“Ganti” by Kuya_Soju
PrologueGaano mo kamahal ang iyong kapatid? Kaya mo bang gawin lahat para sa kanya? Paano kung ang nangyari sa kapatid mong babae ay katulad ng nangyari sa kapatid ni Alyssa? Rape victim, pinatay ng tatlong lalake ng walang awa…Binasag ang bungo sa pamamagitan ng bato…Binalandra sa publiko ang hubad na walang buhay na katawan.. At ang masaklap pa nito, nung humihingi ng tulong ang kapatid niya bago ito magahasa…Walang kahit sino ang tumulong dito…. Ano ang kayang gawin ng isang kapatid na tulad ni Alyssa? Makakaya ba niyang pumatay upang maipaghiganti ang karumal-dumal na sinapit ng kapatid niya? O isang misteryo ang babalot sa buong kwentong ito?
Chapter 1- Pangitain “ATE..” Ayaw pang magmulat ng mata ni Alyssa. Puyat siya ng nakaraang gabi. Umaga ng araw na iyon at ginigising siya ng kapatid na si Aryana. “Gising na, Ate…”, niyugyog pa siya ng husto ng kapatid. Ulilang lubos na sila. Tatlong taon na ang nakakalipas ng mamatay sa isang sunog ang mga magulang nila. Silang dalawa na lang ang natira noon. Kaya naman nangako siya sa mga magulang na di niya papabayaan ang 16 years old na bunsong kapatid na si Aryana. Parehas silang maganda ng kapatid niya. Graduating na ito sa high school samantala siya ay isang secretary sa isang di kalakihang kompanya. Masaya silang namumuhay. Walang problema kahit minsan ay kinakapos sila sa gastos. “Ate..Magtatampo ako sa iyo pag di kapa bumangon..”, narinig ni Alyssa na sinabi ng kapatid niya. “O sige na..”, nakangiti kong sabi. “Yehey!” “Bakit ba,,,? Puyat ang ate tapos ginigising mo..” “Sorry na ate..Eh, kasi..Pinaghanda kita ng breakfast eh…” “Wow naman! Ang sweet naman ng kapatid ko…Bakit may ipapabili ka ba sa akin?”, niyakap pa niya ang kapatid na parang naglalambing. “Si ate naman!”, naka-labing sabi niya. “Naisip ko kasi, hindi pa kita naipagluluto kahit kailan…Kaya bago man ako umalis, masilbihan kita..”, sabi pa ni Aryana. Kumalas si Alyssa sa pagkakayakap sa kapatid. Kinilabutan siya sa sinabi nito.. Para kasing nagpapa-alam na ito sa kanya. “Aryana?! ANo bang sinasabi mo? Tara na nga..Kumain na tayo..”, yaya ni Alyssa sa kapatid. Habang kumakain sila panay ang puri ni Alyssa sa luto ng kanyang kapatid. “Masarap huh! Lalo na itong fried rice…”, masayang sabi ni Alyssa. “Syempre..Para sa ate ko iyan eh..” Biglang may tumawag sa cellphone ni Aryana. Nakangiting binaba ni Aryana ang cellphone. “Sino yung tumawag at nakangiti ka dyan?”, naiintrigang tanong niya sa kapatid. “Si James, ate..” Si James ang nobyo ni Aryana. Nineteen na ito at tambay. Ayaw dito ni Alyssa para sa kapatid. Mukha kasi itong drug addict. “Anong sabi ni James?”, tanong ni Alyssa. “Magkita daw kami ngayon din..” “Aryana..Payong kapatid lang…Mag-iingat ka sa James na yan. Hindi ko talaga siya gusto para sa yo..” “Ate naman..Mahal niya ako. Saka kaya ko na ang sarili ko ano..” “Sana nga Aryana..” Tumayo na si Aryana. “Sige, Ate.Aalis na ako..Nakaligo na naman ako eh..Bye Ate!”, humalik muna si Aryana sa kanya bago ito umalis. Tiningnan ni Alyssa ang papaalis na kapatid. Muntik na siyang mapasigaw ng makita niyang wala itong ulo. Pinilig niya ang ulo niya at nakita niyang may ulo na ulit ito. Isa iyong masamang pangitain..Tinawag niya ang kapatid. “Bakit ate..?”, nagtatakang tanong ni Aryana. “A-aryana, wag kana kayang umalis…” “Ate naman..Ayan, tumatawag na naman si James oh..Sige..Bye na ate..”, at tuluyan na itong umalis. Kinakabahang napaupo sa sofa si Alyssa. Ramdam niyang may di magandang mangyayari.
