23. No me atrevo

Hi! I�m glad you�ve arrived safely JC. Bungad agad sa amin ni Yvette pagdating na pagdating namin sa hotel na tutuluyan namin. Bakit andito ang babaeng ito? Oh my!  

Thanks Yvette. I believed you were not yet formally introduced. Yvette this is Joanne Zamora, the architect for this project and Joanne , this is Yvette, the only daughter of Mr. Sy, the owner of ABC. 

Hi Joanne, I�ve seen the plans for the hotel and its very impressive. That�s why I can�t wait for its construction. I smiled at her and we shake hands. Ugh! Kaplastikan na naman. I don�t know why I hate her. Maybe because she kissed my property? Now, where did that come from? Wake up Joanne! You very well know that Oca is not serious. Wag ka nang umasa.   

I�ll be waiting at the dining. My thoughts were interrupted ng matinis at nakakairitang  boses ni Yvette. Kahit ganun siya kalandi hindi pa rin maiaalis ang finesse sa kanya. Everything in her speaks of class, elegance, beauty and sexiness. Dib a gusto ko ngang maging siya? But then  ayaw kong maging kasinglandi niya. Napaismid ang isip ko.

Hey, stop sulking. She�s a client and nothing more.     

Nagtatanong ba ako?    Buti naman at kinlaro mo.   

Your face says it all. He said laughter in his voice. Ano ang nakakatawa? Hmp!

Pumasok na kami sa room namin which is magkatabi lang. Buti naman at di niya naisipan na iisang room lang kami. Pero sayang at di niya naisip yun! Hahahaha. Tangna ang manyak ko ata ngayon? Jetlag ba to?

Pagkapasok ko sa room na hindi naman kamangha mangha (Pero maganda, ok na rin) Tumingin ako sa kama at narealize ko na napagod ako sa byahe at pakikipaglandian kay Oca. And besides mag 8pm na rin naman, hindi  na muna ako kakain kasi inaantok na ako. Mahihiga na sana ako  nung

Knock knock! Istorbo naman talaga!

Wut!?

Magdidinner na tayo.

Pwede bang magparoom service na lang ako? 

Hindi pwede. Kasabay natin si Yvette. So ganun? Kung gusto kaming kasabay ni Yvette  hindi na pwedeng tumanggi. Tss! Nagsisimula na namang uminit ang ulo ko.

Huminga ako ng malalim at tinalikuran si Oca. Kainis kasi eh. Okay I am being childish and I�m acting like a spoiled brat pero hindi ko rin alam kung bakit ganito na lang kabigat ang feeling ko para kay Yvette.

Pumasok na kami ng elevator pero hindi ko pa din pinapansin si Oca. Naiinis kasi ako eh. Dahil lang sa sinabi ni Yvette na sabay kaming kakain sasabay na siya agad. Di ba parang uto uto?(Ang immature mo Joanne).

She�s our client, in a way we need to impress her. Sabay hawak ng kamay ko. I don�t know why he is explaining to me. Pero dahil sa kanyang ginawa naliwanagan ang puso kong naghihimagsik (naks! Kakapanood to ng Grazilda eh. Lol) At katulad din ni Grazilda, ang aking puso gustong magtatalon sa aking dibdib! Nahanap ko na ba ang aking Prince Charming? (Lol Teka lang natatawa daw ang author eh. Ang cheesy ngayon ng author, mukhang di niya masusulat ng maayos ang chapter na to. Hindi magawang magalit ni Joanne kasi masyadong cheesy ang author ngayon.)

Hanggang sa makalabas kami ng elevator hindi niya binitawan ang kamay ko. May employer at employee ba naghoholding hands? Inalis ko na lang ang pagkakahawak niya ng kamay ko nung nagiinit na ito dahil sa masamang tingin ni Yvette sa kamay naming dalawa. Wala akong planong ipasunog ang kamay ko sa nag aapoy na tingin ni Yvette. 

Kumain na kami pagkatapos at medyo dumadami na din ang tao. Buhay ang Bora pag gabi. Nagyaya si Yvette na magnightswimming kami at pumayag naman itong si Oca. Uto uto nga di ba? Wala akong nagawa. Kliyente namin siya, empleyado lang ako. Goodbye tulog.   

Kahit wala akong planong maligo sa gabi dahil sa lamig, nagbihis pa din ako ng 2-piece swimsuit pero pinatungan ko lang ito ng short at t-shirt. Conservative pa din ako kahit papano. Pero nagsisi ako na pinatungan ko pa ng t-shirt at short ang 2-piece ko nung Makita kong naglalaway si Oca kay Yvette na parang wala nang damit. Gustong gusto kung maghubad sa oras na yun pero magiging masyadong obvious na nagseselos ako. 

Naglakad na kami papuntang dagat. Nasa likod ako nina Oca at ni Yvette. Kita mo! Kani kanina lang nilalandi ako ni Oca pero nakakita lang ng flesh ayun hindi na ako pinansin kesyo nakashort at t-shirt ako. Gustong gusto ko nang ilublob si Oca sa buhangin para lunurin. Gigil na gigil ako. At dahil sa gigil ko tumakbo ako at nauna ako sa kanila. At nung makakita ako nung bato. Binuhat ko to at pinukpok ang ulo ni Yvette. Joke lang.     Hinubad ko ang t-shirt at short ko at nilagay sa bato at dumiretso sa dagat. Weeeeeeeeee!!!   

Nung mapagod ako umahon ako at nilatag ang towel ko sa sand at nag moonbathing.    . Nakakaidlip na ako nung naramdaman kong biglang may nagtakip ng towel sa katawan ko. I opened my eyes and I saw Oca. Nakatrunks. Naglaway ako!  . Umupo siya sa tabi  ko. 

Don�t you dare wear that flimsy thing again. Huh? And don�t you think masyado nang gabi para magbilad? I ignore him. Bahala siya sa buhay niya. 

Joanne! Nakikinig ka ba sa akin? Tiningnan ko lang siya at tinaasan ng kilay. 

Sabi ko wag ka na magsuot ng ganyan! 

Bakit bawal ako magsuot ng ganito? At bakit ka andito? Bakit hindi mo inaatupag yung kliyente mo? Bitter ba?

So nagseselos ka na sa lagay na yan?  

At bakit naman ako magseselos? Hmp!

Kahit kailan talaga ang ilap mo! Sabay akbay sa akin at gulo ng buhok ko. Andyan na naman ang lubdub ng puso ko! This can�t be happening to me!

Joanne Phoebe Zamora? Is that you? And what are you doing here?Napatingin kaming dalawa ni Oca sa nagsalita. Oh my God! This can�t be happening! 

Johann! Napatayo ako bigla. Now I�m dead. I�m really dead. 

Who is he? Sabi nung Johann na nanlilisik ang mata at tinuturo si Oca. Kung may tao akong kinatatakutan sa buong mundo, walang iba kundi si Johann. Si Johann Phoebus Zamora. My elder brother and twin of Jeannie Paolo. Kung anong cool ni Jeannie Paolo opposite niya si Johann. He is the serious type. Basta opposite sila kahit na magkamukhang magkamukha sila. 

JC pare, JC Cariño. Sabay lahad ng kamay niya. Nagshakehands sila. Nagsukatan ng tingin. Nagpaangasan. 

Boyfriend niya.

Boss ko. Nagkasabay pa kami. Tumaas ang kilay ni Johann. Ugh! 

Boss ko siya! Why can�t Oca cooperate? Just this once?

Tiningnan ako ni Johann tapos tiningnan niya si Oca mula ulo hanggang paa. Joanne Phoebe, Go home. He said emphasizing every word. 

Teka aquaman, na masakit sa mata ang fontcolor�

Don�t you dare interfere!

Aba�t�I stopped Oca before he could say anything. 

Johann, Tinangnan niya ako ng masama.  Kuya, matanda na ako. See, kung gaano ako katakot sa kanya? I can't call him Johann, in his face.

I know. I know that you are old and mature enough. And its high time that you face your responsibility. Stop being a spoiled brat. If Paolo tolerated your whims, ibahin mo ako Phoebe! Tumaas na ang boses niya.

I won�t go home! I said half crying. Kaya ayaw kong magkita kami eh. Pipilitin lang niya ako. 

You know that I can. Don�t make me drag you back home. No me atrevo. And with that , he left. Napaupo ako sa buhangin nung umalis siya. Nanlumo ako.

Yung Paolo�at yung lalaking yun? Kapatid mo sila? Huh! Akala ko pa naman...Bakit ka niya pinapauwi? Naglayas ka? Stow away? 

Pwede ba Oca? Iwan mo muna ako! Pwede bang hayaan mo na muna ako? Pwedeng wag ka munang makigulo? Magulo na nga ang isip ko ginugulo mo pa lalo!

Bakit ba magulo ang isip mo! At bakit ka pinapauwi ng kuya mo?

Iwan mo muna kasi ako! Hayaan mo muna ako. Pwede?

Ayoko nga! Ayokong maghintay ulit ng walong taon.

Ano?

Wala. Tara. IInom natin yan! At hinatak niya ako  papuntang hotel.
24 Usapang lasing

Oca�s POV.
(huh! Sa wakas, after 23 chapters nagkaPOV din ako sa istoryang ito. Di raw kasi kayang mag POV ni Joanne kasi nga lasing. Baka hindi niyo maintindihan ang naiisip niya)   

________________________________________

Tae!

Huh? Saan?

Hahaha. Adik!      Ako pa ngayon ang adik. Lasing na nga ang babaing to. Nung niyaya ko siyang uminom ang iniisip ko lang naman ay tig dalawang shot lang kami. Di ko naman naisip na laklakera pala itong si Joanne. Malapit nang maubos ang bote ng alak sa harap namin pero di pa rin siya tumitigil. Tawa na siya ng tawa at namumula na rin ang mukha niya. Hindi naman ako nag aalala kasi kasama naman niya ako. The drop dead gorgeous me. Ahem ahem!   

Bakit ka ba naglalasing? 

Ako? Naglhalhashing? Shino nagshabi sayo? Umiinom lang ako! Di pa me lashing. Hik. Bhaka ikaw ang lashing dyan! Hihihi. Hik. Tangna lasing na nga talaga ang babaeng to, bumabaliktad na ang dila. Ako medyo may tama na rin pero kaya ko pa naman. Andito kami ngayon sa hotel room niya. Ayaw niyang uminom sa bar at baka malasing daw siya at least dito daw okay lang kung magkalat siya. tsk. tsk.  

Halam mho Oca! Gwapo ka sana eh. Kaso abot langit ang kaangasan mo! Hihihi  

Hindi ako maangas! Nagsasabi lang ako ng totoo. 

Hayan kha na naman! Hokay! Fine! Whatever Oca! Hihihi. Pero Ocaness, ito usapang lashing lang ha. Lashing ka na ba? Hindi ako sumagot. Hinayaan ko lang siyang magsalita. Maya maya nagpoke siya sa hangin. Hay! Hindi pala ikaw yun. Saan ka ba? Bakit ang dami mo na atang mukha? Hihihi. Tumawa ako. Para kasi siyang tanga na pinag tutusok ng kanyang daliri ang hangin. Akala niya siguro mukha ko ang tinutusok niya.

Hoy! !@#$! Wag mo nga akong pagtawanan! Hikhikhik.  Lashing ka na ba? At minura pa ako.

Hindi pa. I wonder how did she manage to be that beautiful kahit lasing na siya? Mas lalo siyang gumanda kasi namumula na ang pisngi niya at namumungay ang mga mata niya. Sh!t ang lalim na nga mas lalong ko pang binabaon ang sarili ko. Paano kung di na ako makaahon? 

Hohkay! Ito usapang lashing lang ha! Maganda si Yvette ano?Paano napunta kay Yvette ang usapang lasing namin? 

Ahmmm. Oo. Pero mas maganda ka!

Shinashabi ko na nga ba type mo shiya eh. Kaya inish na inish ako sha babaeng yun eh. 

Bakit ka naman naiinis sa kanya?

Eh kashi nga type mo shiya. 

Huh?

Huh ka dyan! Halam mo kashi ako hindi ako naiinshesure sha ibang babae. Pero kay Yvette naiinshecure ako. Kashi nga type mo shiya. Tsss.

Hindi ko siya type. Sa landi ni Yvette? Hindi ko na siya kailangang magustuhan! Obvious naman na patay na patay sa akin yun. Tsss.   

Hindi mo shiya type pero naglalaway ka kanina? Hmp!    

Hindi ako naglalaway sa kanya! Ano ka ba Jo! At paano mo naman nasabing naglaway ako kay Yvette? Bakit ba ako nakikipag usap sa lasing?

Heller! Obvioush na obvioush kaya! Nabasha pa nga ako ng laway  mo eh! Di ba hinubad ko kanina ang 2-piece ko kashi nga nabasha yun ng laway mo? 

Alam mo lasing ka na eh! Matulog ka na lang kaya! Bakit ka ba kasi naglalasing?

Eh hindi pa nga ako lashing! Tangna mo naman eh! Pinipilit mo ako. Shamatalang ikaw naman ang dahilan kung bakit ako pinapauwi ni Johann.  Hinawakan ko na ang kamay niya para tumigil na siya pero hinampas lang niya ako.

Bakit ako?

Kung hindi mo shinabing bf kita eh di hindi ako pauuwiin noon! Kung hindi ka ba naman shangdamakmak na g@go eh di matagal pa shana tayong maglalandian! Hmp! Napangiti ako sa sinabi niya. Pag lasing pala siya non-stop ang bibig. 

Nakakadami ka na ng mura ah.

Eh bakit ka pa nakangishi? Minumura ka na nga di ba?

Mas mabuti na yun kesa sa hindi mo ako pansinin.Napabuntunghininga ako.

Weh? Kelan kita di pinanshin? Huh? Sa lakas ng hangin mo di kita mapansin? Tapos linapit niya ang mukha niya sa mukha ko at pinalalaki ang nanliliit na mata. Sh!t! nangseseduce ba to? Pag ako di nakatiis hahalikan ko to. Tiningnan ko ang mukha niya and she moisten her lower lip! Oh God! Help me!

Nu-nung college. Tama bang magstammer sa harap ng isang lasing? Mukha ako ata ang nalalasing eh. Medyo lumayo siya nung sinabi ko yun.

Weh? Ni di nga kita kilala nung college eh. Bakit magkaklashe ba tayo?

Hindi. Pero schoolmates tayo. Kaya nga kilala ko si Mari di ba? Siya ang classmate namin.

Eh bakit di kita kilala eh beshfriend ko si Mari nung college? Bakit di kita maalala?

Ewan ko sa�yo. Yun nga ang masama eh. Di mo ako maalala.

Pero pinakilala tayo? 

Oo 3 times.At hindi mo pa din ako matandaan.   

Weh? Eh bakit di kita matandaan? Shige nga ipaalala mo nga sa akin kung kelan tayo nagkita? Magflashbask ka nga!

Wag na lang kaya! Ang tagal na nun. Tsaka ang haba! Tinatamad mag type ang author.

Tsss! Ang KJ mo naman. Shige na kasi. Magflashback ka na! Tsaka wala namang ginagawa yang author kundi ang mag teentalk! 

Bukas na lang. Gabi na matulog na tayo.

Ikaw Oca, pag hindi ka nagflashback, hahalayin kita! 

Napangisi ako. Ayaw ko ngang magflashback! Hindi ako natatakot sayo! Kahit halayin mo pa ako Tangna nakakalasing naman tong si Joanne eh.  

Sh!t ka! Magflashback ka na kasiiiiiiiiiiiii!

Hays�may magagawa ba ako?   

Flashback
Quote
August STU: Foundation Day

Uyyyy! Ang ganda pare oh! Tiningnan ko ang tinuro ni Marco na kabarkada ko.

Saan yung nakacostume ni Xiaoyu?  

Oo siya nga! Andito kami ngayon sa school. May mga nagcosplay kasi kaya madaming estudyante na nagsusuot ng costumes. Napangisi ako . Another prospect. Lumapit kami sa booth ng Architecture Department. 

Marideth! Tawag ni Jason sa babaeng kasama ni Xiaoyu. 

Ano yun Jaysonsa? Sabay taas ng kilay ni Marideth. Kaklase kasi namin si Marideth sa ibang subject kaya kilala namin siya.

Ipakilala mo naman kami kay Xiaoyu. Nakita kung tumingin sa amin si Xiaoyu at tumaas ang kilay. 

Joanne, Si Jaysonsa, si Marco at si Carlos. Guys, si Joanne.

Hi Miss Beautiful. Nakita ko siyang umismid. 

Hi din. Tapos nagring ang cp niya. Excuse me. Tapos tumalikod na siya sa amin para sagutin ang phone niya. Umalis na siya�t lahat lahat hindi pa rin naalis ang tingin ko sa kanya. 

Oi pare tanghali na gumising ka na! hahahaha. Sabay pitik sa harapan ko. Simula noon hindi na siya naalis sa isip ko. To the point na naging stalker na niya ako.  Alam ko ang oras ng pasok at uwi niya. At alam ko rin na hatid- sundo siya ng kotse nila. 

Ano ba pare hanggang tingin ka na lang ba sa malayo? Gagraduate na tayo, di ka pa rin nakakadiskarte kay Joanne. 

December, Before Christmas break.
Sa di ko nalaman na dahilan nagkasabay kami maglunch nila Joanne at Marideth pati na ang barkada ko. Ngisi ng ngisi ang barkada ko pero ako parang di na makakain sa kaba. Alam kong sa sobrang pagka-inip ng mga barkada ko kinausap nila si Marideth para magkasabay  kami. Sila na ang gumawa ng paraan para magkausap kaming dalawa. 

Hey, Jo, you remember them? 

Who are they again? Ouch! Di man lang niya ako natatandaan. Samantalang ako, 4 na buwan na siyang sinusundan. 

Yung pinakilala ko sayo sa cosplay.

Eeeeee, ang dami mo naman pinakilala sa akin nung cosplay.The she drink her juice gracefully. Nagselos ako sa baso. Lol.   

Okay, let me introduce them  to you again, this is Jason, Marco and Carlos Cariño. Sabay silang maglunch sa atin.Take note na bold ang pangalan ko. Ibig sabihin Marideth give emphasis on my name. 

Okay. Nice to meet you again. Wait, Carlos Cariño? Yes! Naalala na niya ako. 

Y-yes, it�s me. Damn! Kailangan ba talagang magstammer? Kailan pa akong natutong magstammer!

So, ikaw pala si Carlos Cariño, ngumiti ako sa kanya. Umismid siya. The boyfriend of Menna, Carla and Jona.Napatulala ako sa sinabi niya. Paano niya nalaman yun? You know, friend ko ang tatlong yun. But  I don�t have the right to tell them na iisa lang ang bf nila kasi ayaw kong makialam. So, can you please do me a favor? Spare them some pain. Pumili ka ng isa sa kanila or much better hiwalayan mo silang tatlo kung hindi ka rin naman makakapili. Marideth, let�s go. Ayaw kong makasabay sa pagkain ang isang playboy.Ngumiwi si Marideth sa akin. 

Ouch! Chorus ng tatlo kong kabarkada. That afternoon, nakipaghiwalay ako kina Menna, Carla and Jona. Pero hindi pa din niya ako pinapansin.    Tama ang ang nasa T-shirt ni author. "i am not ignoring you, you are just insignificant".   

March.  (After 1 year and 4 months)Graduate na kami. Graduation day nila Joanne.

Tangna pare! Hanggang ngayon ba naman di ka pa din nakakaget over dyan kay Joanne? Halata namang di ka pinapansin niyan. Pustahan tayo, Di ka na niyan natatandaan. Tapos may paregaregalo ka pa ngayon!

Pare, hayaan mo na yan. Natamaan eh. 

Bahala na nga kayo. Balita ko may boyfriend na raw yun.

Balita mo lang yun pare. To see is to believe. 

Oh andyan na sila.

Marideth!

Oh Jason, Marco, Carlos! Andito kayo? 

Ah oo. Manonood kami. Sa inyo.

Asus! Baka hindi sa amin, baka sa kanya lang? sabay kindat sa akin at tingin kay Joanne. Mabubuko pa ata ako ni Mari eh. Tumawa kami. Pero ako ninenerbiyos. 

Congrats sa inyo. 

Salamat. Oi Joanne, congrats daw. Sino ba hinahanap mo?Palinga linga kasi siya. Halatang may hinihintay. 

Wala. Thanks sa inyo. Then she gave us a worried smile. Kakilala mo sila? Napalatak si Marco. Parang sinasabi na �sabi ko na nga ba�.

Hay naku! Ilang beses ko na kaya silang pinakilala sayo?

Huh? Kelan!?

Last last, last year.

Ano ka ba Mari, ang tagal na nun. Siempre di ko na sila maaalala. Pero salamat na din sa pagbati. Nagsmile siya ulit sa amin.  My heart melted. 

For you. Congrats. At inabot ko sa kanya ang maliit na box na regalo ko sa graduation niya. 

Ohhh.. thank you, so thoughtful of you. Hindi na kailangan ng gift ano ka ba! 

Okay lang. Masanay ka na kasi simula ngayon�

Babe?

Babe!!! You came!!!!!! At halos tumalon na siya sa lalaking tumawag sa kanyang Babe. Baboy ba siya? bakit babe ang tawag mo kay Joanne?

They hugged in front of us. Of course, pupunta ako. For you. At binigyan siya guy ng bouquet of roses and a box of chocolates. Tssss. Pero ang pinanghina nang tuhod ko ay nung binigay niya sa lalaki ang regalo ko  para mahawakan niya ang regalo nung lalaki.   

Thank you so much babe. Humawak siya sa bewang nung guy and the guy give her a peck on her lips. Hindi ko nakayanan ang eksena sa harapan ko at nagwalk out ako. That day parang dinurog at inapak apakan ang puso ko. Sinisisi ko ang sarili ko kung bakit ko siya hinayaan. Why didn�t I make my move before its too late.  Why did I let someone na makuha siya? Naging ganyan ba ako kaduwag kung siya ang pinag uusapan? 

I�ve waited for her to mature and learn the meaning of love, but when she learned it, she share it with someone else.      


End of flashback.

So it means, dati pa lang mahal mo na ako? 

Maligo ka na nga lang at nang mawala yang kalasingan mo. At tinulak ko siya papasok ng banyo.  Tsk tsk. Sayang ang rape!
25. Cliff diving

This will be a very short chapter.


Joke!


This part is the pool. And then facing the pool are the verandas of every room...blah..blah...blah! Hindi ko na maintindihan ang mga pinagsasabi ni Yvette. May hangover ako at ang aga ako ginising ni Oca dahil nga titingnan na namin ang site kung saan ipapatayo ang resort and hotel nila Yvette. Wala na akong magawa. I came here for business at di ako pwedeng tumanggi kahit na parang mabibiyak na ang ulo ko dahil sa hangover. Pero anyway, si Oca na ang nakipag usap kay Yvette at hindi ko na isa isahin ang pinag usapan nila dahil maasar lang kayo sa kalandian ni Yvette (At tinatamad na din ang author na isulat pa yun).   . Nag ikot ikot ako sa buong place para matingnan na din ang lugar at iniwan ko sina Oca and Yvette. Boracay must have been a very beautiful place before. Nung mga time na hindi pa masyadong commercialize ang lugar. When there was no hotels and resorts yet. When this place is still surrounded by nothing but rainforest and white sand beaches.  When during nightime the only sound that you will hear are the sounds of the the cicadas and other nocturnal animals. When... shesssshhhh I�m getting mushy here.   

Joanne, let�s go. Oca called me after a while. Maglalunch na din kasi  kaya babalik na kami sa hotel. As usual naupo na naman ako sa tabi ng driver dahil magkatabi si Oca and Yvette sa backseat. And as usual titiisin ko na naman ang paglalandian nila. Hmp!

JC, you�ve been out of the circulation these past months. What happened to you? Yvette asked  out of the blue with all the flirtiness she could muster. Tapos sumandal pa siya sa balikat ni Oca. Ang sarap pilipitin ng leeg! Hmp!   . Ang bitter ko.   

I�ve been busy with stuffs and with the company Vette. Vette? Now where did that come from? Napasmirk ako. Bagay nga sila parehos na malalandi. Lalo tuloy sumasakit ang ulo ko. Sinandal ko ang ulo ko sa salamin ng sasakyan.  

You okay Jo? Okay your face! Mukha ba akong okay? Di mo ba napapansin na parang binibiyak ang ulo ko?

Of course I am okay.  

You look sick though. Sabat ni Yvette. Yes, Im sick. I�m sick with both of you! Kung pwede lang sabihin yun sa isang kliyente. 

Nakarating na kami sa hotel at nakapaglunch. Nagyaya pa si Yvette na gumala pero hindi na ako sumama sa kanilang dalawa. Gusto kong matulog at nang mawala ang hangover ko. At baka pag sumama ako, mas lalo pang sasakit ang ulo ko.

Nagising ako ng 5PM. Lumabas ako at nag ikot ikot. Wala akong planong magswimming. Wala ako sa mood.    Medyo malayo layo na din ang nalakad ko nung may humila sa braso ko.

Hey! Hindi ko na sasabihin kung sino.

Hi! Where have you been all my life?  

Ano yun banat?

   Hindi. Ang haba ng tulog mo ah. Wala ka nang hangover?Sabay akbay sa akin. 

Wala na. Hindi ko na kasi kasama si Yvette. Sabay alis din ng kamay niya sa balikat ko pero binalik din niya agad. Hindi ko na inalis. Hindi din naman ako mananalo. 

Laki ng pagseselos mo kay Yvette ah. 

I don�t have a reason to be jealous with her. 

Talagang wala. I don�t know what he means. Wala akong rason para magselos dahil hindi niya gusto si Yvette or wala akong rason magselos dahil wala naman akong right para magselos. 

Tara! Hinatak niya n alang ako bigla. 

Saan tayo pupunta? 

Basta sumama ka na lang sa akin. May ipapakita ako sayo. Naglakad pa kami at sumakay sa bangka  hanggang sa makarating kami sa isang island sa may cliff top.  May mga tumatalon from the cliff top papuntang dagat. 

Matagal ko nang gustong gawin yan. Sabay turo sa mga tumatalon.

Ang alin ang pagpapakamatay?

Tumawa lang siya. C�mon! Let�s jump. Nanayo ang balahibo ko sa sinabi niya.

Tumalon ka magisa mo! 

C�mon Jo. It�s safe. Look at her. She pointed a girl who�ve just jump off the plank and I was like whoa!! See? She did it. It�s safe. You�ll land on water. Siempre sa tubig ka babagsak, dagat eh.  Adik tong si Oca. 

Ikaw na lang. At tingnan mo nga, magpapakabasa ako ni wala akong dalang damit. AT ikaw rin naman.Sige magpalusot ka pa. Baka maniwala.

