Erica Viktoria Pedralvez

Kikay si Erica at mahilig sa make-up. Kung may nag-iisang bisyo ang katulad niya, iyon ay ang pagbabad sa mga cosmetic stores, pag-e-experimento ng tamang blend ng make up sa mukha, at ang pagmamahal niya sa iba't ibang koleksyon niya ng MAC lipstick.
But behind her love for make-ups, Erica is an industrious and goal-oriented girl. She;s very friendly and appreciative, too! Sa sobrang pagka-friendly niya, pati ang mga halaman ay kabarkada niya na! She loves talking to her plants. Kaya madalas ay natutukso siyang loka-loka dahil sa pagkausap sa mga ito. 
Ang number one na tumutukso na baliw siya ay si Charles Lyndon Ditangco or "Charlie", as everyone fondly calls him. Isa itong chef na umapaw ang kayabangan at pagkabilib sa sarili.
Kundi lang talaga mag-bestfriends ang mga tatay nila ay never ever niyang papansinin ang existence ng lalaki.
"If you weren't a family friend, I won't even glance at you! Narcissistic jerk!"
"Kahit ako naman hindi kita mapapansin. Sa liit mong iyan? I can easily throw you out of the window, you crazy plant-talker!"
Puro lang sila asaran ni Charlie. Kaya naman hindi niya talaga alam kung bakit siya pumayag sa kalokohan ng mga magulang nila.
One day, she just woke up "married" to this narcissistic chef with a very adoring smile and dreamy eyes.
Oh crap! Ang guwapo pala talaga nitong si Charlie!
Plus ang sarap magluto! Plus, maasikaso, responsable, at higit sa lahat ay napapangiti siya sa oras ng problema!

"Kahit naman kasal-kasalan lang ito... I care about you, Erica. I don't want to see you crying. It breaks my heart." Inipit nito ang buhok niya sa kanyang tainga. "Smile now, sexy. I'll be here for you."

Bumilis ang tibok ng puso ni Erica. Alam na this!
Pero alam niyang may ibang babaeng mahal si Charlie. Babalikan nito iyon oras na matapos ang "kasal-kasalan" nila.
She's not the leading lady in Charlie's story. She's the other girl, exactly. He can't fall in love with her but she's slowly falling for him...
Aatras na ba siya o kahit kaunti ay aasa pa?






CHAPTER ONE
HUMUGOT si Erica ng malalim na buntong-hininga bago naglakas-loob na maglakad paabante. Huminto siya sa tapat ng mataas na steel gate at saka pinindot ang doorbell.
Alam niyang may tao sa loob ng bahay dahil bukas ang ilaw sa second floor at bukas ang pinto ng balcony.
Napalabi siya nang makita ang mga sari-sari niyang halaman na naka-display sa balcony at mukhang last week pa nakatanggap ng pagdidilig. "Huwag kayong mag-alala, friends! Babawiin ko rin kayo. Stay put lang kayo diyan!"
Pinindot niya ulit ang doorbell at saka kinalampag na ang gate. "Oy, mayabang na chef! Buksan mo ang gate! Ibalik mo na ang mga halaman ko sa'kin!" sigaw niya at saka sunud-sunod na pinindot ang doorbell. 
Wala pa ring lumalabas!
"Charlie! Utang na loob, ibalik mo na sa'kin ang mga halaman 'ko!" 
Apat na linggo na siyang pabalik-balik sa bahay ng halimaw niyang ex-"husband" para kunin ang mga halaman niya. Pero hanggang sa ngayon, ayaw ibalik sa kanya ang mga iyon ni Charlie! Kundi ba naman gusto lang talagang makapag-asar ng tinamaan ng lintek!
"Charles Lyndon Anderson Ditangco! Bubuksan mo ang gate o gigibain ko 'to?!" sigaw niya pa at wala na siyang pakialam kung maka-abala siya sa neighborhood. 
Punung-puno na siya sa mga kalokohan ni Charlie! Tatlong taon na ang lumipas at hindi pa rin nagbabago ang kumag sa pambubuwiset sa kanya. At talagang alam nito kung ano ang kahinaan niya.
"Charlie! Hoy!"
Mula sa balkonahe ay may narinig siyang sumipol. Pagtingala niya ulit doon ay hindi na lang ang mga halaman niya ang nakikita niya... kasama na si Charlie.
Gulo ang buhok at singkit na singkit pa ang mga mata. Halatang bagong gising ang kumag habang naka-puting sando pa.
Magkasalubong ang mga kilay na tinunghayan siya nito mula sa balkonahe. "From a small lady like you, you do know how to make a scene, huh?" Napahikab ito. "It's seven-thirty in the morning and you shout like that. Baliw kang talaga, ano?"
"Papasukin mo nga ako! Huwag mo 'kong binibirahan ng English diyan ngayong galit na galit ako. Makikita mo, ma-a-uppercut kitang kurimaw ka!" Kinalampag niya ang gate. "Ibalik mo ang mga halaman ko!"
Tinukod nito ang siko sa balustre at nangalumbaba. Ngumiti pa ang kumag sa kanya.
Putragis ka, Charlie! Huwag mo 'kong nginingitian ng ganyan, hindi pa 'ko nakaka-move on sa'yo. Tang ina you!
Forgive her bad-mouthed thoughts. Hindi filtered ang iniisip niya kapag nagkakagulo ang damdamin niya. Pucha! Tatlong taon na, ganito pa rin epekto sa kanya ni Charlie. Kawawa na siya.
"Erica, you can take care of a new set of plants, can't you? Bakit mo pa babalikan ang mga halaman na 'to? Tatlong taon mo 'tong inabandona. Pagkatapos ay babalikan mo ngayon? Ayaw na nila sa'yo!"
"Nakakausap mo mga halaman 'ko?"
Mapang-asar ang tawa nito. "Hindi ako kasing baliw mo. Three years kang hindi nagpaparamdam at last month bigla kang babalik para ano? Bawiin ang mga halaman mo?"
Sumasakit na ang batok ni Erica sa pagtingala rito. " Hoy! Lagi akong nag-e-email sa'yo sa loob ng tatlong taon, bruho ka! Sabi ko, ihatid mo ang mga halaman na iyan sa condo namin ng pinsan ko. Pero wala kang reply! Kaya pumunta na 'ko dito. At apat na linggo na 'kong pabalik-balik. Gusto ko lang naman ay mabawi ang mga halaman ko!"
Tumawa ito. "Ginawa mo pang rason ang mga halaman mo." Ngumisi pa ang gago. "Gusto mo lang naman talaga akong makita ulit. Am I right?" mayabang na turan nito.
Tila tinadyakan ng kabayo ang puso ni Erica at sandaling hindi nakaimik. Umurong ang dila niya. Guilty siya.
Ngunit hinding-hindi niya aaminin iyon kay Charlie! Over her dead sexy body!
"Kupal!" sigaw niya rito. "Ano namang mapapala ko kapag nakita ka? Ang saya-saya nga ng tatlong taon kong hindi ka nakikita!"
"Same here!"
Ouch. "Kaya ibalik mo na ang mga halaman ko at nang hindi na natin makita ang pagmumukha ng isa't isa!" Hinilot niya ang batok. "Bumaba ka na nga dito. Ang sakit na ng batok ko!"
"Bakit ba kayo nagsisigawan?" inaantok na singit ni Reynald na nasa balkonahe na rin at katabi ni Charlie.
Napangiti si Erica nang makita ito. Pinsan ito ni Charlie. Given the fact that he's handsome, mabait rin si Reynald. Gentleman at tagapagtanggol niya noon kapag pinipikon siya ni Charlie. 
"Reynald!" Kinawayan niya ito. "Hallelujah! Buti at nandyan ka. Pakitulungan naman ako, o!"
Nagkusut-kusot ito ng mata. "Ano iyon?"
"Pakibatukan iyang si Charlie!"
Natawa ito at bumaling kay Charlie. "Ano na namang ginawa mo kay Erica? Bakit ayaw mong papasukin?"
Nakabusangot na si Charlie at tinalikuran basta si Reynald.
Tinunghayan siya ng huli. "Sandali lang, pagbubuksan kita ng gate."
Hay, salamat! Tamang tama lang talaga na si Reynald ang pinag-ukulan niya ng "crush moments" noon. Hanggang crush lang siya dahil may girlfriend na ito noon pa. At pumasok sila sa kasal-kasalan ni Charlie kaya off-limits ang lalaki sa kanya. But Reynald is really a nice guy kung ikukumpara naman niya kay Charlie. Kaya nga hindi siya makapaniwala na magpinsan ang dalawa at pinakamalapit pa sa isa't isa.
"Good morning, Erica," nakangiting bati ni Reynald nang pagbuksan siya ng gate.
"Good morning, Reynald! Nako, salamat at nandito ka! Sa wakas, nakapasok na rin ako at makukuha na ang mga halaman ko. Hulog ka talaga ng langit sa'kin para hindi ako magkasala at ma-murder ang demonyo mong pinsan."
Natawa ito at napangiti. "Kumusa ka na pala? Matatapos ka na ng proper med, hindi ba?"
She graduated as a psychology major and now, she's going to be psychiatrist! "Yes! Kaunting kembot na lang. Pagkatapos ay tatlong taon na residency pa."
Pinatuloy siya ni Reynald sa bahay. At dahil nakatira naman siya noon doon ay kabisado niya na kung saan ang living area.
Nang makapasok na siya sa bahay ay bahagya pang natigilan si Erica. She felt her chest tightened. A lot of memories poured down as she saw the familiar look and smelled the familiar scent of the house.
Walang nagbago sa bahay na iyon. Parang isang araw lang siya nawala... It still screams of Charlie's style, Charlie's smell, Charlie's aura and everything about that narcissistic chef.
"Erica?"
Napalingon siya kay Reynald. Ang tagal niya na palang nahinto. "Oh, I'm sorry." Humakbang na siya papasok. "Dito ka na rin ba nakatira? Share na kayo ni Charlie sa bayad?"
"Hindi. Nakitulog lang," iling nito. "Nag-aya kasi ng inuman si Charlie kahapon. Ayon, dito na 'ko tinamaan ng antok."
Nagkuwentuhan pa sila nito pagkatapos. Masarap kausap si Reynald kahit waley lagi mag-joke. Noong nasa kasal-kasalan sila ni Charlie, si Reynald ang kanilang ice-breaker.
"Buti na lang talaga nandito ka, Reynald. Kundi, hopia na naman ako sa pagpunta dito. Putragis naman kasi iyang pinsan mo, ang hilig akong pahirapan sa lahat ng aspeto ng buhay."
"Even in your love life?"
Napakurap siya. "H-hoy! H-Hindi, ah. E-Excuse me!"
Nakita niya ang amusement sa mga mata nito. Kundi lang talaga siya nagayuma ni Charlie, inagaw niya na 'tong si Reynald kay Alia noon pa. Ang sarap naman kasing titigan ang mga mata. Full of emotions lagi. Hindi makakapagsinungaling kung anong nararamdaman.
"Kayo pa ba ni Alia?" she curiously asked.
Umiling ito. "Hindi na."
 "Ay, bakit?" Naalala niya pa noon, kahit ang sama ng ugali ng girlfriend nito at gusto niyang ingudngod sa semento ay napagtitiisan ni Reynald. Huwarang boyfriend ang lalaki. "Di ka na nakatiis?"
 "Nagtaksil iyan."
 Kumalabog ang puso ni Erica nang marinig sa malapitan ang boses na iyon. Dahan-dahan siyang lumingon. Nakatayo sa baba ng hagdanan si Charlie. Naka-shirt at cargo shorts na. Mukhang bagong paligo. Basa pa ang buhok at amoy na amoy niya ang pinaghalong sabon at aftershave na ginamit nito.
 Excuse her, pero tangina naman! Kailan ba papangit ang halimaw na 'to? 'Yung puso niya parang nagka-amnesia at gusto na namang magpalandi.
 Dahan-dahang lumapit sa kanya si Charlie. Dahil sobrang taas nito ay ka-eye level niya lang ang dibdib nito. Huminto ito sa harap niya at niyuko siya.
 Saktong pagtingala niya ay sobrang lapit na ng mukha nila sa isa't isa. 
 "Ganoon ba talaga ako kakisig para ikatulala mo?" ngingisi-ngising sabi nito. "Guwapo ko, ano? Laway mo pa tumutulo-ouch! What the fuck?!"
 Sinuntok niya kasi ito sa mukha. "Napakayabang mo talaga! Sumagad sa buto ang hangin mo. Utang na loob, Charlie, ah? Maging humble din pag may time!"
 Nilagpasan niya ito at pumanhik na siya sa second floor ng bahay. Shit! Nanginginig ang kamay niya sa kaba at ang lakas ng tambol ng puso niya. Hindi niya talaga kayang ganoon kalapit kay Charlie. 
Pagkakita niya sa mga halaman niya ay hinaplos niya isa-isa iyon. "Kumusta na kayo, friends? Don't worry. Erica's here. Makukuha ko na kayo ngayon din!" Niyakap niya pa ang mga iyon.
"Sa liit mong iyan, ang bigat pa rin talaga ng kamay mo," angal ni Charlie habang hawak ang nasaktang panga nito.
"Sorry ka na lang. Iyong suntok na iyon, para iyon sa ilang linggong di mo 'ko pinapasok dito sa bahay para kunin 'tong mga halaman ko. Walanghiya ka, pinahihirapan mo 'ko. Gusto mo bang dumanak pa ang dugo dito, ha?"
Nakatingin lang ito nang mataman sa kanya ngayon habang nakahalukipkip.
Nako-concious tuloy si Erica. Hindi niya alam kung may dumi ba sa mukha niya o ano. Hindi ba pantay ang kilay niya? Hindi ba bagay ang shade ng MAC lipstick na nagamit niya? Sumobra ba ang blush on niya? Makapal ba ang foundation niya? Nahalata ba nito na ang bigat ng concealer niya para matakpan ang malalaki niyang eyebags?
Pinigilan niya ang sariling manginig habang binubuhat ang isang paso ng halaman. Siguro mga dalawang paso ang kaya niyang buhatin paibaba.
"Bakit mo ba nilipat dito 'to sa taas?" kunwa'y angal niya. "Kung sa garden lang 'to sa baba, mabilis ko 'tong maiaalis dito..."
"Bakit ba gustung-gusto mo pang bawiin ang mga iyan? Hindi ba puwedeng iwan mo na lang sa'kin?" sabi ni Charlie sa seryosong tinig.
"Hindi ka naman mahilig sa halaman, right?" Nilingon niya ito. Shit! Wrong move! Mas guwapo na ito sa paningin niya habang tumatama ang sunlight rays rito. "Baka patayin mo lang 'to. Baka gumaganti ka dahil namatay si Jerry dahil sa'kin."
Si Jerry ay ang alagang hamster ni Charlie noon. He loved that hamster so much to the point he would cook food for that...rat. Hindi sinasadyang hindi niya napakain ang hamster noon ng isang araw habang wala si Charlie. RIP Jerry.
Kumunot ang noo nito. "Kung gusto kong ipaghiganti si Jerry, patay na iyang mga halaman na iyan from the moment you left the house. But as you can see, they are well watered." Tinuro nito ang mga halaman. "If I wanted to take revenge, pina-ihian ko na sa mga askal iyang mga walang kuwenta mong halaman."
"Sshh! Nakaka-o-offend ka sa mga halaman." Prinotektahan niya ang mga iyon ng kanyang mga braso. "Kung walang kuwenta ang tingin mo sa kanila bakit hindi mo na lang agad na ibinalik sa'kin? Alam mo namang abala ako sa pag-aaral. You could have the initiative to return them back to me. Sa Quezon City lang naman ang condo ko. Isang oras lang na drive mula rito."
"Nag-breakfast ka na?" biglang tanong nito.
"Hindi pa."
Bigla na lang siyang tinalikuran ng kumag. Kundi ba naman talaga bastos!
"Hmp!" Inisa-isa niya na ang pagbawi sa mga halaman niya. Umakyat si Reynald at tinulungan siyang magbuhat. Buti na lang talaga at nandito ito! Dahil kung si Charlie lang, wala siyang maasahan.
"Totoo iyong sinabi ni Charlie kanina, nagtaksil ka?" intriga niya sa lalaki habang inaayos nila ang pagsalansan ng mga halaman sa kotse niya.
Reynald grimaced. "That's all in the past now."
"Nasaan na si Alia?"
"Nasa isang mental institute. Nagpapagaling."
Napapitik siya. "Sabi ko na nga ba, may disorder iyong ex mo, eh. Hulaan ko. Anti-social?"
"Psychology major ka talaga!" puri nito at saka nakipag-high five sa kanya.
"Sino na girlfriend mo ngayon?"
"Eh di yung kasama niyang nagtaksil."
"Charlie!" Hinampas niya ito sa braso. "Bakit ba bigla ka na lang bastang lumilitaw? Putragis ka!"
"Kanina mo pa 'ko nilalaglag, ah?" nakatawang sabi ni Reynald pero ang talim na ng tingin kay Charlie. "Hindi talaga kita iimbitahan sa kasal ko."
Nang-aasar na tumawa si Charlie. "Kung ikakasal ka. Hindi ka pa priority ni Lavender, bro."
Kunwaring nagsuntukan sa tiyan ang dalawa.
Sinara niya na ang trunk ng kotse niya. "Oh, well. My business here is done." Pinagpag niya ang mga kamay. "Thank you sa pagtulong sa'kin, Reynald!" nginitian niya nang matamis ang lalaki.
Pagbaling niya kay Charlie, nakasimangot na siya. "At ikaw, salamat sa pambi-buwiset sa'kin lagi. Babush!"
Akmang aalis na siya nang hinuli ni Charlie ang kamay niya. "Wait."
Parang nakuryente si Erica sa hawak nito. Agad siyang pumiksi. "Ano na naman, Charlie?"
Hinuli ulit nito ang kamay niya. "Kumain ka muna. Nagluto ako sa loob."
"Charlie!" saway niya dahil malakas na siya nitong nahila papasok ulit sa bahay nito.
"Bawal kang tumanggi. 'Yung agahan..."
"Ano?"
"Para sa'yo iyon..." mahinang sabi nito habang kinakaladkad siya at hindi lumilingon.
Hindi nakapag-react si Erica at nagpakaladkad na lang rito. Pagkarating nila sa kainan ay nakahanda na nga ang mga niluto nito roon.
Kumalam ang sikmura niya. Ang tagal niya nang hindi nakakakain ng luto ni Charlie. Hindi niya puwedeng pintasan sa aspetong iyon ang lalaki dahil isa itong professional chef. Lahat ng klase ng putahe, kaya nitong lutuin. He has the passion for cooking.
"Kumain ka nang marami," anito. "Pumayat ka masyado. Stressed in med school?"
Kumislot ang puso niya. Ito mismo ang naglagay ng pagkain sa pinggan niya. "Aba't concerned ka?"
"You're my ex-wife, afterall."
Umismid siya. "Hindi naman totoo 'yung kasalan. At lumalayo-layo ka nga." Tinulak niya ito palayo dahil masyado silang magkadikit na pala. "Mamaya, biglang dumating ang girlfriend mo. Masabunutan pa 'ko niyon."
Hindi ito umimik. Eh di, parang sinaksak na naman ang puso niya? Ibig sabihin, ito pa rin at si Chryzelle.
Lihim na lang siyang napabuntong-hininga. At dahil gutom, nilantakan niya na ang hinanda ni Charlie pagkatapos magdasal ng maikli.
Nakisabay na rin sa pagkain si Reynald. Palipat-lipat ang tingin nito sa kanya at kay Charlie.
"Bakit?" kunot-noong tanong niya rito habang kumakagat siya ng tinapay.
Umiling lang si Reynald pero ang mga mata nito nanunukso. Pagbaling niya kay Charlie, tinititigan na naman siya nito!
"Ano ba? Gandang ganda ka ba sa'kin kung makatitig ka? Kanina ka pa."
Umangat ang gilid ng mga labi nito. "Nakaka-miss ka pala."
Natigil siya sa pagkagat at literal na napa-freeze. Napaubo-ubo si Reynald.
Inirapan niya si Charlie kahit nagkagulo na ang buong sistema niya at na-dislocate na ang puso niya. "Talaga!" mataray niyang tugon.
Mas lumawak ang ngiti nito. Napalunok si Erica. Ang guwapo ng putragis! Willing magpalandi ang puso ko. Hoy, puso! Parang di ka nasaktan, ah? Tantanan mo si Charlie, utang na loob!
Charlie leaned closer to her. Lalong nagrigodon ang puso niyang taksil. "C-Charlie..."
"Ako ba...na-miss mo rin?" marahang tanong nito sa pinakabanayad na tinig.
Hindi niya iyon masagot at nagkatitigan na lang sila nang mata sa mata. Paano niya sasagutin ito ng "oo", "sobra", at "araw-araw nami-miss kita" nang hindi siya magmumukhang tanga at talunan?
He gently brushed his thumb on the side of her lips, shoving of some bread crumbs. "Did you miss me too, Erica?" ulit pa nito.
Nag-iwas na siya ng tingin rito. Nakuyom niya ang mga kamay. Hindi niya na kaya. "I-I have to go."
"Erica." Pinigilan siya nito sa braso. "Finish your food, first. Come on." Tumawa ito. "I'm just kidding you."
 Parang maiiyak na si Erica. Tangina. Joke na naman! Wala nang sineryoso 'tong kumag na 'to!
Hindi niya na napigilan. Malakas niya itong sinampal. Nakita niyang nalaglag ang panga ni Reynald sa ginawa niya sa pinsan nito. 
"Damn-what the hell, Erica?! Ano na namang ginawa ko?" inis na tanong ni Charlie habang sapo ang nasampal na pisngi.
 "Na-miss ka ng kamay ko. Na-miss kang saktan, gago!" Sinampal niya pa ulit ito sa kabilang pisngi.
 "Erica!"
 Umalis na siya at tinanguan na lang si Reynald na namumula na para lang mapigil ang pagtawa.
 Nagtatagis na ang mga ngipin niya sa sobrang inis kay Charlie. Buti na lang talaga at nabawi niya na ang mga halaman niya. Wala nang rason para magkrus pa ang landas nila ng walanghiya! Last na talaga ang nangyari ngayon. Wala nang pag-asang tumino si Charlie.
 Jerk! Asshole forever and ever!
 Napakamanhid. Lahat na lang ay biro at laro para dito.
 "Erica, wait!" habol ni Charlie nang pasakay na siya ng kotse. "Hey, hold on."
 "What now? May kalimutan ka bang ipang-asar sa'kin? Ano? Bilis na, sabihin mo na at nang makalayo na 'ko sa'yo."
 Napabuntong-hininga ito. "I'm sorry, okay?" Hinawakan siya nito sa magkabilang balikat.
 "Bakit ka nagso-sorry?" Umismid siya. "Ganito naman tayo noon pa, hindi ba? Ang mapikon, talo. Para namang hindi tayo nabuhay nang nag-aasaran nang ganito."
 Lumamlam ang mga mata nito at sumeryoso ang mukha. "Listen to me."
 Tinalikuran niya na ito. The last time she listened to him, it only broke her heart. Ayaw niya nang maulit iyon.
 "Bye, Charlie---"
 "I missed you, Erica." Biglang siyang niyakap nito mula sa likuran! "I missed everything about you so damn much. I really do..."
 "C-Charlie..." Joke na naman ba ito? Dahil gustong bumigay ng puso niya.
 "Hindi ko alam pero hinahanap-hanap kita palagi. It's been three years... I want my sexy crazy wife back..." bulong nito. "...in my house. In my arms."






CHAPTER TWO
Four years ago...
KUNG HINDI dahil sa make-up niya ay magmumukhang zombie na hindi nakakain ng brains si Erica.
 "Sir, approved na po ba? I-approve niyo na, Sir. Sige na," pagmamakaawa niya kasabay ng mga kasama niya sa thesis research na sina Inez at Candice.
 Halos lumuhod na ang kaibigan niyang si Inez. "Sir, pang-limang revise na po namin 'yan. Gusto na po naming makapag-defense. Gusto na po naming maka-graduate!"
 Kumikislap ang mga matang tinignan sila ni Sir Arnel. Ito ang kanilang thesis adviser at napakahigpit nito magmula nang simulan nila ang thesis last semester. "Girls, babasahin ko muna. Okay? Come back after an hour."
 "Sir, malapit na po ang filling of confirmation for graduation," sabi pa ni Candice. "Gusto po naming mapasama sa listahan. Parang awa niyo na po."
 Sumingit ulit siya. "Sir, kung ipapa-revise niyo po ulit sa'min, sabihin niyo na po ngayon pa lang. Huwag niyo nang patagalin. Huwag niyo na kaming paasahin. Ang sakit-sakit nang umasa sa wala. Pagod na pagod na kaming umasa tapos nganga!"
 Hugot! Pak! Ganern!
 Nagkatawanan ang mga faculty na nakarinig sa kanya at pati mismo si Sir Arnel. Napahagikgik na rin ang dalawa niyang kaibigan. 
Nako, ha! Ilang beses nilang nilamay ang thesis at ayaw na ni Erica na maibalik na naman sa kanila iyon at umulit na naman. Balde-baldeng kape na ang nanalaytay sa dugo niya dahil lang sa letseng thesis na iyan.
"Erica---"
"Reject na naman po ba? Ayaw niyo?" Napahalukipkip siya. "Sige. Sanay naman na kaming laging inaayawan. Laging iniiwan. Laging pinagpapalit. We are always never enough! Do we deserve that kind of love?"
"May pinagdadaanan ba 'tong kaibigan niyo?" natatawang wika ni Sir Arnel sa mga kaibigan niya.
"Huwag niyong pansinin tong si Erica, Sir. Nahawa lang 'to sa mga pasyente sa Mandaluyong."
Pucha! Kung hindi pa ma-approve ang thesis nila, papasok niya na ang sarili sa mental hospital. Nakakabaliw, amputs! Masaya ang mag-aral ng Psychology at sa apat na taon niya sa kursong iyon ay marami siyang natutunan.
Kaya nga kumbinsido siyang dumiretso ng proper medicine pagka-graduate. She'll go on with Psychiatry.
Pero paano mangyayari iyon kung hindi makapasa-pasa ang thesis nila?
"Sir, kung dudurugin niyo po ang puso ko, durugin niyo na po ngayon."
Napailing-iling si Sir Arnel. "Hay nako, Erica, tama na ang paghugot." Kumuha ito ng ballpen at pinirmahan ang huling pahina ng seventy-six pages nilang thesis. "You did great, girls. Sa Saturday na kayo haharap sa panel."
Nanlaki ang mga mata ni Erica at nagkatinginan sila nina Inez at Candice. 
"Galingan niyo sa defense."
Nabulabog ang buong faculty sa lakas ng tili ni Erica. Sigurado na siyang makaka-graduate sila! Matagal na nilang pinaghahandaan ang defense at hindi na sila mahihirapan doon.
Nakalabas na sila ng faculty at nagtititili pa rin si Erica dahil sa sobrang saya. "Sa wakas! Tagumpay! Let's go, Tamaraws! Let's go!" chant niya pa sa school cheer nila.
"Maligayang maligaya, 'teh? Kasama buong FEU dapat?" ani Inez. "May defense pa tayo."
"Tss! Chicken feed! Tagal na nating na-practice iyan at jusko lang, ha! Alam na alam natin kung paano papatunayan iyang thesis natin sa daming beses ba naman natin iyang ginawa?" Ready na ready na nga rin ang sexy-corporate attire na isusuot niya sa defense.
And true to her belief, walang kahirap hirap nilang nalagpasan ang defense. Nasagot nila lahat ng tanong ng panel. Hindi sila nabara bagkus ay napalakpakan pa.
Worth it ang lahat ng pagod at puyat nila sa pagsusulat ng thesis. Kung gaano sila naghirap sa ilang beses na pagrerebisa ng thesis ay ganoon sila kadaling nakalusot sa defense.
 Nag-celebrate silang tatlong magkakaibigan at kumain sa labas. Sa Monday, makakasama na sila sa listahan ng mga magmamartsa sa Marso.
 "Sa wakas, makaka-graduate na 'ko! Makakapag-apply na 'ko sa UST para sa proper med," aniya at saka nangangarap na napabuntong-hininga. After the journey of being a psych major, she's ready to take on the road to psychiatry. 
 "I can imagine it already, girls! 'Dra. Erica Viktoria Pedralvez'," she optimistically said. Maliwanag na maliwanag ang future!
 Natawa sina Candice at Inez. 
 "Ang isipin mo muna ay ang pag-akyat natin sa stage sa graduation," sabi ni Inez at saka sumisipsip ng choco java chip frappe nito.
 Sumubo si Candace ng French fries. "Halos mabaliw ka na sa pagtapos ng thesis natin. Tapos ngayon, excited ka na namang mag-aral? Mas matindi na ang thesis don, Eca! Hindi ka ba muna magbo-board exam muna?"
 Umiling siya at saka inikot-ikot ang tinidor sa pasta niya. "Hindi na. Puwede naman hindi na 'ko mag-board since by June, papasok na agad ako for proper med."
 "Sa UST ka papasok?"
 "Yup! Pumayag na sila Papa."
 Nangalumbaba si Inez. "Grabe ka. Di 'ka ba napapagod mag-aral? Apat na taon na proper medicine plus tatlong taong residency pa. Seven years muna bago ka maging psychiatrist talaga!"
 Nagkibit-balikat siya. "I don't mind. Kapag para sa pangarap, hindi mo na iispin ang oras. Kapag naka-focus kang maabot ang gusto mo, mabilis lang ang panahon para sa'yo."
 "Wow!" Napa-slow clap ang dalawa. "I-status na 'yan, o!"
 Natawa siya at sumubo ng pasta. "Lagyan niyo ng credits, 'oy."
 Excited na excited na talaga si Erica. Ang pagtatapos ng thesis at thesis defense ay pagtatapos na rin ng kolehiyo. Ang dami niyang pinagdaanan para lang makapasok sa FEU at manatiling scholar ng university.
 Mamayang gabi ay luluwas siya pauwi ng Amora kung saan siya pinanganak at lumaki. Nandoon ang mga magulang niya at siguradong matutuwa ang mga iyon kapag binalita niya nang tuloy na tuloy na ang pagtatapos niya.
 Earn a bachelor degree. First step to success, check! 
 Planado na ni Erica ang mga life goals niya for the next ten years. Puspusan rin ang pagdadasal niya araw-araw para gabayan siya ng Maykapal.
 Ang lakas ng paniniwala niyang walang maiiba sa mga plano niya para maabot ang minimithing pangarap.
~o~o~o~
"MAMA! Papa! Ga-graduate na 'koooo!"
 Nasa labas pa lang ng gate si Erica ay inanunsiyo na agad ang napakagandang balita. 
 "Anak! Gabi na, ah? Lumuwas ka pa?" salubong ng Mama niya na nasa sala nila at nanonood ng teleserye.
 Bumeso siya rito. "Ma, ga-graduate na 'ko!" tili niya. "Pagkatapos po akong paiyakin ng thesis namin nina Inez, pinandigan niya na 'ko! Dahil sa kanya, makaka-martsa na 'ko!"
 "Sus! Alam naman naming ga-graduate ka talaga. Kahit anong mangyari. Kundi maghahalo ang langit at lupa." Ginulo ng Mama niya ang buhok niya. "Proud ako sa'yo, anak."
 "Salamat, Ma!" masayang sabi niya at saka nagpalinga-linga. "Nasaan pala si Papa? At saka si Vance?" hanap niya rin sa bunsong kapatid na pitong taong gulang pa lang.
 "Natutulog na ang kapatid mo. Ang Papa mo, nasa kuwarto. Nagpa-plano ng mga susunod na projects. Pinag-aaralan niya ang mga gusto at hinaing ng mga tao dito."
 Napangiti si Erica. Masipag at napaka-dedicated talaga ng ama sa tungkulin nito. Sana lahat ng pulitiko katulad ng Papa niya.
 Nagpasya siyang maupo muna sa couch nila katabi ang ina. Nilibot niya ang paningin sa munting tahanan nila. Marami nang naayos pero nanatili ang kasimplehan ng dalawang-palapag na tahanang iyon.
 Hindi sila mayaman. They belonged to a middle class family only. Hindi naman galing sa mayayamang pamilya ang mga magulang. Lalo na ang Papa niya na laging nagsisikap para sa kanilang pamilya nito.
 At kahit na mapasok sa pulitika ay nanatili ang pagiging simple ng pamumuhay nila. Dahil kung ano lang ang suweldo ng Papa niya ay iyon lang ang inuuwi nito. Hindi ito nagbubulsa ng kaban ng bayan.
 "Tatakbo ba si Papa sa election next next year, Ma? Magme-mayor siya?" 
"Oo."
"Sino po mga running mate niya? Tatakbo ba si Mayor Gonzaga na governor?"
"Oo. Tapos si Gideon ang tatakbong Vice."
 Napatango-tango siya. Magagandang kombinasyon. "Sure win na si Mayor Gonzaga, Ma. Mahal siya ng mga tao dito. Lalo na si Gideon," tukoy niya sa batang councilor. "Lahat ng dalaga dito, crush yata iyon, eh. Daming boboto doon."
 "Sure win din naman ang Papa mo. Kaya nga sila ang magkakasama. Mga hindi corrupt. Parehas pang magandang lalaki sina Mayor at Gideon. Ewan ko lang bakit hindi nahawa ang Papa mo."
Natawa siya sa ina. Kung ang kasipagan ay nakuha niya sa ama, ang pagiging lukaret naman niya ay sa ina. "Grabe ka naman, Ma! Pogi naman si Papa. Sadyang lahing mayaman lang sina Mayor at Gideon kaya lamang na lamang sa paligo."
 "Pogi naman talaga ang Papa mo. Isusuko ko ba ang Bataan kung hindi?"
 Nag-high five sila ng Mama niyang feeling bagets.
 "Mukhang napakaligaya niyong mag-ina. Ano na namang kabaliwan niyo diyan?"
 "Papa!" Napatayo siya at niyakap ang ama. "Pa, ga-graduate na 'ko!"
 "Sa laki ng eyebags mo, diyan ka naman talaga patungo."
 "Pa, naman, eh!" Napanguso siya.
 Natawa ito. "Kararating mo lang ba? Masyado ka namang gabi lumuwas. Puwede namang bukas ka na umuwi."
 "Na-excite lang ako, Papa. Saka ayaw niyo iyon, nandito na agad ako. May pupuntahan tayo bukas diba po?"
 Nagkatinginan ito at ang Mama niya saglit. "Ah, oo. Pagkatapos nating magsimba."
 Napakunot-noo si Erica dahil napansin niya agad na parang naging uneasy ang tingin ng ama. Sa tagal niyang psych major, hindi man sila mind readers, great observers naman sila.
 Pasimple siyang lumingon sa ina na nakita niyang hinihipo-hipo ang tainga nito. Lumalabas ang ganoong mannerism ng Mama niya kapag tensed ito.
 Hmm.
 Tumikhim ang Papa niya. "Erica, ano pa lang plano mo pagkatapos ng graduation?" Nakangiti na ulit ito sa kanya.
 "Magpa-proper med po agad, Pa," sagot niya. "Sa UST po sana. Mag-a-apply po ako ng panibagong scholarship."
 "Kahit huwag na. Kaya naman na kitang pag-aralin. At sobra rin ang napapadala ng kuya Tobias mo mula sa ibang bansa."
 Hindi napigilan ni Erica na mapaismid. "Ayoko ngang ipambayad ng tuition ang pera ni Kuya. Ipunin niya na lang sana iyon para sa future ng anak niya."
 Erica does not hate her brother. Pero sobrang sama ng loob niya rito. Tatlong taon ang tanda nito sa kanya at sa ibang bansa na nakapagtapos ng pag-aaral. Paano ba naman, five years ago ay nabuntis nito ang girlfriend. Kaso tinakbuhan nito at nangibang bansa. Hindi pinanindigan. Iniwan ang responsibilidad.
 Walang bayag! Idol pa naman niya ang Kuya Tobias niya pero hindi pala nito kayang magpakalalaki!
 Sabay na napabuntong-hininga ang Papa at Mama niya.
 "Masama pa rin loob mo, Erica? Dinaig mo pa ang nabuntis ng kapatid mo," ani ng Mama niya. "Move on-move on din."
 Nagkibit-balikat siya. "Hindi lang ako makapaniwala na gagawin ni Kuya ang tumakbo sa ganoong responsibilidad. Aba't nagpasarap siya tapos nang nagkabuntisan, tumakas siya? Aba, matindi!"
 "Hindi mo naman alam ang side ng kapatid mo kung bakit niya nagawa iyon."
 "O sige, Ma. Kapag ako nabuntis at hindi pinanagutan, anong gagawin mo?"
 "Sasabunutan kita! Bakit ka magpapabuntis? Aba't malandi kang bata ka!"
 Nabalik sa tawanan ang usapan. "Ma, Pa. Alam kong 'first fruit of love' niyo si Kuya pero huwag niyo namang i-tolerate ang ginawa niya. Hindi ba kayo nalulungkot na hindi niyo nakikita ang unang apo niyo?"
 "Nalulungkot. Pero ano namang magagawa natin, nandito na?" sabi ng Papa niya at inayos ang salamin nito sa mga mata. "Hindi naman sa tino-tolerate namin si Tobias. Pero hindi naman natin puwedeng talikuran din ang kapatid mo."
 "Isa pa, hindi naman naghabol ang babae." Napaismid ang Mama niya. "Paano ay mayaman naman ang mga Aragon. Ang mga lalaking kapatid ni Reigh ang nangmamaliit sa kuya mo. Mabuti nang hindi sila nagkatuluyan."
 Si Reigh Aragon ay anak ng mayamang airline tycoon. Ito ang ex-girlfriend ng Kuya Tobias niya na nabuntis nito.
 "Kaya nga dapat mas may pinatunayan si Kuya sa kanila, Mama. Nagpadala sa intimidation at insecurity si Kuya. Kawawa tuloy si Caleb," tukoy niya sa anak ng kuya niya.
 Actually, nakilala niya na si Caleb. Ang pogi niyang pamangkin na magpo-four years old na. Mabait naman kasi si Reigh. Hinayaan siyang makita ang pamangkin niya nang ni-request niyang makipagkita. Pero huwag na huwag daw niyang ipapakita ang pictures ni Caleb sa Kuya niya.
 Dapat lang! Bahala ang kuya niya sa buhay nito.
 "Sandali nga, huwag na natin pag-usapan iyan," saway ng Papa niya sa kanila at saka bumaling sa kanya. "Kung makakakuha ka ng scholarship ulit, mabuti iyon, anak. Ngunit kung wala, may pang-aral naman ako sa'yo. Basta pag-usapan natin ulit ito pagkatapos ng graduation mo."
 Napangiti na siya. Dapat masaya lang siya at hindi na masyadong stress sa Kuya niya. "Sige, Papa."
 "Magpahinga ka na," sabi naman ng Mama niya. "Maaga pa tayo bukas."
 She kissed her parents good night and went up to her room. Pero dinaanan niya muna saglit ang kuwarto ng bunso niyang kapatid para silipin ito.
 Pagkatapos makita ang kapatid ay tumuloy na siya sa kuwarto para magpahinga.
 Masaya naman ang pamilya nila kahit pa wala ang Kuya Tobias niya. Siguro ganoon talaga, may kanya-kanyang drama ang isang pamilya. Ngunit mahal na mahal niya ang mga ito.
 Lalo naman ang Papa at Mama niya. Nakasuporta ang mga ito lagi sa kanya. Kaya lagi siyang sumusunod sa utos ng mga magulang. 
They always lead her to the right path.
~o~o~o~
"ANONG KASAL?!" bulalas ni Erica.
 Sabay na napangiwi ang Mama at Papa niya.
 "Wala sa plano ko ang pagpapakasal, Ma, Pa!"
 "Anak, makinig ka munang mabuti," mahinahong sabi ng Papa niya. "Kailangan ng Ninong Carlitos mo ang tulong natin."
 Si Ninong Carlitos ay ang bestfriend ng Papa niya. Kabarkada pa nito mula kolehiyo.
 "Eh bakit po may kasal?" Hindi pa rin makapaniwala sa mga narinig. Kaya pala nasa isang napaka-sosyal silang restaurant ngayon. May ganoong announcement!
 Madalas ay hindi naman sila kumakain sa ganoon. Max's or Kenny Rogers ay okay na. Pero sa napaka-fine dining na restaurant kung nasaan sila plus naka-private room pa sila, alam niyang may something fishy!
 "Anak, hindi naman magiging totoo ang kasal."
 "Joke-joke lang, parang ganoon," dagdag pa ng Mama niya na sinusubuan ng pagkain si Vance.
 Napanganga siya. Ano daw? "S-Sandali lang. Mama, Papa...sabi niyo, kailangan kong magpakasal. Kasi kailangan ni Ninong ang tulong natin. Pero joke joke lang na kasal?" Napakunot-noo siya. Wala siyang makitang koneksyon!
 Sasagot sana ang Papa niya nang matigil sila dahil may kumatok sa pintuan ng private room. Pagkabukas niyon ay agad na bumungad ang Ninong Carlitos niya. Kasama nito ang asawa na si Tita Charlene.
 Tumayo ang Mama at Papa niya upang salubungin ang mga bagong dating.
 "Good morning, pips!"
 Erica rolled her eyes when the last person came in. Siyempre, kung nandoon si Ninong Carlitos at Tita Charlene, mawawala pa ba ang nag-iisang anak ng mga ito?
 "Hey, Erica. What's up?" bati ni Charlie sa kanya na ngiti pa lang, ang angas na.
 Hinawi niya ang mahabang buhok sa isang balikat. "Fine."
 Umupo ito sa katabing upuan niya. Pucha. Ang daming upuan. At doon talaga ito umupo? Ayaw pa naman niyang nakakatabi 'tong kinakapatid niyang narcissist.
 "Ang sungit mo talaga," he chuckled. "Alam mo bang lahat ng babaeng nakakakita sa'kin, sumasaya ang buhay. Bakit ikaw nakasimangot?"
 "Hindi kasi ako bulag."
 Ngumisi ito. "Baka hindi ka babae?"
 "Hampas ko kaya sa'yo 'tong boobs ko?" Hindi naman sa pagmamayabang ngunit kahit kinulang siya sa height, pinagpala siya sa hinaharap.
 "I like."
Pinigilan niyang magmura ng hard dahil nakatingin sa kanila ni Vance. Tinulak niya na lang mukha Charlie. He laughed and pinched her cheeks.
Iniwas niya ang mukha at inirapan ito. Aside from her Kuya Tobias, asar na asar rin siya sa tuwing nakikita ito.
He should be mature enough. Siyam na taon ang tanda nito sa kanya, for Pete's sake! Pero...well, mukha kasi itong mas bata kaysa sa itsura nito. Baby face ang loko. Thirty na pero mukhang kaka-graduate pa lang ng college.
Anyway, dapat pa rin na umarte ito according to his age! Aba ang mokong na 'to, hindi. Mapang-asar na tunay. Lalo na sa kanya sa tuwing nagkikita sila. Feeling teenager.
"How are you, Erica?" malambing na pangangamusta ni Tita Charlene nang naka-settle na ang lahat sa hapag.
"I'm doing great, Tita." Nginitian niya rin ang ginang na hindi halatang may anak na kasingtanda ni Charlie. Mukha lang mag-ate ang mag-ina. 
Sabagay, mayaman ang mga ito. Maraming pera para ma-maintain ang kagandahan. Tita Charlene came from the clan of the Andersons. 'Yung pamilyang nagmamay-ari ng malalaking hotels.
Si Ninong Carlitos naman, may kompanya ng mga nagma-manufacture ng mga laruang pambata.
"I heard that you're graduating from college, hija?" her Ninong asked.
"Opo. Sa March na po."
"Oh!"Charlie reacted. "Congratulations, Erica. You're a psych major, right? Can you read my mind?"
Sinalubong niya ang tingin nito. "You're thinking about yourself, because you love yourself so much."
Nanlaki ang mga mata nito. "You're amazing!"
"Tss. Narcissist." Kahit hindi siya psych major, madali lang makita kung gaano ito kabilib sa sarili.
Natawa ito at kinurot na naman ang pisngi niya. 
"Nakakarami ka na, ah!" naiinis na sabi niya. "Pag ikaw binalibag ko dito."
He laughed. "Yeah, right. Sa liit mong iyan? Ibato kita sa bintana, eh."
She rolled her eyes. "Whatever."
Magkasabay na tumikhim ang Papa at Ninong niya. 
Saka lang naalala ni Erica ang sinabi kanina ng mga magulang. Bigla na naman siyang na-alarma.
"Ninong, ano pong kailangan niyong tulong sa'min?" lakas-loob niya nang tanong. Gusto niya nang maayos ang mga tanong sa isipan.
"Huh?" singit ni Charlie. "May hinihingi kang tulong, Dad?" tanong nito sa sariling ama.
"Well... Charles Lyndon, you know that your grandfather will be coming to the Philippines soon."
"Uh-huh." Sumubo ito ng beef steak. Napangiwi ito. "Hindi na-marinate nang matagal," mahinang angal nito.
"You need to get married, Charlie. You know about the inheritance that will be directly given to you."
 He shrugged. "Pinagpa-planuhan na namin iyan ni Chryzelle, Dad."
 Napalingon siya rito. "Kayo pa rin? Di pa siya nauntog? Anong helmet pinasuot mo sa kanya?"
 Charlie smirked. "Kapag nagmahal ako, walang gustong makawala." Sumubo ulit ito ng steak pagkatapos budburan iyon ng salt and pepper.
 "Edi, wow!" Sumubo na rin siya ng steak.
 Si Charlie pala ang kailangan magpakasal, eh bakit kailangan niya rin magpakasal? Hindi naman niya Lolo ang lolo nito-nahinto siya bigla sa pagnguya.
 Napansin niyang nagkatinginan ang Mama niya at ang Ninong niya.
 "You need to get married, Charlie... to Erica."
 Nabuga nina Charlie at Erica ang kinakain. Gulat na nagkatinginan sila.
 "What the fuck?!" magkasabay pa nilang bulalas.






