Ang ganda ng umaga ko. Ang sarap ng tulog. Siguro maganda yung panaginip kong di ko naman
maalala. Ang gaan ng pakiramdam ko habang tinatahak ko ang daan patungong library. Napaaga
nga ako sa school ngayon, may gana kasi akong mag aral. Maingay naman si Carlo masyado sa
bahay kaya dito na lang ako mag-aaral.
Sarap pa nang pakiramdam ko nun, nang biglang may sumira.
Lumingon ako sa mga basketball players na nakajersey. Maingay pa sila nung di pa nila ako
nakita. Tawa nang tawa. Pero nang nakita na ako, tumigil silang lahat at isa isang tumingin sakin.
Mga lalaki talaga, di marunong tumingin ng di nahahalata. Tapos, nagbulung-bulungan sila.
Lumingon ako sa kabila. May nakita akong grupo ng mga babaeng napatingin sa akin at biglang
nagbulung-bulungan.
Nakita ko sina Ashley at Tasha, yung mga kaibigan ni Lia na may gusto kay Brent at kaibigan din
ni Ara. Nakatingin lang sila sakin na para bang may hindi ako nalalaman.
Ite-text ko na sana sina Emily at Jason nang…
“Max!”
“Uy Chad!”
Kita ko agad ang ngiti niya. Napansin ko ang pagbabago. Noon, sa tuwing nakikita ko siya, kabang
kaba ako at parang di makahinga. Ngayon, ay parang isang Jason ulit. Wala lang. Kaibigan.
Walang malisya.
“Aga mo yata ngayon?”
“Oo nga eh.-“
May dumaang may dalang masyadong malaking camera, reflector at iba pa.
“Nagsimula na daw si Sir Ramon, bilis na kasi.” Sabi nung isang nakatutok sa iPhone niya.
Normal lang yun dito sa campus. Halos lahat ng estudyante may baong mga malalaking DSLR na
camera. Pero bakit parang na weirdohan ako nun.
“Anong meron, ba’t parang may media? HAHA!” Tumawa pa ako nang may nakitang isang
lalaking may dalang malaking case… make up case?
“May shoot ang Preview magazine dito, diba sinabi ni Brent sayo?”
“Bakit? Ano bang pakealam ni Brent sa mga shoot?”
“Kinuha kasing model si Kitchie, tapos nirecommend siya ni Kitchie na mag model.
Ayun, silang dalawa ang…”
Bumulagta sakin sa soccer field si Brent na naka itim, Dark Lord… at si Kitchie na naka puti,
White Angel.
“…model. Gagawin kasi nilang tourist attraction ang isa sa mga hacienda nila kaya
tamang-tama din to na promotion. Yung second set of pictures kasi i-shoshoot sa
hacienda. And malaking catch din kasi si Brent sa Preview eh, you know, he’s
famous.The governor’s son.”
“Onga eh! Yung line na yan? Parang mas nakakadagdag ng angas sa kanya. Di
naman bagay.”
Nakita kong pumwesto na sila sa isang malanding posisyon.
“Galit ka ba sa kanya?”
“Ako? Di noh! Nang iinis kasi siya sakin, kaya hayun. hehe.” Sabay lunok.
Actually pinilit ko lang sumagot kahit ang sarap ng mag walk out. Si Chad kasi, masyadong
kagalang galang.
“Alis na ako, Chad. May gagawin pa…”
Di ko na hinintay na pumayag siya. Agad na akong umalis.
Walang hiyang Brent na yan! Kagabi lang eh may pa flirt-flirt pa siya sakin meron pala siyang
pasabog kinaumagahan! Nagag0 na naman ako ng walang hiyang yun! Naiisip ko tuloy ang theme
ng shoot nila. Devil na nainlove sa angel!?
Kung sinabi ko sa kanya kagabi na mahal ko siya, sa tingin niyo kaya di siya sisipot dito? Hindi ko
alam.
At bakit ko naman sasabihing mahal ko siya? Sisipot din siya dito kasi di naman siya seryoso.
Kung sana ay di niya tinuloy ang shoot na `to, mas pinaniwalaan ko sana siya sa mga pinagsasabi
niya. Dahil ginawa niya `to, mas lalo na lang tuloy akong di maniniwala sa kanya. Sana nag isip
ka, Brent! Maling mali `tong ginawa mo!
Porke si Kitchie sika’t, dun din siya? For promotion? Wala naman siyang makukuha sakin eh! Di
naman kasi ako sikat! Walang makukuhang promotion galing sakin.
Ang bitter ng iniisip ko.
“Miss Maxine…”
“Huh?”
