Warning: Strong language.
Samantha’s P.O.V.
Hayup siya. Ang yabang-yabang. Kung pagsalitaan niya ako eh parang wala siyang contribution sa pagkasira ng buhay ko.
Putang ina niya.
Walanghiya siya.
Hindi ako dapat umiiyak. Dahil ipinangako ko sa sarili ko na gagantihan ko siya. Pero heto ako naiwan na namang luhaan… talunan. Wasak na nga ako, pero bakit parang hindi pa siya nakukuntento. Ano pa ba ang kailangan niya sa akin?
Siguro nalaman na niya ang ginawa ng Mama sa kanyang Papa. At dahil doon… ako ang ginagantihan niya ngayon. Pero ano naman ang kinalaman ko sa kasalanan ng demonya kong ina? Gayung ako nga mismo ay isinusumpa siya sa pagpatay niya sa aking Papa.
Punyetang buhay.
Punyeta… ang buhay ko.
Bakit kasi hindi na lamang ako mamatay? Wala na rin naman akong dahilan para mabuhay sa mundong ito.
Tuyot na siguro ang katawan ko sa kaiiyak ko ngayon. Hindi ko alam ang gagawin ko.
Ang sakit kasi.
Ang sakit-sakit, kasi si Karl ang nagsasabi sa akin ng ganung kasasakit na salita. Buti sana kung sino lang pontio plato lang diyan ang umaapak ngayon sa pagkatao ko, pero si Karl ito… ang una at nagiisang lalakeng minahal ko.
Shit.
Sana huwag na muna siyang dumating dito sa suite. Dahil hindi ko alam kung papaano ko patatahanin ang sarili ko. Ang sakit na nga ng ulo ko sa kaiiyak ay tiyak mukha na ring syomai sa pamamaga ang mga mata ko.
Dalawang oras din ang lumipas bago siya nakabalik sa suite. Mabuti naman. At least ay nakapag-ayos ako ng aking sarili. Hindi niya pwedeng mahalata na nagtagumpay siya sa pananakit sa akin. Pero paano ko ba maitatago ang pamumugto ng mga mata ko?
Aha! Shades.
Shades?
Papagabi na, magse-shades pa ba ako?
Kung tadtarin ko na lamang kaya ng eyeshadow ang talukap ko? Hmmm… hindi naman kaya magmukha akong racoon?
Argh! Lintek. Bakit ba kasi napaka-iyakin ko pagdating kay Karl?
“Namamaga ang mga mata mo? Umiyak ka ba?”
Nakakainis. Iniiwasan ko na ngang mahalata niya, pero ‘yun pa mismo ang ibungad niya.
“Hindi, kinagat ako ng ipis.” Nang-uuyam na sagot ko.
“Paano ka kakagatin ng ipis eh wala namang ipis dito.” Tatawa-tawa niyang sagot na para bang lalo pang nang-aasar.
Hindi na ako umimik. Ano pa ba ang masasabi ko eh nabuking na nga.
“Nakapagdesisyon ka na ba? O sasagarin mong pagisipan ng bente quatro oras?” Napakakasuwal ng pagkakatanong niya, na para bang napakasimple lamang ng hinihingi niya. Nakangising aso pa kaya’t naasar ako.
“Sa iyo na yang thirty million mo. Ayokong magkaanak na iyo.” Deretchahan kong sagot.
Nakita kong napawi ang ngisi niya at napalitan iyon ng matalim na pagtitig sa akin.
Mabuti nga sa iyo. Tangina mo!
“Ayaw mong magkaanak sa akin, ang gusto mo sa iba?!” Nakabusangot ang mukha niya.
Aha! Huli ka! Eto na ang pinakahihintay kong pahihiganti.
“You got it. Mas mamatamisin ko pang magkaanak sa mga fuck buddies ko kesa sa iyo ‘no?” Sabay halakhak ko at pagsindi sa sigarilyo
“F-Fuck buddies?” Gulat na gulat ang itsura mukha niya.
“Fuck buddies. Yung mga yunayari sa akin ng libre. Ikaw talaga, akala mo naman lahat pinababayad ko. F.Y.I. ang may bayad lamang, yung mga walang halaga sa akin, pero ‘yung mga special guys sa puso ko, libre yun syempre.”
I am laughing inside right now. Hindi maipinta ang pagmumukha niya. Mabuti nga sa kanyang Tangina niya.
Ang sarap tumawa matapos ang isang oras na pag-iyak. Hindi ko kasi napigilan ang pagtawa nung nag-walk out siya at ipinagbabalibagan ang kahit anong nakahara sa daan niya.
Nawala siya ng ilang oras. Alas singko nung umalis siya, alas diyes na hindi pa rin siya bumabalik. Mabuti na lamang at pwedeng umorder ng pagkain dito sa hotel, all charged to his account, kung hindi, magakaka-hunger headache ako sa gutom.
Nakahiga na ako para matulog nang dumating siya. Nagpanggap akong tulog. Amoy alak ang gago. Ang layo niya pero amoy na amoy ko. Naramdaman kong nagtungo siya sa banyo at narinig ng pagbukas ng shower. Naramdaman ko rin ang mga yabag niya at mga kaluskos na parang nagbibihis siya, at maya-maya lamang ay naramdaman ko na ring lumubog ang kama sa side niya at narinig ang tunog ng paggapang niya.