 
CHAPTER THREE
"KAMING dalawa?" di-makapaniwalang turan ni Erica.
 "I'm confused," natatawa-tawang sabi ni Charlie pero halatang gimbal na gimbal kagaya niya. "Dad, Mom, hindi niyo na ba 'ko mahal? Bakit ipapakasal niyo 'ko sa duwende?"
 Kinurot niya ito sa tagiliran. "Nahiya naman ako sa'yo, kapre ka!" Humarap siya sa mga magulang. "Ma, Pa, hindi niyo na rin ako mahal? Anong pasakit 'to? Tangina."
 "Erica!" saway ng Mama niya sabay tinakpan nito ang mga tainga ng bunso niyang kapatid.
 "Don't say bad words, ate!" saway pa ni Vance sa kanya.
 "Oo nga, ate," segunda ni Charlie habang nakangisi.
 Tinapakan niya ang paa nito. Napamura ito sa sakit. "Fuck!"
 "Charles Lyndon!" saway ng ina nito.
 Tinuro siya ni Charlie. "Umaatake ang duwende, Mommy," sumbong nito na parang bata.
 "You, two, please calm down," kalmadong saway ni Ninong Carlitos.
 "Nagre-react na agad kayo gayong wala pa man kaming sinasabi," dagdag pa ng Papa niya. "Erica, please watch your mouth."
 She sighed. "Sorry po."
 "But seriously," singit ni Charlie. "Why do we have to get married? Why the two of us? May kanya-kanya kaming buhay ni Erica."
 Tumango-tango siya bilang pagsang-ayon. Hallelujah! May utak ang kapre. "Higit po sa lahat, hindi naman tayo mga intsik o royal blood keme para mag-arranged marriage."
 "Anak, makinig muna kasi kayo," sabi ng Mama niya. "Patapusin niyo muna kami at nang malaman niyo kung bakit kailangang gawin 'to."
 "Listen well. And understand us," dagdag pa ni Tita Charlene. "This marriage will only be a pretense. Fake. Null and void. But the two of you need to appear like it's a real one."
 Akmang magsasalita sila ni Charlie nang mabilis silang pigilan ng Mama niya. "Hep! Sabing walang magsasalita muna sa inyo, hindi ba? Patapusin niyo kami."
 "Charlie's grandfather, my father had a bestfriend, then," panimula ni Ninong Carlitos. "Ang matalik niyang kaibigan ay ang lolo mo, Erica. Ang tatay ni Eva," tukoy nito sa Mama niya.
 Nagkatinginan ang dalawa.
 "Sa totoo niyan," Napabuntong-hininga ang Mama niya. "Kaming dalawa dapat ni Carlitos ang ikakasal. Gusto ng mga tatay namin na maging iisang pamilya. Hindi ko alam kung anong trip nila ng mga panahon nila."
 "But we cannot obey them," pagpapatuloy ng ama ni Charlie. "At that time, I'm going steady with Charlene. And Eva was in love with my bestfriend ," napatingin ito sa Papa niya.
 "For short, hindi kami nagpakasal kahit anong pilit nila. Pinaglaban ko ang Papa mo, Erica. Hindi humiwalay si Carlitos kay Charlene. Hayun..." nagkibit-balikat ang Mama niya. "Beastmode to the max ang mga lolo niyo."
 "Kaya nangako na lang kami sa kanila ni Eva na hindi man kami ang nagkatuluyan, magiging isa pa rin ang mga pamilya namin sa pamamagitan ng mga anak namin."
 "Ang tagal na ng pangakong iyon. Kasing edad na ni Charlie," sabi ng Mama niya. "Sa totoo niyan, nasabi lang naming ni Carlitos iyon para naman hindi masama ang loob nila na magpapakasal kami sa iba. Eh, naniwala pala sila. Akala namin...nakalimutan na nila. Namatay na nga ang lolo mo, anak. Pero ang lolo ni Charlie, mabangis ang memory."
 Napabuntong-hininga ang ninong niya. "But, my father is dying, too. Alam mo 'to, Charlie. Kaya siya uuwi rito sa Pilipinas. To spend more time with us. Pero...inaasahan niya pala na...k-kasal kayo ni Erica."
 Nagkatinginan na naman ang ninong niya at ang kanyang Mama. Napakamot sa tainga ang Mama niya.
 "Bakit niya naman po inaasahan na kasal kami ni Charlie?" mahinahong tanong nan i Erica. Kahit papaano, naiintindihan niya na. Jusme! Hindi naman siya na-inform na very loyal sa friendship ang mga lolo nila ni Charlie.
 Magbestfriend din ang mga magulang nila. 
 Sila ni Charlie, hindi magkasundo! Hindi naipasa sa kanila ang kinship.
 "Sabihin mo na, Eva," wika ng Papa niya.
 Nakita niya ang pagngiwi ng Mama niya. "Ah, eh...sorry, ha? Nakapagsinungaling kasi ako ahm, last month. Akala ko kasi mamamatay na si Tito Carlos," tukoy nito sa lolo ni Charlie.
 Napangiwi rin ang papa ni Charlie. "Well, we all thought the same thing. A-Akala namin mamamatay na nga si Papa..."
 "Sobrang mahina na si Grandpa last month, yeah, I remember that," ani Charlie. Iyon ang unang sinabi nito mula pa kaninang nakikinig lang sila. "And then?"
 "Sige na, Eva," Tita Charlene encouraged her mom.
 "Ano ba iyon, Ma?" naiinip na wika niya.
 "Eh ayun nga, akala ko mamamatay na si Tito Carlos, kaya ano...sabi ko nang nakausap ko siya...ah, ano...t-tinanong niya kasi ako kung natupad na daw ba namin ni Carlitos 'yung pangako namin sa kanila. Ah...ayun."
 "Mama, anong sinabi mo?" mariing tanong niya na. Shit. Ang lakas ng kutob niya.
 "Nag-lie ka, Mama?" tanong ng seven-year old niyang kapatid na si Vance.
 "Uhh...very very light lang naman, bunso. Sabi ko, last month pa nagpakasal ang Ate Erica mo kay...Kuya Charlie."
 "Ma!" napatayo si Erica at napasigaw.
 "Akala ko kasi mamamatay na, eh! Kaya kahit nagsinungaling ako, nasa isip ko, sasaya siguro si Tito Carlos na malamang nagkaroon naman ng katuparan ng pangarap nila nina Tatay noon," depensa ng Mama niya. "At saka, si Carlitos ang may ideya niyon," sabay turo nito sa Papa ni Charlie.
 "Hey, it was just a suggestion! Hindi ko sinabing gawin mo, Eva."
 Nagturuan na ang dalawa.
 Tumikhim ang Papa niya. Natahimik ang buong kuwarto.
 "Lemme guess," biglang sabi ni Charlie. "Nang sinabi niyo na nagpakasal na kami ni Erica last month at sa wakas ay konektado na ang mga pamilya natin, sobrang natuwa si Grandpa. He was energized by the news. Yes?"
 Sabay-sabay na nagtanguan ang mga magagaling nilang parents.
 "Kaya ngayong uuwi si Grandpa, inaasahan niya na mag-asawa na kami ni Erica at nakatira sa iisang bubong...hmm." Napasandal ito sa kinauupuan. Charlie looked serious.
 "Actually, sabi namin, hindi pa kayo nagpapakasal sa church. Sa munisipyo muna dahil hindi pa nakaka-graduate si Erica," pag-amin ng Mama niya. "Kaya naman inaasahan ng lolo mo, Charlie, na...makitang ikakasal kayo ni Erica sa simbahan at gusto niyang makasama kayong dalawa sa iisang bubong habang nasa Pilipinas daw siya."
 Lantang napasandal si Erica sa kinauupuan. "Puwede po bang sabihin na lang natin kay Lolo Carlos ang totoo? Tutal, hindi ko rin naman kayang magsinungaling sa matanda. Ma, Pa, Ninong, Tita, niloloko lang natin si Lolo Carlos. Iyon po ba ang gusto niyo? Sa mga huling sandali niya sa earth, niloloko natin siya?"
 Nakita niyang tumango-tango si Charlie. "I have to agree with Erica. Ano pang guilt ang mas mararamdaman ko considering that I am his direct and only grandson?"
 "But this will make him happy."
 "Bakit kailangang lokohin para sumaya ang isang tao?" sabi ni Erica. "Hindi po ba mas masakit iyon? Mas magandang masaktan sa katotohanan, kaysa ang sumaya sa kasinungalingan." 
 Hinugot ni Charlie ang phone nito. "I-i-status ko iyan."
 "Tag mo na lang ako." First time nilang mag-high five. Nagkasundo sila! May himalang tunay!
 "Erica, Charlie..."
 "Kung ako po sa inyo, sabihin niyo na lang po ang totoo. Katulad nang ginawa niyo noon, sinabi niyo sa kanila ang katotohanan na hindi kayo puwedeng magpakasal ni Ninong, Ma, dahil may mga iba kayong mahal."
 "Grandpa might get angry, but maybe he'll understand," segunda ni Charlie. "Not all dreams are bound to come true."
 Check!
 "Kung nahihiya na kayong magsabi, kami na lang ni Charlie ang kakausap sa kanya," suhestisyon pa ni Erica.
 "That's a good idea," Charlie agreed. "Mas madali siguro kung kami ang magsasabi since we have less guilt. We can totally clear our names"
 Sabay na napabuntong-hininga ang ninong at ang Mama niya. 
 "Hindi niyo kami naiintindihan...hindi niyo alam kung gaanong...Ah, forget it!" Hinugot ni Ninong Carlitos ang phone nito. "Okay. You two, I believe in you, both. Talk to the old man."
 Lumabas ang mga tao roon at sila na lang ang natira ni Charlie.
 "Para tayong nasa teleserye!" aniya kay Charlie. "Akalain mo na may ganun-ganun palang nangyayari? Iyong Dad mo at ang Mama ko pala dapat ang magpapakasal!"
 Napangisi ito habang dina-dial na ang numero ng lolo nito. "Kung nagkatuluyan pala sila, kawawa ang mga girls."
 "Bakit?"
 "Hindi ako pinanganak. Hindi nila nasilayan ang kaguwapuhan ko."
 "Tangina."
 Ang lakas ng tawa nito. "Don't say bad words, ate."
 Nagmake-face lang siya at saka inubos ang pagkain niya. Nasa tainga na nito ang phone.
 "It's ringing!" He switched on the loud speaker.
 "Carlitos?" bungad sa kabilang linya ng isang matanda ngunit malaking tinig.
 "Hey, Gramps! Charlie here!" he cheerfully said.
 "Charlie! Hey, young man! It's been a while, huh? Well, I'm going home soon. I'm excited to see you and your wife. Your father said that you'll have a church wedding this year since Eva's daughter is graduating from college."
 Nagkatinginan sila ni Charlie at sabay na napangiwi.
 "Ah...Gramps...about that, uh," Napakamot si Charlie sa batok nito. "We have to tell you something..."
 "Yes? Oh wait, I was about to ask, anong gusto niyong regalo ng asawa mo? Cars? Do you want a new house, perhaps? How about a new restaurant for business? " 
 Nalaglag ang panga ni Erica sa saya ng tono ng lolo ni Charlie. Parang na-i-imagine niya pang nagniningning ang mga mata ng matanda.
 "G-Grandpa, wait..." Magkaparehas na sila ng reaksyon ni Charlie.
 Natawa ang lolo nito sa kabilang linya. "I'm sorry. I'm just too excited. Natutuwa ako sa inyo, apo. Kayong dalawa ni Erica ang tumupad sa mga pangarap namin ng lolo niya. You see, our friendship is unique and one of a kind. Kaya kahit hindi niyo siguro alam ito ni Erica, sobrang napasaya niyo 'ko na kayo ang nagkatuluyan. You don't know how fulfilled I am," napakasaya at sinserong sabi ng lolo nito. "Hindi man ito naabutan ni Pancho at ng mga asawa namin," tukoy nito sa lolo ni Erica. "Nandito naman ako para masaksihan na maging makatotohanan ang noon ay mga pangarap lang namin. Thank you so much, grandson. You made your old man very happy. Mamatay man ako ngayon, mamamatay akong masayang masaya."
 Nakagat ni Erica ang mga labi. Patay na. Parang sumikip bigla ang dibdib niya. Parang...parang hindi niya kayang alisin ang tuwang naririnig niya ngayon kay Lolo Carlos. Sa masayang masayang tinig nito, parang mas nakakonsensyang mapalis iyon kapag nalaman nito ang totoo...
 Nagkatinginan na naman sila ni Charlie. Mukha na itong problemado. Tila parehas na sila ng nararamdaman. Naka-relate na sila sa parents nila.
 Hindi nila kayang sabihin ang totoo!
 "So, Charlie, bakit ka nga ba napatawag?"
 Mukhang naalarma ang lalaki at nanghingi ng tulong sa kanya sa pamamagitan ng tingin. Mabilis siyang umiling. Hindi niya rin alam ang gagawin!
 Pucha. Anong dilemma ito?!
 Ang hirap nga! Ang hirap magsabi ng totoo kung ganito kasaya ang isang tao!
 Charlie mouthed, "What now?"
 Umiling siya at nagkibit-balikat.
 "Grandpa...tungkol po sa'min ni Erica..."
 "Yes? Anong tungkol sa inyo mag-asawa?"
 Napangiwi siya. Kinikilabutan siya sa thought na mag-asawa sila ni Charlie pero...kung ganito naman kasaya si Lolo Carlos...
 Leche ka, Erica! Nasaan na ang convictions mo?!
 "Charlie? Apo?"
 Naalarma na silang dalawa ng lalaki at parang mga tanga na tahimik na nagpa-panic.
 "Charlie? Charlie? Are you still there, young man?"
 Tinakpan ni Charlie ang mouthpiece. "Should I tell him? Damn, he's very happy! I never heard Grandpa sounds this happy before! You talk with him," sabay abot nito ng phone.
 "Gago! Huwag mo namang ipasa sa'kin ang burden!" mahinang anas niya. "H-Hindi ko rin kaya!" pag-amin niya. "Shet! Kaya pala gusto nila Mama na magpanggap na lang. Tang-"
 "Shh!" Hinarang ni Charlie ang daliri nito sa mga labi niya. "So, what are we going to do now?"
 "Hello? Hello, Charlie? Can you still hear me, apo? Did the line disconnected?"
 Nasabunutan ni Erica ang sarili. Obviously, they can't tell the truth now.
 Napailing na lang siya.
 Charlie sighed. "Grandpa, I'm still here... Sorry about that. Parang nawala sandali ang linya or something like that..." palusot nito sa abuelo.
 "Hindi problema iyon. Ano nga ba ulit ang gusto mong sabihin?"
 Bumaling ulit sa kanya si Charlie. Umiwas siya ng tingin at sinubsob ang ulo sa lamesa. Inuntog-untog niya ang noo.
 "We just miss you, Gramps! Erica and I are excited to see you."
 "Do not worry! Bukas na ang uwi ko."
 Bukas na?!
 Natigalgal sila ni Charlie.
 Pagkatapos ng tawag ay ginaya siya nito. Sinubsob din nito ang ulo sa lamesa at inuntog-untog doon. 
 Tinignan niya ito. Napatingin din ito sa kanya habang nakasubsob pa sila pareho sa lamesa.
 "Puwede magmura?" aniya rito.
 "Nope."
 "Tangina kasi, eh!"
 Natawa ito. "Ikaw ang nag-suggest na tayo ang kakausap kay Grandpa, pero nanahimik ka lang. Hindi mo man lang ako tinulungan masabi ang totoo."
 "Ang saya kasi ng lolo mo! Parang bumalik sa pagkabata dahil sa happiness niya. Excited na excited lang?" 
Malalim ang paghugot nito ng hininga. "So we need to act infront of Grandpa."
"Hindi ko kaya, Charlie!"
"Ano pa 'ko? I have a girlfriend! Hindi ko alam kung papayag siya rito."
Gustong sisihin ni Erica ang mga magulang nila at sa kalokohang pinasok ng mga ito. Pero...ano pa bang magagawa ng sisihan? Nandito na sila ni Charlie sa sitwasyon.
Kinalabit siya ni Charlie. "Come to think of it, Erica. Kung magpapanggap tayong mag-asawa pagdating ni Lolo, we need to do a lot of... you know, sweet stuff."
Napasinghap si Erica. Anak ng! Oo nga! Kung titira pala si Lolo Carlos sa iisang bubong kasama nilang "mag-asawa", kailangan mukha silang mag-asawa!
"M-maglalambingan tayo, ganoon?!" 
Sinalubong nito ang mga tingin niya. "Holding hands, sweet talking, hugging...kissing. Yep. We got to do it all together."
"Jusko, Lord! Tulungan Niyo po kami. Mahabag po Kayo sa'min!"
 Umupo ng diretso si Charlie. "Calm down. Maybe, we can try again tomorrow. Pagdating ni Grandpa. Aminin natin ng harapan. Sa tingin ko, mas makakabuti kung sa personal natin aminin ang totoo. Kasama ang mga magulang natin."
 Napaawang si Erica at napatitig dito. "Alam mo, puwede ka palang seryoso? May sense din pala mga pinagsasabi mo."
 Napakunot-noo ito. "Laging may sense ang sinasabi ko. Bakit? Wala bang sense ang katotohanang guwapo ako?"
 "Saan banda?"
 Ngumiti ito at tinuro ang mukha. "Dito."
 Mabilis siyang tumayo at nag-walk out. He laughed. "Hey! We still need to talk about what we'll do tomorrow."
 "Sige, aamin na talaga tayo bukas. Hinding-hindi tayo magsisinungaling kay Lolo. Hinding-hindi tayo magpapanggap na mag-asawa!"
~o~o~o~
"WELCOME HOME, Grandpa!"
 "Welcome home, Lolo Carlos. Tuloy po kayo sa bahay namin ni Charlie," nakangiting sabi ni Erica kahit gusto niya nang maglupasay ng iyak.
 Kinabig siya ng akbay ni Charlie. "Pasensya na, Grandpa, hindi naming kayo nasundo sa airport. May last minute preparations pa po kasi kaming ginawa ng asawa ko."
 Gustong masuka ni Erica sa narinig. Wala na! Natuloy din sila sa pagpapanggap!
 "Maayos nap o ba kayo, Lolo?" nag-aalalang wika niya nang makaupo na ito sa sofa. "Nabalitaan po namin na muntik na po kayong himatayin sa airport kanina."
 "Maayos naman ako, apo. Huwag kayong mag-alala sa'kin." Ngumiti ito kahit parang nanghihina pa rin. "Makita ko lang kayong mag-asawa ay bumabalik ang sigla ko."
 Parehong praktisado ang mga ngiti nila ni Charlie.
 Sa totoo niyan, nandoon sila ni Charlie kanina sa airport. Kasama dapat nila ang parents nito na salubungin si Lolo Carlos. But the old man collapsed while boarding out of the plane.
Hindi nila kayang mas lalong ikasama ng loob nito ang pag-amin. Natakot silang dalawa ni Charlie na baka biglang matuluyan si Lolo Carlos at silang dalawa pa ang rason.
 Kaya mabilis silang umuwing dalawa. Para last minute na pag-usapan ang terms ng pagiging "mag-asawa" nila.
 Nagkakaroon ng riot sa utak ni Erica. Iba ang nangyayari sa mga sinasabi niya. Nakaka-frustrate!
 Nakipagkuwentuhan pa si Lolo Carlos sa kanila. Kitang-kita sa mga mata nito ang tunay na saya at totoong ngiti sa mga labi habang kaharap sila ni Charlie.
 Lolo Carlos is already in her late seventies. Puti na ang lahat nang buhok nito. Medyo nawala na ang tikas sa pagtayo at paglalakad pero nanatiling malakas at magandang lalaki.
 Ah. Magandang lalaki si Lolo Carlos. Kaya siguro feeling ni Charlie, ganoon rin ito ka-guwapings. Hindi naman. Magaling lang sigurong mang-uto talaga ng babae kaya bilib na bilib sa sarili.
 "Gramps, I cooked your favorite dish. Let's eat?" aya ni Charlie rito.
 "Let's go then! Gusto kong makasabay ko kayo sa pagkain. Kuwentuhan niyo ko kung kailan kayo magpapakasal sa simbahan."
 Natawa kunwari si Erica. Pero kinakabahan talaga siya! Lihim na nagkatinginan sila ni Charlie.
 Magsisinungaling na naman sila. Although, they are really planning to stage a "wedding" for Lolo Carlos' happiness only.
 Pagkatapos kumain ay nagpasyang magpahinga na si Lolo Carlos. Hinatid nila ito sa kuwarto na para rito.
 "Rest well, Lolo!" aniya at saka sinara ang pintuan nito.
 Pagkasarang-pagkasara pa lang ng pintuan ay napawi na ang mga ngiti ni Charlie.
 "Crap, how did we get in here?" anito habang pinapalo-palo ang noo. "This is insane! Paano kapag nalaman 'to ni Chryzelle?"
 "Talk to your girlfriend. Paliwanag mo mabuti. Basta problema mo iyan! May sarili akong problema. Pucha, Charlie! Ga-graduate pa 'ko next month, inaayos ko pa mga application ko sa scholarship at sa UST. Marami pa 'kong kailangang gawin at isipin, pero...ano 'to? May asawa na 'ko bigla!"
 "Shh! Not to loud," saway nito ata saka siya hinila sa loob ng kuwarto nito. "Mukhang mahabang oras magpapahinga si Lolo. May oras pa para maglipat ka ng mga gamit mo dito sa bahay. "
 Tumango siya. "Wait. Saan pala ako matutulog?"
 "Dito. May asawa bang magkahiwalay ng kuwarto?"
 Hinampas niya ito. "Hindi talaga tayo mag-asawa, loko! Bigyan mo 'ko ng sariling kuwarto!"
 "Baka mahalata ni Grandpa."
 Shit. Oo nga. Argh! Paano ba 'to? Ang dami pa lang arrangements para sa pagpapanggap na ganito.
 Noong isang araw lang ay masayang-masaya siya dahil wala na siyang poproblemahing thesis at tuluy-tuloy na ang pag-graduate niya. Pero ngayon, heto siya. Instant wife ng most hated person niya.
 Kundi ba naman palabirong talaga ang tadhana!
 "Oh! I got an idea!" Ang laki ng mga ngiti nito. Parang umilaw ang bombilya sa ulo. "Okay. We let him think that you're really sleeping in another room. Napagpasyahan natin kunwari na kahit kasal na tayo, hindi ka pa rin nakakatapos ng pag-aaral mo kaya nasa ibang kuwarto ka pa until graduation. Para hindi tayo matukso."
 Napangiti si Erica at nakipag-high five dito. "Jusko, Charlie! Ganyan nga! Magiging kaibigan na kita kung ganyan ka lagi mag-isip. Tama. Gusto ko 'yang idea mo. Good, good."
 "So, we still have one month to prepare for our 'wedding' and be comfortable with each other. Tatlong buwan mananatili sa Pilipinas si Grandpa. So... let's just make him happy."
 Tumango siya. Hindi na siya mag-i-inarte pa. Nandito na siya sa sitwasyon at ang kailangan na lang ay panindigan iyon. Tatlong buwan lang naman silang magpapanggap ni Charlie. Not bad.
 Tiningala niya si Charlie. "Ipanalangin mo na makatagal ako sa'yo at hindi tayo mabuko ni Lolo Carlos. Ha? Umayos ka, Charlie."
 "Umayos? Maayos naman ako, ah? Ikaw ang manalangin na huwag kang ma-in love sa'kin sa mga gagawin natin. Kahit alam kong mahirap ang hindi mahulog sa isang katulad ko."
 Ang yabang talaga ng kurimaw! "Ha? Ano? May sinasabi ka ba?"
 He chuckled and pinched her cheeks. "Just a reminder. Don't fall in love with me, Erica. I won't be able to catch you."








CHAPTER FOUR
Sa tingin ni Erica ay lawit na ang dila niya habang hinihila ang mga maleta paakyat ng hagdan. Tumatagatak ang pawis niya. Pati sa kili-kili. Shet.
"Ang dami mo yatang gamit. Dito ka na titira forever?" mapang-asar na sabi ni Charlie.
Ang hinayupak, di na nga siya tinutulungan, nang-aasar pa.
"Lumayas ka nga sa harap ko kung di mo ko tutulungan." Nagpalinga-linga siya nang nasa gitna na siya ng hagdanan. "Si Lolo Carlos?"
"Umalis kasama nila Daddy." Humalukipkip ito. Hindi pa rin siya tinutulungan. Talaga naman, oo!
Hingal na hingal siya pagka-landing sa second floor. Dalawang maleta lang naman ang magkasabay niyang hinila paakyat. At pinapanood lang siya ni Charlie!
"Hay nako, Mama!" bulalas niya na lang sarili. Ang Mama niya kasi ang nag-empake ng mga gamit niya. Pagkapunta niya sa dorm sa Manila ay nandoon ang Mama niya. Nagbayad na ito ng huling bayad niya sa landlady at inayos ang mga gamit niya.
Kaunti lang ang mga gamit niya sa dorm at iyon lang ang balak niyang ilipat kanila Charlie. Ngunit sinama pa yata ng Mama niya ang ilang gamit niya na nasa bahay nila sa Amora.
"Doon ang kuwarto mo," turo ni Charlie sa pinto ng kuwarto na katapat nito.
"Hindi mo man lang ba ko tutulungan dito?" sarkastikong wika niya.
Ikiniling nito ang ulo. "Kaya mo na 'yan," nakangising sabi nito at saka tumalikod na. "Aalis pala ako. Ikaw muna bahala sa bahay."
"Saan ka pupunta, uy!" Baka biglang dumating si Lolo Carlos at hanapin ito. Dapat pa naman, magmukha siyang know-it-all kay Charlie dahil siya ang dakilang asawa.
Nilingon siya nito. "May pag-uusapan lang kami ni Chryzelle."
Ah. Pupunta sa girlfriend. "Sige, sige. Basta bumalik ka agad. Ano sasabihin ko kay Lolo Carlos 'pag hinanap ka?"
Nagkibit ito. "Bahala ka na. Babalik naman ako kaagad."
She rolled her eyes. Magsisinungaling na naman siya, tengene. Pagkaalis nito ay tumuloy na siya sa magiging kuwarto niya. And wow, in all fairness, pagkapasok niya sa kuwarto ay maganda at malinis na malinis iyon.
Napangiti niya at agad na sumubsob sa malaki at napakalambot na kama. Humugot siya ng malalim na hininga at napapikit.
Hindi pa nila alam kung hanggang kailan mananatili si Lolo Carlos doon. Pero habang nandoon ang matanda ay hindi sila dapat mabuko ni Charlie.
Hanggang saan kaya sila tatagal ng lalaking iyon?
Bigla niyang naalala ang sinabi nito sa kanya kaninang umaga. Huwag daw siyang ma-fall in love rito? Tss. Paano naman mahuhulog ang loob niya rito, eh ang bigat-bigat ng dugo niya rito? Kita nga at hindi man lang nagpaka-gentleman kanina!
"Wala ka nang pag-asa tumino, Charlie," inaantok na sabi niya kahit wala naman doon ang lalaki. Napahikab siya at tuluyan nang nakatulog.
Nagising lang siya dahil sa isang tinig.
"Charlie? Charlie?"
Naalimpungatan si Erica dahil papalapit nang papalapit ang tinig na iyon. Boses lalaki. Hindi boses matanda. So, hindi si Lolo Carlos.
"Charlie! Nasaan ka? Pautang naman, o!"
Bumangon si Erica at kinukusot-kusot pa ang mga mata na binuksan niya ang pintuan.
May isang lalaking nasa tapat ng kuwarto ni Charlie at kumakatok.
Napahikab siya ng malakas kaya napalingon sa kanya ang lalaki. Biglang natigilan si Erica. Fucking shit! It's Reynald! Charlie's handsome cousin! 
Fun fact, crush na crush niya ito mula pa yata fetus siya. 
"Nandito ka pala. Hi, Erica!" nakangiting bati nito sa kanya.
Napatuwid siya ng likod at pasimpleng hinawi ng kamay ang gilid ng bibig. Hindi naman sigurop tumulo laway niya kanina sa pagtulog? Good. "Reynald! Oh my gosh. Long time, no see! How are you?" Gustong sabunutan ni Erica ang malanding tinig na kusang lumabas. 
Kasama na ang mga mata nito sa pagngiti. "I'm fine...well, kinda broke. Mangungutang sana ako sa asawa mo."
Nanlaki ang mga mata niya. "Hindi ko asawa si Charlie!" malakas na sabi niya at saka napahawak sa bibig. Nagpalinga-linga siya. Nandito na kaya si Lolo Carlos?
Natawa si Reynald. "I know. Nakuwento niya sa'kin ang 'sitwasyon' niyo kanina sa telepono. Don't worry. Wala pa yatang tao rito. Grandpa Carlos isn't here yet."
Doon lang siya nakahinga nang maluwag. "Buti na lang." 
"So, where's your husband?"
Hinampas niya ito sa braso. Pero very light lang. "Ano ka ba? Hindi ko naman totoong asawa 'yun. Umalis pala siya. Siguro mga two hours ago? Pupuntahan niya daw si Chryzelle."
"Ah," tumatango-tango ito. "Kaya pala hindi ko ma-contact sa phone. He's busy flirting."
"Korek. Kung gusto mo, puwede mo naman siya hintayin." Napakatamis ng mga ngiti ni Erica. Panget man ang umaga niya, bawing bawi naman iyon ngayong hapon.
"Mukha ngang maghihintay na lang ako. Ang hirap talagang mangutang." He boyishly grinned and scratched his head.
Nagwala ang malalanding cells ni Erica na mahimbing ang pagkakatulog. Actually, si Reynald ang opposite ng gusto niya sa lalaki. Mahilig kasi siya sa mga mukhang misteryoso at mukhang suplado.
Pero si Reynald ay hindi madamot sa ngiti, madaldal, at kahit waley mag-joke, tatawa talaga siya dahil dumudoble ang kaguwapuhan nito sa paningin niya. Siguro kapag sinisinta talaga, laging may excemption. Reynald is a good catch. Sa universal definition ng guwapo, malakas ang appeal, at magaling pumorma, pasok na pasok ang lalaki! 
Hayy... Nasabi niya ba kung gaano kaganda ang mga mata nito? Idadagdag niya pa ba kung gaano ito kabait at ka-gentleman?
Napakalayo ng agwat nito at ni Charlie pagkarating sa personalidad. Kahit laging magkasama ang magpinsan at mag-bestfriend pa yata ang dalawa, ay ibang iba si Reynald.
While Charlie was busy pissing her off, Reynald can effortlessly make her day alright. 
Ang kaso, ang napakalaking hadlang sa pagsinta niya kay Reynald ay... ang long-time girlfriend nito. 'Yun lang. Hindi tuloy siya makalandi galore rito.
 Erica knows her limits, anyway.
 "Sige, Reynald. Hintay ka lang kung saan mo gusto. Mas kabisado mo naman 'tong bahay ni Charlie. Asikasuhin ko lang 'tong mga gamit ko." Hinila niya ang dalawang maleta niya na hindi niya pala napasok kanina sa kuwarto. Talagang iniwan niya lang iyon sa labas ng pinto niya.
 "Sure. But first, I'll help you with that." Kusa na nitong hinila ang mabibigat niyang maleta papasok sa kuwarto niya.
 Ay talaga naman! Lalong umusbong ang pagkagusto niya rito. Kahit hindi na kailangan, tinulungan pa rin siya. Reynald is such a nice guy! Hindi katulad ni Charlie. Pwe.
 "S-Salamat..." Inipit niya ang ilang hibla ng buhok sa likod ng tainga. 
 Ngumiti ito at lumabas na agad ng kuwarto niya. "Sa garden na lang ako maghihintay. Call me, if you need some help. Nabanggit nga ni Charlie na ngayon ka lilipat rito."
 "Sige. Ayos lang naman ako! Bababa ako pagkatapos ko rito."
 "Alright! I'll just wait for you downstairs if that's so."
 Pagkalabas nito ay mangisay-ngisay si Erica sa kilig. Tangina, jackpot!
 Ang saya-saya niya habang inaayos ang mga gamit. Binilisan niya agad ang pag-aayos niyon. Pero pagkatapos ng isang maleta ay tumayo na siya at nag-retouch ng make up, nagsuklay ng buhok, at nagwisik ng pabango.
 Pagkababa niya sa garden ni Charlie ay nandoon nga si Reynald at kumukuha ng mga litrato gamit ang DSLR nito.
 Nag-offer siya ng juice. Pumayag ito at agad siyang nangialam sa ref ni Charlie. May fresh lemon juice siyang nakita. Pagkabalik niya ay nagkuwentuhan silang dalawa ni Reynald. Hindi na maalis ang ngiti sa mga labi niya.
 "Mahilig ka sa mga halaman, hindi ba?" ani Reynald.
 "Oo. Bukas nga darating iyong mga inaalagan kong halaman sa dorm. Pinalipat ko rin dito dahil mukhang matagal-tagal kaming magbabahay-bahayan ng pinsan mo."
 Reynald chuckled. "Hindi talaga ako makapaniwala na napunta kayo sa ganitong set-up ni Charlie. Although hindi ko lolo si Grandpa Carlos, malapit na rin siya sa'kin dahil tuwing naglalaro kami ni Charlie nung mga bata pa kami, siya ang nagbabantay sa'min. He's really a cool and good old man."
 Napangiwi siya. "Oo nga, eh. Ramdam ko rin. Kaya nga sobra ang konsensya ko sa pinalabas namin. Ewan ko ba kasi talaga sa mga parents namin kung anong trip nila, eh."
 "Mahina na rin si Grandpa, gusto niya lang rin talagang matupad ang pangako nila ng lolo mo. Just make him happy while he's still here. Indulge his dream." Ngumiti ito. "Galingan niyo na lang ni Charlie."
 "Kung magkakasundo talaga kami, hindi kami mabubuko rito, pramis."
 Natawa ito. "Just bear with Charlie. Huwag mo nang sabihin na sinabi ko 'to pero mabait din naman iyon...sa sarili niyang paraan." Natawa na naman ito. "Man, I can't believe I'm saying Charlie's nice."
 Natawa na rin siya. "Pinsan mo iyon, eh. Siyempre mabait sa'yo pinsan mo. Pero sa'kin, nagiging hayop siya talaga." Napasimangot siya bigla. "Panget ng ugali kapag ako kaharap. Ang yabang-yabang pa!"
 Reynald burst out laughing again. "That's Charlie, alright." Napailing-iling ito. "I'm sorry if he's offended you in anyway. But give him a chance. He can be a really good friend."
 "Wag na lang, 'no. Tayo na lang ang friends."
 He flashed his gorgeous smile again. "By the way, you're graduating? I heard, itutuloy mo sa proper med ang course mo?"
 "Yep! I've been dreaming to be a psychiatrist, really."
 "That's awesome! I'm still taking my proper med in UST. Yeah, hindi pa 'ko tapos," parang nahihiyang sabi nito.
 "Okay lang iyan! At least, tinatapos mo pa rin. Pero, wait. UST? Doon ka nagme-med school?" Nagbubunyi ang puso ni Erica. "Doon din ako papasok, Reynald."
 "Whoa! Cool! I'll see you there, then!" Nagtaas ito ng kamay at nakipag-high five sa kanya.
 Natutuwa si Erica sa mga nangyayari. Papasok na siya sa dream med school niya, Malaki pa ang pag-asa na madalas niyang makikita si Reynald. Gusto niyang tumili sa kilig. Mahal na mahal siya ni Lord!
 "Kumusta na pala kayo ng girlfriend mo? What's her name again?" pasimple niyang tanong.
 "Oh. It's Alia. Well, we're... fine." Napayuko ito at nilaro-laro ang wala nang lamang baso. "Madalas na kaming magtalo, lately. But we're fine. Normal lang naman siguro iyon."
 Inobserbahan niya ang ekspresyon nito habang sinasabi iyon. Hmm. Nangangamoy "on-the-way-to-hiwalayan". Sa tono ng pananalita ni Reynald mukhang problemado ito sa girlfriend.
 "Hiwalayan mo na kung toxic na ang relationship."
 Napaangat ito ng tingin sa kanya. "Nah. We can still work it out, I guess. Nagbago lang ang behaviour ni Alia lately. But, I'll just understand her." 
Natunaw ang puso ni Erica sa sinabi nito. Saan pa ba makakakita ng boyfriend na katulad nito? 
Bumalik na ang mga ngiti ni Reynald. "Speaking of girlfriend, does Charlie's girl knows about your set-up?"
 "Malay ko. Baka ngayon pa lang sinasabi ni Charlie."
 He nodded. "Chryzelle's a flight stewardess. Madalas siyang wala dahil international flights ang hawak niya. Minsan lang sila magkita ni Charlie talaga. Though, they have been together for six years now."
 "Ang tatag nga, eh. Paano ba nabola ni Charlie iyon?"
 "I'm also wondering."
 Nagkatawanan sila.
 "Anyway, I hope she can understand your situation. You know, girls are overacting things most of the times. Baka magselos or what."
 Napaismid siya. "Wala siyang kailangang ipagselos sa'kin dahil nunca na agawin ko si Charlie sa kanya." Ikaw pa, puwede. "Pag natapos lang talaga 'to, ibabalik ko pa sa kanya si Charlie ng naka-gift wrap."
 Tumingin ito ng mataman sa kanya. "You really don't like Charlie?"
 Umiling siya at kunwaring kinilabutan. "I never liked him. And I will never ever do."
 "Hindi dapat nagsasalita ng tapos."
 Sabay silang napalingon ni Reynald nang marinig ang tinig na iyon.
 Natirik ni Erica ang mga mata. "Kapag sa'yo. Charlie, I can easily conclude things."
 Lumapit ito at ginulo ang buhok niya. "Same to you, crazy wife."
 "Ikaw ang crazy!" Tinulak niya ang kamay nito. "Layo mo iyang kamay mo. Mamaya kung saan-saan mo hinawak iyan. Galing ka pa naman sa girlfriend mo."
 Natawa ito at kinurot ang magkabila niyang pisngi. "Your thoughts are dirty, aren't they? By the way, my hands are clean. As a chef, I have a good sanitary management."
 "Blah, blah, blah," aniya rito.
 Nanggigil na kinurot nito ang mga pisngi niya at saka bumaling kay Reynald. "And what are you doing here, bro?"
 "Mangungutang lang, bro."
 "Magkano?"
 "Isang milyon."
 "Okay."
 Tulala si Erica. Ganoon ba talaga kapag mayayaman? Isang milyon?! Ganoon kalaki ang inuutang?
 "Pautang din ako, Charlie!" nakangising sabi niya. "Dalawang milyon."
 Pinitik siya nito sa noo.
 "Aray!" daing niya dahil sa sorbrang sakit. "Tangina!"
 Natawa ito. "Watch your mouth, Erica Viktoria."
 Mabilis siyang tumayo sa ibabaw ng upuan at pinitik rin ito sa noo nang malakas.
 "Ouch! Fuck!" mura nito habang sapo-sapo ang nasaktang noo.
 "Watch your mouth, Charles Lyndon."
 Pigil na pigil ni Reynald ang tawa nito habang pinapanood sila.
 Inalog ni Charlie ang upuan na kinatatayuan niya at napasigaw siya nang muntik na siyang mahulog roon. Mabilis siyang napayapos sa leeg nito.
 "Walanghiya ka talaga, Charlie! Animal ka!" Sinabunutan niya ito ng isang kamay at napamura ulit ito sa sakit.
 Kinabahan ng todo si Erica dahil muntik na talaga siyang mahulog kanina kundi lang siya maagap. Malaki rin ang agwat niya sa semento.
 Napangiwi si Reynald. "Uhh... guys?"
 "Kaya hinding-hindi ako magkakagusto sa'yo, eh! Para kang hindi mas matanda sa'kin! Paano kung nahulog ako sa upuan? Nabagok ulo ko? May ipapalit ka ba sa'kin sa mundong 'to?"
 "Ouch! Stop it, Eri-ouch!"
 "Makalbo ka sanang animal ka, hayo---"
 "What's happening here? Charlie? Erica?"
 Napahinto si Erica sa ginagawa at parang nabato rin si Charlie sa kinatatayuan. Si Lolo Carlos!
 Napasinghap si Erica nang bigla siyang yakapin ni Charlie sa baywang at buhatin pababa ng upuan. 
 "I'm sorry, baby..." Charlie softly said.
 Nanlaki ang mga mata niya. Ano daw?!
 Hinalikan siya nito sa noo pagkuwa'y itinaas ang baba niya. "I'm sorry, baby. Hindi ko sinasadya. Hindi ko na uulitin ang ganoong biro. I'm sorry..." sinserong sabi nito sa mas malakas na boses.
 Pasimple siyang tumingin kay Lolo Carlos na nakatingin din sa kanila. Kunwari ay hindi niya ito napansin. Agad na bumalik ang tingin niya sa mga mata ni Charlie.
 "O-Okay lang, b-baby... I-I overreacted. Sorry. N-Natakot k-kasi ako. Ang taas ng upuan," pakikisakay niya na lang. Kailangan galingan ang pag-arte!
 Ang likot na ng mga mata niya pero si Charlie ay sa kanya lang nakatingin. His eyes were looking at her with care. "I'm really sorry." Hinalikan siya nito sa pisngi. "Bati na tayo, alright? No more jokes like that."
 Tumango siya. Putragis! Magaling umarte ang animal! Napaka-convincing nang tinig nito at maging ang pagtingin sa kanya. Parang... parang totoo.
 Hinaplos nito ang kanyang pisngi at hinuli ang kanyang mga mata. "I love you, Erica."
 Kumabog nang malakas ang puso niya. Napakurap siya ng ilang beses. Ano ito? Ano ito? Bakit nagre-react ang puso niya? Bakit? Paano?!
 "C-Charlie..."
 Mas naging malambing ang mga tingin nito. "Hmm?"
 Pinakalma niya ang puso at nakita na naman sa peripheral vision niya ang lolo nito.
 Napalunok siya. "I l-love you, t-too."
 Charlie smiled and kissed her cheek again. "Sorry ulit, baby. Di na po mauulit," malambing na sabi nito at kinabig siya payakap.
 Lalong lumakas ang kabog ng puso niya. Ugh. Grabe pala siyang kabahan. Tama, kinakabahan siya. Muntik na silang mabuko ng lolo nito kung tuloy-tuloy pa silang nag-away doon!
 Malakas na tumikhim si Lolo Carlos.
 "Gramps!" bulalas ni Charlie na parang nagulat ito. "Nandyan po pala kayo?"
 Napatingala siya rito. Ang galing naman talaga umarte!
 Nakangisi na sa kanila ang matanda. Tila sobrang nag-enjoy sa munti nilang palabas. "Kanina pa. At mukhang hindi niyo ko narinig."
 "Aw! So you have seen our little fight? Sorry about that gramps," Charlie pulled her by the waist. "Erica and I always had our jokes a little bit messy and childish."
 "Oh. That's fine, that's fine. Maybe that's your love language. Ang magpikunan at asaran." Mas napangiti ang matanda at kumislap ang mga mata. "Your grandmother and I were like that as well. Ang mahalaga ay mabilis kayong nagkakabati."
 Kunwaring napaubo na si Reynald pero kanina pa talaga nagpipigil ng pagtawa. 
 "Ah, Reynald! Ang tagal na nang huli kitang makita, hijo," sabi ni Lolo Carlos. "Come. Kuwentuhan mo 'ko at iwan muna natin ang mag-asawa."
 "Yes, Grandpa."
 Makahulugang sinulyapan sila ni Reynald bago ito sumama kay Lolo Carlos.
 "Whew! That was close," ani Charlie saka nagpahid kunwari ng pawis sa noo. Mabilis na siya nitong pinakawalan.
 Medyo tulala pa rin si Erica sa nangyari. Dapat pala ay masanay na siya umarte ng ganoon ka-"sweet" kay Charlie kapag nandyan si Lolo Carlos.
 At may tinatago pa lang lambing 'tong Charlie na 'to! Nakalimutan niya na ang muntikang pagkahulog sa upuan na sadyang ginalaw nito. Ramdam na ramdam niya pa rin ang halik nito sa noo at pisngi niya.
 Pucha. Kailangan niya nang maghilamos!
 "Huwag mo nang uulitin iyong kanina!" mahinang saway niya na rito. "Hindi magandang biro iyong sa upuan."
 Tumalikod na siya at nagmartsa pabalik sa kuwarto. Ngunit napigilan siya nito sa braso.
 "Erica..."
 Napalingon siya rito.
 He shyly smiled. "I'm really sorry about that. Sumobra na siguro ako sa ganoong prank. Totoo ang sinabi ko kanina, hindi na mauulit," he sincerely said.
 Tumango lang siya at binawi na ang braso. Nagmamadali na siya sa pagbalik ng kuwarto. Hindi pa rin kasi humihinto sa mabilis na mabilis na pagtibok ang puso niya.
 And something inside her was telling that it's not a really good response... if Charlie was the cause.