Bibili na lang tayo ng pamalit sa souvenir shop. C�mon. 

Ayoko nga!


Sige na! 

Ayoko!!

Hindi lang naman ikaw ang takot mahulog. Sila rin. Ako rin. We are all afraid to fall. But once you�re there,  there�s no turning back so you just have to enjoy falling.  Besides andito naman ako. We will fall together.  He then squeezed my hand. I don�t know if my brain cells are working overtime pero parang may ibang meaning ang sinabi niya aside from cliff diving. 

So, tara na?

Eeeee....

Hinatak na niya ulit ako at wala na akong magawa. Papunta na kami sa plank. 30ft. Tangna. Mamamatay na yata ako hindi sa pagkahulog kundi sa nerbiyos.

Oca naman kasi, bakit ako ang dinadala mo sa ganitong kalokohan!

 Ngumisi lang siya sa sinabi ko. 

Gusto ko lang maexperience literally, ang mahulog. And besides, I want you to fall with me. Don�t let go.

What!!!!!!Aaahhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!!!!!!!!!!!!!!  Sumigaw ako ng pagkalakas lakas na halos mabasag na ang voicebox ko nung hinatak na lang niya ako bigla. Bumagsak kami sa dagat na magkahawak pa rin ang kamay. Hindi ako makapagsalita. Kakaibang experience. Lumangoy na kami papuntang flooting kubo na inaahunan ng mga tumatalon. Pagkaahon naming tawa siya ng tawa.

Ang lakas lakas mo makasigaw. Hahaha. Nabingi ata ako.  

Tangna mo naman kasi. Di ka nagsasabi. Wala man lang abiso. 

Ganyan talaga hindi mo namamalayan nahuhulog ka na pala.Tapos ngumiti siya sa akin na nagpanginig sa buong kalamnan ko. Gusto mo isa pa?

Hindi na. Baka mamaos ako.

Then, let�s go get change. Kinuha niya ulit ang kamay ko at naglakad. 

Anong nangyari sa tsinelas mo? 

Nasira nung tumalon tayo. 
 

Kung di ka naman kasi eengot engot na tatalon ng nakatsinelas. Tumawa lang siya at lumangoy ulit kami papuntang pampang. Tapos umakyat na kami at nagshower and pumunta na kaming souvenir shop para bumili ng mga damit namin. 

After kong makapili ng damit nakita ko si Oca sa harap ng mga havianas. Siguro naghahanap ng pamalit sa nasira niyang tsinelas. Alin ang maganda? Pinakita niya sa akin ang blue at ang green na havianas. 

Ang green, kasi yun ang font color mo. Hehe. Pero di ba sobrang laki naman ata? 

No. Tama lang. 10 ang size ng paa ko. Miss kunin ko na tong green. Pati na din yung sa kanya. Binayaran na niya ang pinamili namin at dumiretso na kami sa resto sa tabi ng souvenir shop. Dun daw kami magdidinner. Yes, hindi kasama si Yvette. Hahaha.  

Baka hanapin ka ni Yvette. Sabi ko sa kanya nung kumakain na kami. 

Bakit naman niya ako hahanapin? He said bago niya sinubo ang camaron rebosado.

Siyempre wala ka dun. Alam mo naman na ikaw ang object of affection nun. Alangan naman di mo nahahalata na may gusto sayo yung tao. Nahalata ko ngang malayo ako sa kanya ikaw pa kayang halos ipagbuhol na niya kayong dalawa. Hmp!   

Ngumiti siya. A knowing smile. Hindi naman niya ako Yaya. At bakit ba ang laki ng selos mo kay Yvette? Hindi ko naman kasalanan na habulin ako ng mga babae. Kahit hindi ako magexert ng effort, hahabulin talaga nila ako. 

Ay oo nga pala drop dead gorgeous ka pala. Natural lang na habulin ka ng mga babae. Madami ang nagmamahal sa�yo. I smirked. Kainis. Di man lang niya i deny ang pagkaplayboy niya. Pinangangatawanan talaga niya.

Jo, napatingin ako sa kanya. Nagseryoso ang mukha niya. Kinabahan ako bigla. Binitawan niya ang hawak niyang fork and kinuha ang isang kamay ko. Biglang lumakas ang kaba ko. Nakakabingi ang heartbeat ko.

I won�t deny that I may have taken my fair share of women, but none of them captured my heart. IIsang babae lang ang nakagawa nun. At alam mo na kung sino yun. Yumuko ako at tiningnan ang pinggan ko. Hindi ko alam ang isasagot ko. Kinakabahan talaga ako. Kinakabahan ako na kinikilig. Kungpwede pagsabayin ang dalawa. 


Jo, alam mo naman na mahal kita di ba? Biglang tumigil ang paghinga ko sa sinabi siya. Tumigil ang heartbeat ko at tumigil ang paghinga ko. !@#$! 

Alam mo naman di ba?

Huminga ako ng malalim and... Yes. Alam ko. I smiled at him. 

How did you know?  Biglang nagliwanag ang mata niya. 

Kasasabi mo lang di ba? Siya naman ngayon ang huminga ng malalim. And parang I heard him whisper. �Nakalimutan na naman.�


So?

So?

So what?

So what, what?

Jo, I just told you that I love you. He said in desperation.

Yes you just did. 

So, what?  

Anong so what?
 
Anong masasabi mo? Talagang desperadong desperado na talaga siya. Wag mong sabihing mag uulitan lang tayo ng sasabihin dito.


What do you want me to say?

Ano ba ang gusto mong sabihin? Wala ka man lang bang comments, violent reaction, or kung ano pa man? I feel like laughing at his expression. Nakakaenjoy na ganyan ang reaction ni Oca. Nakakaaliw tingnan.   


Ocaness,... You�ve waited for me to mature and to learn what love is. I guess it�s time for me to share it with you. I smiled at him sweetly. 

Huminga ulit siya ng malalim. Umaliwalas ang mukha niya. Gustong gusto mo talagang nahihirapan ako ano?

Hindi naman sa ganun. Hahaha.

You remembered everything from last night?

Not everything. I need to read chapter 24 to digest everything though. Hahaha. 

Huh! After 8 years. Yes! At tumayo siya at lumapit sa akin.Now, let me give you our first kiss as a couple. 
26. Ahem

Bumalik na kami sa resort after namin kumain sa island kung saan kami nag cliff diving. At sa mga nagtatanong kung kami na ni Oca, Yes, kami na nga. It�s 7pm and we�ve decided na magnight swimming kaya andito ako ngayon at nagbibihis sa room ko. After a while kumatok na siya at pumunta na kami sa beach. Mas lalong dumami ang tao sa shore pero most of them ay nag iistroll or pumupunta sa mga bars and resto. May mga nagsuswimming din. Nakaakbay si Oca sa akin habang naglalakad kami sa shore and I felt contented  just doing this. After a while naligo na kami sa dagat at nung magsawa kami umahon na kami. Umupo muna kami sa towel na nilagay namin sa sand pero dahil nga gabi na nilamig ako. 

Wait here, Kukuha lang ako ng towel sa taas. Wag kang umalis dito.

Okay.  Umalis na siya at bumalik ng hotel namin para kumuha ng towel. 

Hi! I looked up at the guy na nakatayo sa tabi ko.  Foreignner at ang pogi. I smiled at him. Kikiligin na sana ako nung nagsalita siya.

Are you alone?

Nope I�m with someone. 

You�re companion must not leave a beautiful woman like you alone.  Ngumiti ulit ako sa kanya. ANo naman ang isasagot ko sa kanya? Yes? No? Do you fancy a little chat with me while waiting for your friend? I�m Charles by the way. 

She don�t need to chat with you, I�m already here. Bigla na lang sumulpot si Oca sa likuran ko. Naniningkit ang mga mata. 

Ohhhhh, you�re with him?

Yes she�s with me. Problem with that? Hinawakan ko ang kamay ni OCa. Makikipag away pa ata ito ah. 

Hey buddy chill. I just want to accompany this lady while you�re gone. And I just wanted to know her name.

First of all, I am not your buddy, so don�t call me buddy, second,  you don�t go on hitting any girl you see in my country and lastly, I don�t want you to know the name of my girl. Pataray na sabi ni OCa and he signalled me to stand. Tumayo naman ako at binigay niya sa akin ang towel na dala niya. Nakatayo pa din ang foreigner habang nililigpit ni OCa ang towel na inupuan ko kanina. Tara na Joanne. Tapos hinatak na niya ako plaayo dun sa foreigner. Akala ko ba ayaw niyang malaman nung foreigner ang pangalan ko? Bakit niya sinabi? Ang bilis ng lakad niya. Nahihirapan akong sumunod.

Oca teka, bagalan mo naman ang lakad mo. Di naman tayo  nakikipaghabulan ah. Binagalan niya ang lakad niya pero hindi siya lumingon. Oi, bakit di mo ako pinapansin?

Huminga siya ng malalim. Nakakainis kasi. Ang hirap mong iwanan mag isa. Saglit lang ako nawala may umaaligid na agad sayo. 

So nagseselos ka na niyan? Pumasok na kami ng elevator ng hotel.

Siyempre! Walong taon akong naghintay tapos maagaw ka lang sa akin? Di ko mapapayagan yun. Over my drop dead gorgeous body.

Napaismid ako. Naghihinayang ka dahil sa walong taon? Kung hindi mo ako nakilala 8 years ago, mamahalin mo ba ako ngayon? OO nga, paano nga kung hindi niya ako nakilala before? Mapapansin niya kaya ako ngayon? 

Siempre! Minahal nga kita dati na mukhang nasa loob ka pa ng balut ngayon pa kayang full grown sisiw ka na?   Tapos tumawa siya. Hayop. Langhiya talaga itong si Oca. 

Ganun? Tama bang ikumpara ako sa balut? I went out of the elevator because we�ve already reached our floor. Sumunod naman siya na tawa ng tawa. Tapos inakbayan niya ako at  niyakap. 

Joanne Phoebe Zamora, when we were still in college, the mere mention of your name natitilihan na ako. At pag nakikita kitang naglalakad, kahit nasa 5th floor ako at nasa ground floor ka, gusto kong tumalon para lang makasabay ka sa paglalakad. At kapag ngumingiti ka sa ibang lalaking ka schoolmates natin dati gusto ko nang mamatay sa selos kasi bakit sila nginingitian mo bakit ako hindi. Ni sulyap hindi mo magawa sa akin. Now, give me a reason kung bakit hindi kita mahalin ngayon.Kinikilig na ako. Ahehhehe. Saglit lang. lang ha. Magpapause muna ako. Parang di kasi ako makahinga sa sobrang kilig. Breathe in, Breathe Out.

8 years na kasi yun Malay ko kung may nakita kang iba di ba? 

Madami.  

Madami? You mean madami kang naging babae?Alam mo naman na yun Joanne di ba?

Oo. Sumimangot ako. I can�t count. Ang kapal! Tseeee! Hmp! But no one made me feel the way you did. Tangna! Pwede na akong mamatay sa kilig. Waaaaaaaaaa   

Kinikilig ka na niyan? Bwisit panira. Ayan tama na ang ngisi. Pumasok ka na sa room mo at dun magtitili. Hahaha.   Tapos binuksan na niya ang pinto ng kwarto ko.

Bwisit ka talaga. Pumasok na ako at isasara na ang pinto nung humarang siya. What? 

Bakit mo ako pagsasarhan ng pinto? May sasabihin pa ako.

Ano pa? Natatawa ako sa kanya. Ang kulit kasi eh.

Biglang sumeryoso ang mukha niya. 

I love you. Nawala ang ngiti sa labi ko. Instead, I heard my heart thumping faster. Para na namang sasabog ang puso ko. 

I love you too. I heard myself saying nang hindi ko namamalayan.  My heart just voiced out kung ano ang gusto niyang sabihin. My eyes automatically searched for his eyes. Nag uusap lang ang mga mata namin. Walang nagsasalita but I could almost hear our heartbeat. I can almost feel his breathe in my face. Then I felt his lips touched mine. I automatically closed my eyes and feel his warm lips on mine. It was a gentle kiss, it�s as if he is memorizing every movement of our lips. Nakakapanghina ng tuhod. The feeling that I felt when we first kiss. I felt the kiss deepened and I also don�t remember kung gaano katagal na kaming naghahalikan. We just can�t get enough of each other. I just felt the towel fall down from my shoulders and the closing of the door and the clicking of the lock. Alam ko na kung saan patungo ang lahat nang to but I don�t care. Then, the string of my top was loosened and my top joined the towel on the floor. He then carried me to the bed.

 
Hang over. May hangover ako dahil sa mga nangyayari. Kami na ni Oca at hindi pa rin ako makapaniwala. Pwede bang sampalin niyo ako? Hehehe.  Bigla na lang may pumulupot na braso sa bewang ko and he kissed my neck. Tangna ang aga aga minamanyak na naman ako.  Wala ba tong planong bumangon? Nagkunyari akong tulog pero wala talaga siyang planong tumigil sa ginagawa niya.

Babe, gising na. I opened my eyes and smiled at him. Kung ganito kapogi ang mukhang haharap sayo pagkagising mo, aba, umuga pa lang buo na ang araw mo.

Good morning. He then gave me a smack. Ganito pala ang feeling kung paggising mo halik ng minamahal mo ang gigising sayo. Umaga palang kinikilig ka na. Ayyiieee.     At sa puntong ito alam niyo naman na siguro ang nangyari nung nagdaaang gabi. 

Good morning. Bakit kailangan kong gumising ng maaga? May pupuntahan ba tayo? Aalis ba tayo nila Yvette? 

Nope. 

Eh bakit kailangan kong gumising ng maaga? 

Mag oovertime tayo.

Overtime? 

I�m your babymaker right? He then claimed my lips.

Authors note: Ang manyak ni Oca. Ta3
Chapter 27 Conspiracy

Quote
Lunch later. Met me at the parking. I love you.
 	Napangiti ako upon receiving the text message from Oca. It�s been a week nung bumalik kami from Bora and everyday nagsesex� este naglalunch kami. Sabay kaming maglunch palagi at wag niyong seryosohin yung nagsesex part. Joke lang yun ng author, namamanyak na naman kasi siya. Ahehehe. Wala nang nangyari sa amin after naming manggaling ng Bora. Busy siya.  Okay. Kailangan ko pa talagang magpaliwanag sa inyo eh. Pero hindi ako defensive, nagpapaliwanag lang.    

Oi ano nga nginingiti ngiti mo dyan? 

Wala Yanyan. Ito talaga, bakit bawal na ba ngumiti ngayon?

Hindi. Pero pag ngumingiti mag isa habang nagbabasa ng text message, kaduda duda. Isang linggo ka nang ganyan. Isang linggo na ding may bulaklak sa table mo araw araw, isang linggo ka nang parang nakaapak sa clouds, isang linggo ka nang parang nakadroga at isang linggo ka nang di sumasabay sa amin sa lunch. In love ka ba? O nakadroga lang?

Ngumiti lang ako kay Yanyan.   

Ewwwwww. Creeeeeeeeeeeeppppppy. Bakit di mo kasi kinukwento sa amin? Pinapatay mo ba kami sa suspense? Sino ang minamalas na lalaking ginayuma mo?

Excuse me. Hindi ko siya ginayuma.

So, totoo nga na may nanliligaw sayo? Pumunta lang kayo ni Si JC sa Bora ganyan ka na. May nakilala ka dun? Ipakilala mo naman kami. Pogi ba? Malaki ang ano? Ang katawan? Six packs ang abs or 8 packs? Gaano kahaba ang �.paa? Ipakilala mo sa amin huh at nang makilatis ko.    . Naglalaway na si Yanyan.

Eh basta sasabihin ko sa inyo in time.And hindi nga pala ako sasabay sa lunch.  I smiled again. Parang timang na ako.    .

Yeah! I know, I know. Make sure lang na ipakilala mo sa amin ang lalaki mo huh. And Yanyan rolled her eyes.   

By lunchtime, dumiretso na ako sa parking. As usual naghihintay na siya sa loob ng kotse na hiniram niya na hanggang ngayon di pa niya naisosoli.    . Nagdrive na kami palabas ng building and papuntang resto. Ito ang masarap pag may boyfriend ka na, palaging libre ang lunch. Libre din ang pamasahe.    . 

Hello, lovebirds. Nanlaki ang mata ko nung makita ko si Marideth sa isang table. Ang pagkakaalam ko kasi pagdating namin from Bora, wala siya sa PInas dahil may conference daw sila sa Hongkong. 

Mari! You�re here! Kelan ka lang dumating?

Ito naman kung makareact parang isang dekada tayong di nagkita. Kanina lang ako dumating kaso itong si JC kahit hilo hilo pa ako sa jetlag gustong gusto  na makipagkita na sa akin.Tumingin ako kay Oca. Ngumisi lang siya and I smell something fishy.
Pinaupo na ako ni OCa sa chair sa harap ni Mari at tumabi naman siya sa akin, Nag order na kami ng food namin at napansin kong panay ang sulyapan ni Mari at ni Oca.

Do you know something that I don�t know?
Nagkatinginan ulit silang dalawa. Kaya kinurot ko na si oca sa tagiliran.

Ouch naman Babe. Tumitiempo pa nga lang eh.

Ayyiiieee ang sweet naman. At Joanne wag mo nga masyadong underin yang si JC. Nakakahiya sa makakita na ang laki ng katawan niyan tapos inaunder mo lang.    .

O sige ikaw ang magsabi Mari.

Bakit ako? Ako na nga ang tumulong ako pa ang mageexplain.Tapos she glared at Oca. Sabihin mo na kasi. Di ba nga kaya ako andito para malaman na niya?

Oh no� Sila na din ba? Tino two-time ako ni Oca?

Babe, it�s not what you think it is. Huh? 

Ano ba ang iniisip ko? I glared at him too.

Hehehe. Bungisngis ni Mari.

Mari, would you help me out? 

Hay naku JC Cariño, kahit kailan, pagdating kay Joanne, tuping tupi ka! Tsss.

Ano ba kasi yun?

About everything. 

What everything.

She/He planned everything. Sabay nilang bulalas. Red and green ang color. parang christmas.   

What?

Ok babe, don�t get mad. Here�s wa-what ha-happened, 

Stop stammering.  

Alright. Shut Up Mari, I�m telling her okay? I raised my eyebrow at their bantering. 

Okay, Mari contacted me that you are looking for a  Babymaker and�

Wait, wait, wait a minute JC, I only did that because you asked me if I  could help you with Joanne, knowing how pathetic you are when it comes to her, I oblige�

I think you are here because you wanted to help me explain to her? Why are you saving your face now?

Well, I just wanted to make things clear. Continue. She motioned Oca to continue. Pabalik balik lang ang tingin ko sa kanilang dalawa.

After that I send my resume. And well, because of my creativity you bought my idea. 

Yah! The condom is really his idea. His perverted idea. 

It�s called creativity Mari. 

Whatever JC.

Why do you keep on calling him JC? 

Because everyone calls him that. JC or Carlos. The Oca thingy is just his style for the sake of his resume. Tss. Ikaw lang ang tumatawag sa kanyang Oca. Ganun ba yun?

Okay. So you helped him with his application? For me to notice him? That�s it? Really wala namang masama kung tinulungan nga siya ni Mari di ba?Dahil naman sa condom kaya na notice ko ang application niya at ako naman ang pumili ng mga applicants di ba?
 
Errrr�yes.

Is there anything else you�re not telling me? Nagdududa kasi ako sa tinginan ng dalawang yan eh. Parang meron pa kasi silang di sinasabi sa akin. Tumingin ako kay Mari at tumingin din ako kay Oca, hindi sila makatingin ng diretso sa akin.

Well�.

Ahmmmm�.

Just tell her the dirty part. 

What dirty part?

Babe�.hinawakan niya ang kamay ko.

Hay naku! Ako na nga lang. All of your applicants are fabricated. He fabricated it.

With her help. 

Oo nga tinulungan nga kita pero idea mo pa rin yun. It�s your idea not to publish the ad and send her all those emails and those useless applications. You even paid guys to pose as  her applicants during the interview, including that Maku Pad.  And you ask me to pretend that type kita para mathreaten itong si Joanne.  

Nanlaki ang mga mata ko sa mga pinagsasabi ni Mari. 


So parang niloko niyo ako?

Babe? That�s why we�re telling you now. Ginawa ko lang naman yun because ayokong mapunta ka sa iba.Selfish na kung selfish. Unfair na kung unfair.

Ewwwww. Nagiging cheesy na ang eksena. Kumain na nga lang tayo.

Babe, Im really sorry. Umirap ako.

Oi Joanne, wag ka ngang mag inarte dyan. Patawarin mo na yan. Ang laki na nang sakripisyo ng taong yan dahil sayo. He even went ballistic and threatened to kill me when I published your second ad. And he accepted the post in your company para lang mabantayan ka kahit na ayaw niyang magtrabaho sa opisina. Kaya pwede ba, tigil tigilan mo na yang pag iinarte mo at nang makakain na tayo at nang makauwi na ako at makatulog?Naku nakakpagod din maghintay ng 8 years kung kelan maging kayo noh!


Napatingin ako kay Oca 

You don�t want to work in our company?

Not really.

Anong not really? Haller, 4 na taon nang inooffer sayo ng ama mo ang position na yan pero hindi mo tinanggap kasi ayaw mong matali sa swivel chair at sa four cornered room called office.. Tapos nung malaman mo lately na dun nagtatrabaho si Joanne, ikaw pa mismo ang lumapit sa ama mo? Nasaan na ang pinagmamalaki mong pride JC? Nilunok mo lahat ng dahil kay Joanne. And since sasabihin na rin natin ang lahat mabuti nang malaman ni Joanne ang lahat ng pagsasakripisyo mo para sa kanya. Tsss. And please lang Joanne ha. Pagod ako, kailangan ko ng pahinga, hindi man lang ako pinalabas ng kwarto ni Phil, kaya patawarin mo na yan dahil kung hindi, hindi ako titigilan niyan. Ano?!!!



Hindi ko maimagine na ginawa ni Oca ang lahat ng yun para sa akin. Nakakataba ng puso. It�s heartwarming to know that your guy is willing to swallow his pride just to be with you. May mahihiling pa ba ako?

Wag ka na ulit magsinungaling sa akin. Wag mo na ulit akong gagawing tanga. Just tell me everything and I will try to understand. I took his hands and smiled at him. 
 	28

Ang weird ng araw na to. Eversince na gumising ako I have a feeling na parang may mangyayari na hindi ko naman alam kung ano. Basta alam niyo yung feeling na parang kinakabahan ka na ewan. Yun yun eh. Ang weird talaga. Tapos nadagdagan pa ang pagkaweird nung pumasok ako sa office. Pagkapasok ko pa lang sa lobby ng building everyone is looking at me na parang nakakita sila ng aparisyon and they are giving me these weird look na parang di makapaniwala na isang napakagandang aparisyon ang kanilang nasisilayan ngayon.     

Even Anya, Yanyan and Jane are giving me the look. Yung parang may sasabihin sa akin pero hindi masabi kung ano ang sasabihin. Basta ang weird talaga ngayon. Tapos dagdagan pa na paggising ko ang sama ng pakiramdam ko. Baka epekto lang ito ng global warming. 

Akala mo naman kung sinong mabait at magaling di ba?

Yeah right, nasa loob pala ang kulo. 

Napatingin ako sa dalawang ka officemate ko na pumasok sa CR. They stopped talking upon seeing me and looked at each other. Parang nakita ko pa ang isa sa kanila na umismid. But I ignore it, baka kasi guni guni ko lang. I smiled at them pero hindi sila ngumiti sa akin. Which is really weird. At dahil awkward na ang situation lumabas na ako ng CR. Kakalabas ko pa lang ng CR nang may humatak na sa akin.

Oi, teka Yan bakit ka bigla bigla na lang nanghahatak?

Mag lalunch out tayo. Tara na. 

Wala akong dalang pera. Kukunin ko lang sa bag ko.

Ililibre ka namin. Tara na. Now ito na talaga ang weird. Ito ang pinakaweird sa lahat ng weird. Kelan pa natutong manlibre si Anya? Nanalo ba siya ng 500Million sa lotto?

Okay. Game ako. Hindi niyo na ako kailangang hatakin. Tsss.Pero hindi pa rin sila nakinig sa akin kasi hinatak pa din nila ako hanggang sa makarating kami ng starbucks. Pumili kami ng upuan na nasa pinakadulo at pinagtataka ko iyon kasi usually di kami pumipili ng upuan sa dulo kasi according to Yanyan pag daw sa dulo kami uupo magmumukha kaming wallflower at di mapapansin ang mga alindog namin pero ngayon bakit sa pinakadulo kami umupo? 

Now spill.

Is it true?

Of course it�s true.

Teka anong pinagsasabi niyo?

Hindi mo alam?

Anong alam ko? Anong pinagsasabi niyo?

Hindi mo nabasa ang sa bulletin board?

Malamang hindi. Parang si Yanyan yan eh. Hindi nagbabasa ng announcement. 

Haller. Hindi naman announcement yun. Iskandalo kaya yun. Babalatan ko ng buhay ang nagpost nun eh

Teka, Ano ba ang pinagsasabi niyo? Hindi ko kayo maintindihan. 

Are you dating Sir JC? Nabilaukan ako sa frappucino na iniinom ko. Muntik ko nang maibuga sa mukha ni Jane. 3 pairs or eyes are staring at me and waiting for my answer.

Now, where did you get that piece of crap? I laughed. Pero halatang pilit. Pinagtaasan lang ako ng kilay ng tatlo.

Saan niyo naman nakuha yan?

It�s all over the bulletin board with your pictures. 

Everyone knows it except you. 

At gusto naming malaman ang buong katotohanan from you. 

Bulletin board? Pictures? Nagtataka pa rin ako. 

Ito look mo. And Jane showed me an image from her phone. Isang poster na may mga pictures namin ni Oca na naglalakad at nagsuswimming sa Bora, yung lunch date namin with Mari. Saan nanggaling ang lahat ng pictures na to? And worst may caption pa. �This slut is flirting the President�.  Napatitig lang ako sa cellphone ni Jane. Parang nanghina ako sa nakita ko. Kaya pala everyone is giving me the weird look. Lahat sila alam na except me.

Joanne�.

I am not flirting with him. Napayuko ako nung sinabi ko yun.He is my boyfriend.

Oh. MY. GOD. They chorused.

Girl, you are so lucky. I am so Jealous. How did you manage to have him?Ilang baldeng gayuma ang pinainom mo? Yanyan looked excited.

Joanne ha, kaya pala ayaw mong sabihin sa amin kung sino ang Papa mo. Si sir JC pala. Naku iniisip ko pa lang kinikilig na ako. Pwedeng patikim sa kanya saglit?

Hey! Tumahimik nga kayong dalawa! Malaking problema to.