“I am not paying you to sleep, bitch!” Bulong niya sa akin habang ipinupulupot ang kanang braso niya sa katawan ko. Nasa kaliwang bahagi kasi ako ng kama–nakatagilid patalikod sa kanya.
Walang pakundangan niyang pinaghahawakan ang mga dibdib ko, pababa doon sa flower ko. Hindi ako gumagalaw.
“I want to fuck you now, do you hear me?” Pagalit niyang bulong sa kanang tenga ko sabay hinalikan at dinilaan niya ang kanang bahagi ng leeg ko.
Nang hindi pa rin ako kumibo ay hinila na niya ako papatihaya at saka pinatungan. Ipinagbahagi niya ang aking mga hita at saka sinalat ang aking kaselanan sa baba.
“Wala pala akong halaga kaya nagpapabayad ka sa akin ha?” Bulong niya habang parang gutom na gutom na hinahalikan, dinidilaan at kinakagat ang magkabilang leeg ko. “Puwes! Pagtrabahuhan mo ang bawat sentimong ibinayad ko sa iyo… puta!” Saka niya biglang ipinasok ang gitnang daliri niya sa flower ko. Napadaing ako. Ang sakit. Hindi pa kasi ako handa.
“Masakit ba? Well… that’s good. Because you are here to pleasure me, not yourself.”
Mas tumindi ang pagdaing ko. ‘Yung kanya na kaso ang ipinasok niya. Mas masakit dahil hindi pa rin ako ready.
“Oh, shit! Sam!” He moaned. Sarap na sarap ang gago. Lumuhod siya nang pabukaka at iniangat ang balakang ko, kaya naman nakaarko ang katawan ko–he’s using his upper body strength to carry my lower body.
Gigil na gigil siya na parang do’n niya ibinubunton ang lahat ng sama ng loob niya.
Hindi pa man din siya nakakaraos ay…
“Puta ka Samantha, kung bakit naman kasi sa dinami dami ng mga babae sa mundo ikaw pa ang mahal kong babae ka!” Sigaw niya. Umiiyak. Sabay hugot sa ano niya at humagulhol. “Sana yung iba na lang… sana iba na lang, hindi ikaw!”
Napaupo ako at pinagmasdan siya. Para siyang batang inagawan ng kendi. Lukot na lukot ang kanyang mukha at humihikbi.
Pero teka…
Tama ba ang narinig ko?
Mahal daw niya ako?
Mukha siyang kawawa na parang kinurot niya ang puso ko. Dahilan kung bakit gumapang ako papalapit sa kanya para yakapin siya. Inakap naman din niya ako pabalik at itinuloy ang paghagulhol habang nakabaon ang mukha niya sa aking kaliwang leeg. Nahihirapan ako sa pwestong iyon kaya’t minabuti ko nang kumandong na nakabukakang paharap sa kanya
“S-Sam.”
Nagulat siya nung hinalikan ko ang jawline niya, pababa sa magkabilang leeg. Itinulak kong bahagya ang balikat niya upang igiya siya pahiga. Humiga naman siya at iniunat ang mga binti. Hinalikan ko ang kanyang dibdib, pababa sa kanyang puson, mga singit bago ko pinahpyestahan ang kanyang sundalo
He moaned, gumapang paitaas bago ko siya sinakuan.
“Oh, Karl!” I screamed.
Naramdaman kong hinawakan niya ang magkabilang balakang ko at pinagmamasdan siya habang pinanonood niya ang magkahugpong naming katawan. Nakita kong napapatingala siya, napapapikit at saka siya yuyuko ulit para pagmasdan ang aming ginagawa.
“S-Sam?!” Bulong niya habang hinahalikan ko ang baba niya.
“Hmmm?” Hinalikan ko siya sa labi habang tuloy-tuloy ang paggiling ko.
“P-pwede ba tayong mag-usap ng maayos?”
“Sure…” Tumunghay ako, tumingala at dinama ang magkahugpong naming katawan. Shit ang sarap. “Pero bukas na lamang kapag hindi ka nakainom.”
“O-Ok…” He groaned.
“Masarap ba ako, Karl?” I grunted.
“S-Sobra Sam, Sobra..” Daing niya.
Dahil doon ay mas lalo akong ginanahan. Marami na akong naka-sex na lalake, pero iba talaga kapag siya ang kapareha ko. Sagad sa kaluluwa ang kuryente. Siguro kasi ay mahal ko siya… mahal ko pa rin talaga siya.
“I am coming, Karl… are you?”
“O-Oo… sabay tayo?!”
Tumango ako at heto na, mas lalo kong ninamnam ang bawat paggiling habang kapwa namin nadidinig ang aming paghinga at pag-uugol.
“Sam!” Hiyaw niya.
“K-Karl!” Hiyaw ko pabalik.
We did came at the same time.
Dumapa ako para magkatapat ang aming mga mukha.
“Matulog ka na Karl, may appointment ka pa bukas sa kliyente mo… pagkatapos nun. Sige. Mag-usap tayo.”
Ngumiti siya at hinalikan ako sa noo. Hinalikan ko naman siya sa ilong. Natawa siya. Natawa na rin ako. At saka namin minabuting matulog ng magkayakap.