 
CHAPTER FIVE
NAGHIHIKAB pa si Erica habang bumababa ng hagdan. It's breakfast time already. Kinatok siya ni Charlie kanina para sabihing kailangan nilang mag-agahan kasabay ni Lolo Carlos.
 Habang pababa ng hagdan ay may nahagib ang mga mata niya sa isang sulok niyon. It's a small light brown or orange thing. It's furry and...moves!
 Napatili nang malakas si Erica at biglang nagkaroon ng pakpak ang mga paa niya. Hindi niya alam kung paanong ang bilis niyang nakababa at humangos sa kusina ni Charlie.
 "May daga! May daga!"
 Gulat na napalingon sa kanya si Charlie. Naka-apron ito at may hawak na pot holder. "Ano na namang kabaliwan iyan, Erica?"
 "May daga 'tong bahay mo! Nasa hagdanan! Tumatambay!" Ayaw niya talaga sa mga ganoong creatures.
 Napakunot-noo ito at hinanaan ang apoy ng kalan. "What mouse are you saying?" Natigilan ito bigla. "Is it a little creature with light orange fur?"
 "Oo! Iyon nga!" Nagtayuan ang balahibo sa katawan ni Erica.
 Sa gulat niya ay tumawa si Charlie. "That's not a mouse, you crazy girl."
 "Eh, ano pala? 'Rat' lang?" sarkastikong sabi niya.
 Pinatay na nito ang kalan at maingat na nilipat ang niluluto nito sa isang malaking plato.
 "That's a hamster."
 "Daga nga!"
 "Which is much cuter and lovable. Hmm." Tinanggal nito ang suot na apron. "Mukhang nakawala na naman si Jerry."
 Her forehead creased. "Jerry?"
 "My hamster. Baka siya ang nakita mo sa hagdanan. Wait here."
 Tulala si Erica. What the?! 
 Mabilis lang nakabalik si Charlie sa kusina pagkalabas nito. "Erica, meet Jerry."
 Napasigaw na naman si Erica at napalayo nang makita kung ano ang hawak ni Charlie.
 "That's OA already."
 "Putragis, ilayo mo sa'kin iyan!"
 Hinaplos-haplos ng daliri nito ang likod ng hamster. "But Jerry is the cutest thing in the world." Pagkuwa'y nilapit pa nito sa kanya iyon.
 Napatili na ulit siya. Saka tumawa ng malakas si Charlie.
 "Well, Jerry, you shouldn't be roaming around. This small lady here is afraid of you," pagkausap nito sa alaga.
 "Bakit ka ba kasi may ganyan?" Medyo kalmado na siya pero malayo pa rin ang agwat niya kay Charlie na hawak pa rin si Jerry.
 "Is keeping a hamster a sin?"
 "Letse! Ibalik mo na iyan sa kulungan niya. Utang na loob." Tinitigan niya iyon at agad na pansin ang dalawang malaking ngipin ng hamster na nakalabas.
 "Touch him, Erica. He does not bite. He's just a baby. I got him three months ago. Well, Chryzelle got him for me."
 "Pagsabihan mo naman iyang girlfriend mo. Aso na lang sana niregalo sa'yo! Hamster? Aanhin mo ang hamster?"
 Napakunot-noo na rin si Charlie at nilapit sa dibdib nito ang alaga. "You're too harsh. Jerry can hear you." Niyuko nito ang alaga. "Don't mind her, Jerry. You're still my best pal."
 Naikot niya ang mga mata. Kahit ano talagang pilit niya sa sarili ay nandidiri siya kay Jerry. Hamster man ito o ano, daga pa rin ito sa paningin niya.
 "Oh well, you prepare the table. Kaya mo naman siguro? I'll wake Grandpa. And feed Jerry for a while."
 Kumilos lang si Erica nang makalabas na si Charlie kasama ang alaga nito. Inalog-alog niya na lang ang ulo upang makalimutan ang takot sa mga kalahi ni Jerry.
 Pagkababa ni Charlie ay tapos niya nang ayusin ang lamesa. Dumiretso ito sa kusina at nakita niyang naghugas ng kamay.
 "Gising na si Lolo Carlos?" she asked.
 "Yup! He's going downstairs any minute."
 Tumango siya at umupo na sa may hapagkainan. 
 "Bakit nandyan ka nakaupo?" tanong ni Charlie nang umupo ito sa tapat niya. 
Sa sentro ng komedor uupo si Lolo Carlos kaya naisip ni Erica na sa magkabilang gilid sila pumuwesto dapat ni Charlie.
"Saan ba dapat?"
Tinuro nito ang katabing upuan. "Dito ka sa tabi ko."
"Bakit?"
Ngumisi ito. "I'm a clingy husband. Go and sit here." Tinapik-tapik pa nito ang katabing upuan.
Nagkibit-balikat na lang siya at nilipat doon ang plato at kubyertos. Mas kapani-paniwala nga naman kapag magkatabi silang kumain. Hindi maghihinala si Lolo Carlos.
Ang inaasahan niya ay ipaghihila siya ni Charlie ng upuan. Ngunit dapat talaga ay hindi na siya umaasa ng gentleman acts kay Charlie dahil maho-hopia lang siya.
Hinila niya ang upuan sa tabi nito at saka umupo doon. "Aalis pala ako mamaya. Aayusin ko lang ang final grades ko." Baka sakaling umabot pa siya ng Cum Laude.
Charlie was checking all the served food. "Which reminds me, when's your graduation again?"
"Three weeks from now."
"Alright. I'll mark my calendar."
"At bakit? A-Attend ka? Hindi ka invited, 'oy."
Umayos na ito ng upo sa tabi niya at hinarap siya. "But Grandpa wants to attend. Pa'no ba iyan?"
Napakamot siya ng noo at napapikit. "Yeah, right." Meaning, kailangan nandoon din si Charlie dahil paniguradong nakapagtataka kung wala ito sa graduation ng "asawa" nito.
"Good morning, love birds."
"Good morning, Lolo!"
"Morning, Gramps! Let's eat. I cooked your favorite omelette and French toast."
"Ah! Thank you, apo. I missed that. Walang nagluluto niyan sa'kin sa ibang bansa." Umupo na si Lolo Carlos at pinagsilbihan ito agad ni Charlie.
Ang huli ang naglalagay ng pagkain sa pinggan ni Lolo Carlos at nagsalin pa ng fresh pineapple juice sa baso.
Ang bait talaga ni Charlie kapag kaharap ang lolo nito. Parang biglang nagta-transform into a good boy.
"Apo, ang asawa mo ang asikasuhin mo. I'm gonna be fine."
Nabitin ang pagkagat niya ng pandesal nang napatingin sa kanya ang dalawa. "Nako, Lolo, okay lang po! Na-miss po kayo ni Charlie talaga kaya ganyan."
Ngumiti si Charlie at nagulat siya nang pinaglagyan din siya nito ng isang buong omelette sa pinggan niya. "Baby, have you washed your hands? Pray first, also."
"Oo naman, baby," pakikisakay niya at ang plastic na ng ngiti niya rito. Tanginang "baby" iyan. Nag-uumpisa na siyang kilabutan.
Sinalinan rin siya nito ng juice sa baso. Pagkatapos ay pinalamanan pa nito ang tatlong pandesal na nakalagay sa plato niya.
Jusko talaga! Ang galing-galing umarte na sweet at gentleman! May kinabukasan yata 'tong si Charlie sa pag-a-artista kung nagkataon! Pero siguradong lalong yayabang kaya mas mabuti nang ordinaryong tao lang ito.
"Ang sweet-sweet naman ng baby ko," kunwari ay malambing niyang sabi pero sa likod niyon ay may pang-aasar na tinig.
Ngingisi-ngisi si Charlie dahil alam nitong nang-aasar lang siya. Pinunasan nito ang gilid ng labi niyang may bread cramps. "Anything for you, baby."
Sabay silang lihim na napangiwi. The 'baby' thingy gives them both the creeps.
"Napakaganda niyo talagang tignan na dalawa. Bagay na bagay," natutuwang sabi ni Lolo Carlos habang kumakain na sila. "Gustung-gusto kong malaman kung saan kayo nagsimula. Paano kayo nagsimula? Sinong unang nagkagusto?"
Lihim na nagkatinginan sila ni Charlie. Napag-usapan na nila kung ano ang "lovestory" nila kaya naman hindi na sila masyadong nagulat at nataranta kung anong sasabihin.
"It's just the usual, Gramps," ani Charlie. "Masyadong malapit ang mga parents namin sa isa't isa. My dad's the bestfriend of her father. Lahat na yata ng espesyal na okasyon sa mga pamilya namin ay lagi kaming nagkikita ni Erica. And most of the times, love blooms before you knew it."
Lagi nga silang nagkikita ni Charlie, bata pa lang si Erica. Actually, ang magkaibigan nga at magkasundo ay ito at ang Kuya Tobias niya. At nang umalis na ang Kuya niya at nangibang bansa, lagi niya pa ring nakikita si Charlie. Kaso, hindi "love" ang nag-bloom. Kabaliktaran niyon.
"Sinong unang nagkagusto?"
Natigil sa pagnguya si Erica. Patay. Hindi nila napag-usapan iyon.
"Si Charlie po. Siya ang nanligaw, eh," mabilis na naisip niya.
"Really, baby?" Charlie's playfully smiling now. "Ang sabi mo sa'kin, bago pa 'ko manligaw, matagal mo na 'kong gusto? Nahihiya ka lang sabihin? Kaya nga nang niligawan kita, sinagot mo 'ko agad, hindi ba?"
Nanlaki ang mga mata niya at pigil na pigil siyang sapakin ito. Tangina nito. "No, baby. Hindi ganoon iyon. Ikaw kaya ang patay na patay sa'kin!" ganti niya at saka matamis na ngumiti. "Tignan mo nga, ang bata-bata ko pa pero hindi ka na nakatiis na ligawan ako? Ngayon pa nga lang ako matatapos ng college."
"Oh, come on. Don't be shy, baby." Kinurot nito ang kaliwang pisngi niya. "Kaya kita niligawan dahil nahalata ko na kung gaano mo kagusto noon. As a gentleman, I don't want you to iniate, so I did a move para hindi na ikaw ang mahirapan."
Ah, punyeta! Kasinungalingan! 
Tumawa siya kunwari at saka pabirong tinulak ang mukha nito. Ngunit nilakasan niya iyon nang kaunti. "Charlie, ha. Huwag mong guluhin si Lolo. Ikaw ang patay na patay sa'kin. Inamin mo kaya iyon nang desperadong-desperado ka nang makuha ako." Bumaling siya kay Lolo Carlos. "Marami po kasing nanliligaw sa'kin noon, Lolo, na puro kaedaran ko at mas batang talaga kay Charlie. Medyo na-insecure po si Charlie dahil mga college boys ang kalaban niya. Very young and fresh."
Napansin niya ang pamimilog ng mga mata ni Charlie. "Ako? Ma-i-insecure? Baby, ikaw ang nagselos nang may lumapit sa'king sexy na babae. Kahit may tinanong lang naman. Possessive ka na noong nililigawan pa lang kita."
"Sorry, baby. Ikaw ang clingy, hindi ba?" Hinampas niya pa ito sa braso. "Nang naging tayo nga, sabi mo 'dream come true' kaya halos ayaw mo 'kong mawala sa tabi mo. Huwag ka na mahiya. Umamin ka na kay Lolo na ikaw talaga ang unang nahulog sa kagandahan ko. Go on, baby." Pinigilan ni Erica ang mapahalakhak dahil natatalo na si Charlie sa gawa-gawa nilang istorya. 
Nakatitig lang ito sa kanya. Halatang wala na itong maisip na pambara pabalik. Ha! Loser.
Lolo Carlos laughed. "I must have asked the wrong question. Let me rephrase that. Who fell in love first?"
Ngiting aso na si Erica. "Si Charlie po talaga, Lolo." Pabirong hinaplos niya ang pisngi ng 'asawa'. "Right, baby?"
Sumingkit ang mga mata nito ngunit umangat ang isang gilid ng labi. Alerto si Erica dahil baka may pambara ito. Dapat mabara niya pabalik.
Ngunit nahigit niya lang ang hininga nang hinawakan ni Charlie ang kamay niya, pinaghugpong ang mga daliri nila, at saka siya nginitian nang mas malambing, mas totoo...may pagmamahal...
Tangina.
"She's right, Grandpa."
 Napakurap si Erica. A-Anong nangyayari? Bakit ang ganda ng mga ngiti nito? Bakit ang lakas maka-guwapo?
 Shit. Guwapo pala ang kurimaw!
 Nanigas si Erica nang halikan ni Charlie ang likod ng palad niya. Sakai to humarap kay Lolo Carlos. "I was the one who fell in love first."
 Nahigit niya ang hininga nang sa muling paglingon sa kanya ni Charlie ay punung-puno ng pagmamahal ang mga mata nito.
 Napayuko na lang siya bigla. Hindi na naman normal ang tibok ng puso niya.
 "That's good to know. Tayong mga lalaking Ditangco talaga ang unang nahuhulog at nagmamahal hanggang dulo." ANg laki ng ngiti ng matanda. He looks like very proud of his grandson. "Good job, hijo."
 Tumingin sa kanya ang matanda kaya napailitan siyang ngumiti.
 "You're in good hands, Erica. That's for sure."
 Kay Charlie? In good hands siya?
 Napatingin siya kay Charlie na hawak pa rin ang kamay niya. Nakatingin na rin ito sa kanya pero nagbalik na ang nakakaasar na ngisi.
 "See, baby? You're in good hands with me."
 Wala kang maloloko rito! "O-Oo naman, baby."
 "I know also that you fell in love next, because you just can't resist my charm. Right? I'm too irresistible." Kinurot na naman nito ang pisngi niya.
 Tumawa siya kunwari at kinabig niya ang ulo nito palapit. May binulong siya rito habang busy sa pagkain si Lolo Carlos. "Punyeta ka, baby. Tumigil ka na."
 Ang lakas ng tawa nito at binitiwan na ang mga kamay niya. "Crazy," bulong nito pero halatang pinaabot sa pandinig niya.
 Palihim na inirapan niya lang ito at binilisan niya na ang pagkain. Mabuti na lang at hindi na nagtanong pa ng kung anu-ano si Lolo Carlos. Nag-usap lang ang dalawa tungkol sa trabaho ni Charlie.
 Pagkatapos niyang kumain ay mabilis na siyang nagpaalam. Nag-ayos siya kaagad pagkarating sa kuwarto. After an hour and a half, she's ready to go. Pagbaba niya ay malinis na ang hapag pati ang kusina.
 Nakita niya si Charlie na may inaayos sa ref nito.
 "Nasaan si Lolo?"
 Napalingon ito. "Nagpahinga muna. May pupuntahan rin siya mamaya kasama sina Dad ulit."
 "Alright. Got to go!" Tumalikod na siya at akmang aalis nang magsalita ulit ito.
 "Anong oras ka uuwi?"
 Hinarap niya ito. "Mga hapon siguro. Dadalhin na kasi rito ang mga halaman ko mamaya. Aayusin ko pa sila sa garden."
 Tumango ito. "Very well. I'm going later also."
 "Punta ka sa girlfriend mo?"
 "Yeah."
 "Geh. Go lang." Tumalikod na siya pero napaharap na naman rito nang may maalala. "Ano nga palang sabi ng girlfriend mo tungkol sa set up natin?"
 Nag-iwas ito ng tingin at napatingala sa kisame. "Wow. Cobwebs everywhere. I need to call a house cleaner."
 Napatingala rin siya. Wala namang cobwebs. May nakikita ba itong hindi niya nakikita?
 "Hoy, Charles Lyndon, anong sagot mo sa tanong ko?"
 Tumalikod ito at nagkunwaring may inaayos na mga kasangkapan. 
 Ah. May tinatago sa kanya ang binata. Hmm. 
 Nagkibit-balikat na lang siya at umalis na roon. Siguro kaya hindi nito masagot ang tanong niya dahil negative ang response doon ng girlfriend nito? 
 Sa malamang, oo. Tsk tsk. Bahala na si Charlie. Basta hindi niya problema iyon. Pagkalabas niya ng gate ng bahay ay saktong may humintong kotse sa tapat niyon.
 Kusang napangiti si Erica nang lumabas si Reynald mula roon.
 "Hello, Reynald!"
 "Hi, Erica!" nakangiting bati nito pabalik. "Nandyan si Charlie?"
 "Yup! Sa loob. Mangungutang ka ulit?" biro niya.
 Natawa ito. "May ibibigay lang ako sa kanya. Aalis ka ba?"
 "Punta ako sa school. Mag-aayos lang ng grades. Baka kasi pasok ako sa Laude at mahabol pa," kuwento niya rito na kahit kay Charlie ay hindi niya sinabi. 
 "Nice, nice! Gusto mong sumabay? Pa-Manila rin ang way ko. Punta naman akong UST."
 Pumalakpak ang tainga ni Erica. "Oo naman! Sige. Para tipid ako sa pamasahe."
 Nag-thumbs ito at saka mabilis na pumasok sa loob ng bahay. Agad naman itong nakalabas pagkatapos may iabot daw kay Charlie. Pinagbuksan siya nito ng pinto ng kotse.
 Kinikilig si Erica. Tuluyan nang natabunan ang kilabot na naramdaman nang halikan siya sa kamay kanina ni Charlie.
~o~o~o~
"IKAW, Lala, dito ka. Ayan. Perfect."
 Inusod ni Erica ang isang paso nang halaman sa dulo ng garden. "Dindin, dito ka naman para kapag sumikat ang araw, ikaw ang unang matatamaan."
 Inisa-isa niya ang pagpoposisyon sa mga halaman niya. Sampung paso lahat iyon at lahat iyon ay pinangalanan niya para hindi siya malito.
 "Gigi, dito ka naman sa malapit sa gripo para masipsip mo kahit yung mga natapon na tubig. Healthy sa'yo 'yun. Lalo na lagi kang dry lately."
 Matindi ang sikat ng araw ng hapong iyon pero hindi iyon nakapigil sa kanya para hindi ayusin ang mga halaman niya at bigyan ang mga ito ng magandang puwesto sa pansamantalang tirahan nila. 
 At siyempre pa, sobrang good vibes siya ng araw na iyon dahil nakakuwentuhan niya si Reynald nang matagal nang hinatid siya nito at na-traffic sila sa may Recto. Pagkatapos ay umabot pa ang grades niya sa pagiging Cum Laude! Yes! Nagbunga ang lahat ng paghihirap niya sa kurso!
 "Alam mo, Jojo, Cum Laude ako," pagkausap niya sa isang halaman na namumunga ng maliliit na sili. "Yes. Thank you. Alam kong proud kayo sa'kin. Dahil kayo ang kasama ko sa dorm nang umiiyak ako kakaintindi sa DSM 5." Ang tinukoy niyang libro ay ang tinuturing na "bible" ng lahat ng psychology majors.
 All the things that a psych student needs to know are written in the DSM 5.
 "Lala, Dindin, Gigi, Jojo, Mimi, Nene, Sasa, Toto, Jepjep, at Koko," tawag niya sa lahat ng alagang halaman. Binilang niya kung kompleto. "Okay! Ayos na kayo. Bukas, didiligan ko kayo ng maagang maaga. Alright!"
 "You are really crazy! Why the heck are you talking with your plants? And you named them one by one, huh?" Natawa ito. "Crazy crazy girl."
 Napalingon siya at dahil good mood ay hindi siya naimbiyerna sa pagmumukha ni Charlie. 
 "Magandang hapon din sa'yo. Munting paalala, kung wala kang sasabihin na ikauunlad ng iyong pagkatao ay huwag ka na lang magsalita. I thank you," nakangiting sabi niya sa pinakamahinahon na tinig.
 Sumandal ito sa hamba ng glassdoor at humalukipkip. "You seemed to be in a good mood."
 "You're talking to a Cum Laude, husband dear."
 "Oh? Congrats! Matalino ka pala."
 "Naman! Kaya nga hindi kita type, eh. I'm a very intelligent girl."
 "That names plants one by one and talks to them. Yeah."
 Inirapan niya ito. "Ikaw nga, nag-aalaga ng daga."
 Ngumisi ang loko. "Jerry is a hamster. And he's very very cute. Just like his master."
 "Isa ka ring hamster?!"
 Ang lakas ng tawa nito. "You entertain me a lot, Erica. Lalo na kapag umaarte na tayo sa harap ni Grandpa. If you could just see your face yesterday and earlier."
 "Para ka kasing tanga. Masyadong sweet! Putragis ka, naninibago ako. Para kang sinapian ng kung sino. Nagugulat na lang ako. May pa-'baby' ka pang nalalaman. Baby pa more! Letse 'to!"
 Nilagpasan niya ito at pumasok na siya ng bahay nito. She heard Charlie laughing again. Sinasabi niya na nga ba at kasama sa acting-an nila ang pang-aasar nito. Nag-e-enjoy ang tinaman ng lintik sa mga reaksyon niya! Nanadya ang hinayupak!
 Teka nga lang. Napahinto siya at nilingon ito. "Akala ko ba wala ka ngayong hapon? Sabi mo, pupuntahan mo ang girlfriend mo?"
 Natigil na ito sa pagtawa. Charlie shrugged. "She cancelled. She does not want to talk with me."
 "Ngek. Bakit? Nag-away kayo?" intriga niya.
 Nagkibit-balikat ulit ito. "Maybe. I told her about our situation and..."
 "Ayaw niya?"
 Napahagod ito sa noo. "She's not comfortable with it."
 "Eh, kung ako girlfriend mo, hindi rin naman talaga komportable sa pakiramdam. Duh? Pero gusto mo, kausapin ko si Chryzelle?" pagmamagandang-loob niya. "Para naman malinaw ko na kahit anong mangyari, hanggang pagpapanggap lang 'tong pagiging 'mag-asawa' natin."
 Umiling ito. "Don't bother. Sarado na isip niya, If that's the case, wala na siyang naiinitindihan kahit ano pang paliwanag sa kanya."
 "Have you forgotten something? I'm a psych major, husband dear. Buksan natin ang isip ng girlfriend mo kung hindi niya maintindihan. Saka para hindi na kayo mag-away. Ako pa makokonsensya niyang kapag nag-away kayo." 
 Totoo naman. Ayaw niyang may kargo-de-konsensya pa kapag na-brokenhearted 'ting si Charlie. Kahit hindi kasi halata, napansin ni Erica sa kilos at mga mata nito na problemado ito. At tama nga ang obserbasyon niya. All because he had a misunderstanding with his girlfriend.
 Kumibot ang mga labi nito at maya-maya ay mataman siyang tinignan. "What's the catch?"
 Napangisi siya. Wala naman siyang hinihinging kapalit pero... "Lakad mo 'ko kay Reynald."
 Napakunot-noo ito. "May girlfriend na 'yun. Pero..."
 It was just a joke, supposedly. "Pero?" she got curious because ny the looks of it, mukhang kakagat talaga ang mokong!
 "Well, I don't like what Alia is doing to Reynald. Napaka-disturbing na ng relationship nila. Pero hindi ko ba alam kung bakit ayaw pa humiwalay ni Reynald. Nag-aalala nga ako sa isang iyon. Alia might drag him down."
 "Bakit ba? Hindi ba maganda ugali ng Alia na iyan?"
 "Kung alam mo lang. Hindi naman iyon ganoon dati. When we were in highschool, she's just tame and quiet. Pero ngayon..." Napailing-iling ito. "Anyway, what I'm trying to say is that naawa na 'ko sa pinsan ko. Kaya, sige. Ilalakad kita."
 Nanlaki ang mga mata niya. "Sure iyan? O pinapaasa mo lang ako?"
 He smirked. "I'm serious here. As long as you can talk with my girl and make her understand na kahit nasaang sitwasyon pa tayo maipit... siya lang ang mamahalin ko."
 Tangina! May tinatago yatang other personality 'tong si Charlie. Sana iyon na lang ang mag-surface. Mukhang mas matino. Seryoso magmahal ang mokong. Hmm.
 Charlie got her there.
 "So... ilalakad mo talaga ako kay Reynald?"
 "Yeah, sure. Mukhang lesser evil ka naman kumpara kay Alia. Though, I'm not sure kung type ka ni Reynald." His eyes roamed her body from head to toe. "He really likes tall girls. Model-like girls."
 Aw. Sa "tall" pa lang, wala na pala siyang pag-asa.
 "You're sexy, though."
 Napakurap si Erica. Si Charlie ba talaga ang nagsabi niyon?
 Hindi niya alam kung bakit bigla siyang namula at napatingin sa sariling katawan. She's wearing her favorite spaghetti-strapped top and maong shorts. And yes, she knows that her vital statistics is very ideal. Maliit lang kasi talaga siya kaya hindi halata.
 Pag-angat niya ng tingin kay Charlie at nakangisi na naman ito.
 "Hindi ka naniniwala sa'kin? You're sexy, alright. That will do."
 "Alam ko 'yan, no! Pinagpala ako ng isang coca-cola body."
 "Coca-cola body nga, 'Coke Sakto' lang naman ang height."
 Tumakbo ito nang tinadyak-tadyakan niya ito. Tawa ito nang tawa. Halatang enjoy na mapikon siya.
 "So, we got a deal? You convince my girlfriend, then, I'll build you up with my cousin."
 "Seryoso ba iyan?" paniniguro niya pa.
 He offered a hand. "I'm serious here. Anything that concerns about Chryzelle, I'm serious. Ayokong nagagalit siya sa'kin. O hindi kami nagkakaintindihan."
 Napatango-tango siya. Nakita niya ang genuineness sa mga mata nito. Nag-iwas siya ng tingin pagkatapos. Bakit kaya ang guwapo na ni Charlie ngayon?
 Inabot niya ang kamay nito. "Deal."
 He smiled and their hands shook.
 And Erica was wondering about the little electricity that went up from their clasped hands straight to her fast-beating heart.




CHAPTER SIX

HINDI alam ni Erica kung anong gagawin kay Charlie. Last week, matino ang usapan nila na kakausapin niya ang girlfriend nito at pagkatapos ay ilalakad naman siya nito kay Reynald.

Pero ngayon, ang mokong, laging wala sa bahay. Busy daw sa trabaho.

"Nag-cater po kasi si Charlie, Lolo. Parang kinuha po yata siya para sa debut ng isang artista," paliwanag niya kay Lolo Carlos. 

Pang-apat na gabi na kasing hindi nila kasama si Charlie sa dinner. Nag-iiwan lang ito ng lutong ulam at pinapainit lang sa kanya kapag kakain na sila ni Lolo Carlos.

"Hmm. Apat na araw ba ang debut?" 

Natawa siya. "Ikaw talaga, Lolo! Siyempre po yung mga ibang araw, eh, nagprepare siya. Hindi daw po kasi basta-basta ang party." Iyon ang sinabi sa kanya ni Charlie na sabihin niya kapag naging matanong si Lolo katulad ngayon.

"Aba, eh, don't you miss your husband?"

Nabitin ng pagsubo niya ng pagkain. "Ay, siyempre po! Pero sanay naman po ako. Naiintindihan ko rin po na trabaho iyon ni Charlie. Ang maging chef ay hindi biro talaga, Lolo. Nag-iipon po siya para sa kinabukasan namin."

Napatango-tango si Lolo Carlos at maganang kumain. Sa itsura ngayon ng matanda, malayong malayo ito sa mahinang matanda na sinasabing malapit na mamaalam sa earth.

Hindi naman sa gusto niyang mawala na si Lolo Carlos. It's just that, as long as he lives, kailangang "mag-asawa" sila ni Charlie.

"Kailan nga pala ang graduation mo, hija? Maari ba kong sumama?"

"Yes, Lolo! No problem po. Ikaw pa po ba?"

"I'm excited to hear that you're being called on the stage while carrying our name. Erica Viktoria Pedralvez-Ditangco."

Nasamid si Erica sa iniinom na juice. Napaubo-ubo siya. Tangina! Nakalimutan niya ang tungkol doon!

"Apo, are you alright?"

Agad siyang tumango at pinilit mapangiti. "S-Sandali lang po." Napaubo siya dahil totoo amg pagkasamid niya.

Mabilis siyang tumayo at nag-excuse muna. Pagdating niya sa kusina ay nagpapadyak siya.

Putragis! "Legal" nga pala ang pagpapakasal kuno nila ni Charlie. Dapat nga pala ay dala-dala niya na ang apelyido sa lahat ng dokumento at kasama na roon ang diploma. 

Pinalo-palo niya ang noo. "Grabe, Erica. Ang talino niyo talaga ni Charlie. Di niyo naisip iyon!" Huminga siya nang malalim at pilit na kumalma.

Di bale. May two weeks pa bago mag graduation niya. Kaya pang solusyonan ang problemang 'to.

Doble-doble na ang guilt na nararamdaman ni Erica. Lalo na ngayon at nakikita niyang masayang masaya si Lolo Carlos kapag kinukuwentuhan niya ito ng kuwentong pag-ibig nila ni Charlie.

Malapit na nga silang maging writer ni Charlie dahil sa kagagawa nila ng kuwento nito.

"Maayos ka na ba, hija? Ano bang nangyari sa'yo?"

Nakangiting umupo na siya sa tabi nito. "Nasamid lang ako, Lo. Namali ng inom. Siguro naalala rin ako ni Charlie. Na-miss po ako ganoon."

Napangiti ang matanda. "Malaki ang ganyang posibilidad. Lalo na at mukhang di kayo madalas nagkikita ngayong linggo."

"Oo nga po, eh. Baka nga po wala na sa sarili iyon kaiisip sa'kin." Lihim na napapangisi si Erica. Naiisahan niya si Charlie at nag-e-enjoy siyang palabasin na ito ang patay na patay sa kanya.

"Kapag ganyan ba ay paano bumabawi sa'yo ang asawa mo?"

"Pinagluluto niya lang po ako," bigla niya lang naisip isagot. "Pinagsisilbihan. Ganoon po."

"Hindi ka pa niya ba hinaharana ng kanta?"

Napakunot noo siya. "Kumakanta po ba si Charlie?"

"Oo naman. Nung bata siya ay pinag-voice lessons para tumama sa tono."

Ang lakas ng tawa ni Erica. "Buti tumama na siya ngayon, Lo?"

"Minsan ay sintunado pa rin."

Nagkatawanan sila ni Lolo Carlos. Minsan ay bibiglain niyang pakantahin si Charlie para matawanan niya.

Pagkatapos nilang magkuwentuhan ni Lolo Carlos ay gusto na daw nitong magpahinga. Nagligpit na lang siya ng pinagkainan.

Pagkuwa'y chineck niya ang mga halaman sa garden bago nagdesisyong matulog na rin.

Nagpe-Facebook na lang siya sa cellphone para antukin. Nang mga bandang hatinggabi ay narinig niya ang pagdating ni Charlie.

Hindi niya na sana papansinin ngunit narinig niya ang tinig ni Reynald.

"Charlie, walk properly."

"Paano pa kong maglalakad kung wala na kong lakas? Wala na kong lakas, bro. Inubos na ng pag-ibig ko sa kanya!"

Binuksan niya ang pinto saktong papasok na si Charlie at Reynald sa kuwarto nito.

"Anong nangyari sa kanya?" Nagtatakang tanong niya kay Reynald na todo alalay sa pinsan nitong lasing.

Charlie's eyes were closed and could not even walk straight.

Napangiwi si Reynald nang muntik nang mapadausdos si Charlie sa sahig.

"C-Can you help me, Erica?"

Dahil si Reynald ang nagrequest, mabilis na inalalayan niya rin si Charlie. Napaigik siya dahil sa laking tao nito. Ang bigat, putragis!

Hiningal na agad siya nang maihiga nila si Charlie sa higaan nito.

"Ano bang nangyari sa kanya?" Nagkusa na siyang alisin ang mga sapatos ni Charlie.

"Nakipag-cool off si Chryzelle sa kanya."

Nanlaki ang mga mata niya. "What?!"

Napabuntong-hininga rin si Reynald at naawang napatingin sa pinsan nito. 

"Tungkol ba to sa sitwasyon namin ngayon? Sabi ko naman willing akong kausapin si Chryzelle para mas maliwanagan siya."

Nagkibit-balikat na lang si Reynald. "I have to go, by the way."

"Ah, sige. Salamat, Reynald! Hatid na kita sa labas."

"No, it's alright." He kindly smiled at her. "Pakiasikaso na lang si Charlie. He drank a lot."

Tumango na lang siya kahit sa totoo lang ay gusto niya lang pabayaan si Charlie. Pagkaalis ni Reynald ay marahang sinampal-sampal niya sa magkabilang pisngi si Charlie.

"Uy! Ayos ka lang ba? Cool off lang 'yun, mokong! Hindi pa siya nakikipag-break!"

Umungol si Charlie at pilit dumilat. "She won't come back to me until this 'marriage' is off."

She rolled her eyes. "Sabi mo pakakausap mo sa'kin ang girlfriend mo? Ano na nangyari? Nganga na tayo ng isang linggo. Kita mo tuloy nangyari."

Tumingin ang mapupungay nitong mga mata sa kanya. "Why can't she trust me about this? I fucking love her, why can't she believe that?"

Hindi na lang siya nang-asar dahil kawawa na itong tunay. Sawing sawi ang loko. Tsk tsk. "Sige na, tulog ka na!" She patted his head. "Pag-usapan na lang natin 'to bukas."

"Erica..." Ungol nito.

"Bakit?" Kinuha niya ang comforter at kinumot rito.

"Why are you so small?"

Binatukan niya ito at ang lakas ng tawa nito. Pucha, lasing talaga!

"Diyan ka na nga. Matulog ka na at dapat bukas maayos ka na. Baka i-interrogate ka ni Lolo."

Napaungol na naman ito at hinawakan ang braso niya. "Alagaan mo naman ako..."

Napataas siya ng kilay. "Letse 'to. Baby ka ba?"

Napangisi ito at tinitigan siya. "Please, baby?" Nag-beautiful eyes pa ito habang mamula-mula na ang mga pisngi.

Napakunot noo si Erica at iniwas ang tingin.

Putangina! Ang cute ni Charlie! Mukhang hamster!

"Ano bang gagawin ko?" Tanong niya. Paano bang alaga ang gagawin?

Napatili siya mang malakas siya nitong hilahin at napasubsob siya sa dibdib nito.

"Charlie!"

Agad na lumingkis ang mga braso nito sa baywang niya at binaon ang mukha nito sa buhok niya.

"You're so soft, baby."

"Putragis, bitiwan mo 'ko! Tangina ka, ha!"

He chuckled and hugged her tighter.

Natahamik si Erica bigla nang marinig ang mabilis na pagtibok ng puso ni Charlie.

Hala. Aatakihin na ba ito sa puso?

"Erica..."

"Ano na naman?" Pilit siyang nag-iisip ng paraan kung paanong makaalis sa ibabaw nito.

"Bakit kapag nagmamahal, kailangang nasasaktan?"

Hindi alam ni Erica kung bakit awang awa siya sa malungkot nitong tinig. 

Napabuntong-hininga na lang siya. Kailangan ng comfort ni Charlie kaya ganito. Siya pa ba ang hindi maiintindihan iyon?

"Oo, madalas kapag nagmamahal, nasasaktan talaga. Hindi dahil masakit magmahal. Pero sa dami ng expectations natin sa pananaw natin sa pag-ibig, nadi-disappoint tayo kapag hindi na-meet ang expectations na iyon," seryosong sagot niya. Napapikit siya dahil kakaiba na naman ng tibok ng puso niya.

"We get hurt when we love. Because when we love, we care too much, we trust too much, we sacrifice too much..." Napahikab siya at nakaramdam na ng kakaibang comfort sa mga bisig ni Charlie. "But despite every failure and pain, love is still the greatest thing we can ever feel, give, and have."

Nang nag-angat siya ng tingin ay muntik nang mapamura si Erica. Sayang ang pang-Miss Universe niyang sagot!

Naghihilik na ang sawi!

Sinubukan niyang lumayo na rito. Ngunit kapag lalo siyang kumakawala ay mas humihigpit ang yakap nito.

Napabuntong hininga na lang siya. Walang choice! Mukhang matutulog siyang katabi si Charlie. 

She closed her eyes. Hanggang sa makatulog siya dahil tila hinele siya ng pagtibok ng puso nito.

Nagtataka si Erica kung bakit ayaw niya nang umalis sa posisyon nilang iyon ng pretend husband niya.







 
INIISIP ni Erica kung saan ba siya natutulog at bakit napaka-komportable ng pakiramdam niya?
 Malamig sa buong kuwarto dahil sa airconditioner ngunit may kung anong sapat na init ang nakakapagbigay warmth sa kanya. Ang sarap tuloy sa pakiramdam ng malamig na paligid plus kung ano mang bumabalot sa kanya na mainit na bagay...
 At umuungol iyon.
 Malakas siyang napasinghap at napadilat ng mga mata. "Tangina!"
 Humikab si Charlie na nakayakap pa sa kanya. "Shh! Bad word!" inaantok na saway pa nito habang nakapikit.
 Nanlaki ang mga mata niya at nagpumilit makawala sa mga bisig nito. "Putragis, ikaw ang bad! Bigla ka na lang nangyayakap kagabi. Pasalamat ka at sawi ka kaya palalagpasin ko ang ginawa mo." Tinulak niya pa ito sa mukha.
 Umungol na naman ito habang nakapikit pa rin. Ngayon lang napagtanto ni Erica na amoy alak pa ito.
 Eeew.
 "Ang baho mo, putragis!" Tinulak niya ulit ito sa mukha at saka naramdaman ang pagluwag ng yakap nito. 
 Sa wakas at nagtagumpay rin siyang makawala rito. Mabilis siyang bumangon mula sa kama. "Tumayo ka na nga diyan! Mag-ayos ka. Pagluto mo na kaming breakfast ni Lolo!"
 Dumapa si Charlie ng higa at nagtakip ng unan sa ulo. "Too lazy to get up... You cook the breakfast..." matamlay at mahina nitong sabi.
 Napakamot sa noo si Erica. Naalala niyang brokenhearted pala ito. "Sige, ako na munang bahala sa breakfast. Pero mamaya, bumangon ka diyan. Pilitin mo dahil siguradong hahanapin ka ni Lolo."
 Sumagot lang ito ng inaantok na ungol. Napabuntong-hininga na lang si Erica at saka nagmamadaling lumabas ng kuwarto nito. Pagkatapos niyang mag-ayos sa kuwarto niya ay dumiretso na siya sa kusina.
 Marunong naming magluto si Erica dahil tumira nga siya sa dorm mag-isa buong college life niya. Simpleng agahan lang ang hinanda niya para sa kanilang tatlo.
 "Saan kaya nakakabili ng pandesal rito?" tanong niya sa sarili nang maalala na nasa isang exclusive village nga pala ang bahay ni Charlie. 
Walang bakery sa loob niyon. Wala ring malapit na supermarket o wet market. Wala rin namang lumilibot para magbenta.
Pero sa magdadalawang linggo niya na doon ay laging may pandesal na inihahain si Charlie tuwing agahan.
Agad siyang umakyat ng kuwarto at kinatok ang lalaki. "Charlie!"
"Come in."
Agad niyang binuksan ang pinto. "Saan ka nga pala nakakabili ng pan-" Natigilan siyang bigla at literal na napa-freeze sa kinatatayuan.
Charlie was fresh from the shower. Basa pa ang buhok at...at nakatapis lang ng tuwalya! Nakatalikod ito sa kanya ngunit napatulala na lang siya dahil...
Napalunok si Erica. Tangina! Real-life sexy back!
"What?" tanong ni Charlie habang naglalagay ng body spray. Humarap ito at...
Napamura na naman si Erica sa isip nang makita kung nasaan ang pandesal---ay este, putragis!
Putragis talaga! 
Hindi niya akalain! Hindi! Hindi! Bakit ang ganda ng katawan nito?! Bakit?! Bakit may abs, broad chest, at sexy back?!
Hindi ito maari! Hindi! Charlie's a hunk?! 
Ang hot ng punyetang 'to! Tangina! Hindi puwedeeee!
"Oo, alam kong nakakatulala talaga kung ano mang nakikita mo ngayon, Erica," nakangisi na si Charlie na parang nabasa ang nasa isip niya. "Please, huwag ka nang matulala. Pero naiintindihan ko rin naman kung hindi mo napipigilan."
Nahanap na ni Erica ang sarili at mabilis na napasimangot. "H-Hoy! Hindi ako natulala 'no! Nagulat lang ako sa nakita ko! Kailan ka nagtransform ng ganyan?!"
Bigla na lang parang nabura sa alaala ni Erica ang isang payat na patpating binatilyo na kasama ng Kuya Tobias niya noon. 'Yung parang kawayan na lalaking laging hinihila ang pigtails niya at tinutukso-tukso siya na duwende.
Natawa si Charlie at pinagkrus ang mga braso sa tapat ng dibdib. "Well, Erica, I've been like this for many years now. Anyway, what are you asking a while ago?"
Ah, shit! Nakalimutan niya kung ano nga ba ang pinunta niya doon para tanungin. Ngunit nang mapasulyap siya sa ibaba ng dibdib nito. Putraguis ulit! "S-Saan ka bumibili ng p-pandesal?"
"Oh. I don't buy them." Tumalikod ito at pumasok ng banyo. "I bake them."
Namilog ang mga mata niya. "Seryoso?" Iyong malambot at masarap na pandesal na lagi niyang kinakain tuwing umaga, ito ang gumagawa?!
Paglabas nito ay naka-jersey shorts na ito pero topless pa rin. "Yup! I don't buy foods that I can make myself. Tuwing madaling araw ako gumigising para gumawa araw-araw ng pandesal. Tinamad lang ako bumangon kanina. I just don't feel like baking."
"A-Akala ko, chef ka?"
"Kapag chef, bawal mag-bake?" he grinned. Kumuha ito ng isang forest green shirt sa closet at mabilis na sinuot nito.
Doon lang na-realized ni Erica na hindi pala siya humihinga nang topless pa ito. Buwisit na iyan!
"I love cooking and baking. Anything that can make a food, I love doing it." Lumabas si Charlie ng balcony nito at hindi niya alam bakit niya sinundan.
Nandoon pala ang kulungan ni Jerry. Malaki iyon at may maliit na house-like miniature sa loob. Mula sa maliit na bahay na iyon ay lumabas si Jerry at agad na lumapit sa pagkaing binigay ni Charlie.
"Hi there, little fella. Sorry, I wasn't able to pet you yesterday." Yumuko si Charlie at nilaro-laro si Jerry.
Napatitig siya kay Charlie dahil napansin niyang kahit nakangiti ito ay tila ang lungkot pa rin ng mga mata. Parang may kumalabit sa puso ni Erica dahil roon. Tumalikod na lang siya at bumalik sa kusina.
Magkasabay na bumaba sina Charlie at Lolo Carlos. Lihim na inobserbahan niya si Charlie na todo ngiti at tila ang saya-saya habang kausap si Lolo Carlos.
"Mmm. This egg omelette is delicious. Iba ang pagkakaluto ngunit masarap pa rin," komento ng matanda.
"Erica prepared the breakfast today," pagmamalaki ni Charlie. "Na-miss niya kasi ako, 'Lo. Kaya naglalambing. Di'ba, baby?" Inakbayan pa siya nito.
 "Siyempre, baby, ikaw pa ba?" Kinurot niya ito sa pisngi at nilakasan niya talaga.
 Nagsalubong ang kilay ni Charlie at pilit na nilayo ang pisngi. Ngunit nang makalayo ay nagging mapaglaro ang ngiti nito.
 "Gusto mo subuan kita, baby?" anito at saka kumutsara ng fresh cut and mixed fruits na hinanda niya.
 Nakita niyang ang saya-saya na naman ni Lolo Carlos habang pinapanood sila.
 Napilitan siyang kainin ang sinubo ni Charlie. Pagkatapos ay kumutsara pa ulit ito at sinubo ulit sa kanya hanggang sa mapuno ang bibig niya.
 Charlie's quietly laughing. Napag-trip-an na naman siya ng gago. 
 "Ako din, baby. Subuan kita. Na-miss kita, eh. Sobra," malambing niyang sabi pagkatapos magpakiharap nguyain at lunukin ang sinubo nito.
 "Hindi na, baby. Okay na 'ko."
 "Sus! Nahiya ka lang kay Lolo, eh." Humarap pa siya sa matanda. "Do you mind po?"
 "Not at all, mga apo. Sige lang. Be sweet to each other. Pretend that I'm not here."
 Napangisi si Erica at saka sunud-sunod na sinubuan si Charlie ng mga pagkain. Natawa siya nang magmukha nang siopao ang pisngi nito. "I love you, baby!" malambing na sabi niya pero nang-aasar lang talaga.
 Salubong na ang kilay ni Charlie habang nagpapakahirap nguyain ang lahat ng sinubo niya. Nang malunok na nito iyon ay napainom ito ng tubig. Akala niya ay nakaisip na ito nang igaganti ngunit sa gulat niya ay nginitian siya nito nang napaka-tamis at pinunasan ang gilid ng mga labi niya.
 "I love you, too, baby."
 Napakurap si Erica at hindi niya alam kung bakit nagkaroon ng rally sa loob ng kanyang dibdib. 
 Oh, no.







