The Used (One Shot Horror)
By soju
“FINALLY, we’re here!”
Iyon agad ang nasabi ni Soju pagkatapos niyang patayin ang makina ng van na sinakyan nila papunta sa masukal na kakahuyang iyon. Napagkatuwaan kasi nilang apat na magkakaibigan na mag-camping for one week. Bonding na rin na kakaiba para sa kanila iyon dahil sabay-sabay silang nag- end of contract sa pinapasukang opisina.
Isa-isa silang bumaba sa van at pinagmasdan ang kanilang kapaligiran.
“Dating simbahan ang cabin na iyan. Siguro sa sobrang kalumaan na ay ginawa na alamang cabin.” turan ni Soju habang minamasdan ang malaking cabin na nasa kanilang harapan.
“Bakit? May nagtatanong ba?” Humahagikhik na turan ni Sheena.
Nagkatawanan ang grupo pero natigilan silang lahat ng biglang may malakas na kumalabog sa loob ng bahay.
“Ano iyon? May tao ba sa loob ng cabin?” Tanong ni Sed kay Soju.
“Wala. Ang alam ko ay walang masyadong nakakaalam ng cabin na ito. At wala rin ng tao na nagpupunta dito.” Nagtataka ring sagot ni Soju.
“Anong wala? Ano iyong ingay na narinig natin sa loob?” Giit ni Glaiza.
“OK. OK. Papasok na ako sa loob para matigil na kayo!” Pumasok na nga si SOju sa loob pero wala naman siyang nakita. Pumasok na rin sina Sheena, Glaiza at Sed. “See? Walang tao. And besides, pumunta na rin ako dito kahapon to check this cabin. Naglinis na rin ako kasi nahihiya ako sa inyo.” Turan ni Soju.
“Nangonsensiya ka pa pre!” Natatawang sagot ni Sed.
“Hindi naman pre.”
At maya-maya ay inayos na nila ang kanilang mga gamit. Matapos iyon ay naglakad-lakad ang apat sa kakahuyan at labis silang namangha ng makakita sila ng isang sapa sa gitna ng kakahuyan.
“This is paradise!” Amaze na bulalas ni Sheena. “Ang galing talagang pumili ng lugar ni Soju!”
“I told you!” Nagmamalaking tugon nito.
“Ano kaya kung mag-barbecue and swimming tayo dito mamayang gabi?” suhestiyon ni Sed.
“Good idea!”
—————­—————­—————­—-
GANOON na nga ang nangyari. Kinagabihan ay masayang-masaya­ ang apat na nagtungo sa sapa. Nagbarbecue sila at may konting inuman. Naglangoy din sila sa malamig at malinis na tubig sa sapa. Enjoy na enjoy sila.
“Shit! Nakalimutan ko iyong towel sa cabin!” ani Sheena. “I have to go back there.”
Mag-isang bumalik sa cabin si Sheena. Wala siyang takot na nararamdaman dahil malapit lang naman ang cabin. Pumasok siya roon at binuksan ang ilaw. Naghahalungkat siya sa kanyang bag ng bigla siyang makarinig ng tila taong humihingal…
“May tao ba diyan?” tanong niya.
Walang sumagot.
Pinagpatuloy niya ang pagahahanap ng tuwalya nang marinig na naman niya ang mahinang paghingal. Tila nanggagaling iyon sa nag-iisang kwarto sa itaas ng cabin. Hindi niya alam pero naisipan niyang umakyat sa itaas. Pinasok ni Sheena ang nag-iisang kwarto roon. Wala siyang nakitang tao. Lalabas na sana siya ng naturang kwarto ng may napansin siyang baul na nakapatong sa maliit na lamesa. Nilapitan niya iyon at binuksan ang baul.
Tanging isang maliit na papel lamang ang nakita niya. Halos kulay brown na iyon sa sobrang luma.
“Ano ito?” tanong niya sa kanyang sarili.
May nakasulat roon at hindi niya napigilan ang sarili na basahin iyon…
Concupitio mala, tu nequamquam dilige Christum;
Daemona secteris, nec pete salvifcum;
Despicias, rogo te, Christum: nec tempore toto
Conspice praesentem te fore judicio;
Veridicos preme, nec laudes, sed carpere gesta
Quaerito cujusvis, non tua respicias.
Dispereas male, ne quaeras tu coelica, verum
Crimine frangaris, ne fuge delicias.