Bakit naman malaking problema to?

Gaano na kayo katagal ni sir JC Joanne?

1 month or so�.  

Now tell them, bakit hindi mo sinabi sa amin na siya ang boyfriend mo? Alam ni Jane na alam ko, kaya siya lang ang kinabahan nung sinabi ko ang totoo. 

The reason why I didn�t tell you about our relationship is because I know that it is prohibited to have a boss-subordinate relationship in this company. Pag kasi kumalat malaking iskandalo.

Wee? Di nga? May ganun?

Palibhasa di ka kasi nagbabasa ng policy.

Bawal? So paano na yan ano ang gagawin?

One must go.

Aalis ang isa? So aalis na si Sir JC?

I doubt it. Pag napatunayan na may relationship sila�

Meron na nga di b a? Inamin na ni Joanne.

They still have to ask Sir JC

Eh paano yun nasa Malaysia siya�

Yun nga magkakaroon ng hearing ang ethics committee. Tapos saka pa lang magdedecide. 

So si sir JC nga ang aalis?

I doubt that.

What do you mean Jane? 

Sa tingin mo, sino ang mas mahalaga sa company? Ang Presidente or ang empleyado?

So you mean, patatalsikin si Joanne? Nagkatinginan silang tatlo. Napayuko ako. I know this will happen. I know but I ignore it.

Tara na nga late na tayo.

Basta Jo, anuman ang mangyari andito pa rin kami. Ikaw pa din ang pinakamagandang babae sa office next to me kasi ikaw ang pinatulan ni sir JC.

Bakit ganun? Masama ba ang umibig? OooohhhhhI Life is being unfair again. Yanyan said pouting.


Pagdating naming sa office nakatingin pa rin ang mga officemate namin sa amin particularly sa akin but then the 3 glared at them. I am so glad na kasama ko silang tatlo. At least may tagapagtanggol ako. Pero hindi pa rin naalis ang bulong bulungan everytime they think na hindi ako nakikinig. 

Ang worst pa parang ninenerbiyos ako kasi anytime ipapatawag na ako. And anticipation is killing me. Nasusuka ako sa nerbiyos. I wonder bakit ang tagal nila akong ipatawag eh, alam naman na nang lahat and for sure ipapatawag nila ako. Pinapatagal pa nila ang nerbiyos ko.

By 4 O�clock tumawag si Jane sa akin at pinapunta ako sa board room. This is it. Para akong ibibitay. Napag usapan na namin to ni Oca. This is the reason why we can�t reveal our relationship. I love my work too much. Kaya nagtagal ako sa kumpanyang ito dahil gusto ko ang trabaho ko dito. But we never thought na malalaman kaagad. And worst sa time pa na wala dito si Oca. 

Pumasok ako sa board room and I saw the scrutinizing eyes of the HR people at me. Pina upo nila ako sa harap nila. I also noticed some of the members of the Board and what shocked me is Yvette. She gave me deadly looks. Now I know kung sino ang may pakana ng lahat.  

Miss Zamora, I believe you are already aware of the reason why you are here. 

Yes I am. 

So what is in this poster is true.

No, it�s not true�..

Now, she�s a lying !@#$. May ebidensiya na nga nagsisinungaling ka pa! Ang kapal din naman ng mukha mo.

You are denying then that you are the one in these photos?

No I am not denying that I am the one in those photos. But what is written in that poster is not true. Nagtaasan sila lahat ng kilay.

So sinasabi mo na ikaw ang hinahabol ni JC? Ganun? That he is pursuing you? Is that it?

No, I am not saying that. And please, stop putting words into my mouth.

Miss Zamora, please be aware that you are talking to one of our valued client. Tangna, wala akong pakiaalam kung sino siya. Sinisira niya ang pagkatao ko. I looked at Yvette and she smirked at me. 

Miss Zamora, we would like to hear your side regarding this issue. You have been in this company for five years and you are already aware of the policy of the company. WE believe that you cannot commit such an unethical behavior.

Naglandi na nga hindi pa makakagawa. Tsss. Para namang papatulan siya ni JC. Well, kunsabagay pangarap naman talaga ng isang empleyada ang mapansin ng kanyang boss. Dreaming of catching a big fish huh?

At least ako kahit empleyada lang, pinatulan pa rin ni JC. Eh ikaw, obvious na ang paglalandi mo hindi ka pa rin pinapansin ni JC�.

Miss Zamora�.

At bakit ka ba andito? Nakikiepal ka? Why are you doing this to me? Are you that desperate for JC to notice you so you�ve turned into this scheme, B!tch? 

Miss Zamora!

Why are you stopping me? Kanina pa ako minumura ng babaeng yan pero hindi niyo siya sinasaway. Dahil ba kliyente natin siya? Dahil ba nagbibigay siya ng pera sa kompanya? Damn it. So ano ngayon kung nakipaglandian man ako sa President ng kumpanyang ito? Naiinggit ka Yvette? Dahil ayaw kang patulan ni JC? Well, I have news for you. You are not his type. 

At ikaw ang type niya?Ganun? Magising ka nga sa ilusyon mo!

Oo. Yun ang gusto mong malaman di ba? He is my boyfriend. Ngayon Masaya ka nang malaman yun? O baka gusto mo nang magpakamatay sa inggit? 

Dream on Joanne? 

Miss Sy, Miss Zamora, can you please come down.  Sabat ng board member na nagpatahimik sa lahat. So Miss Zamora, you are confessing to us that you and Mr. Cariño have a romantic relationship?

Yes. Tumingin ako kay Yvette habang sinasabi ko yun. Nakatingin din siya sa akin. Nagkasukatan kami ng tingin.

Excuse me Sir, Mr. Cariño is outside. Nandito siya? Nandito na siya?

Let him in. 

 Pumasok bigla ang matandang lalaki na kamukha ni Oca at tumayo ang lahat. So he must be the father of OCa. Nakasunod sa kanya si Oca. He looked haggard. Nagkatinginan kami for a brief second at naupo na sila sa designated chair for them.

They were briefed sa mga nangyari at patango tango lang ang ama ni Oca. Minsan patingin tingin sa aming dalawa ni Oca. Oca never looked my way again. I don�t know why.

Mr. President, we would like to hear your side of the story sir. Based on these photos, Do you have a romantic relationship with Miss Zamora?

Napatingin ako kay Oca and I held my breath. 

Please say yes.  

29.A That SOAB!


Mr. President, we would like to hear your side of the story sir. Based on these photos, Do you have a romantic relationship with Miss Zamora?

Napatingin ako kay Oca and I held my breath. 

Please say yes. 

Tumahimik ang lahat. Tiningnan ko siya. Nagkatinginan kami.

No.Parang nabasaga ng mundo ko.   

No one spoke for a while. Then I heard murmurings. Napatingin ulit ako sa kanya but he is not looking at me. Is this one of his sick jokes? I wanted so much for him to look at me but he never did. Gusto ko siyang batuhin ng upuan para mauntog siya at bawiin ang sinabi niya. Gusto kong ngumiti siya at tatayo at sabihing �joke� tapos tatawa na parang sira. I�ve waited for him to do all that but he never budge from his seat. 

No. Miss Zamora and I don�t have a romantic relationship. What we have is an employer-employee relationship. Nothing else.The words echoed on my mind. Nothing else? SonOfABitch!

See? She�s making everything up. She�s the one who�s running after JC. She is flirting with him deliberately. 

Miss Zamora, you have heard what Mr. President just said. He denied having a romantic relationship with you. Are you saying that�..

I stood up and smiled bitterly at them. Then my eyes focused on Oca. Well, guess what? Everything that Yvette said are all true. I�ve been running after Mr. JC Cariño for God knows how long. I�m stalking him, I�ve flirted with him, I�ve been eyeing him for eight damn years for him to notice me. In fact, I�m quite obsessed with him. Napatingin siya sa akin pati ang father niya. I laughed. A bitter laugh. Siguro iniisip nila na naloloka na ako, and maybe I am crazy. You wanted to know the truth? Everything is just an illusion. My illusion. I�ve been imagining that we have a romantic relationship, that everything that happened in Bora are all true. That we declared undying love for each other but guess what? Everything is just a fragment of my fvcking imagination. That�s it and nothing else. Bago pa tumula ang luha ko. Lumabas na ako ng kwartong yun. Nagmamadali akong pumunta sa table ko and get my bag sa pagtataka ng mga kasamahan ko lalo na ni Yanyan. 

What happened?

I can�t even speak because if I do, hahagulgol ako. Ang sakit ng dibdib ko. I motioned her with my hands and went out of our Department. Mabuti na lang at hindi ako coding ngayon kaya dala ko ang kotse ko.  Pagkapasok ko sa kotse doon na ako humagulgol. He denied me. Ang masakit pa si Oca mismo ang nagpahiya sa akin sa harap ng lahat. He confirmed all the accusation of Yvette. Ang sakit pala kung ang taong pinagkakatiwalaan mo ang magbebetray sayo. 

Biglang nagring ang phone ko. Tiningnan ko kung sino and saw Oca calling. I cancelled his call pero tumawag siya ulit. Kinancel ko ulit pero ganun pa din. Kaya pinatay ko na lang ang cellphone ko. Ano pa ba ang kailangan niya? Ang kapal naman ng mukha niyang tumawag pagkatapos ng ginawa niya. I turned on the engine nung feeling ko kaya  ko nang magdrive and for the first time in her life, Joanne Phoebe Zamora, a self declared independent went home crying.
29. B

Napatingin at napanganga ang mga guards at mga maids upon seeing me parked my car. Maybe they think that the prodigal daughter is back. >  Dumiretso ako sa living room and saw Johann and Jeannie playing their PSPs on the couch. They are both 30 years old but they never grow up. 

Hindi nila ako napansin nung pumasok ako. 

Manang Nilds, Juice please. Akala siguro ni Johann ako si Manang Nilda kaya inutusan niya ako.

Ohhhhh sh!t! Sh!t! Sh!t! Ooooohhhhhhhh! Damn!

Will you stop that Paolo?

What�s wrong with you? Galingan mo kasi para manalo ka. Kulang ka na sa practice Johann. Ooooooohhhh Shiiiiit! Whew! 

It�s irritating!

What!?

You sound as if you�re reaching orgasm. 

It�s not my fault if you�re such a per�..Oooohhhhhhhhh..Napanganga si Paolo upon seing me sa doorway. What the hell!Isn't he glad to see me?

Joanne Phoebe?

Baby koooooooooooooo! Bumalik ka naaaaaaaaaaa!

Bakit namumugto�

Not a word from you two.  I then went upstairs at dumiretso sa room ko. I even overheard them talking.

What�s wrong with her?

Same as before.

Oh sh!t!

What?

Pagkapasok ko sa room ko bigla akong napalabas and I shouted!

Where is my LCD TV!!!!!!!!!!!!!!!!!!

I told you not to take it. She�ll go ballistic if she found out.

We borrow it for a while baby ko. The maid will return it in a minute. 

You�re lucky, she�s brokenhearted.

Thank God!

After hearing that I went inside my room and slammed the door. After a while dumating ang helper at kinabit ang tv ko.Binuksan ko ang TV and watch spongebob but after a few minutes of watching, I burst out crying. Nagmumukhang Oca na si Spongebob and I hate it. Pinatay ko ang tv at nag iiyak hanggang sa makatulog ako. Pero ang masama hanggang sa pagtulog ko umiiyak pa din ako and I dreamt of Oca saying nothing but �nothing else�. I wanted to kill myself para lang hindi na marinig ang mga pinagsasabi niya. But for no reason at all I can�t kill myself because I don�t have the strength to do so. I keep on shouting for him to stop but walang lumalabas na boses. Umiyak lang ako ng umiyak. When I woke up, Basang basa ng luha ang unan ko. NI hindi ako nakapagpalit ng damit. Hinang hina ang katawan ko na parang di ako natulog. I hate this feeling. I really really hate this feeling. I feel like a zombie. I feel numb all over. 

Tumayo ako and take a bath. It�s 8AM already at maingay na sa labas. Binuksan ko ang kwarto ko and I saw Paolo playing the Piano and Johann is watching him with disgust. 

Nung bumaba ako ngumiti si Paolo sa akin and sang the chorus of the song he is playing.


I was afraid this time would come
I wasn't prepared to face this kind of hurtin' from within
I have learned to live my life beside you

Maybe I'll just dream of you tonight
And if into my dream you'll come and touch me once again
I'll just keep on dreaming till my heartaches end

Johann gave me a bored look. I ignored them and went to the dining room. Kahit ang zombie nagugutom din.   

After a while Paolo started playing a different song and he sang it. Napatigil ako sa pagpunta sa dining room when I heard it. 

My morning starts to shine with teardrops in my eyes
And here I am alone starting to realize
That my days would be brighter
If I could learn to hide
The feelings that I have for you
Keep hurting me inside

Then my day begins with simple thoughts of you
Hoping that tomorrow will be me and you
Sharing dreams with each other
And making them come true
Holding one another
Saying "all I need is you"

But will you say that you love me
And show me that you care
Say when I need you
You will always be there
But if you go and leave me
This I swear is true
My love will always be with you

Now my nights would end with just one wish, that�s you
To hold me in the dark and help me make it through
�cause the pain that�s inside me
Would simply melt away
If I had you here with me
And promise me you�d stay

But will you say that you love me
And show me that you care
Say when I need you
You will always be there
But if you go and leave me
This I swear is true
My love will always be with you

But will you say that you love me
And show me that you care
Say when I need you
You will always be there
But if you go and leave me
This I swear is true
My love will always
My love will always be with you

Will you stop that? I overheard Johann saying.

What�s wrong with me playing piano? Naiinsecure ka  na naman sa akin. 

Bakit ako maiinsecure sayo? Di mo ba nakikita? Brokenhearted si Joanne tapos mga ganyang tugtog pa ang pinapatugtog mo. Gusto mo bang maglaslas yan? Yeah, talk as if I'm not here and as if I can't hear you. Tsss.

Nakikiramay lang naman ako sa puso niyang luhaan. Palibhasa ikaw walang pusong kapatid. Can�t you feel her pain? Can�t you see the bleeding of her heart? We should share her sorrow and her pain. I feel sick upon hearing Paolo�s words. Are they really my brothers? Di kaya ampon lang sila and Mom and Dad doesn�t know that they both came from a family of lunatic?

Kahit kailan talaga napakakunsintidor mo. Instead na pangaralan mo siya dahil hindi na yan natututo, kinukunsinti mo pa. Kaya hindi natututo eh. Binebaby mo palagi. Paano tatanda yan? 

Tssss�.Calm down bro. What do you want me to do? Lock her up para hindi maligawan at hindi magkaboyfriend? Sayang naman ang magandang lahi natin kung ganun.  She�s old enough. Kaya na ngang mag isa di  ba? Kung iibig ka masasaktan ka talaga. When you say I love you to a person, it�s like giving him the license to hurt you. He said dreamily na parang umiinom ng coke. At pwede ba wag mo akong pangaralan sa pagiging kunsintidor, tandaan mong mas matanda pa rin ako sayo. And titigil lang ako sa pagkukunsinti kay Joanne kung papalitan mo ang font color mo.

Bakit ako ang sinisisi mo sa font color ko. Sisihin mo ang tangnang author yan. Ang daming kasing kaartehan sa katawan.

Then I heard a bang. Napatakbo ako sa living room and I saw Johann sprawling on the floor swimming on his own blood with a hole on his head. It seems that the author kills Johann. Joke lang. 


Ma�am Joanne, may bisita po kayo. Napatingin kaming lahat sa maid na nagsalita. 

Then my nightmare emerge from the doorway. I feel like vomiting. 
30

Babe�    .he said with the most paawa face I have ever seen.

Babe your face!  

Babe let me explain.  

Umalis ka na!   

Just hear me out okay?

I don�t want to hear anything from you. Di ba sayo na rin nanggaling? It�s nothing. Then why the hell are you here? Bakit ka pa mageexplain? Just get lost.

Would you please listen?

No way!

Teka nga, teka nga! Bakit ba kayo nag away kaagad? Kasisimula pa lang ng chapter away kaagad. Sana nag intro muna kayo.

Bakit ka ba nakikialam? Eh sa walang maisip na intro ang author eh!

Bakit pati ako inaaway mo? Hindi naman ako ang nag two-time sayo ah! I�m your brother. Remember, siya ang pinagpalit ka sa ibang babae. Nagulo ang utak ko sa sinabi ni Paolo. Anong pinagsasabi niya?

Excuse me, Hindi ko siya pinagpalit sa iba. Oca corrected him

Hindi ba?Yan masyado kasing assuming. Napahiya tuloy.

No.

Okay. My bad. I�m Jeannie Paolo Zamora, Joanne�s most handsome brother and that one is Johann Phoebus Zamora, my runner up. Hahha. Ang kapal. 

Nice to  met you. I'm Juan Carlos Cariño. The most drop dead gorgeous guy on earth. Huh! ANg hangin talaga.

Ayos! Tapos nagshake hands na silang tatlo. 

Nakapagbreakfast ka na  ba?Bagong kulay ni Johann. 

Not yet.

Join us then. And the three of them went to the dining room. Naiwan akong tulala sa living room. What the heck.

Dali dali ko silang sinundan.

What the hell are you doing? Why are you inviting that guy to have breakfast with us? To eat in our dining room? And to even allow him to enter this abode?

Sister dear, he is your visitor. And visitors should be treated with utmost hospitality.

Hospitality? Hospitality? Do you know what that guy did to me? 

Babe, mageexplain naman ako. Pagkatapos kumain okay?  That�s why I�m here. To explain things to you.Ang kapal talaga.

Yah, You are here to explain things, and not to eat our food.

Joanne, we are not poor, may spare pang food for a guest.

Ya-ah!

How dare you! You are my brothers, alam niyo ba kung ano ang ginawa sa akin ng lalaking iyan? 

Hindi pa. They chorused.

Siya ang dahilan kung bakit malaki ang eyebags ko. Why I have a monstrous and sleepless night last night�.

Okay, stop! Mamaya ka na magdrama. Kumain muna tayo. Masamang paghintayin ang pagkain. And Paolo pushed me sa dining chair at umupo na silang tatlo sa table. Habang nagngingitngit ako dahil parang pinagkaisahan ako ng tadhana, they talked animatedly to each other as if they are best buddies.

Sir Phoebus, here�s your favorite viand.  An appetizing viand originated from the outskirts of the Philippine shores, sun dried up to its crispiest texture, served with a heaping bowl of fresh Tomato salad, sprinkled with the newly harvested sea salt from the Philippine archipelago�s shores.

Thanks Inday. Can you please give our guest a cup of coffee.

Brewed, macchiato or frappucino Sir? Frappucino? Starbucks?! The heck! 

Black coffee would be fine. Thank you.

Black coffee for sir JC coming. Tangna! Kelan pa naging English speaking ang mga katulong namin?

Then it happened. Dumaan sa likod ko si Inday and my stomach turned summersault. Ang baho baho ng tuyo (Ang favorite ulam ni Johann). Bago pa ako magkalat sa dining room. Tumakbo na ako at dumiretso sa CR at doon nagsusuka sa toilet bowl.  I vomit hanggang sa wala na akong mailabas. Nanghihina na napaupo ako sa sahig ng banyo.  Pati ang tyan ko nakikisama sa pakiramdam ko and even my stomach is upset of Oca�s arrival. Nung okay na ako bumalik na ako sa dining room. Weird dahil hindi na mabaho sa pang amoy ko ang tuyo. In fact, yun ang kinain ko.  At ang weird pa, ang dami kong nakain. To the point na tapos na silang tatlo, ako hindi pa. Pinagmasdan lang nila ako habang kumakain. 

Joanne, kumakain ka ba sa condo mo?

Of course. I said with my mouth still full. 

Then why are you pigging out? Tinaasan ko lang ng kilay si Johann. And when I�m done. Tumayo na ako at tumayo na din silang tatlo. I am about to go upstairs when Johann called me.

We still have an unfinished issue here. 

Oh That. I forgot. No big deal. Wala na yun. It�s nothing. Just lead our guest out. Thank you. Tapos tumalikod na ako. 

Joanne Phoebe Zamora! Johann�s voice roared sa buong bahay. Bakit ba kasi nauso na pag galit ang isang tao sasabihin ng buo ang pangalan mo? Tsss� 

Joanne Phoebe Zamora, hindi ka pinalaking bastos.  Pumunta siya dito ng maayos, harapin mo ng maayos! Get down here, now!  Nagdabog ako at bumaba na ulit. Okay, I must admit pag ganyan na ang boses ni Johann nakakatakot na. Sa kanilang dalawa mas nakakatakot si Johann. Si Paolo kasi parang hindi ko pa nakitang magalit. Si Johann kasi seryoso, si Paolo easy going.

What!?

Pag usapan niyo yang problema niyo. 

We have nothing to talk about.

Then, bakit siya pumunta dito?


Malamang para makikain. 

My guess as well.

Umayos ka Joanne. He said threatening me. As if it would work. Well, it did. I think.

Bakit ba pinipilit mo akong kausapin yan? There is nothing between us. What we have is an employer-employee relationship. Nothing else. I saw Oca grimaced. 

Jo, listen�.

Alam mo Oca. Whatever is your reason, it won�t justify the fact that you denied me in front of everyone. 

You denied her! Paolo shouted at Oca.

He denied you! Johann shouted at  me.

Pwede makinig ka muna!? Oca shouted at me. All at the same time. 


Wag mong sigawan ang kapatid namin. Baka nakalimutan mo? Nasa pamamahay ka namin, Ininom mo ang kape namin, kinain mo ang favorite kong toyo kaya wala kang karapatang sigawan ang kapatid ko. Yan ang kapatid! I have to admit that at this very moment I am so proud of Paolo for standing up for me.  Natatouch ako kasi 
pinagtatanggol niya ako.  Kuyang kuya ang dating.

Mabuti sana kong niloko mo lang siya, kung nambabae ka. Katanggap tanggap pa yun. Pero ang ideny siya? How dare you! No one denied us. Lahat ng tao nagkakandarapa maging parte lang kami ng pamilya nila, pero ikaw! Ikaw! You dare denied our sister? Hindi mo ba alam na sa pagdeny mo sa kanya pinagkakaitan mo ang mundo ng mga nagagandahan at nagpopogian na mga supling? Hindi mo ba alam�.

Bro, ang corny na.

Corny na ba?

Oo. Iwan muna natin sila. At umalis na sila papuntang entertainment room. 

Bro, admit it, award winning ang arte ko.

OO na lang. Tara, DOTA tayo. 

Pagkatapos umalis nila Paolo at Johann nagkatinginan kami ni Oca.
 
Babe�

You may leave now. Wala na ang mga tagapagtanggol mo.  Sabay talikod.

Saglit lang. Sabay hawak sa braso ko. Let me explain. Listen to me.

Tinaasan ko siya ng kilay. May mga hindi ka pa ba nasabi? I think you made it clear kung ano talaga tayo? I stopped myself from croaking. Ayokong maging emo. 

I lied okay!?

For whom? You lied at my expense?I tried my best to be calm.

For the company. Look, I can�t explain it to you, I can�t give you the details but you have to trust me.  After this, everything will be okay.  He said pleading.

You are asking me to trust something that I don�t know? 

I am not asking you to trust something. I am asking you to trust me.  

Do you know what are you asking from me Oca? You are asking me to jump blindfolded into something only God knows what. 

Jo, just this once.  Pagkatapos nito. Everything will be alright. Hindi kita bibitiwan.  

Well, you just did! Binitiwan mo na ako.  And you came here to tell me to trust you na hindi sinasabi sa akin ang rason kung bakit mo ginawa yun?  What do you expect from me? You humiliated me in front of everyone and wala na akong mukhang ihaharap sa buong opisina. And now, you want me to trust you? And before I could stop myself, tumulo na ang mga luha ko.  I sobbed.  He tried to hug me pero umiwas ako. Pero ako ba Oca, did you trust me?  Did you trust me to understand what is it that�s bothering you?  Did you trust me enough to tell me the situation before you announced to everyone what a scheming and flirty b!tch I am?  Bago mo ianunsiyo kung gaano ako ka-ilusyunada? Did you trust me to understand the situation? Or you didn�t bother to tell me because I am only your employee and nothing else? 

Babe�

Shut up! Don�t call me babe. Kung ayaw mong sabihin sa akin, fine! Isaksak mo sa baga mo! Bakit ka pa pumunta dito kung ayaw mo rin palang magpaliwanag? Ang kapal din naman ng mukha mong pumunta pa dito para hingin ang tiwala ko.  

Will you please listen to me!

Ano pa ba!?

I will tell you pero hindi ngayon. Pag naayos na ang lahat, sasabihin ko sayo. That�s why I�m asking you to trust me. Just give me time. 

Paulit ulit lang tayo Oca. You can have all the time that you want. I don�t care. I�m out of your company and out of your life.

Babe, don�t do this to me. You can�t do this to me.

Of course I can.

Mababaliw ako.

I don�t care. 

Mamamatay ako. 

Much better. At umakyat na ako sa kwarto.
31

Sinabi mo na ba kay JC na buntis ka?

Why would I tell him?

Syempre kasi tatay yun ng anak mo. May karapatan siyang malaman. 

Walang tatay ang anak ko. He denied me, ibig sabihin, he denied the baby.

Hay naku. Maawa ka naman dun sa tao. Dalawang linggo nang pabalik balik sa bahay mo pero di mo pinapansin. Joanne, nagsosorry naman siya di ba? And for goodness sake, pumapayat na yung tao. Ni hindi inaasikaso ang trabaho niya kakasuyo sayo.

I put the shopping bags sa likod ng sasakyan. Andito kami ngayon sa mall at namili ng mga babystuff. Last week nalaman ko na buntis ako. I feel elated at the same time nalungkot ako. Pero inisip ko na lang na okay na rin at least magkakababy na talaga ako. Kaysa naman mag emo ako. Ilang beses ko nang sinabi na ayaw kogn maging emo kasi hindi marunong magsulat ang author ng emo scenes. Ayaw ko siyang pahirapan.     However, subali't, datapwa't   hindi pa alam ng kambal. Bumalik na kasi ako sa condo ko kasi baka mahawa ako sa kabaliwan ng dalawang yun. At worst baka pati ang baby ko mahawa. That's a big no-no.

Ano ba ang pinakain sayo nung lalaking yun at ganyan ang pagtatanggol mo sa kanya? 

Naawa lang kasi ako dun sa tao.

Hmp! Baka nakakalimutan mo galit pa rin ako sayo dahil sinabi mo sa kanya kung saan ang bahay namin? Namula si Mari at tumahimik.  

Nagdrive na ako papunta sa clinic ng OB nung may mapansin akong sasakyan na sunod ng sunod sa amin. Kanina pa sumusunod ang  car na yan ah? Kung saan ako liliko liliko din siya.