KINAKAUSAP NI Erica ang mga halaman niya habang dinidiligan ang mga iyon, nang biglang dumating si Reynald.
 "Kumusta na si Charlie?"
 "Ayun. Okay naman siguro. Nakikipag-asaran pa kaninang umaga, eh." Kumikislap-kislap na naman ang mga mata ni Erica habang nakikipag-usap rito. "Napadalaw ka?"
 Ngumiti ito. "May pinagawang trabaho sa'kin si Charlie. I have to take photos of his personal dishes para mailagay namin sa official menu ng itatayo niyang resto."
 "Oh? Magtatayo siya ng restaurant?"
 "Yes. But not now. May research studies pa siyang ginagawa tungkol sa mga pumapatok na pagkain sa mga Pinoy. So far, food menu and presentation pa lang ang inaasikaso niya." Bumaling ito sa mga halaman niya. "Ooh. Great plants you have there."
 Lahat kasi iyon ay malago at maganda ang pagkakaberde ng mga dahon.
 Kinikilig si Erica. Si Reynald talaga ang naka-appreciate niyon! "Thank you. Tamang pag-didilig at pagpapataba lang naman ang kailangan diyan. Kinakausap ko rin sila madalas. Nakakatulong daw kasi iyon para maganda ang paglago ng halaman. Ang baliw ko lang, ano?"
 Reynald charmingly smiled. "No. I think that's awesome. Kahit imposibleng sumagot ang mga halaman, they are still considered a living thing. You're just making them feel that they are loved. Good job!" Nag-thumbs up pa ito sa kanya.
 Tumitili na sa isip si Erica. Naiintindihan siya ni Reynald! Aleluyah! Napakabait talaga! Hindi siya hinusgahan at tinawag na baliw o weirdo. Good job daw! Good job! Ang sarap nitong yakapin, kung puwede lang talaga!
 Hindi katulad ni Charlie, inaasar siyang baliw, eh, kung kausapin naman nito si Jerry parang sasagot din ang hamster rito.
 Hinawi ni Erica ang buhok at inipit ang ilang hibla sa likod ng tainga. "Salamat, Reynald," pa-sweet niyang sabi.
 "Hey, you, crazy girl!"
 Nawala ang ngiti niya at nakasimangot nang nilingon si Charlie. Pasira ng moment ang punyeta.
 "Ano na naman?" mataray niyang sabi. Malakas ang loob niya dahil wala ulit si Lolo Carlos, sinundo nina Ninong Carlitos kanina para mag-golf.
 Matutuwa na sana siya dahil dapat kasama si Charlie pero nag-back out ang loko. Dinahilan pang gusto daw siyang makasama muna pero sa totoo lang, tinatamad lang ito lumabas.
 Nakangisi si Charlie nang malingunan niya. "Get inside. The lunch is ready."
 Buti na lang at gutom na siya. "Geh." Bumaling ulit siya kay Reynald. "Halika, kain ka rin ng lunch. Sumabay ka na sa'min."
 "Talaga?" Reynald's eyes sparkled. "Charlie, puwede ako kumain?"
 "Hindi. Alis ka na."
 "Oy!" Hinampas niya si Charlie sa braso. "Ba't mo pinapaalis ang pinsan mo? Pakainin mo naman. Siya kaya naghatid sa'yo ng matiwasay dito kagabi!"
 "Oo nga," segunda pa ni Reynald."
 Nagsalubong ang mga kilay ni Charlie. "Pang-dalawahan lang ang naihanda kong pagkain. You choose. Kakain si Reynald at hindi ka kakain, o kakain ka pero hindi kakain si Reynald."
 "Ikaw ang huwag kumain!" singhal niya rito. Ang pangit ng ugali! Lagi na nga itong tinutulungan ng pinsan nito. To think na itong dalawa ang laging magkasama, tapos hindi nito pakakainin ang pinsan? 
 Reynald laughed and punched Charlie on the arm. "Sige na. Alis na lang ako. Hinatid ko lang talaga ang mga na-developed kong photos na pinakuhanan mo." May makapal na brown mail envelope pala itong hawak at binigay iyon kay Charlie.
 "Good! I'll just transfer my payment to your account."
 "Bawas mo na lang sa utang ko."
 "Hindi. Babayaran kita. Next time ka na magbayad. Hindi naman kita sinisingil."
 "Aww! Ang sweet mo naman, 'insan! Payakap nga!" Reynald opened his arms.
 Natawa na lang si Erica nang yumakap nga si Charlie rito at hinalikan pa si Reynald sa pisngi.
 "Yuck!" Tinulak ito ni Reynald at nagmamadaling tumakbo palabas ng gate.
 Ang lakas ng tawa ni Charlie. "Love you, 'bro! Take care!" sigaw pa nito at nag-flying kiss pa!
 Tawang-tawa pa rin si Erica. Ang lakas ng trip nang magpinsang 'to, tangina! Laughtrip!
 "Buti ka pa nakahalik at nakayakap kay Reynald," aniya kay Charlie. "Dapat ako na lang!"
 Gulat na napatingin ito sa kanya. "Gusto mong ikaw na lang ang niyakap at hinalikan ko." He playfully grinned. "Tsk. Just say so, my sexy wife, if you want my hugs and kisses, too. I'm more than willing to give it to you."
 Napangiwi siya. "Gago! Sana ako na lang ang nakahalik at nakayakap kay Reynald. Iyon ang ibig kong sabihin. Ambisyoso ka, my husband dear." Inismiran niya ito at saka siya nagmartsa papasok sa loob ng bahay.
 Sayang talaga at hindi nila nakisabay si Reynald sa lunch. Eh di sana, mas maraming time na puwede niya itong makausap? Sa mga ganoong moments na nga lang siya sumasaya. Sino bang ayaw magkaroon ng time kasama ang crush?
 "Panira ka ng moment, alam mo iyon?" angal niya kay Charlie. "Alam mong crush na crush ko iyong pinsan mo tapos ganoon pa ginawa mo? Pinaalis mo?"
 Ngumisi ito. "Masyado ka kasing halata kanina na nagpapa-cute." Napailing-iling ito. "You have to thank me. I saved you from being so obvious of your attraction to my cousin."
 Naghugas siya ng kamay sa lababo. "Hindi mo na ba ako mailalakad sa pinsan mo? Paghiwalayin na lang natin siya at saka iyong girlfriend niya, dali!"
 Charlie raised an eyebrow. Napakurap si Erica. How can he do it in a manly way? "Are you serious? Hindi na kita ilalakad sa pinsan ko dahil hindi mo naman nakausap ang girlfriend ko."
 "Hindi mo naman pinakausap, eh! Hintay nga ako ng hintay."
 Nagkibit-balikat ito. "Oh, well. Since you cannot keep your part of the bargain, anymore, then there's no way I will keep mine."
 Napanguso siya. Sayang talaga! "Pero, nakipag-cool off lang naman si Chryzelle, hindi ba? Hindi pa kayo totally break. Puwede ko pa siyang kausapin para---"
 "Hindi mo na siya makakausap. She's busy with her job. European flights ang inaasikaso niya at hindi niya sinabi kung kailan siya makakabalik ng Pilipinas." May diin na sa tono ni Charlie. "Kahit ano pang gawin natin, nakapagdesisyon na siya. If she want it this way, then I'll try to understand."
 "A-Ano nang gagawin mo?"
 Charlie sighed. Doon na lumungkot ang buong ekspresyon nito, kasama ang mga mata pati ang tono. "I'll wait 'til our situation be over then I'll definitely come back to her."
 "Mahal na mahal mo talaga siya?"
 "I won't be keeping her for six years if not." Tumingin ito sa kanya. "Have you fell in love before?"
 Nagulat man siya sa biglaang tanong nito ay sumagot rin siya. "Hindi pa. Kahit first love, wala pa. Hindi ako nakaramdam ng kahit anong sparks sa mga nanligaw sa'kin noon."
 "Ligawin ka pala?"
 Tinignan niya ito ng masama. "Anong tingin mo naman sa'kin? Ang sexy ko kaya."
 He chuckled. "Sexy, yeah right. The mini version one."
 Sinapak niya ito sa mukha. Ngunit mabilis na nakaiwas ito at hinuli ang kamay niya.
 "Well, kung hindi ka pa nagmamahal, paano mo nasagot ang tanong ko kagabi?"
 "Narinig mo ang sagot ko?" Akala niya ay tinulugan siya nito.
 "Yeah. So...how come you can define and justify pain in love like that? If you haven't experience it first hand?"
 "Universal naman kasi iyon! Mapa-romantic love o kahit ano pang klase ng love, hindi puwedeng hindi tayo nasasaktan. Kasi kung hindi tayo ang nagkakamali, iyong mahal naman natin ang nakakagawa. Hindi man tayo ang maka-disappoint, yung minahal naman natin ang nakakapagpa-disappoint sa'tin. Bakit mas masakit? Kasi sila iyong kahuli-hulihang taong akala mo hindi ka sasaktan, pero nagawa pa rin nila. 'Yun ang expectation mo na hindi na-meet."
 "Wow."
 Umupo siya sa tabi nito at sumandok ng kanin. "Pero siyempre, kailangan din natin maintindihan na ang sakit na nararamdaman natin, ginawa iyon hindi para wasakin tayo pero palakasin tayo. Pain won't be able to destroy us unless you give permission to get it into you."
 Hindi nagsalita si Charlie at nakatitig lang sa kanya.
 "Hindi mo puwedeng sabihing winasak ka ng pag-ibig, sinaktan ka ng pag-ibig, binigo ka ng pag-ibig... dahil sa totoo lang ang bumigo sa'yo ay ang expectations mo. Ang nanakit sa'yo ay ang taong pinagkatiwalaan mo. Ang nagwasak sa'yo ay ang sarili mo kapag hinayaan mo. Tantanan niyo kakasisi sa pag-ibig kapag nasaktan kayo."
 Sinalubong niya ang mga tingin nito. "Dahil kung ang definition mo ng love ay hindi si God, sasaktan ka talaga ng 'love' na iyan." Napahampas pa siya sa lamesa. Na-carried away.
 Charlie's face lit up. Pinalakpakan siya nito.
 Tumayo siya. "Erica Viktoria Pedralvez po para presidente."
 "I'll vote for you," ani Charlie na hindi mawala ang ngiti sa mga labi.
 "Bilib ka sa'kin, 'no? Hah!" mayabang na sabi niya. Sa totoo lang, nagulat rin siya sa mga sinabi niya. Pero iyon talaga ang alam niya. Nasaktan na siya ng pagmamahal niya sa Kuya niya nang hindi nito nagampanan ang pananagutan nito. Inidolo niya ito at tiningala pero binigo siya ng kapatid. Hindi niya kahit kailan naisip na kaya nito takbuhan ang responsibilidad ng pagiging ama sa anak nito sa girlfriend.
 That's her first heartbreak. Watching the one you idolized the most, failed your expectations in them. But still, she needs to understand. But not now. Kumukulo pa rin ang dugo niya sa Kuya niya.
 "Hey, sexy wife," tawag ni Charlie sa kanya.
 Hay nako. May bago na namang tawag ito sa kanya. Ngumuya-nguya na siya ng pagkain ng bumaling rito. "What?"
 He smiled handsomely. "You're amazing," he truly said.
 Erica's cheeks heat up. Her heart skipped a beat. Iyon ang kauna-unahang sincere na papuri nito sa kanya. And... and...
 "T-Thanks..." mahinang sabi niya at saka lihim na napangiti.
 It felt so good.









MABILIS NA nasolusyunan nina Erica ang pangalan dapat sa diploma niya. Kinasabwat nila ang parents ni Charlie para palabasing may emergency sa kompanya at kailangan si Lolo Carlos para mag-supervise.
 Kaya nang dumating ang graduation niya, Lolo Carlos was not able to attend. Nakuha niya ang totoong diploma pagkatapos ay nagpa-gawa na lang sila ng peke ni Charlie sa may tabi-tabi sa Recto. Rush pa para maiuwi niya agad, same day ng graduation niya.
 Buong summer ay walang ginawa sina Charlie at Erica kundi ang umarte at magpanggap sa harap ni Lolo Carlos. Sobrang aliw na aliw naman sa kanila ang matanda at kahit papaano ay unti-unti ring napapalapit ang loob ni Erica rito. Sobrang sincere ni Lolo Carlos kapag nagbibigay ng mga marriage advices sa kanila ni Charlie.
 "Ano na kayang gagawin ko? Lunod na lunod na 'ko sa guilt," kausap niya sa mga alagang halaman habang dinidiligan ang mga ito. "Ang bilis. Dalawang buwan na! Dalawang buwan na 'kong nanloloko. Ayoko ng ganitong feeling, guys. Pero nagkasubuan na. At mukhang wala pang balak si Lolo Carlos na bumalik ng States or mag-rest in peace. Ano nang gagawin ko?!"
 "First, why not talk with a real person?"
 Matalim niyang tinignan si Charlie. "Am I talking to you? Huwag kang epal."
 Natawa pa ang loko at inagaw ang pandilig sa kanya. "Why do you choose to talk with plants anyway? Hindi naman sila sumasagot. Wala ka namang makukuha sa kanila."
 "Nagsalita ang hindi nakikipag-usap sa hamster niya," irap niya saka pumasok tuluy-tuloy sa kusina. Kumuha siya ng juice at saka uminom mula roon.
 "What's your problem?" nakakunot-noong tanong ni Charlie na sinundan siya papasok.
 Napaupo na lang siya high stool sa may kitchen counter at saka nangalumbaba. "Nilalamon na talaga ako nang guilt ko, Charlie. Dalawang buwan na! Sixty days na tayong nagisisnungaling kay Lolo Carlos. Hindi ka ba nakokonsensya, ha? Hindi ka nahihirapan?"
 "Nakokonsensya. Nahihirapan." Umupo ito sa isa pang high stool na katabi niya at nangalumbaba rin sa kitchen counter. "Because of these scheme, my girlfriend won't even talk to me. Sa tingin mo, sino ang mas nagdudusa sa'tin?"
 Napalabi siya at napabuntong-hininga na lang. "Hindi pa rin sumasagot si Chryzelle sa mga tawag mo?"
 Napalabi rin ito at napabuntong-hininga. Mukha itong kawawang hamster. Cute.
 Ay, punyeta! Ano sabi niya? Ito, cute? Shetness. This can't really go on anymore. Bawat araw na dumadating, pa-guwapo ng pa-guwapo si Charlie sa paningin niya. Nooooo!
 Nilayo na lang niya ang tingin rito at saka napasubsob sa counter. Sa dalawang buwan na puro asaran at pikunan ang ginagawa nila ni Charlie, mas nakikilala niya rin ito. Mas nakikita niya kung sino at ano nga ba ang tunay na pagkatao ng isang Charles Lyndon Anderson-Ditangco.
 And for the past months, she just can't believe that this annoying, self-centered guy is actually a caring grandson and a generous guy.
 Last month, nagising siya na nagluluto ito nang sangkaterbang pagkain. Parang may piyesta, Akala niya nga ay may birthday. Punung-puno ang kusina ni Charlie noon ng mga kung anu-anong ingredients.
 Umalis siya ng araw na iyon para pumuntang Amora at bisitahin ang pamilya. Pagkauwi niya, nalaman niyang nagpakain pala si Charlie sa mga street children sa labas ng village.
 "Anong okasyon? Bakit ka nagpakain?" Tinatago ni Erica ang mga ngiti niya dahil sa totoo lang talaga, tuwang tuwa siya sa ginawa ni Charlie. She's into extending help for the unfortunates as well. Noong nasa kolehiyo nga siya ay active siya sa mga feeding and outreach programs.
 Nagkibit-balikat lang si Charlie habang nililinis ang kusina nito. "Dapat ba may okasyon muna bago tumulong? Kung may kakayahan kang tumulong, tumulong ka ng walang rason. Walang kapalit. Purong pagmamalakasakit lang."
 Nilapitan niya ito. "Charlie, ikaw ba iyan?"
 He smiled charmingly and winked at her. "Minsan lang 'to. Lubusin mo na."
 "Luto mo 'kong sinigang. Favorite ko iyon."
 At pinagluto nga siya nito ng sinigang! At iyon ang pinakamalinamnam na sinigang na natikman niya! Patawad sa kanyang Mama, pero waging wagi ang luto ni Charlie.
 "Ang bait mo naman," kantiyaw niya rito. "Pautang ngang dalawang milyon."
 Natawa ito at saka pinitik lang sa noo.
 The next day, nalaman niya sa mga guards ng village, na every month pala talaga ay nagluluto at nagpapakain si Charlie para sa mga street children sa labas ng village. Limang taon na nito iyong ginagawa.
 She can't deny. Charlie got her there. Humanga siya ng totoo talaga sa lalaki. Nang nagtanong siya kung bakit, hindi nito pinagmayabang ang ginagawa. May humbleness pala sa katawan ang mokong! Hindi talaga siyang makapaniwala.
Sumunod naman ay naghahanda siya two weeks ago para sa examination na kukunin niya for scholarship grant sa med school.
Wala siyang ginawa kundi ang mag-aral. Araw-gabi. Sobrang determinado siyang maipasa ang scholarship na iyon.
And guess who helped her to get through reviewing?
"A-Ano iyan?" nagtatakang tanong ni Erica nang hatiran siya ni Charlie ng chocolate cake at frappe. Buong araw na siyang subsob sa pagre-review.
"Pagkain. Mukha bang halaman?" nakangising sabi nito
"Putragis. Lumabas ka na nga!"
Tatawang-tawang lumabas ito. At saka kumalam ang tiyan ni Erica. Pagtingin niya sa orasan ay hapon na pala! So, merienda na pala 'ting kakainin niya. She missed breakfast and lunch.
Kinain niya iyon at nagkaroon siya ng bagong energy para mag-aral. Hanggang sa gumabi nan g hindi niya namamalayan.
"Hey, crazy girl!" katok ni Charlie at saka bumukas ang pinto.
"Ano na naman?" Napatigil siya sa pagbabasa ng libro nang nilapag ni Charlie sa ibabaw ng study table niya ang tatlong klase ng putahe, kanin, at pineapple juice. May kasama pang fruit salad for dessert.
"Eat well!" sabi ni Charlie at akmang lalabas ng kuwarto niya nang pigilan niya ito.
"S-Salamat, ah? Pasensya na, hindi ako makababa para makasabay sa pagkain. I'm really into studying. Gustung-gusto ko talaga makuha ang scholarship."
Ngumiti ito. "Say thanks to Gramps. Siya ang nag-alala sa'yo kaya inutusan niya 'kong dalhan ka ng pagkain."
Tumango siya, Of course. Si Lolo Carlos ang concern. At "duty" ni Charlie na asikasuhin siya bilang "asawa" nito. Okay. Hindi kusang loob iyon.
Eh bakit parang disappointed ka, Erica? Kausap niya sa sarili. Disappointed ka bang hindi mismo si Charlie ang concerned sa'yo?
Napailing siya bigla sa naisip. Lumabas na si Charlie at saka niya lang kinain ang mga pagkain. Nako, gutom lang talaga siya. Paki naman niya kung concern o hindi sa kanya si Charlie hindi ba?
Dalawang araw pa ang lumipas at lagi na lang siyang hinahatiran ni Charlie ng pagkain. Hanggang sa dumating at natapos ang araw ng exam niya.
"Hay, sarap sa pakiramdam!" Panatag siya sa naging pagsagot niya sa exams. Halos lahat ng inaral niya ay lumabas lahat. She felt so giddy. "Feeling ko po, Lolo, makakapasa talaga ako sa scholarship!"
Uminom ito ng tsa at saka napatango-tango. "You study hard for that, hija. Ngayon pa lang, I can assure you that you'll get that scholarship."
"Salamat po, Lolo! Salamat rin po sa concern niyo sa'kin nung hindi na 'ko halos bumababa. Salamat po kasi pinahalalahanan niyo si Charlie na hatiran ako ng pagkain."
Napakunot-noo ito. "Ha?Ano kamo? Pinahahalalanan ko si Charlie?" Natawa ito. "I don't need to do that. Siya mismo ang nagkusang hatiran ka ng pagkain. Ang tanging natulong ko lang ay ang pagbibigay ng mungkahi ng mga ulam na puwede niyang lutuin. Gusto niya daw kasi na iba't ibang ulam ang napapakain niya sa'yo habang nag-aaral ka. He even researched for some variety of healthy snacks that he can make to energize you from studying day and night."
Nganga si Erica. 
Nanunukso ang mga ngiti ni Lolo Carlos. "I told you, right? As long as you have my grandson, you are in good hands. Your husband loves you that much."
Erica can't deny that she was very touched if Charlie did that.
"Ikaw, ah! Concern ka sa'kin," kantiyaw niya kunwari rito. "Sinabi na sa'kin ni Lolo Carlos ang lahat!"
He sheepishly smiled. "Awang awa kasi ako sa'yo. Kung nakita mo lang itsura mo habang masyadong focused sa pag-aaral." Tumawa pa ito. "You're worse than a zombie."
"Gago."
He laughed and messed her hair. "Naisip ko, wala akong matulong sa pag-aaral mo. Hindi naman kasi ako ganoon katalino. I tried to contact Reynald to help you with studying. But I changed my mind. Baka kapag tinulungan ka niyang mag-review, pagpantasyahan mo lang siya."
"Ay, grabe naman!" Hinampas niya ito sa braso. "Hindi ko naman siya pagpapantasyahan."
Tinaasan siya nito ng kilay.
She giggled. "Konti lang naman."
"See? That's why it's better if you can study by yourself. And all I can do is to cook good food for you. Mas maraming natutunan kapag may laman ang tiyan."
Napangiti siya. "Naks! Bakit mo naman gusto mo 'kong tulungan?"
"Para makapasa ka sa exams. Para makuha mo iyong scholarship. Mamaya, biglang ako pa ang kailangang magpa-aral sa'yo."
Nalusaw ang ngiti niya. "Ganoon?"
Natawa ito at pinisil ang magkabilang pisngi niya. "Gusto kitang tulungang makapasa, bakit ba? Gusto kong maabot mo yung mga gusto mong maabot, bakit ba?"
She looked at her suspiciously. "May gusto ka na sa'kin, ano?" she joked.
He smiled softly. "I just like to support you in reaching your dreams. Because I can see how willing you are to work hard for it."
Nag-iwas siya ng tingin at nahihiyang napangiti. "Salamat."
 "Ang bait ko, hindi ba? See? I'm more than a handsome face."
"Tangina. Humirit pa!" Tinulak niya ang mukha nito. "Okay na, Charlie, eh. Okay na, eh."
He laughed out loud and patted her head. "Anyway, congrats, sexy wife."
"Huh? Wala pa ngang results 'yung scholarship." 
"Congratulations for doing your best. Kahit anong maging resulta ng scholarship, you already did a great job to be able to earn it."
 Erica's heart skipped a beat. Madalas na iyong nangyayari. And she can feel trouble.
 "What are you thinking?"
 Napapitlag si Erica at bumalik sa kasalukuyan ang naglalakbay na isip. Napatingin siya kay Charlie na nakatingin rin pala sa kanya.
 She looked at his whole face. His eyes, his nose, his jaws, cheeks, and lips... 
 "Handsome, right?" nakangising sabi nito.
 Napakurap si Erica at mabilis na umiwas ng tingin. "Mukha kang hamster. Kakaalaga mo kay Jerry, magkamukha na kayo."
 "Cute na din ako?"
 Parang maiiyak si Erica dahil ang buong cells niya sa katawan, gustong um-agree. This cannot be! 
 May biglang nag-doorbell sa labas at tumayo si Charlie upang i-check iyon. Doon lang nakabuga ng hangin si Erica. Jusko! Nagkatotoo na yata. Nababaliw na yata siya para isiping guwapo si Charlie at sa totoo lang ay maganda ang ugali nito.
 "Good afternoon, hija."
 Bigla siyang napangiti. "Good afternoon, Lolo! Kumusta po ang siesta niyo? Gusto niyo po ng merienda?"
 "May hinanda ba si Charlie."
 "Ah, siguro po. Sandali lang titignan ko po." Mabilis siyang tumayo at naghanap ng pagkain sa kusina.
 "Hey, baby!" tawag ni Charlie.
 Nilingon niya ito. Nakaupo na si Lolo Carlos sa upuan niya kanina at nakatingin rin ito kay Charlie na may hawak na sobre ng sulat.
 "I believe this is for you," nakangiting inabot nito sa kanya ang sulat.
 Kinuha niya iyon at namilog ang mga mata nang makita kung saan galing iyon. It's the result from the scholarship! Nanginginig na ang mga kamay niya nang buksan niya iyon nang mabilis at agad na binasa.
 Napatili nang malakas si Erica. "I passed! I passed! Nakuha ko ang scholarship!" Napatalon-talon siya sa saya at sandaling nakalimutan ang pinoproblema kanina. Yes!
 "Congratulations, apo," bati ni Lolo Carlos.
 "Thank you po, Lolo!" napayakap siya rito at saka siya nagtuloy sa pagtalon-talon at pagpalakpak na parang bata. "Tagumpay! Tagumpay!"
 "Yehey!" Charlie cheered and jumped with her. Ang laki-laking tao pero sinasabyan siya sa pagtalon-talon. Pumapalakpak rin ito. "I knew you'll get in! Congratulations, baby!"
 "Thank you, baby!"
 "Oh, come here."
 She gasped when Charlie pulled her and caged her inside his arms. "I'm so proud of you, sexy wife." 
 Tiningala niya ito at nakangiti ito sa kanya. "Charlie..." She just sweetly smiled back at him. "Salamat talaga. Salamat sa pagkain. Salamat sa suporta."
 Nagtaka si Erica nang parang natigilan ito. Kumurap pa ito at saka biglang lumayo sa kanya na parang napaso. 
 "Let's drink to this!" anito pero kay Lolo Carlos na nakatingin. "What do you say, gramps? Can you still go for Jack Daniels?"
 Ngumisi si Lolo Carlos. "Piece of cake."
 "Alright!"
 Parang may kung anong kumurot sa puso ni Erica nang hindi na siya tinignan uli ni Charlie buong oras na nag-celebrate sila.
 Putragis. Ito na nga ba ang sinasabi niya. Aside from the guilt of fooling the old Ditanco, Erica's two months with Charlie got her to like him.
 At natatakot siya na kung tumagal pa iyon ay mas lalo niya pang makilala si Charlie, mas lalo niya pang makita kung gaano kaganda ang loob nito, at mas lalo niya pang mapagtanto kung gaano kamahal-mahal ang ugali nito.
 No! She can't fall for him! Charlie made it clear. He won't be able to catch her.








CHAPTER EIGHT
NAPASIMANGOT lang si Erica nang pagtawanan siya ng dalawang kaibigan niya.
 "Wala namang nakakatawa sa kuwento ko, ah?" naiinis na sabi niya.
 But Inez and Candice won't stop laughing.
 Napasipsip na lang siya sa Java Chip frap niya. Ang sama-sama pa rin talaga ng loob niya at pagkatapos ay pagtatawanan pa siya ng dalawang 'to. Sana nakipag-usap na lang siya sa mga halaman niya.
 "Okay, okay. We'll stop," medyo natatawang sabi pa rin ni Candice nang makita na ang ekspresyon niya. "Pero nakakatawa ka naman kasi, girl! Akala naman namin kung anong sama ng loob ang ilalabas mo sa'min."
 Inez was now smiling widely. "Iyon pala, masama lang loob mo dahil hindi mo matanggap na nagkakagusto ka lang kay Charlie." Natawa na naman ang dalawa. "Ano namang nakakasama ng loob na magkagusto ka sa 'asawa' mo?"
 "Iyon na mismo ang nakakasama ng loob! Sa lahat ng puwedeng magustuhan ko, si Charlie pa? Jusmiyo marimar!" Ang sarap nang iumpog ng noo niya sa lamesa. "Enemies kami since birth. Hindi puwede 'to! Hindi! Bakit ako biglang magkakagusto sa kanya, hindi ba? Wala pa ring patawad sa pang-aasar iyon at kung laitin ako, akala mo wala siyang flaws."
 Sumubo si Inez ng tuna pie. "Ano bang flaws niya?"
 "Mayabang. Laging pinapangalandakan na guwapo daw siya."
 "But Charlie's handsome naman talaga," Candice pointed out. "Mainis ka kapag mayabang pero wala naman talagang maipagmamayabang."
 "Hindi siya gentleman!"
 "Pero binastos ka rin ba niya?"
 "Hindi naman..."
 "Pinagsalitaan ka na ba ng masakit na out-of-line na sa pikunan niyo?"
 Napayuko siya. "H-Hindi rin..."
 "Tignan mo, Charlie is not totally the likes you expect from a good man, but he's every inch what he is. Personality, Erica. That's him," Candice said and patted her head. "Now be honest to yourself, girl. It's not a bad thing to like him."
 "Hindi mo siya ayaw magustuhan dahil sa personalidad niya. Baka ayaw mo lang siya magustuhan dahil alam mong hindi naman matutugunan iyang pagkagusto mo sa kanya," dagdag pa ni Inez. "Tapos may pasumpa-sumpa ka pang hindi siya magugustuhan, pero pagkatapos lang pala ng dalawang buwan, you'll fall for his charms."
 Natulala na lang si Erica. First time niyang walang masabi...her friends got all the points.
 "Isa pa, baka natatakot kang kapag nahalata ni Charlie na nagkagusto ka na talaga sa kanya, asar-asarin ka niya at ipangalandakan pang kinain mo ang sinabi mo."
 Napayuko na lang siya. Ang sarap nang iuntog ang buong ulo niya sa pader. Ang tanga-tanga naman ng puso kahit kailan.
 "Then it all comes down to one thing," sabi pa ng kaibigan niya.
 "What?"
 "You don't want to admit that Charlie is totally charming."
 "You don't want to accept that he's the guy you can easily fall in love with."
 "You don't want to like him because all of these should be just a pretence but you fell anyway."
 "Masama ang loob mo dahil hindi mo gustong aminin sa sarili mo ang lahat ng 'to."
 "Ang dami niyo namang sinabi," salubong ang kilay na sabi niya. "Diretsuhin niyo na. Ma-pride ako, ganon?"
 The two laughed put loud. "Exactly, Erica Viktoria. Pride is the reason why you can't just accept the fact that you have fallen in love. This time, the victory is not yours. You lose to your own heart."
 "Give in, Erica. Wala namang masamang aminin sa sarili na gusto mo si Charlie."
 "Mas lalo mong pinipigilan, mas lalong gustong makawala ng damdaming iyan."
 Tumango-tango pa ang dalawa na pinagkaisahan na siya.
 Candice smiled at her. "And maybe, once that you admitted it to yourself, maka-find ka ng way para mawala na lang ang feelings."
 "Nga naman!" Inez agreed. "I-mind over matter mo na lang."
 "Puwede ba 'yon?"
 "Try mo nga, di'ba?"
 Napabuntong-hininga siya at napakamot na lang ng ulo. Nilaro-laro niya ang straw ng iniinom. "So, kung sabihin ko ngayon na, oo, may gusto na 'ko kay Charlie, hindi niyo 'ko tutuksuhin?" she pouted.
 The two just mischievously smiled. Mukhang nakahanda nang mang-asar. Pucha.
 She heavily sighed and closed her eyes. Unang nakita niya sa balintataw si Charlie. Napadilat tuloy siya agad at inalog-alog ang ulo. She's getting insane!
 "So, you like Charlie?"
 Napasandal na lang siya sa kinauupuan at kinuha ang make-up pouch sa bag. "Yeah, yeah. Whatever."
 Nagtilian ang dalawa at sinimulan na siyang tuksu-tuksuhin. Hmp. True friends.
 Pagkauwi niya tuloy sa bahay ni Charlie ay hindi na siya makatingin ng diretso rito. Para kasing mabubuko siya kapag nakita nito ang mga mata niya.
 "Erica, kumain ka na?" tanong ni Charlie mula sa loob ng kusina.
 "Oo! Tapos na!" nagmamadali siyang umakyat ng hagdan upang magkulong sa kuwarto niya. Ngunit napatili at napahinto siya sa pag-akyat dahil nakatambay na naman doon si Jerry the hamster. 
 "Oops. Sorry for that."
 Malakas na napasinghap si Erica nang maramdaman si Charlie sa likod niya. Paglingon niya ay tumama siya sa dibdib nito. Putragis naman talaga!
 Her heart raced as she looked up at him. 
 He grinned. "Pasensya na sa matipuno kong dibdib."
 "Matipuno, your face! Alisin mo nga si Jerry dito! Pakalat-kalat na naman sa kung saan 'yang daga mo."
 Mabilis na pinulot ni Charlie si Jerry. "Saan ka nga pala galing?" tanong nito habang hinihimas-himas ang alaga nito.
 "K-Kasama ko mga kaibigan ko. K-Kumain lang kami." Pinagpatuloy niya na ang pag-akyat.
 "Erica, wait."
 "Ano na naman?" Bakit lately, eh, tawag ng tawag 'tong si Charlie sa kanya sa totoo niyang pangalan? Hindi na siya tinutukso ng kung ano at lagi nang tanong ng tanong?
 "Grandpa, requested for a family outing. Itanong ko daw sa'yo kung hindi ka daw ba abala." Lumapit ito sa kanya. "Hindi ka pa naman busy, hindi ba? Next week pa ang simula ng klase mo?"
 Lumayo siya rito dahil hawak pa rin nito si Jerry at ang bango nito masyado. Baka bigla niyang masunggaban ng yakap. "O-oo. Sige. Kailan ba? Bukas na?"
 "Yup. We own a private resort in Laguna. We leave first thing in the morning," nakangiting sabi nito.
 Tumango lang siya at saka tumakbo papasok ng kuwarto niya. Parang siyang gaga! Takbo ng takbo kapag nandyan na si Charlie. Dati, wapakels naman siya sa presensiya nito. Ngayon, halos hindi niya na alam ang gagawin kapag kaharap ito.
 Sana lang talaga, wala itong mahalata sa kanya.
 "Act normal, Erica. Act normal!" paalala niya sa sarili kinabukasan. Madaling araw pa lang ay nag-empake na siya ng mga dadalhin pero hindi naman siya makababa. Rinig na rinig niya kasing kumakalansing ang mga gamit sa kusina. Sigurado nagpapaka-Master Chef na naman ang hudyo.
 "Puwede ba, Erica? The more that you act strange, the more he'll notice. Okay?" kausap niya sa sarili sa salamin. "Kalma ka lang. Isipin mo na lang na kapag lalo kang nag-inarte ng ganito, mabubuking ka talaga ni Charlie."
 She inhaled and exhaled a lot of times before leaving her room. Bitbit ang isang sports bag ay bumaba na rin siya at nakita si Lolo Carlos sa dining area.
 "Good morning, 'Lo!" masayang bati ni Erica sa matanda at hinalikan ito sa pisngi. "Kumusta po ang tulog niyo?"
 "It was fine, apo. You look like you're in a good mood," nakangiting sabi nito habang may hawak na tasa ng kape. "Lately, hindi kita masyadong nakikita. Charlie said you've been out with your friends a lot."
 "Ah, opo. Sinusulit ko lang po ang bakasyon na kasama sila. Lalo na po mabi-busy na kaming lahat. My other friends will be starting a job and take the board exams. Ako naman po, mag-uumpisa na rin sa med school. Hindi pa naman po ako mabilis mahagilap kapag busy na sa school."
 "I understand. Buti nga at makakasama ka namin ngayon."
 "Ay, siyempre, Lolo! Kapag ganitong family outing, hindi puwedeng hindi ako makasama. And I won't miss to have a bonding time with you, Lolo."
 Ganyan nga, Erica. Si Lolo Carlos ang chikahin mo ng chikahin.
 Natawa ito. "At sigurado rin naman akong gusto mo rin makasama ang asawa mo. First outing niyo daw ito pagkatapos ng civil wedding niyo."
 Napakurap siya. "Ah...o-opo. Oo nga p-po. First time din po namin."
 Humigop ito ng kape at siya naman ay kumagat ng pandesal. 
 "Kailan nga pala kayo magpapakasal sa simbahan?"
 "Baka sa July na po, Lolo. Kapag medyo naka-adjust na 'ko sa bago kong school," Erica answered coolly.
 "Eh, kailan niyo naman balak mag-anak ni Charles Lyndon?"
 Na-stuck ang pagkain sa palunukan ni Erica at napaubo-ubo siya. Sa ganoong estado siya naabutan ni Charlie na saktong may dalang calamansi juice.
 Mabilis siyang tumayo at kinuha iyon dito.
 Paubo-ubo pa siya pagkatapos makainom. Napabuga siya ng hangin. Hindi niya kinaya iyon. Akala niya mamamatay na siya dahil lang nabilaukan siya ng isang kagat ng pandesal.
 "Are you alright?" nag-aalalang tanong ni Charlie. "Anong nangyari sa'yo?"
 Mabilis siyang umiling. "May tinanong lang si Lolo."
 "Tinanong ko kung kailan niyo planong mag-anak. I want to see some babies in here."
 Nanlaki ang mga mata ni Charlie at napatingin sa kanya. Kumabog ng malakas ang puso ni Erica nang biglang ngumiti ito.
 "Hindi muna tayo magbe-baby, hindi ba?" Bigla siyang inakbayan nito. "We're still enjoying, Gramps. Gusto ni Erica, siya muna ang baby ko."
 Nagkibit balikat si Lolo Carlos. "Fair enough. Buti nga iyan. Take care of each other first."
 "Right. Sandali lang, Grandpa. Malapit na 'ko matapos then we're ready to go."
 Akala ni Erica ay makakalaya na siya mula sa akbay ni Charlie ngunit hinila naman siya nito papasok sa kusina.
 "Hey, I want you to taste something," nakangiting sabi nito at saka siya hinila malapit sa niluluto nito.
 Kumutsara ito ng sabaw niyon. Marahang hinipan nito para mapawi ang init at saka inumang sa labi niya. "Taste this. And tell me if it's okay."
 "B-Bakit? Ikaw ang chef, ah? Dapat alam mo na kung masarap ba ang luto mo o-"
 "Just taste it, alright? I want to make sure that you liked it personally."
 Kumunot ang noo niya pero hinigop niya na rin naman ang sabaw sa kutsara. Napapikit siya sa asim ng sabaw ng sinigang. It was perfect! Katulad ng mga nakalipas na pagluluto nito ng sinigang.
 "Ayos!" Nag-thumbs pa siya. "Ang sarap! Ibabaon ba natin iyan?"
 Ngumiti ito at pinatay na ang kalan. "Yes. I cooked this...for you."
 Tangina. Ang puso nalaglag. "H-Ha? Bakit mo naman ako pinagluto? Anong meron?" Nanginig siyang bigla kaya naman kumuha siya ng panibagong kutsara at humigop ulit ng mainit na sabaw. Distraction, distraction, distraction.
 Napakamot si Charlie sa batok nito. "Peace offering? Para kasing galit ka sa'kin. I don't know..."
 "Lagi naman akong galit sa'yo."
 He chuckled. "No. This one's different. I mean, you were always out of the house." Lumingon pa ito sa direksyon ni Lolo Carlos opera masiguro na hindi sila naririnig ng matanda. "And everytime you'll come home, you barely talk with me. I mean, wala namang problema kung hindi mo 'ko kinakausap. But...but, heck, I don't know! It doesn't feel right, okay? Parang iniiwasan mo 'ko." 
 Napatigil siya at napatingin rito.
 He's now frowning and looks like thinking about something. "You don't look at me anymore. Like, why? I'm not demanding you to look at me but I felt like you're disgusted or something. Did I do something wrong with you? Did I offend you without me knowing? Did I-"
 "Wala kang ginagawang mali, okay?" putol niya na sa sinasabi nito. "At saka hindi ako galit sa'yo."
 "Totoo?"
 "Oo." Tumalikod na siya at saka kumuha ng tubig sa ref.
 "Nagsasawa ka lang makakita ng guwapo?"
 Natawa siya. "Gago."
 Napangiti na ito. "So, why were you acting that way for the past days?"
 "Ewan ko rin," pagsisinungaling niya. "Wala naman akong intensyon na isnob-in ka or what. Pagod lang siguro ako pagkagaling ko sa labas. Ganoon." Ang galing niya na talaga sa pagsisinungaling. Very bad. 
Humarap siya bigla rito. "At bakit ba masyado kang concern kung galit ako sa'yo o hindi? Dati naman wala kang pakialam, ah?"
 Parang natigilan ito saglit at saka inilipat na ang sinigang sa Tupperware. "I-I'm just curious. Baka kasi mahalata rin ni Grandpa kung galit ka man. And I won't be able to answer him if he asks suddenly."
 Napataas siya ng kilay. "Iyon lang?"
 "Y-Yeah..."
 Tumangu-tango siya kahit parang dismayado siya sa sagot nito. Wait. Bakit siya dismayado? Because you were expecting a different answer from him, Erica.
 Putragis naman. Pati utak niya, pinagkakanulo na siya kay Charlie. Paano na ang "mind over matter" niya? Inamin niya na nga sa sarili na may gusto siya rito, hindi ba? Now, how do you unlike someone?
 Lumabas na siya ng kusina at nakipagkuwentuhan na lang kay Lolo Carlos. Lumabas na rin si Charlie maya-maya dala-dala ang isang malaking bag na puno ng pagkain siguro. Maingat nito iyong dinala sa kotse nito.
 "Mahihiluhin ka ba sa biyahe?" tanong ni Charlie pagkasakay niya sa backseat. Si Lolo Carlos kasi ang mag-o-okupa ng front passenger seat.
 "Medyo," pag-amin niya. Lalo na kapag masyadong mahaba. Pero nadadaan niya naman sa tulog. "Why?"
 Naglabas si Charlie ng tumbler na may lamang tubig at mga gamot. "Keep this, alright? Inumin mo agad. So you won't be uncomfortable during the trip," he said while smiling.
 Parang tanga si Erica na napatunganga rito at napakurap-kurap. "O-Okay ka lang, Charlie?"
 "Huh? Yes, I'm okay."
 "Eh, bakit parang masyado kang caring, ha?" Luminga-linga pa siya dahil baka biglang dumating si Lolo Carlos na nag-CR lang saglit bago sila umalis. "May pagamot-gamot ka pang nalalaman."
 "Malamang. Kapag nahilo ka mamaya, ako rin naman ang mag-aasikaso sa'yo dahil nakatingin si Grandpa. So, I'm giving you the meds right away." He shoved the tumbler and medicines to her. "Para hindi ka na abala sa pagmamaneho ko."
 "Tangina. Thank you, ha?" sarkastikong sabi niya at saka kinuha ang mga iyon. Pucha, nasaktan siya sa sinabi nito. Ang arte niya. Totoo naman, makakaabala pa siya mamaya kapag hindi siya uminom agad ng kontra-hilo ngayon. Pero bakit parang may kumurot sa puso niya na ganoon lang pala ang intensyon nito?
 Erica, kasi. Wag nang gaga. Wag nang umasa. Walang pag-asa na pure concern ang pinapakita ni Charlie.
 Padabog na umayos siya ng upo at hinagis ang mga dala sa katabing upuan. Bumalik na si Lolo Carlos, at kahit hirap na hirap makangiti si Erica ay pinilit niya pa rin. Pero nang hindi na makatiis dahil tuluy-tuloy ang pagkirot ng puso niya sa tuwing nasusulyapan si Charlie.
 Suicide ata itong ginawa niyang pag-amin sa sarili na nagugustuhan niya ang lalaki. Dapat pala mas tinaasan niya na lang ang pride.
 Di bale, hinding-hindi niya naman aaminin rito ang tunay niyang nararamdaman. Unless, he'll admit first. Pero mas imposible pang magkagusto ito sa kanya kaysa umayos ang bansang Pilipinas.
 Uminom na lang siya ng gamot at saka natulog buong biyahe. Naalimpungatan lang siya nang maramdamang parang may bumuhat sa kanya at kasunod niyon ay ang paglapat ng likod niya sa malambot na kama.
 Napadilat siya nang maramdamang may humaplos sa pisngi niya.
 "Wake up, wake up, sexy wife. We have a situation here," Charlie whispered. His lips touching her ear.
 Erica froze in her position. Bahagyang inangat ni Charlie ang ulo nito. And now they we're eye to eye. Their lips only inches apart.
 Charlie was like frozen, too. Dahil hindi ito gumagalaw at hindi rin nagbibitiw ng tingin sa kanya. She tried to say something but failed. Her heart was hammering hard.
 "Erica..." he softly said and she noticed him swallowed hard. Then, he lowered his head.
 Nanlaki ang mga mata niya. Natarantang bigla siyang napabangon.
 "Aw!"
 "Ouch!"
 Wrong move. Nagkauntugan sila nang malakas nito.
 Nasapo niya ang nasaktang noo. "Putragis naman, Charlie!"
 Sapo-sapo rin nito ang nasaktang sentido. "You were the one who got up so suddenly!" paninisi naman nito.
 "Napakalapit mo naman kasi. Kinilabutan ako!" paninisi niya rin pabalik. "May plano ka bang halikan ako, ha? Taingina, ha! Ayaw kitang first kiss!"
"What the? Me? Trying to kiss you?" Eksaheradong nanlaki ang mga mata nito. "No fucking way."
Napapikit siya habang hinihilot ang noo. "Nasaan na ba tayo?"
"In our private resort, already. Ouch..." daing pa rin nito habang hinihilot na ang sentido. "Anyway, we have a situation."
"Ano?" Lumayo siya rito at napayuko. Kunwaring hinihilot niya pa rin ang noo. Pero sa totoo lang ay nakaramdam siya ng hiya sa tuwing naaalala kung gaano na kalapit ang labi nila sa isa't isa. 
"Sumunod pala sila Mommy at Daddy rito. And your family is here also."
"Ano namang problema doon? The more, the merrier."
"We only have four rooms here, Erica. Mom and Dad will be occupying the first one, your family will be having the second one, and Grandpa will take the third one."
Marahas siyang napaangat ng tingin dahil sa pinupunto nito.
Charlie smirked. "Guess who will sleep together on the fourth room?"
Lumaki ang butas ng ilong. "Tangina."
Tumango-tango ito. "Yes, baby. We'll sleep together tonight." Tumayo ito at ginulo ang buhok niya. "Kapag hindi pa naman ako lasing, I sleep naked."
Tumayo siya sa ibabaw ng kama at sinakal ito. "Gago ka, subukan mo lang matulog ng nakahubad mamaya!" 
Charlie laughed and tried to take off her hands from his neck. "Get ready, my sexy crazy wife!" pang-aasar pa nito.
Gustong magwala ni Erica. Hindi siya natakot na sa iisang kuwarto lang sila matutulog.
Na-excite pa siya. Nooooooo! 