Chapter 2- Tulong “Asan ka ba?” Masayang tanong ni Aryana. Kausap nito ang nobyong si James sa cellphone. Nakasakay na siya sa taxi. “Andito ako sa bahay…Pero, magkita na lang tayo sa MOA…Sa entrance, kay?”, sagot ni James sa kanya. “Sige…Bye..!” “Bye, ingat ka..” Matagal- tagal ding naghintay si Aryana sa entrance bago dumating si James. Hinalikan siya ni James sa pisngi. Matapos iyon ay nagyaya itong manood ng sine… Kanina pa paikot- ikot sa kinatatayuan si Alyssa. Mag-aalas diyes na ng gabi pero hindi pa rin umuuwi ang kapatid niya. Tama kaya ang pangitain niya na may masamang mangyayari dito? Sinubukan niyang tawagan ito sa cellphone pero hindi naman ito sumasagot. Kinakabahan na siya. Iba ang pakiramdam niya. ————————————————————————————— “Sa bahay kana matulog..Lasing kana Aryana..” Sabi ni James sa nobya na medyo nakakainom na. Sakay sila ng taxi at papauwi na. “Magagalit sa akin si Ate..” “Ano kaba? Ako lang sa pad ko. Promise behave ako..” “Promise yan huh…” Nakita ni Aryana na ngumiti ng nindi maganda ang nobyo. Pero dahil medyo nakakainom na ay di na niya ito binigyan ng ibang kahulugan. Nakita niyang hawak nito ang cellphone nito at tila may tinetext ito. Maya- maya ay nasa bahay na ni James si Aryana. Nagulat si Aryana nang makita niyang nasa pad ni James ang dalawa pa nitong kabarkada na pawang mga drug- addict din. Mapupula ang mga mata ng mga ito at halatang kagagamit lang ng droga. Kinabahan siya. “James, akala ko ba ikaw lang dito sa pad mo?”, bulong ni Aryana kay James. “May sinabi ba akong ganun?” “James, iuwi mo na ako..” “Ayoko nga!”, asik nito. “Pwes, uuwi akong mag- isa!”, tatalikod na sana si Aryana pro hinawakan siya ni James sa braso. “Ang arte mo naman!” “ANo ba James? Payag ba yang syota mo? Malaki ang binayad namin sa iyo ha!”, sabi nung isang kaibigan ni James. Napatingin si Aryana kay James. Nagtataka ito. “James, ano ito?” “Wag kang maarte!”, Hinawakan ni James sa dalawang kamay ang nobya tapos pilit inihiga sa sofang naroon. Nagsisigaw si Aryana. “Tulungan niyo ako!” “Kahit anong sigaw mo walang makakarinig sa iyo!”, isang suntok sa puson ang natanggap ni Aryana. Hindi siya makagalaw. Nawalan siya bigla ng lakas. Nakita niyang nag-umpisang maghubad ang tatlong lalake sa harapan niya. Gumapang siya pababa ng sofa. Hirap na hirap na gumapang. Pero useless dahil hinblot siya sa buhok ni James at pilit hinubad ang kanyang mga damit. Sumigaw siya ng sumigaw. Nanlaban pero anong laban niya sa tatlong lalake na malalakas. Hanggang sa maikatuparan ng mga walang kaluluwang mga lalake ang gusto nitong gawin sa kanya. Binaboy siya ng mga ito! ——————————————————————————————————————————————- Panay ang iyak ni Aryana matapos iyon. Gabi pa rin. Nagsalo na ang laway at luha sa mukha niya. Tulog na ang tatlong lalake. Wala siyang saplot, gumapang siya palabas ng bahay. Nakakita siya ng padaan na sasakyan. Pinara niya iyon. Inaninaw niya ang sakay nito pero dahil tinted ay di niya makita. Nagsisigaw siya ng makitang papalabas na ng bahay si James. May dala itong martilyo sa kanang kamay nito. “Buksan mo ito! Tulungan mo ako!!! Parang awa mo na!”, sigaw niya. Pero hindi bumubukas ang pintuan ng kotse. Nakatigil lang ito. Hanggang sa mahablot