Where?

Yung car sa likod. Yung black Porsche.  I looked at my overhead mirror to check the car.

Baka same lang ang way. 

Parang hindi eh. Parang I�ve seen that car before. Last week ata, tapos the other day. 

Baka kaparehas lang. Same ba ang plate number? 

I don�t know. Hindi ko napansin ang plate number  before. Ngayon it�s JCC 222. Pero nevermind, baka nga madami lang ang may Black Porsche ngayon. 

Jo, would you mind if hindi kita ngayon masasamahan sa OB mo? Something came up.

It�s okay. Saan ka ba pupunta at ihahatid na kita. Pupunta kasi ako ngayon sa OB na nirefer ni Mari. First time kong magpapacheck up para mabigyan na din ako ng vitamins.

No need. Out of the way masyado. Just drop me off at Greenhills. Alam mo naman na yung clinic di ba?

Oo alam ko na. sige I�ll drop you off greenhills na lang. Pagdating namin sa Greenhills, bumaba na si Mari kaya dumiretso na ako sa clinic ng OB ko. Napansin ko din na hindi na sumusunod ang Porsche sa akin. Baka nga same lang ang way namin. Pumunta na ako sa clinic ng OB ko pero unluckily, sabi ng secretary  umalis daw saglit ang doctora kasi may pinuntahang patient sa kabilang hospital. Kaya naghintay muna ako. Maya maya umalis din ang secretary kasi may pinapadala ang doctor sa kanya.  At dahil walang patient mag isa akong nakaupo sa waiting area ng clinic ng OB ko. Mabuti naman at hindi pinatay ng secretary ang aircon. To entertain myself, nagbasa lang ako magazine about pregnancy.  Habang engrossed na engrossed ako sa pagbabasa I heard the door of the clinic open at may pumasok. Hindi ko na tiningnan kasi baka ibang pasyente lang yun or ang secretary. Pero to my amazement tumabi sa akin yung kararating lang. Sa dinami dami ng upuan dito sa waiting area, talagang nakikisiksik pa sa akin. Hindi pa naman kanais nais ang amoy niya.  I am about to look at the new patient para sabihin na mabaho siya nung nagsalita siya. 

Until when are you planning to keep your pregnancy from me?Nagulat ako at muntik na akong mapatalon.

What are you doing here? Paano niya nalaman na andito ako? Then I remembered Mari. 

Probably, trying to put some sense into you. Hindi pwedeng ganito na lang tayo Joanne. Magkakaanak na tayo. I don�t want our child to be born out of wedlock.  He said through gritted teeth. I can sense that he is mad. I�ve never seen him this serious. 

It is not a matter of what you want Oca.   Bakit kasi walang tao dito? Ang tagal naman ni doctora or ng secretary niya.  

So mas gugustuhin mo pang walang kikilalaning ama ang anak natin dahil sa pride mo?

Pride ko? As far as I can remember, my pride is not an issue here.  And for your information, there is no us. Kaya wag mong sabihing anak �natin, dahil anak ko lang to.

He took a deep breath na parang kinakalama ang sarili. So you�re claiming now, na mag isa mong ginawa yan? I wonder kung paano yan nabuo.

Stop the sarcasm, will you?

I am not being sarcastic Joanne. How many times have I asked your forgiveness? Kulang na lang na lumuhod ako sa harapan mo para patawarin mo ako.  All I�m asking you is a little bit of time. Kahit hindi na yung tiwala. Yung panahon lang na maiayos ko ang lahat. Mahirap bang ibigay yun?  And because of that you are stripping me of my right to our child.

Ayaw mo nun? I am not forcing you na panagutan ako. And besides, yun naman talaga ang role mo di  ba? I hired you to be my babymaker. Alam kong below the belt na yung sinabi ko. I know that that contract was dissolved nung nasa Bora pa lang kami or even before that.

Who is being sarcastic now? And stop talking bullsh!t. Punong puno na ako sayo Joanne.  Pinalampas ko ang paggawa mo sa aking tanga sa harap ng mga kuya at ng katulong niyo pero hindi ko mapapalampas na itago mo sa akin ang anak ko. And whether you like it or not pakakasal ka sa akin. 

How dare you�.

Hindi ko na natuloy ang sinabi ko kasi biglang pumasok ang doctor kasama ang secretary. Joanne, I am so sorry to have keep you waiting  yung patient ko kasi who have just given birth may problema. 

It�s okay doc. I smiled at her.

Sige come inside. Tumayo na ako at pumasok and to my horror sumunod si Oca. You are already 6 weeks pregnant and blah blah blah. Tapos kung ano pa ang pinagsasabi. Tapos nagbigay siya ng list of vitamins na kinuha ni Oca. Daddy, alagaan mo si Mommy kasi at this stage she is very sensitive. She may have morning sickness and I gave her something to ease yung pagkahilo niya. Daddy? You heard it right? She called Oca daddy? Amp! Ohhh God!

Ahhh doc�

Yes doc. May bawal po ba sa kanya?

Ngumiti ang doctora. Wala naman. Just minimize her sugar intake. And,  Intercourse is still possible basta dahan dahan lang. Kahit mahigpit ang kapit ng bata mas maganda pa din ang mag ingat tayo Daddy. Ang manyak ng doctor.  Nananayo ang balahibo ko  habang nag uusap sila. Silang dalawa lang ang nag uusap at nakatingin lang ako. At si Oca naman feel na feel.   

Thank you so much Doc. And they shake hands. 

You�re welcome. Remember your next check up Mommy. And daddy, be patient with Mommy alam mo naman pag buntis they are sensitive to everything. 

I am always patient with her  Doc. And thanks a lot. Tapos hinawakan na niya ang bewang ko at lumabas ng clinic. The hell!  Pagkalabas naming ng clinic inalis ko ang kamay niyang nakahawak sa bewang ko.

What are you implying?

I am not implying anything. Ginagawa ko lang ang responsibilidad ko bilang ama ng anak ko na pinagkakait mo. And you can�t do anything to stop me, because I have decided that whether you like it or not, pakakasal ka sa akin. Ngayon.

What? Ano to shotgun wedding? Hindi na siya sumagot sa tanong ko. Instead, hinatak na lang niya ako papuntang parking lot. Walang awa! Bakit niya ako hinahatak? Di ba niya alam na buntis ako?

Bitawan mo nga ako. Nagpumiglas ako para mabitawan niya pero lalong humigpit ang hawak niya sa akin. OMG! This is abduction.  I am being abducted by a guy with an abs.   

At dahil siguro nahirapan na siya dahil sa pagpupumiglas ko, binuhat na lang niya ako na parang sako ng bigas. Pinagtitinginan kami ng mga tao. Pero Oca just smiled at them.

Pasensiya na sa ingay. Nagtatantrums lang itong asawa ko.Tumawa yung iba yung iba nagsabi na ang sweet sweet daw. Taena. Sweet ba to? Sweet ba pag binubuhat ka na parang sako ng bigas in public?  

Ano ba Oca! Let me go. Nakakahiya. Pero parang wala lang siyang narinig. After a while naramdaman ko na lang na binaba na niya ako. Binaba niya ako sa harap ng isang black Porsche with a plate number JCC 222. Nanlaki ang mata ko.   

Ikaw? Ikaw ang sumusunod sa akin palagi?

Get in. He ignored my question. Binuksan niya ang passenger door at pinaupo ako. Tapos umikot siya sa drivers seat. Nung iniunlock niya ang pinto binuksan ko ito at lumabas ng kotse niya. Tapos tumakbo ako palayo sa car niya.

Joanne! I heard him call out my name pero hindi ko siya pinansin basta tumakbo lang ako sa may parking.  Nung tiningnan ko siya nakita ko siyang hinahabol ako. Para kaming mga timang na naghahabulan sa parking.   

And then it happened. Hindi ko nakita ang isang kotseng paakyat ng parking. Tapos I felt na may yumakap sa akin kaya natumba kami. Then I heard tires squealing dahil sa biglang pagpreno ng kotse na muntik nang makabangga sa akin. Tapos ang mga sigaw ng mga nakakita sa nangyari. 

I looked  at the person who saved me. I am on top of him. Kaya umalis ako sa pagkakadagan sa kanya. Pero nakaalis na ako�t lahat hindi pa rin siya gumagalaw. Kinabahan ako. 

Oca? Oh my God. This can�t be. Pag may mangyaring masama kay Oca, kasalanan ko ang lahat. Then I saw it. I saw blood on his collar kaya hinawakan ko ang ulo niya at namutla ako sa nakita ko.  Punong puno ng dugo ang ulo niya, he is unconscious. He hit his head sa island ng parking.   

 And everything went black. 
32

Oca�s POV

Masakit na ulo. Yan ang unang nagregister sa akin the moment na nagising ako. Then I heard voices talking.  

Mari, okay lang ba siya? Bakit hindi pa rin siya nagigising?Biglang bumilis ang tibok ng traidor kung puso nung marinig ko ang boses niya. Takte naman kasi, bakit ba kasi ako nainlove sa isang babaeng saksakan ng tigas ng ulo, nuknukan ang pride, makakalimutin, matapang, independent, sobrang pakipot  at kayang kayang mabuhay ng wala ako? Sino ba kasi ang nagpauso ng women�s right na yan? Sino ba kasi ang nagtanim sa utak ng mga babae na kaya nilang mabuhay na wala kaming mga lalaki? Dapat hindi nila alam yun eh. Tsss. Kita mo ngayon, nahihirapan ako. Nasa ospital ako kakahabol sa isang babae sa parking lot. Napakapathetic ko. Sino ba naman kasing matinong lalaki ang makikipaghabulan sa maarteng babae sa parking lot? Kaasar. 

Hintayin na lang natin ang doctor. Ikaw kasi eh, bakit ka kasi tumakbo? Para ka namang timang. Paano kung nakunan ka?Naku pag nakunan siya, ibibitin ko siya ng patiwarik. I swear. 

I don�t know why I did that. Siguro natakot ako nung sinabi niyang magpapakasal kami. Nakakatakot na ba ngayon magpakasal sa isang drop dead gorgeous na lalaking katulad ko? Bakit ba baliktad mag-isip si Joanne? Sino ang gusto niyang pakasalan? Si Kingkong? 

Ayaw mo nun? Oo nga! Kita mo to si Mari, may sense talaga. Sana mahawaan niya si Joanne.

Hindi naman sa ayaw pero how could I marry him when there are still a lot of issues between us. Hindi kami basta basta magpakasal Mari. Hindi basta basta ang magpakasal. Ngayon,  nagsisisi talaga ako kung bakit hindi ko sinabay ang engagement at marriage nung sinagot niya ako. 

Baka naman kasi may malaking rason kung bakit di pa niya sinabi ang dahilan ng denial speech niya. Nahihirapan na ang tao sayo. Pati ako nahihirapan na. My gosh! Kawawang Mari, naiipit sa akin at sa bestfriend niya. Naku pagkinasal kami talaga ni Joanne, mapipilitan akong sagutin ang honeymoon package ni Mari. Sa laki ng utang na loob ko sa kanya.  

Kung hindi naman pala niya masabisabi, then wala siyang right na utusan akong magpakasal sa kanya. Utos? Utos ba ang tawag doon? I just proposed to her and she called it utos? Tsk tsk.

So pag gumaling yan, wala ka pa ring planong makipagbati?Nice question Mari. 

Wala, unless magtatapat siya. Hindi ako mahilig sa kiss and make-up. Pansin ko nga! Aaaaaaggggghhhh! Hindi siya talaga naggigive-up.

After all that he�d been through, hindi mo pa din mapapatawad?Sige Mari ipilit mo, baka bumigay. 

Hindi nga. And besides Mari, eversince I�ve known him, hindi na siya nagbago. Nung college tayo he is a bigtime playboy and  he manipulated his way para mapalapit sa akin. No, he schemes his way para mapansin ko. It just so happened na na inlove ako sa kanya kaya I found his actions sweet pero he can still be close to me and eventually won my heart without his scheming dirty tactics. Ngayon hindi ko na alam kung ano ang papaniwalaan ko sa mga sinasabi niya. Or pagkakatiwalaan ko ba siya talaga. Will he be honest to me pag kinasal na kami? Can he be honest to his child? Ouch! 

So ano pang ginagawa mo dito!? Pag nagising yan, baka akalain niya na pinatawad mo na siya.  Mari galit ka? Wag kang ganyan Mari! Wag mo siyang paalisin Mari. Waaaaaggg! Girlfriend ko yan! Adik! Naaadik na ata ako.   

Hindi pa naman siya gising ah. Di aalis pag nagising. Hmp! Naku! Kung di lang kita mahal. 

Nag eenjoy pa sana ako sa usapan ng dalawang magbestfriend when I heard the door open. Must be the doctor kasi nag greet yung dalawa tapos may nagcheck sa akin

Doc, How is he? Hindi pa rin ba siya gising? So ngayon worried ka? 

He�s okay. He�ll wake up in a while. Hindi naman fatal ang pagkakatama ng ulo niya. But once he recovers, we will check his condition.  There might be complications though. Doc sabihin mo kaya malala na ako para mag alala ng todo yan? 

Complications doc? Like what doc? She sound worried. Well, she should be. Siya lang  naman kasi ang dahilan kung bakit ako nahospital. Pero mapapabayaan ko bang may mangyaring masama sa mag-ina ko?  Iniisip ko pa lang na magkakaanak kami kinikilig na ako.  Tama bang kiligin ang lalaki? Pero hanggang ngayon di ko pa rin alam kung paano niya ako mapapatawad sa ginawa ko. Hindi na makuha sa charm eh. Yan ngayon ang malaking problema ko. How would I face her without her thinking what an @sshole I am. 

The worst that we could expect is amnesia. It�s a possibility but a very remote one. Nung sinabi yun ng doctor biglang may bumbilyang nag-ilaw sa aking kaisipan. Brilliant Doc. Just brilliant! I love you Doc. Napakaremote ng chance na magkaroon siya ng amnesia Misis. Mrs. Cariño. Love it!  In fact, in his CT-Scan we found no damage on his brains whatsoever. There�s no need to worry. Dapat hindi na lang niya sinabi ang part na yan eh. Bakit niya nirorule out ang possibility of memory loss? Bobo ka ba doc? Ha? Ha? Ha? Hehehe. ANg bitter ko talaga. 

And since memory loss is�.Bago pa matuloy ng doctor na yan ang sasabihin niya,  I made a sound enough para madivert ang attention nila sa akin. Tapos unti unti kong minulat ang mata ko. Hindi agad agad para di obvious.

Mr. Cariño, you�re awake. Opo Doc, kanina pa.   

Where Am I? Naksss.   

You�re in the hospital. You bump you�re head in the parking lot. Alam ko Doc. Wag mo na ulitin. Wala akong amnesia. Tumingin ako sa loob ng hospital room kasi yun naman usually ang ginagawa ng mga bagong gising na nasa hospital. Sabi nga nila taking in your sorroundings. Magkatabi ang doctor at si Marideth na nakaharap sa akin. Sa tabi naman ng headboard si Joanne na nakatingin din sa akin. 

Saang parking lot? And why did I bump my head?Nagkatinginan silang tatlo.   

Hindi mo maalala?  

Nope. And Mari what are you doing here? Di ba nasa Europe ka?

Nagulat si Mari. Carlos, Ano ka ba! I went to Europe 5 years ago and hindi na ako bumalik doon eversince. 

Ganun ba? Di ba kahapon ang flight mo papunta doon? Good thinking Oca. You are so smart. Idol na kita. For sure yan ang sasabihin ng readers.   

Doc, akala ko ba remote ang possibility ng memory loss?Sorry naman Babe.

Sino ka? Eeeennnkkk! Sinabi ko yun bago pa makapag explain ang doctor. Tiningnan nila ako. I saw surprice on Mari and the doctors face and hurt on Joanne. I�m so sorry Babe. 

You can�t remember her? Tanong ni Mari na tumaas ang kilay. 

No�. Sabi nila mapupunta ka sa hell kung magsisinungaling ka, pero dahil sa dami ng kasinungalingang nasabi ko baka di na ako tanggapin sa hell at lumagpas ako.  So heaven pa din ang bagsak ko.   

Hindi mo naalala si Joanne!? This time sumigaw na si Mari. 

Hindi nga. Sino ba siya? Siya ba ang nakabangga sa akin sa parking? Dapat pinakulong na yan eh. What is she doing here?Tapos nakita kong namula si Joanne and her eyes started to moisten. Sh!t. Aaaahhhhhh! Damn!

I thought it would be best to give the patient some rest. Excuse me, pero pupunta lang ako sa Nurse station. And then lumabas na ang doctor. 

Mari, lalabas muna ako. And she went out too without giving me a second look. Si Mari naman tumitingin sa door at sa akin pabalik balik. Hindi niya ata alam kung magcstay sa room or susundan si Joanne.  Finally she decided to stay at tinitingnan lang ako. I smiled weakly at her. She raised her eyebrows. 

You can�t remember Joanne? Ano ang date yesterday?

Sino ba siya? Yesterday? December 9, 2005. You�re supposed to be in Europe now visiting Tita Mariz and Uncle Dan. Sana naman maniwala si Mari.

You can�t remember the rest after my trip to Europe?

No I can�t!

Ulol! Babatukan niya sana ako kaso natigilan siya. Naalala ata na may bandage pa ang ulo ko. 

Sino ang niloloko mo? What are you playing at?Bakit mo ginawa yun kay Joanne? Ang g@go mo talaga Carlos pagdating sa kanya kahit kailan. 

Teka nga bakit mo ako minumura? Naaksidente na nga ako at may amnesia ginaganyan mo pa ako. 

Ikaw Carlos, wag mo akong pinagloloko hah! Amnesia! In your face! 5 years ago hindi mo naman alam na pupunta ako ng Europe. Hindi mo nga kilala si Mommy at Daddy! Nalaman mo lang na pumunta ako ng Europe nung bumalik kami dito after 1 year at binisita namin ang Daddy mo sa bahay niyo na pinsan ng Mommy ko kaya nalaman natin na magkamag-anak pala tayo. Ngayon mag explain ka kung anong kalokohan ang pinaggagawa mo at nagdadrama ka ng ganyan! Hindi ka pa nga napatawad sa isang kasalanan mo, humahabi  ka na naman ng isang kasalanan!  Buti na lang at hindi ko naikwento kay Joanne ang bagay na iyon dahil kung hindi goodbye Joanne and baby ka na ngayon. Naku!

Mari wag mong sabihin kay Joanne. Ta3 nakalimutan ko na may lahing Cariño pala yang si Mari kaya smart din at di basta basta maloloko.

Dapat may maganda kang rason. Naku talaga kung di lang ako atat na maging kamag anak yang si Joanne, di talaga kita tutulungan. Pasalamat ka talaga!

Sige na. Salamat na. Ginawa ko lang naman yun kasi narinig ko ang pinag usapan niyo kanina. And it seems na hindi talaga niya ako mapapatawad. 

Talagang hindi! So ano ngayon ang plano mo?Pasinghal pa din niyang sabi.

So I�ve decided to  re-introduce myself to her. I wanted her to know me differently.  Not the playboy, the liar and the @sshole she used to know.  Gusto kong makilala niya kung sino talaga ako. Ang JC na kilala mo, ang JC na kilala ng pamilya natin. Not the Oca  that I projected to her. Tulungan mo ako. I said almost pleading at her. Kung hindi niya ako tutulungan, tapos ang maliligayang araw ko. 

And paano kung malaman niya na nagkukunyari ka lang?Tumaas ang kilay niya. Wag ka kasing nega Mari.

I�ll cross the bridge when I get there. And by that time nakilala na niya ako. Its up to her kung tatanggapin niya ako o hindi.  I sighed. 

Hay naku! Nakakabanas ka! Last na to ha! Last na to! Siya, siya. Kakausapin ko muna siya. And you better explain yourself to your doctor. Ayusin mo ang buhay pag-ibig mo Juan Carlos!And she went out the door at binagsak ito. Adik yun ah! Di ba niya alam na nasa hospital kami?
33.

Waaaaaaaaahhhhhh! Huhuhu!    I hiccupped and took a tissue at pinunasan ang luha ko. 

Are you okay? Mari eyed me at ang gabundok na tissue sa harapan ko. 

Do I look okay? He can�t remember me. He remembers you, but he can�t remember me. Naalala niya ang lahat, ako lang ang hindi. Waaaaaaaahhhhhhh! Umatungal na naman ako and then I blow my nose.

Oh my God! You�re so gross. Bakit ba kasi hindi ka na bumalik sa hospital ulit? Nakalabas na lahat si Carlos pero hindi ka na bumalik. You should help him remember you. 

What for? Para masabihan ng, Who are you? Do you know how much that hurts? Huhuhuhu.  Oo sinasabi ko sa inyo, masakit talaga. Gusto ko ngang untugin si Oca para lang mabalik ang katinuan niya pero nakakahiya sa Doctor.   

Joanne, maalala ka din niya. Just give him time. 

Paano kung hindi? What if I will be erase from his memory forever? Kakayanin ko ba Mari? Siguro pag nangyari yun magpapakamatay na lang ako. Huhuhuhu.  

Seriously? Magpapakamatay ka because of Carlos? 

Hindi. Stir lang. Sayang ang kagandahan ko.   . Totoo yun. Hindi ko naman pinangarap na magpakamatay ng dahil sa lalaki noh. Ano ako sira?   

Nagkatinginan kami ni Mari nung may magdoorbell. Nasabi ko na ba na nasa condo ko kami? 

Ako na bubukas. Tapos tumayo na siya at naglakad papuntang door. I heard her say hi and she opened the door. Napanganga ako at napatigil ang pagblow ng nose ko when I saw who�s standing in the doorway. Clad in denim and black polo, with a basket of fruits in hand is Oca. He looks so dashing na gusto kong tumakbo sa kanya at amuyin ang scent niya na abot pa hanggang sa inuupuan ko. Gusto kong yumakap sa kanya at ubusin sa singhot lahat ng amoy niya. Oh my God, naglalaway ako sa amoy niya. Is it normal?

So magtititigan na lang kayo? Excuse us for the mess Carlos, may konting drama lang. Umupo ka. Umupo si Oca sa sofa sa harap ko. Tapos pumunta si Mari sa akin at kinurot ako para matauhan at  sabay kuha ng fresh tissue at inalis ang sangdamakmak na tissue sa harapan ko. I even heard her say gross. 

Nakatanga pa din ako kay Oca. I missed him so much.   . I wanna cry again.

Nilagay niya sa center table ang basket of fruits at naglaway ulit ako upon seeing the red rambutans. Di ko tuloy alam kung ano ang uunahin ko. Ang rambutan ba o si Oca. Hehehe.

I�m sorry. Napatingin ako sa kanya. Nakakaalala na ba siya?


Wala ka nang amnesia? Ambilis naman ata mawala, hindi sa ayaw ko. Gusto kong maalala na niya ako.

Not yet. I�m  sorry for not remembering you. Mari told me about you. About us. Well, she didn�t tell me that she told you. Amp! 

Feeling  ko namula ako sa sinabi niya. Yumuko ako.  You-you don't have to feel obligated just because Mari told you---about---about us.  Okay lang naman ako. I saw him raised his eyebrow. So like Oca. Oh, how I miss his smirk. 

Okay ka na sa lagay na yan? He looked at the tissue at sa akin and I�m sure nakikita niya ang puffy eyes ko. You don�t have to cry buckets just because I can�t remember you. Eventually maalala din kita. But I can�t blame you for crying. Nakakahinayang nga na mawala ang isang katulad ko sa buhay mo. HE then smiled that devilish smile of his. Bigla akong napatingin sa kanya. Damn it! I hate this! Bakit pati pagkamayabang    natatandaan niya? Bakit ako nakalimutan niya? I am so jealous.   

What else did Mari told you? Gusto kong malaman kung ano pa ang pinagt-tsismis ni Mari sa kanya.  Tumayo siya  at lumipat sa tabi ko. Nagdikit ang braso namin at parang may kuryenteng nanayo ang mga balahibo ko. Shucks! Unconciously kumuha ako ng isang rambutan pero nahirapan ako sa pagbubukas nito kaya kinuha niya sa kamay ko at siya ang nagbukas.  Kinikilig tuloy ako. 

Basically she told me about that day we had an accident. She told me that we had a row kaya nangyari yun. Nanggaling daw tayo ng OB. How�s our baby? I blushed again. Nagiging awkward na ang conversation. At hindi ko napapansin na napaparami na ang kain ko ng rambutan dahil madami na siyang nabalatan. I�m pigging out I know, anong magagawa ko, natatakam ako sa rambutan. At natatakam din ako  kay Oca pero sadly, hindi pwedeng siya ang kainin ko.  So Mari told him about my pregnancy but edited a lot of info. Maybe she wants me to tell him the other details. Bless Mari.   

The baby is fine.  He looked at me again, yung taimtim na tingin na nakakatunaw kaya nagblush ako lalo. Paano ko sasabihin sa kanya that we didn�t have just a row? That he denied me and that we broke up. Paano ko sasabihin sa kanya ang lahat? 

Thank God.  I can�t forgive myself kung may nangyaring masama sa baby at sa�yo. Even if I have amnesia, nararamdaman ko pa din ang link between us . Ang gaan gaan ng loob ko sayo kahit hindi kita naalala. It�s as if we�re kindred spirits. 

Kindred spirits?

Alam mo yun. Kunti na lang soulmates na. And he grinned. Napangiti ako. Obviously he'd been watching a lot of commercials lately. Kahit may amnesia na siya, di pa rin naalis ang humor niya. Thank God for that.

Then there was silence.  Malapit nang maubos ang rambutan.    I am sure I'll be sad without it. 

When is our wedding date?

ACk! Nabilaukan ako.  Sh!t! 

Water? Habang hinihimas himas niya ang likod ko. 

No thank you. Okay lang ako. Nabigla lang ako. Cough cough.   

Bakit ka mabibigla? Aren�t we supposed to be planning our wedding now?  Don�t tell me na hindi tayo magpapakasal!Tumaas na din ang boses niya at tumayo na siya.  Yumuko lang ako. I should be mad at him for bringing that up kasi yun ang dahilan kung bakit kami naaksidente but how could I be mad kung hindi niya alam kung ano ang nangyayari.  Kung hindi niya alam kung bakit ako galit sa kanya in the first place.

You are having our baby and yet, hindi tayo magpapakasal? Didn�t I propose to you? It�s very unlikely for me to have impregnated you and not marry you. Hindi ko ugaling mambuntis ng isang babae na wala naman akong planong seryosohin!   I am not that irresponsible with my actions. I�m quite sure that binuntis kita because I�m dead serious with you.I�m out of words. With his declaration, with his outrage and his conviction. 