 
CHAPTER NINE
HINIHINGAL na umahon mula sa pool si Erica. Sumampa siya sa marbled floor sa gilid ng swimming pool at hinawi patalikod ang buhok. Tila isa siyang sexy covergirl na lumabas mula sa isang men's magazine.
Wearing her favorite two-piece bathing suit--which is a branded coco cabana, hindi makakaila ang magandang hubog ng katawan ni Erica. Her perfectly sized and rounded breasts fit sexily in her swim wear. Her bikini wrapped around her hips and shaped her butt impecabbly.
Tunay siyang biniyayaan ng hinaharap, balakang, at pati likod. Curves are on the right places. Siya na! Siya na talaga!
May sumipol sa bandang likuran niya at hindi niya na iyon nilingon pa.
"Hey there, sexy."
Deadma ang sexy.
"Tsk. Nakakita na naman ako ng 'Coke Sakto'."
Marahas na binato niya rito ang flipflops niya. "Huwag mo 'kong simulan, Charlie, ha. Ilulunod talaga kita rito sa pool. Makikita mo."
He laughed sarcastically and squatted beside her. "Bakit hindi ka sumalo sa lunch kanina? Iba tuloy ang umubos ng sinigang na niluto ko para sa'yo."
She shrugged and focused her eyes at the sky. Papalubog na ang araw at siya na lang ang mag-isang lumalangoy. Kanina ay kasama niya ang buong pamilya. Pero umahon na rin pagkatapos ng ilang oras. Solong-solo niya ang pool kaya nagpaka-mermaid na lang siya.
"What are you thinking about? Tungkol ba iyan sa pagtulog natin mamaya?" malokong sabi ni Charlie at saka umupo na ng maayos sa gilid niya. "Excited ka ba?"
"Gago. Matutulog ako sa tabi nila Mama. Bahala ka sa buhay mo. Iyo na 'yung kuwarto."
"Wow. Nakagawa ka ng paraan. Good job!" puri pa nito at ginulo ang buhok niyang magulo na nga.
"Ako pa?" Tinabig niya ang kamay nito. "Isa pa, alam naman ng mga parents natin ang totoo kaya never papayag si Papa na matulog akong katabi ka."
Nilubog nito ang mga binti sa tubig. "Eh di, hindi alam ni Tito na nagkatabi na tayong matulog noon?"
Bigla siyang napabaling dito. "Hindi counted iyon! Lasing ka niyon at pinagbigyan lang kita. Ayaw mo kasing bumitiw."
"Akala ko kasi unan ka," nakangising sabi nito. "Ang lambot kasi." Sabay kapa nito sa sariling dibdib.
Nag-init ang mga pisngi ni Erica at malakas itong hinampas sa braso. "Bastos ka! Sinasabi ko na nga ba minamanyak mo na 'ko noon, eh."
Charlie laughed while she's pushing him away but he just strongly caught her hands. "Joke lang. I'll never be a perv. Too low for a guy."
"Weh?"
He smiled. "Maloko ako, oo. Pero hindi ko kayang mambastos ng babae. May girlfriend ako na hindi ko laging nakikita dahil sa trabaho niya. Gugustuhin ko bang mabastos siya kung nasaan man siya?" seryosong sabi nito. "May nag-iisang pinsang babae din ako. I saw her grew up. Ayokong mabastos siya ng kung sino. Makakabugbog talaga ako. Kaya hindi ko gagawin yung mga bagay na ayokong mangyari sa mga babaeng mahal ko."
Nahimigan agad ni Erica ang sincerity ni Charlie. Naglayo siya ng tingin rito. "Edi wow."
He chuckled. "Bakit ba parang ayaw mo akong paniwalaan lagi? I'm sorry about the last time I get drunk, okay?"
"Dalawang buwan na nakakalipas, hayaan na."
"Did you feel violated?"
"H-Hindi." Actually, she felt comfortable sleeping inside his arms. Pero nunca na aminin niya iyon rito.
"Just tell me if I'm stepping into your rights as a woman. I'll step back right away."
Huwag kang mabait, Charlie! Pucha, maawa ka sa puso ko. "Bakit ba kasi ang hilig mong mang-asar at mampikon?"
"Ikaw lang ang inaasar at pinipikon ko."
"Wow. Favoritism?" she sarcastically said. "Kailangan ko bang ikatuwa iyan?"
Galak na galak na naman ang tawa nito. "That, Erica. Your remarks. Lagi kang may pambato pabalik sa'kin. I like your wit. At siguro nakasanayan ko na lang din. Mula pagkabata. Dahil alam kong lagi kang may kickback. It's always a fun argument with you."
"Ginawa mo pa 'kong entertainer mo, punyeta ka."
Natawa ito. "And you can twist my words. Come on, Erica! I'm praising how witty you are. And...I like seeing your expressions. Too genuine. Too cute."
Sinabuyan niya ito ng tubig. Imbes na mapikon siya, natuwa pa siyang marinig iyon! Mukhang malala na nga siyang talaga! 
"Ikaw kung puri-purihin mo 'ko! May kapalit iyan 'no? Wala akong piso dito." Mas sinabuyan niya pa ito ng maraming tubig.
"Ang sama talaga ng tingin mo sa'kin." Pumalatak ito at hinubad ang basa naman na nitong sando.
Biglang nanigas ang likod ni Erica at napatingin sa ibang direksyon. Ayaw niya makita ang makasalanang katawan nito. Nang-aakit kasi iyon at ang malanding parte ng pagkatao niya ay nagpapaakit. Taksil! Wala nang kumampi sa kanya. Parang buong cells sa katawan niya ay pinagtutulakan siya kay Charlie.
She cannot ogle him! Ego, where are you? Ikaw dapat ang sumasaway sa'kin! Paki 'x' mark na 'tong si Charlie, utang na loob!
"Hey, sexy wife."
Luminga-linga siya. "Puwedeng pakitigil ang pagtawag sa'kin niyan, ha? Out of radar si Lolo kaya hindi tayo mag-asawa, okay? Masyado ka atang nake-carried away."
Nag-floating ito habang ang mga kamay ay nasa likod ng ulo. "I like calling you that. Sexy wife. It's a compliment, mind you." Pinikit nito ang mga mata habang ngingisi-ngisi lang.
"Tapos kapag tinamaan ka ng topak, 'crazy wife' naman tawag mo sa'kin at kung anu-ano pang puwede mong ipang-asar sa'kin."
"You have a very colorful personality, Erica. I admire you for that."
Napakurap siya kasabay nang pagpihit ng puso. Bakit ka ngayon nagsasabi ng mga ganyan, Charlie? Bakit ngayon ka nampupuri kung kailan gusto na kita at puwede akong kiligin sa lahat ng iyan? Bakit ngayon na gustung-gusto umasa ng puso ko kahit alam kong walang pag-asa? 
"Honestly," dagdag pa nito. "You're the kind of person who's easy to fall in love with, Erica."
Ayaw nang kumalma ng puso niya. Tinignan niya ito. "Kung wala kang girlfriend, mapo-fall ka sa'kin ganoon?" she curiously asked.
Dumilat ito at nginitian siya ng napakalupit. "Oo naman."
Nanlaki ang mga mata niya. Natawa ito.
"Joke," kabig nito bigla. 
Pa-fall! Paasa! Pakyu ka po! Tumalon siya ng pool at saka ginulo ang pagpo-floating nito. Napasinghap ito ng nangnggigil na nilubog niya ang ulo nito sa tubig.
Pero as if naman malulunod niya ito. Tumatawa pa talaga ang walanghiya! Argh! Napaka-walanghiya!
"Umasa siya! Gusto niyang mahalin ko siya," pang-aasar nito na parang bata habang pilit niya pa ring nilulunod ito.
"Punyeta kang tunay! Ikaw, hindi lovable! Animal!" singhal niya at saka buong puwersang pilit na nilulubog ang ulo nito.
Malakas na nakuha ni Charlie ang mga kamay niya at agad siyang kinabig palapit rito. Her body crushed to his underwater and her face landed instantly on his broad chest.
Erica gasped when she looked up at him. Nakita niya ang unti-unting pagakawala ng mga ngiti ni Charlie habang nakatitig sa kanya. His adam's apple moved when she saw him staring at her lips.
And everything just suddenly paused for the both of them. Their eyes met. Ang lakas ng tibok ng puso ni Erica at nang lumapat ang kamay niya sa dibdib ni Charlie ay malakas ding kumakabog iyon!
It was like a new discovery for her. Napasinghap siya at nagtatanong ang mga tingin rito.
Napatili si Erica nang bigla siyang itulak ni Charlie at di sinasadyang nawalan siya ng balance. Lumubog siya bigla sa malalim na tubig.
"Erica!" Mabilis na kinuha ni Charlie ang kamay niya.
 Pagkaahon ay napaubo-ubo siya. Walang katapusan ang pag-ubo niya. Lumayo siya rito at agad na lumangoy pabalik sa sampahan.
"I'm sorry, Erica," habol ni Charlie nang hindi pa rin siya matigil sa pagkakaubo.
Pinalo-palo niya ang dibdib at tinignan lang ito ng masama.
"Erica-" pilit siya nitong inabot ngunit agad siyang nakaahon at naglakad paalis ng pool. Mabilis rin itong umahon at hinabol siya.
 Nakasalubong niya ang bunsong kapatid na may salbabida pang suot sa baywang.
 "Ate? Hindi ka na magsi-swimming?" tanong ni Vance.
 Niyuko niya ito. "H-Hindi na. Sorry. Ayain mo na lang si Kuya Charlie mo, okay?"
 Tumango ito at agad na tumakbo. "Kuya Charlie! Swimming tayo!"
 "H-Ha? A-Alright. Come here." 
 Gustong magpasalamat ni Erica sa bulilit niyang kapatid. Hindi na siya nahabol ni Charlie dahil hindi nito maiwan si Vance.
 Ang sama-sama ng loob ni Erica sa nangyari. Parang napahiya siya o ano. Hindi niya alam! Sobrang naiinis siya ngayopn kay Charlie...sa ginawa nitong pagtulak na parang biglang nandiri sa kanya o ano! Muktik pa siyang malunod! Gago ang hayop!
 "Anak, okay ka lang ba?" tanong ng Mama niya nang makasalubong niya ito.
 "Y-yes, Ma..." Tinago niya ang panginginig ng boses. "K-kunin ko lang gamit ko sa kuwarto ni Charlie. Ililipat ko na sa kuwarto niyo." Agad niyang nilagpasan ang ina at pumanhik sa third floor.
 Inis na inis siya sa mga nangyari kahit..well, wala namang nangyari kundi parang tumigil lang naman ang mundo niya kanina habang sobrang lapit kay Charlie.
 Kumurot ang puso niya. Tangina kasi! Oo na! Umasa siya na baka may ibig sabihin ang malakas ring pagtibok ng puso nito. Because she swore, they had the same rhythm!
 Nanatiling tikom ang bibig ni Erica hanggang sa makapagbanlaw na siya at makapag-ayos. Nasa kuwarto na siya na inookupa ng pamilya nila sa private resort na iyon.
 It was a private resort indeed. May dalawang malaking swimming pool at isang kiddie pool. Sa bandang likuran ng townhouse ay may tatlong malinis na hotspring habang napapaligiran ng mga puno. Parang "in the wild" ang feeling kapag nagbabad sa hotspring.
 At ang isa pang maganda ay may rooftop ang townhouse kung saan nandoon rin ang entertainment room. At mula doon ay tanaw ang Mt. Makiling.
 Nasa entertainment room lahat ng tao. Doon na rin kumain ng hapunan na hinanda ni Charlie. Tahimik lang si Erica buong oras na kumakain sila.
 Lolo Carlos was telling about a story of his journeys as a youth. Nakikinig lang siya at hindi na nagkokomento.
 Charlie was quiet as well. Hindi pa rin ito nagsasalita mula kanina. Strangely, mukhang hindi makapaniwala ang mga tao sa paligid nila dahil sa katahimikan nila ng lalaki.
 She was busy sipping her red wine when she caught Charlie looking at her. Agad na nagsalubong ang mga kilay niya at inirapan ito.
 Defense mechanism ng mga babae ang magtaray. Bahala si Charlie sa buhay nito. 
 Maya-maya ay politika na ang pinag-uusapan dahil nasimulan na ng Papa niya. Hanggang sa lumalim ang gabi ay tuloy-tuloy pa rin ang usapan ng mga matatanda.
 "Mama, Mama, I want to sleep na..." angal ni Vance sa Mama nila.
 Napahikab na rin siya. Medyo marami na siyang nainom na alak. "Vance, halika, tulog na tayo," aya niya sa kapatid para hindi na nito kulitin ang Mama niya na engrossed masyado sa kung anumang pinag-uusapan ng mga ito.
 Agad na lumapit sa kanya ang kapatid at humawak sa kamay niya. Tumayo siya at nagpaalam na sa lahat. Maliban kay Charlie. Ni hindi niya ito tinapunan ng tingin. Ayaw niyang magtaray rito na makikita ni Lolo Carlos.
 "Ate, bakit ka galit kay Kuya Charlie? Nakita ko kanina, di mo siya pinapansin, eh," inosenteng tanong ni Vance habang naglalakad sila papunta sa kuwarto.
 "Bad kasi siya," simpleng sagot niya.
 "Hindi kaya. Tinuruan niya 'ko mag-swimming kanina doon sa malaking swimming pool. Mabait si Kuya Charlie."
 "Mapagpanggap siya! Huwag kang palinlang, baby brother."
"Ha?"
"Basta! Matulog na lang tayo," naghihikab na sabi niya. Pagdating nila sa kuwarto ay agad silang nakatulog na magkapatid.
Pagkagising niya kinabukasan, knockout pa ang mga oldies. Siya naman ay nahihilo ng kaunti. At nakaramdam ng gutom. Kaya naman, walang suklay o hilamos, lumabas na siya ng kuwarto at saka pumunta sa kusina.
Kaso napapihit siya pabalik bigla nang makita roon si Charlie. Hindi niya gusto ang pagrerebelde ng puso niya na gustong bumalik ng kusina.
Nasa hagdanan na siya papanhik nang tawagin siya nito.
"Erica!"
"Bakit?" matamlay na sabi niya nang hindi ito nililingon.
"I prepared your favorite breakfast. Gusto mong kumain na?"
"Hindi ako gutom," pagsisinungaling niya saktong umalingawngaw sa buong lugar ang pagkulo ng tiyan.
Napapikit siya at minura ang sarili sa isip.
"Ah...okay," Charlie said. Nang lingunin niya ito ay pigil na pigil nito ang pagngiti. But his eyes said it all. He wanted to burst out laughing.
Tangina naman. Napilitan siyang bumaba. "Ano bang pagkain diyan?" aniya at nilagpasan ito.
Charlie hurriedly fixed the table and served all he has prepared. "Kain kang marami. Kahit kainin mo na lahat iyan. Para sa'yo iyan."
Kalimutan muna ang sama ng loob, mas nangangailangan ang sikmura. Kumuha siya ng freshly baked pandesal at kahit walang palaman ay agad niyang kinain iyon. 
Walang ibang nakakapag-comfort sa kanya kundi masarap na pagkain. Food is life!
"Sorry about last night," biglang sabi na lang ni Charlie. 
Wala man lang intro or chika! Di tuloy alam ni Erica kung anong sasabihin.
"Doon sa pool. I don't really know what gotten into me to push you away like that." Napakamot ito sa batok. "I can't understand what I have acted either. It almost drowned you. I'm sorry, Erica..." mahinang sabi nito at saka nahihiyang napayuko.
Huminga siya nang malalim at saka pinagpatuloy lang ang pagkain. "Hindi naman sa muntik akong malunod sumasama ang loob ko," she honestly said. "Na-offend lang siguro ako sa pagkakatulak mo sa'kin na parang... nakakadiri ako or what. To think na wala nga akong ginagawa. Parang kasing...ah, ewan!" She just shoved the topic away.
Kumain pa siya ng pagkain. More food, more fun. Dito na lang niya itutuon ang pansin kaysa sa puso niyang hindi niya alam kung anong ipinaglalaban.
"No. I'm not thinking of anything like that," paglilinaw ni Charlie.
"Geh," sabi na lang niya.
"Look, Erica."
"Kumakain ako."
"Listen to me then."
Nilakasan niya ang pagnguya.
Napabuga ito ng hangin at nahagod ang buhok nito. "Kung alam mo lang ang iniisip ko, baka ako pa ang maitulak mo," mahinang sabi nito.
"Ano?"
Tumalikod ito at padabog na hinugasan ang mga gamit nito pangluto.
"Hoy, anong problema mo? Umayos ka nga. Baka mabulabog mo ang mga natutulog. Alam mong puyat ang mga tanders."
Mas lalo nitong nilakasan ang pagdadabog. Aba, bata?
Napailing na lang siya. Sige, kain pa, Erica. Idaaan sa kain ang lahat. "My goodness! Food is life!" aniya habang inuubos ang lahat ng hinanda ni Charlie.
"Erica."
Hindi niya ito pinansin. Kain lang ng kain.
"Erica."
Deadma.
He frustatingly sighed. "Erica, I'm sorry."
Deadma times three.
Lumapit sa kanya si Charlie. "Erica."
Tiningala niya na ito. "Ano ba?" naiinis na sabi niya.
Charlie leaned on the table with that hard expression on his face. "Patawarin mo na 'ko, puwede ba? Pansinin mo na 'ko. Kausapin mo na 'ko. Asarin mo na 'ko. Murahin mo na 'ko."
"Wow. Isang gabi lang kitang ini-snob, p're. Makademand ka? Ang forgiveness, hindi dine-demand. Maghihintay ka kung kailan bukal sa loob na ibibigay iyon!"
"Look, we're acting like kids here. This is too childish."
Napatayo siyang bigla. "Childish mo mukha mo! Ikaw ang childish. Ikaw na nanghihingi ng sorry, ikaw pa galit? Ikaw pa nang-aatat? At ano ba sa'yo kung ayaw kitang pansinin? Ayaw kitang kausapin? Does it bother you that much?"
Nahilamos nito ang mukha. "It bothers me! It fucking bothers me!"
"Eh di problema mo iyan!" sigaw niya pabalik rito. "Ikaw ang nanulak, paanong hindi ako ma-o-offend? Hindi dapat big deal, diba? Pero kasi na-offend ako, wala kang magagawa-"
"Mas ma-o-offend ka kung hindi kita tinulak, Erica," tiim bagang na sabi nito at saka mas lumapit pa sa kanya. "Mas maiinis ka kung mas kinabig kita at ginawa ko ang iniisip ko! Because God forbid, I want to kiss you! I wanted to kiss you then, I wanted to kiss you yesterday, and I want to kiss you even now!"
Nanlaki ang mga mata niya. "A-Ano?"
Charlie's expression soften. Tumalikod ito at mabilis na lumabas ng kusina.



 
~o~o~o~
"MAY PROBLEMA ba kayo ni Charlie?"
 "Wala po," Erica lied instantly. Kasama niya ang Mama niya at si Tita Charlene. Nakababad silang tatlo sa hot spring at nagre-relax.
 Napataas ang kilay ng Mama niya. "Weh?"
 Natawa siya. "Wala nga kasi, Ma. At saka parang hindi ba normal sa inyo na number one enemies kami?"
 "Natural lang kung tayo-tayo. Eh, kapag napansin ni Tito Carlos?"
 "Does my son annoyed you again?" Tita Charlene softly asked.
 Yung anak niyo po, paasa po. Hindi pa naman sila hiwalay ng girlfriend niya, may pa "I want to kiss you" pong nalalaman . Pagkatapos po, naging akward na ang lahat. "Hindi naman na bago iyon, Tita."
 Napabuntong hininga ang Mama niya. "Akala pa naman namin, magkakasundo na kayo niyang si Charlie kapag nasa iisang bubong na kayo. Dahil nga magkakampi kayo sa 'kasal' niyo at dapat laging nagkakasundo."
 "Speaking of, kailan po ba tayo hihinto rito? May balak na po yatang tumira sa bahay ni Lolo Carlos forever, eh!"
"Pasensya na talaga, anak," sabi ng Mama niya. "Kung nakokonsensya na kayo, mas doble ang konsenya ko. Araw-araw nagdadasal na lang ako na mahabag sa'tin ang Diyos talaga. At bigyan tayo ng kasagutan kung paano bang malulusutan 'to. Kundi, lahat tayo may reunion sa hell."
 "Ma," saway niya sa ina. Natakot kasi talaga siya. She believes in the concept of heaven and hell. It's biblical kaya. Sa Bible, lahat truth.
 "Eh, totoo naman kasi. Kaya ikaw, 'yung pananalita mo ay bantayan mo rin, Erica Viktoria. Nako, sinasabi ko sa'yo. Ako na puputol ng dila mo."
 Napangiwi siya. "Sorry po." Madalas nga siya magmura. Paano naman kasi, intense lagi ang emotions niya kapag kaharap si Charlie. Kundi siya sobrang inis o asar, sobrang pikon naman siya. At ngayon, ang sama-sama pa rin ng loob niya!
 Hindi siya makapaniwala sa mga sinabi sa kanya ni Charlie kaninang umaga. Parang...joke lang. Hinihintay niya ang punchline. Mas gusto niyang joke na lang iyon dahil, ang hirap man aminin, ang sarap isipin na nagkakagusto na rin si Charlie sa kanya.
 Bakit? Gugustuhin ba siya nitong halikan kung wala itong gusto sa kanya? Sinong gustong humalik sa taong hindi niya gusto? 
 Ayaw na ni Erica lokohin ang sarili niya. She's a psychology major, for crying out loud! Alam niya kung anong pinagdadaanan ni Charlie.
 At iyon pa mismo siguro ang mas masakit.
 She knows that Charlie might like her, yes. Pero nasasanay lang ito sa presensiya niya saktong iniwan itong nakabitin sa ere ng girlfriend nito.
 Charlie wanted to flirt. Another defense mechanism for guys who does not want to meddle with a lonely heart.
 Reality check naman kasi, paanong magkakagusto sa kanya ng totohanan sa kanya si Charlie? Like, duh? Distraction lang siya kay Charlie. Para hindi nito maisip masyado si Chryzelle.
 May kumurot sa puso ni Erica. Ang sarap na lang hindi mag-analyze ng actions ng tao. Parang ang sarap na lang mag-assume na totoo ang nararamdaman ni Charlie na halikan siya. Parang ang sarap na lang hindi i-apply ang mga natutunan niya sa apat na taon sa kolehiyo.
 "M-Mama, aahon na 'ko. Maiwan ko na muna po kayo, Tita Charlene."
 Parang gusto pa siyang kausapin ng dalawang ginang ngunit tumango na lang ang mga ito at hinayaan siya.
 Pagkabalik niya sa loob ng bahay at nang makapagbanlaw na lang rin ay tumambay siya sa entertainment room para manood ng mga pelikula sa HBO.
 Mag-isa lang siya doon at saktong gusto niya ang palabas kaya hindi na siya umalis. Kahit pa may dumating at umupo sa kabilang bahagi ng sofa.
 Erica hated how her senses became totally aware of everything. Porket si Charlie ang kasama niya at tahimik na nanonood din?
 May dala ito ng isang malaking bowl ng popcorn. Nilagay nito iyon sa gitna nilang dalawa.
 Pigil na pigil siyang dumakot kahit ang sarap-sarap ng amoy niyon.
 Nasa kalahati na ang pelikula at wala pa rin silang imikan ni Charlie. Umaalingawngaw lang sa buong kuwarto ang mga boses galing sa pinapanood, ang ingay ng aircon, pati na ang pagnguya ni Chralie ng masarap na popcorn.
 Bakit ang hirap makatanggi kapag may pagkain na involved?
 Sa wakas ay hinayaan niya na ang sariling kumuha ng popcorn habang ang mga mata ay nasa TV. But she saw in her peripheral vision that Charlie smiled kahit wala namang nakakatawa sa pinapanood nila. 
 Naglakas loob na si Erica. Hindi na puwedeng tumagal ng ganito 'to. "Joke lang ba iyong sinabi mo kanina?"
 Humarap din sa kanya si Charlie. "Do you want it to be a joke?"
 "Oo," matapat na sabi niya. She likes him, yes. But she does not want to be lead on by him. "Tell me, it's a joke. Then, I'll forgive you. Balik tayo sa dati. Kalilimutan na lang natin iyon. Ganoon."
 Hinuli nito ang tingin niya. Matapang niyang sinalubong iyon upang ipakita na seryoso siya sa sinasabi niya. 
 "Bakit gusto mong maging joke lang iyon?"
 "Haller! Ikaw, gusto akong halikan? Bakit? May gusto ka na sa'kin? Nagustuhan mo na 'ko bigla habang hindi sinasagot ng girlfriend mo ang mga tawag mo? Na-fall ka kasi lagi mo 'kong kasama sa bahay?" Umismid siya. "Nililinlang ka ng feelings mo. Gusto mo lang ma-distract. At ayokong maging distraction lang. So, tell me it's a joke. Ayokong isiping you're flirting with me." Nangilabot siya kunwari. "You're better than that Charlie. Alam kong mahal mo si Chryzelle. So, yeah..."
 "So you know me better than myself, ha?"
 "Gago, psychology major ako. Marunong ako mag-observe-observe ng mga actions. At nag-a-analyze ako ng mga situations." Kundi lang talaga, nadala na siya sa feelings niya rito.
 "So...I'm just distracting myself?" Napayuko ito at parang bata na pinagbubunggo-bungo ang mga paa.
 "Oo. Akala mo hindi ko nakikita sa bahay na tulala ka madalas? Malungkot iyong mga mata mo? Kasi nami-miss mo girlfriend mo. Nasasaktan ka, gets ko 'yon. Kaya huwag ka magpapa-apekto sa nararamdaman mo lang 'ngayon'. Huwag mong hayaang matalo ang commitment mo sa girlfriend mo."
 Napalunok si Erica. Siya mismo ang nagsasabi ng mga bagay na ikakasakit ng puso niya. "Hindi na 'ko ma-o-offend sa pagtulak mo sa'kin. Kasi alam ko na ang totoong rason. Pinigilan mo ang sarili mo. Lumayo ka sa temptation. Good boy ka na doon. Sige. Keep it up."
 Napangisi ito. "Good boy naman talaga ako."
 "Lul. Don't me."
 He chuckled and looked at her. Sumeryoso ito pagkatapos. "Wala naman sigurong epekto sa'yo ang sinabi ko kanina, ano?"
 "W-Wala," she lied. "Siyempre, wala. Pero nakakagulat pa rin. Like, hello? It's not everyday that someone would confess that he wants to kiss you. At sa lahat ng tao, ikaw pa? Ikaw ba sanay sa ganon?"
 "Nung hindi ko pa nakikilala si Chryzelle, basta na lang ako hinahalikan ng mga babae." Nagkibit balikat ito. "Hindi na nagpapaalam. Naintindihan ko naman sila. They can't help it."
 "Punyeta."
 Charlie grinned. "Bati na ba tayo?"
 Kinunutan niya ito ng noo. "Para namang bata 'to. Pero sige. Saka ayoko na rin patagalin 'to. Ang tatanda na natin para patagalin pa ang hindi pagpapansinan at pag-uusap na parang ang big deal ng problema. Eh, gusto mo lang naman ako halikan?" Tinawanan niya ito. Mas mabuti pang daanin na lang sa biro ang lahat. "Pero naintindihan kita. Kakaiba talaga ang alindog ko these past few days."
 "Wow. Lakas!"
 Hinampas niya ito ng throw pillow. "Basta huwag ka na ulit magjo-joke ulit ng ganoon. O kahit totoo iyon. Huwag ka na mag-iisip ng ganoon. May commitment ka sa iba. Huwag mong itapon ang six years niyo para sa mga emosyon na hanggang 'ngayon' lang ang tinatagal."
 Kumunot ang noo nito. "But what if what you feel right 'now' is what you should feel forever?"
 "Walang forever."
 Natawa ito. "Sabi ko nga."
 "Basta huwag kang pa-confuse sa mga panandaliang feelings. Iyan ang madalas na downfall niyong mga lalaki, eh. Makakalimot kayo sandali para lang ma-satisfy ang nararamdaman niyo ngayon. FYI, ang love ay commitment. Hindi feelings. Dahil ang love kapag binase mo sa kilig lang, sa sparks lang, sa excitement lang, sa happiness lang, ay jusko, wala talagang forever."
 "Preach!"
 "Ah, talaga! Kaya ikaw," sabay turo dito. "i-endure mo lang muna iyang pag-snob sa'yo ni Chryzelle. Hindi rin makakatiis iyon at siya na mismo ang makakaintindi kung bakit tayo nagpapanggap ngayon na mag-asawa. Tignan mo, babalik iyon. Mahal ka niyon. Mahal mo siya. Mahal niyo ang isa't isa." 
She ate some popcorn. Bakit ba siya mismo ang nasasaktan sa mga sinasabi niya? "May commitment na kayo sa isa't isa. Na kahit ano pa ang mga mangyari, kahit sino pa ang dumating, at kahit gaano pa kapangit ang timpla ng sitwasyon, hinding-hindi kayo papatibag. Ganoon ang love."
 "Why is it that I'm older but you sounded more experienced?"
 "Ewan ko sa'yo. Ngayon mo pa lang ba nare-realized lahat ng 'to?"
 Umiling ito. "Not really. Mas naiintindihan ko lang siguro. Hindi ko naman sasabihing mahal ko siya kung hindi ko alam ang ibig sabihin ng pagmamahal, hindi ba?"
 "Kaya nga. So, yung mga sinasabi mo kaninang umaga...?"
 He looked at her. Straight to the eyes. Like he wanted to read more of her emotions. But she refused...she refused to give away what she feels. She faked her own look.
 "Yes," he said. "it was just a joke, Erica. Nothing serious."
 Hindi alam ni Erica kung paanong nakangiti pa siya at nag-thumbs up. "Good!" Nilayo niya na ang tingin rito at binalik ang atensyon sa pinapanood.
 Nagkakausap na ulit sila ni Charlie at malayang nakakapagpalitan ng opinsyon sa pinapanood na palabas. 
 "Wait a minute. I'll get some more popcorn." Lumabas si Charlie dala ang bowl.
 Nagpakawala ng hangin si Erica. How come that everything's okay but still... it broke her?
 Napapikit siya at inuntog na lang ang ulo sa sandalan ng sofa. Truth is, I want to kiss you, too, Charlie. And I can't fool myself that this is just a joke.
~o~o~o~
"IKAW DAW huling pumasok ng kusina, Erica."
 "Oo ako nga. Pero hindi ko kukunin ang kaserola mo, Charlie! Ano namang gagawin ko dun? Magagamit ko ba sa med school?" naiinis na sabi ni Erica habang sabay silang naghahanap ni Charlie nang nawawala nitong kaserola.
 Hindi niya alam sa lalaking 'to pero biglang nagwawala kapag may nagkukulang na kagamitan sa kusina nito. Ang yaman-yaman, puwede namang bumili na lang ng bago!
 "Well, you used my spatula once."
 "Hindi ko lang nasabing hihiramin ko kasi wala ka. Eh, kailangan na kailangan ko na para sa experiment namin." It's been a month since she started going to UST for her proper medicine course. "At saka binalik ko naman iyon. Marunong naman akong magbalik ng mga hinihiram ko lang."
 Tinalikuran siya nito habang kunot na kunot pa rin ang noo. Binuksan nito ang mga kitchen cabinets pero missing in action talaga ang pinakamamahal nitong kaserola.
 "Magkano ba iyon? Ibibili na lang kita," napipikon na sabi niya dahil parang ayaw nitong maniwala na hindi niya kinuha.
 Lately ay naging magagalitin si Charlie. Parang dinaig pa siya nang nagka-period siya. Lagi silang nag-aaway nito. Hindi lang pikunin kundi totoong away.
 Minsan, hindi naman issue ay pinapalaki nito. Kundi ba naman may saltik talaga.
 "Kumalma ka nga, oy! Lagi kang galit. May pinagdadaanan ka ba?" mataray niyang sabi pero sa totoo lang ay nag-aalala si Erica sa loob-loob niya.
 Dahil sa pagkabusy niya sa med school ay hindi niya na masyadong napapansin si Charlie at ang mga kilos nito. Actually, sinadya na rin na dumistansya talaga at dumidikit na lang siya kapag nandyan si Lolo Carlos. Ayaw niya nang mas lumalim ang pagkakagusto rito kaya magandang distraction ang pagkabusy sa pag-aaral. 
 Na-stressed nga lang siya. Unang buwan pa lang ay matindi na pala ang pinasok niya. Med school pa more! Gusto niyang maging psychiatrist, ha? Sige. Push lang para maabot ang dreams!
 Napapitlag siya nang padabog na sinara ni Charlie sa isa mga kitchen cabinet. Paulit-ulit na lang ito ng binubuksan.
 "Alam mo, wala dito ang kaserola mo. Kanina pa tayo naghahanap." Lumayo na siya sa mga kitchen cabinet at naglakad palabas ng kusina. "Hindi naman siguro makakabawas sa pagiging chef mo kung mawalan ka ng isang kaserola, di'ba?" she sarcastically said.
 Nagmartsa siya paakyat at mas mabuting magkulong na lang sa kuwarto niya. Mag-a-advance reading na lang siya sa mga subjects niya. 
 Mas madali pang intindihin ang mga scientific books na nababasa niya kaysa kay Charlie. Dinaig pa babae sa mood swings.
 "Hija?" katok ni Lolo Carlos.
 Agad niyang binuksan ang pinto ng kuwarto niya. "Yes, Lolo?" nakangiting bungad niya rito.
 "Ah, may itatanong lang sana ako. May problema ba kayo ng asawa mo?" nag-aalalang tanong nito. "Hindi kasi normal ang ikinikilos ni Charlie nitong mga nakaraan, napansin ko. Ayoko na sanang makialam sa inyong mag-asawa pero baka may maitutulong ako?"
 Sandaling natigilan si Erica. Patay. Palusot alert! Alert! "Ugh...w-wala, Lolo. Wala pong problema. Stressed lang po siguro si Charlie sa career niya?"
 "Hindi ka sigurado, hija? Hindi na rin ba kayo nag-uusap ng asawa mo? Napansin ko nga rin na naging abala ka na sa pagpasok mo. Hindi ba dapat ay ngayong buwan ang church wedding niyo?"
 "Ho?" Bigla siyang napatingin sa kalendaryo niya sa study table. Lihim na nanlaki ang mga mata niya. Shit! July na nga pala! Dapat nga pala ngayon ang staged wedding nila ni Charlie. Goodness! "Ay, o-opo. Ngayong buwan nga po 'yun."
 Kumunot ang noo nito. "Mukhang hindi kayo abala sa preparasyon? O may ibang umaasikaso niyon para sa inyo."
 Bigla siyang napahilot sa sentido. "Ah...opo. Opo. May wedding planner po kaming kinuha ni Charlie para hindi na po kami masyado mahirapan. Bale tinatawagan na lang po kami kapag malaki ang dapat na pagdesisyunan. Ganoon po." Siyempre, lahat ng sinabi niya, drawing lang.
 Mas na-stressed siya sa patuloy na pagsisinungaling niya sa matanda. Patagal nang patagal, mas sumasama ang pakiramdam niya kapag ganitong patuloy ang panloloko nila sa mabait na si Lolo Carlos. They can't still find another way out of this.
 "Alright. Just talk with Charlie. Maybe he's having wedding jitters, don't you think?"
 "Baka nga po, Lolo. Huwag po kayo mag-alala. Nag-uusap naman po kami lagi ni Charlie."
 Tumango ito at nagpaalam na magpapahinga na. Hinatid niya ang matanda sa kuwarto nito.
 "Pero sa tingin ko ay baka nagseselos lang rin ang asawa mo," ani Lolo Carlos habang inaayos ang paghiga sa kama nito.
 Napakunot-noo siya. "Bakit naman siya magseselos, Lolo? At saan?" nagtatakang tanong niya.
 "Ewan ko ba sa batang iyon. Nagsimula siyang maging ganoon noong nakita niyang laging ka nang hinahatid pauwi ni Reynald."
 Lalo lang nangunot ang noo niya. Ang bait nga ni Reynald dahil nasaktong parehas sila ng schedule ng uwi tuwing may pasok at isinasabay siya nito pauwi. May bago kasing apartment si Reynald na malapit lang sa village nina Charlie.
 Eh siya pa ba ang tatanggi kay Reynald? Less hassle pa.
 Nang maayos na si Lolo Carlos ay iniwan niya na ito at saka niya hinanap si Charlie.
 Nakita niya ito sa may garden. Nakaupo sa patio habang nakikipaglaro kay Jerry. Mukhang wala na itong topak. Ngumingiti na ito habang naka-focus sa alaga.
 "Pst, Charlie"
 Hindi siya nilingon nito.
 "Hoy."
 Hindi pa rin siya nito nilingon.
 She rolled her eyes. "Hey, handsome."
 Biglang lumingon ito. "Yes?"
 "Napapansin na ni Lolo Carlos ang topak mo lately. Ano ba problema mo?"
 "Wala naman..." Binalik na nito ang atensyon kay Jerry.
 "Hindi ka pa rin kinakausap ng girlfriend mo?" pasimpleng tanong niya at saka inobserbahan ang reaksyon nito.
 He didn't say anything but she saw his jaws tightened for a sec. Hmm.
 "Nagseselos ka daw kay Reynald, sabi ni Lolo." Tumawa pa siya kunwari at humalukipkip. "Kasi daw lagi akong hinahatid pauwi. Eh, kung sinusundo mo ba naman ako sa school, sasama naman ako sa'yo" she joked. Just to lighten up the mood.
 "Lagi mo bang kasama si Reynald sa campus?" biglang tanong nito. Seryoso.
 Napataas siya ng kilay sa tono nito. But she answered anyway. "Hindi. Nagkakasalubong kami madalas, oo. Kasi may mga klase kami na nasa iisang building. Tapos, nagkikita na lang kami kapag uwian na. Sinasabay niya 'ko since malapit lang naman 'yung bago niyang apartment dito. Pero bakit ako nagpapaliwanag sa'yo?"
 Ngumisi ito. "Sorry about earlier. Marami lang akong iniisip."
 Tumango lang siya. "May dadagdag pa 'kong papaisip sa'yo. 'Yung 'kasal' natin. Abang na abang na si Lolo. Muntik na 'ko hindi makalusot kanina! Nakalimutan kong July na pala!" Napahilot siya sa sentido dahil literal na pumitik iyon. "So, kailan ang kasal natin?"
 "Are you proposing to me?" he sheepishly said.
 Tinadyakan niya ito sa binti.
 "Ouch!" daing nito. "You don't need to kick me. Hindi naman kita tatanggihan. Magpapakasal ako sa'yo sa lahat ng simbahan, baby."
 Babatukan niya sana ito pero napatili siya at napalayo nang inilapit nito si Jerry sa kanya. Tawa ito ng tawa. 
 "You're so cute, Erica."
 "Putragis ka, Charlie. Bipolar ka ba? Kanina para kang pinagsakluban ng langit dahil sa kaserola mo. Ngayon, enjoy na enjoy lang pagtrip-an ako."
 "Your fault. You make me laugh all the time." He looked at her. "You make me happy just talking with you like this."
 "Tantanan mo 'ko! Huwag kang paasa!"
 Her forehad creased. "Huh?"
 "Wala. Joke lang." Tumuwid na siya ng tayo at napatikhim. "So, iyon nga. May 'kasal' kasi tayong dapat asikasuhin. Feeling ko, iyon lang ang hinihintay ni Lolo at uuwi na ulit iyon sa Amerika. Sobrang healthy pa sa kalabaw ni Lolo. Kaya ang tanging pag-asa na lang natin na makawala sa scheme na 'to ay ang makauwi na siya. Tapos back to normal lives na tayo. Magkakabalikan na kayo ni Chryzelle! Yes! Happily ever after!"
 Nag-iwas ng tingin si Charlie at naging tipid na lang ang mga ngiti. That's when Erica saw the pain in his eyes while looking at Jerry.
 "C-Charlie?"
 "We broke up."
 "H-Ha?"
 "She broke up with me. Officially ending everything we had." He chuckled but it was a fake laugh. "Ganoon lang. She talked to me just to say we're over."
 Napakurap-kurap si Erica. "Charlie...Sorry."
 "Yeah. Shit happens a lot lately." 
 "B-Baka puwede pa kayong magkabalikan. Habulin mo siya pagkatapos nito. Pero iyon naman talaga ang plano mo, hindi ba?"
 Tumingin ito sa kanya. Matagal. Nakakailang kaya iniwas niya ang mga tingin. "Sasampalin kita kapag hindi mo inalis pagkakatitig mo sa'kin. Ano? Gusto mo na naman akong halikan?" sarkastikong sabi niya.
 "Can I?"
 Tumalon ang puso ni Erica sa Mars. Napatingin siya kay Charlie. "H-hoy, ikaw! Kung kailangan mo ng comfort, hindi halik ng ibang babae ang solusyon. Putragis ka."
 Halo-halo na ang emosyson sa dibdib ni Erica. Ano ba? Natutuwa pa yata siya na break na ang dalawa, pero bakit natatakot din siya dahil break na si Charlie at ang girlfriend nito? Saan siya natatakot?
 Sa feelings na baka bumigay.
 Anong kinakatakutan niya?
 Na baka madala ka at maging rebound pa.
 Tsk. Saklap niyon. Tangina this feeling. 
 Pumasok na lang si Erica sa loob ng bahay at bahala nang makipagbakbakan si Charlie sa broken heart nito basta huwag lang siyang landi-landiin nito!
 Putragis kasi. Sure siyang lalandi ang puso niya pabalik.
 Hindi hahayaan ni Erica iyon. Never take advantage sa pusong sawi. Doble ang sakit niyon pabalik.
~o~o~o~
DELAYED ulit ang kasal. October na lang daw. Isasakto sa birthday niya. Wow lang. Three more months of lies and fake stories.
 Hindi alam kung kakayanin pa ni Erica iyon. Pero mabuti na lang talaga at abala siya sa school. Naging abala na rin si Charlie. Ngunit paminsan-minsan ay nag-aalala pa rin siya ng lihim sa binata.
 Mukhang wala naman kasing suicidal tendency si Charlie. Maybe, he can dwell with a broken heart well. Isa pa, matanda na ito. Kaya na nito iyon. 
 Surprisingly, naging abala rin si Lolo Carlos. Isinasama lagi ito ni Ninong Carlitos sa kung saan-saang business trips, meeting etc, etc. Kaya laging wala si Lolo sa bahay at kahit paano ay nababawas-bawasan ang acting nila ni Charlie.
 So, okay. They survived another month without much lies.
 "Kumusta na kayo?" ani Reynald habang tinutulungan siya nitong bitbitin ang makakapl niyang libro.
 "Ha? Sinong kami?" lutang na sabi niya. It was midterm exams already. And everything is hell for Erica.
 "Kayo nina Charlie sa bahay?"
 "Hindi kami madalas nagkikita. Nasa kuwarto kasi ako palagi. Wala rin si Lolo Carlos kaya hindi na naming kailangan magsabay kumain ni Charlie."
 "Nagkikita pa ba kayo sa loob ng bahay?"
 "Oo. Nagkakasalubong. Minsan."
 Pagkarating nila sa kotse nito ay pinagbuksan pa siya nito ng pintuan. Napangiti si Erica kay Reynald. Ito pa rin talaga ang crush niya. Madalas siyang tulungan ni Reynald lalo na nang bago pa lamang siya sa med school. He's genuine of helping her na nararamdaman niyang walang halong ulterior motive iyon o ano.
 And Reynald never flirted with her. Madalas na topic pa nga nila ang girlfriend nitong maldita.
 "Kumusta na ba 'yung Alia? Kayo pa ba? I-break mo na iyon," kantiyaw niya. Inis na inis talaga siya sa babae nung pinakilala sa kanya si Reynald. Ang taray sa kanya at sobrang clingy at demanding sa nobyo. Kung makakapit, parang aagawin niya!
 At nang natalikod lang si Reynald saglit, kung anu-ano na pinagsasabi sa kanya. Mukha daw siyang malandi blah blah blah. Bottomline, may sayad ang girlfriend ni Reynald. Malakas ang kutob niya.
 Ang lalim ng buntong-hininga nito. "Sana ganoon lang kadali..."
 "Magpinsan talaga kayo ni Charlie, ano? Parehas kayong may mga girlfriend na hindi understanding. Buti ako, very very understanding ako."
 Nagkatawanan sila nito.
 "Bakit ba wala ka pang boyfriend?" simpleng tanong ni Reynald.
 "Ikaw kasi ang crush ko. Papaagaw ka ba?" biro niya habang binubuklat-buklat ang magazine na nasa dashboard ng kotse nito.
 Natawa lang ito sa kanya.
 "Ang ganda naman nitong model na 'to. Ang haba pa ng legs! Kung magkasing-height lang talaga kami, sumali ako sa Miss Universe," aniya nang makita sa magazine ang sikat na model na si Lavender de Vera.
 Kung hindi kaya siya kinulang sa height, mabilis siyang magugustuhan ni Charlie? Ay, tangina! Bakit si Charlie? Di'ba dapat si Reynald? Dahil ito ang mahilig daw sa matangkad? 
 Pero parang type rin ni Charlie ang mga model-like. Dahil ganoon ang datingan ni Chryzelle, aside from the fact na isa pa itong flight stewardess ng isang international airline.
 Ibig sabihin, hindi siya papasa sa tipo ni Charlie-este ni Reynald. Wait. Si Charlie talaga. Gusto niyang masuka sa iniisip, pucha! She'll never thought that she'll be liking Charlie more than she liked Reynald.
 Shit!
 Malakas na tama niya kay Charlie. Parang ibang level na. Paanong nangyari iyon?!
 "Erica, are you okay?" ani Reynald habang sumusulyap-sulyap sa kanya. "Hindi na mapinta itsura mo."
 Sinara niya ang magazine at saka humugot ng hininga. "Okay lang ako. Pasensya na. Sabaw lang. Alam mo na. Midterms."
 Nakakaintinding tumango ito at nag-usap na lang sila tungkol sa mga pinag-aaralan nila. Nang maihatid na siya nito pauwi ay nagpasalamat siya rito.
 "Saan ka galing? Late na, ah."
 Sumalubong sa kanya si Charlie na naka-apron pa at may hawak na sandok. Buhay na buhay na naman lahat ng senses niya. Punyeta.
 "Six PM pa lang, Charlie. Anong late pinagsasabi mo diyan?"
 "Hanggang three PM lang ang exam mo ngayong araw. Nakita ko sa schedule mo. So, late ka na nakauwi. Hinatid ka ni Reynald, hindi ba? May iba pa ba kayong pinuntahan?" sunud-sunod na tanong nito.
 "Kung makatanong ka naman. Parang totoong asawa ka na concern na concern."
 Tila natigilan ito saglit. "Hmm."
 "Papahinga muna ako. May exam pa 'ko bukas. Magre-review pa 'ko." Pero sa totoo lang ay gusto niya lang ito iwasan.
 "Hey, wait. Eat first."
 "Mamaya na lang." Pumitik ang sentido niya at alam niyang pagod na siyang talaga. Kaya naman pagkarating niya sa kuwarto ay bagsak na siya agad.
 Nagising lang siya dahil sa naamoy niyang pagkain. Kumalam ang sikmura niya nang makakita ng isang tray ng pagkain sa study table niya.
 Agad siyang bumangon at napangiti nang makita na may iniwan na note si Charlie.
 Please, don't skip a meal. You need nutrition for studying. Kung kulang pa 'to, nag-stock pa ako ng mga puwede mong kainin sa ref. Study hard! Best of luck, sexy! ;)
 Mas lalong napangiti si Erica at hinayaan na langa ng sariling kiligin sa thoughtfulness ng mokong. 
 Ah, bahala na ang feelings.
 Magana siyang kumain at pagkatapos niyon ay nag-aral. Inabot na siya ng hatinggabi pero kailangan niya pang mag-review.
 Napapahikab-hikab na siya nang may kumatok sa pintuan niya. Pagbukas niya ay nakita niya si Charlie na may dalang tray ng pagkain.
 "Nakita kong bukas pa ang ilaw mo. Maybe you're still studying so I brought you these." Inabot nito sa kanya ang tray na may snacks at isang mug nang mainit na kape.
 Kinuha niya iyon. "Nag-abala ka pa. S-Salamat."
 "Galingan mo, ah! Perfect your exams," he cheered for her and gave her his most charming smile. "Kapag nagugutom ka pa, marami pang pagkain sa baba."
 "Ang bait mo ngayon. Ganyan ba kapag wala nang girlfriend?"
 Napasimangot ito kaya natawa siya. "Joke lang! Salamat pala dito," aniya sa pang-midnight snack niya.
 Tumango na ito at saka tinignan pa siya nang matagal bago tumalikod na lang bigla. 
"Ang weird mo these days," pahabol niyang komento nang papasok na ito ng kuwarto nito.
 "I think so, too." Nagkibit-balikat ito. "Pero guwapo pa rin naman ako."
 "Ay, wow. Lakas!" Natawa na lang siya at napailing. Charlie is Charlie.
 "Erica?" 
 "Bakit?"
 He twitched his lips. "May...may gusto ka pa rin kay Reynald?"
 "Crush? Oo naman. Bakit selos ka?" tukso niya. Hay, siya ang nagpapaasa sa sarili niya. Kundi pa naman siya gaga.
 "Medyo."
 "Ha?" gulat na sabi niya.
 "De joke lang. Bakit naman ako magseselos? Ingat ka lang. Baka ma-fall ka doon. May girlfriend pa naman 'yung tao. Di ka niya masasalo."
 "Eh di parang ikaw pala."
 Natigilan ito. "Huh?"
 "Sabi mo sa'kin noon, diba? Ang kapal nga ng face mo ng mga panahon na iyon. Sabi mo, huwag akong mai-inlove sa'yo at hindi mo 'ko masasalo." Pero mataas din ang pride niya niyon. Pasumpa-sumpa siyang hindi magkakagusto rito. Ayun. Nakain niya sinabi niya. Strange life.
 Napakurap ito. "S-Sinabi ko iyon?"
 "Duh."
 "Well, I'll take that back," mahinang sabi nito sabay talikod.
 "May sinasabi ka?"
 He turned to her and smiled. "Good night, baby."





