Samantha’s P.O.V.
Totoo nga palang hindi madaling maging amo si Mr. Jimenez. Kapag may iniuutos siya sa akin, kailangan gagawin ko agad. Kapag hindi ko ito natatapos, o kung hindi pumasa ang trabaho ko sa standards niya, eh talagang kinagagalitan niya ako kahit pa sa harapan ng iba pang mga empleyado. Pero dahil na rin siguro sa masalimuot na pinagdaanan ko sa buhay, balewala na lamang ito. Kahit ipahiya pa nga niya ako, o insutultuhin pa, balewala na lang sa akin. Wala rin naman kasing mangyayari kung magpapakasensitibo ako.
He’s such a workaholic, at dahil ako ang sekretarya niya, eh hindi ako pwedeng magpahinga unless magpahinga rin siya. May mga pagkakataon na halos bumigay na rin ang katawan ko sa sobrang stress at iba’t ibang health issues. Madalas akong malipasan ng gutom at napupuyat. Madalas din ako dapuan ng sipon, ubo at lagnat lalo na kapag pumupunta kami sa iba’t ibang lugar sa hindi kaaya-ayang panahon. Ang isa pang problema sa kanya, he doesn’t care kung may sakit ka, basta’t kapag kailangan ka niya, dapat magtatrabaho ka.
“Hoy Samantha!” Si Jobelle yun, isa sa mga Marketing Staff, “Bilib din ako sa staying power mo. Tumagal ka kay Sir ng isang buwan?”
Nginitan ko lamang siya. Medyo masama kasi ang pakiramdam ko ngayon. Tatlong araw ko na itong iniinda, simula nang dumating kami galing Malaysia.
“Ang sarap mong bigyan ng medalya Neng!” Sabi naman ni Pia, na sekretarya naman ng Vice President ng kumpanya. “Pero dear, mag-pa-check up ka nga, ang laki na kasi ng ibinagsak ng katawan mo simula ng nagtrabaho ka rito.”
“Nung nag-umpisa ka dito, medyo may laman ka pa, ngayon, buto’t-balat na ka na. Ok ka lang? Nagpapakamatay ka ba?” Si Jobelle ulit.
Nakangiting umiiling-iling lamang ako sa kanila habang itinutuloy ko ang trabaho ko. Kailangan ko kasing tapusin ang paperwork ko bago mag-lunch break ang boss ko, kung hindi, tiyak malalagot na naman ako. Kailangan niya kasi mga papeles na ito sa luncheon meeting niya.
“Miss Cruz! Will you come here?!” Galit na pagtawag ni Mr. Jimenez sa akin through intercom. Napatingin din ang ibang empleyadong nasa malapit lang. Lahat sila, tinapunan ako ng naaawang ekspresyon.
“Sir?” Bungad ko, pagkapasok na pagkapasok ko pa lamang sa opisina ng boss ko.
“Ano ito?!” Galit na galit na sigaw niya habang ipinapakita niya sa akin ang isang asul na folder. Lumapit ako sa unahan ng lamesa niya, para mas makita ko nang malapitan.
“H-hindi ko po alam, Sir?” Eh hindi ko naman talaga alam eh. Ano ba ‘yun? Ngayon ko nga lamanng nakita yun eh.
“Exactly! Hindi mo alam. Eh kasi, kanina pang umaga ito sa lamesa ko! Hindi mo man lang chi-neck?! Take this!” Sabay tapon ng folder sa harapan ko, konti na lang mahahagip na sana ng folder na ‘yun ang mukha ko. “I want that done in 20 minutes.”
Ha? Naku, eh may iba pa rin siyang ipinagagawa na kailangan kong matapos bago siya mag-lunch time. Kalahating oras na lang, lunch time na niya.
“S-sir may isa pa po kayong report na ipinagagawa sa akin baka po hin—“
“Hindi mo na kaya?! Sabihin mo lang, hindi mo na ba kaya?!” Galit na galit ang mukha niya.
Masama ang pakiramdam ko. Masakit ang ulo ko. Giniginaw ako. Nahihilo ako. Masakit ang Tiyan ko. Nasusuka ako. Masakit ang kalamnan at kasukasuan ko…. Pero kaya ko ito.
“K-kaya ko po, Sir.”
“Then get out of my sight and do it!”
Ang lakas ng boses niya, I’m sure naririnig din ng iba ko pang mga kaupisina ang pagbulyaw niya.
“Kailangan mo ba ng tulong, Sam?” Tanong ni Pia, habang hindi na ako magkanda-ugaga sa mga kailangan kong tapusin in the next few minutes. “Salamat, Pia. Pero alam mo naman na ayaw niya ng ganun. Kapag ako ang inutusan niya, ang gusto niya ako ang gagawa.
“Grabe na talaga ‘yang boss mo, isumbong mo na kaya sa Department of Labor and Employment. Abusado naman masyado eh. Kahit nga ang boss ko, naawa na sa iyo. Siya na nga ang minsang nasasabi sa akin na tulungan kita”
“S-salamat na lang talaga, Pia. Kaya ko na ito.”
“Ano ba yan, Samantha?!” Habang hinahawakan niya ang leeg ako noo ko. “Inaapoy ka ng lagnat ah. Nagpapakamatay ka ba? Kung nagpapakamatay ka, sabihin mo lang, may alam akong malapit na train station diyan, magpasagasa ka na lang para matapos na ang paghihirap mo.”
Hindi na ako umimik. Kailangan ko kasi talagang tapusin ang ginagawa ko and I do not have much time.
“Eh kaya naman pala hindi natatapos ang trabaho ng sektretarya ko, inaabala mo!” Sigaw nang boss ko kay Pia, lalo na akong nataranta. Bumilis ang tibok ng puso ko sa sobrang kaba, sinabayan pa ng sama ng pakiramdam ko. Hindi pa ako tapos, wala pa nga ako sa kalahati. Tiyak masisigawan na naman ako. Para tuloy gusto ko nang umiyak.
“Naku, Sir ha? Bintangero ka.” Sagot naman ni Pia, “Ang sabihin niyo, hindi talaga matatapos ang sekretarya niyo, dahil nakabaon siya sa isang tambak na trabaho na dapat ginagawa ng tatlong tao.” Nakataas ang isang kilay habang nakahalukipkip pa siya na parang hindi natatakot sa boss ko, “Tapos gusto niyong tapusin niya ng kalahating oras ang trabahong pang-kalahating araw? Bet ko kahit si Wonder Woman hindi kaya ‘yan no?” Sinenyasan ko na siya para tumahimik na, pero hindi niya ako pinansin. “F.Y.I. lang po Mr. President slash CEO, kahit ipasesante niyo ako eh kailangan ko na talagang sabihin ito… ilang araw na pong masama ang pakiramdam niyang sekretarya niyo, inaapoy na nga sa lagnat ngayon o, tapos binubugbog niyo pa sa trabaho. Hindi niyo ba nakikitang bumagsak na ang katawan niya simula ng magtrabaho sa inyo. Bawal sa Labor code ang mang-abuso ng empleyado alam niyo ba ‘yon? Hmp.” At umismid pa talaga ang bruhilda haha!