Joanne, he squatted in front of me para magkalevel na ang mukha namin. He then took my hand and looked at my eyes.I�m sorry if I didn�t propose to you. I can�t remember. But gusto kong itama ang lahat. HE then kneeled in front of me habang hawak pa rin ang kamy ko. Will you marry me? I should have been thrilled because OCa is proposing to me. But why is it that feeling ko something is wrong.

Oca, you don�t have�.but he cut me off.  to marry me.

I know  this is not the most romantic place to propose with you and I don�t have a ring. But we could have an engagement party and we could shop for a ring later. But would you give me the pleasure of being a good father to our child?

Of course, you can� pero again hindi niya ako pinatapos. Ngumiti na lang siya and he hugged me. 

Thank you Joanne. I swear you wouldn�t regret marrying me.Oh my God!  And now, let�s go shop for that ring. Tapos hinatak niya ako palabas ng condo ko. I saw Mari waved and smiled at us. I�m sure she heard everything.  Tama ba akong mas persuasive ngayon ang bagong Oca kaysa sa dating OCa na nakilala ko?
34

Sumakay na kami sa kotse niya at pumunta ng jewelery store. He keeps on asking what kind of ring I like. Suggest siya ng suggest but I kept quiet. Naguguluhan ako sa mga nangyayari. Parang ang bilis. Akalain mong may amnesia itong si Oca pero instead ang pagpapagaling ang iniisip, eh atat na atat pang makasal sa akin. Hindi naman sa nag iinarte ako but everything is just so sudden. Kahit sino siguro na nasa kalagayan ko mawiwindang sa ganitong situation. Kahit pa sabihing uber super duper gwapo ang pakakasal sayo. 

Do you think everything will be settled by next week? He interrupted my thoughts. Next week?


Next week? Bakit ka nagmamadali?

No, I am not in a hurry. It�s just that your stomach is not getting any smaller and I should have married you even before I impregnated you. I didn�t know why I didn�t do that.Umiling siya na parang iniisip kung bakti hanggang ngayon ay hindi pa rin kami kasal.

Napatingin at napanganga lang ako kay Oca. 

Ano motif ang gusto mo? I looked at him tapos lumunok ako. My God!

Oca this is not right. Hindi tayo dapat magpakasal. I grimaced after I sid those words. 

Why?He asked puzzled.

Because you have an amnesia! And because we are not really getting married before that accident. We didn�t have a row that time. We broke up. Our relationship during that time is a mess. And now you can�t remember anything, anything about me. You can�t marry someone you don�t know. There I said it. Please tell me, I�m right. Right?

But you are pregnant. Hindi pwedeng hindi kita pakasalan!C'mon! Oca was never noble. Well, he was sweet but not noble. 

You can�t just marry me because I am having your child! That�s not the reason why people marry each other. And that would not be my reason for marrying you. I shouted at him. Is he getting into my nerves?

Then what is your reason? What is the reason why people marry each other Joanne? He shouted at me. Naninigaw na siya ngayon! So very unlikely of a guy with an amnesia. If, the doctor didn�t confirm it, I shoouldn�t have believe it.   I know that I shouldn�t have dealt with him this way but I can�t allow this to continue. I felt that this is wrong and I have a strong faith to womans instinct. 

Because they love each other! That�s it.I know it's cheesy but I don't really believe in marriage for convenience. For me, marriage is still sacred. I still believe in its sanctity.

Then tell me, didn�t we love each before? Kasi ako Joanne, nawala man ang memory ko, pero alam ng puso ko na minahal kita at mahal kita hanggang ngayon. Nararamdaman ko. My brain may forget you, but my heart just can�t. Now tell me, do you love me? Or did you ever loved me? He sound hopeless. As if nakasalalay ang buhay niya sa sagot ko.

Oca� now what would I say? 

Just be honest with me. Sabihin mo ang totoo.  I will understand. Now he really sound defeated. I am not used to this kind of Oca. He should have been joking right now. Hindi yung tinititigan niya ako na para akong matutunaw. 

Oca, of course, I love you. But�

Then there�s no reason bakit hindi tayo magpakasal. Unless you think of me as someone not worth marrying. Not worth marrying? Is he serious? Hello! Any woman would trade everything just to marry him. Sino ang aayaw? I would love to marry him, but considering his state, what if maalala niya ako? Paano kong maalala niya na hindi pala niya ako dapat pinakasalan. He denied me, so there is a big possibility na pagsisisihan niya pag nakasal na kami na may amnesia pa siya. And I don�t know if I could take it kung matatauhan na siya at kasal na siya sa akin tapos pagsisisihan niya na pinakasalan niya ako. Or much worse, baka isipin pa niyang I took advantage of his situation at pinikot ko siya. 

I hope you know that I wouldn�t marry you, if I didn�t love you right? Walang makakapilit sa akin kung ayaw ko talaga.  And I hope you realized that I shouldn�t have made you pregnant if I don�t have the intention of marrying you or getting serious with you. I am no longer a teenager who does  not to know the consequences of my actions. And I hope that by now you already realized that I don�t give up easily and that sadly, whether you like it or not, that child is going to recognized me as his father and that you and I will be sharing the same name soon.
35!



Love. 

That�s the main reason bakit ako napapayag ni Oca na magpakasal sa kanya despite na may amnesia siya. Even if I have second thoughts on this whole thing. According to him,when two hearts are meant to be, no matter how  long it takes, no matter how far they go, no matter how tough it seems. Fate will bring them together, to share a life forever. I don�t know bakit bigla siyang naging makata. Nagka amnesia lang, naging makata na. And kung ganun na ang reason ng isang tao, ano pa ba ang isasagot ko? Alangan namang sagutin ko siya ng, never frown even if you're sad coz you'll never know who is falling inlove with your smile. To the world maybe you are one person. but to one person, maybe you're the world. Ano yun text ng mga love quotes? Siguro dati uso pa yun kasama ang mga love graphics sa cellphone pero ngayon? ang uso na ay, 3ow ph0w, mUsZtAh nA? lAbqCkyOuHh. (hello, how are you? I love you!) para sa mga hindi nakakintindi.Tsk tsk. 

And here I am now, preparing for our wedding. Actually I am not the one preparing and doing all the stuffs. We�ve hired a wedding coordinator to do almost everything since he doesn�t want na mapagod ako kasi nga buntis ako. Like now, we are scheduled to have our food tasting sa isang caterer. Supposedly, mamayang hapon pa yun at susunduin niya ako but it slipped my mind na ngayon pala ang araw ng check up ko kaya pupunta kami ngayon sa OB ko. I didn�t inform him that I have a check up but I can�t go alone kasi kabilin bilinan niya na dapat andun siya every check up ko. Kaya ang gagawin ko ngayon ay pupuntahan siya sa condo niya. Hassle naman kasi na papasundo pa ako. And yes, alam ko na ngayon kung saan ang condo niya. At alam ko na rin na may condo pala siya and that he is living alone. These past few weeks ang dami kong nalaman about him. Things I didn�t bother to know before which I think are not trivial in our relationship. But in fact it really did matter. Like knowing his family. Hindi importante sa akin yun dati, but now I realized that it is important. I�ve already met his Spanish dad kung saan namana ni Oca ang kapilyuhan niya and his mother who is very charming and graceful and I�ve talked to his sister which is married to a Spanish royalty kaya hindi ko na met personally kasi nasa Spain but she promised that she�ll be there during our wedding. Oca also met my family. Of course, kilala na niya sila Paolo and Phoebus. But Mom and Dad went home during our engagement party. Nagulat kayo ano? Yes, tapos na ang engagement party namin. Sorry I didn�t invite you. Kahit kasi ako nasorpresa that there will be an engagement party. That was a week ago.

In short, we will be wed 4 days from now. Ang bilis di ba? Bakit pa daw kasi patatagalin, eh lumalaki ang tyan ko. Wew! 

Pagkadating ko sa building ng condo niya, I smiled at the guard who saluted at me. Kilala na ako dito. Sumakay na ako ng elevator at bumaba sa Penthouse. Yes, nasa penthouse ang condo. Oca owned the building. No, his family doesn�t own it. He owned it. Filthy rich huh! Lately ko na din nalaman yun. I told you, I never bothered knowing before. Okay, mas mayaman siya kesa sa akin, Pero kung isasama ang mamanahin ko, mas mayaman pa rin ako. Hahah. Payabangan ba to?   

Pagkadating ko sa penthouse I didn�t knock. Why should I? He gave me a spare key. Alam ko naman na andito siya kasi nakaleave siya sa office. May amnesia nga di ba? Pag open ko nang door, walang tao sa living room and sa kitchen. He must be at the garden or sa pool. It�s only 10:00AM kaya impossibleng lumabas yun ng condo. Then I heard laughter coming from the pool. May mga bisita siya. Bigla akong kinabahan kaya instead na lumabas agad sa sliding door papuntang garden/pool nagtago ako sa likod ng curtain sa likod ng sliding door. I know masama ang mag eavesdrop but my instinct told me to do so. At dahil sa likas na tsismosa ako, I just can�t resist it. 

I saw the three of them sitting in the lanai. Tamako, Tamadao and Oca. They are having breakfast. 

So Bro, tuloy na tuloy na talaga ang kasal?

Ano ka ba naman kambal? Sa tingin mo, aatras yan? Kung may aatras sa kasalan, si Joanne yun. Kulang na nga lang tutukan niya ng baril si Joanne at sumigaw ng Pikot eh! Hahahhaha. Tumawa ang kambal, pero hindi si Oca. Umiling na ngumiti lang siya. Sh!t! Ang pogi talaga niya. Lumalabas ang dimples niya pag ngumingiti siya ng ganyan. Sarap kagatin. Kakagigil.

Pare, di pa rin ba alam ni Joanne? Anong alam? Anong hindi ko pa alam? Nagising ang curiosity ko sa sinabi ni Tamadao. 

Not yet. 


Kelan mo sasabihin? Paano kung malaman niya? 

I don�t know, maybe after the wedding. Ano ang sasabihin niya sa akin after the wedding? Lalo akong kinabahan sa mga narinig ko.

Pare hindi habang buhay maitatago mo kay Joanne yan. Eventually malalaman din niya na wala ka naman talagang amnesia. Are you ready to face the consequences ng ginawa mo?

Ewan ko bahala na. Napanganga ako sa narinig ko. Si Oca? Walang amnesia? Nanghihina ang tuhod ko sa narinig ko. All this time niloloko niya ako? To think that I considered his feelings at hindi ko siya sinumbatan sa ginawa niyang pag deny sa akin kasi all along I thought na wala siyang maalala sa mga nangyari. Yun pala, nagkukunyari lang siyang may amnesia. What for? Para lokohin ako ulit? Why can�t he be honest with me? Bakit kailangan niyang gawin yun. Bakit niya ako niloloko? 

Sa kakaatras ko nahagi ko ang vase na nasa side table and it fell. Kasabay ng pagkahulog ng vase ang pagkahulog ng mga luha ko.

Ma�am�.andito po pala kayo. Napatingin ako sa helper na twice a week lang pumunta sa condo ni Oca and then I looked at the vase na basag basag sa sahig. Parang puso ko, basag basag and hindi na pwedeng buuin. Nakatulala kaming dalawa ng helper sa isa�t isa.  Then I heard footsteps na papalapit sa amin galing garden.

Jo�.. I heard Oca said. Pinunasan ko ang luha ko at nilingon ko silang tatlo. Nakanganga sila Tamadao and Tamako at namumutla si Oca. At ako hindi makagalaw.

Kanina ka pa ba? Why didn�t you call? Sana sinundo na lang kita. Manang pakilinis ng kalat. He said casually. Ang kapal ng mukha. Tapos lumapit siya sa akin. 

Ang aga mo naman Namiss mo kaagad ako? He grinned at me. In your face Oca. In your face! Inakbayan niya ako and he kissed me sa cheek. Hinayaan ko siya. Pero sa totoo lang gusto ko na siyang itulak, suntukin, tadtarin ng bala, ipabitay, balatan ng buhay, i pluck ang lahat ng buhok sa katawan at halayin . How could he! Ang kapal ng mukha.

Hi Jo. Tamadao and Tamako chorused. Mukhang nakarecover na sila sa shock. 

Hi! andito pala kayo. Yayain ko sana si Oca sa OB. I forgot na may appointment pala ako ngayon. Mukhang nagbabonding kayo ah? Kelan ulit ang mountain climbing niyo? I smiled at the two of them.

Baka after na ng wedding niyong dalawa. Sayang hindi ka na pwedeng sumama. Then Tamako looked at my stomach. I smiled at him. 

Bakit nakasama ba natin siya sa mountain climbing dati? Oca asked innocently and before I could stop myself, nasampal ko na siya ng pagkalakas lakas. Napa whoaaaa sina Tamako and Tamadao. Namumula ang mukha ni Oca. Mukhang nagmark pa ang kamay ko sa pisngi niya. Pati ako feeling ko namumula ako. Namumula sa galit. 

Bakit mo ako sinampal?

Ang kapal ng mukha mo! Alam ko na ang lahat! Narinig ko kayong tatlo. Alam ko na wala ka naman talagang amnesia. Niloloko mo lang ako. Palagi mo na lang akong niloloko. Napapagod na ako sa panloloko mo. Hindi ko na pigilan ang mga luha ko. Hindi na kasi ako natuto. Feeling ko ako ang pinakatanga sa mundong ibabaw.  Ang kapal ng mukha mo! Ang lakas ng loob mong magsinungaling sa akin. Ano? Ano pa ba ang mga kasinungalingan sinabi mo? Ha? Or sa lahat ba ng sinabi at ginawa mo, ano ba doon ang totoo? Ha Oca? Why did you have to lie to me? Bakit mo kailangang lokohin ako?

Jo�.

Wag kang mag sorry! Wala rin namang kwenta. I brushed away my tears. 

Jo, I just did it because�

Wag ka nang mag explain! Di ko rin naman papaniwalaan at panigurado pagsisinungaling na naman yan. At wag ka na ring magpakita sa akin! Bwisit ka!  Then naglakad na akong padabog papuntang pinto. 

Jo, 4 days from now, ikakasal na tayo�.napatigil ako sa pagbubukas ng pinto ng condo niya. I faced them. Took my engagmenet ring and throw it at his face. Hindi siya tinamaan. Sayang. 


Ayan, pakasalan mo ang sarili mo! Bwisit ka!  

But we love each other! Yun lang naman ang importante di ba? That�s the reason why we�re getting married.He said pleading. Wag mo akong artehan ng ganyan! Baka bumigay ako. Bwisit!

Oca, love cannot live where there is no trust. You have to trust me and I need to trust you for our love to prosper. Pero sa pinaggagawa mo, nahihirapan akong mag trust sayo. And at this moment, I doubt everything in you, even you love for me.Lumabas na ako sa condo niya. Hindi ko na siya tiningnan. Baka di ko kayaning umalis.

Pero sabi nga ni Bob Ong "Ang tenga kapag pinagdikit korteng puso� Extension ng puso ang tenga, kaya kapag marunong kang makinig, marunong kang magmahal�" oo nagmamahal ako, pero ayaw kong makinig, ayaw makinig ng nasaktan na puso. 

Kaya susundin ko ang payo ni Bob Ong  na "pakawalan mo yung mga bagay na nakakasakit sayo kahit pinasasaya ka nito. Wag mong hintayin yung araw na sakit nalang ang nararamdaman mo at iniwan ka na ng kasiyahan mo.� Pasensiya na idol ko siya eh. 


Happy new year sa lahat.
36.


Tulala sa isang tabi at di mapakali, ang nakaraan minumuni muni. Di lubos maisip bakit nagkaganitoooooo

Gusto ko nang batuhin ng kutsara ni Kuya Caloy. Di na kasi natigil ang pagkanta niya at mukhang nananadya talaga siya kasi mukhang natatamaan ako sa mga kanta niya. Ganito siguro talaga pag brokenhearted ka. Feeling mo lahat ng emo songs ikaw ang pinapataaman.  Feeling mo ikaw ang pinakakawawang nilalang sa buong mundo. Gusto mo kasi kesyo naghihinagpis ka dapat maghinagpis na din ang buong mundo para may kadamay ka. 

Pagkagaling ko sa condo ni OCa dumiretso na ako dito sa farm ko sa Batangas. Gusto kong mapag isa. Gusto kong mag-isip. Gusto kong mag emo. Pinatay ko din ang cellphone ko kasi alam kong hindi ako tatantanan ng lahat. Masasabi bang nagtatago ako? Siguro. Siguro nga nagtatago ako kasi hindi ko pa kayang harapin ang katotohanan.  Ang katotohanan na ilang beses na akong niloko ng lalaking muntik ko nang pakasalan, ng lalaking pinagbigyan ko ng lahat. Baka naman sabihin niyo din na nagiinarte lang ako kasi nga ginawa na nga niya ang lahat para lang maging kami. Para maging happy ending ang istorya namin. Naghintay siya ng walong taon, may cliff diving pang nalalaman, kinutsaba pa ang best friend ko, at nagkunyaring may amnesia para lang bumalik ako sa kanya. Sasabihin niyo ang sweet sweet niya.  Wala nang lalaking gagawa ng ganun. AT isa akong big loser kasi di ko kayang intindihin ang motives ni Oca. Napakaunromantic ko.  But still, the means doesn�t justify the end.  Maybe yes, I am unromantic, pero sa isang katulad ko, walang kasing halaga ang tiwala sa isang relasyon.  Ang salitang tiwala para sa akin ay mas mahalaga pa sa salitang pag ibig.  Madaming relasyon ang nasisira dahil sa kawalan ng tiwala. May pag ibig nga pero wala namang tiwala. Ano ang saysay ng relasyon na ganun? Faith is everything in every relationship. Kaya hindi basta basta na dahil alam ko ang motibo ni Oca ay patatawarin ko na siya kaagad.  Ngayon pa lang na hindi pa kami mag asawa ay grabeng kasinungalingan na ang naranasan ko sa kanya, paano pa kung mag asawa na kami?

Inaamin ko  na nasasaktan rin ako sa ginawa ko? Hindi kesyo nagpapakalohikal na ako eh naging manhid na ako. Sino ba ang may gustong umatras sa kasal? Sino ba ang aayaw sa isang lalaking katulad ni Oca. Siguro loka loka ka kung aayaw ka. At siguro nga loka loka na rin ako kasi nga umatras ako. Pero minsan kasi nangingibabaw ang prinsipyo kaysa sa puso. Hindi dahil sa umiibig ka na puso mo na lahat ang paiiralin mo. Kaya nga nilagay ng Diyos ang utak sa taas ng puso di ba?  Hindi ko pwedeng lunukin na lang lahat ng katotohanan at magkunyaring hindi nangyari ang lahat ng nangyari. Oo nga past is past, pero our past defines our future. Haysss!


Ma�am  ready na po ang pagkain. Tumingin ako at ngumiti kay Kuya Caloy. Tumayo na din ako at pumunta sa dining. Maliit lang ang resthouse ko dito sa Batangas, bungalow type lang  and it is surrounded by fish pond. Yun ang negosyo ko. Nagtitinda ako ng isda. Palingkera ako.   .  Pagkatapos kong maglunch inantok ako ng bonggang bongga kaya natulog ako. Ganito siguro talaga pag buntis. Antukin.  

Mga bandang 5pm nung gumising ako. Siguro alam niyo naman na kung gaano ka boring ang buhay dito ano? Tulog, kain, isip lang ang ginagawa. Kaya nga resthouse di ba?

Ma�am may bisita po tayo. I looked at the road kung saan nakatingin si Kuya Caloy. And I saw Paolo�s BMW na papalapit. Sinasabi ko na nga ba at hindi magtatagal pupuntahan niya ako. Si Paolo lang ang nakakaalam kung nasaan ang lugar na ito. Siya ang kasama ko when I bought this place. Siya din ang nakaisip ng concept of a fish pond. Kaya no wonder na siya ang unang pupunta dito. Lalo na at alam nila ang kondisyon ko at hindi nila ako macontact. Lumabas ako ng living room at hinintay ko si Paolo sa harap ng bahay. Nag iisa lang siya. Bakit Joanne may ineexpect ka?

Hi sis! Nice place. GUmanda na lalo. Ngumiti lang ako and niyaya ko siya sa may gazebo.

Why are you here Pao? Alam ko naman kung ano ang sadya niya. Maybe to put some sense into me. 

Kumusta ka na? He looked at me intently. 

Ito. Buhay pa naman. Naningkit ang mata ni Paolo at ngumiti ako.

Joanne, kasal mo na bukas. Ano ang plano mo?

Wala. Totoo yun. Wala naman talaga akong plano. 

Joanne, malaki ka na. Hindi ka na teenager na kailangan naming protektahan ni Phoebus sa lahat ng nang-aaway at gustong manakit sayo. Nabuhay ka na ngang mag isa kaya I believe that you can handle yourself now.  Di ba sinabi ko na sa inyong andito siya para sermonan ako?

You know that I can handle myself. And thanks for your concern. 

You are our only sister. And ayokong nasasaktan ka. Hindi ako nagsalita nung niloko at iniwan ka ni Dave. Kaya hinayaan ko na lang si Johann na bugbugin si Dave at hindi na ako dumagdag. 

Binugbog ni Johann si Dave? Nagulat ako sa narinig ko. Ang alam ko hindi na nagpakita si Dave sa akin after kung malaman na  may nabuntis siyang iba kasi nagmigrate na siya sa States. Siya ang boyfriend ko na pinagselosan ni Oca nung graduation namin.

Yep, at binantaan na kung magpapakita pa sayo, hindi lang yun ang aabutin niya. Kaya nagmigrate na sa States ang ulol na yun at sana maintindihan mo rin kung bakit ganun na lang ka protective si Johann sayo. Pero hindi si Dave at ang pagiging amazing brother namin ang pinag uusapan natin. Ang kasal mo ang topic natin.

What do you want me to say Pao? 

Ano ba ang gusto mong gawin? 

Gusto kong mag-isip.

3 days ka nang nag iisip dito. Isn�t it enough?  Hindi pa ba sapat yun para makabuo ka ng desisyon. A decision that is fair to everyone. Specially for JC? Biglang lumakas ng heartbeat ko upon hearing his name.  Joanne, you need to decide, wag mong paghintayin ang lahat ng bisita bukas sa simbahan. He patted my shoulder at tumayo na. Naiwan akong nakatulala at sinundan siya ng tingin. Pumasok na siya ng car nang biglang bumukas ang passenger door. Napatunganga na lang ako upon seeing OCa emerge from Paolo�s car. He looked like he hasn�t sleep for a month. Medyo mahaba na din ang stubbles niya. Magulo na din ang buhok niya. Nagkatinginan kami. Ang dungis niya. I flinch. I flinched not because of his appearance, but because of the emotions I saw on his face. At nasasaktan akong makita siya ng ganyan.
37.

He looked at me and I looked at him. Unti unti siyang naglakad papunta sa akin. Kinakabahan ako. Hindi ko alam  kung bakit ako ang kinakabahan.  Namamawis ang mga kamay ko. Para akong teenager na ipapakilala sa ultimate crush ko. 

Nung malapit na siya, he smiled at me sadly. I smiled at him. Maybe, Paolo is right, tama na siguro ang tatlong araw na pag iisip. Matatanda na kami and I don�t have to be hysterical everytime I see him. We could talk sensibly like two mature individual.

Nice place.He said looking around.


Thanks. Have  a seat. Umupo na din ako sa chair in front of him. Nagkatinginan kami for a while. 

Jo, can we talk? I just nodded. If we are on a different situation I should have laugh at him. 

I am sorry if I slapped you and throw the ring at your face.   Yeah, I shouldn�t have done that. 

I deserved it. Kasalanan ko naman kasi. These three days made me realized a lot of things. And I am sorry for lying. I am sorry for betraying your trust. I am sorry for pretending I have amnesia just to win you back. 


You could win me back without pretending. Hindi mo kailangang gawin akong tanga. Totoo naman di ba? Although sinabi kong we could talk sensibly, I just couldn�t help feeling biotter dahil sa ginawa niya.  

I am sorry. Naisip ko kasi, how could I win you back if I can�t explain the reason why I denied you.  And at that time, hindi pa oras na sabihin ko sayo ang rason. And I�m afraid I�ll lose you if I didn�t make a move. I�m sorry again. Tumitingin lang kami sa mata ng isa�t isa. Nalulungkot akong makita siyang nalulungkot and I am the cause of his sadness.  Pero we just couldn�t kiss and make up. We need to settle all our issue first para maliwanang ang lahat. 

Yes, that�s the reason why we ended up like this. And until now, I still can�t understand bakit mo ginawa yun sa akin. And I wanted to know the truth. I deserve to know the truth.

Yes, Im sorry again. Lahat na lang sorry. Sorry kung hindi ko agad pwedeng sabihin sa�yo. I can�t tell you unless the issue is settled. You see, ABC Company, the company owned by Yvette�s family is our major client. And we needed them. Our company is on the brink of bankruptcy for a long time. That�s why my father wanted me to assume the post. Although it�s not really our interest that is at stake since our investment in that company  is minimal, still my father cared a lot for that company dahil ninong niya ang founder noon.  I denied you that time because Yvette was there. And once inamin ko that we have a relationship, they would cancel the projects given to us. They would also inform  the other clients  and they would all back out for the reason of unethical business practice and all the other reason that they could device para lang masira ako at ang company. I can�t let that happen because it would mean the end of the company.  Retrenchment of the employees and absolute bankruptcy. I can�t let that happen.  My Dad is relying on me to save that company. And I was only waiting for the contracts to be signed bago ko eexplain sayo ang lahat. 

But why didn�t you tell me kung ano ang rason? Naintindihan ko sana. 

Jo, I can�t tell you that the company is on the brink of bankruptcy because you were working in that company. Your friends are still working there.  That information is confidential. What if it reaches the public? The banks? I�m sorry if I didn�t trust you to keep that secret but I just can�t divulge that information to you. 

Okay. I understand. Pero masakit pa rin na hindi niya ako pinagkatiwalaan. OO tsismosa ako pero slight lang naman. 

And thank you na hinarap mo pa din ako despite all the things that I have done. Sana mapatawad mo ako. Bakit ako kinakabahan?  He broke our eye contact and looked down. Why do I have a feeling that something is wrong?

I was never a perfect suitor, a perfect boyfriend and I will never be a perfect husband and father. I am far from perfect. I have a lot of flaws. I am not perfect, I know but I am striving to be the right guy for you. But sadly, I failed in that aspect too. I screwed it.  But even if I screwed everything, that didn�t change the fact that I wanted to marry you.
Joanne, I know I shouldn�t be asking this. Pero tomorrow is our wedding day. Matatanggap mo pa ba ako despite of my imperfections? Matutuloy  ba ang kasal natin bukas? Oh my God. 