####################################
KABANATA 10
####################################
Karl’s POV
Sa wakas pumayag na siyang mag-usap kami ng maayos. Pero kailangan ko munang mag-concentrate sa pakikipag-usap sa napaka-imporanteng kliyenteng ipinunta ko rito para maisara ko na ang aming deal once and for all. Kalahating taon ko na rin kasing tinatrabaho ito. Gusto ko sanang bumilis na ang oras. Pero ewan ba kung bakit naman kung kailan gusto mo itong bumilis, ay siya namang parang pagbagal nito.
Nang sa wakas ay naisara ko na ang deal, ay dali-dali na akong bumalik sa hotel. Sobra ang excitement ko, kaya naman sobra din ang pagkadismaya ko nang hindi ko ko nadatnan doon si Sam. Chineck ko ang kanyang mga gamit, nadoon pa naman. Lumabas lang siguro sandali para mamasyal.
Tatlong oras na ang nakalipas, wala pa ring Samanthang dumarating. Doon na ako nag-umpisang mag-alala. Lumabas na ako ng suite at hinanap siya sa mga common places ng hotel na pwede niyang tambayan. Nagtanong na rin ako sa mga receptionists, staffs at maging sa manager ng hotel. Pero ni isa sa kanila ay walang nakapansin kay Sam.
Lintek na buhay. Parang wala na yata akong ginawa nitong nakakaraang taon kundi ang hanapin siya. Nakakabagot na ah!
Sa sobrang inis ko ay bumalik na lang ako sa suite. Sambakol na ang mukha ko dahil inis na inis na talaga ako. Inis na inis na ako sa paghalughog ng bawat sulok ng mundo para lang hanapin siya.
“Saan ka nanggaling?!” Nakakunot kong bungad sa kanya matapos ang apat pang oras ng paghihintay. “Madilim na ah.”
Nakita kong bubuka na ang bibig niya para siguro magdahilan ay inunahan ko na siya para ibuhos ang sobrang pag-kabuwisit ko sa kanya. Kayo kaya ang paghintayin ng pitong oras.
“Hindi kita binabayaran para maglakwatsa!”
Napansin ko ang pag-iba ng expression ng mukha niya. Kung kaninang pag-pasok ay para siyang nalugi–ewan ko kung bakit, marahil ay sa pagod sa pag-lalakwatsa, ay kumunot na rin ang noo niya at pinamay-awangan ako.
“Ako? Naglakawatsa? Mabuti nga sana kung ganun!” Sigaw niya.
“Puta! Kung hindi ka naglakwatsa eh saan ka nanggaling? Nanlalake ka na naman ano?! Ibang klase ka rin naman, dumayo ka pa dito sa Macau and to my expense!” Mas nilakasan ko pa ang boses ko.
“Alam kong PUTA ako! Pero kailangan mo ba talagang ipangalandakan yan parati sa mukha ko?” Napapahikbi niyang sinabi.
Huh? Hindi naman yun ang ibig sabihin ko ah. Dahil nung sinabi ko yung, “Puta,” that was just to express my disgust.
“Sorry PO senyorito” Umiiyak na siya, “Naligaw po kasi ang PUTANG ito kaya hindi siya nakabalik agad. Kung gusto niyo, bawasan niyo na lang ang bayad niyo sa PUTANG ito para hindi na kayo manghinayang sa binayad niyo!”
Nakita kong dumiretso siya sa closet kung saan naroroon ang kanyang mga gamit. Kinuha doon ang messenger bag na kinalalagyang ng 2.5 milyong pisong cash na ibinayad ko sa kanya at itinapon ang buong bag sa harapan ko.
“Eto na yung ibinayad mo! Sa iyo na lahat. Libre na lang yung nakaraang serbisyo ko. Uuwi na ako sa Pilipinas!” Tuloy-tuloy ang patak ng luha niya.
Bumalik ulit siya sa closet at nag-umpisang mag-impake.
Shit. This can’t be happening!
“Sam… sandali.” Ipinulupot ko ang mga braso ko sa bewang nya mula sa likuran niya at ibinaon ang mukha ko sa kanyang kaliwang leeg. Nadinig ko ang pag-hagulhol niya. “I’m sorry Sam, nag-alala lang kasi ako. Pitong oras kasi kita hinintay.”
Tahimik lang siya, pero humihikbi pa rin.
“Ano ba ang nangayari?” Iniharap ko siya sa akin at iniangat ang baba niya para makita ko ang mukha niyang basang-basa ng kanyang mga luha. Pinunasan ko iyon sa pamamagitan ng likod ng aking kanang kamay, “Bakit ka naligaw? Saan ka ba nagpunta?”
“Gusto ko sanang pumunta sa mall para magpalipas ng oras, sumakay ako sa taxi, ang kaso nung magbabayad na ako, nun ko nadiskubre na naiwan ko pala dito sa suite ang wallet at cellphone ko. Dahil dun napilitan akong ibayad na lang dun sa taxi driver yung hikaw ko. Ang kaso… nasiraan naman ang lecheng taxi niya nung pabalik na kami kaya…”
“Kaya?”
“I walked 7 miles from there to here, ang masaklap pa, naligaw ako. Kung saan saan ako napunta. Wala namang magpasakay sa akin kasi wala naman akong dalang iba pang valuables na pwede kong ibayad. Puro blisters na nga itong paa ko oh.”
Ipinakita niya ang blisters niya sa magkabilang paa and ouch! Ang dami. Ang sakit siguro nun. My poor Sam.