na ni James ang buhok niya. SUmibad na paalis ang kotse. “Tulungan niyo akoooo!!!”, sigaw pa niya. “Tumigil ka!”, sabay hampas ng martilyo sa kanyang ulo. Umagos ang dugo mula roon. Itinapon ni James sa malayo ang martilyo. Dumating sa labas ng bahay ang dalawa pang lalake. Gumapang siyang muli. Nakangisi ang dalawang lalake sa kanya. “M-ma-a-wa..Ka-yo -oooo…”, hingal niya. “Pare, buhay pa!”, narinig niyang sabi nung isa. Kumuha ng malaking bato si James at walang awang paulit- ulit na ipinukpok sa mukha ni Aryana ang bato
Chapter 3- Hustisya Muntik nang mawalan ng malay si Alyssa sa napapanood na balita ng umagang iyon. Isang babaeng biktima ng rape ang binalandra ang katawan sa gitna ng Edsa. Natuptop niya ang bibig. Walang iba iyon kundi si Aryana. Ang kapatid niya! Nanghihnang napaupo siya sa upuan at umiyak ng umiyak. ANong gagawin niya? Nagtungo siya sa kusina upang uminom ng tubig. Nanginginig ang mga kamay niya habang umiinom. Ayon sa balita ay ni-rape ang kapatid niya at pinaghahampas ng matigas na bagay sa mukha nito. Kinuha niya ang address ng punenaryang pinagdalhan dito. ——————————————————————————————————————————————– Gustong magwala ni Alyssa pagdating sa purenarya. “Anong pinagsasabi niyong nawawala ang bangkay ng kapatid ko?!”, galit na sigaw niya sa lalakeng nandun sa punerarya. “Eh, Ma’am..Nawawala nga ho. Nasalisihan yata kami eh..Pasensiya na po..”, kakamot- kamot sa ulo ang lalake. “Mga wala kayong silbi..! Binaboy na nga ang kapatid ko ganyan pa ang sasapitin ng bangkay niya!”, umiyak na naman siya ng umiyak. Bakit nawala ang bangkay ng kapatid niya? Nag-isip siya. Si James ang huling kasama ng kapatid niya. Malamang ito ang salarin sa pagkamatay ng kapitid niya. Hayop ka, James! Anong ginawa mo sa kapatid ko, sa isip niya. Agad siyang nagpunta sa pad ni James. “James! Lumabas ka dyan! Hayop ka!”,sigaw ni ALyssa. Bumukas ang pintuan. Lumabas mula roon si James. Halatang puyat ito. “Hayo ka, James!!!”, pinagsasampal ni Alyssa si James. Di pa siya nakuntento dinuraan niya ito sa mukha. Sumigaw si James pero di natinag si Alyssa. “Bakit kaba pumupunta dito at manggugulo ka?!”, galit natanong ni James. “Nagmamaang-maangan ka pa?! Ikaw ang pumatay sa kapatid ko! Hayop ka!” Hinawakan siya sa balikat ni James. May ibinulong ito sa kanya. Natigilan siya sa ibinulong nito. Humakbang siya palayo. “Hindi pa tayo, tapos James! Ipapakulong kita!”, sabay tuluyan na siyang umalis. Asan na ba ang bangkay ng kapatid niya? Malamang ay kinuha ito ni James upang walang ebidensiya sa ginawa nito sa kapatid niya. Lalo siyang nagalit sa naisip.. —————————————————————————————————————————————— Kinabukasan, agad nagsampa ng kaso si Alyssa. Makalipas ang isang buwan, hinuli ng mga pulis si James at ang dalawa pa nitong kaibigan na sangkot sa kaso. Pero nang hatulan ito ng judge sa kaso ng mga ito… NOT GUILTY ang naging hatol sa mga ito. Nagwala si Alyssa sa court room ng marinig ang desisyon ng judge. “Order in the court! Order in the court!”, panay ang sabi ni judge nang di maawat sa pagwawala si Alyssa. Sobrang sama ng kanyang loob. Ni-rape na nga ang kapatid niya tapos nawawala pa ang bangkay nito. Tapos ngayon, mapapawalang sala pa ang mga salarin sa