Iyon ang mga katagang nabasa ni Sheena sa kapirasong papel na iyon. Nangunit ang kanyang noo dahil hindi naman niya naintindihan ang kanyang binasa. Ibinalik na lang niya iyon sa baul. Papalabas na sana siya sa kwartong iyon ng may tila malakas na hangin na humampas sa kanyang mukha. Napaatras siya…
—————­—————­—————­—–
“BAKIT ang tagal naman yatang bumalik ni Sheena?” Tanong ni Soju sa dalawa pa niyang kasama.
Nagkibit-balika­t lang si Glaiza. “I don’t know. Ang alam ko ay kukuha lang siya ng towel…”
Dahil sa nag-aalala sa kaibigan ay napagdesisyunan­ na lang ng tatlo na tignan ito sa cabin.
“S-sheena…” halos sabay-sabay na nagulat ang tatlo pagkakita sa hitsura ni Sheena sa loob ng cabin. Magulong-magulo­ ang buhok nito habang nakasalampak sa sahig. Humahagikhik ito na akala mo ay sang bata, Nangingitim na ang balat nito at naglalaway ng kulay berde. Ga-tuldok na lang din ang itim nito sa mata.
Agad na nilapitan ito ni Glaiza at hinwakan sa magkabilang balikat ang kaibigan. “Anong nangyari sa iyo Sheena?!”
Tinignan lang nito si Glaiza at nakaramdam ng kilabot si Glaiza sa paraan ng pagkakatingin na iyon ni Sheena. Partang may ibang tao sa katawan nito. Parang..Hindi na ito ang kanilang kaibigan!
“Glaiza, lumayo ka sa kanya!” utos ni Sed na parang nakatunog sa nangyayari sa kaibigan.
Pero huli na ang lahat dahil tatayo pa lamang sana si Glaiza ng bigla siyang sunggaban ni Sheena sa leeg at kagatin iyon. “Ahhhhhhh!!!” Malakas na sigaw ni Glaiza ng mapuknat ang kanyang balat sa leeg.
Tila sarap na sarap na nginuya pa ni Sheena ang laman na nakuha sa kaibigan.
Hindi na nag-isip pa sina Soju at Sed. Hinila na nila si Glaiza at nagtatakbo sila palabas ng cabin. Umiiyak sa sakit si Glaiza. Nang makalayo na sila ay pinunit ni soju ang kanyang damit at itinali sa leeg ng nasugatang si Glaiza upang kahit papaano ay maampat ang pagdurugo noon.
“Anong nagyari kay Sheena? Bakit siya nagkaganon?” Umiiyak pa rin na tanong ni Glaiza.
“P-para siyang nasapian ng demonyo!” Kapwa napatingin sina Glaiza at Sed kay Soju sa sinabi nito.
“Demonyo? Pero bakit? Papaano?”
Napatingin muna sa malayo si Soju bago ito sumagot. “Dating ispiritista ang lola ko na nakatira sa cabin na iyon. Dinadayo siya ng mga tao dahil sa angkin niyang galing sa pagpapaalis ng masasamang espiritu sa katawan ng isang tao. Hanggang sa isang pasyente ang halos sukuan ng lola ko noon…Masyadong malakas ang demonyong sumapi sa batang iyon at ang buong akala ng lola ko ay hindi na niya mapapalayas ang demonyo. Napalayas niya ang demonyo sa katawan ng bata pero nanatili ito sa cabin. Kaya ang ginawa ng lola ko ay ikinulong niya doon sa basement ang demonyo!”
“Pero kung ikinulong na ng lola mo ang demonyo sa basement, bakit nakawala ito at sumapi pa kay Sheena?” tanong ni Sed.
“Pinakawalan siya ni Sheena!” Nakita ni Soju ang pagtataka sa mukha ng dalawa. “Isang latin na dasal ang ginawa ng aking lola para hindi makalabas ang demonyo sa basement at ang dasal din na iyon ang magpapakawala dito. Marahil ay binasa iyon ni Sheena…”
Natigilan ang tatlo ng biglang umalingawngaw ang paghagikhik ni Sheena na parang isang bata. Nagpalinga-linga sila ngunit wala silang makita. “Babalik tayo ng cabin!” ani Soju.
“Ayoko!” mabilis na tutol ni Glaiza. “Aalis na tayo dito ngayon!”
“Ngayon? Sa tingin mo makakaalis tayo ngayon? Mahirap magdrive kapag gabi. Sa cabin mas ligtas tayo! At hindi ako papayag na hindi natin maikulong ang demonyong iyon.”
Sumabat na si Sed. “Tama si Soju, Glaiza. Saka matitiis ba nating iwanan si Sheena sa ganoong kalagayan? Ano na lang ang sasabihin natin sa family niya?”