Inakap ko siya, mahigpit na mahigpit.
“Forgive me Sam. I’ll do anything, mapatawad mo lang ako.” Bulong ko sa tenga niya.
“Hmp.” Nakanguso niyang itinulak ako ng bahagya. “Pakainin mo muna ako, Karl, gutom na gutom na ako eh.”
“Ganun ba? Sige. Pero, gusto mo bang kumain sa labas o umorder na lang dito?”
“Utang na loob Karl, ayoko na munang lumabas, pagod na pagod na ako sa kalalakad. Kung pwede umorder ka na lang dito. Maliligo lang muna ako.”
“Pwede naman kasi kitang buhatin dito sa likod ko kung gusto mong kumain sa labas.” Nakangisi ako.
“Weh? Ano tayo? Mga Koreano sa Koreanovela? Wag na Karl, dito na lang.”
“Anong gusto mo?”
“Kahit ano Karl, kahit hindi masarap, basta’t nakakabusog.”
Natawa ako. Naalala ko tuloy noong mga bata pa kami. Noong magkapitbahay pa lang kami… Noong bago pa magpakasal ang aming mga magulang. Madalas siyang pabayaan ng Mama niyang nag-iisa sa bahay na wala man lang iniiwang pagkain para sa kanya. Kaya naman nakasanayan ko na ang alukin siya ng pagkain. At kapag tinatanong ko siya, ganun lagi ang sagot niya…
Kahit ano. Kahit hindi masarap. Basta’t nakakabusog.
“Kailangan mo ba ang serbisyo ko ngayon gabi?”
Katatapos lang naming kumain. Alam ko ang ibig niyang sabihin. Pero hindi na lang ako nagsalita.
“Sobra kasi ang pagod ko ngayon Karl, pwede bang magpahinga muna ako kahit sandali?”
Hindi ko alam kung ano ang meron sa sinabi niya pero parang kinurot niya ang puso ko. Ibig sabihin pala, kahit pagod na pagod na siya ay ibibigay niya kung hihingiin ko dahil pakiramdam niya ay obligasyon niya ang ibigay sa akin ang kanyang sarili kahit hindi na niya kaya.
Nilapitan ko siya at sinapo ang kanyang mukha.
“Sam, take all the rest you need. I am not going to ask for it.” Kinuha ko yung bag na itinapon niya kanina na nakapatong lang sa side table ng kama. Iniabot ko iyon at, “Heto. Sa iyo na ito. May utang pa nga akong kalahati hindi ba?”
Tiningnan lang niya iyon at pagkatapos ay ibinaling ang tingin sa akin.
“Huwag na Karl. Ayoko naman talagang magpabayad sa iyo. Pero sorry, hindi ko na maibabalik yung ibinayad mo sa akin dati kasi ibinayad ko ng lahat yun sa mga pinakakautanganko.”
Hindi niya kinuha ang bag. Iniwan niya akong tulala. Nagtungo na siya sa kama para humiga. Mukhang pagod na pagod nga siya.
G*d! Paano ba ako mag-uumpisa? How can I make our situation straight?
Tinabihan ko siya sa kama. Tumagilid naman siya patalikod sa akin. Dahil dun, ipinulupot ko ang aking braso sa kanyang bewang. At isinubsob ang mukha sa kanyang batok.
“I love you, Sam.” Bulong ko. Umiyak na ako. Hindi ko kasi alam kung paano ko sisimulang ipaliwanag sa kanya ang puno’t dulo ng aming hindi pagkakaunawaan.
Hindi siya umimik pero naramdaman ko na umiiyak din siya. Nadidinig ko ang mahinang singhot niya.
“Huwag mong sabihin yan, Karl.” Mahinang sagot niya, “Patapon ang buhay ko. Marumi akong babae. Isa akong basura. Hindi mo dapat minamahal ang isang basura.”
####################################
KABANATA 11
####################################
Karl’s P.O.V.
“Dahil sa matinding takot na ilayo ka niya nang tuluyan sa akin kaya ako naging sunud-sunuran sa Mama mo, Sam. Hindi ko ginustong saktan ka, hindi ko ginustong magkasira tayo, pero mas minabuti ko na iyon kesa sa, malayo ka sa akin. Wala akong magawa noon dahil nando’n pa ako sa poder nila, kaya naman ginawa ko ang lahat para umasenso ako para makawala ako ro’n… para makuha kita. Kasama sa plano ko ang bumalik doon para kuhanin ka. Pero pagbalik ko, wala ka na.”
Hindi siya umiimik. Nakatingin lamang siya sa labas ng bintana. Nilapitan ko na siya roon, inakap ko siya mula sa likuran at ibinaon ang mukha ko sa kanyang kanang leeg.
“Dalawang taon kitang hinanap, Sam. Sinuyod ko ang bawat sulok ng Pilipinas para mahanap ka. Natagpuan din kita sa wakas, pero sobra akong nasaktan sa ginawa mo sa sarili mo. Halos mabaliw ako nang malaman ko kung ano ang trabaho mo. Hindi ko matanggap na sinira mo na ng tuluyan ang sarili mo. Iyon ang dahilan kung bakit nagawa ko ang mga nagawa ko sa iyo, Sam. Mahal na mahal pa rin kita. Kahit kailan ay walang sinumang babaeng pumantay sa iyo sa puso ko. Sana naman, mapatawad mo na ako sa lahat ng mga pagkakamali ko.”