pagkamatay nito. “Hayop kayo!!!”, sinugod ni Alyssa si James. Nakalmot niya ito sa mukha at lumikha iyon ng sugat. Napahawak si James sa nasugatang mukha. Bigla nitong sinapak si Alyssa. Pero lalong tumapang si Alyssa. Susugurin niya ulit ito pero naawat siya ng dalawang pulis. Nagkakagulo na sa court room. Pero walang pakialam si Alyssa. Pwershan siyang inilabas ng court room si Alyssa. Pero bago siya mailabas ng tuluyan isang pagbabanta ang binitiwan niya. “Pagsisisihan niyong lahat ito! Kayong lahat! Isinusumpa ko sa bangkay ni Aryana!” —————————————————————————————————————————————– Nang sumunod na araw tila wala na sa sarili si Alyssa. Minsan, kinakausap niya ang mga pictures ng kapatid niya. “Aryana..Wag kang mag-alala..Ipaghihiganti ka ng ate..Mahal na mahal kita Aryana..Ikaw na lang ang natitira sa akin..Di ka iiwan ng ate, ARyana…Huhuhu…!” Isang araw, labis ang tuwa ni ALyssa sa lumabas na balita sa telebisyon. Patay na ang judge na humatol sa kaso ng kapatid niya. Pinatay ito sa sarili nitong bahay. Pinagsasaksak sa mukha hanggang sa mamatay ito. Wala pa ring lead ang pulisya kung sino ang may kagagawan sa pagkamatay ng judge. “Buti nga sayo!”, tila baliw na kinakausap ni Alyssa ang telebisyon
Chapter 4- Babae “WERE SO LUCKY, MGA PARE!” Mayabang na sabi ni James sa dalawang kabarkada na sina Rainier at Dave. Nasa bar sila noon at nag-iinom. “Oo nga! Biruin mo, nasarapan na tayo di pa tayo nakulong..Wahaha!”, sabi naman ni James. Hindi nila alam, sa di kalayuan isang babae ang nakatingin sa kanila. Labis ang ppot nito. Kung pwede nga lang ay lapitan na niya ang tatlong lalaking iyon at patayin na niya ay gagawin niya. Pero dapat siyang maging maingat. Hindi dapat siya makilala ng kahit na sino. Naghintay pa ang misteryosong nilalang ng ilang minuto. Nang makita niyang tumayo ang isa sa kasama ni James ay naisip niyang iyon na ang tamang pagkakataon. Ininom niya ang natitirang alak sa kanyang kopita. Sinaklob sa ulo ang itim na belo. Napaka-sexy ng suot niya. Iyon talaga ang kanyang plano. Sinundan niya si Rainier hanggang sa loob ng CR na panglalake. Walang tao doon. Umihi si Rainier at pagharap ni Rainier, nagulat ito nang makitang may babae sa loob CR. “Whow! Nagkamali ka yata miss ng pinasukang CR..”, sabi ni Rainier. “Hindi ako nagkamali…Ikaw talaga ang pinunta ko dito..”, sabi nung babae habang papalapit kay Rainier. “What do you mean?”, nagtatakang tanong ni Rainier. Hinalikan bigla nung babae si Rainier. Nadala ito. Nagpunta sila sa isang cubicle. Huhubarin na sana ni Rainier ang damit ng babaeng naka- belo ng magulat siya ng maglabas ng patalim ang babae. Hindi na nakasigaw si Rainier dahil sinaksak siya nito agad sa leeg. Tapos hiniwa pa iyon. Natumba siya sapo ang leeg na nasugatan. Gulat na gulat siya. Unti- unting kinakapos ang hininga niya. Tinakpan niya ng palad ang sugat sa leeg upang makahinga. Gumapang siya sa sahig sa CR. Nakatingin lang ang babe sa kanya. Sa mata nito ay nandun ang kasiyahan. “Sige, gumapang ka! Hayop ka!”, sabay unday ng isang saksak sa likod ni Rainier. Sumampa ang babae sa likod niya tapos walang habas na pinagsasaksak siya sa ulo. Sobrang talas ng patalim. Tumatagos sa bungo ang bawat ulos ng babae. Bumaha ng