 
CHAPTER TEN
KAUNTI na lang talaga at mukhang malapit nang sukuan ni Erica ang mga pangarap niya. She can't believe it! Hindi niya alam na darating siya sa point ng buhay niya kung saan gusto niya nalang sumuko kung kailan, medyo malayo na ang narating niya.
 Katatapos lang ng midterm nila at lumabas na ang grado niya sa ilang subjects. Pucha, hindi worth it! 'Yung pagod niya sa kakaaral at kakagawa ng mga assessment... wala! Wala! Tangina. Lahat ginawa niya para maka-uno. Pero puro paghihirap lang ang hatid sa kanya ng med school.
 Punyeta! Mamatay na lahat ng prof niyang binigyan siya ng tres at singko!
 "Erica, it's time for dinner!" narinig niyang tawag ni Charlie mula sa loob ng bahay.
 Hindi lang siya umimik at nanatili lang sa piling ng mga halaman niya sa graden. Kahit na lamukin siya doon magdamag, wala na siyang pake. Naubos na ang pake niya. 
 Unang sem pa lang. Midterm pa lang, oo. Pero iyon na nga ang problema, umpisa pa lang, halos bagsak-bagsak na siya! Paano siyang babawi sa finals?! Paano sa mga susunod pang semester?
 Nakakapanlumo. Parang...parang hindi para sa kanya ang pangarap niya. Masyado ba siyang ambisyosa? Does psychiatry never fit for her from the start? Isa pa ang scholarship niya...
 Ano ba kasing nangyayari sa kanya?
 "Hey, sexy!" Pumito pa si Charlie.
 "Mauna na lang kayo ni Lolo kumain," matamlay niyang sabi habang dinidiligan ang mga halaman. "Wala pa 'kong gana."
 "Ikaw, mawawalan ng gana? Nah! I won't buy that. Come on in."
 Umiling lang siya.
 Mamaya ay naramdaman niya ang katawan nito sa likod niya.
 "I know you have a problem, but let the food take the stress away." Charlie grabbed her free hand. "At isa pa, bakit ka nagdidilig, gabing gabi na?"
 Pinatay nito ang gripo habang hawak pa rin ang kamay niya. Ngunit nanatili lang nakatayo roon si Erica. Tulala habang ang hose na wala nang tubig na binubuga ay hawak niya pa rin at nakatapat pa rin sa mga halaman niya.
 Si Charlie na ang nagtanggal ng waterhose sa kamay niya. "You're problem's serious, eh?"
 Napayuko na lang siya. Kahit ang makipagtalo at makipagbarahan kay Charlie ay wala siyang oras. 
 Dalawang kamay na niya ang hawak nito. Hinila siya nito para mapaharap rito. "May...umapi ba sa'yo?" marahang tanong nito, his voice full of concern.
 Putragis, oo! 'Yung mga walang-awa niyang prof na hindi nakikita ang effort ng estudyante! 
 Ngunit umiling lang siya. Hindi naman siya maiintindihan nitong si Charlie. At baka asarin lang siya na grade conscious siya masyado.
 Charlie lifted her chin lightly. Nagsalubong ang mga tingin nila at lihim niyang nahigit ang hininga. 
 "Then what's the problem, baby?" He looked at her with outmost sincerity.
 Tangina, isa pa 'tong problema niya! Kumabog ng malakas ang puso niya at parang biglang nakuryente sa hawak nito. Bigla siyang napalayo sabay bawi ng kamay. "H-Hoy! Ikaw, ah. Akala mo hindi ko napapansin na nanantsing ka kapag unaware ako?"
 Ngumisi ito. "Gusto mo ba 'yung aware ka?"
 "Tangina, ha?" Pero bakit napapangiti siya? Malandi ka, Erica! Malandi! Malandiiii! Tumalikod na lang siya at nagmamadaling pumasok sa loob ng bahay.
 Kahit papaano ay na-distract siya sa pakikipagluwentuhan kay Lolo Carlos. Pero binabagabag pa rin talaga siya ng grado niya sa eskuwelahan. Parang biglang gumuho ang self-confidence niya dahil doon.
 "Wala kang pasok bukas, hindi ba?" Charlie asked. Nagligpit siya ng mga pinagkainan habang naghuhugas ito.
 "Oo. Bakit?"
 "Asikasuhin na natin ang 'kasal'," anito at saka napalingon sa dining area kung saan nandoon pa si Lolo Carlos at kumakain ng dessert.
 Napabuntong-hininga siya. Tuwing papalapit ang staged wedding nila ay kinakabahan siyang lalo. Binabaon na talaga siya sa lupa nang kasinungalingan nila ni Charlie. 
 Kinabukasan, mukha pa ring pinagbagsakan ng langit si Erica dahil sa patong-patong niyang problema.
 Problema sa grades.
 Problema sa panloloko kay Lolo Carlos.
 Problema kay Charlie at kung paanong hindi lalo mahulog ang loob niya rito.
 "Hay! Lord, tulong!" bigla niya na lang nasambit ng malakas habang kasama niya si Charlie sa kotse.
 Gulat na napalingon ito sa kanya habang nagmamaneho. "Bigla ka na lang sumisigaw diyan. Natuluyan ka na ba?"
 "Charlie, sa tingin ko galit na galit na sa'kin ang Diyos," drama niya at saka napasubsob na lang sa dashboard ng kotse. "Nanloloko ako ng matanda. Kaya binabawian ako sa grades ko. Kundi ako bagsak ngayong midterm, pasang-awa! Paano pa 'ko babawi sa finals niyan? Paano na ang mga pangarap ko?"
 "Ganoon ba iyon?" nakakunot-noong sambit nito. "Sa'yo lang galit? Sa'kin hindi?"
 Tinignan niya ito. "Nawalan ka ng girlfriend, gago."
 Napasimangot ito. "So, we're both having a bad karma?"
 Niyugyog niya ang braso nito. "Charlie, utang na loob, umamin na lang tayo kay Lolo Carlos! Para mapatawad na tayo ni Lord. Para hindi ako bumagsak sa med school. Para balikan ka na ng mahal mo." 
 "Does it work that way?"
 "Tangina, oo! Baka! Mag-repent na tayo. Ayoko ng ganito..." Kahit kailan ay hindi siya nagkakaroon ng bagsak na grado. Hindi siya nahihirapan sa academics. Mahirapan man siya ay nasisiguro naman niyang para sa ikatataas ng grado niya. Pero sa nangyayari sa kanya ngayon?
 "Alam mo ba 'yung pakiramdam na ginawa mo na lahat-lahat pagkatapos napunta lang pala sa wala? I never failed, Charlie! Putangina, bumagsak na lahat ng babagsak, maliban sa'kin!"
 Napasipol ito. "We got an arrogant girl here."
 Napalabi siya. "B-Bakit kasi ganoon? Nakita mo naman kung paano ako mag-aral, di'ba? Pero bakit pagdating sa exams, hirap na hirap pa rin ako?" pagsisintir niya. "Hindi naman ako nagpabaya..."
 Erica fought back her tears. Ang OA niya na siguro masyado. Pero para sa edad niya, achieving high grades is still a big deal. Of course, they were just numbers-but they were numbers that determines how good she performed in class. Hindi na siya magpapaka-ipokrita, gusto niyang mataas ang mga grado niya. Sinong ayaw? Sinong hindi natutuwa? 
 She's a goal-oriented girl. She always aims for the best. She won't ever settle for less. Wala siyang pakialam noon kung maghirap man siya, basta maabot niya ang mga pangarap. Pero bakit ngayon, ginawa niya na ang lahat, bakit walang magandang resulta?
 Paano kung bumagsak siya ngayong sem? Tanggal agad ang scholarship niya?
 "Ayos ka lang?" marahang tanong ni Charlie.
 Napasinghot siya. "Okay na okay!" sarkastikong sagot niya. Muntikan pa siyang pumiyok. Ang hirap magpigil ng luha. Punyetang grades 'yan! Mamatay na lahat ng prof niya!
 Hindi na umimik pa si Charlie pero narinig niya ang pagbuntong-hininga nito.
 Tahimik na tahimik sa loob ng kotse. Nanatili lang siyang nakasubsob sa dashboard. Sana makarating na agad sila sa kakuntsaba nilang wedding planner para ito na lang ang mag-aayos ng lahat. Tapos makapag-sukat na rin siya ng wedding gown.
 Parang maling sumama pa siya kay Charlie ngayon. Sana nagkulong na lang siya sa kuwarto, nagtago sa ilalim ng kumot, at maghapong iniyakan ang grades niyang hindi niya alam kung paano pa isasalba sa mga natitirang buwan ng semester na iyon.
 Napasinghot na naman siya at sa puntong iyon ay hindi niya na napigilan ang pagbagsak ng luha. Sa malamang natatawa na lang sa kanya si Charlie dahil sa iniiyakan niya ang grades niya.
 Mababaw, oo. But to her, it was never shallow. She felt like an ultimate failure. 
 Erica tried hard to contain her sobs. Pero napahagulgol na talaga siya nang malakas. Wala na siyang pakialam kung aasarin siya mamaya nitong si Charlie. Ang mahalaga, maiyakan niya na 'tong letseng grades niya at nang maka-move on na siya.
 Habang tahimik na umiiyak ay naramdaman niya ang pagbagal ng takbo ng kotse hanggang sa huminto iyon. Kahit hilam sa luha ang mga mata ay napaangat siya bigla ng tingin.
 "B-Bakit huminto?"
 Pagbaling niya kay Charlie ay kunot na kunot ang noo nito habang nakatingin sa kanya. "Bakit ka umiiyak?" His eyes were full of... worry. Ang guwapo nitong mukha ay parang mas namorblema pa habang tinititigan siya. His hand reached for her wet cheek, gently. Naging malambing ang tinig nito. "Tell me your problem, baby. I'll listen."
 Napasinghot siya at sinabi rito ang dahilan ng mga luha niya.
 "You're crying because of your low grades?" di-makapaniwalang sabi nito. Nanlaki pa ang mga mata nito. Nawala ang kunot ng noo at parang may balak pang tumawa.
 "Tangina kapag ako tinawanan mo, sasapakin kita! Huwag na huwag mong sasabihing ang babaw ko dahil, punyeta ka, pangarap ko ang iniiyakan ko!" Dinuro niya pa ito. "At huwag na huwag mo 'kong masasabihan na 'grades are just numbers' dahil alam ko na 'yon, pero nakakaputang-ina lang talaga na papangit ang transcript of records ko kapag nagkataong bumagsak ako ngayong sem!"
 Napakurap-kurap ito at saka parang maamong bata na tumango lang.
 Napasinghot siya at inalis ang tingin rito. Sumandal siya sa kinauupuan at nasapo na lang ng mga palad ang mukha. Pinagpatuloy niya ang pag-iyak. Alam niyang walang maitutulong 'to sa problema niya pero gusto niya lang talaga ilabas ang bigat ng dibdib niya.
 Umandar na ulit ang kotse. Nanatiling tahimik si Charlie-na ipinagpapasalamat niya. Hindi niya na alam kung saan sila papunta. Ngunit nang huminto ulit ang sasakyan ni Charlie ay nasa Eastwood na sila.
 Doon kasi nila imi-meet ang wedding planner na nakuha nilang kakuntsaba.
 Charlie looked at his wristwatch. "Maaga pa. Come," anito at saka lumabas ng kotse.
 Tinigil niya na ang pag-iyak at saka kinuha ang panyo sa shoulder bag. Pagkaibis niya nang kotse nito ay nasa side niya na agad ito.
 Sumisinghap-singhap pa siya nang biglang ikulong nito sa mga palad ang pisngi niya.
 "C-Charlie..."
 She met his gaze. "Don't cry like that...ever again," he said like he's pleading. "Don't cry like that, understand?"
 Kumunot ang noo niya. "Eh, paano na ako iiyak? Walang sounds? Walang luha?"
 Bigla itong napangisi at nanggigil nang kinurot ang magkabila niyang pisngi. "Crazy girl."
 Hinampas niya ito at lumayo siya. "Putragis ka!" daing niya habang hinihilot ang magkabila niyang pisngi.
 Nanatili ang mapaglarong ngisi nito at saka hinawakan siya sa kamay. Lihim siyang napasinghap. "Hoy, bakit nakahawak ka pa?" Pilit niyang binabawi ang kamay rito.
 But Charlie held her hand tighter-locking their fingers together. Hindi ito nagsalita at basta lang siya hinila papasok sa mall. 
 "Saan ba tayo pupunta, Charles Lyndon Ditangco? Dapat talaga holding hands?"
 Pinagtitinganan na sila ng mga tao dahil siguro sa pilit niyang pagbabawi ng kamay. Tinamaan ng hiya si Erica kaya hinayaan na lang niyang magkasalikop ang mga kamay nila at pilit na lang pinakalma ang nagwawala niyang puso. 
 "What's your favorite brand of make-up?" biglang tanong nito habang patuloy siyang kinakaladkad kung saan man sila papunta.
 "H-Huh?" gulat niyang sambit. "M-Marami. Etude House, Revlon, Clinique, MAC...pero kapag lipstick, pinakapaborito ko ang MAC. B-Bakit?"
 Nagpatuloy sa paglalakad nang mabilis si Charlie. Muntik-muntik na siyang matalisod para mahabol lang ang bilis nito.
 "Hoy, kurimaw! Alam mo namang maliit ako tapos kung-wow!" Nanlaki ang mga mata ni Erica nang huminto sila sa tapat ng isang cosmetic shop na-MAC.
 Nilingon siya ni Charlie. "Buy whatever you want." 
 "Ano?!" gulat na sambit niya.
 Charlie smiled so charmingly. "I said, buy whatever you want." Hinila siya nito papasok sa store kung saan pinagtinginan na agad sila ng mga saleslady doon.
 Napatingin siya sa mga bagong shade ng lipstick na nakalabas. At parang bulang pumutok ang problema niya sa grades. Fuck those shits. MAC lipstick is life. Pero..."W-Wala akong dalang pera, C-Charlie, at saka-"
 "I'll pay for it."
 Agad siyang napalingon rito at totoong nanlaki ang mga mata kasabay ng pagpalakpak ng mga tainga. "Totoo ba?!" hindi niya napigilang isigaw. Napahawak siya bigla sa bibig. "Tangina," bulong niya. "Totoo ba, Charlie?"
 Humalukipkip ito at sumandal sa hamba ng pintuan ng MAC store. "Just buy anything you want. Don't limit yourself."
 Kuminang-kinang na ang mga mata niya at sumilay ang mga ngiti sa labi niya. "Hindi nga, Charlie? Totoo? Baka pagka-punch ng lahat sa cashier, bigla mo 'kong takbuhan?"
 May pambayad naman siya pero mas masarap pa rin ang libre kung hindi siya ginu-good time nitong si Charlie.
 Ang tagal nitong tinitigan siya. Hanggang sa nag-iwas ito ng tingin at saka mas napangiti pa. "Come on, now. Buy the whole store, I don't care. I'll pay, alright? Buy your favorite lipstick up to your hearts content."
 "Hindi mo 'ko pinapaasa?"
 Napatingin ito sa kanya at nabasa niya agad ang kaseryosohan sa mga mata nito. "Hindi ako paasa." He scratched his neck. "Sige na. Bumili ka na. May expiration ang offer ko."
 Napatili siya sa excitement at saka kumuha agad ng basket. Tila naglaho na ang bigat ng loob ni Erica habang binibili lahat ng matipuhan niyang lipstick.
 After an hour, she bought twenty-four different shades of lipstick. Aba, minsan lang siya ilibre nitong si Charlie, kaya sinagad niya na. At nang magbayad na sa cashier ay kung anong ligaya ni Erica nang si Charlie nga ang nagbayad gamit ang Visa card nito.
 Si Erica na ang pinakalamaligayang babae paglabas nila ng cosmetic shop na iyon.
 "Salamat, Charlie!" masayang-masayang wika niya habang yakap-yakap ang paper bag ng bago niyang mga lipstick.
 Pagtingala niya rito ay nakatingin na pala ito sa kanya. He just...smiled fondly at her.
 Kumabog ang puso niya pero nakasanayan niya nang ignorahin iyon. "S-Sandali...may kapalit ba 'to?" she suspiciously asked. Bakit nga ba masyado siyang na-excite? Eh si Charlie nga pala 'ting kausap niya? Hindi ito magiging ganoon kabait kung walang kapalit-
 "Are you happy now?"
 Napakurap siya at bumagal ang paglalakad nila. "Ha?"
 "Masaya ka na ba ngayon?"
 Nagbaba siya ng tingin. "Aaminin ko, sobrang gumaan ang pakiramdam ko. Nalulungkot pa rin ako sa grades ko pero..." Nagkibit-balikat na lang siya at mas niyakap ang paper bag na punung-puno ng paborito niyang shades ng lipstick. "Masaya ako ngayon. H-Hindi sa sumasaya ako sa materialistic na bagay pero... masaya ako kasi...nilibre mo 'ko. I mean, feeling ko, ang thoughtful mo..."
 He didn't respond. When she looked at him again, he's quietly smiling while looking straight.
 "May kapalit ba 'to?"
 "Yep!"
 Sabi na nga ba. "Ano?"
 He looked at her. "Smile for me."
 "H-Huh?"
 Kinurot nito ang baba niya. "Smile for me."
 Kahit hindi niya masyado gets ay nginitian niya ito-iyong totoong ngiti niya-iyong masaya at may totoong pasasalamat na ngiti.
 "There you go." He smiled back and looked away.
 Napakurap siya at natigil bigla sa paglalakad nang may mapagtanto. Patuloy lang si Charlie sa paglalakad. "'Yun na ang kapalit? Hindi nga?"
 Napahinto rin ito sa paglalakad. Nilagay nito ang kamay sa bulsa ng pantalon nito at nilingon siya. "Oo. Iyon lang. Gusto ko lang gumaan ang pakiramdam mo. Makita kang ngumiti ulit. It's horrible hearing and seeing you cry like that...kahit ano pang rason mo."
 Napataas siya ng kilay. "Wow. You care for me, huh? Tsk. Remind ko lang, kasal-kasalan lang tayo. Di rin tayo close friends." Hindi niya alam kung para dito ba o para sa kanya ang sinabi niyang paalala. 
He stepped closer to her. "Kahit naman kasal-kasalan lang ito... I care about you, Erica," he tenderly said.
Nawala ang mga ngiti niya. Natunaw ang puso niya at gusto na naman niyang maiyak, what the hell?
The truthfulness in his tantalizing eyes and soft manly voice showed. "I don't want to see you crying. It breaks my heart." 
He stopped right infront of her. Napatingala siya rito. Inipit naman nito ang buhok niya sa kanyang tainga. "Smile now, sexy. I'll be here for you."
 Napalabi siya. Charlie, how can you be so sweet? Bakit ngayon pa? Kung kailan vulnerable na vulnerable ang puso ko? At bakit gustung-gusto kitang yakapin ngayon? Bakit gusto kitang halikan?!
 Lord God, help her.
 "Ngiti ka naman," nakangiting sabi nito.
 She smiled again.
 "That's more like it." Kinindatan siya nito at saka siya inakbayan papunta sa isang coffee shop kung saan nila imi-meet ang wedding planner. "You're most beautiful when you smile. I hope you always remember that."
 Tuma-tumbling na ang puso niya. Sige, Erica, asa pa! Gaga ka. "Pangit ako kapag umiiyak, ganoon?"
 "Sobra." 
 Natawa siya nang malakas nang ginaya nito ang itsura niya. Kinulot nito ang buong mukha at OA na humagulgol.
 "Putragis, ang panget!"
 Natawa na rin ito at saka ginaya na naman ang itsura niya daw kapag umiiyak.
 Tinulak niya sa mukha ito at parang mga tanga silang nagkatawanan. Charlie's laugh was now a melody in her ears. His playful eyes was liking gazing through his heart... his thoughtful smiles and everything good about him pierced her very soul.
 Help her.
 Tuluyan na siyang nahulog. Hulog na hulog.
 At sa bawat araw na nakakasama niya si Charlie, she kept on falling and falling...and falling for him... it was endless.
~o~o~o~
"SO, you're saying that your real karma is falling in love with Charlie?" Inez asked while curling her hair.
 "What a handsome karma, he is," side comment pa ni Candice na tatayong "maid-of-honor" niya sa "kasal" niya ngayong araw.
 Sumimangot siya. "Birthday na birthday ko, binabadtrip niyo 'ko."
 Nagtawanan ang dalawang kaibigan niya. "Eh, ano ba kasi? Look, natuloy pa rin itong staged wedding niyo. Meaning, sa loob ng ilang buwan, hindi mo nagawang aminin sa lolo ni Charlie ang totoo. Tapos, gumanda naman yung grades mong iniyakan mo pa. Hindi ka naman pala babagsak. So, hindi na iyon ang karma mo," ani Candice.
 "Really, Erica? You believe in karma?"
 Umiling siya. Hindi naman kasi talaga siya naniniwala sa karma. "Oo na. Naalala ko na. Hindi nga pala ganoon kumilos si Lord. Pina-glimpse lang pala ako ni Lord na hindi magiging madali ang lahat sa pag-abot ko sa pangarap ko, pero hanggang sa nakakapit ako sa Kanya, I don't need to worry. I'll do my best, God will do the rest. Sorry naman. Ang drama ko lang talaga two months ago."
 Medyo mataas ang pride ni Erica, kaya hindi matanggap ang mababang grades. Dahil kahit kailan hindi siya naging pasang awa lang. She's always on the top. Failure was never an option for her.
 "Pina-humble lang ako ni Lord. Masyado kasi akong bilib sa sarili ko na akala ko sisiw na sisiw lang ang med school. Na akala ko kaya ko nang lahat nang mag-isa. Yes. Yes. I get it," nag-thumbs up pa siya. Actually, sa mga magulang niya lang nakuha ang ganoong payo. At saka kung may bad karma nga naman, matagal na sana siyang binalikan niyon sa kaka-trashtalk niya.
 "Pero...na-fall ka talaga kay Charlie, ano? You really love him na?"
 Tinignan niya nang masama ang mga kaibigan. Putragis pinagtawanan pa siya!
 "Hindi ko alam kung ano naman purpose ni Lord this time," nakasimangot na sabi niya.
 Humagikgik si Inez. "Well, Erica, you've been praying for a way to not fool Lolo Carlos anymore, right?"
 Napasinghap si Candice kaya napatingin siya rito. "What if this is God's answer, Erica? Para hindi na kayo magsisinungaling kay Lolo Carlos, totohanin na lang daw?"
 "Ang alin?"
 "Eh di ang pag-iibigan niyo ni charming chef Charlie!"
 "Gaga! Ako lang ang na-inlove! Hindi si Charlie."
 "Malay mo naman."
 Umirap siya. "Hindi na 'ko aasa dahil unang-una pa lang, alam ko naman na may Chryzelle iyon."
 "Uh, hello? Girl, they already split up, right?"
 "Babalikan niya iyon! Sa tingin mo ba, hahayaan lang ni Charlie na makawala ang girlfriend niya for six years dahil lang hindi sila nagkaintindihan sa sitwasyon namin ngayon?"
 Napatili siya nang hilahin ni Inez ang buhok niya.
 "Stupid girl!" asik nito sa kanya. "Ikaw na lang siguro nag-iisip niyan. Wala na nga sila, eh. Break na. May pag-asa ka na."
 Kinurot niya ito sa tagiliran. "Eh fresh from the break up pa nga lang. Kung gawin akong rebound niyon? Girls, gumising naman tayo sa katotohanan. Kahit saan anggulo tignan, hindi si Chryzelle ang third wheel sa story. Ako. Kasi ako yung sumingit. Ako yung biglang 'pretend wife' na biglang sumulpot. I'm the other girl here. Don't give me false hopes!"
 Natahimik ang dalawa at seryoso nang nakatingin sa kanya.
 She sighed and looked at herself on the mirror. Tahimik na kinabit na nina Candice at Inez ang belo niya.
 "Hindi ka namin binibigyan ng false hopes. Pinapakita lang namin sa'yo kung ano pang puwedeng maging anggulo sa sitwasyon niyo ni Charlie," ani Candice nang palabas na sila ng kuwarto. "You kept on shutting your door. What if Charlie liked you, too, base sa mga kinukuwento mong ginagawa niya?"
 "What if tayo na lang ang naglalagay ng kulay sa mga ginagawa niya? Iyon pala wala naman talaga? What if he's just...like that?" aniya. "Plain sweet, caring, and...fucking adorable."
 Her friends laughed. 
 "Alam naman natin na ang mga lalaki, natural born flirts. Kahit minsan hindi naman talaga sila ang nagpapaasa, pero tayo yung umaasa. Kasi tayo yung nagbibigay ng kulay sa mga pinapakita nila. Iyong wala naman palang malisya, pero sa tingin natin meron kasi...gusto natin. Gusto natin may malisya. Dahil gusto natin sila."
 "Reason pa more, Erica."
 "Pinagtatanggol mo si Charlie, ha? So, hindi siya paasa kaya ka na-fall?"
 Napabuntong-hininga siya. "Minsan, minamahal natin ang isang tao kahit wala naman silang ginagawa. Sometimes, we just...fall for their smiles, their wit, their personality...or simply, we just fall for who they really are and not for what have they done to earn our hearts."
 That reality hit her last night when she can't sleep because of this "wedding". Aaminin niyang magmula nang umiyak siya sa harap ni Charlie dahil sa mga grades niya at ilibre siya nito ng MAC lipsticks, mas naging malapit lang sila ng binata sa isa't isa.
 Biglang, ultimate bestfriends na sila. Mas lumala ang asaran at pikunan. Pero nagtatawanan na lang sa bandang huli. 
 bIglang ito na rin ang naghahatid-sundo sa kanya sa school. At nang nag-aaral na siya ng finals, he would stay up at late nights just to cook for her. As usual, ang rason nito, hindi naman daw ito academically, kaya ito na lang daw ang bahala sa kanyang tummy. 
 "For a fake wedding, halatang ginastusan niyo 'to, ha?" komento ni Inez nang nasa labas na siya ng chapel at naghahanda ng pagmartsa niya.
 "Ewan ko ba dun kay Charlie. Hindi nga rin iyon pumayag na basta-basta lang ang wedding gown na suot ko ngayon."
 "Kinikilig ka naman?"
 Napaigtad pa siya at natawa nang sundutin siya ng dalawa sa tagiliran. "Umayos kayo, oy! Huwag niyo 'kong ilalaglag. Ayokong mahalata ni Charlie na may malisya na 'ko tumingin sa kanya ngayon, utang na loob!"
 Naghagikgikan lang ang dalawa at saka umayos na sa pila ng pagmartsa. "Happy birthday, Erica!"
 "Geh. Salamat."
 Narinig niya ang traditional wedding march. Habang naglalakad ay paulit-ulit na lang siyang humihingi ng tawad sa Diyos dahil sa simbahan pa talaga nila gagawin ang pinakamalaking kalokohan na ito.
 Kaunti lang ang imbitado sa "kasal" na iyon. Her father, mother, and Vance was there. At ang dalawa lang niyang kaibigan. Iyon lang. Pero si Charlie, dala-dala pa ang lahat ng pinsan nito sa mother side. Buwiset talaga.
 She saw Lolo Carlos smiling proudly at the side. Kumurot ang puso niya. Sana nga... totoo na lang ang lahat.
 Kumaway sa kanya si Reynald na bestman ni Charlie. Nginitian niya ito hanggang sa naharangan ang view rito.
 Charlie was now the one smiling at her while waiting for her at the altar.
 "Happy birthday!" pabulong na bati nito sa kanya. She murmured her thanks.
 They just followed the traditional wedding ceremony. Pati vows. They got a fake pastor, of course. 
 "Erica Viktoria Pedralvez, do you take Charles Lyndon Ditangco as your lawfully wedded husband?"
 "I d-do." Hindi siya makatingin ng diretso kay Charlie. Erica's getting paranoid that he'll be able to see her feelings for him.
 "Charles Lyndon Ditangco, do you take Erica Viktoria Pedralvez as your lawfully wedded wife?"
 Hindi agad sumagot si Charlie kaya na-curious na nilingon niya ito. But maybe it was a wrong move.
 Tumalon ang puso ni Erica nang makitang nakatingin pala ito sa kanya. Hindi niya mabasa kung anong tumatakbo sa utak nito. Basta nakatingin lang ito sa kanya habang may masuyong ngiti sa mga labi.
 Hindi niya alam kung anong hipnotismo ang mayroon si Charlie at hindi niya mahiwalay ang tingin rito.
 Tumikhim ang pekeng pastor. "Mr. Ditangco, I will repeat. Do you take Erica as your wife?"
 "I gladly and wholeheartedly do," he answered.
 May sumipol sa isa sa mga pinsan nito at pagkatapos ay kaunting tawanan.
 Nag-init ang mga pisngi niya. Feel na feel yata masyado ni Charlie ang drama nila?
 "You may now kiss your bride."
 Doon na naghurementado ang puso ni Erica. Hinarap siya ni Charlie rito at marahang inangat ang belo niya.
 Tangina this! Nagsimulang pagpawisan ang mga kamay niya. May usapan naman sila ni Charlie na sa pisngi lang ito puwedeng humalik, kaya ano pang ikinakakaba niya? 
 He sheepishly grinned. "First time?" bulong nito. "I'll be gentle."
 Sinapak niya ito sa dibdib. He chuckled and hastily kissed her on the cheeks.
 Buwiset! Biglang hiniling na lang niya na sana sa lips! Juskoday, bakit ba kapag inlove, lumalandi ang thinking? Very bad.
Humarap na sila sa mga tao at unang-unang pumalakpak at tumayo ay si Lolo Carlos. Ito ang pinakamasaya at pinaka-proud sa lahat ng nandoon. But of course. Dahil si Lolo Carlos lang naman ang hindi nakakaalam ng totoo.
Erica tried to smile. But she felt really bad. Ilang gabi na naman kaya siya susundutin ng konsensya niya?
Napalunok siya nang maramdaman ang kamay ni Charlie na dumulas mula sa braso niya hanggang sa kamay niya. Kusang naghugpong ang mga daliri nila na tila ba iyon ang pinakanatural na gawin.
Then she felt him tensed. Parehas pala sila ng nararamdaman habang iniisip si Lolo Carlos.
Sa lahat ng tao na nasa loob ng simbahang iyon, sila ang pinaka-guilty sa lahat.
Hanggang sa "reception" na sa bahay lang naman ni Charlie ginanap ay magkahawak kamay pa rin sila ni Charlie.
Pinilit niya nang bumitaw nang hindi na nakatingin si Lolo Carlos. "Bumitiw ka na nga, Charlie. Basa na yung kamay ko. Eeew!"
"Hah! Ikaw ang nagpapawis ang kamay," anito at saka siya binitawan.
"Eh, nagpawis na pala, bakit hindi mo pa binitiwan kanina pa?" Kumuha siya ng panyo at pinunasan ang kamay.
"Ikaw ang hindi bumibitiw," tukso nito.
"Ikaw ang nakahawak sa'kin, gago! Babaliktarin mo pa 'ko."
Natawa ito. "You should practice to lessen your bad words, you know."
"Alam ko na iyan. I'm doing the best I can," totoo niyang sabi. "Nag-improve na 'ko ng lagay na 'to. Dati, 100 bad words per day ako."
"How about now?" nakangising sabi nito. "Nasa 99 bad words per day na lang?"
Natawa siya. "Pucha! Mga 98 naman."
He laughed and pinched her cheeks. Nang sumobra na sa panggigil ito ay tinulak-tulak niya na ang mukha nito.
"How sweet."
Sabay silang napalingon ni Charlie at nakita niya ang isang lalaki na mataas, may malapad na mga balikat, prominenteng mga panga, at misteryosong mga matang diretsang nakatingin sa kanya.
Kusang napaatras si Erica dahil sa lakas ng presensya ng lalaki.
"Erica, he's my eldest cousin by the way. He's Ibarra," pagpapakilala ni Charlie sa lalaki. "But we fondly call him 'Kuya Bari'."
Tumango lang siya at nakipagkamay rito nang maglahad ito ng kamay. Kinalubatan si Erica dahil napaka-firm nang hawak nito at masyadong diretso tumingin.
"Nice meeting you, Erica."
She tried to read his eyes. But... but his expressions are too vague. "Same here... Ibarra."
Umangat lang ang isang gilid ng labi nito. Bumaling ito kay Charlie. "You look good together."
Natawa ang mokong. "No way."
Eh sapakin kaya niya ito? Palihim siyang umirap.
Ibarra shrugged and just went away.
"Bagay daw tayo." Charlie laughed again and looked at her. "Sabagay. Sobrang ganda mo ngayon. You reached the level of my handsomeness!"
Ngising aso siya. "Pakyu." 
Tinalikuran niya ito at lumapit na lang kay Reynald para may matino naman siyang makausap. Hindi pa man niya natatawag ang pansin ng lalaki ay nasa likod niya na si Charlie at hinablot siya.
"Huwag ka lalapit kay Reynald. Dito ka lang," sabay hila sa kanya papasok ng kusina.
"Aba, bakit?" mataray niyang tanong.
"Nagseselos ako!"