Nagulat man ako sa pagtatanggol sa akin ni Pia, mas nagulat ako na wala mang lang sinabi sa kanya ang boss ko. Nginisian lamang nito si Pia at saka bumaling lang sa akin.
“Will you come to my office, Miss Cruz?” Kalmadong sinabi nito sa akin, “And you, Miss Alvarez” Seryosong direkta niya kay Pia, “You better go back to your desk and do what you’re paid to do, bago kita tuluyang bigyan ng pink slip!” Ngumisi ulit ito kay Pia at saka pumasok ulit sa kanyang opisina.
Napakagat naman ako sa kuko ko at sandaling sumulyap sa nakangising si Pia. Ibang klase din ang babaeng yun, hindi natatakot masisante.
“Sit down.” Habang itinuturo ng boss ko ang isa sa dalawang upuan sa harap sa lamesa niya. Umupo naman ako.
Ilang saglit din ng katahimikan ang bumalot sa silid na iyon. Puro buntong-hininga lamang niya ang naririnig ko habang nakikita ko ang pag-iling niya sa aking peripheral vision. Nakayuko ako, hindi kasi ako makatingin sa kanya ng diretso. Sa una kasing pagkakataon, hindi ko matapos-tapos ang ipinagagawa niya sa aking trabaho.
“Hindi ka pa ba susuko?” Binasag na niya sa wakas ang katahimikan.
Umiling lang ako. Sumulyap sa kanya sandali at muling yumuko.
“I think you should quit.” Malamig na sabi. “I don’t think kaya ng katawan mo ang demands ko sa trabaho mo rito.”
“N-No sir. Kaya ko po ito. Wag niyo po sana akong sisantihin Sir. Tatapusin ko po kaagad ang lahat ng pinapagawa niyo, pangako…”
Muli siyang nagbuntong hininga. At pagkatapos ay ngumisi.
“It’s good to know na siryoso ka na talaga sa pagbabagong buhay mo… Samantha.”
Ha? Samantha? This is the first time he ever called me by my first name. At ano itong sinasabi niya? Anong alam niya tungkol sa akin. Walanghiyang Jonathan ‘yun, ano kaya ang sinabi niya. Siya lamang naman kasi ang suspect ko na posibleng magsabi sa kanya ng kahit anong tungol sa akin. Sino pa ba?
“Hindi mo talaga ako namumukhaan don’t you?” This time ay tatawa-tawa siyang parang isang binatilyong kinikiliti.
Tiningnan ko siya, at saka dahan-dahang umiling.
Ano kayang sinasabi nito?
May kinuha siya sa drawer. Isa iyong litratong inabot niya sa akin. Kinuha ko iyon at tiningnan. Litrato iyon ng isang lalaking balabas sarado, na may mahabang alon-alon na buhok. It took me a minute or two to remember the man in the picture. Mukhang pamilyar nga ang lalaking iyon.
OMG!
Alam ko na….
Naalala ko na…
Holy Shit!
***
He’s moaning non-stop.
Grabe naman itong balbas sarado kong customer! Mukhang may edad na, ang lakas pa rin ng resistensya at ang galing niya, pati tuloy ako nag-enjoy.
Sa unang tingin, akala ko ay pinuno siya ng isang kultong naligaw sa siyudad. Pero ayon sa una kong bugaw na si Madame Purple, ay mayamang biyudo raw ito na sobrang depressed sa biglaang pagkamatay ng kanyang asawa.
“Oh, grabe ka!” Napasigaw na ako at napahawak ng mahigpit sa unan ko. Paano ba naman ay pinapapak niya ang ibaba ko habang sinusundot ng butterfinger niya ang yungib ko. Ang sarap, grabe. Nasabunutan ko tuloy siya nang hindi oras, habang iniaangat ko ang balakang ko at inginungudngod sa mukha niya ang kayamanan ko “Oh, fuck!” Nang marating ko ang gloria–alam kong tumirik pa ang mga mata ko kasabay ng paninigas ng buong katawan ko. Grabe talaga ang galing talaga niya.
“Heto.” Malumanay niyang sinabi habang iniaabot niya ang limang-libong piso.
“H-huwag na.” Matindi ang pangangailangan ko pero nakukunensya ako kasi… “Nag-enjoy din kasi ako.”
“Akala ko ba kailangan mo ng pambayad sa apartment mo?”
“Ah… eh… wag mo na intindihin yun. Uutang na lang ako sa kaibigan ko.”
Dahil do’n, shit. Nakailang round pa kami sa motel na ‘yon. Nagkakuwentuhan pa kami in between. Ikinuwento niya ang sobrang pangungulila niya sa asawa niya at ang pagmamahal niya rito kahit sandali pa lamang silang magkasama. Matagal na panahon din daw siyang naging bachelor lamang hanggang ma-inlove na nga siya at nagpakasal sila. Malaki rin daw ang agwat ng edad nila… kasing edad ko raw ang nasirang asawa niya. Nasa honeymoon sila nang maaksidente sila–nakaligtas siya, namatay ang asawa niya. It was a very sad love story, pati tuloy ako na-depress.
“Sayang, hindi man lang kayo nagkaanak.” Sabi ko. “Pero, may anak ka naman siguro sa iba ano?” Ang usisera ko talaga. Umiling lamang siya. Wala raw siyang anak o kahit kamag-anak na kilala. Mag-isa na lamang daw siya sa buhay.
“Ihahatid na kita.” Aniya habang nagbibihis kami.
“Naku, huwag na. Marami namang taxi riyan sa labas.”
Pero nagpumilit siya. Inihatid pa rin niya ako. Ang kinalabasan nag-ano ulit kami. Do’n naman sa apartment ko. Hindi na nga kami umabot sa kuwarto.
“Samanatha…” Ungol niya habang nag-uurong sulong ang harap niya sa yungib ko. Nakatuwad ako sa ibabaw ng sofa, habang minamaneobra niya ako sa likod.
“Fidel…” Daing ko pabalik.
Itinuloy pa namin iyon ng ilang beses sa aking kama. Nagganun lamanng kami ng nagganun hanggang mag-umaga. We can’t get enough of each other, I don’t know why, pero nagustuhan ko talaga siya.
Umaga na nan umalis siya. Nangako pa nga siya na babalik siya kapag naayos na niya ang sarili niya. But unfortunately, iyon na ang naging huli naming pagkikita. Posibleng dahilan? Tuluyan na akong na-evict sa apartment ko; hindi kasi ako nakabayad. Nagkasira naman kami noon ng unang bumugaw sa akin na si Madam Purple, kaya nawalan na kami ng common contact.
Kundangan naman kasing puro sex lamang ang inatupag namin n’ong araw hanggang madaling araw na yun. Hindi ko man lamang tuloy nakuha ang number niya.
***
Natulala ako sandali sa litrato at saka unti-inting tumingin sa kanya. Nakangisi pa rin siya… nailang tuloy ako.
Siya ba yun? Oh no!
“Naalala mo na?”