dugo sa tiles ng CR. Tumatalsik sa kung saan- saan ang pulang dugo sa bawat saksak nito. Hindi ito tumitigil hanggang sa hindi na gumagalaw ang katawang ng kanyang biktima. Matapos iyon ay tumayo na siya… Naglinis ng mga dugo sa katawan niya. —————————————————- Kanina pa naghihintay sa loob ng bar sina James at Dave pero walang Rainier na bumabalik sa pwesto nila. “Ang tagal naman niya!”, reklamo ni James. “Mabuti pa, pare puntahan ko na sa CR. Baka may nakuha na naman yung babae…”, pilyong sabi ni Dave. Tumayo na ito at nagpunta sa CR. Laking gulat nito ng makita ang karumal-dumal na hitsura ng kaibigan niya. Napasigaw ito. Kinig na kinig ng babae ang sigaw ni Dave. Isang nakakatakot na tawa ang pinakawalan niya. Ikaw na ang susunod, Dave!, sabi niya sa isip niya.
Chapter 5- Apoy Maagang nagising kinabukasan si Alyssa. Naligo siya ng araw na iyon. May ngiti sa kanyang mga labi. Parang nararamdaman niya na may isang magandang balita ang malalaman niya ngayong araw na ito. Nanonood siya ng TV habang nag-aalmusal siya. Bigla na lang siyang tumawa mag-isa nang mapanood Ang isang balita. Patay na ang si Rainier Ruiz! Brutal itong pinatay sa isang bar sa Manila. Pinagsasaksak ito sa ulo at iba pang parte ng katawan nito. “Yan ang dapat sa iyo! “, tila baliw na sabi niya. At malakas na tumawa ulit. Matagal nang nakatayo ang babaeng iyon sa labas ng bahay ni Dave. Gabi na noon. Pero alam niyang wala sa loob ang pakay niya. Ilang oras pa ang kanyang hinintay at ayun na ang kanina pa niya hinihintay. Lasing yata ito at pasuray-suray na pumasok sa bahay nito. Sinundan niya ito. Nanatili siyang nakatayo sa tapat ng pintuan. Isang oras siyang nakatayo doon. Maya-maya ay kumilos na siya. Binuhat niya ang hawak na galon. Naglakad papalapit pa sa nakasarang pintuan. Labis ang kasiyahan ng babaeng iyon ng malaman niyang hindi naka-lock ang pintuan. Nabuksan niya iyon ng walang kahirap- hirap. Pumasok siya at naglakad patungo sa kwarto ni Dave. Nakita niyang nakahiga ito at natutulog na..Dahan- dahan siyang lumapit dito at isinalwak sa katawan nito ang laman ng galon. Gulat na napabalikwas ng gising si Dave. “Sino ka!?”, galit na tanong nito sa babaeng naka-belo. “Papatayin kita..!”, sagot nito sa kanya. Inamoy ni Dave ang likidong nasa katawan niya. Nagulantang siya ng malaman kung ano iyon. Gasolina! Susugurin sana ni Dave ang misteryosang babae ng biglang maglabas ito ng lighter. Sinindihan iyon ng babae. Nahihintakutang natigilan si Dave. Nakatingin siya sa apoy. Tila sumasayaw iyon… “A-anong gagawin mo?”, nanginginig sa takot na sabi ni Dave. ‘Papatayin ka!”, biglang itinapon ng babae ang hawak na lighter sa katawan ni Dave. Nagliyab agad iyon. Nakakabingi ang sigaw ni Dave. Pumupunit sa laman ang apoy. Unti-unting inuubos ang bawat madampian. Hindi malaman ni Dave kung saan siya tutungo. Ang halakhak lang ng misteryosang babae ang tangi niyang naririnig. SObarng sakit ng kanyang nararamdaman. Hanggang sa tila manhid na ang kanyang buong katawan. Bumagsak siya sa sahig na balot ng apoy… Minasdan lang siya ng misteryosang babae. Nagbabaga sa galit ang kanyang mata katulad ng apoy na tumupok kay Dave.. Malapit ko nang matapos ang aking paghihiganti..!, nasa-isip niya.