Natigilan saglit si Glaiza. “S-sige na. Pero papaano kung nandoon pa rin si Sheena?”
“That’ll be good kasi maaari nating mapaalis kay Sheena ang demonyo.”
——————————————————-
NAGULAT silang tatlo ng pagbukas nila ng cabin ay agad na sumugod sa kanila si Sheena. Nag-aapoy sa galit ang mukha nito. Mabuti na lamang at naging maagap sina Soju at Sed dahil nahawakan nila agad ito sa kamay.
“Raaaawwwwrrr!!! Haaaarrrrgghhh!” Pagwawala ni Sheena.
“Kumuha ka ng tali! Bilis!” pasigaw na utos ni Soju kay Glaiza. Hindi malaman ni Glaiza kung saan kukuha ng tali kaya ang ginawa niya ay hinugot na lang niya sa saksakan ang isang extension cord at iyon ang itinali nila kay Sheena.
Sa isang matibay na bangko nila ito itinali.
Napansin ni Soju na parang nanghihina si Glaiza. Nang damhin niya ang noo at leeg nito ay nagulat siya dahil sobrang init nito. “Ang mabuti pa kaya ay samahan na kita sa itaas para makapagpahinga ka Glaiza,” ani Soju.
“Mabuti pa nga,” pagsang-ayon ni Sed. “Dito muna ako sa ibaba para bantayan si Sheena.”
Ilang oras pa ang lumipas at biglang tinamaan na ng antok si Sed. Pero naisip niya na hindi siya pwedeng matulog dahil kailangan niyang bantayan si Sheena. Ganunpaman ay napapikit pa rin siya at pag mulat niya ay nakita niyang bumalik na sa dati nitong hitsura si Sheena. Normal na ulit ito.
Napatayo siya at nilapitan ito. “Sheena?! OK ka na?”
“Oo Sed. Pakawalan mo na ako please…” nagmamakaawa nitong turan.
“Oo Sheena. Papakawalan na kita! Salamat naman at nilisan na ng demonyo ang katawan mo…”
Pumwesto si Sed sa likuran ni Sheena upang alisin ang pagkakatali nito. May katapat na salamin na nasa dingding si Sheena at di-sinasadyang napatingin doon si Sed. Kitang-kita niya kung paano naging nakakatakot muli ang hitsura ni Sheena! May malapad itong ngiti sa labi nito.
Napailing siya. Imbes na tanggalin ang tali ay mas lalo pa niya iyong hinigpitan.
Hinarap niya si Sheena. “B-bakit di mo pa ako pinapakawalan?”
“Demonyo ka! Niloloko mo ako!” sigaw ni Sed at bumalik siyang muli sa kanyang kinauupuan.
Malakas na humalakhak si Sheena at bumalik na ulit ito sa nakakatakot nitong anyo. Malaki na panglalaki na ang boses na inilalabas nito. “Hahahaha! Lahat kayo ay isasama ko sa impyerno! Masusunog kayong lahaaat!!!” Pagkasabi noon ni Sheena ay bigla itong sumuka ng mga insekto. Ipis, langaw at kung anu-ano pa!
Labis ang takot na naramdaman ni Sed. Gumapang palabas ng kabahayan ang mga ipis habang ang iba ay lumipad papalabas ng bintana. Ilang sandali pa ay nawalan na ng malay si Sheena…
—————————————————–
“NILALAMIG ka pa ba?” nag-aalalang tanong ni Soju kay Glaiza. Kitang-kita niya ang panginginig ng katawan nito.
Tumango na lamang ang namamaluktot na si Glaiza. Tinanggal ni Soju ang telang nakalagay sa sugat sa leeg ni Glaiza. Umalingasaw ang nakakasulasok na amoy ng sugat. Muntik pa siyang masuka ng may nana na umaagos mula roon. Parang nabubulok na ang hitsura ng sugat niyon.
Mukhang nanghihina na rin si Glaiza.
“Kukuha lang ako ng kumot sa kabilang kwarto,” at nagmamadali siyang pumunta sa kabilang kwarto.
Sa paglabas ni Soju sa kwartong kinaroroonan ni Glaiza ay siya ring pagtigil ng paghinga at pagtibok ng puso nito.
———————————————————–
NAPAPITLAG si Sed ng biglang gumalaw ang ulo ni Sheena. Dahan-dahan itong tumingin sa kanya. “S-sed…” tawag nito sa kanya.