Oca, I never  ask for a perfect guy and tinanggap kita kung ano ka. But tomorrow�. I closed my eyes to prevent the tears from coming. I�m sorry but we need to do it right. You deceived me para pumayag na pakasal sayo. I need time. We both need time to know each other. We cannot commit ourselves to each other for a lifelong relationship. Hindi naman ako naniniwala sa long engagement but we need to know each other better for us to decide na kaya na nating mabuhay  kasama ang isa�t isa at hindi natin pag sisisihan na nagpakasal tayo. Marriage is a lifelong commitment. I just hope he understands what I mean. I just hope that didn�t offend him.

I understand.  So that�s it then. I�ll inform everyone that the wedding is cancelled. I am sorry kung pinilit ko ang sarili ko sayo. In the first place, I shouldn�t have done that. Naging impatient ako. He laughed bitterly. I just have one favor to ask you. 

Ano yun?

Please, let our child use my name. 

What do you mean? Ano ang pinagsasabi niya? At why can�t he looked at me? I felt panic building up on me.

He smiled at me and patted my hand na nakapatong sa table. I am so lucky to have met you. You put some sense into me.

Huh?

 You are right Jo. From the very start tama ka. 

I am right? In what?

Hindi basta basta nagpapakasal ang dalawang tao. There are far more reasons why two people get married.  He laughed again. Bitterly. I really screwed it from the very start. Tapos sinuklay niya ng kamay niya ang buhok niya. I realized that simula�t sapul parang pinikot na kita. Then another bitter laugh. Nasisiraan na ba siya ng bait? I forced my way into your life. Everything was planned. I never really thought that it would backfire and it would end like this.  It�s just that I love you too much I don�t know how to handle it. I�ve become selfish for wanting you for myself alone. Nasasakal na pala kita.  And yes, we need time. We both need time.  I am sorry again. He stood up. Nakatunganga lang ako sa kanya. Trying to absorb everything that he said. 

Can I hug you for the last time. The last time? Last time? Nag iinit ang mga mata ko. 

The last time? I barely manage to say those words. And then I found myself wrapped by his embrace. A gentle yet warm embrace. Hindi ko na napigilan na pumatak ang luha ko. 

I�m letting you go Jo. I�m sorry for all the trouble I�ve caused you. God knows how much I love you. Take care of yourself. Take care of our baby. And then he let go of me. Physically and emotionally. Naninikip ang dibdib ko. Parang di ako makahinga. Parang dinadaganan ang puso ko.  I can�t talk because if I dare open my lips hahagulgol ako.  

I wanted to kiss you, but I�d rather not because If I do, I won�t be able to let go.  Don�t forget, mahal na�. and his voice broke....mahal kita. Hindi ako makagalaw, I can�t even speak. I wanted to hug him pero di ko magawa.  I watched helplessly as he turns his back on me. My tears are also helplessly falling on my cheeks. I was shocked. 


The it dawned on me.


Oca just gave up on me.   
38.



Hoy buntis! Tinanghali ka na naman ng gising. Magpapaparlor pa tayo. Ganyan ba talaga pag buntis? Haysss! Malelate na tayo sa parteeee! Dakdak ng dakdak si Mari habang niyugyog ako. Ahhhh! Wala ba talagang konsiderasyon ang mga tao? Hindi ba nila alam ang buntis ay matakaw sa tulog? Tsss�.

Dapat ba talaga akong sumama? I looked at Mari  and at my stomach. Medyo malaki na kasi siya. Hindi na ako pwedeng magpaseksi. 5 months na kasi ang tyan ko. 3 months after naming huling mag usap ni Oca. The day after kaming nag usap pumunta na siyang Timbuktu. Of all places! 

OO naman! ANo ka ba! Nag promise ka nang sasama sa akin. Wala nang bawian. Kaya tara na maligo ka na at magbihis dahil malelate na tayo. Dahan dahan akong tumayo. Nakakatamad naman kasi eh. Napadaan ako sa salamin. I grimaced. Ni hindi pa ako nagsuklay. Ganito ba talaga pag buntis? Tinatamad sa lahat ng bagay? Hays�. Pero dahil nga kaibigan ko tong si Mari sinunod ko pa din siya. Pupunta daw kasi kami sa reunion nila at wala siyang kasama kaya ako ang napili niyang isama.  Hindi ko nga alam kung saan napunta ang mga jowa niya at ako ang naisipang isama ng babaing ito. So anyway kahit anong reklamo pa ang gagawin ko wala na rin naman akong magagawa kasi whether I like it or I like it pipilitin pa din akong sumama ni Mari. 

After 30 minutes on the way na kami sa venue ng reunion. Nagulat na lang ako nung pumasok kami sa subdivision nila Oca. Tiningnan ko si Mari and she is smiling. 

Mari, bakit tayo pumunta dito? Saan ba iheheld ang reunion niyo?

Sa bahay ng isang kamag anak namin.

And they are living here? 

Yup. Oh, great. 

Ka subdivision nila sina O�.ang mga Cariño?

Ahmmmmm� we�re here. And to my surprise tumigil kami sa harap mismo ng bahay nila Oca. Bahay ng parents niya kasi nga sa condo talaga ang bahay ni Oca di ba? Bumilis ang heartbeat ko. Parang sumisipa pa ang anak ko sa tyan ko. Nakikisama? Excited?

Bakit dito tayo pumunta?

Jo, the Cariño�s are our distant relatives. I�m sorry for not telling you. Kasi alam ko naman na di ka sasama pag sinabi ko kung saan tayo pupunta.  But Tita requested you to come. She wanted to see the baby. 

Mari�.

Don�t worry. She smiled at me. We will not be seeing JC. He is in Timbuktu. Hindi pa siya umuwi. Kaya don�t worry. Tara na.Then lumabas na siya ng car. SUmunod na lang ako kesa sa magmukha akong engot dito. 

Kinabahan pa ako pagpasok namin sa gate but my fears eventually subsided when everyone seemed to mind their own business. Oca�s mother greeted me nicely as if walang nangyari. She didn�t even mention her son. Sinabi lang niyang lalo akong gumanda na hindi na ako nagtaka kasi totoo naman yun. We had a little chat pero dahil nga siya ang host naging busy din siya. Siya lang pala mag isa ditto kasi nasa Spain si Tito at siempre andun din si Julia. 

See harmless ang party na to. Hindi kesyo buntis ka eh pagtitinginan ka na ng mga tao. Ano ka artista? Hahaha.

Tsee! Ikaw kung makalait ka!  Kahit na hindi ako pinagtitinginan di pa rin maiaalis ang katotohanan na lahat kayo magpapamilya dito ako lang ang hindi.

Ano ka ba! Anong hindi kapamilya? Eh nanay ka ng isang full blooded Cariño. AT lola niya ang nag organize ng party na to. Wag ka ngang emo. And she looked at my stomach. UU nga naman. Napakasmart talaga ni Mari. 

I am about to drink the juice that I�m holding nang mapatingin ako sa dako ng gate. The car looked vaguely familiar.  The black Porsche.  Napanganga ako when I saw him emerge from the driver�s seat at lalong natulala ako  when he opened the passenger door at lumabas ang isang babae. I saw how they looked at each other. He smiled at her when he opened the door and she smiled her thanks to him in return. Ohhh !@#$! May ganung moment pa?

Humawak ang girl sa braso niya while he escorted the girl towards us. Towards where his mother is standing. Sumisikip ang dibdib ko. One look at them and masasabi mo that they are the perfect couple. Perfect. A description na hindi mo masasabi pag nakita mong kaming dalawa ang magkasama. 

3 months.

That�s how long it takes him to love another. That�s how long it takes him to get over me and to move on. Hindi man lang siya nagluksa. It is so unfair because hanggang ngayon nagluluksa pa rin ako while he is smiling with THAT girl. They didn�t even recognized that everyone is looking at them. Looking at the perfect couple.   Ni hindi niya napansin na nandito lang  ako tumitingin sa kanila, nasasaktan.  Bull!

Gusto ko siyang sugurin  pero may karapatan ba ako? Ako ang tumanggi. Ako ang umayaw. Ngayon bakit ako ang nasasaktan. Wala aakong karapatan. Sh!tness!

Jo, I didn�t know na darating siya. I didn�t even know na bumalik na siya.  Mari took hold of my arm. Para bang sinusuportahan niya ako in case na magcollapse ako ngayon dito. I also saw the shock on his mother�s face when she saw them. So kahit Mom niya hindi alam na dumating na siya? I wonder kung gaano katagal na siyang bumalik.  I even saw his Mom glancing at us. Siguro nga I am a masochist. I should have left the moment I saw them but no, I can�t even take my eyes off them. Off him. I wanted to come near him. To make sure that it�s really him. I wanted to see him more and I wanted him to see me. To notice me. Pathetic. KSP. That�s me.

Pero dahil nga sa masochist ako, I should have been prepared for what was coming. Pero kahit siguro gaano ka ka prepared sa mga bagay bagay at kahit ineexpect mo pa ang mga bagay bagay still, magugulat ka pa din kung malaman mo ang totoo.  And that happened. I didn�t prepare myself and I wasn�t able to control myself when I heard him say,

�Mom, this is Felize. My girlfriend�Nakakamiss ang green font color!

Parang pinagsakluban ako ng langit at lupa. I didn�t even noticed na nabitawan ko na ang baso ng juice na hawak ko. Nagulat ang lahat when they heard the glass shattered on the floor. Tumili pa ang iba. I didn�t even budge kahit nabasa ang paa ko ng juice. Everyone looked at me. I didn�t care, I can�t look at them because I am only looking at him.  Then he looked my way.

Our eyes met.
39

Our eyes met. 

Ang tagal naming nagtitigan. Ang lakas din ng heartbeat ko. Feeling ko masusuffocate na ako sa bilis at lakas nito. Parang di na nga ako makahinga. Not to mention na parang nakikisama pa ang baby sa tyan ko. Ninenerbiyos ako na ewan.  Then I saw him smile. Bakit siya ngumiti? May nakakatuwa ba sa pangyayari? Tangna ka!   

Lalong bumilis ang heartbeat ko nung papalapit na sila sa amin. Para akong napako sa kinatatayuan ko. Oh my God.  Feeling ko aatakihin ako sa puso anytime. 

Hi Joanne. Hi Mari! Hi yourself. 

Anong kalokohan to JC? I heard Mari hissed. Wala man lang siyang pakialam na kasama ni Oca ang bagong girlfriend niya. At lalong wala siyang pakialam na pinagtitinginan kami ng tao.

What do you mean Mari?

What are you doing here? Akala namin nasa Timbuktu ka? Why are you here? At sino siya bakit kasama mo siya? Oh my God I can smell trouble. I can sense na manggigyera itong si Mari.

Bumalik ako a week ago. A week ago? Isang linggo na siyang andito and he didn�t bother to contact me?  Ano yun joke? 

Ah ganun ba? Mabuti naman kung ganun! Mari smiled at both of them pero halatang pilit. Hindi mo ba kami ipapakilala sa kasama mo JC? 

Of course, inunahan mo lang ako. Felize met Mari, my cousin and Joanne her friend. Joanne, Mari, si Felize. Girlfriend ko. Her friend?  So ngayon I am deduced to being Mari�s friend. Nagulat ako ng biglang humalakhak si Mari. May nakakatawa? Nasisiraan na ba si Mari?


Hi nice to meeting you. Felize said sweetly. Okay, I have to admit that she is charmer.  Ngumiti ako and shook her hands. 

Nice to met you too.

Nice meeting you  too Felize. Mari said controlling her laughter.And where did you met JC? At may plano pa atang makipagchikahan ni Mari. Hindi ba pwedeng umuwi na lang kami? Kasi baka pag tumagal pa kami di ko mapigilan ang umiyak.

We�ve meet in Timbuktu while I was doing my missionary works. She said too sweetly. Kainis naman! Bakit ang sweet niya?

Ooohhhhh�.So you�re a philanthropist? I adore philanthropist.Kung hindi mo talaga kilala si Mari you can say that she is serious and very friendly sa pakikipag-usap kay Felize. But I know better. Alam kong nakikipagplastikan siya kay Felize. Sa taas pa lang ng kilay ni Mari alam ko na.

Well, you can say that.  And Felize blushed.

Well, what a coincidence. Kasi my friend here, Joanne is also a philanthropist.  Mapagbigay rin siya, like you. Huh? Ako Philanthropist? Kelan pa? 

Really? Wow! I�m glad that we share the same interest Joanne.Napangiwi ako. What is Mari up to?

Yes you have the same interest.   In fact, sa sobrang mapagbigay ni Joanne, binigyan niya ng anak itong si JC.  She is having his baby now. See? She pointed at my now bulging tummy. LUmaki ang mga mata ni Felize. And Mari have that evil smirk.  I wonder, ikaw din ba maibibigay mo din yan kay JC? Kasi it seems to me that JC have this utmost liking  for philanthropist like you. 

Mari�. Nagkasabay pa kami ni Oca.

What? Sininghalan niya kaming dalawa.

Stop it. 

Anong stop it? You don�t want her to know that Joanne here is pregnant  and that you are the father of her child? Bakit itatago mo kay na may anak ka? Mari shouted at Oca. Grabe galit na galit si Mari. I have never seen her this mad. Parang siya ang niloko.
 
 
Isang linggo ka nang umuwi and  you didn�t even bother to inform everyone that you�re back? 

Why should I Mari? Why should I bother to inform EVERYONE of my return? Kung halos ipagtabuyan na ako bago ako umalis? Surely EVERYONE wouldn�t care whether I�m here or not.Naging seryoso bigla ang pagsasabi niya. Nagpaparinig ba siya? Pinaparinggan ba niya ako. Sinasabi ba niyang wala akong pakialam sa kanya?

Stop being bitter JC. Kasi kahit saang anggulo man tingnan ikaw ang may mali. And you have the nerve to come here bringing that.. that.. girl! In front of your Mom? In front of Joanne? How dare you!

Wag kang mag iskandalo Mari. He said in a stern voice. 

Mag iiskandalo ako kung kelan ko gustong mag iskandalo! Pamilya ko ang mga tao dito at alam nilang iskandalosa ako. Pero ikaw! Ang kapal ng mukha mo! Hindi ka na nahiya. Tinulungan kitang mapalapit kay Joanne thinking that you deserve her  pero nagkamali ako. 

So  sinusumbat mo sa akin ang mga ginawa mo?

No! Hindi ko sinusumbat sayo!  Kais pinagsisisihan ko lahat ng yun. You disgust me JC. You are disgusting.  

Mari stop it! I shouted at Mari. Masyado na niya akong pinapahiya. Promise anytime iiyak na talaga ako. 


Tara na nga! Nasusuka ako dito. Tapos hinila niya ako  palabas ng bahay ng mga Cariño. 

Pagdating sa kotse ni Mari, iyak lang ako ng iyak. 

Jo, I�m sorry kung napahiya ka man doon. I just can�t control my emotion. Kumulo talaga ang dugo ko sa ginawa niya.  Ang kapal ng mukha.  At ikaw naman para kang namatanda na hindi na makapagsalita at makagalaw dahil nakita mo si JC. Kaya lalo akong nainis eh. Ngingiti ngiti pa ang walang hiyang yun kasama ang babae niya sa harap mo. Nakakainisssssssssss!

Bakit mo ba kasi ginawa yun? Singhot! Napahiya tuloy ako at nagmukha tuloy akong kawawa.

Kahit naman di ko gawin yun mukha ka nang kawawa dun! Bakit ba kasi di mo siya sinampal? Dati naman palaban ka ah? Bakit ngayon iiyak iyak ka dyan? 

Kasi nasasaktan ako!

Hay naku! Ako ngayon ang naiipit between sa  tanga kong bestfriend at sa !@#$ kung pinsan.  Tara na nga. Pag isipan natin ang susunod nating move laban kay Juan Carlos  Cariño.







................................................

Oh, what happened? Bakit namumugto yang mata ng bunso namin? Have I mentioned before na dito na ako umuuwi sa bahay namin kasi di nila ako pinayagan na mag isa ako sa condo unit ko? 

Nothing. 

Hmp! 

Oh Mari, bakit ang asim ng mukha mo? And bakit namumugto ang mata ni Joanne? 

Eh kasi nakita niya si JC doon sa reunion?

Really? Eh di magkakabalikan na sila?

Yun nga eh, may iba nang gf si JC. Grrrr�.. 

Really? Interesting. Mas maganda ba kay Joanne? Natahimik kaming dalawa ni Mari. Sino ba ang mas maganda? SI Felize o ako? Siguro siya kasi hindi malaki ang tyan niya samanatalang ako mukha na akong butete! Wahuhuhuhuhu!

Siya! 

Hindi ah. Mas maganda ka pa din.  

Bestfriend kasi kita kaya sinasabi mo yan. 

Kunsabagay.  And she smiled. Langya!

Waaaaaaaa!!!! I hate you Mari. 

Problema nga yan. Tsk tsk. 

Kaya nga eh. We need to think of a way para magkabalikan sila.The three of them are talking as if wala ako sa tabi nila.

Yes you are right. Come, doon tayo sa conference room. Kapatid kong pogi, magpahanda ka ng meryenda kay Inday, tapos kape na rin. Mahaba-habang usapan ito.  

Teka nga! Bakit niyo pa pipilitin yun tao kung may iba nang gusto? Hindi naman ako pulubi. Kung ayaw na niya di wag niya. They continued walking totally ignoring me. Pumunta sila sa conference room. Sumunod ako.  Umupo sila sa table and after a while dumating na si Johann at ang sangkatutak na meryenda namin.

So ano ngayon ang plano?

Wala pa nga eh. Sis magsulat ka. Secretary ka ngayon. And Paolo handed me a notebook and a pen. Ano to? Business meeting?

Hayaan na nga lang natin sila. Kung ayaw na niya sa akin. DI wag! 

 Yan ba talaga ang ikaliligaya mo? O nagmamartir martiran ka lang?  Baka maya maya maglaslas ka dyan. Ayokong madumi ang bahay. Ayaw kong may nagkakalat na dugo. So akala ko concerned siya sa akin. Sa bahay pala. 

Bro, of course masasaktan yang sister dear natin. Kita mo naman ang mugto ng mata niyan. And besides ayaw kong magkaroon ng grumpy pamangkin. At umiling iling pa siya. 

So what do you want us to do? Bugbugin si Oca? Oh no!  Lumalabas na naman ang pagkabully ni Johann

Wag! Sayang ang fes. Lol. 

So ano ang gagawin natin? 

Sis isulat mo ang mga suggestion hah.

Kailangang maghiwalay si Oca at si Felize. Dapat wala silang time para sa isa�t isa. 

Brilliant! But how? At hinimas himas ni Johann ang baba niya. 

Hinimas himas din ni Paolo ang temple niya at si Mari naglalakad. Tahimik ang lahat at nagiisip. 

Eureka! Biglang ngumisi si Mari. 

Ano yun? Paolo and Johann chorused.

I have a shining, shimmering, splendid idea. 


What?

Wait and see. Listen and learn. And she took out her cellphone. Tapos  iniloudspeaker niya ito.

Hello Tita! She called Oca�s Mom?

Mari, I�m very sorry for what happened a while ago.  Okay lang ba si Joanne.

She�s fine Tita. She�s resting right now. Naistress ata but she�s fine. No need to worry. 

Bakit ka nga pala napatawag?

Tita, you can�t accompany Joanne tomorrow to shop baby clothes because you�re sick. You have a headache or something.Anong pinagsasabi ni mari.

What? Am I supposed to accompany Joanne to shop for baby clothes? I mean I would love to do that.

But Tita you can�t. You�re going to have a terrible headache. 

What? Why am I going to have a headache? Are you now a fortune teller Mari?

Tita look, Joanne is shopping for baby clothes tomorrow and you can�t accompany her. No one could accompany her. And it�s dangerous if she go alone so you need to persuade JC to accompany her. That simple Tita.

You are telling me that we are going to set up JC and Joanne to have a date? But Mari, I promised JC that I wouldn�t meddle with his personal life. He is going to be mad. 

Tita, we can�t allow JC and Felize to end up together. You�ve got to help us Tita. Puhlease��

Mari, I can�t do that to my son.

But Tita, you are doing your grandson a huge favor. And for sure he�s going to love and thank you for what you�ve done to help mend his parents love story. Blackmail?

Grandson you say?I can almost see the eyes of Oca's mom na nagsashine.

Yes. Grandson. Your only grandson. The Cariño legacy. Ang kaisa isang tagapagmana at tagapagpalaganap ng apelyidong Cariño. Mari winked she almost giggled. Ano na namang pakulo to? Nananalaytay ba talaga sa pamilya nina Oca ang pagiging manipulative?

But Oca�s gonna be mad.

I know Tita. I know that. But what would you rather bear? The wrath of your son that eventually will subside because he can�t bear being mad at you or not seeing and not knowing your grandson? And that JC�s first son not bearing Cariño�s name. Can you bear that Tita? She is so like Oca. 

Joanne wouldn�t name the child after us? Now Oca's Mom is threatened. Anong bang pinaggagawa ni Mari?

What else do you expect Tita? She�s hurt and once her parents found out what JC had done they are going to bring her abroad and wouldn�t allow her and her son to see all of you. She winked at us. 

Oh my God��

Can you allow not seeing your ONLY grandson Tita?

Of course not! Okay. I�m telling JC now. But you have to persuade Joanne to come with him. I won�t allow my grandson to bear any other family name other  than Cariño. That�s unacceptable.

I know Tita. I know. I totally understand your feelings. Thanks Tita and buhbye. And she turned off the phone at nagtitili.

See that? Isn�t it brilliant. 

Brilliant Mari. I grimaced. oh my God. Parang binebenta nila ako at ang anak ko. 

Wag ka na ngang magmaktol dyan. Gusto mo bang lumigaya o ano?

Siempre gusto. Pero�

Wala nang pero pero. Basta tomorrow gawin mo ang lahat para ikaw lang ang intindihan ni JC. Apir tayong apat! Ang galing galing ko talaga! At nag apir sa kanya sina Johann at Paolo. 

Paano pala kung hindi lalaki ang anak ko?

Kung babae, eh di gumawa kayo ulit para lalaki naman!  

40


I woke up earlier than usual. Hindi ko alam kung bakit di ako makatulog ng maayos. Parang nenenerbiyos ako na ewan. Para akong teenager na makikipagdate for the first time sa crush ko. I�ve never felt this way kahit nung kami pa ni OCa. Hindi naman ako nenenerbiyos nung sinusundo niya ako pag nagdedate kami pero bakit ngayon, bakit hindi ako mapakali? Our date, este shopping is scheduled at 10Am pero 7AM pa lang gising na ako. I went down sa dining para na rin makapagbreakfast. There is no use if bumalik pa ako ng higa, di rin naman na ako makakatulog.

While having my breakfast, I saw Johann enter the dining room.

Ang aga mo atang nagising Jo? Excited? And he grinned.  I looked at him and rolled my eyes. Bihis na bihis kasi siya. Or mukhang kararating lang niya. 

Ikaw nga mukhang ang aga mong dumating ah. Saan ka galing at inumaga ka? Napatigil si Johann sa ginagawa niyang pagtitimpla ng coffee. 

Sa kaibigan ko. Dun ako natulog.

Kaibigan or Ka-ibigan? I should have stopped my mouth from saying those words. The moment na lumabas yun sa bibig ko biglang nag iba ang timpla ng mukha ni Johann. Nawala ang ngisi sa bibig niya and his eyes turned gloomy.  Bigla akong nalungkot. Dahil siguro sa kapatid niya ako  kaya nararamdaman ko din ang lungkot niya or naging uber sensitive lang ako kasi nga buntis ako.

Sis,  you will be the first person na makakalam kung magmamahal na ako ulit? That is, kung hindi ka mauunahan ni Paolo. Sa ngayon asikasuhin mo muna yang sarili mo at alagaan mo ang pamangkin ko. Then ginulo niya ang buhok ko. Pakisabi na lang kay Inday na dalhan ako ng kape sa kwarto ko. Maliligo lang ako. And iniwan niya ako sa dining room. Hays, kailan kaya liligaya si Johann?


Dahil sa uber bagal ko nang kumilos ngayon, nakatapos na akong magbihis ng 9:30 and pagbaba ko ng living room nakita ko si Oca na nakaupo sa sofa  while talking with Paolo. Biglang lumakas na naman ang heartbeat ko. 

O, andityo na pala siya. Sis ang bagal mong kumilos. Instead of scowling at Paolo ngumiti ako. Pagdating ko sa harapan nila tumayo na din si Oca. 

Pao mauna na kami. 

Okay. Sure. Take your time. 

Let�s go. Tapos tumalikod na siya at  nauna na siyang naglakad. He didn�t even smiled at me. Ni hindi niya ako inalalayan. Nasasaktan ako.  Ngayon pa lang nafefeel ko na na hindi magiging enjoyable ang lakad na to, that this will be a total disaster. Nanlulumo ako.

At mas lalo akong nanlumo nung dumating kami sa kotse niya. He is not using the Porsche. He is again using the black Fortuner . Tapos binuksan niya ang pinto sa may likuran. 

JC ako na lang dyan. She is pregnant. Dapat dito siya sa harap.Nagulat ako nung nagsalita bigla si Felize na nakaupo sa frontseat.

No, it�s okay, Fille. She�ll be fine here. Di ba Joanne? Na shock ako sa ginawa niya. Pauupuin niya ako sa backseat? AT my state? 

O-of course! Dapat lang na makuntento ako di ba? Pinilit lang naman siyang samahan ako di ba? Kung hindi pa binlackmail ni Mari ang Mom niya di pa siya ngayon ang kasama ko. Eh di may bonding moment pa sila ngayon ni Felize. Pero kahit naman kasama niya ako andyan naman si Felize. Kasama pa din namin. Baka nga ako pa ang magmukhang chaperon.

No JC.  Sa backseat ako uupo.  And she tried to open the passenger door pero pinigilan ito ni Oca.

Fille I insist.

Well, I insist too. I insist. Kahit kalian di ko nasabi yan kay Oca. Kahit kalian di ko naipilit ang gusto ko sa kanya. 


No, Felize it�s okay kung sa backseat ako. Wala namang mangyayari sa akin kung sa backseat ako di ba? Pwede lang naman akong makunan. Lalo na kung lubak ang daan. 

No, Joanne.  JC, sa backseat ako uupo. Whether you like it or not. If you will insist that Joanne will sit in the backseat, then fine with me. Sa backseat kaming dalawa, kaya nga lang magmumukha kang driver namin. And she smiled. Nung ngumiti siya, parang nagliwanang ang buong paligid. Pati ang mga mata ni Oca nagliwanag.  Grabe ang sakit pala ng ganito. Yung parang pulubi ka dahil lang  sa upuan ng kotse. 