Matagal bago siya nakapag-salita. Parang napakalalim talaga ng kanyang iniisip.
“Kailan tayo uuwi sa Pilipinas?” Hindi iyon ang inaasahan kong mga kataga sa kanya.
Isang linggo talaga ang plano kong paglalagi rito, dahil ‘yun sa ang buong pag-aakala kong aabutin ng pagsasara ng business deal ko sa kliyenteng kinatagpo ko rito. Since napapayag ko naman ito sa unang araw pa lamang ng aking presentasyon, ay wala na nga talagang dahilan pa para magtagal pa kami rito.
“Bakit? Gusto mo na bang umuwi?” Tanong ko habang hinahalikan ang kanyang leeg pababa sa balikat.
“Kailangan kong maghanap ng bagong mapapasukan, Karl. Wala na naman tayong kasunduan, hindi ba? Ibinalik ko na rin sa iyo ang pera mo. Wala na naman siguro akong dahilan para manatili pa rito.”
Ipinihit ko siya paharap sa akin. Iniangat ng kanang kamay ko ang kanyang baba paharap sa akin, at saka ko hinalikan ang kanyang mga labi.
“Hindi mo na kailangang mamasukan, Sam. Kukunin na kita. Ako na ang bahala sa ‘yo. Matagal kong pinangarap at pinaghandaan ang pagkakataong ito, kaya’t huwag ka naman sanang hihindi.”
Tiningnan niya ako sa mata sandali at pagkatapos noon ay bumitaw upang lumayo sa akin.
“Hindi ako nababagay sa iyo, Karl. Hindi na ako ang Samantha na nakilala mo noon. Ibaling mo na lang sa iba ang pagmamahal mo. Umuwi na tayo ng Pilipinas. Hindi ko na kayang magtagal pa sa lugar na ito.” Umalis siya sa harapan ko, nagtungo sa closet at saka nag-umpisang mag-empake.
Sinundan ko siya at inakap ulit mula sa likuran. Dirediretso lamang siya sa ginagawa niya, habang sinisimulan kong hagurin ng halik ang kanyang likod, kaliwang leeg, batok at kanang leeg. Naramdaman ko namang natigilan siya nang lumandas ang kanang kamay ko sa may puson niya, pababa sa kanyang kaselanan.
“K-Karl….” Daing niya habang pinapapak ko ang kanyang bulaklak. Nakaluhod ako habang nakathiya naman siya sa sofa.
“Hindi na ako makapapayag na mawala ka pa sa akin Sam…” Bulong ko sa kaliwang tenga niya, matapos ko siyang halikan paitaas hanggang aa nagkatapat na ang aming nga mukha. “Mahal na mahal kita.” Bulong ko naman sa kanan. “Sasama ka sa akin, magpapakasal tayo at bubuo ng masayang pamilya…” Sabay tarak ko ng akin sa kanya. Naramdam ko kagad ang init ng kanyang ibaba.
Umungol siyang sinasambit ang aking pangalan.
“Sam… pumayag ka na please? Tigilan na natin ang ating pagtitikisan. Masyado nang matagal ang ipinagdurusa natin.” Sa gitna ng bumibilis kong paghinga.
“K-Karl…”
“Say yes to me, Sam. Be mine, be my wife and be the mother of my children, please Sam! Let’s start all over again.”
“K-Karl?…”
“Please say yes, Sam… Please. Say. Yes.” Mas binilisan at diniinan ko kaya’t kita kong kagat-labing napapikit si Sam.
She did a very sexy moan.
“A-anong sagot mo Sam, gusto kong marinig ang sagot mo, please?” I could barely utter the sentence straight.
“Y-Yes…” Mahina ang pagkakasabi niya pero dinig na dinig ko pa rin naman.
Nginitian ko siya at lalong ginalingan ang pagkilos ko. Kitang-kita ko ang pagkataranta niya sa sensasyong ipinararamadam ko sa kanya. Kapwa na kami pawisan, na siya namang lalong nakakapapatindi ng pagnanasa namin sa isa’t isa.
“I love you, Sam.” Bulong ko sa kanya habang dinadama pa rin ang naghuhugpungan naming katawan.
“I love you too, Karl…”
Tila musika ‘yon sa aking pandinig. Agad ko siyang siniil ng halik, na ginantihan naman niya. At pagkatapos noon ay ibinaba ko ang aking halik sa kanyang baba. Napatingala siya at umungot nang bumaba ang aking mga halik sa kanyang leeg.
“Ayan na ako, Sam!” I screamed.
“I’m waiting.” Pinigilan ng makabilang kamay niya sa aking pwitan.
That was hot.
I did came to her in split seconds.
Humihingal akong sumubsob sa dibdib niya, habang nakatihaya pa rin siya sa sofa.
“Wala nang bawian ‘yun Sam ha?” Nakangiti kong bulalas sa kanya.
Tumango lamang siya at ngumiti.
Umuwi kami sa Pilipinas nang araw ding iyon. Nahirapan akong kumbinsihin siya, pero nang maglaon ay napapayag ko rin siyang doon na kami tumuloy sa bahay ng Papa… ang bahay na tinutuluyan ko pansamantala… ang bahay na tinirahan namin dati simula ng magpakasal ang aming mga magulang
“Good evening Senyorito…” Pagbati ng mga katulong sa akin, “Senyorita…” Bati nila kay Sam. Nakita kong sumulpot si Nenita at sinalubong ng yakap si Sam. “Kamusta ka na? Lalo ka yatang gumanda ha? Pero, parang nangayayat ka yata ng husto!”