Yumuko na lamang ako at hindi na umimik. Ito na siguro yung isa sa mga pagkakataong gusto ko na lamang maglaho sa kinauupuan ko.
“Now,” Dagdag niya, “I’ll ask you again… Sumusuko ka na ba?”
Wala na akong magawa, kaya’t umiyak na lamanng ako. Mukha yatang kahit anong gawin ng isang katulad ko ay nakatatak na ang pagiging puta sa balat ko. Akala ko, ito na ang pag-asa kong magbago ang takbo ng buhay ko. Ang malas ko naman.
“Sinisisante mo na ba ako?” Umiiyak kong tanong sa kanya.
“Oo.” Nakabungisngis pa ito, “Dahil iuuwi na kita, pakakasalan at paliligayahin sa kama ko araw at gabi!” Tumayo siya sa kanyang kinauupuan, lumapit sa akin, itinayo akong pigil ang magkabila kong braso, at pagkatapos ay itinaas ng kanang kamay niya ang baba ko bago niya sinabi ang, “Samantha Cruz…you’re FIRED!” At saka niya hinalikan ang aking mga labi.
####################################
KABANATA 14
####################################
Karl’s P.O.V.
Isang buwan ko na rin siyang sinusundan at tinitingnan lang sa malayo malapit sa bagong pinagtatrabahuhan niya o kaya naman ay sa apartment niya. Minsan ay sinusuwerteng makita ko siya, minsan naman ay hindi. Kaya naman hindi ko malaman kung saan-saan ba siya nagpupunta.
Ano na naman ba ito Samantha?
Natanaw ko kasi ngayon na nakaakbay na sa kanya ang putang inang matandang iyon na parati niyang kasama. Napag-alaman kong iyon si Fidel Jimenez, singkwenta’y singko anyos, Presidente at CEO ng pinagtatrabahuhan niyang kumpanya bilang sekretarya.
Kung hindi niya hinahawakan ngayon si Samantha, wala sanang problema. Pero lintek! Akin si Samantha kaya huwag siyang mang-agaw ng hindi kanya.
“Karl, ano ba?”
Hinila ko ang braso ni Samantha bago pa siya nakasakay sa kotse ng matandang ‘yun.
“Teka, sino ka ba?!” Maangas na tanong sa akin nung matanda.
“Ako ang Fiancé niya, ikaw? Sino ka?!” Buong yabang kong banat sa kanya. Mag-iingat siya, dahil kahit magkasing tangkad lamang kami ay mas bata at mas malakas ako sa kanya. Kayang-kaya ko siyang patumbahin.
“Is that true, Saman—-“
“Hell no!” Sigaw ni Samantha sabay bawi sa braso niya. “He’s just my step-brother!”
“Siya ba?” At nakangising tinignan ako ng matanda mula ulo hanggang paa–at pabalik.
“Ako ba ang ano?!” Naiirita kong tanong sa Fidel Jimenez na yon.
“Ikaw ang walanghiyang nangmolestya sa kanya noong dose anyos pa lamang siya? Ang puno’t dulo ng pagkasira ang buhay niya!”
Natigilan ako. Ganoon na ba sila ka close ng lalaking ito para sabihin ang ganoong kasensitibong impormasyon? Tiningnan ko si Samantha, nagbabaga ang kanyang mga mata.
“Pabayaan mo na ako ‘kuya’ Karl. Hindi na ako babalik sa iyo!”
Eto na naman. Tinawag na naman niya akong Kuya!
“At kanino ka sasama? Sa gurang na ‘to?” Dinuro ko si Fidel.
“Oo!” Buong tapang niyang ipinamukha sa akin.
Hindi ko iyon matanggap. Puta. Parang tinapakan na rin niya ang pagkalalaki ko ah. Namoo ang poot sa dibdib ko. Ang tagal ko siyang hinanap. Kung ano-anong aberya ang pinagdaanan ko para makasama ko siyang muli, tapos ganito?
“Bakit Samantha? Mas marami ba siyang pera?” Intensyon kong galitin siya. “Mas magaling ba siya sa kama?” Instensyon kong insultuhin din ang matanda.
Nakita ko ang pagsulyap niya kay Fidel.
“Hindi ko kailangan ang pera niya, kagaya ng hindi ko kinailangan ang pera mo noon. Kung meron man akong kinuha sa iyo, alam na alam mong pinagtrabahuhan ko ang mga iyon.” Kalmado ang pagkakasabi niya, “Gusto mong malaman ang totoo? Oo, mas magaling siya sa iyo… mas sobrang mas magaling siya sa iyo sa kama.” Sabay ngiti kay Fidel na nginitian din siya pabalik. “Mas magaling siya sa iyo sa lahat ng bagay. Kaya kung may awa ka pa sa sarili mo, wag na wag kang makikipagkumpitensya sa kanya. Mas may edad nga siguro siya sa iyo, pero walang-wala ka pa sa kalingkingan niya!”
Fuck! What the fuck is wrong with her.
Wala ito, pinasasakitan lang ako ng babaeng ito. Paano naman kasing mas gagaling pa sa akin sa kama ang lalaking ito? Ang sabihin niya, baka hindi na tinatayuan.
Hindi ako susuko. Hindi ako nagtiis na malayo sa kanya ng mahabang panahon para lang sumuko sa mga kasinungalingan niya. Mas magaling daw sa akin? Sinong niloko niya? Yung gurang na iyon, kumakasa pa? Sinungaling! Susundan ko siya kahit saan siya magpunta. At ipamumukha ko sa kanya na alam ko ang mga kasinungalingan niya.
***
“Hindi mo naman kailangang gawin ‘yan Fidel.” Tumatawa siya. Sinundan ko sila sa isang posh restaurant. Trying hard naman masyado ang matandang iyon na umarkila pa ng manghaharana kay Samantha. Lumang style na yan. Katulad niyang luma na rin. Matanda, gurang… tuyo na.
“Will you marry me?!” Sabay abot ng diamond ring. ‘Yan lang ba ang size ng bato? Eh di hamak naman na mas malaki diyan ang binili ko kay Samantha ah. Tingnan ko nga kung talagang kayang sikmurain ni Samantha ang maging asawa siya.
I doubt it.
Ako ang mahal niya.
Ako ang gusto niya.
Hindi siya.
Ginagamit lamang siya ni Samantha para pasakitan ako… para pagselosin ako. Hindi totoo ang palabas na ito. Hindi totoo ang relasyon na ito.
“Yes.” Sabay hagikhik.
She said what?
Yes?!
Anong kagaguhan ito? Hindi ito totoo… baka alam lamang niya na naririto ako at sinusundan siya. Gusto niya lamang siguro akong pasakitan. Hindi niya talaga gusto ang matandang amagin na yun!
Pero kailangan kong kumilos. Nakakapikon na eh.
“Ano ba Karl! Huwag ka namang manggulo dito!” Hiyaw sa akin ni Samantha habang nag-uumalpas sa pagkaladkad ko.
Napansin ko naman na sinundan kami nung matanda hanggang sa parking lot. Nang dahil doon ay huminto ako, hinila si Samantha papalapit sa akin, kinuha ko ang singsing sa daliri niya at isinaksak iyon sa dibdib ng matanda.