Then fine. Joanne sa harap ka. Tapos umikot na siya papuntang driver�s seat. Bumaba na si Felize at ngumiti ulit sa akin. She opened the door for me. Mabuti pa siya naalalang alalayan ako. Masakit pala ang mamalimos ng attention ng taong mahal mo.

Buong byahe tahimik ang paligid. Felize tried to lighten up the mood but to no avail. She asked me questions about my pregnancy and I answered in monosyllables. Siguro naubusan na rin ng itatanong kaya tumahimik na siya. Tapos silang dalawa na lang ni Oca ang nag uusap. From time to time tinatanong niya ako at monosyllables pa din ang sagot ko. 
Ayaw ko kasing makipagplastikan sa kanya. Although, nafefeel ko naman na hindi siya nakikipagplastikan sa akin, pero hindi ko lang talaga kayang makipagclose sa kanya. Sino ba ang may gustong makipagkaibigan sa girlfriend ng ex boyfriend mo na mahal mo pa hanggang ngayon? Ayokong lokohin ang sarili ko. Ayoko na din makipagkumpetensiya sa kanya sa buhay ni Oca. May laban ba ako sa isang babaing seksi, mabait, maganda, maputi, matalino, mapagbigay, malaanghel ang mukha at masarap sabunutan? Tingnan niyo naman ang itsura ko, mukha na akong balyena. Ano ang laban ko kay Felize? Kahit nga lang ang upuan sa kotseng ito hiniram ko lang. Hindi naman kasi dapat ito ang upuan ko. Dapat naman kasi talaga nasa backseat ako. Backseat nga di ba?  

Pagdating namin sa mall, parang wala pa din akong kasama. Kasi kay Felize siya sumasabay. Sumusunod sila sa akin. Eh ako di ko naman talaga talaga alam kung saan papunta at kung ano ang bibilhin. Malay ko ba e si Mari naman ang may plano ng lahat. Napansin ko na lang na nasa tabi ko na si Felize at sinasabayan ako.  Hanggang sa makarating kami sa baby section. Mukhang mas excited pa si Felize sa  pamimili ng mga gamit ng baby kaysa sa ama ng anak ko. From time to time Felize is asking my opinion kung maganda ba o hindi, Oo lang ako ng oo. Ang awkward kasi talaga eh. At napansin niyo na rin siguro simula nung nanggaling kami sa bahay hindi na ako kinausap ni Oca.  Ayaw ko naman kunin ang attention niya. Hindi naman ako pulubi. Pero ang sakit talaga ng ginagawa niya sa akin ngayon. Ano ba ang gusto niyang ipamukha sa akin?

After naming mamili ng gamit pumunta na kami ng cashier. Ibibigay ko na sana ang credit card ko nung naunahan niya ako. 

Ako ang magbabayad.

I insist. Ako ang magbabayad. Miss ito na. Tapos binigay niya ang credit card niya. Kukunin na sana ng cashier ang card.

Miss, sa akin ang lahat ng yan kaya ako ang magbabayad. Tapos binigay ko ulit ang card ko. Palipat lipat ng tingin sa amin ang cashier pati ang ibang customer pati na rin si Felize. 

Hinarap ako ni Oca. Ako ang ama ng bata kaya ako ang magbabayad. Hindi ko siya pinansin. Instead kinuha ko ang isang card ko and showed it to the  cashier. Nanlaki ang mata ng cashier. 

I charge mo sa company account ang lahat ng yan.  Pakideliver na din sa bahay.  Wala ka nang ibang gawin kundi ang mga sinabi ko kundi mawawalan ka ng trabaho.  At naglakad na ako palabas ng mall. AYokong gumamit ng impluwensiya pero pinipilit ako ni Oca. 

You own the mall? Felize tugged me habang papunta sa resto na kakaininan namin. Ngumiti lang ako.  Naiistress na kasi ako. Nakakainis na ang mga pangyayari. Ano ang gusto niyang palabasin? 

I don't own the mall. My parents own it. 

Pagkaupo namin, Felize excused herself na papuntang comfort room. Naiwan kami ni Oca sa table. Ni hindi kami nagtitinginan at nag usap. Tapos dumating ang waiter. Oca ordered for him and for Felize but not for me. Paano ko nalaman? Kasi yung inorder niyang food alam niyang di ako kumakain noon. Ang !@#$ lang di ba?

Is that all sir? 

Yes that would be all. Nagulat ako. Ni hindi pa kasi ako nakapag order. So feeling niya silang dalawa lang ni Felize and magkasama ngayon at silang dalawa lang ang kakain? Kung ganun pala ka sagabal ang presence ko sa kanilang dalawa,  bakit hindi pa niya ako sinabihang lumipat na lang ng table? Or iwan na lang silang dalawa? Dapat ba talagang ipamukha sa akin yun?

Siguro napuno na din ako. Kasi bigla na lang tumulo ang luha ko. Ang traidor kong mga luha. I tried to brush it away, pero may tumulo ulit. !@#$! Bakit kasi ngayon pa to tumulo?

Why are you crying. Sinabi niya yun nang hindi nagtatanong. Parang nang aakusa at parang wala akong karapatang umiyak sa harap niya. Ang !@#$ talaga! Hindi ba niya alam na nasasaktan na ako?
 
I�m not crying. Napuwing ako. My voice broke. Bakit ako aamin? Kahit halata na pwede namang magkunyari di ba? To save some pride? Diniinan ko ng tissue ang mata ko to stop some pending tears. Ayoko na talaga. Ang sakit sakit na kasi.

Jo,  Joanne!! Napatingin ako sa nagsalita. Ang familiar kasi ng boses. 

Dave?? Yes, it is Dave. Naalala niyo siya? Yung boyfriend ko nung college? Yung binugbog ni Johann?

Ikaw nga! Tapos tiningnan niya ako from head to foot at tumigil ang mga mata niya sa tummy ko. Gusto kong itago ang tyan ko pero too late. 

How are you? Oh di ba parang wala lang nangyari? Parang di niya ako niloko at parang di siya binugbog ng kapatid ko. 

I�m fine! I�m glad nakita kita. You are pregnant. He is the father? Tapos tumingin siya kay Oca. Nagkatinginan sila. Tumayo ako. I closed my eyes and counted to ten.

No. Napansin kong napatingin si Oca sa akin. 

Then who? 

He..he died. Months ago. Car accident. Nasagasaan sa parking. Nabagok ang ulo sa pavement. Fatal. 

I�m sorry to hear that. Tumikhim si Oca. Napatingin kami ni Dave sa kanya.

Dave, met JC, Mari�s long distant cousin. JC, this is Dave, long lost special friend. Nagkatinginan kami ni Oca. Kung nakakamatay ang tingin kanina pa ako nakabulagta dito. Nag aapoy ang tingin niya sa akin. I don�t care. Masyado akong nasakatan para maramdaman ang galit ng mga titig niya. 

Nice to met you pare. Hindi niya pinansin ang kamay ni Dave. 

Dave pwede mo ba akong maihatid sa bahay? Napagod kasi ako kakagala sa mall na to. 

Chapter 41

Di ako napigilan ni OCa nung sumama ako kay Dave. As if naman may pakialam pa siya. At ngayon nga, nandito kami ngayon sa kotse ni Dave.

Si Johann ba ang may kagagawan niyan?

Ito ba? He pointed his broken nose. Tabingi na kasi. Hindi naman yun tabingi dati. Hehe. He laughed. OO. Alam mo na pala. Ang !@#$ ko rin kasi noon eh. Sorry if nagawa ko yun sayo Jo. Hindi ko nga rin alam kung ano ang pumasok sa isip ko at nagawa ko yun eh.

Matagal na yun. Let�s forget it. And pasensiya na rin if nasira ni Johann ang mukha mo.

I deserved  every bit of it. Hindi ko alam kung anong pambubugbog ang ginawa ni Johann kay Dave para umalis si Dave ng Pilipinas at hindi na magpakita sa akin. Para matakot ng ganun si Dave.

So bakit ka bumalik ng Philippines?  At kelan ka pa nakabalik?Masyado ba kong curious? Siguro ganun naman talaga di ba? Lahat naman siguro ng dating mag bf gusto malaman kung ano ang kinahinatnan ng mga taong naging parte ng buhay natin dati.

For you. Nagulat ako sa sinabi niya. But it seems that I�m too late. Tapos pinaandar na niya ang sasakyan.

What do you mean you came back for me?  Alam ko naman kung ano ang ibig niyang sabihin I just wanna make sure na tama ang narinig ko.

I�ve realized my mistakes now. Alam ko na ngayon kung ano ang pinakawalan ko. I came back hoping na may babalikan pa ako �

Dave�

I know, Jo. Hinanda ko na rin ang sarili ko sa posibilidad na wala na akong babalikan. I am willing to accept the na huli na ako. But seeing you like that. Seeing you being hurt like that, muntik ko nang mabugbig ang kasama mo kanina. And I wanted to fight for you. You don't deserve him.

Dave hindi siya�

Wag mo nang ideny. I know that he is the father of your child. And I don�t know why he is hurting you . Hindi na ako dapat nakialam, pero hindi ko mapapayagan na saktan ka niya ng ganun. Na touch ako sa mga sinasabi ni Dave. After all these years he still cared for me. Jo, kung hindi niya kayang panagutan ang ginawa niya sayo, ako ang mananagot. Kung hindi niya kayang harapin ang reponsibilidad niya, ako ang aako ng responsibilidad niya.

Dave� what are you saying?

I will marry you. Hindi ko hahayaang magkaanak ka na walang kikilalaning ama ang anak mo. I don�t want you subjected to society�s ridicule.

Dave, you don�t have to do that.

But I want to Jo. Let me. Hindi mo kailangang mahalin ulit ako. Just let me love you again. Naiiyak na ako sa mga pinagsasabi ni Dave. If only Oca could be that noble.  Pag isipan mo Jo. Hindi kita pipiliting magdecide ngayon.

We drove silently pauwi sa bahay namin. Nabigla ako sa sinabi ni Dave. It is so sudden that I don�t know how to react. Pagdating namin sa bahay niyaya kong pumasok si Dave and to my surprise nakita ko sila Paolo, Johann and Oca na nag uusap sa living room. Biglang tumayo silang tatlo upon seeing Dave.

So it�s true. Bumalik ka nga. Bakit ka pa bumalik dito? Guguluhin mo na naman ba ang buhay ni Joanne? Johann said angrily at Dave.

Hindi. On the contrary, gusto kong ayusin ang buhay niya. I wanted to marry her. And since patay na rin lang ang ama ng baby niya, ako ang aako sa responsibilidad na iniwan nito.


Patay?  Paolo and Johann chorused and tumingin sila kay Oca at sa akin. I saw Oca clinched his knuckles and looked at us angrily.

Aalis na ako Pao, Johann. And he walked past us without glancing at our direction. 

--------------

The next morning hindi pa rin ako mapakali sa proposition ni Dave. Gusto kong isipin na panaginip lang ang lahat.

Ma�am Joanne,  naghihintay na po si Sir sa living room.Kinuha ko ang pouch ko at lumabas ng room. Check Up ko kasi ngayon sa OB and usually si Paolo or si Johann ang sumasama sa akin sa OB. Ayaw nilang nagdadrive ako mag isa.   Pagkababa ko ng hagdan nagulat ako upon seeing OCa na nakaupo sa living room. Nagkatinginan kami.

What are you doing here? I asked him sharply after kong  makarecover sa shock.

I�ll accompany you to the OB. Tumayo siya at lumapit sa akin.

Hindi na kailangan. Andyan naman sila Johann and Paolo. Sila naman ang kasama ko pag nagpupunta ako doon. Hindi naman kita kailangan doon. Muntik ko nang masabi. Ang kapal naman kasi ng mukha niyang pumunta pa dito ngayon pagkatapos ng ginawa niya sa akin kahapon.

No, they can�t accompany you. And I insist na samahan ka sa pagpunta sa OB mo.

Hindi na kailangan. I can go alone or Mari could accompany me.

Didn�t you hear me? Ang sabi ko I insist na samahan ka. Whether you like it or not sasamahan kita! Tumaas na ang boses niya.  Kumulo ang dugo ko. Ano pa ang karapatan niyang sigaw sigawan ako ngayon? I count to ten to calm myself. Ayaw kong makipagtalo sa kanya. Ayokong masira ang araw ko.

I took a deep breath. In that case, you can go to the OB�..alone.At tinalikuran ko siya at pumanhik ulit sa kwarto ko.  Tinawag pa niya ako pero di ko siya nilingon. Pagkapasok ko sa kwarto ko, I locked it. After a while narining kong kumatok siya.

Joanne! ANo ba! Wag ka ngang mag inarte. Buksan mo to. I ignored him. Ako pa ngayon ang nag iinarte?

Pag hindi mo to binuksan gigibain ko to!

Umalis ka na! I don�t want to see you. Umalis ka na!

Mag usap tayo. Pag usapan natin ang lahat. I don�t want you stripping me off of my right sa bata Joanne! Anak ko yan. Yeah. Yun lang ang dahilan kung bakit pa siya nakikipagkita sa akin. Para sa bata. Wala na siyang pakialam sa akin sa bata na lang. At ang sakit sakit na ipamukha sayo na andito lang siya dahil sa anak niya sayo.

I don�t want to talk to you! Umalis ka na! Ayoko siyang harapin. Masasaktan lang ako sa mga maririnig ko mula sa kanya. Masasaktan lang ako pag makikita ko siya. Pag nakakasama ko siya.

Give me the key! Give me the fvcking key! I heard him order our helpers. How dare he orders our helpers. Then I heard the lock click. Nabuksan niya ang pinto ng kwarto ko.

What do you think you�re doing? Hindi ka na magpapacheck up dahil ako ang kasama mo? You will risk the health of my baby because of your goddamn pride?

Slap! Yes I slapped him.

How dare you say that in front of me sa pamamahay ko? How dare you order my helpers! How dare you come here and insist na kasama ko sa pagchecheck up ko? How dare you claim my child as yours and how dare you show your face to me after yesterday. Wala ka na ba talagang hiya na natitira sa katawan mo?  Ang kapal kapal ng mukha mo Oca. Wala kang karapatan na guluhin ang mundo ko Juan carlos!

Karapatan ba ang pinag uusapan natin Joanne? Di ba may karapatan ako sa batang yan kasi ako ang ama? And you are stripping me off of my right to my child. That I cannot allow. Kahit na anong mangyayari, ako ang kikilalaning ama ng batang yan. At wala kang karapatang ipagkait sa akin ang bata.

That is for me to decided Juan Carlos.

Anong ibig mong sabihin? 

I am marrying Dave.

What!?

Yes. I am marrying Dave. Siya ang kikilalaning ama ng anak ko.

You can�t do that.

Why can�t I?

Because I am the father of that child.


Yes you are the biological father. But Dave offered me his name. Can you do the same? I know that his answer could make or break me, but if I wouldn�t ask that question, hanggang kelan ako aasa?

Silence. Hindi siya nagsalita. Nakatulala lang siya sa akin. I�ve waited for 1, 2 3 to 5 minutes pero walang salitang nagmula kay Oca.

See? You cannot do what he can do. You can�t even answer a simple question. Now,  get out of my house.
42


Jo, tama na! nakakasama sayo ang pag iyak. Naman oh.  Nakakasama yan sa baby. 5 oras ka nang iyak ng iyak. Ni hindi ka pa kumakain. Alalahanin mo naman ang baby mo. Mari caress my back at tried her best na patigilin ako sa kaiiyak.

Ayaw na niya talaga sa akin Mari. Sa ginawa ko parang nagmakaawa na ako para pakasalan niya but he didn�t say a word. Umalis lang siya. And it hurt so much. Ang sakit sakit pala.

Ano ang nangyayari dito? Bakit ka iyak ng iyak Joanne?

Hays. Mari took a deep breath. Nabasted kasi siya.

Anong nabasted? At nino?

Sino pa eh di ang dakila kong pinsan. Sinabi kasi ni Joanne na pakakasal sila ni Dave at si Dave na ang magiging ama ng anak nila. Ayaw pumayag ni JC kaya ask ni Joanne kung maibibigay ba ni JC ang pangalan niya  katulad ng gagawin ni Dave. Eh hindi sumagot si JC. Yan tuloy!!!! Hays.. Hays talaga!

Sis, wag mo na kasing ipilit ang sarili mo kay JC. May gf na yung tao. Baka mahal niya talaga ang gf niya kaya ganun.Inakbayan ako ni Johann para kumalma ako.

Ano na lang ngayon ang gagawin ko?

Ito ang blade. Maglaslas ka!

Pak!

 Binatukan ni Johann si Paolo.

Pag yan tinotoo ni Joanne Paolo, babalatan kita ng buhay.

Ouch. Ngayon alam ko na na mas mahal mo si Joanne kesa sa akin na ka-share mo sa iisang placenta.

Ewwww. Gross!

Ipagawa mo na nga lang kami ng sandwich.

Ayoko nga! Tapos biglang nagseryoso ang mukha ni Paolo. At lumapit sa aming tatlo. Tapos tumikhim ng tatlong beses.  Jo, biglang kapatid mo, nalulungkot din ako sa mga pangyayari pero wala na tayong magagawa kung ayaw na ni JC. Tanggapin mo na lang. Kung ayaw niya, wag niya. AT tandaan mo, kung ayaw, maraming dahilan, kung gusto maraming paraan.

Tama. At hindi nakasalalay sa kanya ang buhay ninyong mag ina.

Tama. At andito kaming mga kapatid mo at tito ng anak mo para alagaan.

Isama mo naman ako.

Pati pala si Mari na bestfriend mo.

Kaya wag kang malungkot. Dahil tutulungan ka namin. At gagawin naming ang lahat lumigaya ka lang.

Amen.

Oh ayan group hug na! Tapos nagyakapan kaming apat. Naiiyak ako na natatawa. I am so blessed na andito silang tatlo katabi ko. Kung wala sila dito baka nga naglaslas na lang ako.


,...............................................

A week after�

Felize�s  POV.

Hi! Everyone. I�m Angela Felize Bustamante, current gf ni JC. Alam ko naman na most of the readers of this story  probably hate me dahil nga parang nakikiepal ako sa relasyon ng dalawang ito. Pero wala akong magagawa napag atasan lang ako ng author na mag POV. Ayaw niya kasi ng POV ni JC. Anyway, bago ako magsimula sa aking POV ipopromote ko muna ang istorya ko nahindi pa nasisimulan ng author. Ang title po nun ay Tears of Angel. Basahin niyo huh! Thanks.   

So, saan na ba ako? Andito ako ngayon sa opisina nila JC. Office ni JC na naging office dati ni Joanne.  Nagyaya kasi itong si JC na mag out of town daw kami. At dahil isa akong dakilang gf siempre pumayag ako.  At napansin ko rin that these few days, he is not his normal self. Actually, eversince we came back, hindi na siya si JC na nakilala ko sa Timbuktu.  At hindi naman ako manhid para hindi malaman ang dahilan kung bakit siya nagkakaganyan. Papahulaan ko pa ba? Alam niyo na siguro kung ano or rather sino ang nanggugulo sa isip ni JC. Ang sarap nga sabunutan di ba? Dapat tinanggap na niya na wala na si JC sa buhay niya. Joke lang! Kayo naman! Don�t worry mabait ako. Basahin niyo ang istorya ko para malaman niyo kung gaano ako kabait. Ayan na naman. Nadadivert na naman ang istorya. So ito na nga dito na kami nagkita ni JC sa office niya at ngayon nga pasakay na kami ng elevator pababa ng building. Pupunta daw kaming Baguio para makapagrelax siya. Siguro nappressure. Give the guy a break. He deserves it.  Habang nasa elevator, napansin kong spaced out si JC. Spaced out na naman si JC. Masyadong malalim ang iniisip. Kung selosa siguro akong gf baka nag away na kami kasi kasama niya ako but his mind is drifting somewhere. Nakakainsulto yun para sa isang gf di ba? Paro nga dahil sa mabait ako.. ay never mind.

Pagdating namin sa isang floor, may sumakay na dalawang employee. Yung isang employee yun ang secretary ni JC. Jane ata ang name. Mga magaganda sila. Tapos naggreet sila sa amin ni Oca. Siempre nginitian ko sila. Mabait ako eh. Pero hindi sila pinansin ni JC. Spaced out nga di ba? Kaya din siguro ayaw ng author ng POV niya kasi space out siya. Baka ang laman ng POV niya puro space. Hahahaa. Tumawa naman kayo! Joke yun eh!   

Jane, aattend ka sa kasal? I heard the other lady talking to her friend. Ang babaeng nagsalita ay mestiza, matangkad, maputi at auburn brown ang hair. Pwede ngang pangmodel eh.

Oo naman! Kaibigan natin yung ikakasal tapos di tayo aattend? Baka kalbuhin tayo nun. Sagot namn nung Jane na tall, morena and gorgeous.

Oo nga. Di bali tatawagan ko na lang si Joanne na aattend tayo sa kasal. Tsaka sabi niya ready naman na daw ang mga damit natin kasi summer naman ang motif.

Iba talaga pag mayaman ang pakakasalan mo ano?

Sinabi mo pa! Ano nga oras ang kasal bukas?

4PM daw magsisimula para tamang tama sa sunset. Hay ang romantic talaga! Tagaytay sunset ang drama nila!

Oo nga di ba ang sweet?

Nakita kong nakakunot na ang noo ni JC paglabas namin sa elevator.  At pagsakay namin sa kotse, binagsak pa niya ang pinto. Hmmm.

Are you okay?

Yes, I am fine. I�m sorry. Tapos pinaandar na niya ang kotse. I noticed na mabilis ang pagpapatakbo niya ng kotse. 

JC, I thought we are going to Baguio. Bakit nasa SLEX tayo?Sabi ko na sa inyo spaced out siya eh.

I changed my mind. Sa Tagaytay na lang tayo pupunta. Tapos bumuntong hininga siya.

Are you really okay? Hindi siya nagsasalita. But I can see na nanggagalaiti siya. Ang higpit ng hawak niya sa steering wheel. Parang takot siya na mawalan ng control. Natatakot din ako na baka kung ano ang mangyari sa amin sa daan. AT his state,  I don�t think he is capable of driving safely.

Dahil ba sa narinig mo kanina? Is Joanne really getting married? With that, biglang napaswerve ang sasakyan namin. Tumili ako. Akala ko kasi katapusan ko na. Ayaw ko pang mamatay. Pero pasalamat na lang ako at walang masyadong sasakyan. Hindi kami nabangga pero tumigil siya sa gilid ng daan. Pagkatapos nun hinampas niya ang manibela. Tumahimik lang ako. Ngayon ko lang nakita si JC na ganyan. Parang naiiyak na ewan. Tapos inihilamos niya ang palad niya sa mukha niya. Hindi ko mabasa ang  pagmumukha niya.

I�m sorry Fille. Tapos pinaandar niya ulit ang kotse pero this time mabagal na ang takbo namin. Baka takot din siyang mamatay.

Do you want  to talk about it? No answer. He just sighed.

I really messed up this time Fille. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Naguguluhan na ako. I�m sorry to have confided in you but�

Bakit mo ba kasi tinitikis ang sarili mo? I know you still love her. Bakit mo sinasaktan ang mga damdamin niyo? And  besides magkakaanak na kayo. Kelan kaya siya matatauhan. Nahihirapan lang sila ni Joanne dahil sa ginagawa niya.

Fille, I can�t do that. Hindi ka ba nasasaktan sa mga sinasabi mo? You are my girlfriend yet, gusto mong magkabalikan kami ni Joanne? Do you really love me? I sighed.

I do JC. Alam kong alam mo na mahal kita and I know too that you love me. You care for me but I can feel that you love her more than you love me. And I am not that selfish na ipagkait sa inyo ang kaligayahan niyo JC. Ang pagkabuo ng pamilya niyo. Sheet! ang bait ko talaga!

Fille�What the!!!! Biglang nagbrake si JC at napamura. Muntik na din ako masubsob sa dashboard. Salamat sa seatbelt. Paano kasi may isang sasakyan na bigla na lang tumigil sa harapan namin. Hindi pa kami nakakarecover sa shock nung bumaba ang apat na lalaking sakay ng sasakyan. They are all wearing black pero na focus ang tingin ko   sa mga dala nilang baril. Kinabahan ako bigla. Ito na ba ang katapusan ko? Lord, wag naman po sana. Hindi pa ako nag aasawa at ni wala pa akong anak.

Maya maya tinutukan nung isang guy si JC at pinabubuksan ang pinto.

Just calm down okay? Tapos dahan dahan niyang binuksan ang pinto ng kotse. Nanginginig ako sa takot.  Sino ba naman ang hindi?

JC�.

Everything will be alright Fille.

Bumaba ka na dyan Cariño. BUmaba si JC sa kotse at pinalakad siya papunta sa kotse na nangharang sa amin.

Paano itong babae? Pagkasabi nung isang lalaki , tumalikod yung isa at pumunta sa starex van kung saan pinasakay si JC. Maya maya may bumaba na isang lalaking nakasumbrero at nakashades at sumampa sa driver�s seat. PInaandar niya ang sasakyan ni JC.

Saan mo po ako dadalhin? Maawa ka sa akin. Tapos inalis nung lalaki ang sombrero at shades niya. 

Wala kaming gagawing masama sayo. Kay relax ka lang Miss�.at tumingin siya sa akin. Hindi ko lang alam kung sino ang mas nagulat sa amin. Pero sabay na nanlaki ang aming mga mata.

Angela!!!?

Johann!!!?
43

OCA�s POV

PInasakay ako sa isang van after kaming harangin ni Fille. Inside I saw Paolo and Johann at ang iba pa nilang kasama na mga goons. Goons nga ba? Sindikato ba ang mga kapatid ni Joanne? Mafia? Yakuza? 

Hi JC. Ngumiti at nagwave pa sa akin si Paolo. Sa pogi ng dalawang to di mo aakalain na mga sindikato sila. 

Anong ang ibig sabihin nito Johann? Sana naman wag niyang sabihin na murder. Ayaw ko pang mamatay. Di ko pa nasisilayan ang anak ko. 

Kidnapping. Johann said seriously.

Kidnapping?

Kidnapping. According to Mr. Webster, is to seize and detain or carry away by unlawful force or fraud and often with a demand for ransom.   . And Paolo laughed.

Bakit niyo ginawa to? Anong gagawin niyo sa akin? Anong gagawin niyo kay Felize?Ano ang kasalanan ko sa inyo?

Calm down JC. Naninigurado lang kami.

Anong naninigurado?

Alam mo naman na siguro na bukas ikakasal na si Joanne at si Dave. Nagulat pa din ako sa sinabi ni Johann. It�s different hearing it from the office at iba kung mula mismo sa mga kapatid ni Joanne.  Ayaw namin na makakasagabal ka sa kasalang magaganap. 

Paanong sagabal? 