Kinausap ako ng isang libririan assistant.
“Baka po mapunit ang libro. Dahan-dahan lang sa pag turn ng page.”
“Ahh.. hehehe! S-Sorry.”
Lanya! Pulang pula ako. Di ko na tiningnan kung sinong nakatingin. Linagay ko na lang ang libro
sa mukha ko at naghintay sa next class.
***********************
U2.Stop annoying
Nakasalubong ko si Brent pagkatapos ng klase ko. Pagkakita ko pa lang sa mukha niya,
tinalikuran ko na agad.
“Hey!”
Di ko pinansin.
“Where are you going, my love?”
“My love ka dyan! Tseh! Tabi ka nga.”
Hinarangan niya kasi ako sa daanan.
“Sungiiiiiiiiit talaga!” Sabay akbay sakin ng nakangiti. “Kinikilig talaga ako pag
nagsusungot ka. Lalo ka pang gumaganda, paano mo ginagawa yun?”
“Ikaw Brent, nakakainis ka talaga!” Sabay hampas ko sa dibdib niya ng librong dala ko.
“Ano?”
“Anong ‘ano’?
Grabe! Manhid ka ba? Nakangiti pa talaga siya.
“‘tol…” May tumawag sa kanya.
Napalingon kaming dalawa. Mga teammates niya sa basketball. Tatakas na sana ako pero nang
tumingin sila sakin… agad silang…
“Mamaya na lang… sige…” Tapos ang bilis nawala!
Inakbayan niya ulit ako at nagsimulang maglakad.
“It’s for our future…”
Napatingin ako sa kanya kasama ang “Huh?”-face.
“Its for our future. Kailangan kong ipromote ang negosyo natin para mas marami
tayong pera at nang di na tayo mahirapan pa. You know, and I also want a son
named after me.”
“Tseh! Tumahimik ka nga dyan! Future mong mukha mo! Si Kitchie, yown! Sigurado
may future kayo! Galing mo talagang manloko! Kay bago-bago mo pa nga akong
niloko, tapos mag eexpect kang maniniwala ako sayo sa nangyayari ngayon?”
“That’s why I’m telling you its for our future.”
Napailing na lang ako. Nagmumukha na siyang tanga sa ginagawa niya.
“By the way, sama ka sa shoot namin sa Hacienda huh?”
“At ba’t ako sasama?”
“At bakit di ka sasama? You jealous?”
“Hindi no!”
“Kung di ka sasama, then you are…”
“Parang bata…” Pinandilatan ko.
“Do I have to bribe you to make you come with me?”
Di ako umimik.
“Well, okay, then kasama si Chad.”
Di na kailangan Brent.
“So? Di ako parin ako sasama!”
Katahimikan.
“Just come with me. After that I’ll stop annoying you.”
“Akala mo talaga naniniwala ako sayo no?”
“Alam kong di ka naniniwala sakin.” Nagseryoso siya. “I just wish every time you reject
me, your doubts are lessened.”
***********************
U3. I love him, too
Sumama ako.
“Max, sino pa ang kasama niyo ni Brent dun?” Tanong ni mama.
“Ah yung ibang friends po namin. Pati na rin sina Emily at Jason.”
“Okay!”
Yun lang naman ang tanong nina mama at papa sakin.
Hindi ko alam kung ba’t sumama pa ako dito kay Brent. Napatingin ako sa kanya habang nag d-
drive. Kami lang dalawa sa sasakyan niya. Dalawang oras yung layo galing sa city papunta sa
hacienda nila.
“Saan nga pala si Kitchie sumakay?” Tanong ko.
“Sumama siya sa mga photographers.”
Katahimikan.
“Kung sinabi ba niyang dito siya sasama, siya ang isasama mo?”
Ngumisi siya at tumingin sakin.
“Nevermind.”
“Hindi, syempre.”
Nagtanong pa ako, eh alam ko namang hindi ako maniniwala sa kung anong isasagot niya.
“Sigurado ka bang titigilan mo na ako pagkatapos neto?”
“Oo.” Sabi niya. “Ba’t ba atat kang tigilan na kita. Galit ka ba sakin? Bakit parang
diring-diri ka sakin?” Tanong niyang bigla.
“Kasi… playboy ka! May nakapagsabi na ba sayo nun? Nananakit ka ng babae.”
“Bakit? Sabihin mo nga, Max.. Kung nananakit ako ng babae, nasaktan na ba
kita?”
“Wow! Hindi ako makapaniwala! Parehong pareho kayo ng tanong ni Kitchie sakin!”
“Wa’g kangang change topic.”