 
CHAPTER ELEVEN
"HUWAG KA lalapit kay Reynald. Dito ka lang," sabay hila sa kanya papasok ng kusina.
"Aba, bakit?" mataray niyang tanong.
"Nagseselos ako!"
Literal na tumigil ang mundo ni Erica. Natigil din siya sa paglalakad. 
Lumingon si Charlie sa kanya. At sa ngisi pa lang nito, alam niya na. 
"Joke."
Hindi na siya nakapagtimpi. Sinabunutan niya na.
May biglang tumawa na nasa loob rin pala ng kusina. "Hindi kasi dinadaan sa biro ang nararamdaman," sabi ng matipunong lalaki pinsan rin yata ni Charlie. Si Dylan. Kasama nito ang pinsang babae. Kumukuha pala ng pagkain ang dalawa.
"Hello!" magiliw na bati ni Agatha. "Happy birthday, Erica." Binati rin siya ng lalaki.
"Hi! Thanks." bati niya pabalik at saka nilayuan si Charlie. "Pasensya na kayo. Deserve na deserve lang ng pinsan niyo ang masabunutan ng magaganda kong kamay."
Agatha just chuckled while Dylan smirked at Charlie. "Diyan ka talaga magaling, ano? Sa joke?" ngingisi-ngising sabi nito. 
She saw Charlie threw a deadly glance at his cousin.
Napailing-iling lang ang lalaki pero nakangisi pa rin na parang nang-aasar. "Come on, Agatha. Let's eat outside. Let's give these two denial people some alone time. " Sabay bitbit nito sa dalawang plato na puno ng pagkain.
Napanganga siya. Two denial people? Sinong dalawa? Siya ba at si Charlie?
"Yes, Kuya." Sumunod si Agatha kay Dylan pero kumaway muna sa kanilang dalawa ni Charlie bago lumabas.
Ang tahimik ng buong kusina.
"Erica..." he softly called her.
Ayaw niyang lingunin si Charlie. Hindi niya alam. Iba ang nararamdaman niya.
Lumabas na lang rin si Erica ng kusina. Doon na lang siya kay Reynald. Doon sa puwede siyang kiligin pero hindi siya aasa.
Alam naman niya kasi ang limitasyon niya kay Charlie, eh. Pero bakit ganoon? Why did she still cross it?
Fuck for falling inlove with a joker.
~o~o~o~
"I'M GOING back to the States next month."
 Nahinto sa pagdidilig niya ng mga halaman. "Lolo?"
 Ngumiti ito at umupo sa isa sa mga wooden chair na nasa garden. "Ang hinihintay ko lang naman talaga ay ang makasal kayo sa simbahan ni Charlie. Kapag hindi ka masyadong abala sa med school ay bisitahin niyo 'kong mag-asawa doon."
 Napalunok si Erica. Bigla siyang nalungkot na aalis na pala ang matanda sa susunod na buwan. 
Pero, teka, teka... hindi ba at ibig sabihin niyon ay makakabalik na sila sa normal lives ni Charlie?
Hindi na sila magpapanggap. Hindi na sila kailangang magsama sa iisang bubong. Makakalayo na siya ng tuluyan sa lalaki at hindi na mas lalalim pa ng sobra ang nararamdaman niya rito...
Ngunit, bakit...hindi siya natutuwa?
"Don't be sad, hija. Makakapagsolo na kayo ni Charlie, hindi ba at mas maganda iyon?" tukso pa ni Lolo Carlos.
Mabilis niyang pinatay ang gripo. "O-Opo..."
"Sa tingin ko naman ay handa ka na para magsama na kayo sa iisang kuwarto ni Charlie. Aba't dati ang rason niyo lang sa'kin ay dahil hindi ka pa tapos sa kolehiyo kaya hiwalay kayo ng kuwarto ng apo ko. Pero lumipas na ang isang semestre mo sa med school at hindi pa rin kayo nagtatabi?"
"He-he. Sorry na, 'Lo." Wala siyang maisip na palusot. "Nag-a-adjust pa rin po kasi ako."
"Hindi sa minamadali kita pero pakibilisan na lang, hija. Gusto kong makita ang mga magiging apo ko sa tuhod."
Wow. "Mga" talaga. Plural. Very expecting si Lolo. Sabagay matanda na rin. Kaligayan siguro ay makakita ng baby ulit.
Umupo siya sa tabi ni Lolo Carlos. Kinain na naman siya ng guilt niya na hindi totoong lahat ng 'to. At hanggang sa pagbabalik nito sa America ay bulag pa rin ito sa katotohanan.
Malalim na napabuntong-hininga si Erica.
"May problema ba, hija?"
"W-Wala po," iling niya. "Ahm...medyo may hangover lang po siguro ako sa birthday ko at sa kasal namin ni Charlie nung isang araw," palusot niya.
Napangiti ang matanda. "Patuloy niyo sanang mahalin ni Charlie ang isa't isa. Intindihin niyong mabuti ang isa't isa. At kapag dumating kayo sa puntong gusto niyo nang sukuan ang lahat, balikan niyo ang rason kung bakit niyo minahal ang isa't isa."
Napayuko siya at napangiwi. Sobrang touching ang advice ni Lolo kung totoo lang.
"Sana kung mas magtatagal pa 'ko sa mundong 'to, makita ko pa rin sa mga mata mo kung gaano mo kamahal si Charlie."
Bigla siyang napaangat ng tingin. "P-Po?"
The old man smiled at her. "Natutuwa ako sa tuwing pinagmamasdan ko kayo sa malayo ng apo ko. Hindi ko alam kung bakit parang madalas kayong mag-away o mag-asaran sa twung hindi ako nakatingin. Ngunit sa totoo lang, sa tuwing palihim ko kayong inoobserbahan ay natutuwa akong makita sa mga mata mo kung gaano mo kamahal ang apo ko."
Erica was stunned...was she that obvious?
Tumingala ang matanda sa langit at napapikit. "Naalala ko kung paano akong tignan ng asawa ko noon. Ganoong ganoon ka tumingin kay Charlie. Sa kabila ng mga salitang tumataliwas sa mga nararamdaman, kapag nakita mo ang mga mata at kung paano tumingin ang isang nagmamahal, binubunyag na lahat ng laman ng puso at katotohanan."
Napalunok siya. Maybe she did fool Lolo Carlos that she and Charlie are married. Pero ang nararamdaman niya para sa apo nito ay totoo.
"And the way you look at Charlie is the same way he looks at you. Double, I must say. Which made me most proud of my grandson. The Ditangcos, when we love, we love deeply."
Napakunot ang noo niya. Ano daw? Si Charlie...?
"Many times, nahuhuli kong nakatitig sa'yo si Charlie. Then when you turn to him, he'll simply look away and smile like a shy school boy." Lolo Carlos laughed. "He never acts like that unless he was smitten."
A-Ano 'tong sinasabi ni Lolo Carlos? Ginu-good time din ba siya? 
"Nakita ko rin kung paano siyang magluto sa kusina sa tuwing darating ang exam weeks mo," kuwento pa nito. "Siguro alam mo nang hindi pinagluluto ni Charlie ang mga taong hindi espesyal sa kanya. Hindi siya nagluluto kung hindi siya babayaran. He loves cooking then he'll eat it all by himself. But when he cooked and he cooks for you for free, he loves you."
Lolo, huwag mong sabihin iyan! Umaasa ako!
"I'm really happy that you, two, made a really good pair. Hindi niyo lang ako pinasaya dahil pangarap namin 'to ng lolo mo. Pero alam kong napasaya niyo rin ni Charlie ang isa't isa."
Yumakap na siya sa matanda. "Lolo..."
"You're a great lady, Erica. Pinagmamalaki kong may manugang akong mataas ang pangarap at kayang harapin ang lahat ng hirap makamit lang ang mga pangarap na iyon." 
Erica's heart twisted. Parang piniga iyon. Lolo Carlos was so sincere and she was nothing but a fake granddaughter-in-law.
"I love you, Lolo Carlos..." she truly said. 
Tulala na si Erica pagkatapos nang pag-uusap nila ng matatanda. Ang dami nang naglalaro sa utak niya. Buti na lang talaga at semestral break na. Kung hindi, magpapasok na siya ng tuluyan sa mental.
Naglalaro sa isip niya ang mga sinasabi ni Lolo Carlos...kung paano daw tumingin sa kanya si Charlie.
Totoo kayang lahat iyon? She can feel her heart hoping. Ugh!
"Bakit ka tulala?" biglang sulpot ni Charlie kung saan. "Iniisip mo 'ko?" nakangising dagdag pa nito.
Tinignan niya lang ito nang masama. "Aalis na pala si Lolo Carlos next month."
Relax na relax na umupo ito sa tabi niya sa sofa. "Yep." Nag-inat ito at ang isang braso ay lumapat sa likod ng sinasandalan niya.
"Back to normal lives..." nasambit niya.
She can feel Charlie's body heat. Inaatake pa ang ilong niya nang bango nito. Gusto niya itong sakmalin. Punyeta, why?!
Lumayo siya rito bago pa siya mawala sa katinuan.
"You know, you can still stay here," sabi nito. "Kahit wala na si Grandpa. Tutal, mas malapit 'to sa pinapasukan mo."
O, tukso. Layuan mo ako! The offer was very tempting. "Huwag na 'no! Ano na lang sasabihin ng girlfriend mo kapag nagkabalikan kayo? Hindi magiging komportable kay Chryzelle na may girl housemate ka."
Pagkabaling niya kay Charlie ay nakasimangot na ito. 
"May point ako, di'ba? At saka hello! I'm dying to stay out of this house. Salamat naman at hindi ko na makikita araw-araw ang pagmumukha mo." Lie some more, Erica. Push. Push him away.
Namagitan ang katahimikan sa kanilang dalawa.
"Do you hate me that much?" biglang tanong ni Charlie.
Napataas siya ng kilay. "I don't hate you."
"So, you like me?" bumalik ang mga mapaglarong ngisi nito.
"H-Hindi din."
"Ows?"
"'Ows' ka diyan? 'Ows' mo mukha mo! Imposible akong magkagusto sa'yo." Hindi akalain ni Erica na aabot siya sa ganito. To the point that she'll lie to protect her feelings.
"Bakit imposible?"
Pinanlakihan niya ito ng mga mata. "Bakit? Gusto mo bang magkagusto ako sa'yo?"
When he smiled so adorably, she knew she won't be able to move on easily. "I see no problem with that, Erica."
"Gusto mo lang talaga lahat ng babae, gusto ka. Sorry, I'm not one of them." Sa tingin niya ay sinusunog na ang kaluluwa niya sa impiyerno.
"Ako naman tanungin mo," anito.
"Ng alin?"
He played the tips of her hair with his fingers. "Kung gusto ba kita."
She rolled her eyes. Dadaanin niya na lang sa biro kahit nagwawala na ang puso niyang nagpalandi kay Charlie. "Sinong hindi ako magugustuhan? I'm very likeable kaya!"
Ang tagal nitong napatitig sa kanya at saka natawa. Then, he met her eyes. "You are. You are very likeable, indeed."
She blinked and looked away. "Tangina mo ka, Charlie. Huwag mo 'kong nilalanding gago ka. Makikita mo talaga."
He laughed again and rested his head on her shoulder. Nanigas si Erica sa kinauupuan pero sinubukan niyang kumalma. Hindi niya lang inaasahan ang biglang paghapit nito sa baywang niya. She gasped as he felt his strong arms wrapping around her.
"C-Charlie-"
"Grandpa is watching."
"Ha? Saan?" Pinilit niyang iangat ang ulo para tignan kung nasaan banda ang matanda. Ngunit mabilis na kinabig ni Charlie ang ulo niya papunta sa dibdib nito.
"You got to hug me back, you know."
Ang kawawa niyang puso, very willing. Kahit wala pa si Lolo Carlos, gagawin niya siguro iyon. Hay...isa siyang malaking gaga.
She comfortably rested her head on his chest. Inangkala niya rin ang braso sa baywang nito. Kung saan mang view ang makita ni Lolo, mukha silang naglalambingang "mag-asawa".
Naramdaman niya ang ilong ni Charlie sa buhok niya at ang paghalik nito sa bumbunan niya. Ngunit ang mas nakakuha ng atensyon niya ay ang malakas na pagkalabog ng puso nito na rinig na rinig niya.
Napalunok siya. Ang hirap hindi umasa kapag ang daming signs na nagpapakitang baka may pag-asa.
"Alam mo ba ang iniisip ko ngayon?" bulong nito.
"Hindi. Ano ba iniisip mo?"
He deeply sighed and hugged her more tightly. "Ang sarap pahintuin ang oras sa posisyong 'to."
Napapikit siya. Tangina. Mahal niya na talaga 'tong lalaking 'to!
She was close to tears. Shit! What kind of kaartehan is this? "J-Joke ba i-iyan?"
"No," he whispered. 
Pinakinggan niyang maigi ang pagtibok ng puso nito. Natatakot siyang magtanong. Bigla siyang naduwag na malaman ang kasunod.. She was waiting for his puncline. But several minutes came...wala ni isang nagsalita na ulit sa kanila.
Nag-ipon si Erica ng lakas ng loob. Bahala na. "Bakit parang may gusto ka na sa'kin, Charles Lyndon Ditangco?"
He chuckled. "Hindi naman 'parang' lang."
Bigla siyang napaangat ng tingin at nagkatitigan sila.
She was about to react when the doorbell rang. Again and again and again.
Parang natauhan silang dalawa ni Charlie. Sabay silang napakurap at mabilis na naglayo.
"I-I'll get that," ani Charlie at saka nagmamadaling lumabas ng bahay.
Tumango lang siya at nagpalinga-linga. Wala na si Lolo Carlos. Siguro ang saya-saya na naman nito na makita sila sa ganoong posisyon ni Charlie.
Napayuko siya at napangiti. Bakit ang saya-saya rin niya?
Pero hindi pala dapat siya mag-enjoy. Ang tagal bumalik ni Charlie. Kaya lumabas siya at napahinto nang makita kung sino ang dumating.
"I'm sorry, Charlie..." umiiyak na sabi ng babaeng matangkad, maputi, at may mahabang buhok. The girl has an angelic face and sincere set of brown eyes. "Masyado akong ma-pride. Hindi ko naintindihan. Nagsisisi ako..."
"Chryzelle," sambit ni Charlie at saka hinila papasok ng gate ang babae.
Oh. So she's the girl.
"Please, forgive me. I still love you. Nagmagaling ako, eh. Akala ko ako ang pipiliin mo. It never occurred to me that you will always choose your family. Ang selfish-selfish ko... I'm so sorry." Napahagulgol na ang babae at saka yumakap kay Charlie.
And when Charlie hugged her back, tuluyan nang tumalikod si Erica na damang dama ang kirot sa dibdib.
Mabilis siyang nakaakyat at nagkulong sa kuwarto. Napasubsob na lang siya sa unan. Sumakit ang lalamunan siya sa pagpigil nang mga luha. But one tear fell and every other tears followed.
Ayan, sige. Asa pa. Magpalandi ka pa, gaga!
~o~o~o~
NAGBABASA ng isang sci-fi novel si Erica nang marinig niya ang marahang pagkatatok sa pintuan niya.
 "Erica?" Si Charlie. "Erica?"
 "Natutulog!" mataray niyang sagot. Buti na lang at ni-lock niya ang pinto. Hinding-hindi niya bubuksan iyon.
 Charlie chuckled. "Ang sungit naman. Hindi ka ba bababa? Kakain na."
 "Busog ako."
 "What? Anong busog? Hindi mo nga kinain ang merienda kanina. Anong kinain mo?"
 Kinain ko mga sinabi kong hinding hindi ako aasa sa'yong paasa ka!
 Dahil ayaw niyang makita ang pagmumukha nito pagkatapos siguro nitong makipagbalikan sa girlfriend nito. Hindi niya alam ang totoong nangyari pero kailangan pa bang malaman niya, eh, halatang halata naman na "balikan" na ang kasunod nang nakita niyang drama sa gate? 
 At isa pa, hindi siya martir para alamin pa ang tungkol doon. Ano? Sasaktan lang niya sarili niya kapag tinanong niya si Charlie at kusang lumabas sa bibig nito ang katotohanan?
 "Basta busog ako. Ikaw nang bahala magdahilan kay Lolo."
 Natahimik sandali si Charlie. "Do you have your period today?" tanong nito kapagkuwan.
 Hindi na lang sumagot at bahala itong maghintay doon. Maya-maya pa ay kinatok na naman siya nito.
 "Erica? If you don't want to go down, hinatid ko na lang dito ang pagkain. Iiwan ko dito sa labas. You eat well, alright? Please don't skip your meals," Charlie said and left.
 Nang marinig niya ang malalayong yabag nito ay saka niya binuksan ang pinto. Nakagat niya ang labi nang makita ang tray na puno ng pagkain na nakalapag sa tapat ng pinto niya. Kumirot ang puso niya.
 Why do you have to be this caring, Charlie?
 The next day, halata masyado ang ginagawang pag-iwas ni Erica kay Charlie. Even Lolo Carlos noticed it.
 "Erica, gusto mong sumama sa'kin mamaya?" aya ni Charlie habang nasa hapagkainan sila. "I found a perfect place for my future business, so I'll go and check it later."
 "Ano ka ba? Bata? Kailangan pa ng kasama? Mawawala ka ba doon?" mataray na sabi niya at saka uminom ng mango juice.
 Napakunot-noo ito at napansin niyang nagulat si Lolo Carlos sa kanyang sagot. Siguro dahil hindi sanay ang matanda na binabara niya si Charlie. Dahil ang alam lang nito ay lagi silang "sweet". Fake naman lahat.
 "I just asked if you want to come. Kung ayaw mo naman, you can just say 'no'." Napailing-iling ito at napangisi. "Chill, baby."
 Umirap lang siya at saka pinunas ang table napkin sa bibig. She excused herself. Pumunta siya sa garden at inabala na lang ang sarili sa pagdidilig ng mga halaman niya. 
 "Do we have a problem, Erica?" Charlie asked from behind. Sumunod pala ito sa kanya.
 "W-Wala. Pasensya na kanina. H-Hindi lang maganda ang timpla ko," mahinahon niyang sabi, hindi ito nililingon.
 Narinig niya ang paghugot nito nang malalim na hininga. Hindi ito nagsasalita pero nararamdaman niyang nasa likod niya pa rin ito.
 There was an awkward silence. A strange tension was building up between them. 
 Parang may gustong sabihin si Charlie na nanatili lang sa likod niya. Erica waited for him to speak. She was ready to hear anything from him. 
 Even the words that can inevitably hurt her.
 Ilang segundo pa ang lumipas na para silang ewan doon. She continued watering her plants. While Charlie... was still quiet.
 Nilingon niya ito. "May sasabihin ka pa ba?" she asked calmly.
 He looked at her with a confused look in his eyes. Ngunit agad ding nawala iyon. Nilayo nito ang tingin. "Late na 'ko makakauwi mamaya. Can you feed Jerry for me? You don't have to touch him, if you're scared. Maglalagay ka lang ng pagkain sa kulungan niya."
 Tumango na lang siya. 
 "Thank you. I'll go ahead." Tumalikod na ito at mabilis na nakapasok sa bahay.
 Umalis na nga si Charlie nang maabutan niya pa ang paglabas ng sasakyan nito. Bago magtanghalian ay sinundo si Lolo Carlos ni Ninong Carlitos para magpa-check up ang matanda.
 Wala na rin namang magawa si Erica sa bahay mag-isa kaya nagdesisyon siyang lumuwas na lang at umuwi sa Amora. She missed her parents and her brother Vance. Ngunit dumaan muna siya ng Trinoma para mabilhan ng pasalubong ang kapatid. 
 Habang nag-iisip ng puwedeng bilhin ay napahinto siya bigla. Nanliit ang mga mata niya nang makita si Charlie...kasama si Chryzelle. Papasok ang dalawa sa loob ng Landmark habang nakaangkala si Chryzelle sa braso ni Charlie.
 The two were smiling together. Charlie said something that made his girl laugh. They... they look good together.
 Tangina, ha! Happily back together.
 At may balak pa kanina si Charlie na isama siya? Para ano? Mag-third wheel? Puta. Pupuntahan ang future business? Pwe!
 Bakit ka nagagalit, Erica? May karapatan ka?
 Agad na umalis siya roon. Hindi niya alam kung bakit tumakbo ang mga paa niya kahit wala namang humahabol sa kanya. But...but pain was catching her. Nang makalayo na siya ay naramdaman niya ang pinong-pinong pagkurot sa kanyang dibdib.
 Gusto niyang tawanan ang sarili. Oo nga naman, anong karapatan niyang magalit? Anong karapatan niyang masaktan? Alam naman niya mula sa umpisa 'to, hindi ba? It was Chryzelle for him. She's for him all along. Bakit ba kasi ang epal pa niya?
 Punyeta rin kasi 'tong si Charlie, hindi na lang naging consistent sa pagiging mayabang at mapang-asar para imbes na mahalin niya ay kinamuhian niya na lang. 
Malay niya bang malambot pala ang puso ng hinayupak? Malay niya bang sweet at caring pala ito? Malay niya bang mararamdaman niya kung gaano kaganda ang katauhan nito?
 "Napaluwas ka, anak?" nasorpresang tanong ng Mama niya. "What's up?"
 Pagkakita niya pa lang sa Mama niyang feeling bagets ay napaiyak na lang si Erica. Without a question, her mother hugged her tight.
 She never cried for a guy. But maybe Charlie...will always be an exception.
~o~o~o~
TATLONG araw na nanatili si Erica sa Amora. She found comfort with her family. Hindi niya pa nakausap si Charlie pero nagpaalam siya kay Lolo Carlos through phone na doon magbabakasyon muna siya kasama ang pamilya niya. Good thing, the old man didn't ask why. Siguro ay iniisip nitong baka may "away mag-asawa" sila ni Charlie.
 "Hello, Erica," bati ni Reynald sa kanya nang magkita sila sa UST. She's currently enrolling for the second semester.
 "Hi, Reynald!" nakangiting bati niya pabalik rito. "Mag-e-enroll ka rin?"
 Nahihiyang ngumiti ito at saka umiling. "Nag-LOA muna ako ng isang sem. Sa La Salle muna ako. You know, photography."
 "Ah. Ang hirap naman ng ginagawa mo. Pinagsasabay mo ang dalawang bagay."
 "Yeah, kind of. Anyway, nagkausap na ba kayo ni Charlie?" tanong nito. "Galit pa ba sa'yo?"
 Napakunot-noo siya. "Galit? Bakit siya magagalit sa'kin?"
 Napakunot-noo rin ito. "So, you don't know?"
 "Know about?"
 "Jerry, his beloved hamster, died."
 Nanlaki ang mga mata niya. "Ano?! Anong kinamatay ni Jerry?"
 Napatuwid ito ng tayo. "Namatay sa gutom. Bawal kasi kay Jerry nalilipasan ng gutom given the fact that the hamster is too old. Kaya tutok si Charlie kay Jerry, eh. Kahit busy siya, minsan, sinasama niya si Jerry para lang masigurong mapakain niya."
 Napasinghap si Erica nang may mapagtanto. "Pucha! H-Hindi ko napakain si Jerry nung gabi... Nakalimutan ko!" gimbal na saad niya. Dahil nawala sa isipan niya ang bilin ni Charlie at hindi na siya umalis ng Amora.
 Reynald winced. "Yes. Hinang-hina na ang hamster nang maabutan ni Charlie pagkauwi niya. Jerry is really important to him, so-Erica!"
 Bago pa matapos ang sinasabi nito ay tumakbo siya at agad na pumara ng taxi. Kinakabahan si Erica sa sobrang guilt. Ayaw niya kay Jerry, pero hindi naman niya gusto na mamatay iyon. At isa pa ay kitang-kita niya nga kung paano alagaan ni Charlie ang alaga nito.
 Putragis talaga!
 "C-Charlie!" tawag niya agad rito pagkapasok niya sa nakabukas na gate.
 Dahan-dahan siyang nilingon nito at napahinto siya. Hindi niya masalubong ang talim ng tingin nito. Madilim ang buong ekspresyon nito.
 "C-Charlie, I'm sorry."
 "Minsan lang ako humingi ng pabor, hindi pa nagawa," matalim nitong usal.
 "Hindi ko sinasadya, Charlie. I'm so sorry..." she emotionally said.
 "Too late, Erica. Too late! You should have texted me or called me if you won't able to do it. Sana man lang sinabihan mo 'ko. Ang simple-simple lang, Erica! Ang simple-simple lang nang gagawin mo, hindi po nagawa!" biglang pagtaas ng boses nito. Marahas na tumalikod ito at padabog na pumasok sa loob.
 "I'm sorry, Charlie! Nakalimutan ko! Nawala sa isip ko. Hindi ko sinasadya iyon!" sunod niya rito. "I'm really sorry. K-Kung gusto mo, ako na lang ang bibili ng bagong hamster-"
 "Bullshit! Hindi mapapalitan si Jerry nang kahit anong hamster pa ang ipalit mo diyan!" galit na galit na sigaw nito. "Dahil lang diyan sa katangahan mo-"
 "Hoy! Hindi ako tanga!" Kung alam lang nito na masyado siyang nasasaktan rito kaya nakalimutan niya na ang ibang bagay sa mundo. Dahil buong laman lang ng isip niya ay ito. "Nagso-sorry ako dito. Nagpapakumbaba. Magalit ka na kung magalit pero huwag mong isisisi sa'kin ang lahat!" sigaw niya rito.
 Broken hearted na nga siya, susugatan pa nito ang ego niya?
 "Kabilinbilinan ko, Erica, pakainin mo si Jerry! Hindi ako magbibilin ng ganoon kung hindi kailangan!"
 "Eh, tangina sana hindi ka na lang umalis kung ganoon? Sana inuna mo na lang 'yung alaga mo kaysa nakipaglandian ka sa Chryzelle mo! Ginabi ka ng uwi dahil kasama mo lang naman ang girlfriend mo."
 Natigilan ito at napatunganga.
 "O ano? Di'ba kasalanan mo rin? Bakit kailangan ka gabihing umuwi? Fine, fine, na-miss niyo ang isa't isa. Bagong balikan kayo. Sige na, sa'kin mo na lang isisi lahat na hindi ko napakain si Jerry kaya namatay ang alaga mo!" walang preno niyang sabi. "Who knows kung saan kayo galing ng girlfriend mo kaya ka na-late ng uwi?
 Nagtagis ang mga bagang nito at kumuyom ang mga kamay. "Damn, Erica! Hindi iyan ang pinagtatalunan dito! Nagbilin ako sa'yo, at ang sa'kin lang kung di mo naman pala kayang gawin ay sana sinabi mo sa'kin ng mas maaga! So incompetent, Erica! You're useless!" 
 "Tangina mo!" Bakit ang sakit-sakit ng mga binato nitong salita? "Incompetent? Useless? Eh kaya pala lagpas kalahating taon na nating napapaniwala si Lolo na mag-asawa tayo? Ang useless ko pala sa mga magulang natin na pinasok tayo sa sitwasyong 'to!" Erica cried as her heart can't contain his accusations...really? Hearing those words from the one you love?
"Tangina, kaya pala makukuha mo na ng diretso ang mana mo dahil ang 'incompetent' ko sa pagpapanggap nating 'to!" she sarcastically added. "Kaya pala napasaya natin ang lolo mo dahil napakawalang kuwenta ko!"
Isang malakas na pagbagsak mula sa likuran ang nagpatigil sa kanilang dalawa ni Charlie.
"Grandpa!" sigaw ni Charlie na napuno ng takot ang buong mukha.
Lolo Carlos was lying on the floor! Tutop nito ang kaliwang dibdib, nakapikit, at halata ang paghihirap sa buong mukha.
Erica was frozen.
Kanina pa ba ito doon? Narinig ba nito ang mga sinabi niya?
No!
"Gramps? Hey! Wake up!" Dinaluhan agad ito ang abuelo at tinapik-tapik sa braso at pisngi. "Grandpa?" Malakas na napamiura si Charlie. "Erica, call an ambulance! Call for help! Grandpa! Grandpa, wake up. Please..."
Kahit tuliro pa rin ay nagmamadaling kinuha ni Erica ang cellphone at umiiyak na tumawag ng tulong at ambulansiya.
"Grandpa, hey! This not a good joke! Wake up! Wake. Up!" Charlie frustratingly said. 
Erica cried and held Lolo Carlos' hand. "Lolo, I'm so sorry. We don't mean to fool you..." iyak niya at saka dinama ang pulso ng matanda.
No beat. 
And when she heard Charlie cry, everything was too late.






 
CHAPTER TWELVE
Present time...
"HINDI KO alam pero hinahanap-hanap kita palagi. It's been three years... I want my sexy crazy wife back..." bulong ni Charlie sa kanya. "...in my house. In my arms."
 Nahigit ni Erica ang paghinga at hindi na maamo sa pagwawala ang kanyang puso. 
 "Why did you leave just like that? Without even saying good bye?"
 Then, she remembered the day she just left. Humapdi ang lalamunan niya. "A-Ano pa ba kasing gagawin ko?" Marahas niyang kinalas ang mga braso nitong nakapalibot sa kanya at saka ito hinarap. "Wala na si Lolo Carlos, a-ano pang gusto mong gawin ko?"
 By mentioning Lolo Carlos, Erica's voice broke. Namula ang mga mata ni Charlie at nag-iwas ng tingin.
 Lolo Carlos had a cardiac arrest. Dead on arrival sa ospital.
 They never got the chance to explain. They never got the chance to tell him the truth.
 "Saka tigil-tigilan mo nang kalalandi sa'kin, gago ka. Kanina ka pa." Dinuro niya ito. "May pa-ganyan ganyan ka pa, isusumbong kita sa girlfriend mong ulumpong ka. Inaasar-asar mong taksil si Reynald, pero mukhang gusto mong sumunod?"
 "Erica-"
 "At saka nakuha ko na ang gusto ko. Wala na 'kong kailangan pa sa'yo." Parang noong mga panahong burol ni Lolo Carlos. She felt so useless. Useless to Charlie. 
 Napabuga ito ng hangin at napailing. "I don't know what to do with you anymore," bubulong-bulong na sabi nito.
 Umirap lang siya at mabilis nang pumasok sa loob ng driver's seat. Napalunok siya nang maramdaman pa rin ang init ng mga bisig nito. Pumipitlag pa rin ang puso niya sa kaalamang... na-miss siya nito...
 But in psychology, it was proven that when you got used to someone's company, imposibleng hindi mo hanapin kapag nawala. More than six months silang magkasama ni Charlie sa iisang bahay noon. At normal lang na ma-miss siya nito.
 Ngunit dahil malandi ang puso niya, gustong umasa na kaya siya na-miss dahil baka may gusto sa kanya. Buti na lang at nandyan ang utak niya para i-refresh siya lahat sa psychological facts na napag-aralan niya. 
 Nang buksan niya na ang makina nang kotse ay nanatiling nakatayo si Charlie sa gilid ng kotse niya. Nakatungo ito sa kanya na parang nakikita siya nito mula sa tinted niyang sasakyan. Nakita niya sa mga mata nito na may gusto itong sabihin.
 Gusto nang apakan ng paa niya ang accelerator para makaalis na doon. But her hand suddenly opened the car's window.
 "May gusto ka bang sabihin?" she asked him.
 "Erica, wait!" Si Reynald, sumingit. Ngumiti ito at may inabot na silver envelope sa kanya. "Puwede ka ba sa Sabado? May fashion show kasi ang girlfriend ko. That's gonna be her last ramp modeling project. Pagkatapos ay may kaunting salo-salo sa bahay ko para sa kanya. Sana makapunta ka. I would like you to meet her."
 Inabot niya ang envelope na invitation para sa fashion show. "Susubukan ko, ha? Kung walang importanteng gagawin sa med school, pupunta ako." Pero kung may salo-salo ay siguradong nandoon si Charlie, eh di makikita niya na naman ito? She promised herself that this is going to be the last.
 "Kahit sa after-party sa bahay ka na lang pumunta kung busy ka. Gabi naman iyon," pilit pa nito. "Please? Pakikilala rin kita sa anak ko."
 Nanlaki ang mga mata niya. "What the? May anak ka na?!" hindi-makapaniwalang sabi niya. Akala niya ay nagbago lang ng girlfriend, paanong may anak na?
 "Months ago ko lang rin nalaman," nakatawang sabi nito. "So, please. I hope you could come."
 Magtatanong pa sana siya pero alam niyang hindi oras ng chikahan ngayon. "Reynald, kasi-"
 "Please?" he begged with his expressive eyes. Paano ka naman makakatanggi sa crush mo kapag ganito? Pinagsalikop pa nito ang mga kamay.
 "Huwag pilitin kung ayaw," nakakunot-noong sabi ni Charlie.
 "Pupunta ba iyan?" tanong niya kay Reynald sabay turo niya sa pinsan nito.
 Napalingon muna ito kay Charlie at pagkatapos ay sa kanya. "Yes."
 "Ah. Hindi na 'ko pupunta."
 "What?" Napakamot sa mukha si Reynald saka napatingin ulit sa pinsan nito. "Ano na namang ginawa mo kay Erica?"
 "I just told her I missed her," walang kaabog-abog na sagot nito.
 Hindi na naman mapakali ang puso niya. Reynald teasingly smiled. "Yun lang naman pala! I think nothing's wrong with that." Bumaling sa kanya ito. "Na-miss rin naman kita, Erica."
 Napangiti siya rito. "Alam niyo, angkan kayo ng mga malalandi at pa-fall," natatawang sabi niya.
 "Sinong pa-fall?" biglang singit ni Charlie.
 Ikaw, tangina! "Si Reynald," sabi na lang niya. Ang higpit ng hawak niya sa manibela. "Hatid-sundo kasi ako noon sa school, eh. Muntik ko nang malagyan ng meaning," biro niya. "Buti't alam kong may girlfriend kaya hindi naman ako na-fall. Ultimate crush ko lang talaga si Reynald noon. Pero normal naman iyong ganoon diba? Umaasa sa crush, minsan?"
 Natahimik si Reynald at napatingin na naman kay Charlie. Ito namang si Charlie ay ang sama ng tingin sa pinsan nito. Reynald laughed and pushed Charlie's face. "Hindi kita tataluhin, bro. May Lavender at Miggy na 'ko."
 Ano daw?
 "Erica, sana makapunta ka talaga sa Sabado," Reynald turned to her. "Kung ayaw mong pumunta dahil kay Charlie, hindi ko na siya iimbitahan."
 "Hey!" angal naman nito.
 "I'll try. Ite-text na lang kita. Iyon pa rin ba ang number mo?"
 Tumango si Reynald. "I'll wait for your confirmation, then."
 Nagpaalam na siya rito at pagkabaling niya kay Charlie ay nakatingin na pala ito sa kanya. There was this look that he wanted to say something more. 
 Agad siyang umiwas at saka pinaandar na talaga paalis ang sasakyan. Pagkarating niya sa tinutuluyang condo kung saan kasama niya ang pinsang babae ay parang naubusan ng lakas si Erica.
 Just one encounter with Charlie after three years drained her.
 Pag-akyat niya sa unit ay tulak-tulak niya ang cart kung saan nakalagay ang mga halaman niya.
 "Nandito ka na. Ang bilis naman," sabi ng pinsan niyang si Jeraldine. Tinulungan siya nitong ayusin ang mga halaman niya sa balkonahe. 
 "Siyempre. Alangan namang magtagal pa 'ko doon? Although, nag-breakfast lang ako ng mabilisan."
 "Anong sabi ng ex-'husband' mo?" tanong nito nang matapos na nilang i-puwesto ang mga halaman niya.
 Nagkibit-balikat siya. Then she remembered his backhug and that he missed her and he wanted her back... Napapikit siya at napailing. "Wala. As usual. Lokohan. Asaran."
 "And how was your language?" Tinignan pa siya nito.
 Napangiwi siya. "Uh...hindi ko napigilan. Napapamura na lang talaga ako kapag nakikita ko 'yung si Charlie."
 Natawa ito. "Patatawarin ka naman ni Lord."
 "Alam ko. Alam mo naman ang araw-araw kong devotion. Struggling ako sa hindi na pagmumura."
 Malaki na ang pinagbago sa buhay ni Erica sa nakalipas na tatlong taon.
 Siguro mas nag-mature na siya. At ang mas maganda pa niyon ay mas nagkaroon siya ng mas matibay na pagkapit sa pananampalataya niya. Sabay sila ni Jeraldine na um-attend noon sa isang Christian church at mula noon ay nagtransform ng bongga ang mga buhay nila ng pinsan niya.
 Hindi na masyadong palamura si Erica ngayon. Maingat na rin siya sa pagsasalita. Pero madalas talaga kapag umaapaw siya sa matinding emosyon ay hindi niya pa rin napipigilan.
 "Old habits die hard," nasabi na lang niya.
 "At least, namamatay kahit paunti-unti," nakatawang sabi nito.
 Pagkatapos siya nitong tulungan ay nag-ayos na ito para pumasok sa trabaho. Siya naman ay walang pasok ngayong araw kaya humilata lang siya sa sofa at nanood ng TV.
 Lumabas si Jeraldine sa kuwarto nito habang nagme-make up. 
 "Bagay sa suot mo 'yung brown MAC lipstick ko," she suggested. "Kunin mo doon sa make up kit ko."
 Napangiti ito. "Sure!"
 Parehas sila ng pinsan na mahilig mag-ayos kaya magkasundong-magkasundo sila sa aspetong iyon. Madalas nga ay nagtuturuan pa sila at nagbibigayan ng tips sa pagme-make up.
 "Alam mo, inaaya ako ni Reynald na pumunta sa fashion show at after party para daw sa girlfriend niya sa Sabado," pagkukuwento niya sa pinsan.
 Nagpapahid na ito ng lipstick habang nakatapat sa salamin. "Reynald? Ah, yung pinsan ni Charlie?"
 "Oo. Sa tingin mo... kailangan kong pumunta doon?" Napahiga siya sa armrest ng sofa at napatingala sa kisame. "Pupunta rin kasi si Charlie. Eh di, magkikita na naman kami?"
 "Hindi ka pa talaga nakaka-move on?"
 Napapikit siya. "Sabi niya kanina na-miss niya 'ko." Napangisi siya. "Ang sarap umasa, Jen."
 "Bakit hindi kayo mag-usap ni Charlie nang masinsinan?" anito at saka napalingon na sa kanya. "Sabi mo, basta ka lang umalis noon pagkatapos ilibing ang lolo niya. At ang pinakahuling pag-uusap niyo pa ay 'yung pagkamatay ng hamster niya."
 "Hindi nga usap iyon, eh. Nag-aaway kami." 
 "Isa pa iyon. Maybe...you can't move on because there was no closure."
 "Hindi naman kami makakapag-usap ng seryosohan ni Charlie. Iyon pa ba? Mamaya, mag-usap nga kami ng seryoso tapos ilabas niya lang 'yung tinatago niyang paninisi." Naramdaman niyang maiiyak siya kaya tinakpan niya ng braso ang mga mata. "Tapos hindi ko pa alam kung narinig ba ni Lolo Carlos o hindi yung katotohanan na sinabi ko kaya siya inatake sa puso o nasakto lang? Ang b-bigat... parang kasalanan ko."
 "Hey, napaliwanag na sa'tin 'yan sa church, hindi ba?" Nilapitan siya nito at hinagod ang braso niya. "Ang sabi, bago pa tayo ipinanganak, nakatakda na rin kung kailan tayo mamatay. God planned our lives from the very beginning up to the very last. Kaya kahit ano pang nangyari ng araw na iyon, whether narinig ka ni Lolo Carlos o hindi, whether nasugod niyo siya sa ospital ng mabilis o hindi, it's already his time to go."
 Napasinghot siya. "We never had the chance to tell him the truth properly." Dahil hindi rin talaga nila sigurado kung narinig ba muna sila nito bago atakihin sa puso. O nag-uumpisa na itong atakihin sa puso bago pa ang away nila ni Charlie.
 "You always pray for Lolo Carlos, right? That's what matters. And up there, maybe he understood and forgiven you, Charlie, and all the people involved."
 Inalis niya ang braso sa mata at dumilat. Tinignan niya ang pinsan at sa lahat ng tao ay hindi niya akalain talaga na kay Jeraldine niya maririnig iyon.
 Her cousin lost her ex-boyfriend when they were still young. Jeraldine blamed herself and hardly moved on. Mas malala ang pinagdaanan nito pero ngayon ay nakakangiti na at masaya na sa bagong boyfriend nito.
 If her cousin can move on, she can also.
 Help me, Lord. "S-Subukan kong kausapin na nang masinsinan si Charlie. Sige." Humugot siya ng hininga at pinakawalan iyon. 
 "Will you tell him what you truly feel?"
 Her eyes widened. "H-hindi na 'no! Ano pang silbi niyon?"
 "Para wala ka lang tinatago. Para siguro, kapag alam niyang gusto mo siya at hindi niya naman kayang tugunan iyon, gagawa rin siguro siya nang paraan para matulungan kang mag-move on. Para maging aware na siya sa actions at sasabihin niya kung sakaling magkasalubong man kayo kung saan. Para hindi ka na niya mapaasa dahil alam niya kung anong nararamdaman mo."
 May point. "Pero..."
 "Choice mo pa rin naman. Ikaw ang bahala. You pray for it."
 Tumango siya at napalabi. Kumakabog nang malakas ang puso niya habang iniisip niya pa lang na mag-uusap sila ni Charlie ng maayos at masinsinan. Paano pa kaya ang umamin na gusto niya ito.
 Lord God, ano po ba? Paano ba ang lovestory namin nitong si Charlie? Unrequited love po ba? I'm just the other girl, anyway...
 "Alis na 'ko," paalam ni Jeraldine sa kanya. "Nandito ka lang ba buong araw?"
 "Oo."
 "Tamang-tama. Dadaan si Khalil dito mamayang hapon," tukoy nito sa kasintahan. "Puwede bang paki-abangan tapos bigay mo 'tong mga folder na 'to?" anito habang may nilapag na makakapal na folders sa lamesa. "Kailangan na kailangan niya na kasing ngayong araw 'to pero hindi mag-meet yung sched namin. Bukas pa kami puwedeng magkikita."
 "Sure. Akong bahala."
 Pagkalabas nito ay tinignan niya ang orasan. Wala pang lunchtime, so puwede pa siyang umidlip dahil mamayang hapon pa naman darating si Khalil.
 Siguro ay mga bandang alas dos ng hapon siya naalimpungatan dahil sa pag-vibrate ng phone niya. Napapitlag pa siya at mapungay na mga mata na tinignan iyon.
 Text galing sa pinsan niya.
 From: Jeraldine Tan
 Erica, padating na daw si Khalil. Hindi na siya makakaakyat sa unit natin kasi nagmamadali siya. Puwedeng pakiabot na lang sa baba?
 To: Jeraldine Tan
 Sure.:)
 From: Jeraldine Tan
 Okay! Thank you, Erica. :*
 Bumangon na siya at nagsuklay ng buhok. Tumunog ang telephone nila. May tawag galing sa security guard sa baba.
 "Ma'am Erica, may naghahanap po sa inyo."
 "Ah, sige, manong, pababa na po ako. Pakisabi kay Khalil, sandali lang," sabay baba niya na ng phone.
 Binitbit niya ang mga folders at bumaba na sa lobby. Luminga-linga siya. "Manong guard, nasaan na 'yung pogi?" 'Yun na ang nakasanayan niyang tawag kay Khalil ng pinsan niya mula nang ipakilala sa kanya.
 Ngumisi ang guard. "Ayan, Ma'am, o." sabay turo nito sa likod niya.
 Pagharap niya ay bumagsak ang ngiti niya. Putragis, ibang pogi!
"Bakit nandito ka?!" Her eyes widened in this belief when she saw Charlie.
 Ang seryoso nitong mga mata ay sinalubong ang sa kanya. "I miss you."
 Napakunot-noo siya. "O, tapos? Nagkita tayo kanina, ah?" sarkastikong wika niya.
 He frustratingly sighed and held her arm. "You don't get it, do you? I miss you, Erica! Fuck, why can't you feel it?"
 "Feel na feel kong joke iyan. Bitawan mo 'ko at mahahampas ko sa'yo 'tong folder-"
 "I love you!"
 Tumigil ang ikot ng mundo at pati yata ang pagtibok ng puso niya.
 Lumamlam ang mga mata ni Charlie at masuyo siyang tinitigan. "I love you. I love you, Erica. I love you!" sigaw nito.
Pinagtinginan na sila ng mga tao na dumadaan sa lobby. Narinig niya ang pagtawa ng security guard.
 Hindi pa rin siya makaimik. Laglag ang panga ni Erica habang nakatingin rito. Oh, good Lord, is this a dream? Sign po ba niyo ito? Hindi pa yata siya bumabangon.
 "And this is not a freaking joke!" Niyugyog nito ang braso niya. "Damn it, I'm tired of denying my feelings to myself and to you and to everybody!" tumaas-baba ang dibdib nito at napapikit. "Fuck this pride! Hindi ko na 'to patataasin pa at ibababa ko na para lang sa'yo."
 Nagsimulang mangatog ang mga tuhod niya. Nanlalambot ang mga iyon at hindi siya makapaniwala sa mga naririnig! Punyetang panaginip! Ang sarap nang hindi magising!
 Palihim na kinurot niya ang sarili. Napasinghap siya nang malakas. "I'm not dreaming!" bulalas niya.
 Parang nagulat si Charlie sa sinabi niya. Napatuwid ito ng tayo pero hindi siya nilayuan ng tingin. "I'm confessing here and you think you're dreaming?"
 Napapikit siya nang hindi na magkamayaw sa pagtumbling-tumbling ang puso niya. Pero ang utak niya, hindi makapag-process! Hindi kayang tanggapin. Hindi kayang paniwalaan.
 Loading...loading....
 "It's okay if you don't love me back."
 Bigla siyang napaangat ng tingin rito. "H-Ha?"
 Seryoso pa rin si Charlie. Humor was gone in his eyes. "Abangan mo, Erica. Kikilos na 'ko para mapasa'kin ka." Then, he smiled with pride and determination.
 Magsasalita sana siya ngunit tumunog ang cellphone nito. Lumayo ito sandali upang sagutin iyon. Wala pang isang minuto ay binaba na agad nito iyon.
 The playfulness in his eyes and smiles came back. "I have to go. I-absorb mo muna ang lahat. Alam kong hindi pa kapani-paniwala." 
 "C-Charlie..." Hindi na alam ng puso niya kung saan na ang dating puwesto niyon. Sandali, may puso pa ba siya? Parang nakatakas na sa ribcage niya mula pa kanina.
Hinalikan siya nito sa pisngi at nginitian nang sobrang suyo at tamis. "Good bye for now, baby. I'll come back for more, you'll see."