Baka kasi bigla ka na lang sumulpot sa kasal at ipatigil to. Ayaw naming mangyari yun. Don�t worry pagkaalis na pagkaalis nila ni Joanne at Dave for their honeymoon, we will set you free.

Tama! Kay easy ka lang pareng JC. Wala kaming gagawin masama sayo. Idedetain ka lang namin for 2 days tapos you are free. Iniisip lang namin kaligayahan ng kapatid namin.

Are you sure that she will be happy with Dave? 

Of course.  

Sir, paano po yung kasama niyang babae? Bumukas ang van at sumilip ang isa sa mga kasamahan nila Johann at Paolo. Nung sinabi niya yun tsaka ko lang naalala si Felize. Masyado akong nagulat sa kaalamang magpapakasal na si Joanne sa ibang lalaki na hindi ko naalala si Felize.

Ano ang gagawin mo sa kanya? 

Siyempre pauuwiin din namin after 2 days. Pahiram muna ng koptse mo JC. And Johann went out of the van at pumunta sa kotse ko. Tangna! I never thought that they are capable of doing this. Pati yung ibang tao nadadamay. 

Pare, pasensiya na umabot pa sa ganito. We just wanted our sister to be happy. Tumahimik lang ako. Obvious naman ang sinasabi ni Paolo. I cannot make Joanne happy. Ibang lalaki ang makakapagbigay sa kanya ng kaligayahan. Matagal ko nang alam yan. Eversince that fateful day na umalis ako sa farm ni Joanne, narealize ko na na hindi ako ang makakapagpaligaya sa kanya. Hindi ko pwedeng ipilit ang sarili ko sa kanya. Pride na kung pride but a man just can�t handle too many rejections. Ilang beses na ba akong nagpropose but she declined. And then bumalik ang ex-bf niya and after a week they are getting married.   Hindi pa ba yun sapat na rason para masabi ko na that Joanne didn�t really want me? I have been stubborn for the past 8 years. Pinipilit kong siya ang gusto ko at ginawa ko na ang lahat just to have her. I have been a stalker, a player, a maniac, a user, a liar, an actor at kung ano ano pa just to get her attention. Just to have her notice me. Maybe, this is the time for me to really accept the fact that she�s not really meant for me.  I don�t want to go to the point that I will be begging her to love me. Baka hindi ko na mapatawad ang sarili ko pag ginawa ko yun. Tangnang kupido kasi yan, bakit ba kasi nung pinana niya ako diniin pa niya ang sibat para lalong bumaon? 

Woah! My thoughts was interrupted dahil biglang napahalakhak si Paolo habang binabasa ang text message.Tingnan mo nga naman oh! Pagkakataon nga naman. Tsk tsk! JC wag kang mag-alala si Angela.. este si Felize, si Johann na ang bahala sa kanya. Hoy ano pa tinutunganga mo dyan? Nakakasagabal tayo sa daan. 

Opo sir. Isa pa ang pinagtataka ko, bakit may mga tauhan sila Paolo at Johann? May private army sila? Sindikato sila? 

I heard Paolo chuckled. AT nagulat ako sa sinabi niya. Hindi kami sindikato at wala kaming private army.  Talaga naman. To the highest level ang imagination mo JC. AT tumawa ulit siya. Nababasa niya ang nasa isip ko?

Hindi ko nababasa! Malakas ka lang talaga bumulong. At nagkatawanan silang lahat. Amputs! Bumubulong ako?

After mga isang oras na byahe nakarating kami sa isang bahay na mukhang resthouse. Alam kong nasa tagaytay pa rin kami. Kasi naman hindi man lang ako piniringan at kitang kita ko ang daan. Pagdating namin doon, tinuro sa akin ni Paolo ang room ko at sinabihan ang mga kasamahan niyang bantayan ako. Mga 8 tao ang nakabantay sa akin. Hindi man lang ako tinali o ano. Basta ang alam ko lahat ng kasama nila may mga baril. At ang choice ko kung gusto kong tumakas is either tatalon sa bangin or dadaan sa harapan ng bahay.

 

Fast forward�.


The next day. Tanghali or hapon?. Hindi ko alam kung anong oras na. Hindi ko na ikkwento ang mga nangyari pagdating namin dito. Kasi ang alam ko pagdating namin dito pinainom ako ng kape ng katiwala dito sa bahay  at ngayon lang ako nagising. I was drugged. Tangna. Kaya pala hindi man lang ako tinali o ano. May plano pala akong patulugin. Takte talaga. Kung hindi pa ako nagutom hindi pa siguro ako magigising,

Tulog pa rin? I heard the voice of Paolo from outside the room.

Oo. Ilan bang sleeping pills pinalagay mo at ganun makatulog? Akala nga namin patay na eh.

Sakto lang. Bro, ano ba! Tama na yan! Takte naman! Malelate na tayo! Mamaya mo na problemahin yang puso mo! May kasal tayong pupuntahan. Biglang sumikip ang dibdib ko pagkarinig ko ng kasal. So ngayon na ang kasal? Ngayong oras mismo?

Wag ka ngang atat dyan Pao! May isang oras pa. 10 minutes lang mula dito ang simbahan.
  
Mabuti na yung maaga! Anong gusto mo tayo pa ang hintayin ng bride at ng priest? 

Hay naku! Ang kulit! Tara na nga!

Eslibhedek! Uchichuwa! Bantayn niyo yang si JC ha! Siguraduhin niyong di yan nakakaalis hangga�t di natatapos ang kasal. Okay?

Okay po sir! 

Paggising niya pakainin niyo. Baka mamatay sa gutom eh. So the church is only 10 minutes from here. Biglang bumukas ang pinto ng kwarto at pumasok sina Johann at Paolo.

O gising ka na pala JC. Papadalhan ka na namin ng pagkain dito. Dito ka muna ha! Behave ka muna dito at kami ay may  kasal pang pupuntahan.

Talaga bang hahayaan niyong makasal si Joanne sa bakulaw na yun? Johann cleared his throat while Paolo suppressed his laugh.

We don�t have a reason to stop the wedding JC. How about you? Ikaw ba may rason para pigilin ang kasal? Johann asked me. May rason nga ba ako? 

No. Hindi ko pipigilin ang kasal. 

Okay then. AAlis na kami. Ipapahatid na lang namin dito ang pagkain mo. AT lumabas na silang dalawa sa kwarto at umalis.   Iniwan nila ako sa bahy na yun na naguguluhan. 

�..
I heard the church bell. By now, siguro nagsisimula na ang kasal. Hindi ako mapakali. Kanina pa ako paikot ikot sa room. 10 minutes from here? Pwedeng pwedeng takbuhin. Mahigit isang oras na lang Joanne will change her name. When I was in college I used to write her name alongside mine. Joanne Phoebe Z. Cariño. Bagay di ba?   Pero sa ngayon mukhang malabong mangyari kasi iba ang papakasalan niya. Joanne Phoebe Z. Madlangpeople. Ang bantot.  Pero hahayaan ko ba? Ganun ganun na lang ba yun? Kaya ko ba talaga siyang I give up ng ganun ganun na lang? Hahayaan ko bang ibang tao ang kikilalaning ama ng anak ko? Can I live with that? Makakaya ko bang makita siyang ibang lalaki ang nakayakap sa kanya?

Sh!t!

Pero paano kung ayaw niya talaga sa akin?  


Corrs: don't let go oca please  

Yellie: Wtf Oca?!   

Veejay: Hala sige Oca, magsoul searching ka. Haha. Hanapin at buoin mo ulit ang sarili mo na nawala dahil nilamon na ng pagmamahal mo kay Joanne ang buo mong pagkatao. Pero! Wag mong kalimutang bumalik.

Tapos eto naman kasing si Oca napakadaming pakulo sa buhay. Hayy sana naman sa ending magkaayos na kayo, kahit dun na lang.  

Milkagirl: bakit ganun oca? naghintay ka ng 8 years at nagawa lahat ng kalokohan sa mundo para lang makuha si joanne pero ilelet go mo na lang siya basta basta?

Raice: aagfksafhk! Kainis ka Oca! Bakit ka sumuko? Ang gusto lang naman ni Joanne ay time. Pero di naman ibig sabihin nun e it's over na. Ang slow mo naman Oca e! Pssh.

Xopaw16 (sorry sis nakalimutan ko name mo.):aww .. 
oca my labs naman .. 
time lang daw kelangan ni joanne oh .. 
wag kang mag give up

j.s.y: Oca! How could you...!?!? Huhu, bat ka na gumive up  ? Oca, di pa huli ang lahat. Bawiin mo, please!  

Janee_bravo:Miss ko na ang Oca na super love ko.
Hari nawa'y magbalik siya

Regiereg:Ha! take that Oca! Pero nga naman nasasaktan rin naman si Oca sa nangyayari ngayon at kahit noon. Sus kayong dalawa tigil tigilan niyo nga yung pride niyo.

Altamira:UGH! Oca, nakakainis. :[ Bakiiiiiit!? Wawa naman si Joanne. Bahala ka, pag ikaw..... Ikaw rin magsisi.

Naiadde:HAHA. That's what you get Oca! Sino bang nag give-up? Di ba ikaw? Tapos babalik balik ka ngayon.     Kung hindi man ipangalan sa'yo ni Joanne yung anak nya deserve mo yun. Kasalanan mo yan. Hindi naman sinabi ni Jo na hindi ka na nya mahal e, naguguluhan lang sya nun pero pinili mong umalis. 

Kung hindi mo kaya yung condition ni Jo, mabuti pa ngang si Dave nalang ang kilalaning tatay ng anak nya.  At least si Dave marunong maghintay at mahal talaga si Jo.   

Sweetmit08:Ayan. Suffer the consequences Oca.   
Simple lang naman ang dapat mong sabihin kay Joanne eh, "I love you. Will you marry me?"
Tapos na problema mo. Kaso pareho kayong mapride. Wala kayong mapupuntahan niyan.  
 

Jane, sexytary:Holy crap Oca. Just go marry Felize nang matigil na ang kalokohang to!
Joke lang. Suyuin mo kasi! Wag mong daanin sa dahas! Kakaloka ka.

Devil jazmin: oca ano ba?? your such a stupid @s$hole.. .grrrr!!! i hate you!! kung dati, i love you so much now i loathe you!! grrr.. nakakainis ka na talaga... .

Yanyan:Oca, I hate you! Ano to: "I�m letting you go Jo. I�m sorry for all the trouble I�ve caused you. God knows how much I love you. Take care of yourself. Take care of our baby. "  ( Nakaasar ka! Gusto kitang sabunutan! HETCHU!

Oca, anong friend ka dyan! Nakakaasar ka talaga! Tumataas yung BP ko dahil sayo! Na-ffrustrate ako! >.<

Iris: Baket banaman kasi kailangan pahirapan ang mga sarili natin? Alam naman natin o kayo na gusto nyo naman ang isa't isa tapos nagiinarte pa kayong may gf yung isa ikakasal yung isa? Aba mga pitung put pitong pitung tupa naman oh. Naglolokohan lang ba tayo dito?

Princesszaii: Oca tama si Felize! love mo pa sa Joanne kaya ka ganyan. pinapahirapan pa kasi sarili e. HAHA,   

Lyssapearl:Oca naman eh! Sana naman cnagut mu cya nde yung sinasakatan mu! mahal mo naman c Joanne, mahal ka din nya! ampf ka naman eh! para kang ewan  
Mauunahan ka pa ni Dave,,  

nu byan.. kelan lan glit ako sau ah  ay nde! galit pa din ako!!!!

Xhalve017:�waah~ update na pu. .ate lily. .hehe. ,  excited na talaga me. .hehe. .

Author: Oca, wala na akong sasabihin nasabi na nilang lahat. Nahirapan pa nga ako sa pagbackread mula chapter 37. (pasensiya na kung yung sa iba hindi ko na sinama. Sobrang daming comment kasi) So ikaw na ang bahala kung ano ang gagawin mo. Basta ito ang pakakatandaan mo, walang loser na bidang lalaki sa mga stories ko. 

And with that, I went out of the room at tumakbong papuntang front door. Mabuti naman at wala ang nagbabantay, saan kaya sila? Teka, bakit ko pa ba alalahanin yun? Baka mahuli pa nila akong tumatakas. Pagbukas ko ng main door mabilis akong tumakbo papuntang gate. Nung bubuksan ko na ang gate.

Hoy saan ka pupunta! Tapos nagpaputok siya. Tumakbo pa din ako. Bahala na kung mamatay man ako, mamamatay rin naman ako kung magpapakasal sa ibang lalaki si Joanne. 

Mga pre habulin natin. Pag nakatakas yan at nagulo ang kasal yari tayo sa kambal. Tapos nakita kong nagtatakbuhan sila para habulin ako.

Barilin na lang natin pre.

Wag! Sayang ang fes! At sabi nila kammbal illegal detention lang daw, hindi daw murder

Mga 5 minutes na akong tumatakbo nung makita ko ang isang building na parang maliit na chapel. It was decorated by flowers. Alam kong iyon na ang simbahan na sinasabi nila Johann kaya binilisan ko pa ang takbo. Hinihingal na ako. Nang makarating ako sa tapat ng pinto ng chapel, napatigil ako. Lumingon ako sa mga humahabol sa akin. Tumigil din sila sa di kalayuan.

Tiningnan ko ang loob ng simbahan. Kakaunti lang ang guest. Less than a hundred. Then my eyes focused on the two individual sa harap ng altar. Nakaupo silang dalawa at nakaharap sa pari. The girl is wearing an all white gown. Sumikip bigla ang dibdib ko.  
Then I heard the words that almost killed me.

�as your lawfully wedded husband, for better for worse, for richer for poorer, in sickness and in health, till death do you part? Hindi ako makahinga. Naninikip ang dibdib ko. Parang hinihiwa. Parang feeling ko mamamatay ako anytime.

Yes, Father I��.



Itigil ang kasal! Tangna! I shouted as loud as I can. Parang slow motion napatingin ang lahat sa akin. 
44.


Itigil ang kasal! Tangna! I shouted as loud as I can. Parang slow motion napatingin ang lahat sa akin.


Tapos narinig ko ang mga bulung bulungan! 

Anong ibig sabihin nito? Bakit nandito ka? I heard Johann shouted. 

Hindi ko siya pinakinggan.  Kailangang hindi matuloy ang kasal. Hindi ako makakapayag na sa ibang lalaki magpakasal si Joanne. Hindi ako makakapayag na bantot ang pangalan na dadalhin niya.

Jo, I looked at the girl na nasa altar. Hindi pa rin siya nakaharap. Please�. You can�t marry him. Hindi ka pwedeng magpakasal sa isang bakulaw.  Hindi ako makakapayag! Father, hindi mo sila pwedeng ikasal! Ako ang ama ng batang dinadala ng bride. Sa akin siya dapat magpakasal.

Hijo, hindi rason ang pagbubuntis ng babaeng ito para kayo ang magpakasal. Kung  nagmamahalan sila�.

Hindi nga sila nagmamahalan father. Kami ang nagmamahalan. Nakikiepal lang ang lalaking yan. Kararating niya nga alng tapos nakikiepal pa!

Jo! Magpapakasal ka ba talaga sa bakulaw na yan?  Sorry. Sorry na kung nasaktan man kita. Sorry if I have been a jerk. Gagawin ko ang lahat patawarin mo lang ako at wag ka lang magpakasal sa bakulaw na yan. Hindi ako papayag na ikasal ka sa ibang lalaki. Hindi ko kakayanin Joanne. Mamamatay ako. Please, parang awa mo na. Hinding hindi na ako magsisinungaling sayo, susundin ko ang lahat ng gusto mo. Promise. Kahit hindi mo ako mahal. Hayaan mo lang na mahalin kita. Kayo ng anak natin. I love you so much, hindi ko kayang mawala ka. Pleaase Joanne! Hindi ko namalayan na nakaluhod na ako sa sahig and tumutulo na ang luha ko. Pero kahit ganito na ang itsura ko wala pa din akong pakialam. 

Kung ayaw mo talaga sa akin, kung ang lalaking yan na ang mahal mo, sige papayag  na akong magpakasal kayo, pero sana isipin mo muna. Pero kung buo na talaga ang loob mo na magpakasal sa kanya, sabihin mo lang sa akin. Aalis ako ngayon din sa harap mo at hahayaan ko na kayo. Sabihin mo lang na yun ang gusto mo. Sabihin mo lang na siya na talaga ang mahal mo at hindi mo na ako mahal. Kahit gaano kasakit tatanggapin ko. Mahal kita eh. Mahal na mahal�. I suppressed a sob. Hindi ko akalain na ganito kasakit pala. Hindi ko akalain na ganito pala mabaliw sa pag ibig. 

Father proceed with the ceremony. Hayaan mo na siya. I heard Joanne say to the priest. 

Nooooooooooo!!!!! Tumayo ako bigla at akmang susugurin sila Joanne sa altar nung may nagsalita. 

What a scene, Oca. You don�t have to do that you know.Napanganga ako upon seeing her emerge from the front row.  Not wearing a wedding gown but wearing a purple gown with her  bulging tummy. She is walking gracefully  towards me. She is smiling yet there were tears in her eyes. Gusto ko siyang takbuhin at yakapin pero natutulala ako sa kanya. Kung hindi siya ang ikakasal, sino ang nasa altar?  

Kailangan  ba talagang mag iskandalo? She is still smiling. I can�t believe it!

Hindi ikaw ang ikakasal?

Nope. 

Kung hindi ikaw sino??

Then tumingin sa akin ang nasa altar.

Hi Sir JC. Bungisngis ni Anya!

Anya?

Hi future brother in  law. Got you there! And he winked. 

Paolo? Tapos tumawa ang dalawang ikakasal. Pati ang pari tumawa. Pati ang mga guests tumawa. Pati si Joanne tumawa. Pati ata ang mga ibon sa paligid tumatawa. Kinamot ko ang ulo ko. Damn!

Did I just make a big fool of myself in front of everyone? 

Yes you did. Pero wala namang nakakahiya kung gagawin mo yun ng dahil sa pag ibig. Hindi naman masama kung magpakatanga minsan dahil sa pag-ibig.  My heart swell with what she said. Niyakap ko na lang siya bigla. She hugged me too. Then I heard her sniff.

Oh bakit ka umiiyak? Hinarap ko siya sa akin and brushed her tears.

Wala lang. Ang g@go mo lang kasi. Kaya mahal na mahal kita eh. Tapos humagulgol siya bigla sa harapan ko.   Niyakap ko lang siya. 

Awwwwww! I heard the guests say.

Tara na nga! Nakakahiya na tayo. Father ituloy mo na ang kasal. Sorry, wrong wedding. Tapos nagtawanan lahat.

Saan tayo pupunta?


Sa detetntion cell ko. Idedetain din kita. Ikukulong kita sa puso ko at sa buhay ko.  Para di ka na makawala

Ang cheesy mo na!She said half, crying, half sobbing and half laughing.


Mahal kasi kita. 
Epilogue


Forever's Not ENough

If I would have to live my life again
I'd stay in love with you the way I've been
Your love is something no one ever can replace
I can't imagine life with someone else

Naglalakad pa lang ako sa aisle ng simbahan, tumutulo na ang luha ko. Kasabay ng paglalakad ko kinakantahan ako ni Sarah Geronimo ng Forever�s Not Enough. Si Oca ang pumili ng kantang yan. Dahil daw ang kantang ang nagsisymbolize ng pagmamahal niya sa akin. Alam ko ang cheesy  pero ganun naman talaga di ba? Kung nagmamahal ka wala kang pakialam sa mundo. Kung ano man ang sabihin ng ibang tao. Kahit nga magmukha ka nang tanga, wala ka pa ring pakialam. Lahat nga siguro ng taong totoong nagmahal ay nagiging tanga (ang slight lang ha, ang tolerable). Hindi na maipagkakaila yun. Siguro nga hereditary ang pagiging tanga sa pag-ibig. Isipin mo na lang ang parents natin. Nung pinili nila ang isa�t isa, wise decision ba ang ginawa nila? Masasabi ba nilang perfect ang mga partner nila ngayon? Wala bang flaws? Perfect ba ang pag uugali? Di ba hindi naman? Pinili nila ang partner nila dahil sa kanila sila sasaya. They have accepted all the flaws and weaknesses of their partner because only their partner could make them happy. Yun naman talaga ang hinahanap ng lahat ng tao. Ang kaligayahan. Hindi abundance of everything, hindi highranking position at lalong lalong hindi world peace. Ang hinahanap ng lahat ng tao ay happiness. Sh!t parang commercial lang.     Hindi mo pwedeng sabihin na hindi ako magmamahal ng lalaking may ganitong ugali, may ganyang bisyo, dapat ganito siya at ganyan. Sa pagmamahal, walang standards at kung may standards ka man naiiba yun pag nagmahal ka ng totoo. Dati ayaw ko kay Oca dahil mayabang, presko, rough, playboy, happy go lucky, bossy, antipatiko, suplado, ungentleman, walang modo, manyak, mukhang hindi nagseseryoso at mukhang walang sense of responsibility at minsan tatlong araw na hindi nagcshave. Pero ano? May standards changed. And now, mahal ko siya dahil siya ay si Oca. No more no less. I accepted his flaws and weaknesses and loved him for that.  Pag nagmahal ka,   your standard will change to adapt the character of the person you love and soon you realized that that person is the perfect guy for you. Acceptance.

I promise, I will share my life with you
Forever may not be enough it's true
My heart is filled with so much love
I feel for you
No words can say how much I love you so

Tumingin ako sa lalaking nakatayo sa harap wearing a 3-piece suit. That guy waited for me for more than eight years. Sabi nga niya, he may have his share of women, even bedded most of them but only me captured his heart. Naghanap siya ng iba pero hindi nahanap ng puso niya ang fulfillment kasi iba ang sinisigaw nito. Marami ang nangyari sa walong taon na paghihintay niya. Siguro sasabihin ng ibang tao na ang tagal naman na paghihintay yan. Bakit siya nagtiis? He could have choose other women which is so much easier for him but still he choose to wait. For me. Patience.

And if forever's not enough for me to love you
I'd spend another lifetime baby, 
If you ask me to
There's nothing I won't do
Forever's not enough for me to love you so

I brushed my cheeks as another batch of tears fall. Ako lang ata ang bride na naglalakad pa lang sa aisle, gabalde na ang luha. But I just couldn�t help from crying. Crying and smiling at the same time. Crying and thanking God because he gave me Oca. Because He gave us another chance. Because after all the hardships that he�d been through he still choose me. Am I not lucky? No I am not lucky, I am blessed because Oca is a blessing. A gift. Because he have proven that there�s nothing he won�t do just to show his love for me. And I love him for loving me that way. Appreciation. 


They say tomorrow seems so far away, 
And now we see that everything can change
My love for you gets stronger as tomorrow comes
I know this love will stand
The test of time.

Nung nasa harapan na namin siya, We just looked at each other and smiled. It�s as if we are telling each other that  this is it. Pagkatapos ng lahat, ito na tayo. We maybe unsure of the future that awaits us but we are sure that we are going to face it together. We just have to stick with each other and never let go.Faith and Trust.


And if forever's not enough for me to love you
I'd spend another lifetime baby, 
If you ask me to
There's nothing I won't do
Forever's not enough for me to love you so

Juan Carlos, take care of our daughter and our grandson. We now entrust them to you. My Dad said while handing my hand to Oca. Naiiyak na naman ako when Dad and Mom kissed me and shook Oca�s hand. I never thought that getting married would be this tearful. Pinisil niya ang kamay ko when he took it and bring it to his lips. I will never get tired of loving this man. 

For you, there's nothing I can't do
And never will I ever go
Forever's not enough to love you so
But if forever ends one day
I promise you
I'll stay to show you
That my love will never end...

I will never allow you to cry that way again. If you do, it�s because of happiness. Bulong niya sa akin nung papalapit na kami sa altar. 

You are already doing that. We smiled at each other as we faced the priest that will bind us forever.

And if forever's not enough for me to love you
I'd spend another lifetime baby, 
If you ask me to
There's nothing I won't do
Forever's not enough to love you so

And if forever's not enough for me to love you
I'd spend another lifetime baby, 
If you ask me to
There's nothing I won't do
Forever's not enough for me to love you so.


Ahem, ahem, ahem. Everybody laughed nung tumikhim si Oca at kinuha ang microphone. We have just finished exchanging our  wedding vows and Oca wanted to say something. Hindi ko alam kung ano ang pinaplano niya basta ang alam ko lang nakangisi siya. Yung nakakalokong ngisi niya and by the looks of him, he is up to something. 

Babe, kung nakakalimutan mo may kontrata pa tayong hindi natatapos. Biglang lumaki ang mga mata ko sa sinabi niya. At may utang ka pang 50,000 pesos sa akin. Tapos tumawa siya ng malakas. Kung mararapatin mo, I would like to extend that contract, however, I made some changes to it and I hope you would agree. He winked at me and took a piece of paper from his breast pocket. These are the changes, 

Quote

Article 4. Love is not only during the fertile period of the employer. Beyond that date, the employee could not demand for a love anytime.

Tumawa ang mga guest namin. Ang g@go talaga ni Oca kahit kelan. Pati ba naman ang kontrata namin inuungkat. 

Quote
Article 8: The employee cannot enter into a relationship with other girls on the duration of the contract. Doing so, will result to the dissolution of this agreement and the employer have the option of not paying the employee or paying him in partial based on her generosity.

Article 9: As payment for the employees services, the employer could bear him children and love him completely.  In return,  the employee  promised to love and serve the employer unconditionally. 

Article 10: This contract has no expiry.

Pumalakpak ang mga guest pagkatapos ng kacheesyhan ni Oca. Pati ang priest napapangiti sa kanyang kalokohan.  

Agree?

May magagawa ba ako?

Wala. And he grinned. He then suddenly pulled me and kissed me. Nagpalakpakan naman ang mga tao. 

Ehem, ehem. Hindi pa tapos ang kasal.

Father naman. Formality na lang yun. Kita mo naman may anak na kami na inip na inip na sa tagal ng ceremony. And he pointed at baby JP na umiiyak habang karga karga ni Mari. He is now 3 months old. Hinintay muna namin makapanganak ako bago kami magpakasal. Ayaw kong magmartsa ng lumulubo ang tyan. 

O siya siya. I now pronounced you husband and wife.  You may now kiss the bride.  And he willingly obliged. Mindless of all the guest. We stared at each other.

Mahal na mahal kita Joanne Phoebe Zamora Cariño. Kahit ilang walong taon pa ang hihintayin ko, maghihintay pa rin ako para sa'yo. Thank you for loving me back.

I love you too Juan Carlos Cariño. Thank you for patiently waiting and loving me.

And my heart just couldn't help but swell with love for this man.


The End


Credit:

Itim na nobela

Wanted Babymaker © Blacklily (2/2)
 
Advertisements