“Naku! Magkadugtong talaga kayo ng bituka ni Kitchie! Bagay na bagay!” Sabi ko na
mukhang kinainis niya. “Hindi mo pa ako nasasaktan. Kasi… di mo naman ako kayang
saktan. Kasi-“
“Kasi mahal kita. Can you believe me even just for today?”
Wala akong masabi. Kasi sa totoo lang, gusto ko din siya. Mahal ko rin siya. Pero parang may
ayaw sumunod sa sistema ko. Parang nangingibabaw ang pride at takot ko. Pride, kasi pag sinabi
kong mahal ko siya masasama ako sa koleksyon niyang mga babae. Takot, baka sa huli, totoong
isa ako sa koleksyon niyang mga babae. Hindi ko talaga alam. Paano ko sasabihin ‘to sa kanya?
Tahimik kaming dalawa sa loob ng 30 minutes hanggang sa nakatulog na ako…
Nagising ako. Ang una kong napansin ay ang bango ng sinasandalan ko ng ulo…
“Brent?” Sabi ko habang hinaplos ko ang mga mata ko para mas luminaw ang paningin.
Confirmed! Itinigil niya ang sasakyan sa isang daan malapit sa dagat at ilinagay niya ang ulo ko sa
dibdib niya.
“Ba’t mo itinigil ang sasakyan?”
Ngimiti siya. Halatang marami siyang iniisip at bakas sa mukha niya ang lungkot.
“Malapit na rin naman tayo eh. Itinigil ko lang kasi ayokong tumuloy. Ayoko
munang pumunta dun.”
Tumingin ako sa relo ko. Isang oras na kaming late!
“Ano ba yang pinagsasabi mo! Paano na yung shoot niyo! Tayo na!”
Tahimik lang siya at ang tagal nagsalita.
“Brent!”
“Hindi mo ba talaga naappreciate ang mga ganitong moment?”
Na aappreciate. Sa totoo nga lang gusto ko dito muna tayo.
Hindi ako nagsalita at lumabas na lang bigla sa sasakyan niya.
“Maxine?!”
“Oh sige! Dito na nga lang muna tayo!” Sabi ko habang tumatakbo palayo sa kalsada at
pumunta malapit sa dagat.
Sumunod din siya.
Kung ano man yung plano niya ngayon, ayaw ko yung mangyari. Natatatakot akong mawala siya.
Mahal ko siya pero paano ko sasabihin sa kanya? Totoo kaya yung mga sinasabi niya sakin?
Binasa ko siya sa tubig ng dagat! Nakakatawa siya! Nabigla at parang di makapaniwala na ginawa
ko yun sa kanya! Binasa niya rin ako! Pero di ko na pinuruhan kasi ano na lang ang sasabihin nila
dun kung dumating kaming dalawa na basang basa. Ayoko namang magpalit ng damit.
“Tama na, Brent! Hahaha!” Tumakbo ako papalayo sa kanya.
Umupo ako sa buhangin, nakaharap sa dagat.
Narinig ko ang bilis ng tibok ng puso ko lalong lalo na nang nakita ko siyang tinanggal ang t-shirt
at umupo sa likuran ko.
“I love you, Max.”
Hindi ako makagalaw. Bigla niya akong yinakap galing sa likuran.
Halos matunaw ako sa sinabi niya at sa yakap niya. Ganito pala ang nagagawa ng taong mahal
mo. Ganito ang pakiramdam. Ibang klase. Parang kaya kong ibalewala ang pride ko para lang
masabi din sa kanya ang gusto niyang marinig – ang totoo kong nararamdaman.
Yinakap niya ako ng mahigpit.
“I’m surprised. Di mo pa ako sinasampal.” Sabi niya sabay halakhak ng konti.
Sabihin mo na lang ang gusto mong sabihin. Gawin ang gustong gawin… kasi mahal din kita.
Mahigpit ang yakap niya sakin at linagay niya ang mukha niya sa balikat ko.
“Please don’t slap me yet. Even just for this moment.” Sabi niya.
Hindi ako makagalaw at naninigas na. Ito ang first time na may ganito ka lapit sakin. Except dun
sa mga part na hinalikan niya ako – mabilis yun at parang nakakainis kasi manakawan ng halik.
Pero ngayon, ayokong umastang gusto ko ang ginagawa niya, but I don’t want to push him away
either. I love him, too.
Lalong humigpit ang yakap niya.
Parang naiiyak ako. Hindi ko alam kung bakit. May kung ano sa yakap niya na di ko
maipaliwanag.
“I’ll never let you go, keep that in mind.”
Ano ba ang nagustuhan ni Brent sakin? Bakit mahal niya ako? Bakit noon pa siya ganito?