“She is mine!” Singhal ko sa kanya at saka kinaladkad si Samantha pasakay sa kotse ko at dali-daling umalis sa lugar na iyon.
“What the fuck is the matter with you?!” Sigaw ni Samantha habang sinasapak niya ako habang nagmamaneho.
Sige lang Samantha. Saktan mo lang ako. Mas mamatamisin ko pa ang mabugbog mo kaysa ang mawala kang muli sa buhay ko.
Hindi ako umiimik sa kabila ng pag-iyak, pag-sigaw at pag-wawala niya. Tiniis ko ang pisikal na pananakit niya hanggang makarating kami sa townhouse na binili ko talaga para sa bubuuin sana naming pamilya . Wala pang mga gamit ito sa loob kaya naman parang napakaluwang ng espasyo. Malawak ang sukat ng buong property, kasama ang lupa kaya naman malayo-layo kami sa mga kapitbahay.
Perfect. Magsisigaw man siya rito sa galit. Walang makakarinig.
“I hate you! I hate you!” Umiiyak na sigaw ni Samantha. Niyayabog niya ang dibdib ko, sinasampal ang mukha ko at itinutulak ako palayo sa kanya. Hindi ako kumibo. Pinabayaan ko lamang siya. “Ano pa ba ang kailangan mo sa aking hayup ka! Bakit hindi ka na lang magpakaligaya kasama si Danica?” Sabay talikod at humarap sa dingding para ‘yon naman ang napagdiskitahan niyang sipain at tampalin, habang nakayukong nakatungkod ang kanyang ulo sa pader.
“Tapos ka na ba?” Malumanay kong tanong. “Pwede na ba akong magsalita?”
“Para ano pa?” Humarap na siyang muli sa akin. “Wala na rin naman akong pakialam kahit ano pa ang paliwanag mo ‘kuya’ Karl! Ang gusto kong magyari ay ang lubayan mo na ako.” Sabay kuha sa high-heeled shoes niya at magkasunod na ibinato sa akin. Tumama ang isa sa dibdib ko, habang tumama naman ang heel nung isa sa lower lip ko–dumugo kaagad ito. “I-I’m sorry…” Natataranta namang sambit niya habang hahawakan na sana niya ang sugat ko. Pero bago pa umabot ang kamay niya sa labi ko ay hinablot ko na ang kanyang kamay, hinigit siya papalapit sa akin at saka siya hinalikan. Ramdam ko sa mga halik niya ang pananabik niya sa akin, pero bigla na lamang niya akong itinulak at…
“Umuwi ka na sa nobya mo! Isoli mo na ako sa nobyo ko.” Mahinahon niyang utas.
“Sam, hindi ko nobya si Danica. She’s a delusional sick girl na anak ng isa sa mga kasosyo ko sa Hong kong. Hindi ako kumontra sa mga pinagsasabi niya sa bahay noon dahil ayokong doon pa siya sumpungin ng pagwawala sa bahay at mapahamak pa kayong dalawa ni Papa. She is cilinically depressed and has violent tendencies. May muntik na nga siyang mapatay noon dahil nabaril niya yung huling lalaking kinahumalingan niya. Kung makikita mo rin ang wrists niya, marami iyong bakat ng paglalaslas… She’s crazy and suicidal. Hindi totoong tinatawagan ko siya araw-araw. In fact, I never called her ever. Hindi ko alam kung paano niya nalaman ang tungkol sa iyo at kung ano ang dati mong trabaho, but I swear I never told her that! The truth is, nagtataka rin nga ako kung paano niya nalaman ang bahay ng Papa! Hindi ko alam kung paano niya ako natunton. Please Samantha… please maniwala ka.”
“At bakit naman ako maniniwala sa iyo?”
“Dahil ‘yon ang totoo. Pero sige may aaminin ako sa iyong isa na dapat noon pa man ay sinabi ko na sa iyo… siya at ang kunsintidor niyang Papa ang dahilan kung bakit gusto ko nang magpakasal tayo kaagad. ‘Yun ang totoong dahilan kung bakit kita minamadali. Dahil gusto kong lubayan na niya ako.”
Hindi siya umimik.
“At itong bahay na ‘to,” Dagdag ko. “Binili ko ito para sa atin Sam. At ito…” Sabay dukot ko sa isang maliit na box at binuksan iyon sa harapan niya, “Ito ang diamond ring na dapat suutin mo.” Hindi ko na hinintay ang sagot niya. Isinuot ko na ang singsing sa kaliwang palasingsingan niya. “Tatanggapin ko ang sinabi mong mas magaling ang Fidel na iyon sa akin sa lahat ng bagay. Siguro nga, because I was a jerk. Isa lang ang hindi ko matatanggap… hindi ko matatanggap kung sabihin mo na mas higit ang pagmamahal niya sa iyo. Dahil mahal na mahal kita sa Samantha. Kung sa kabila ng mga pinagdaanan natin ay siya pa rin ang pipiliin mo, mas mabuti pang patayin mo na lang ako. Maari ngang hindi ako marunong magpakita ng pagmamahal… pero ikaw lang!” Pumipiyok na ang boses ko, “Ikaw lang at wala ng ibang kayang mahalin ang puso ko.”
At tuluyan na ngang umagos ang mga luha ko habang napaluhod na ako sa kanyang harapan. Unti-unti ko namang naramdaman ang kanyang mga kamay na sinapo ang aking mukha at bahagyang hinihigit pataas–isang hudyat na gusto niya akong tumayo. Tumayo naman ako, tinitigan ang kanyang mukhang basang-basa na ng mga luha. Hinipo niya ng bahagya ang sugat ko sa labi at saka niya ito hinalikan.
“I love you, Sam.” Basag ang boses ko. “Please marry me. Kung mawawala ka… that will be the end of me. I swear… that will be the end of me.”
####################################
KABANATA 15
####################################
Karl’s POV
“I’m sorry, Karl. Siguro nga, mahal pa rin kita.” Sabi niya, sabay hubad sa sing-sing na isinuot ko sa kanya, kinuha ang aking kanang kamay at ipinatong iyon sa aking palad. “Pero… mahal ko na rin si Fidel. He’s been good to me, kaya… hindi ko siya pwedeng iwanan ng ganun na lang. Nakapangako na ako sa kanya.” Umiiyak siya. Halatang nahihirapan ding sabihin ang mga pinagsasasabi niya. “At wala na akong balak itong bawiin.”
“P-pero Sam… mahal na mahal kita. Wag mo nam—” Pumipiyok kong sagot sa kanya na hindi naman niya pinatapos.
“Sa iba mo na lang ibaling ang pag-mamahal mo, Karl.” Biglang inihinto niya ang kanyang pag-iyak, kasabay ng biglang panlalamig ng expression ng kanyang mukha, “Sa dami ng pinagdaanan nating aberya at sa paulit-ulit na pamamagitna ng mga humahadlang. Malinaw pa sa sikat ng araw na hindi talaga tayo para sa isa’t isa. Pabayaan mo ba ako. Isoli mo na ako kay Fidel. Sa kanya na ako. Hindi na ako babalik sa iyo.”