Chapter 6- Rebelasyon Kumakain mag-isa si Alyssa ng araw na iyon. Nang matapos na siya ay hinugasan na niya ang pinagkainan. Papanhik na siya sa taas sa kwarto niya ng may mapansin siya sa sahig. Mga bakas putik na hugis paa. Papunta sa kwarto niya. Kinakabahang sinundan niya ang bakas ng paa. Dahan- dahan lang siya. Maingat ang mga hakbang. Kaninong bakas ng paa ito? SIno ang pumasok sa bahay niya. Binuksan niya ang pintuan. Nagulat na lang siya ng may tumakip sa ilong niya na isang panyo. Nagpumiglas siya pero malakas ang taong gumagawa noon sa kanya. Hanggang sa unti- unti siyang hilahin sa kawalan. Nawalan siya ng malay.. ———–Masakit ang ulo ni Alyssa ng magising siya. Pinakiramdaman niya ang sarili. Nakatali siya! Sa kama niya mismo! Pahiga siyang nakatali. “Gising ka na pala!” Napatingin si Alyssa sa pinanggalingan ng boses. Si James! May hawak itong patalim. “James?!”, gulat na bulalas ni Alyssa. “Kumusta kana, ALyssa?”, nakangiting sabi ni James. “Pakawalan mo ako dito James! Hayop ka! Anong gagawin mo sa akin?!”, galit na tanong niya. Lumapit sa kanya si James at binusalan ang kanyang bibig. “Alam mo kung anong gagawin ko sa iyo? Katulad ng ginawa ko sa kapatid mo. Hayop ka! Ikaw ang pumatay sa mga kaibigan ko, ano? Pwes..Papahirapan kita ngayon!” Hindi makapagsalita si Alyssa. Hindik na hindik siya ng makitang nag-uumpisa nang maghubad si James. Sumampa na ito sa kama. Wala na siyang nagawa ng maisakatuparan nito ang panggagahasa nito sa kanya. Hindi siya makasigaw. Ilang ulit siya nitong binaboy. Pakiramdam niya ay ang dumi- dumi ng katawan niya. Tinanggalan siya nito ng busal matapos. “Masarap ba?”, tanong nito. ‘Hayop ka….Bakit pati ako…?”, tanong niya sa pagitan ng pag-iyak. “Dahil di ka tumupad sa usapan..Pati mga kaibigan ko tinodas mo!!!”, gigil na gigil na sabi ni James sabay sampal sa kanya. Lumabas ito ng kwarto… Sinikap niyang makawala pero napakahigpit ng pagkakatali sa kanya. ANong gagawin niya? Siguradong pagbalik ni James ay papatayin na siya nito at itutulad sa ginawa sa kapatid niya…Binaboy nito! “Hayop ka, Jamessssss!!!!”, tili niya. Pero lalo siyang nagimbal nang mula sa pintuan ay may naghagis sa kanya ng pugot na ulo ni James. Lumagpak iyon sa puson niya. Umagos ang dugo mula roon. Mainit na dugo na yumayakap sa kanya. Naghisterikal siya… Pero ang pugot na ulo ni James ay tila nakatingin lang sa kanya. Biglang may pumasok na tao sa kwarto niya. May hawak itong palakol na puno ng dugo..hila- hila nito ang katawan ni James na wala nang ulo…Napasigaw lalo si Alyssa.. Dahil walang iba iyon kundi si Aryana!