“Salamat Nenita,” Nakangiting sagot ni Sam, “Hindi na kasi ako nakakatikim ng luto mo kaya nangangayayat ako.”
“Ikaw naman…” Parang kinikilig si Nenita sa sinabi ni Sam, “Binobola mo naman yata ako eh.” Sabay tapik sa braso ni Sam, “Akin na nga ‘tong mga gamit mo at dadalahin ko na do’n sa dati mong kuwarto.” At kinuha na nga ni Nenita ang kanyang mga gamit at saka umalis.
“Ang Papa?” Tanong ko sa isa pang katulong.
“Natutulog na po. Gigisingin ko po ba?”
“Ah, huwag na, pabayaan mo na siyang makapagpahinga.Magpapahinga na rin naman kami eh.” Sabay akbay ko kay Sam.
“A-Ang Mama?” Tanong ni Sam.
Hindi pa nga pala niya alam ang mga nangyari rito sa bahay. Hindi niya pa rin alam na nakakulong na ang kanyang ina.
Hinatak ko si Sam sa Library, isinara ang pinto at saka isinalaysay sa kanya ang lahat ng mga pangyayari. Akala ko ay magagalit siya sa ginawa ko sa kanyang Mama, kaya’t laking gulat ko nang…
“Salamat. Para naman mapagbayaran niya ang kawalanghiyaan niya. Naghahanap pa man din ako ng abogado para makasuhan siya sa paglason niya sa Papa ko… mabuti na lamang hindi ko na siya nadatnan dito.”
“Mababaw lamang ang kasong naisampa ko sa kanya. Attempted murder lang ito para sa pagtatangka niya sa buhay ng Papa, pero kung gusto mong bigyan ng hustisya ang iyong Papa, kailangan natin siyang muling sampahan ng panibagong kaso. Gusto mo ba?”
“W-Wala pa akong perang pangtustos sa abogado, Karl.”
“Ano ka ba naman Sam. Simula ngayon, ang lahat ng akin sa ‘yo na rin. Lalo pa’t pumayag ka nang magpakasal tayo. Ako na ang bahala sa gastos.”
“T-Tungkol sa kasal, K-Karl… m-may kundisyon sana ako bago tayo magpakasal.”
“A-Ano naman yun?” Kinakabahan ako.
Diyos ko, huwag naman sanang ipapagpaliban pa niya ito dahil hindi ko na kayang mawalay sa kanya.
“I want a prenuptial agreement.”
Natulala ako sandali.
“Para saan?” Nang mahimasmasan na ako.
“Ikaw lamang ang gusto kong pakasalan, hindi ang pera mo. Kaya kung gusto mo ako, ‘yon lang ang kundisyones ko.”
Hindi na ako nakapagsalita… tuluyan na nga yata akong napipi.
####################################
KABANATA 12
####################################
Samantha’s P.O.V.
Hindi ko alam kung bakit nagmamadali siya. Ang gusto niya, magpakasal na kami agad-agad. Wala daw siyang pakialam kung sa huwes o sa simbahan, basta’t gusto na raw niya kaming makasal sa susunod na linggo.
“Senyorito… may bisita po kayo sa labas.” Sabi ng isa sa mga katulong habang magkakasalo kaming naghahapunan
“Sino raw?” Malamig na sabi ni Karl bago sumubo ng isang kutsara.
“Ah, eh.” Sabay sulyap sa akin ng katulong at pagkatapos ay tumungin ulit kay Karl. “Ang pakilala niya po ay si Danica. Nobya niyo raw po siya.”
Nobya? May nobya siya?
Napansin ko naman ang pagkagulat sa mukha ni Karl. Namumutla siyang napasulyap sa akin at sa Papa niya. Umiwas naman kaagad ako ng tingin. Tumungo at tumingin sa aking plato at nilaro-laro ang kubyertos.
Hindi pa ako nakaka-recover sa pagkagulat ay heto, may natanaw na akong isang napakandang babaeng papalpit sa hapag-kainan at niyakap siya mula sa likuran. Hindi ko naman maintindihan kung bakit parang hindi makagalaw si Karl. Nakaupo lamang siya roon pero halata naman ang kaba sa kanyang mukha.
“Hun? What’s taking you so long here? Akala ko ba isang buwan ka lamang dito sa Pilipinas. Namimiss na kita eh umh.” Hinalikan siya nito sa kanyang pisngi.
Pero hindi ba dapat, tumatanggi na siya o di kaya naman ay magpipilit na kumalas sa mga yakap niya? Hindi ganoon nangyari. Nakaupo lamang siya roon. Hindi ko tuloy maiwasang mapasulyap sa mga braso ng babaeng nakapulupot sa kanyang leeg. Kitang-kita ko, sa kaliwang kamay nito ay may nakasuot na engagement ring?
“H-ha? K-kailangan kasi ako ng Papa rito.”
Nakapako ang tingin niya sa akin habang sinasabi niya iyon. Hindi ko maipaliwanag ang ekspresyon ng mukha niya.