Para namang gumuho ang mundo ko. Hindi ko tuloy alam kung anong susunod na gagawin ko. Wala naman akong magawa… alangan namang pilitin ko siya kung ayaw na niya sa akin.
Kasalanan ko ito. Hindi ko siya pinag-ingatan. Hindi ko siya tinrato ng maayos. Hindi ko naiparamdam ang pagmamahal na dapat ay noon ko pa ipinaramdam sa kanya. Nasa akin na siya mula pa sa simula, pero dahil hindi ako marunong manindigan para sa kanya, ay paulit-ulit ko siyang naiwawaglit… at ngayong nga’y tuluyan na nga yatang mawawala na siya sa mga palad ko.
“Ikinasal na pala si Samanatha kay Fidel Jimenez?” Sambit ni Papa habang binabasa ang announcements sa broad paper. Nag-aagahan kami ngayon ng magkasabay. Kailan ko lang napag-alaman na mag-kakilala pala sila ng p*tang inang gurang na yon! Dati raw silang magkasama sa Chamber noong mga panahong active pa si Papa sa aming mga negosyo.
Hindi ako umimik. Pero kita ko naman sa gilid ng aking kanang mata na nakatingin siya sa akin. Alam niyang naaapektuhan ako. Alam niyang nasasaktan ako. Pero para naman siyang nag-tatangatangahan sa pag-astang walang nalalaman. Kung meron man akong isa sa maraming maipipintas sa aking Papa… ito na yun. Mahilig siyang magpahapyaw at magparinig na para bang hindi niya ako kayang kausapin ng deretsahan.
“That will make Samantha wife number four, then.”
Number 4? Ganun na karami ang naging asawa niya. Ang p*tang inang yon?! At isinama pa talaga niya si Samantha sa listahan niya?!
“Gaano niyo siya kakilala?” Matamlay kong tanong kay Papa.
“I don’t really know him personally. Ipinakilala lang siya sa akin ng isa sa mga Board of Directors natin ten years ago.”
“I see.” Mahina kong sagot. Nakatungo lang ako at nilalaro ang pagkain ko.
Wala akong gana. Wala na akong gana sa kahit ano. Marami sa mga negosyo ko overseas ang iginive-up ko na, wala na rin kasi akong ambisyon. Bahala na lang. Itong local businesses na lang na dating pinapatakbo ng Papa ang itinutuloy kong patakbuhin. I have enough stress thinking about how miserable I am, ayoko ng dagdagan ang mga alalahanin ko.
“Ikaw ba? Kailan mo ba planong mag-asawa para mabigyan mo naman ako ng apo.”
Hindi ako umimik. Nakaka-buwisit naman kasi ang tanong niya. Alanganin. Parang nananadya; kaya umalis na lang ako, kesa naman alanganin ko rin siyang sagutin
“You are Karl, right?” Biglang bati sa akin ng isang pamilyar na mukha habang papasok ako sa lobby ng building ng Real Estate company namin. “Hindi mo na ba ako naalala?!” Nakangisi ito.
“Ikaw si…” Pinipitik ko ang kanang daliri ko habang pinipilit kong alalalahanin kung sino siya. “Jonathan, right? We met at your mother’s wake?”
Isinama kasi ako noon ni Samantha sa wake ng nagpakamatay na ina nitong si Jonathan. Hindi rin naman sikreto sa akin ang namagitan sa kanilang dalawa; they used to be… friends with benefits.
“Mabuti naman naalala mo pa ako. Kamusta?”
Hindi ako nakapagsalita, alam kong nahalata niyang lumamlam ang aking mga mata.
“Ano bang nangyari sa inyo?” Tanong niya. Alam kong sa amin ni Samantha ang tinutukoy niya.
Nagkibit balikat lang ako.
“If this is breaking you I hope you are not taking this against me,” Dugtong niya na hindi ko naman masyadong maintindihan, “Hindi ko naman alam na nagkakalabuan kayo noong mga panahong inirekumenda ko siya kay Fidel.” Aha! At siya pala ang dahilan ng pagkakakilanlan noong dalawa! “Hindi ko rin naman kasi alam na, dati na silang magkakilala ni Fidel.”
Huh?! So hindi pala siya ang naging tulay? Now, I am really confused. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa malinaw sa akin kung paano sila nagkakilala.
“Don’t worry about it. It’s not your fault.” Sagot ko sa kanya ng may pekeng ngiti.
Peke ang ngiti ko… kasi yun lang ang kaya kong ibigay sa ngayon. Ang totoo… hindi ko na alam kung makakangiti pa ako ng totoo.
Hindi na siguro.
“Medyo diskumpyado ako sa Fidel Jimenez na yan,” Sabi naman ng isa sa mga Board of Directors ng aming kumpanya. Ito yung Board of Director na tinutukoy ni Papa na nagpakilala sa kanya kay Fidel Jimenez ten years ago. Malakas ang pakiramdam kong sinadya niyang magpaiwan after ng aming Board Meeting para kausapin ako. “Lahat ng naging asawa niyan, namatay. Bukod doon sa ikatlong asawa, napaka-questionalble ang pagkamatay noong dalawang nauna.”
“A-anong ibig mong sabihin?”
“Eto, sa atin na lang dalawa ha?” Pabulong ang pagkakasabi niya, “Hindi naman marangya ang pinagmulan ng Fidel na yan eh. Isa nga lang siyang Clerk noon na nakursunadahan ng mas higit na nakakatandang amo niyang tagapag-mana ng lahat ng ari-arian ng pamilya nila. Nagpakasal sila noon na walang pre-nuptial agreement. The next thing we’ve heard, namatay ang babae. Nalunod daw diumano sa swimming pool sa bahay nila.”
“Ano naman ang questionable doon?”
“I knew his first wife personally. That woman was a swimmer during her younger days. Kinlaro ng nag-autopsy sa kanya, na hindi siya na-stroke o inatake sa puso, kaya’t impossible yung haka-haka ng ibang tao na baka raw inatake sa puso o na-stroke while swimming in the middle of the pool kaya hindi ito nakaahon at nalunod. C’mon! Some people may be idiots to believe that ridiculous story, but I am not one of them.”
F*ck! Ano bang gustong iparating nitong kausap ko? Na dapat akong mag-alala?! Aanhin ko pa ang pag-aalala kung wala na rin naman akong magagawa tungkol sa amin ni Samantha?!
“The second wife, was an ordinary woman na diumano’y nakilala niya sa beerhouse. The next thing I learned, ay pinakasalan na niya ang babaeng yun. Pero you know what? Wala pang isang buwan ay nabalitaan ko, na humingi daw ng tulong ang babaeng iyon dahil sa diumano’y seksual na pang-aabuso at pambubugbog ni Fidel sa kanya. Walang naniwala sa kanya dahil na rin siguro sa pinag-mulan niya. Ilang buwan ang nakalipas, bigla na lang inireport nitong si Fidel sa pulisya na kinidnap daw ang asawa niya. Ang sa akin naman… kung talagang kinidnap? Eh bakit walang nahuling mga kidnappers? Ang nakita na lang, ay ang bangkay ng asawa niya sa tambakan ng basura, na tadtad ng galos at pasa sa katawan.”