 
CHAPTER THIRTEEN
TULALA. Hindi makapaniwala. At tila ayaw talagang paniwalaan ni Erica ang mga sinabi ni Charlie. Nagsasaya na ang puso niya pero ang utak niya, processing pa rin.
 Nahinto si Jeraldine sa pagsubo ng pagkain nito at hinarap siya. "Talagang hindi ka makaget-over?" nakatawang sabi nito.
 Marahan siyang umiling. "Three years... three years kaming hindi nagkita at nag-usap nang matino tapos biglang ganoon? Bigla na lang aamin siyang gusto niya-"
 "Mahal," pagtatama pa nito. "Mahal ka niya."
 Namula ang mga pisngi ni Erica at hindi na naman kumakalma ang puso niya. "Kita mo! Mahal? Anong kalokohan naman iyon? Mahal niya na 'ko bigla after three years? Eh, nung umalis ako noon, kung makayakap siya kay Chryzelle sa burol ni Lolo Carlos akala mo nakadepende na buong buhay niya sa babae?"
 Sumubo ang pinsan niya ng Californian maki at saka marahang ngumuya. Tila nag-iisip. Siya ay halos hindi magalaw ang inuwi nitong pagkain.
 "Malay mo naman nang nawala ka saka niya na-realize 'yun?" anito. "Hindi ba may ganoon naman? Kung kailan hindi na nakikita at saka natin hinahanap? Kung kailan wala na at saka natin napagtatanto na may gusto pala tayo?"
 "Wow, ah. Tagal niyang na-realized. Three years?"
 "Ikaw na mismo nagsabi, ma-pride iyon. At baka in-denial siya for the past years. Ang mahalaga umamin na siya." Nanunuksong tinignan siya nito. "At hindi pa naman huli ang lahat, hindi ba? Maybe this is the reason why you can't move on after all these years, Erica."
 Napayuko siya at hindi na nakasagot pa.
 "Tingin mo ba, hindi totoo ang confession niya?" tanong nito.
 Humugot siya nang malalim na hininga. "Ang daming tao sa lobby kanina. Tapos sinigaw niya pang mahal niya 'ko..."
 Parang kinikilig na ngumiti ang pinsan niya. "O? May tao kayang ipapahiya ang sarili niya sa harap ng maraming tao kung nagloloko lang?"
 "Eh! Jeraldine, si Charlie kasi 'yun!"
 "Oo nga. Si Charlie iyon. Si Charlie na kaaway mo. Si Charlie na kapikunan mo. Si Charlie na ex-pretend husband mo. Si Charlie na minahal mo at minamahal mo pa rin. Si Charlie na hindi ka makapag-move on kahit hindi naman naging kayo."
 Kinurot niya ito sa tagiliran at natatawang umiwas lang pinsan. Natawa na lang rin siya dahil natamaan siya sa lahat nang sinabi nito.
 "Dapat nga thankful ka kay God kasi may katugon pala 'yang nararamdaman mo," wika pa ng pinsan niya. "Iyong iba nga diyan, wala talagang katugon ang damdamin."
 Hindi na maintindihan ni Erica ang nararamdaman niya talaga. Kaya ngayong masaya sana siya, utak ang purong gumagana sa kanya. 
 Sanay na sanay ang utak niyang kontrahin ang puso niya. Sinanay niyang ganoon. Kaya ngayon... "Hindi mo rin kasi maiaalis sa'kin na maghinala pa rin. Nakakakilig, oo. Aarte pa ba ako? Hindi na dapat hindi ba? Pero hello, reality check lang! Kapag nagpadala tayo kaagad sa sinasabi ng damdamin na hindi muna nag-iisip, masasaktan tayo. Kita mo ang daming hugot at bitter sa Facebook?"
 Jeraldine rolled her eyes. "Oo nga. Eh, ikaw, hindi ka nga nagpadala sa damdamin agad, which is good. Pero puro utak lang naman ang pinapagana mo. Pati ba sa lovelife, kailangang psychiatrist ka?"
 Natigilan si Erica sa sinabi ni Jeraldine at talagang parang sinapak siya sa lakas ng tama niyon. Hindi na nagawang kumontra ni Erica at natahimik na lang.
 Believe her, she really liked what Charlie said. She was very happy after his love confession. But...but logic just crept on her.
 It scared her.
 Nang matutulog na siya kinagabihan ay kinuha niya muna ang cellphone. May notifications mula Facebook, Twitter, at Instagram niya.
 Charles Lyndon Ditangco sent you a friend request.
 Chef Charlie D. (@chefcharlie515) has requested to follow you.
Charliethechef515 wants to follow you.
 Nanlaki ang mga mata ni Erica at kusang sumilay ang ngiti sa mga labi niya. Tila kinikiliti ang puso niya. Ano ba naman iyan!
 In-accept niya ang lahat ng iyon. Saktong biglang nagpop-out ang isang messenger head. Si Charlie!
 Hi, baby! :)
 Nakagat niya ang ibabang labi. Hindi naman siya nakikita nito pero pilit niyang pinipigil ang mapangiti. Pucha, ang lakas ng epekto ng halimaw na 'to. 
 Hello :) she replied.
 Natawa siya nang nag-send ito ng kinikilig na emoticon.
 Erica: Gagi 'to hahaha
 Charles: Anong magagawa ko? Hello mo pa lang, kinikilig na 'ko.
 Erica: LOL.
 Charles: Kumain ka na po?
 Erica: Yep.
 Charles: Good. Are you going to sleep already? :)
 Erica: Yep. May pasok ako bukas.
 Charles: Right. Hatid kita. Is it okay with you? :)
 Erica: No need. I have my own car naman.
 Charles: :( Sunduin?
 Erica: May dala nga akong car.
 Charles: :( Ihahatid at susunduin na lang kita. Please?
 Erica: Ayokong makaabala.
 Charles: Hindi ka abala sa'kin, baby. Mahal ko po ikaw. :">
 Natawa siya. "Tangina," mahinang mahinang bulong niya habang nagpipigil ng kilig. Nanliligaw ba 'tong si Charlie? Bakit pa-bagets ang way?
 Napasinghap si Erica nang biglang tumawag ito. Agad siyang napabangon at hindi mapakali. "Shit ka!" aniya at saka pilit kumalma.
 "H-Hello?" sagot niya
 "Hi, Erica!" magiliw na bati nito mula sa kabilang linya. "Ihahatid na kita bukas. Ako na ring bahalang sumundo sa'yo. Please?"
 "H-Huh? Ano ba? Hindi ka ba busy or something? Nakakahiya..."
 "Nah! It's nothing. Ikaw pa ba mahihiya? Hindi ka naman marunong iyon."
 Napasimangot siya. "Gago 'to. Awkward kasi. Huwag na." Hindi niya pa alam kung anong magiging kilos niya kapag nagkaharap ulit sila. Ayaw niya namang ipagkanulo ang sarili rito dahil siguradong bibigay ang puso niya rito.
 He chuckled. "Why is it awkward? Come on, let me do my part. Let me court you, baby."
 Bigla na lang siyang napangiti. "M-Manliligaw ka?"
 "Yup! Unless you want me to be your boyfriend right away. Hinding-hindi ako tatanggi diyan!"
 Natawa siya. Pero agad ding tumigil dahil halata sa tawa niyang kinikilig siya. Ugh! Sabi na nga ba, eh. Tumikhim siya. "Charlie, seryoso ka ba talaga?" diretsang sabi niya na.
 "Mukha ba 'kong nagbibiro?" parang nakangiting sabi nito.
 "Malay ko ba kung niloloko mo lang ako?" panunubok niya.
"I won't fool around with someone else's feelings," biglang naging diretso ang tono ni Charlie. "Seryoso ang nararamdaman ko. Seryoso ako. Seryoso ako sa'yo, Erica."
Napalunok siya. "C-Charlie..."
"Naiintindihan ko kung ayaw mong maniwala, kung iniisip mong biro ko lang lahat ng 'to." He sighed. "We used to fight and pick around each other. I know that this is not the normal 'us'. This is not what we normally do."
"Tama ka. And normally, no one ever thought that you would be falling in love with me." And I have fallen first already.
"Then, let's just break the norm. Let me. Give me a chance. I'm willing to break it all for you."
Natigalgal si Erica at napakurap-kurap.
"Maybe, you're right," ani pa nito. "This is going to be awkward for the both of us. Pero hindi ko naman puwedeng isuko 'tong nararamdaman ko sa'yo. Kung kailan sobrang sigurado na 'kong mahal na mahal kita?"
"Putragis, kinikilabutan ako!" Nagtayuan kasi ang mga balahibo niya. Pero wala talagang kasing lakas ang tibok ng puso niya. 
Tumawa ito mula sa kabilang linya. "I love you, Erica. Handa akong patunayan lahat ng 'to sa'yo hanggang sa makita mong totoo ako."
Napangiti siya at napapikit. Jusko, kunwari pa siya! Gustung-gusto rin naman talaga niya!
"Ang dami mo namang sinasabi," angal niya kunwari. "Sige na. Ihatid mo na 'ko. Alas diyes ng umaga ang first class ko. I need to be in school before that."
"Yes! I'll be there early tomorrow. Wait for me."
"Matagal na kitang hinihintay," pabulong na sabi niya at saka natawa sa sarili.
"What?"
"Sabi ko, 'See you'. Geh. Bukas na lang. Good night."
Bago pa ito makapagpaalam ay pinindot niya na ang End Call. Baka kasi mamaya ay may sabihin pa itong lalong magpakilig sa kanya at hindi na siya tuluyang makatulog!
Binaba niya ang phone at saka nagdasal muna bago matulog. Nanghihingi siya ng guide kay Lord. Dahil, pagbibigyan niya si Charlie. Maniniwala siya rito. Gusto niya magpaligaw muna. Titignan kung gaano ito mag-e-effort. 
Lord, bahala ka na po sa'kin. Sa'yo po ang heart ko. Pakiabot na lang kay Charlie kapag tamang time Niyo na po. Mahal ko po siya pero kapag alam Niyo pong hindi maganda ang intensions niya, kunin Niyo na po siya. Ay de joke lang po, Papa God. Pakipalo sa puwet kapag niloloko lang po ako. I'll let you write my love story, Lord. May You guide me with every decisions that I'll make. Give me wisdom above knowledge and feelings. Praise You, Heavenly Father. Amen.
~o~o~o~
ANG LAKAS ng kabog ng puso ni Erica nang makita si Charlie kinabukasan. Nakangiting naglalakad ito palapit sa kanya. Fresh na fresh ang mokong! He looks good wearing a green polo shirt, white pants, and loafers. Naka-style ang buhok nitong malinis ang pagkakatabas. Malayo pa lang, amoy mabango na agad ito dahil sa itsura!
"Good morning," he greeted. All smiles.
Ngumiti siya pabalik. "G-Good morning...ugh..." Lumikot ang mga mata niya dahil hindi niya alam ang gagawin.
"Nag-breakfast ka na?" Tanong nito at saka siya inalalayan sa siko pasakay ng kotse nito.
Tumango siya. "Tapos na. Ikaw?"
"Of course." Mabilis itong sumakay sa driver's seat at pinaandar na ang sasakyan.
Kakaibang katahimikan ang namagitan sa kanila. Nakailang lunok na yata si Erica. Ano ba kasing pag-uusapan nila? Sinasabi niya na nga ba at magiging sobrang awkward sa kanila iyon.
Biglang tumawa si Charlie. "Sorry. I'm nervous."
Napatingin siya rito. "Saan ka naman kinakabahan?"
Ngumisi ito habang naka-focus lang ang tingin sa daan. "Kinakabahan ako kapag katabi kita."
"Talaga lang, ha?" 
"Forgive me. Ang tagal ko nang hindi nanliligaw. Nakalimutan ko na paano kumalma." Tumawa pa ito ngunit halata nang kabado. "My heart's racing. Damn, Erica. What did you do to me?"
Napalabi siya at nilayo ang tingin. Lihim siyang napangiti. "Utang na loob, Charlie. Ang aga-aga."
Charlie laughed again. "How are you, by the way? Nakalimutan na kitang kumustahin sa sobrang pagka-miss ko sa'yo."
Pucha. "Okay lang naman. Stressed sa med school, as usual. Pero kinakaya. Huling taon ko naman na 'to para sa proper med." bumaling siya. "Ikaw? Anong ganap sa'yo?"
Nagkibit-balikat ito. "Nothing big. On-going pa lang ang construction ng cafe and restaurant ko. Maybe after half a year pa siya magiging fully operational."
Tumango-tango siya. "Busy ka naman pala. Ano pa lang nangyari sa inyo ni Chryzelle?" lakas loob na tanong niya agad. "Parang kahapon lang, hindi mo d-in-eny na hindi na kayo. Kaya ayokong maniwala agad sa'yo, eh."
"Wala na kami. Matagal na. Hindi lang ako nakasagot agad kahapon dahil bigla kang nagsasalita."
Lumabi siya. "Kailan pa kayo naghiwalay?"
"Last year."
Napalunok siya. Matagal na rin pala. "What happened?"
Napasulyap ito nang mabilis sa kanya. Napabuntong-hininga ito at marahang ngumiti. "You happened, Erica."
Ayan na naman ang puso niya. Very active. Napakurap siya. "B-Bakit ako?"
Nagkibit balikat ito. Sumulyap ulit ito sa kanya ngunit nagbawi rin agad ng tingin. Kinambiyo nito ang manibela sa pagliko ngunit nakita niyang parang namula ang mga pisngi nito at nagpipigil ngumiti.
"Huy, Charlie," tapik niya sa balikat nito. Parang kinikilig ito na ewan. Shets! Pati siya napangiti.
Tumikhim ito. "Alam mo ba 'yung 'Absence makes the heart grow fonder.'?" anito. "I like to be honest with her. We lost it. I lost it. Ikaw na ang hinahanap ko nang wala ka na. Ikaw na ang iniisip ko sa tuwing kasama ko siya."
Erica bit her lip and felt bad for Chryzelle. Napangiwi siya. Parang kahit wala siyang ginawa ay lumalabas na kontrabida siya sa ilang taong relasyon ng dalawa.
But the other part of her was rejoicing. Kailangan pa lang maglayo pa sila ni Charlie para lang mapagtanto nito ang tunay na nararamdaman. Gusto niyang mapapadyak sa kilig!
"Okay..." tanging nasagot. "So, matagal ka nang single talaga?"
Tumango ito. "And it kinda suck. Most especially when I witnessed my cousins got married one by one. You know Agatha? Siya ang bunso, pero siya ang pinakanauna!"
"Narinig ko nga. Nabalita pa 'yan sa business news."
"That was barely two years ago. Then Dylan, Johann, Kuya Gideon, and Ramses. Sa nakalipas na taon, apat silang nagpakasal! Si Reynald, susunod na 'yun. Hindi magpapahuli 'yun lalo na at siya pa ang may anak, ha! Kaya wala ka nang pag-asa doon."
"Sayang," reklamo niya kunwari.
Nagsalubong ang mga kilay nito. "Nandito naman ako, Erica. Sa akin ka na lang."
Nagtayuan ang balahibo niya sa batok. Iyo naman talaga ako. Noon pa. Charot! "Bakit ngayon ka lang umamin? Bakit ngayon mo naisipang umamin? Kundi pa 'ko susugod sa bahay mo, wala ka pang planong umamin?"
Natawa ito. "Sinadya ko 'yun. Na sumugod ka doon. Para makita kita." Humigpit ang hawak nito sa manibela. "Aamin naman na sana ako pero kung paanong simangot ang salubong mo sa'kin, sobrang ngiti ka naman kay Reynald!"
Lumabi siya. "Kaya pala sinisiraan mong nang-two time siya."
"I was jealous! Wala akong kinaiinggitan sa kanya kundi yung pagkakaroon mo ng crush sa kanya. Like, what the fuck. I'm hotter than him!"
Nanlaki ang mga mata niya. "Wow naman. Nagbubuhat ka pa rin pala ng mga bangko. Sarling bangko mo." Natawa siya. "Humble yourself, loko."
Katahimikan ang namagitan sa kanila.
Napabuntong-hininga siya. "Wala naman na 'kong gusto kay Reynald. Hinahangaan ko lang talaga siya dahil mabuti siyang tao. Mabait na kaibigan at saka ang gaang kausap." Hindi niya alam kung bakit kailangan niyang magpaliwanag kay Charlie na ngayon ay magkasalubong pa rin ang mga kilay.
"Nagseselos pa rin ako," parang batang sabi nito.
Kating kati na siyang isigaw dito na ito naman ang mahal niya. Ngunit dahil may doubts pa rin siya ay lihim na lihim lang ang kilig niya. Nasaan ba si Reynald at nang magselos lalo 'tong si Charlie? 
"Kaya umamin na 'ko dahil baka pagsisihan ko kapag pilit ko pang itago. Gusto ko namang umamin noon pa. Natakot lang ako..."
"Saan?"
"Sa'yo," mahinang sabi nito. His eyes focused on the road still. "I was afraid that you're going to reject me."
Parehas lang pala sila ng kinakatakutan.
"But now, even if you're going to reject me, I won't give up on you. No more pride. I will let love take over."
Pucha na 'yan! Wala na. Bibigay na yata puso niya. First day pa lang, ano ba!
Para maitago ang kilig ay iniba na lang niya ang usapan hanggang sa makarating na sila sa campus.
"Salamat sa paghahatid."
"Anong oras ang uwian mo mamaya?" tanong nito habang may inaabot sa likuran ng sasakyan nito.
"Alas tres," sagot niya habang nagtatanggal ng seatbelt.
Nagulat siya nang may iabot itong lunchbox sa kanya.
"I have cooked and packed a healthy lunch for you. May snacks na rin diyan kapag nagutom ka sa hapon," nakangiting sabi nito.
Napakurap-kurap siya habang nakatingin sa itim na lunchbox. Uminit ang puso niya. "G-Ginawan mo 'ko ng baon?" Lagi lang siyang nadadala ng pera at kumakain sa mga kainan sa Dapitan. Hindi niya na kasing magawang asikasuhin na pagbaunan pa ang sarili niya. Nakakatamad din kasing magluto.
Charlie smiled with a loving look in his eyes. "Ikaw pa ba?"
Kinuha niya ang lunchbox at saka nagpasalamat. 
"Sunduin kita mamaya. Ingat ka."
Tumango siya. Pero hindi naman gumagalaw ang katawan niya pababa ng kotse nito. What? Ano bang ginagawa niya? Anong hinihintay niya?
Nagsalubong ang mga tingin nila ni Charlie. Ngunit sabay rin silang nag-iwas na parang nagkakahiyaan. Lihim siyang napangiti.
"Bababa na 'ko." Pero di naman siya kumikilos pa rin. What's her problem?
Charlie chuckled. Nilingon niya ito. "Bababa na kasi talaga ako."
Natigil ito sa pagtawa ng mapatingin sa mga labi niya. Nakita niya ang paggalaw ng adam's apple nito at saka nito iniba ang tingin.
Napakurap siya at saka napilit ang katawan na bumaba na nga. Ano ba? Hinihintay niya bang halikan siya ni Charlie? 
Nayakap niya ang lunchbox na bigay nito. Hinihingal siya kahit hindi naman siya tumatakbo.
Pagkapasok niya sa unang klase ay tumunog ang cellphone niya.
Have a nice day, Erica. I love you. :)
Kahit unregistered ang number ay alam niya na agad kung sino. Walang kahiya hiya talaga itong si Charlie. Men don't usually express their feelings that much. Pero ito, laging may-I love you sa kanya.
She saved Charlie's number and replied her thanks. Pagkarating ng lunchbreak ay namangha siya sa tatlong putahe na hinanda nito! At sobrang daming kanin! 
"Kaya pala ang bigat ng lunchbox," naiiling na sabi niya. Tinalo ng baon niya ang mga nabibili sa pinakamahal nang kainan doon! 
"Ang sarap naman niyan!" komento ng isang kaklase niya. "Ang dami pa! Ikaw nagluto?"
Umiling siya at hindi matanggal ang ngiti sa mga labi niya. "Hindi. Professional chef nagluto niyan," pagmamalaki niya pa.
"Patikim!"
Nagsitikiman ang mga kaklase niyang kasama niya. 
"Ang sarap naman!"
"Parang pagkain sa mamahaling resto 'yung mga ganyang lasa, ah?"
"Sino nagluto? Boyfriend mo?"
Ngumiti siya. "Soon to be."
"Ay! Ang landii!" Tili ng mga ito at kinulit siyang magkuwento. Tumawa lang siya at kumain.
Naubos ang lahat ng pagkain sa tulong ng mga kasama niya. Hindi niya na nilabas ang clubhouse sandwich na snack niya siguro.
She texted him after.
To: Charlie Version 2.0
Uy, salamat! Ang sarap ng pagkain. I shared it with some of my friends. Sobrang sarap daw. :) 


Wala pang isang minuto ay may reply agad ito!


From: Charlie Version 2.0
Glad you liked it. :) But why did you share? May gayuma iyon! Lahat na sila maiinlove sa'kin. Hahabulin na naman ako. Hay. -.- 


To: Charlie Version 2.0
Putragis! Edi mas dadami choices mo. Mas magaganda sila sa'kin. :)


From: Charlie Version 2.0
Ikaw lang ang gusto ko. 


Muntik niya nang ibato ang cellphone dahil sa kilig. Hindi na lang siya nag-reply dahil nagsimula na ang klase. Parang na-energize si Erica at buong klase hanggang sa matapos ang araw na iyon ay bibo siya masyado.
Hindi siya inantok o naboring-an. She was very active and...inspired.
Nang mag-uwian na ay kasabay niya ang mga kaklase niya palabas ng building. Nag-uusap sila tungkol sa thesis na ginagawa nila nang magtilian ang mga kasama niya.
Napapitlag siya. "Ano ba iyon?"
May tinuro ang kaibigan niya at pagtingin niya ay napatunganga siya.
Si Charlie! Naglalakad ang lalaki palapit sa kanya. Nakangiti ito habang may hawak na bouquet of chocolates! At may nakatusok pang maliit na letter balloons na naka-spell ng...
ERICA!
"Yan ba ang manliligaw mo, Erica?"
"Hala, shet! Bakit di mo sinabing hindi lang yummy ang food, pati pala yung chef?
"Ang suwerte mong bruha ka! Small but terrible ka talaga, Erica!"
Hindi na maihi sa kilig ang mga kaibigan niya. Nang makalapit na si Charlie ay saka lang tumahimik ang mga ito at saka mabilis na nagsiwalaan!
Sobra sobra na sa pagkalabog ang puso niya.
"Hi," he greeted, smiling while eyes were twinkling.
Napakurap pa siya ng ilang beses bago tumikhim at diniretso ang likod. "Hello. B-Bakit may ganyan?" sabay turo niya sa dala nito.
Binigay nito iyon sa kanya."Because I love you," walang kagatol-gatol na pahayag nito.
 At dahil sa sobrang cute niyon ay na-appreciate niyang talaga. Marami nang nanligaw sa kanya. Halos lahat yata ng ligaw moves ay kabisado niya na. 
Pero wala ni isang nakabihag sa puso niya.
Itong si Charlie, first day pa lang ng panliligaw, hindi na siya pinagpahinga sa kilig!
"Nagustuhan mo ba?" parang nahihiyang tanong nito nang nasa kotse na sila.
"Oo naman. Salamat! Ang dami mong effort, ha!" puri niya habang yakap ang ibinigay nitong chocolate bouquet.
Mas lumawak ang mga ngiti nito. "Siyempre. Mild pa nga 'tong lagay na 'to."
Her eyes widened in disbelief. "Ha?" Mild pa lang iyon ngunit tunaw na ang puso niya? 
Paano pa sa mga susunod na araw?
Nang huminto ang kotse dahil sa traffic ay tinitigan siya nito. "Ipaparamdam ko sa'yo paunti-unti kung paano ako magmahal. Hindi puwedeng isang bagsakan lang. Baka bigla kang um-oo diyan."
May kung anong kumiliti kay Erica dahil doon. Kainis! Hanggang kailan niya ba matatago na mahal niya rin ang lalaking 'to? Kung totodo pa ito bukas, baka bigla niya na itong masunggaban!
Kinagabihan ay nakipagkulitan lang si Charlie sa chat at text hanggang sa umabot sila ng hatinggabi! Pucha para silang mga teenagers! To think that she's already 24 and Charlie's 33.
Kinabukasan ay sinundo na naman siya nito. At may pabaon ulit! This time, may kasama nang fresh orange juice at dessert!
"Grabe ka, Charlie. Wala na 'kong masabi," natatawang sabi niya habang kinukuha rito ang mas malaking lunchbox. "Masyado mo naman yata akong mahal?"
Pumungay ang mga mata nito at ngumiti. "Oo. Sobra."
Nag-iwas siya ng tingin at napangiti. "Sige na. Pasok na 'ko. Salamat!" 
"Mag-iingat ka, ha? Pakakasalan pa kita."
Muntik nang matapilok si Erica pagkarinig niyon. "Gago ka, Charlie!" aniya pagkababa ng kotse nito.
Natawa ito. "I love you, too, baby." He even winked at her and smiled so chamingly.
Isa pa! Isa pa, Charlie! Hahalikan na kita!







 
CHAPTER FOURTEEN
"Hindi ka pa rin ba aamin kay Charlie?"
 Tinapos muna ni Erica ang pagpahid ng lipstick sa mga labi bago sinagot ang pinsan niya. "Not now."
 Humalukipkip ito. "Eh, kailan?"
 "Tomorrow?" then she laughed.
 Natawa rin ito "Ewan ko sa'yo. Baliw ka talaga," naiiling na sabi nito. 
 Pagkatapos niyang mag-make up ay tumayo na siya at tinignan pa ang sarili niya sa full-length body mirror. Nakasuot siya ng kulay maroon na body-hugging dress na hanggang tuhod ang haba. Turtle-necked iyon ngunit sleeveless
 Humakab ang damit sa perpektong hugis ng baywang at pipis na tiyan ni Erica. Her right-sized boobs, and well-rounded hips was shaped perfectly by the dress. Nagsuot siya ng dark maroon stilleto heels din. Four inches iyon kaya hindi naman na siya ganoon kaliit tignan.
 Itinali niya sa isang clean ponytail ang maalon niyang buhok. Her make-up was light but her MAC lipstick made the magic. Kasingkulay iyon nang sapatos niya at nag-blend ng mahusay sa suot niya.
 Pupunta siya ngayon sa fashion show kung saan siya inimbitahan ni Reynald. Si Charlie ang susundo sa kanya kaya naman nagpaganda talaga siya ng todo at naaayon sa okasyon.
 Maya-maya ay tumawag si Charlie na nasa ibaba na daw ito. Nagpaalam na siya sa pinsan niya at saka umalis bitbit ang isang clutch bag.
 Naglalakad na siya papunta kay Charlie na malawak ang pagkakangiti. Ngunit habang mas papalapit siya ay unti-unting nawala ang ngiti nito habang hindi maalis ang mga mata sa kanya.
 Para itong natulala.
 Napangiti si Erica. "Laway mo, tumutulo," biro niya.
 Pinunasan nito kunwari ang gilid ng labi at ngumisi. "Your fault." He bended his head and kissed her on the cheeks. "You're lovely."
 "Ikaw din..." Sinuyod niya ng tingin ang kabuuan nito. Bakit ba kahit anong suotin nito ay bagay rito? Nakarolyo hanggang siko ang suot nitong light red long-sleeved polo at black slacks. His black leather shoes was so shiny. Nakakahiyang tapakan o madumihan.
 "Ako din? Lovely?"
 She chuckled and pushed his face. "Gagi. Let's go, sago!"
 Pagkasakay nila ng kotse ay sinulyapan na naman siya nito. "Ang dami-dami kong pinapabaong pagkain sa'yo, saan ba napupunta 'yon?" tanong nito bigla.
 "Kinakain ko." Sa nakalipas na limang araw ay hindi pumalya si Charlie na pabaunan siya sa pagpasok. Iba't ibang putahe araw-araw. Hindi umuulit ang ulam, maging ang pang-snack at dessert. "Minsan sine-share ko. Pero siyempre ako pa rin yung nakakakain ng malaking part. Bakit?"
 "Kung ganoon, bakit hindi ka tumataba? Bakit ang sexy mo pa rin?"
 Napakunot-noo siya at binalingan ito. "Pinapataba mo ba 'ko? Gusto mo 'kong mataba? Akala ko ba mahilig kayong mga lalaki sa sexy?"
 "Tss." Umiling-iling ito. "Gusto kong tumaba ka para ako na lang ang titingin sa'yo."
 Pinigilan niyang mapangiti ngunit ang kilig nanalaytay na pati sa buto niya. "Mabilis kasi ang metabolism ko. Umiinom ako ng natural tea after kong kumain ng dinner. Maganda rin ang bowel movement ko. Nag-e-exercise din ako sa umaga. Fifteen minutes lang palagi." Kaya kahit kumain siya nang maraming-marami ay ayos lang. Dahil alaga naman niya ang katawan.
 Ngumuso ito. "Ang daming lalaking titingin sa'yo..."
 Natawa siya sa itsura nito. "Umayos ka ngang kurimaw ka." Sinampal niya ito kunwari at nawala ang pagnguso nito. "Hanggang tingin lang naman ang mga lalaking 'yon. Pero hindi naman ako nagpapa-sexy para mapansin ako. Inaalagaan ko ang figure ko para sa health ko."
 "Titingin pa rin sila..."
 "Eh di tumingin ka rin."
 Bigla itong ngumisi. "Puwedeng humawak rin?"
 Hinampas niya ito sa braso. "Gago! Siyempre, puwede!"
 Nagkatinginan sila at sabay na nagtawanan. Inabot nito ang pisngi niya at saka kinurot.
 "Ang sarap mong halikan," anito.
 "Go."
 They laughed again together. OMG. They were so malandi!
 Pagkarating nila sa venue ay maraming press ang nandoon. May mga artista kasi ang dumalo at paparating pa lang ang ibang supermodels.
 Mapayapa naman silang nakapasok ni Charlie sa loob ng hall nang walang humahabol na press o ano. Ngunit habang naglalakad siya ay napansin niya ang ilang paglingon ng mga lalaking nandoon at ang paghagod sa katawan niya.
 She rolled her eyeballs. Kahit anong estado pala, men are men. To think na napakadisente na nga ng suot niya.
 Marahan siyang napasinghap nang dumantay ang kamay ni Charlie sa baywang niya. Hinapit siya nito at sinabayan siya sa paglalakad.
 Men stopped staring. Napayuko si Erica at napangiti. Binakuran talaga siya!
 Hindi siya hiniwalayan ni Charlie kahit na may ilang taong tinatawag ito. Hihinto lang ito sandali, ipapakilala siya, pagkatapos ay magpapaalam agad sa kakilala. Inalalayan siya nito hanggang sa makarating sila sa mga upuan nila.
 "Erica, you're here!"
 Napatingin siya sa tumawag sa kanya. "Haley!" tawag niya sa kababata na mula pa sa Amora. Haley is the governor's daughter. Ang ama nito ay kapartido ng Papa niya na ngayon ay Mayor na rin sa Amora.
 Nakita niya si Gideon na siyang Vice-Mayor naman nila. Asawa na ito ni Haley at pinsan rin ni Charlie. Binati niya ang lalaki at tinanguan lang siya.
 "Kumusta ka na?" bigla siyang hinila ni Haley at naupo siya sa tabi nito.
 "Malapit na 'kong matapos ng proper med. Although, tumatanggap na ako ng mga mini psychological counseling. Hindi pa lang ako puwede mag-issue ng gamot," pagkukuwento niya rito.
 "Wow! You're awesome! Natuloy mo 'yung plano mong magtayo ng clinic sa Amora?"
 Umiling siya. "Baka hindi na muna." Ang plano kasi niya ay umani muna ng experiences sa mga ospital o sa mga private mental institutions. "Bakit ka nga pala nandito?"
 "Oh. Last fashion show na ng pinsan ko. I'm here to support her," he sweetly said.
 "Yung pinsan mo ba ang girlfriend ni Reynald?"
 "Yes, it's Lavender de Vera!" nakangiting sabi nito. "By the way, bakit kasama mo si Charlie?"
 Napatingin siya kay Charlie na ngayon ay kausap na ang mga pinsan nito. Biglang nagsalubong ang mga tingin nila ay mabilis siyang kinindatan nito.
 Nagpigil siya ng ngiti. Ngunit napansin iyon ni Haley. "Oh, my! Are you dating him?"
 "Uh-huh."
 Impit itong napatili. "No way!" Natawa ito pagkatapos at saka napailing. "Oh, well, halika. Pakilala kita sa mga pinsan ko."
 Hinila na naman siya nito at napunta sila sa kabilang side ng runway stage. 
 "This is Sapphire," pakilala nito sa magandang babae na buntis. "She's pregnant with her first child. Napangasawa niya ay pinsan rin nila Charlie."
 "Hi!" magiliw na bati niya sa babae. Mukhang medyo snob ito kaya inasahan niya na ang matipid nitong ngiti. Pero bumati naman pabalik.
 "This is Crystal Jane. She's married also sa pinsan din nina Charlie and Gideon." Pakilala naman nito sa babaeng mabait na nakangiti at agad siyang kinawayan.
 "She's Erica, my childhood friend."
 "Hello, Erica! Nice meeting you," sabi ni Crystal Jane. Tumayo pa ito at nag-abot ng kamay sa kanya.
 They shook hands.
 "Ang mayayaman talaga sa mayayaman lang rin napupunta, ano?" aniya nang matapos siyang ipakilala nito sa dalawang pinsan nito. Bumalik na rin sila sa puwesto nila. "Aba't kayo-kayo lang ang nagpapakasal, ah!"
 Humagikgik si Haley. "You wouldn't believe our story. It's not our fault that we all fall for the Andersons. Nagkataon lang rin siguro."
 "Pero tama siya. Kayo-kayong mayayaman lang rin naman talaga ang nagkakatuluyan. Kahit ano pang coincidence na nangyari sa inyo. Reality check."
 Napalingon si Erica at nakita ang babaeng nagsalita. Maganda ito, morena, mahaba ang itim na itim na buhok. Katulad niya ay body-hugging ang suot nito ngunit long-sleeved at low neckline. 
 "Oh! Hi, Pamela!" bati ni Haley rito.
 Propesyunal ang ginawa nitong pagngiti. "Hindi pa ba magsisimula ang show?"
 "Malapit na siguro. By the way, this is Erica. Erica, she's Pamela."
 Nagkamay sila ng babae at nagbatian. "Pinsan mo rin?" tanong niya kay Haley.
 "Nope! Girlfriend siya ng pinsan ko naman sa father's side. Remember Joseph?"
 May nag-pop na imahe ng batang lalaki sa isipan niya. "Ay! Si Kuya Joseph? Nakakalaro natin dati 'yun, diba? Pati si Kuya Tobias, nakakalaro niya rin dati."
 Tumango si Haley. "Pinakilala niya na kasi sa buong Gonzaga clan si Pamela. Kaya sinama ko si Pamela dito. Nagba-bonding kami. Sayang nga hindi makakarating si Joseph. May trabaho."
 Nakakaintinding tumango naman siya. "Sayang nga! Sana magkita naman kami sa Amora kapag lumuwas ako. Maalala pa kaya ako niyon?"
Habang nagkukuwentuhan sila ni Haley ay napansin niya ang magpipinsan na Anderson na nakatumpok sa isang puwesto. Kompleto ang mga ito, sa tingin niya. Dahil kahit ang babaeng Anderson ay nandoon. Nagtatawanan ang mga ito at walang pakialam sa mga camera na nagkikislapan sa gilid ng mga ito.
 Nag-excuse sandali si Haley at lumapit sa asawa nitong nasa grupo. Nakita niya ring lumapit sina Sapphire at Crystal Jane sa asawa ng mga ito.
 Erica sighed in awe. "Ang mga diyos at diyosa ay nagsasama-sama. The rich and the rich. Nasaan ang hustisya?"
 She heard Pamela chuckled. Nasa likod niya ito nakaupo. "You're not alone, Erica."
 Napalingon siya rito at napangiti. "Ang unfair ng life, ano?"
 Tumaas ang kilay nito. "But I heard, you're a mayor's daughter? At nililigawan ka ng isang Anderson?"
 "Grabe naman! Ang bilis naman makarating ng mga chismis dito." Natawa siya. "Anak ako ng mayor pero sa maliit na probinsya lang. Eh, masyadong mabait ang Papa ko. Hindi corrupt, eh. Ayun, nasa middle class lang kami. Pero okay na rin kaysa mabuhay ng marangya dahil sa nakaw."
 Ngumisi ito. "Point taken. Pero nililigawan ka pa rin ng isang Anderson."
 Napangiti siya at napatingin kay Charlie. May sinasabi ito sa grupo at saka nagtawanan ang lahat. Pagbalik ng tingin niya kay Pamela ay nakatingin na rin ito sa grupo nina Charlie. Pero magkasalubong ang mga kilay nito.
 "Pamela?"
 Nang bumaling ito sa kanya at pumormal ang mukha nito. "Excuse me. I'll just use the powder room."
 Tumango siya. Saktong pag-alis nito ay bigla siyang nilapitan ni Charlie at isinama sa grupo ng mga ito. Kilala niya na lahat ng pinsan nito kaya wala naman siyang problemang makipagkuwentuhan sa mga ito. Ipinakilala lang sa kanya si Johann na wala pa dati sa magpipinsan. Nakuwento na sa kanya ni Charlie ang mga pangyayari for the past few years kaya hindi naman siya huli sa balita sa mga ito.
 Lahat ay kinakausap at nakikipagbiruan sa kanya maliban doon sa River at Ibarra na parehong tahimik lang at nakamasid sa kanila. But while River's having a poker face, that Ibarra has a mysterious tiny smile on his lips.
 Bumaling siya kay Charlie at bumulong. "Ano ba 'yang Kuya Bari niyo? May saltik ba 'yan? Nakakatakot!"
 Charlie chuckled. "Hindi naman. Don't let him intimidate you." 
 Sumulyap ulit siya kay Ibarra at mabilis na nag-iwas ng tingin nang magkasalubong ang mga mata nila. Dati niya na napapansin ang kakaibang dulot ng presensiya nito. Pero wala lang siyang pake dati. Ngunit ngayon, ewan niya kung bakit kinikilabutan siya.
 Nawala ang pansin niya sa iniisip nang maramdaman niya ang kamay ni Charlie mula sa braso niya padula pababa sa kanyang kamay. 
 Pinaghugpong nito ang mga daliri nila. At hindi talaga siya nagprotesta! Napangiti pa nga siya rito at hinayaang tangayin siya nito pabalik sa upuan nila. Magsisimula na pala ang fashion show.
 After two hours ay malapit nang matapos ang fashion show. Nag-enjoy naman si Erica kahit papaano dahil sa magagandang creations mula sa mga Filipino designers. Dahil nakikita niya naman dati sa mga magazine, billboards, at commercials si Lavender de Vera, ay mabilis niyang nakilala ito. Ito lagi ang nagsusuot ng final creation. And everytime that Lavender would own the runway, mas dumadami ang kislapan ng camera.
 "Ang tatangkad naman nila...Nasaan ba ako nang nagpasabog ng height si Lord?" komento niya nang sabay-sabay lumabas ang mga models at rumampa.
 Bumaling sa kanya si Charlie. "Tulog ka habang nakatalukbong pa ng kumot."
 "Aba, punyeta ka."
 Natawa ito at kinurot siya sa pisngi. "Okay lang naman ang liit mo," anito habang nakatitig sa kanya. "Kasyang-kasya ka sa puso ko."
 Nag-init ang mga pisngi ni Erica kahit napaka-corny naman ng sinabi nito. Tinulak niya ang mukha nito. Natatawang kinuha nito ang kamay niya at saka iyon hinalikan.
 Nakagat niya ang labi sa pagpipigil ng kilig. Landian sa fashion show, for the win!
 Successful namang natapos ang fashion show. Nirampa ni Lavender ang isang damit na parang pang-reyna ang disenyo pero parang pang-wedding gown din dahil sa kaputian niyon. Vintage design pero native Philippine materials ang gamit.
 Mayroon pang korona sa ulo ang babae na parang totoong reyna ito. Umaapaw ito sa class at elegance Wow. Anong sinabi ng mga beauty queens rito?
 Nagpaulan ng confetti pagkatapos lumabas ang mga fashion designers. Hudyat na tapos na ang show. Nagtayuan sila at napalakpak. 
 "Nasaan pala si Reynald?" hanap niya sa lalaki.
 "Kasama sa mga nakikipagpatayan na photographers doon kapag si Lavender ang lumalabas," natatawang turo ni Charlie sa harap ng stage.
 "Wow. In the name of love!"
 Nagsialisan na ang ilang tao ngunit nanatili sila doon. Hindi sila nakisabay sa agos ng mga palabas na tao.
 "Excuse me?"
 Napatingin silang lahat ng magsalita si Lavender mula sa stage. May dala itong microphone.
 Biglang nagpaalam sa kanya si Charlie na sandali. Maya-maya ay nakatumpok na ang magpipinsan sa likod ni Reynald.
 "So, since this was my 'final walk' as the 'queen' of the modeling industry..." Panimula ni Lavender sa marami pa nitong sasabihin.
 Napasinghap si Erica nang mapagtanto kung anong nagaganap. Napalingopn siya kay Reynald na nakatulala lang kay Lavender habang nakaabang sa likod ang mga pinsan nito.
 "Hey, Reynald, I know you have been waiting for the right time for the both of us..." ani Lavender na teary-eyed na.
 "What's happening?" narinig niyang tanong ni Pamela. "Is she going to propose?"
 "Go, Lavender!" Haley cheered.
 Napangiti si Erica at napahawak sa dibdib niya. Lumabas ang pagka-hopeless romantic niya sa mga sumunod na sinabi ni Lavender. Siguro ay naiintindihan na ni Reynald ang mga nangyayari dahil namumula na ang mga mata nito at sumisilip na ang luha sa mga mata nito.
 "I'm not their 'queen' anymore. I just want to be your queen now, babe. Only for you and Miguel."
 Napasinghot si Reynald at lahat ng camera ay dito na nakatutok.
 "Will you marry me?" magkasabay na tanong pa ni Lavender at Reynald sa isa't isa. The guy is now crying and being pushed by his cousins.
 At nang mabilis na umakyat si Reynald sa stage at niyakap nang mahigpit si Lavender. Hay... "Maniniwala na naman tayo sa forever nito! Letse!"
 "I'm going to propose today!" ani Reynald. "Naunahan mo ako!"
 Lavender laughed. "You're just going to propose? How about the wedding right away?"
 Nanlaki ang mga mata ni Reynald. "N-No way!" Napalingon ito sa mga pinsan. "A-Ano 'to? Hindi ko naman birthday!" 
 Pagkuwa'y bumaba na ang mga tao sa stage na kasabwat pala. Mabilis na nag-set up ng altar at may pumasok na isang totoong pastor!
 Napasinghap si Erica. Shit! Surprise wedding! Surprise wedding! Pati siya na-surprise! May mga nagpasukan na tao. Sabi ni Haley sa kanya, mga Anderson at Monteverde daw ang mga iyon.
 Reynald burst into tears when Johann and Charlie went up. Pinagsuot ng dalawa si Reynald ng coat at kinabitan ng necktie. Nagtawanan ang mga pinsan nito nang humagulgol na talaga ang lalaki.
 "You!" turo nito kay Ibarra.
 Bari smiled and shrugged. "You never noticed."
 "We're good at acting," natatawang sabi ni Charlie. "Pang-ilan ka na ba kasi? Pang-lima ka na, hindi pa ba kami masasanay."
 "Susunod ka na!"
 Tumawa si Charlie at kinawayan siya. "Erica! Susunod na tayo, baby! Maghanda ka na!" excited na excited na sabi pa nito.
 Nanlaki ang mga mata niya at nahihiyang napayuko nang pinagtinginan siya ng lahat ng tao. Putragis 'tong si Charlie, oo!
 Pagkatapos kumalma ni Reynald ay nagsimula na ang kasalan.
 "Successful na naman si Bari. I see," sabi ni Sapphire.
 "He knows what to move, when to move, and how to move," komento ni Crystal Jane.
 "It's kinda irritating how he moves, though," ani Haley at saka bumaling sa kanya. "Be careful, Erica. Kapag kinausap ka na niya, bago pa siya magsalita, sampalin mo na agad."
 Napakunot-noo siya. "Bakit naman?"
 Mabilis na kinuwento lang sa kanya ni Haley kung anong napagdaanan ng mga ito. Tumango-tango lang siya habang pinapanood nila ang mga kinakasal.
 Umismid si Pamela na nakikinig sa kanila. "Manipulative. Playing God. Such an asshole."
 Napatango na rin siya. "Sabihin niyo nga sa kanya, pa-konsulta sa'kin kapag psychiatrist na 'ko," aniya na ikinatawa nilang lahat.
 Hindi sinasadyang napabaling siya sa magpipinsan na Anderson.
 Pero imbes na kay Charlie siya tumingin ay kay Bari napunta ang tingin niya. Saktong napatingin din ito sa gawi nila. Hindi ito ngumiti ngunit tinanguan siya.
 She did the same and looked away. So far, wala namang masasabi ito na makakasira kay Charlie. She can feel how genuine he is. Wala pang isang linggo, oo. Ngunit nakasama niya naman si Charlie noon sa iisang bahay. Hindi lang sila nagkaintindihan sa huli, but overall, she knew that Charlie won't effort for her like this kung hindi ito totoo.
 Wala naman na siyang masyadong doubts sa lalaki.
 Hmm. Sagutin niya na kaya si Charlie bukas? Ang hirap naman kasi magpakipot kapag gustong-gusto din naman.






 
~o~o~o~
"CONGRATULATIONS, Reynald and Lavender!"
 Nagpalakpakan sila para sa panghuling mensahe para sa bagong kasal. Nasa bahay nga sila nina Reynald at ang natira nilang nag-"reception" ay ang mga magpipinsan na Anderson kasama ang mga asawa ng ilan.
 Maya-maya ay tumayo si Reynald at lumapit sa videoke. Nag-cheer ang mga pinsan nito nang kumanta ito para kay Lavender. Buhat pa nito ang anak ng mga ito na pilit inaagaw ang mic.
 Nagkakatawanan na lang sila. Nag-e-enjoy masyado si Erica na kahit gabing-gabi na ay hindi pa rin siya inaantok. Masaya kasama ang mga tao doon. Hindi ka i-o-OP. Mga jologs din pala kahit mayayaman.
 "O? Sinong gustong sumunod?" ani Reynald. "The floor is now open!"
 "OMG!" tili ni Haley at saka bumaling kay Gideon. "Sing for me! Sing for me! 'Paint My Love', please!
 "Ikaw, Ramses?" ani Crystal Jane sa asawa nito. "Show them a singing lawyer!"
 "Mukhang ayaw nila," biglang tumayo si Johann. "Ako na lang, ako na lang! I volunteer as tribute! Kakantahan ko si Misis-"
 "No!" tanggi agad ni Sapphire saka hinila ang damit ng asawa nito. "You sit here. Gusto mong manganak ako ng wala sa oras dito?"
 Habang nagkakatawanan sila ay nasa unahan na pala si Charlie at hawak na ang mic.
 "This song is for the sexy girl right over there," sabay turo nito sa kanya.
 Nakisakay siya sa trip nito. Tumayo siya at kumaway. Ngunit sa totoo lang ay mas excited siyang marinig na kumanta si Charlie! Pucha! Naalala niyang nag-voice lesson noon si Charlie noong bata pa ito, ayon kay Lolo Carlos.
 Wala pa man, feel na feel na ni Erica ang haba ng kanyang buhok. Kapag maganda ang kinalabasan ng "panghaharana" ni Charlie ay baka sagutin niya na ito maya-maya.
 Kinikiliti ang puso niya nang magsimula na ang kanta. Tinutukso-tukso siya ng mga babae na nandoon. Habang nakangisi lang kay Charlie ang mga pinsan nito.
 "Hiding from the rain and snow. Trying to forget but I won't let go..." he started singing while facing the videoke first. "Looking at a crowded street. Listening to my own heart beat..."
 Napakurap-kurap si Erica. Excuse her. Pero tangina, may boses ngang maganda! Malamig ang boses nito at tama lang ang timbre sa kinakanta.
 "So many people all around the world..." Lumingon ito sa direksyon niya at masuyong ngumiti. "Tell me where do I find someone like you, girl."
 Natahimik ang buong paligid at siya'y parang natulala na lang rito. Her heart was swaying with his cool manly voice.
 "Take me to your heart, take me to your soul. Give me your hand before I'm old." Hindi humihiwalay ang mga mata ni Charlie sa kanya. "Show me what love is - haven't got a clue...
 Show me that wonders can be true."
 Napangiti siya nang sobrang laki. Charlie, Charlie, Charlie...ano ba ang hindi mo kayang gawin?
 "They say nothing lasts forever. We're only here today." Humawak pa ito sa dibdib. "Love is now or never. Bring me far away..."
 "Take me to your heart, take me to your soul." Nakalapit agad ito sa kanya at inilahad nito ang palad. "Give me your hand and hold me..."
 May narinig siyang kantiyawan nang inabot niya ang kamay nito. 
 "Show me what love is...be my guiding star..." Pabirong inikot siya nito at ang ending niya ay sa loob rin ng braso nito. He was looking at her directly in the eyes. His were twinkling. "It's easy, take me to your heart..."
 No, Charlie. I don't have to take you there. You know your own way. You made your own way.
 Hindi niya alam kung bakit nangilid ang mga luha niya sa suyo ng mga tingin nito. Pucha! Ilang beses niya bang pinangarap na tignan siya ng ganoon ni Charlie.
 Lahat nang paghihinala niya ay nawala lang bigla. All the heartaches of the past just swiftly went away. No more image of him and his ex-girlfriend on Lolo Carlo's funeral. 
It's just her and him right now.
 Charlie continued singing but he never let go of her. Tinukso na sila ng mga tao sa paligid pero wala siyang pakialam.
 Hah! Dapat lahat ay equally happy!
 Madaling araw na natapos ang kasiyahan. Parang naglalakad sa mga ulap si Erica dahil pagkatapos nang pagkanta ni Charlie ay hindi na talaga siya nito binitiwan.
 Puro sila ngitian, sulyapan, tawanan...Hindi na talaga alam ni Erica kung saan siya nakakakuha ng malakas na pagtitimpi para hindi ito masunggaban.
 The next day, she texted him.
 To: Charlie Version 2.0
 Hi! Free ka today? :)


 From: Charlie Version 2.0
 Good morning, sexy! Yes, I am. Why? :)


 To: Charlie Version 2.0
 Let's meet for lunch? Wala kasi si Jeraldine. Wala akong kasamang mag-lunch. Okay lang? Let's go to Eastwood.


 From: Charlie Version 2.0
 Are you asking me on a date? ;)


 To: Charlie Version 2.0
 Hahahaha. Basta punta ka. May sasabihin ako. 
Advertisements