*Krrriiiing*
“Brent, yung phone mo.”
Di siya umimik.
“Brent… sagutin mo.”
“Don’t” Sabi niya nang kinuha ko.
Hinawakan niya ang kamay ko na nakahawak sa phone niya.
*Kriiiing!!!*
Ni-click ko yung phone.
“Hello, Brent? Where are you? Why are you not replying or even answering our calls? Hello?”
Hindi siya umimik.
“Kitchie…” Sabi ko.
“Who’s this? And where’s Brent?”
“Si Maxine ‘to. Pasensya na natagalan kami. Kasalanan ko. Matagal kasi akong
nagising kaya natagalan kami.”
“Magkasama kayo?”
“Oo. Papunta na kami. Malapit na.”
“Asan siya?”
“Bumili lang ng pagkain, kasi ginugutom.”
“Okay! Hurry up! Sabihin mo sa kanya na bilisan niyo na.”
Binaba ko na agad.
“I don’t want to go. Let’s just stay here, please?”
***********************
U4.Meet Thunder
Nakarating din kami sa hacienda. Pinilit ko siyang pumunta para makapag shoot. Kung kami
talaga ang para sa isa’t-isa, pumunta man siya o hindi, kami parin ang magkakatuluyan diba?
Hindi ako makapaniwalang iniisip ko yun. Magkakatuluyan? Pero bahala na. Kung hindi totoo
yung mga sinabi niya, edi masktan na ako kung masaktan! Bahala na!
“Sa’n ba kayo galing?! Get dressed na!” Sabi ni Kitchie.
Sinalubong niya agad si Brent. Ilinayo niya sakin para makapagbihis para sa shoot nila. Si Kitchie
naka gown. Ang ganda niya talaga! Bagay sila ni Brent. Nagmukha tuluy’ng sila dalawa yung mag
mamay-ari nitong hacienda sa hinaharap.
Maganda yung hacienda! Sobra! Ang daming kabayo. Nakita ko nga yung mga teammates ni
Brent doon na nakasakay na sa mga kabayo.
“Max!!!” Narinig ko ang boses ni Emily. Mukhang natataranta.
Iyon pala, nakasakay sa isang kabayo kasama si Jason.
“OH my! Oh myy!” Sabi niya habang papalapit ang kabayo sakin.
Si Jason naman, natatawa na sa reaksyon ni Emily.
“Ibaba mo nga ako dito! Ahhh!”
“Mamaya na.. Relax ka nga lang! Haha!”
“Errr. Uh… Max… Kala ko di ka kasama? Nagkasabay kayo ni Brent?” Tanong niya ng
wala sa sarili.
“Oo eh. Nakumbinsi niya ako.”
Tumigil sa paglalakad yung kabayo kaya huminahon din si Emily.
“Akala kasi namin di ka kasama. Tinanong kasi ni Emily si Kitchie kanina, di ka raw
naman inimbitahan… sabi niya.” Sabi ni Jason.
“Hindi nga ako makapaniwala eh.. na alam mo yun… di ka naimbitahan. Kasi halos
lahat ng kaibigan ni Brent nandito. Pero wala si Ara tsaka yung mga kaibigan niya.”
“Uh. Uhm… di ko rin naman alam na makakasama pala ako eh.”
“Hmmm. That’s probably why Kitchie looked so upset kanina after niya tinawagan
si Brent. Baka sinabi ni Brent na magkasama kayo.”
“Ako yung nakasagot sa phone ni Brent.”
“Huh?” Nagkatinginan sila sabay, “Why?”
“Uhhh, may binili lang siya.” Sabi ko.
Umiling si Emily. Yung palagi niyang ginagawa sa tuwing may nararamdaman siyang di ko
sinasabi.
“Hey, Max!” Biglang dumating si Chad.
Bumaba siya sa kabayo na parang propesyonal na kung maka asta. Sina Emily at Jason naman,
biglang umalis.
“Chad!” Ngumiti ako.
“I’m so glad you came.” Ngiting-ngiti siya sabay yakap sakin. “You came with Brent?”
“Oo eh.”
Hinawakan niya ang kamay ko. Nailang ako sa nangyayari. Napatingin tuloy ako sa paligid. Baka
kasi makita ni Brent. Pero wala naman siya. Agad ng nagpunta sa rest house para makapag bihis.
Dala-dala niya ang bag ko.
“Come with me?” Sabay tapik sa kabayo.
“Wa’g na, takot ako sa kabayo.”
Kahit ang totoo, naka ilang beses na ako ng sakay sa kabayo sa iba’t ibang pasyalan at parke.
Hindi ako takot.