Hindi ako makapagsalita. Sa totoo lang, para akong nabibingi, na napipi, na nanlalabo ang paningin.
“Diretsahin mo na ako.” Sagot ko, na pilit itinatago ang panginginig, “Bakit mo sinasabi ang mga ito sa akin?”
Alam ko naman kung bakit. Dahil hindi naman lingid sa kaniya ang naging relasyon namin ni Samantha. Maaring concerned lang siya. Pero siyempre, gusto ko pa ring marinig mula sa kanya ang motibo niya para sabihin sa akin ang ganoong kalalalim na mga bagay tungkol sa p*tang inang gurang na yon!
“Concerned lang ako sa step-sister mo, o shall I say, dating nobya mo. Kargo ng kunsensya ko, kung may mangyari sa kanya na wala man lang akong ginawa para sabihan ang mga taong malalapit sa kanya. Dahil alam mo? Sa totoo lang? Kahit mukhang aksidente ang nangyari sa ikatlong asawa niya, dahil na rin sa nag-agaw buhay din noon si Fidel, ay hindi ko maiwasang mag-isip ng teyoryang may kinalaman din siya sa aksidenteng iyon.”
“Anong teyorya mo?”
“Bago kasi sila umalis papunta sa honeymoon nila sa ibang bansa, may isang binatilyong nagsumbong sa isa sa nga katulong ni Fidel, na humingi raw ng tulong sa kanya ang pangatlong asawa ni Fidel. Napag-alaman ko, na ang binatilyong iyon, ay anak ng hardinero ni Fidel. Ayon sa binatilyo, nakita raw niya sa bintana ng isang silid sa mansyon, na pinasasayaw daw ni Fidel ng walang saplot ang kanyang ikatlong asawa, habang may nakasoot pa raw na blonde na wig. Alam daw naman ng binatilyo na labag ito sa kalooban ng babae, dahil umiiyak daw ito. Bago raw umalis ang mga ito papunta sa ibang bansa ay binulungan daw siya ng babaeng iyon ng mga katagang ‘tulungan mo ako’ hindi naman daw niya inakalang, iyon na ang kahulihulihan nilang pagkikita.”
Napipi na naman ako. Ano pa ba kasi ang masasabi ko? Ano ba ang magagawa ko gayong wala na akong karapatan kay Samantha? Malinaw na sinabi niya sa akin na mas makabubuting hindi na kami magkita, kaya naman ni cellphone number niya ay hindi ko alam. At kung sakali mang magkita kami para balaan siya, maniniwala ba naman siya?
“Pasensya ka na, Jonathan. Desperado lang. Kailangan ko lang makausap si Samantha. May paraan ka ba para makausap siya?”
Pinuntahan ko na itong kaibigan ni Samanthang si Jonathan. Siya lang kasi ang naiisip kong puwedeng makatulong sa akin.
“Bakit? Humahabol ka pa ba?” Tatawa-tawang tanong niya.
Hindi ako umimik. Umasa na lang akong mababasa niya ang labis na pag-aalala sa aking mukha.
“Kung balak mong mang-agaw ng asawa ng may asawa, hindi kita matutulungan diyan pare.” Sinabi na niya nang mapansin niyang hindi ako makapagsalita. “May asawang tao rin ako, at ako na ang nagsasabi sa iyo… ang sino mang magtangkang agawin ang asawa ko, eh babalatan ko ng buhay!”
“Gaano mo ba kakilala si Fidel Jimenez?”
“Bakit mo naman naitanong?”
“Alam mo ba na ikaapat na niyang asawa si Samantha?”
“Oo.”
“So siguro alam mo rin ang naging kapalaran ng lahat ng mga dati niyang naging asawa.”
Tiningnan lang niya ako ng salubong ang kilay at saka nangbuntong hininga.
“Yes.” Sinabi niya sa wakas.
“So ano? Hindi ka man lang ba nagtataka na lahat sila, patay na?!”
Noon ko na nakitang nagbago ang ekspresyon ng kanyang mukha. Ang kaninang nakangisi, ngayon ay nakasimangot na.
“There are things that are really not of my business. Fidel Jimenez is just my business partner, no more, no less. Kaya nga hangga’t maari, ay ayokong pakialaman ang personal na buhay niya. Pero kung sinasabi mo sa akin ngayon, na nasa panganib ang kaibigan kong si Samantha sa kamay niya, anong gusto mong gawin ko para sa iyo?”
“Hindi rin ako sigurado, Jonathan. Ang alam ko lang… gusto kong mailayo si Samantha sa panganib. Payag na nga ako kahit hindi na kami pwede magkasama, basta’t ligtas lang siya at humihinga pa.” Alam kong nanlilingid na ang aking mga luha. Bagama’t pinipigilan ko ang mga ito sa pagpatak.
Nakita ko naman sa mukha ni Jonathan ang simpatiya para kay Samantha.
“I’ll see what I can do, Karl. Ibigay mo sa akin ang numero mo. Tatawagan na lang kita kung ano’t ano pa man. Eto,” Sabay abot niya ng kanyang business card, na inabot ko naman. “Tawagan mo na lang ako kung may kailangan ka. I prefer na sa cellphone mo ako tawagan. Kung si Fidel Jimenez kasi ang kakabanggain natin dito, mas mabuting wala siyang nalalaman sa ugnayan natin.”
“Salamat.” Inabot ko sa kanya ang business card ko na inabot din naman niya. “Tatanawin ko itong isang malaking utang na loob.”
“Saka ka na magpasalamat kapag may nagawa na ako.”
####################################
KABANATA 16
####################################
Samantha’s P.O.V.
Strikto at ruthless maging boss si Fidel, pero mabait at malambing naman siyang asawa. Halos lahat ng bagay ay napagkakasunduan namin, hindi tulad namin ni Karl noon na wala nang ginawa kundi ang magbangayan. Mukhang tama nga ang naging desisyon ko nang si Fidel and pinili ko, dahil kung si Karl siguro ang napangasawa ko, pihadong araw-araw ang pagtaas ng presyon ko.
Lahat na yata ng pag-aalaga ay ginawa na sa akin ni Fidel, feeling ko tuloy, reyna ako. Wala pang nag-alaga sa akin ng ganito… not even Karl.
“Fidel…”
“Yes?” Nakangiting sagot niya.
Nakaupo kami ngayon sa aming kama. Nagbabasa ako ng paborito kong nobela habang abala naman siyang nagta-type sa laptop niya. Tsk. Workaholic talaga.
“Gaano mo na katagal dito si Leticia?”
Ang tinutukoy ko ang ang kanyang masungit na mayordoma.
“Gaano nga ba?” Tumingin siya sandali paitaas na parang nag-iisip, “Actually, hindi ko alam… Mayordoma na kasi siya ng una kong asawa. Hindi ko na tinanggal, bilang kortesiya. Bakit?”