“Ah…” Sabay kalas no’ng Danica sa kanya, tumunghay, lumakad nang kaunti papalapit sa kanyang Papa at saka inilahad ang kanyang kanang kamay, “Hello po, kayo po pala ang Papa ni Karl, ako nga po pala si Danica… Fiance niya.”
What?!
Nakita ko namang tahimik na sumulyap sa akin ang Papa ni Karl, bago niya inabot ang kamay ni Danica.
“Mabuti naman at napadalaw ka, hija.” Sabi ng matanda.
“Naku opo, ito naman po kasing si Karl, araw-araw na lamang niya akong tinatawagan para sabihin lang na mae-extend muna ang stay niya rito, ang kaso, miss na miss ko na talaga siya kaya, heto ako. Ako na ang umuwi.” Sabay bungisngis.
Araw-araw? Talaga lang ha?
Noon ko na tiningnan ng matalim si Karl. Halatang-halatanaman ang pag-iwas niya sa aking mga tingin.
What the fuck is this all about? Inalok niya ako ng kasal at iniuwi rito, pero yung Danica na ‘yun ang may sing-sing at ipinangangakandakan na engaged sila? At ang masaklap pa, hindi man lang siya nagprotesta?
Eh tarantado pala ‘tong lalakeng ‘to eh. Pinaglalaruan ba niya ako? Whatever this is… hindi ako makapapayag na ako ang magmukhang tanga.
“A-and she is?” Tanong nung Danica kay Karl habang itinuturo ako.
Hah! Mukha namang nataranta ang putang inang lalakeng ito.
“I’m Sam!” Ako na ang umepal na tumayo sa kinauupuan ko. Inilahad ko ang aking kanang kamay, “I’m his… ‘sister’!”
“Oh,” Sabay abot niya sa kamay ko, “Ikaw pala si Samantha. I heard so much about you. Nice to meet you, Sam.” Nakabungisngis pa ang bruha.
She heard so much about me? Oh, really? Ano naman kaya ang ikinukuwento ni Karl sa kanya, tungkol sa akin? Sinaksak ko ng isang matalim na tingin si Karl at saka ngumisi.
“So, what have you heard about me?” Tanong ko kay Danica habang nakangising sinusulyapan si Karl na halatang-halatana ngayong hindi mapakali.
“Na ikaw nga yung sister niya na kailangan niyang iligtas dito from self-destruction.” Ipinatong niya ang kanyang kaliwang kamay sa balikat ni Karl.
What the fuck?!
“Ok ka na ba?” Dugtong niya, “Sana naman ok ka na para makauwi na sa akin si Karl.” Sabay halik nito sa bumbunan nito, “Since magiging future sister-in-law na kita, gusto kong malaman mo na, concerned din ako sa ‘yo kaya pinapayagan ko siya na samahan ka rito. Sana naman, tumigil ka na sa trabaho mo. Maganda ka at mukha ka namang may pinag-aralan, kaya sana ay huwag ka ng bumalik sa gano’ng klaseng trabaho.”
What’s this shit? Alam niya ang tungkol sa…
Putang ina!
I have heard enough. I need to get out of this shit. Ako? Ililigtas niya from self-destruction? What the fuck is she talking about? Eh ang lalakeng ‘yan nga ang sumira ng buhay ko, tapos siya pa ang hero ngayon?
“Sam, saan ka pupunta?” Paghabol sa akin ni Karl, habang papalabas na ako ng gate dala-dala ang aking mga bagahe “Ano naman ang pakialam mo kung saan ako pupunta?”
“Sam, please, magpapaliwanag ako.” Sabay hila niya sa braso ko–hinatak ko naman agad ‘yun.
You had your chance asshole, pero tumunganga ka lamang doon kanina!
“Wala na akong pakialam sa paliwanag mo Karl. Kahit ano pa yang dahilan mo, sapat na sa akin na malaman ko na pinaikot mo lamang ako, para ano? Ilagtas ako? Putang ina mo!” Sabay duro ko sa nagpapaawang mukha niya. “At talagang ipangalandakan mo pa talaga sa babaeng iyon kung anong putik ang kinasasadlakan ko ha?! So paano pala ang pakilala mo sa akin sa kanya? Ang sister mong prostitute? I’m sorry Karl, but this is my last straw. Huwag mo na akong susundan. Pabayaan mo na ako.” Sabay talikod at tuluyang lumakad na papalayo sa gate.
Alam kong sumunod pa rin siya, pero hulog ng langit ang taxi na paparating. Pinara ko ‘yon at nakasakay naman ako agad. Hindi na ako lumingon. Wala na akong pakialam. I am so done with his bullshit.
***
“Merong opening sa opisina ng isa sa mga kasosyo ko. I think he is needing a personal secretary.” Sagot sa akin ni Jonathan, nang hiningian ko siya ng tulong para makahanap kaagad ako ng trabaho. Pinuntahan ko na siya ng personal sa office niya. “I’m sure papasa ka do’n,” Tatawatawa siya, “Matandang biyudo ‘yun na mahilig sa magaganda.”
“Loko ka! Hindi naman mabibingwit ang hinahanap ko. Ang kailangan ko, trabaho.”