“Come on, Max!” Ngumiti siya. “Andito naman ako.”
“Wa’g na, talaga Chad. Okay lang ako dito.” Kalahating-tawa na yung pagkakasabi ko.
Ayoko kasing magmukhang seryoso sa ginagawa kong rejection sa kanya. Hindi ako sanay nito.
Maaring kay Brent, sanay ako, pero sa kanya hindi.
“Sige na… pleaaase?” Sinalida niya ang ngiti at puppy eyes na isa sa pinakamabentang mukha
niya sa mga tao.
Kaso, hindi tumalab sakin. Pero ganun pa man… ayaw ko ring tanggihan siya ulit.
Sumakay ako. Nasa unahan niya ako habang pinapalakad niya yung kabayo.
“Kala ko ba takot ka?”
Hindi na lang ako sumagot. Takot ako… oo. Hindi sa kabayo kundi sa reaksyon ni Brent.
Naisip ko rin… Si Brent na mahal ko, lagi kong ni-rereject. Samantalang si Chad na crush lang,
halos di ko ma atim. Bakit kaya? Pero naaawa din ako kay Chad, nagawa kong iwan siya sa ere
nung umamin siya sakin, nakaya niya paring maging mabait sa akin.
Nakita ko yung field at yung lugar kung saan sina Brent ay mag pho-photoshoot.
“Grabe! Parang dyosa si Kitchie!” Sabi ko habang tinitingnan at manghang-mangha kay Kitchie
na literal na mukhang dyosa.
At si Brent naman, ano pa ba ang inaasahan niyo? Syempre parang diyos lang. Kay gandang lalaki
talaga ng mokong! Naiinis ako sa tuwing naaamin ko sa sarili ko ang pagiging maganda lalaki
niya. Napapangiti nga ako ngayon. Sa tuwing tumitingin siya sakin at iniisip ko ang kagwapuhan
niya, pakiramdam ko nababasa niya ang iniisip ko kaya mas lalong nakakainis.
Bigla siyang napatingin sa amin ni Chad. Nasa gilid kami at di na lumapit pa. Baka kasi maka
istorbo kami sa shoot.
Nanunusok ang mga titig niya. Nakita ko siyang hinawakan ang phone niya at may ni-text. Napa
tingin tuloy ako sa phone ko.
Sakin siya nag text!
Brent:
Di ka ba marunong sumakay ng kabayo mag isa?
Max: (reply)
Hindi masyado. Y?
Brent:
May picture ka sa bahay niyo na sumakay ng kabayo. Bata ka pa nun. Tapos madami. Meron ding
high school na. May nakita pa nga akong nag e-equestrian ka.
Max:
You stalker! Paano mo nakita yung photo album namin? Itinago ko yun!
Tiningnan ko siya habang nakatitig sakin. May tinawag na isang lalaki na mukhang nag t-trabaho
sa hacienda. Busy pa ang mga tao sa pag mimake up kay Kitchie. Siya naman, text nang text.
Brent:
My point is, you don’t have to be with Chad. Get off!
Pagka tanggap ko sa message na yun, agad pumunta yung lalaki sakin na may dalang itim na
kabayo.
“Miss Maxine?”
Nung una, di ako makapaniwala. Kilala niya ako?
“Ho?” Sabi ko.
“Uh.. Maari p-po ba kayong bumaba. Ito kasing si Thunder…”
Bumaba akong bigla. Pati si Chad ay nabigla sa ginawa kong pagbaba.
“Thunder?”
“Yung kabayo.” Sabi niya. “Ipanapasakyan ni Brent yung kabayo niya sa iyo.”
Brent’s porsche is Lightning and his horse… Thunder.
Hinaplos ko ang mukha ni Thunder… okay naman siya. Mabait. Sumakay ako. Pagkakita ko kay
Brent nang nakasakay na ako kay Thunder. Ngumisi siya at kinindatan ako.
Nagsimula ang nakakapigil-hiningang photoshoot. Napaalis ako dun dahil masyadong masakit
ang nakita at narinig kong puri sa kanila.
“Bagay na bagay!”
“Mukhang future Mrs Cruz aaah?”
Good bye world! Sana kaya kong itago pati sa sarili ko.
***********************
U5.future wife
Namasyal ako kung saan-saan. Mag-isa. Nahihiya din kasi akong bumalik kasi iniwan ko si Chad
dun. Ang sama ko talaga! Kawawa yung tao. Nakokonsensya tuloy ako.
Pero kanina pa ako dito nakasakay sa kabayo. Nakikita kong bukod sa mga barkada ni Brent ay
parang may tatlong care takers pang nakabantay sakin sa malayo. Alam ko… Si Brent na naman.
