng kanilang mga anak.
“Huli na ba natin ito?” Nakangising tanong ni Sam.
“Kung ako ang tatanungin mo,” Tatawa-tawang sagot ni Karl, “Gusto ko pa. Pero ikaw ang inaalala ko, ikaw ang naghihirap magdala, magbuntis at manganak sa mga bata. Nakukunsensya rin naman kasi ako na ang mag-punla lang ang contribution ko. Unfair pa nga yun kasi ang sarap-sarap gawin no’n.” Napapahalakhak na tinuran ni Karl, “Nasa akin kasi ang sarap, nasa ‘yo naman ang hirap, kaya naman, sa iyo ko na iiwan ang pagdedesisyon tungkol doon. Ayoko rin naman kasi na masyadong maisangkalan ang iyong kalusugan sa hirap ng pagbubuntis at panganganak ng dahil lamag sa gusto ko pa.”
“I guess we should play it by the ear then…”
“I guess…” Sabay hawak niya sa pisngi ni Sam. “Ang mahalaga, kahit ano mang mangyari ay magkasama tayo at hindi na maghihiwalay pa.”
Tumango si Sam.
“I love you, Karl.”
“I love you too, Sam.”
Na sinelyuhan nila ng isang matamis na halik.
[Katapusan]
Credit: Itim na nobela
Forbidden Love ⓒ DyslexicParanoia 17-20 Finale
Advertisements