“Wala lang. Para kasing, ayaw niya sa akin.”
Tumawa naman si Fidel.
“Same here,” Sagot naman ni Fidel, “I don’t think she likes me either. ” Alam ko naman kasi na loyal ‘yan sa una kong asawa. Hanggang ngayon, alam kong iniisip pa rin niya na pinakasalan ko ang amo niya dahil sa pera. Hindi ko na lamang pinapansin.” Nakatutok pa rin ang kanyang mga mata sa laptop niya.
“Ang hirap hindi pansinin kung kasama ko siya dito araw-araw. Ewan ko ba, masama talaga ang kutob ko sa kanya. Paano naman kasi, kung tingnan niya ako eh, parang gusto na niya akong patayin.”
Napansin ko na natigilan si Fidel. Isinara niya ang kanyang laptop, ipinatong sa bedside table at saka tumagilid paharap sa akin.
“Bakit ganyan ka makatingin?” Tanong ko sa kanya. Kung makatingin kasi siya ay parang may gusto siyang sabihin na hindi niya masabi-sabi.
“Parang ganyan din kasi ang sinabi ng mga nasira kong asawa matapos ang una.”
Para naman akong binuhusan ng malamig na tubig.
“Ano ang sinabi nila sa iyo?”
“Na ganun nga, parang ganun nga makatingin sa kanila si Leticia.”
“Oo, at saka pati yung hardinero mo, parang masama lagi ang tingin sa akin. Parang nabubuwisit sila sa akin. Madalas ko nga silang nahuhuli na nagbubulungan, pero kapag nakikita nila akong papalapit, bigla silang naghihiwalay. Halata ko naman sa mga tingin nila na ako ang kanilang pinag-uusapan.”
Napakunot-noo si Fidel na ngayo’y nakatingin na sa kawalan, na para bang may malalim na iniisip.
“Hoy,” Sabay alog ko sa kaliwang balikat niya. “Ang lalim naman yata ng iniisip mo. Ano ba yan? Share ka naman dyan!”
“Pasensya na, may naalala lamang ako.”
“Anong naalala mo?” Dumikit na ako sa kanya habang hinahalikan ko ang jawline niya. Ginantihan naman niya ako ng smack sa labi.
“Pilit ko lamang inaanilalisa ang mga pangyayari sa buhay ko simula ng lumipat ako sa bahay na ito. Simula kasi ng lumipat ako dito. Katakot-takot na kamalasan na ang naranasan ko. Nando’n na yung, namatayan ako ng tatlong asawa kasama na yung bilis ng turn-over ng mga naninilbihan dito.”
Hindi naman inilihim sa akin ni Fidel na pang-apat na asawa na niya ako. ‘Yung una raw niyang asawa ay yung mabait niyang boss noon na nagkagusto sa kanya. Pareho raw silang mga wala nang malapit na kamag-anak at mahal sa buhay, kaya’t mabilis silang nag-click. Minahal naman daw niya ito ng totoo, kaya nga halos mabaliw siya nang mamatay ito. Ayon sa kanya. Namatay daw ito sa pagkalunod sa swimming pool. Wala raw siya sa bahay ng mga panahon na iyon, kaya’t hindi niya alam kung ano talaga nangyari. Ang sabi ng mga katulong, baka inatake raw sa puso, ang ipinagtataka naman daw niya eh wala naman daw sakit sa puso ang ex-wife niya na iyon. Ang totoo pa nga raw, she was physically fit at mahusay lumangoy. Kaya nga hanggang sa ngayon ay misteryo pa rin, maging sa kanya, ang tunay na dahilan ng pagkalunod niya.
‘Yung second wife naman daw niya ay nakilala niya sa bar, though naiinis siya sa common friends nila ng una niyang asawa, dahil sa press release ng mga ito na sa beerhouse raw niya ito nakilala. Nilinaw naman niya sa akin. Sa bar daw talaga at hindi sa beerhouse niya ito nakilala. Minamaliit lamang daw ito ng mga taong nakapaligid sa kanya, lalo na ‘yung mga hindi makatanggap na common friends nila ng first wife niya, na nag-asawa siyang muli.
Kapares ko, ay nagreklamo rin daw ito sa kanya sa masamang pagtrato sa kanya ng kanilang Hardinero at Mayordoma. May mga pagkakataon daw na feeling ng pangalawang asawa niya, ay may pinaplano ang mga ito laban sa kanya. Bigla na lamang daw nawala ang asawa niyang iyon. Akala niya, iniwan na siya, though nagtataka siya dahil wala naman daw silang pinagtalunan. Isang linggo raw mula sa pagkawala nito ay may tumawag sa kanya na halatang gumamit ng voice changer. Nagpakilala raw sa kanya ang mga ito na kidnappers. Hiningian daw siya ng mga ito ng 400 million pesos kapalit ng buhay ng asawa niya. Ang kaso, wala naman daw siyang ganoong kalaking halaga mula sa sarili niyang pera. Ayaw naman niyang gamitin ang perang naiwan sa kanya ng una niyang asawa. Ayon kasi sa kanya meron daw nawawalang anak ang una niyang asawa, na matagal na nilang hinahanap. Dito raw niya balak ibigay ang lahat ng naiwan ng kanyang unang asawa. Samakatuwid, hindi niya naibigay ang ganoong kalaking halaga. Ilang araw makalipas noon, natagpuan na lamang daw ang walang buhay na katawan ng kanyang pangalawang asawa sa tambakan ng mga basura.
May delikadesa. Iyan ang isa sa pangunahing katangian na nadiskubre ko kay Fidel. Nalaman ko rin na kaya pala siya workaholic, ay para walang masabi ang mga mapanghusgang mga taong nakapaligid sa kanya. Gusto niyang ipakita at patunayan sa mga ito na pinaghihirapan niya ang kung ano mang karangyaang tinatamasa niya ngayon.
Limang taon daw bago niya muling binuksan ang puso niya para sa ikatlo niyang napangasawa. Ang pangatlo niyang napangasawa ay totoong stripper. Nakilala daw niya ito sa isang nightclub. Kahit gano’n daw ang naging trabaho nito, ay tinanggap niya ito ng buong-buo. Na-inlove daw siya sa ikatlo dahil napakabait at napakalambing nito, ‘yun nga lamang daw, sobrang iyakin daw ito at sentimental. Hindi daw niya makalimutan noong gabi ng kanilang kasal, dalawang araw bago sila lumipad para sa kanilang honeymoon. Sinayawan daw siyag muli nito at pagkatapos ay iniyakan daw siya nito at saka paulit-ulit siyang pinasalamatan sa ginawa niyang pag-ahon sa kanya sa madilim na balon na kinasadlakan niya. Hindi niya inakalang iyon na ang huling pagsayaw niya sa para sa kanya. He was devasted when he lost her that quick.
“Kaya’t pasensya na kung dito lamang tayo nag-honeymoon sa bahay. Natatakot kasi akong may mangyaring muli. I want you to be my last, Sam. Mahal na mahal kita. Hindi ako makapapayag na may mangyari sa iyong masama.”