Tinignan ito ng masama ni Sed. Hindi siya umiimik.
“Sed…Tulungan mo ako…” samo ni Sheena.
Mabilis na nilapitan ni Sed si Sheena at mariing pinisil ang mukha nito. “Hindi mo na ako malolokong demonyo ka! Lumabas ka sa katawan ng kaibigan ko!”
—————————————————
“SED…” nanginginig na sabi ni Sheena. “W-wala na ang demonyo sa katawan ko.”
“Tss! Ulol mo!” at napapikit siya ng duraan siya sa mukha ni Sed.
Paano ba niya ipapaliwanag dito na wala na talaga sa kanya ang demonyo? Biglang nanlaki ang mga mata ni Sheena ng mula sa likod ni Sed ay nakita niya si Glaiza na papalapit. Nakakatakot ang hitsura nito na parang isang demonyo! Maputla na ang balat nito at nanlilisik ang mga mata. Nagnanaknak na rin ang sugat nito sa leeg. May hawak din itong matalim na kutsilyo.
“Sed sa likod mo!!!” sigaw ni Sheena.
Paglingon ni Sed ay saktong sinaksak ni Glaiza si Sed sa kaliwang mata nito. Pumulandit mula roon ang malapot na dugo. Baon na baon ang kutsilyo. Mukhang kay Glaiza naman lumipat ang demonyo!
Pagkahugot ni Glaiza ng kutsilyo sa mata ni Sed ay dinilaan nito ang kumapit na dugo sa kutsilyo. Pati ang talim ng kutsilyo ay dinilaan nito. Diniinan pa ni Glaiza ng sobra ang pagdila sa talim. Tila hindi ito nasasaktan kahit na nagkahiwa-hiwa na ang dila nito.
Wala ng buhay na bumagsak sa sahig si Sed.
Napailing naman si Sheena ng papalapit na sa kanya si Glaiza. “G-glaiza…Please…Maawa ka…”
“Hindi ako si Glaiza!” sigaw nito sabay saksak ng kutsilyo sa kanyang leeg. “Ako ang demonyo!” Makailang ulit na pinagsasaksak ni Glaiza si Sheena hanggang sa mapatay na niya ito…
———————————————————-
BANG!
Sapol sa ulo si Glaiza ng barilin ito ni Soju. Sumabog ang utak nito sa sahig sa lakas ng tama ng baril. Dilat ang mga mata at hindi na humihinga si Glaiza ng bumagsak ito sa sahig.
Napangisi si Soju.
Mula sa basement ay kumuha siya ng pala at naghukay sa likod ng cabin. Halos dalawang oras din siyang naghukay bago tumigil.
Ibinaon niya ang bangkay nina Sed, Sheena at Glaiza doon.
Matapos makapaglinis ng katawan ay sumakay na siya sa van at pinaandar iyon. Habang nagdadrive ay naalala niya ang mga nangyari halos isang taon na ang nakakaraan. Namatay sa aksidente ang kanyang girlfriend at sabay-sabay naman na tinupok ng sunog ang buo niyang pamilya. Halos mabaliw na siya. Wala siyang ibang sinisi sa lahat kundi ang Diyos! Hindi na siya nagsisimba o nagdarasal man lamang.
Kahapon ay pinuntahan niya ang cabin at may nakita siyang sulat…Binasa niya iyon at napakawalan niya ang dalawang demonyong nakakulong sa basement. Sumapi ang isa sa kanya dahil sa wala na siyang pananampalataya sa Panginoon.
Kailangan niya ng katawan ng labingtatlong tao para mapalaya lahat ng demonyo na nakakulong sa cabin. Iyon ang utos at laging ibinubulong sa kanya ng sumapi sa kanya.
“Magdala ka ng tao dito at patayin!”
Wala ng lakas si Soju na tumutol dahil hindi na siya ang gumagamit ng kanyang katawan.
Dahil isang demonyo na ang nakapasok sa kanya. Demonyo na ang gumagamit nito!
——————————————————-
MAKALIPAS ang tatlong araw…
Bumaba na sina Tinay, Sam, Kei, Rima at Soju sa van na sinakyan nila papunta sa cabin na iyon.
“Wow! Ang ganda naman dito!” bulalas ni Tinay.
“Yeah…I really love nature.” dugtong pa ni Sam.
“I am sure, mag-eenjoy kayo dito…” at sumilay ang isang mala-demonyong ngiti kay Soju.
WAKAS!

 

Credit: Itim na nobela

 

The Used (One Shot Horror)
By soju

Advertisements