Wala naman akong problema dun eh. Linapitan ko ang isa na nagtangka pang umiwas sakin.
“Manong…”
“P-Po?”
“Teka lang po. May itatanong lang. Hanggang saan po ba yung lupain ng mga Cruz?”
Tiningnan naming dalawa ang malawak na lupain.
“Hanggang sa maabot ng mga mata niyo.” Sagot niya.
Nakita ko ang mga bundok sa malayo at mga kakahoyan.
“Ahhh.”
“Bakit po?”
“Wala lang. Lawak po pala ng lupain nila.”
“Oo. Hindi lang ito. Meron din silang lupain sa Albay at sa Davao.”
“Ah.” Tumango ako.
Umalis din naman ako at patuloy na namangha sa lupain nila. Haciendero ang mokong.
Kung ihahambing ko sa aming pamilya na wala namang malalawak na lupain… talagang walang
makukuha si Brent sakin. Eww. Ba’t ko ba yun naisip?
Biglang kumalam ang sikmura ko. LOL! Gutom yata ang mga worms ko sa tiyan. Sa bagay. Ilang
oras din yung byahe namin. Hindi naman kami kumain. Pagkarating dito agad silang nag shoot.
Makapunta nga sa rest house nina Brent. Nakita ko din kasi yung mga friends niya ay nagpunta
na dun.
Tinapik ko ang kabayo na si Thunder na bigla na lang kumabig. Naalala ko nung high school na
sinubukan kong pumasok sa equestrian team sa dati kong school. Ganun parin naman. Kaya pa.
Mabait din tong si Thunder, eh. Hindi nakakakaba.
Malayo pa lang, nakita ko si Brent. Nakaabang sa akin sa pintuan ng rest house. Naka pang
photoshoot get-up pa kasama ang cow boy hat. Nakangisi. Napalingon ako sa field… yung mga
assistant photographers na lang ang natira. Nag lilinis at nagliligpit ng mga gamit.
Pinatigil ko si Thunder sa harapan niya. Agad akong bumaba at hinaplos ang mukha ng kabayo.
“How many times do I have to fall in love with you?” Sabi niya.
Sinimangutan ko siya.
“Ewan ko na nga sayo…” Sabi ko.
“Kuya, please…” Sabay bigay sa caretaker ng lubid ni Thunder. “Good job, Thunder.” Sabi
niya sa kabayo.
Napangiti ako. Sa puntong ito, naramdaman ko ang pagkatunaw ng puso ko. Hindi ko alam kung
bakit pero… oo… mahal ko siya. Hindi ko alam kung paano ko ipapakita sa kanya.
“Lets eat!” Sabay hawak sa kamay ko papasok sa rest house na pagkalaki-laki.
“Brent…” Sabay tanggal ko sa kamay niya.
“Okaaay.” Ngumisi siya.
Pagdating namin sa dining area. Nandun na ang lahat ng friends ni Brent atsaka ang mga
photographers, kumakain. Si Kitchie ang nag aasikaso sa kanila.
“San ka ba galing, Brent? Yung future wife mo na yung nag asikaso sa food.”
Aray! Future wife. Agad akong umalis sa tabi niya at nakitabi kay Emily.
“Kain ka, Max.” Ngiti ni Chad sakin.
Nang nilingon ko si Brent eh nag uusap na sila ni Kitchie at yung isang yaya nila dito sa rest
house. Seryosong usapan. Naalala ko tuloy yung sinabi… Siguro nga talagang mas bagay si Kitchie
na Cruz kesa sakin.
“Chill… Di pa yan magpapakasal.” Bulong ni Emily sakin nang napansin ako ng dalawa.
Nawalan ako ng gana. Kumain parin ako. Busy si Brent sa pag asikaso. Hinayaan ko na lang. Wala
rin naman akong magagawa.
Pagkatapos dun ay ni-check ko yung tutulugan namin.
Tatlong palapag ang malaking rest house nila. Sa 2nd floor kami matutulog. Nang pumasok ako
sa isang malaking kwarto na may limang king size bed at mga double deck, narealize kong wala
doon ang bag ko.
“Emily… Ba’t wala ang bag ko dito?”
“Hindi ko alam. Siguro di ka dito matutulog?”
“Max.” Tinawag ako ni Chad.
Pinuntahan ko agad. Alam niya yata kung saan.
“I’m gonna have to sleep beside your room.” Sabay turo sa isang room na may pink na
wind chimes sa labas. “That’s Ara’s room. Dun ka yata ipapatulog ni Brent-“
“Max…” Si Kitchie. “Nag text kasi si Ara. Tutal naman daw wala siya, dun ka raw sa
kwarto niya matutulog.”