Chapter 7- Ang Pagtatapos “KUMUSTA KA NA ATE?” Walang buhay ang boses ni Aryana. Inakala ni Alyssa na multo lang ito ng kapatid pero hindi. Pinatay nito si James. Wasak at medyo deformed ang mukha ni Aryana. Puro peklat at sugat ang katawan nito. Medyo lagas na ang buhok nito na may mga sugat. “Aryana, buhay ka!”, gulat na bulalas ni Alyssa. “Tama ka, Ate…Mabuti na lang at hindi nagtagumpay sina James na patayin ako..Akala ko patay na ako noon..Pero bigla akong nagising sa punerarya..Tumakas ako..Upang maghiganti…Buhay ako, Ate… kahit hindi mo ako tinulungan..”, umupo si Aryana sa kama kung saan nakatali pa rin si Alyssa. “Tinulungan? A-anong ibig mong sabihin?”, naguguluhang tanong ni Alyssa sa kapatid. “Wag ka nang mag-maang-maangan, ate! Ikaw yung sakay nung kotse na hiningan ko ng tulong! Alam ko ang kotseng ginagamit mo!”, sigaw ni Aryana. Tama ito..Siya nga iyon. Hindi niya ito pinagbuksan ng humingi ito ng tulong sa kanya. “Bakit di mo ako tinulungan ate?”, sabay tanong ni Aryana. “Bata pa lang tayo Aryana..Lagi na lang tayong pinagkukumpara. Ikaw ang mas maganda, ikaw ang mas magaling! Pati ang pagkamatay nina Papa at Mama, ikaw ang may kasalanan! Kung hindi ka sana nanigarilyo sa likod bahay noon..hindi masusunog sina Mama!”, galit na sigaw ni Alyssa. “Tama na! Tama na!!! Isusunod kita kina James..oo..Ako ang pumatay sa kanila..At alam mo ba kung ano pa ang natuklasan ko? Ikaw ate ang nag-utos na ipapatay ako kina James! Wag mo nang itanggi iyon! Dahil narinig ko mismo na nag-uusap kayo sa telepono. At yung judge, binayaran mo siya para mapawalang sala ang mga gumahasa sa akin, diba? At may relasyon kayo ni James! Wag mong gawing dahilan ang pagkamatay nina Papa..Ipinapatay mo ako dahil para masolo mo si James..!!!!”, nagbabaga sa galit si Aryana. “Tama ka, Aryana..Lahat ng sinabi mo ay totoo..Sige..Patayin mo na ako. Tapusin na natin ito…”, umiiyak na sabi ni Alyssa. Niyakap ni Aryana ang nakataling kapatid. Hinaplos sa buhok..Tila baliw na kinantahan niya ito. Na parang nagpapatulog ng bata… “Patawarin mo ako, ate..”, sabay unday ng saksak sa leeg ni Alyssa. Kumisay- kisay si Alyssa. Umagos ang masaganang dugo mula sa leeg niya. Nanlalabo na ang paningin niya. Nakikita pa niya ang mga mata ni Aryana na nakatingin sa kanya habang unti- unti siyang nawawalan ng buhay..Mga matang puno ng pagmamahal para sa isang kapatid… Hindi niya akalaing sa ganito hahantong ang lahat. Nasaan na ang masasayang araw nilang dalawa? Ang pangako nila sa namayapang magulang na magmamahalan sila? Ang mga biruan nila, asan na? ANg pag-iyak nila sa problema ng isat-isa? Ahhh..Nawalang lahat ng iyon dahil sa pagmamahal nila sa di karapat-dapat na lalake… Nang wala nang buhay si Alyssa. Lumakad si Aryana sa may closet at may kinuhang tali roon. Isinabit niya iyon sa may kisame. Tinali at pinulupot niya sa leeg pagkasampa sa isang bangko.. Dito niya tatapusin ang lahat.. Ang pagganti niya… Ay tapos na… “Mahal na mahal kita, Ate…”, iyon ang huling katagang namutawi sa kanyang mga labi… ———————————————–WAKAS——
Credit: Itim na nobela
Advertisements