“Sandali.” Sabay dampot niya ng telepono at nag-dial. “Hello?” Bungad niya sa kung sino man ang sumagot ng telepono sa kabilang linya. “Mr. Jimenez please?” Aniya. Nakatingin lamang ako sa napakaguwapong mukha niya–sayang nga lamang dahil malaki ang sayad niya. “Si Jon ito.” Napangiti siya, ‘yung Mr. Jimenez na siguro ‘yung kausap niya. “Kailangan mo pa ba ng sekretarya?” Diretsahang tanong niya sa kausap niya. “Oh really? O sige. Papupuntahin ko diyan ‘tong kaibigan ko, referral ko ito kaya kung pwede tanggapin mo na kaagad,” Humalakhak siya, “O sige… bye.!” Agad siyang tumingin sa akin pagkababa pa lamang ng telepono. “Pumunta ka na raw do’n ngayon, eto ang address,” May isinulat siya sa maliit na sticky note bago nito iniabot sa akin. “Pagbutihin mo ha? Nakasalang ang pangalan ko sa ‘yo.” Nakangiti siya
“Huwag ka mag-alala Jon. Pagbubutihin ko.”
Maayos naman talaga akong magtrabaho. Ang problema ko lamang talaga ay kung paano ako makakahanap ng trabahong may sapat na kita para naman matutusan ang lahat ng aking mga pangangailangan. Ang nakakainis pa, hindi naman ako maluho, pero nagigipit pa rin ako. ‘Yung pambayad ko sa mga inuupahan kong apartment ang numero-unong tumataga sa lahat ng kinikita ko.
Malaki ang opisinang pinuntahan ko. Isa pala itong advertising agency. Sa pagkakasabi ni Jon na matandang biyudo ang magiging boss ko, ay ewan ko ba at nakalikha kaagad ako ng imahe niya sa isip ko. Nasa isip ko, na isa siyang matandang lalaki na kulubot na ang mukha, uugod-ugod ang lakad, at mabagal kumilos. Kaya naman laking gulat ko nang nakita ko na siya sa kanyang opisina. Halatang may edad na nga siya, dahil sa kulay ng buhok niya, pero mukha pa ring bata ang tindig at mukha niya. At take note ha? Ang guwapo niya. As in.
“When can you start Miss Cruz?” Tanong niya habang binabasa ang resume na ibinigay ko sa kanya. Siryoso ang ekspresyon ng kanyang mukha.
“As soon as possible po sir.”
“May nabanggit ba sa iyo si Jon sa nature ng trabaho mo?”
“Wala po, sir.”
“I see,” Napakunot siya at saka tumayo sa kinauupuan niya. Nakapamulsang tumalikod at pagkatapos ay saka muling humarap. “I am not going to sugar coat anything Miss Cruz. Mas mabuti nang alam mo para hindi na masayang ang oras natin pareho. You are my 37th secretary since I took over as the CEO of this company a couple of years ago.” Tiningnan niya ako nang matalim. Kahit ganun, ang guwapo pa rin talaga niya. Ang galing niyang magdala ng suit. Bagay na bagay ito sa kanya. “Mataas ako magpasuweldo kaya naman I demand quality work from my employees. I am a businessman and I know what I want. Kaya kung palpak ang diskarte mo at mahina ang loob mo, I am telling you right now, you are not going to last a day.”
Napalunok ako. Ano yun, Death Threat? Pero hindi ako dapat magpa-apekto. Kailangan ko ang trabahong ito.
“As my personal secretary, you will have to be with me wherever I go,” Dagdag niya, “Kaya kung may travel restrictions ka at hindi flexible, this job is not for you.”
“Ayos lang po sa akin yun, sir.” Bahala na!
Nagbuntong hininga siya at pagkatapos ay umupo ulit.
“Rekumendado ka ni Attorney Romero kaya I’ll give you a shot, but you have to understand why I have to lay down my cards first, para alam mo kung ano ang ine-expect ko sa ‘yo this early. Kung hindi mo na kaya ang trabaho, just let me know.” Ini-itsa niya ang resume ko sa isang tray at pagkatapos ay relax na relax na sumandal at nag de quatro sa kanyang swivelling chair. “Wala ka bang tanong?”
“Ahm… meron po.”
“Ano yun?”
“Magkano po ba ang suweldo ko.”
Napangisi siya at tinitigan ako sa nakakailang na paraan. I am hoping na sana lumampas naman ng konti sa 17,000.00 para naman mapagkasya ko sa upa at bills ko. Kung hindi naman, magiging honest na lang siguro ako na tumanggi para makapaghanap ako ng trabaho na may sapat na kita.
“I’ll give you a fair wage of 25,000 on your first month. Kapag tumagal ka ng isang buwan, I will move it up to 35,000 excluding bonuses. Kapag umabot ka ng 6 months, which never happened in my entire career here, I’ll raise it up to 50,000.” Nakangisi siya in such a way na parang nagdududa siya na kakayanin ko ang trabaho.
Pero wow naman. Hindi siya nagsisinungaling na mataas nga siyang magpasuweldo. Siyempre payag na ako do’n! Ano pa ba ang mas hihirap pa sa dati kong trabahong pagbebenta ng sariling laman? Ang pagtitiis sa pagmamaltrato ng mga customers na ginawa lamang akong parausan?
Kahit ano, kaya ko. Basta’t desente.
Kaya ko ito.
Kakayanin ko ito.
Credit: Itim na nobela
Forbidden Love ⓒ DyslexicParanoia 9-12
Advertisements