“Ahh. Okay…”
“Dun ako ipapatulog sa isang guestroom ni Tita eh. Pati din si Chad. Yung mga
players nasa 3rd floor.” Sabi ni Kitchie.
“Ah ganun bah.”
Sayang naman, gusto kong kasama si Emily. Nakakahiya naman kung mag rerequest akong
kasama kami eh di naman ako yung may ari or guest man lang.
“Sige, iche-check ko lang ang room ko.”
Agad akong pumunta sa all-pink na room ni Ara at sinarado ang pinto. May shower dito. Naisip
kong maligo at magpalit ng damit nang may narinig akong gumalaw sa kurtina!
Walang hiya! Si Brent! Tapos halos matanggal ko na yung soot ko! Sisigawan ko sana pero
natatakot akong malaman nila na nandito siya sa kwarto ko.
“Anoooong ginagawa mo dito?” Mahinahon ang boses ko pero galit.
“Its my room, too.” Ngumisi siya.
“Anong room? Kay Ara ‘to!”
“Were twins so…” Tiningnan niya ako kasama ang ngisi niyang abot tenga.
“Sinungaling!”
“HAHA! Easy ka lang… Inaayos ko lang naman yung higaan mo eh.” Sabay puppy eyes.
“Umalis ka nga dito! Ma issue pa tayo dito ng kung anu-ano!” Tinulak ko siya papalabas.
“Opooo! Eto na po… Paalis na po…”
Tumayo pa siya sa pintuan habang tinititigan ako.
“Walang kissing scene na mangyayari. Wa’g ka ng mag expect.” Sabi ko.
Humalakhak siya ng konti. Pero nariyan na naman yung mukha niya na kanina ko pa napapansin.
Yung mukha niyang di ko kaya tanggihan. Yung mukha niyang ipinakita dun sa beach. Malungkot
pero nakangiti.
“May gusto ka bang sabihin sakin?” Tanong niya.
“W-Wala naman. Bakit?”
Umiling siya at kinurot ang pisngi ko. “Bilisan mo na…” Ngumiti. Kumindat. Umalis.
Anong ibig niyang sabihin?
Natigilan tuloy ako… Habang nakatingin ako sa kawalan, napansin ko ang isang picture frame.
Mga bata pa sila… Ang nasa gitna, si Ara. Si Brent yung kasama at sa kabila ay si Chad. Close na
close pala talaga silang tatlo simula pagkabata. Naisip ko tuloy kung kasali ba si Chloe sa kanila.
Alam kaya ni Chad ang nararamdaman ko para kay Brent? Hindi, siguro! Hindi nga alam ni
Brent… si Chad pa kaya.
***********************
V-arcs
***********************
V1.Trophy
Namasyal kami buong hapon sa hacienda. Nang gumabi, naisipan nilang kumain sa labas ng rest
house. Sa field, may bon fire atsaka handaan. Masayang-masaya sila. Ako din naman, okay.
Masasarap na pagkain, tapos sina Emily at Jason. Okay na okay!
“Are you okay, Max?” Tanong ni Chad.
“Oo naman.” Ngumiti ako. “Bakit? Mukha ba akong di okay?” Humalakhak ako.
Natawa din naman siya. “Akala ko kasi napilitan kang sumama dito.”
“Parang ganun na rin… Pero okay naman. Di naman ako nagsisi.”
Nagkatinginan kami. Naka-ngiti siya sakin.
Biglang nag vibrate ang phone ko. Si Brent, nagtext!
Brent:
U done eating?
Ako: (Reply)
Oo. bakit?
Brent:
Can we have some time, alone?
Napatingin ako sa harapan. Agad kong nakita si Brent na nakangisi at biglang umalis.
Busy ang lahat kaya walang nakapansin. Si Kitchie, may kausap sa phone kaya di rin napansin
ang kanina niya pang binabantayan na si Brent.
“Excuse me lang, Chad. CR muna ako.”
“Okay.” Ngumiti siya.
Umalis ako at sinundan si Brent.
Nandun siya malapit sa stables. Tumitingin sa langit na puno ng bituin.
“Bakit, Brent?” Tanong ko.
Ang lakas ng tibok ng puso ko. Napapaisip ako… Sana gawin niya ulit yung ginawa niya sa beach.
Kailangan kong patunayan sa sarili ko na kaya ko na talagang sumugal. Kaya ko ng ibalewala ang
pride ko para lang masabi ang totoo kong nararamdaman.