Grabe ang pag-aaruga niya sa akin, gano’n na rin sa pagbabantay. Kinuhanan pa talaga niya ako ng private security para may mga nagbabantay sa akin kapag nawawala ako sa kangyang piningin. At siyempre, tinupad din naman niya ang… dalhin ako sa langit araw at gabi. Ang swerte ko. ANg swerte ko talaga sa kanya.
“Marami akong kaaway, Sam. Maraming galit sa akin.” Habang magkayakap kaming namamahinga. “Karamihan sa kanila ay ang mga kaibigan ng una kong asawa.”
“Bakit naman?” Nakahilig ako sa kanyang balikat, habang nakasulyap sa napakaguwapo niyang mukha.
“Marami sa kanila ang naniniwalang ako ang may kagagawan ng kanyang pagkamatay para makuha ko ang kanyang kayamanan.” Napansin ko na maluhaluha na siya. “Hindi ako maglilihim sa iyo, Samantha… at sana ay hindi mo mamasamain kung sabihin ko na minahal ko talaga ang una kong asawa, at hindi ko siya pinakasalan ng dahil sa pera niya.”
“Naiintindihan ko naman yun, Fidel. Mas gusto ko nga kapag nagku-kuwento ka sa akin.”
“Mas lalong dumami ang kaaway ko nang malaman ng mga dati niyang mga kasosyo na lahat… hanggang sa huling kusing ay iniwan sa akin ni Ofelia.”
“Ofelia ba ang pangalan niya?”
“Oo. Nagkalapit kami dahil nagpatulong siya sa akin noon na hanapin ang kanyang nawawalang anak. Anak daw niya ito sa pagkadalaga. Kinuha raw ito sa kanya ng ama ng anak niya habang nasa Ospital pa lamang siya. Halos nawalan na siya ng pag-asang mahanap pa siya. At dahil wala daw siyang mapagkatiwalaan kundi ako, isinalin niya sa akin ang lahat ng kanyang ari-arian para hindi mapunta kung saan-saan ang kanyang mga pinaghirapan. Ipinangako ko naman sa kanya na hindi ko gagalawin ‘yun. Na oras na makita ko na ang kanyang anak, ibibigay ko ang lahat ng ito sa kanya.”
“May development ba sa paghahanap mo?”
Umiling siya.
“Para kasi akong naghahanap sa karayom sa damuhan. Lalo na at tatlong impormasyon at isang lumang litrato ng kanyang nobyo lamang ang aking batayan sa paghahanap.”
“Pwede ko bang malaman, pero igagalang ko naman kung hindi.”
“Sa ‘yo ko lamang sasabihin dahil buo ang tiwala ko sa iyo. Unang impormasyon ko na babae ang kanyang anak, pangalawa ang maliit na pulang birthmark daw nito sa gitnang batok, at pangatlo ay ang pangalan ng kanyang nobyo.”
“Anong pangalan?”
“Artemio Cruz.”
Katahimikan.
Artemio Cruz?! Kapangalan ng Papa ko?
“O, bakit natahimik ka?” Aniya.
“Ah wala, naalala ko lang ang Papa ko. Kapangalan niya kasi yun nobyo ng unang asawa mo.”
Siya naman ang natahimik.
Nakabibingi ang katahimikang ‘yon. Pareho kaming nag-animo’y estatwang hindi makagalaw.
“Patingin ng batok mo, Samantha.” Pagbasag niya sa katahimikang iyon-iginigiya niya ako na tumagilid patalikod sa kanya.
Naramdaman ko, na hinawi niya aking buhok, at marahang hinaplos ang aking batok. Ilang saglit pa’y nadinig ko na ang kanyang pagtangis.
“Hindi mo ba alam na may pulang birthmark ka sa batok, Samantha?” Sumisinghot-singhot siya.
Maliit lamang daw ito at nasa gitna.
Maya-maya’y naramdaman ko ang pagbangon niya. Tinungo niya ang cabinet at may kinuha sa wallet niya.
Litrato.
Iniabot niya iyon sa akin at…
“Ito ba ang Papa mo?”
Natulala ako. Parang nagblangko ang isip ko. Dahil oo, siya nga ang Papa ko. May litrato rin nga ako na katulad nito. Ako naman ang umalis sa kama at kinalkal ang mga gamit ko. Kinuha ako ang isang lumang photo album at ipinakita sa kanya ang eksaktong kuha ng Papa na katulad ng sa kanya.
Noon na kami nagkatinginan at magkasabay na napaiyak. Ibig bang sabihin nito ay hindi ko talaga tunay na ina ang walanghiyang si Clara? Iyon kaya ang dahilan kung bakit parang basura lamang ang pagturing niya sa akin?
“Kailangan nating ipa-annul ang ating kasal, Samantha.”
“Ha? Bakit?” Naiiyak kong tanong, “Hindi mo na ba ako mahal?”
“Hindi sa ganun,” Umiiyak din siya, “Mahal kita. At dahil nga sa mahal kita kaya kailangan ko itong gawin kahit labag ito sa aking kalooban. Kailangan kong gawin iyon para mailigtas ka sa mapanghusgang mga mata. Sinabi ko na sa iyo, na marami akong kaaway. Hindi ko alam kung bukas makalawa ay may magtangka sa aking buhay. Ayokong dumating ang panahon na iyon na iisipin nila na kinuha mo rin lamang ng basta-basta ang mga ari-arian ko at ni Ofelia. Kailangan nating ipawalang-bisa ang ating kasal kasabay ng pagsalin ko sa pangalan mo ng lahat ng ari-arian ni Ofelia. Kailangang malaman ng mga tao na ikaw ang nawawalang anak niya. Na wala silang karapatang husgahan ka na tulad ng panghuhusga nila sa akin, dahil ikaw, at walang nang iba, ang tunay at nag-iisang tagapa-mana ng lahat ng kayamanan ng mga De La Vega!”
“D-de La Vega?”
“Oo. Naiintindihan mo ba ako?”
Umiyak na lamang ako. Naiintindihan ko naman. Ayoko lamang talaga na maghiwalay kami. Mahal na mahal ko na si Fidel. At ngayong mas nakilala ko na siya ng husto, ay lalo lang akong nabaon sa pagmamahal ko sa kanya.
“Huwag ka nang umiyak. Para sa ikabubuti mo ang sakripisyo kong ito. Sana naman ay tanggapin mo.” At pinahid niya ang aking mga luha. “Bukas na bukas din, ay magpa-file na ako na annulment. Mahirap na itong ipagpaliban pa. Ayokong pagdaanan mo ang mga pinagdaanan ko kung sakali mang mamatay ako ng hindi oras. Gusto kong makasiguro na walang mananapak sa iyo, katulad ng pagyapak at pagsira nila sa pagkatao ko. Ilalagay kita sa pedestal kung saan ka nararapat, Samantha. Tulad ng alam kong gugustuhing makita ng tunay mong ina.”
Credit: Itim na nobela
Forbidden Love ⓒ DyslexicParanoia 13-16
Advertisements