Ipinakita niya ulit sakin yung malulungkot na mata na nagpupumilit ngumiti. Yung Brent na
nakita ko dun sa beach, yung Brent na nakita ko nung Masquerade.
“May problema ka ba?” Dinaan ko sa tawa ang nakita ko sa kanya.
“Meron…”
“Ano?”
“Ikaw.”
“Huh? Kung problema mo naman pala ako, ba’t mo pa ako dinala dito?”
Linapit niya ako sa kanya at yinakap.
“Brent, baka may makakita satin.” Sabi ko.
“Ano naman kung merong makakita satin?”
Hinarap niya ako kung saan siya nakaharap – sa malawak na langit na puno ng bituin.
“Ano bang problema mo?”
Ang sarap ng pakiramdam na natupad niya ang gusto kong mangyari. Gusto ko ng yinayakap niya
ako galing sa likuran. Tulad ng ‘pagmamahal’ na ipinapakita niya sakin. Na kahit tinatalikuran ko
na siya, pinipilit niya parin ang pagmamahal niya.
“May plano si Kitchie ngayong gabi.” Sabi niya.
Linagay niya ang mukha niya sa left shoulders ko.
“I’m so happy, Max. Ngayong araw na `to, ilang beses mo akong hindi-tinanggihan.”
Sabi niya ng pabulong. “Bakit?”
Katahimikan.
Binalewala ko yung sinabi niya sakin. “Ano ang plano ni Kitchie?”
“She’ll confess. Na mahal niya ako.”
“Huh? Panu mo nalaman?”
Kinalas ko ang pagkakayap sa kany at hinarap ko siya.
“I just know.”
“Ano namang problema mo dun?”
“Coz its not just that… Chad, too. I never want to hurt anyone. But I love you. I’ve
always been confessing my love for you. Hindi ka naman nakikinig sakin. O
nagbibingi-bingihan ka.” Binalewala niya ang tanong ko.
“Brent?!?!”
May narinig kaming boses sa likuran. Galit na galit. Naiiyak.
Paglingon naming dalawa. Agad sinuntok ni Chad si Brent. Sapul sa mukha.
“Chad!!! Tama na!” Sabi ko.
Hindi lumaban si Brent.
Tinuro-turo siya ni Chad. “How dare you, pare! Walang talo-talo! You kneeewww! You
kneeew about my feelings for Max! Noon pa! Pero anong ginawa mo? Walang hiya
ka!”
Sinuntok niya ulit. Hindi umilag o lumaban si Brent. Tinanggap niya lang. Parang ipinapakita
niya na tama lang yung ginagawa ni Chad. Na wala siyang karapatang lumaban.
“Chad! Ano ba!”
“Max, I thought you won’t let him fool you?” Umiling siya. Disappointed. “Sinabi ko sa
kanya, Max, na gusto kita! Alam niya! At alam ko rin na gusto ka niyang maging
girlfriend, as trophy! Coz everyone in the school knows how much you hate him!
And by making you his girlfriend-“
“Hindi ko sinabi yan, Chad!”
“You told me, before! Nung highschool! Na gusto mo siya! We both know what
you’re up to, Brent! But I told you to back off, coz I like her! Nag deal tayo! Man up,
Brent! We’ve had a deal!” Galit na galit si Chad.
Ako naman, nakikinig sa kanila. Mangiyak-ngiyak. Hindi ko alam kung kanino maniniwala.
Trophy lang ba ako?
“Pinalampas ko nung hinalikan mo siya sa prom! Akala ko, its just you and your
foolish tricks! Pero ngayon? Alam kong alam mo na I was planning to court her
again! It was you, all along! Ikaw yung sumisira sa diskarte! And I thought you’d
help! You told me you would!”
Nakatingin sa kawalan si Brent.
Guilty!? Gusto niya ako as trophy! Pero kahit na! Huli na ang lahat! Mahal ko na siya!
Naduduwag na ako! Narinig ko lang galing kay Chad na gusto ako ni Brent as trophy, naduwag na
ako! Pero anong magagawa ko! Pinoprotektahan ko lang ang sarili ko.
Nagawa ko siyang mahalin ng palihim, magagawa ko rin siyang kalimutan ng palihim!
Hindi ko na maitsura ang puso ko. Gutay-gutay. Ang sakit. Parang nawalan ako ng tiwala sa lahat
ng pagkakataon at pati sa tadhana.
Tinibayan ko ang sarili ko. Tutal magaling naman ako dito eh.
“Siguro naman Brent mas malaking trophy si Kitchie sakin.”
At umalis…
***********************
V2.Who said it first
Halos mangiyak-ngiyak akong bumalik kina Emily. Pagkabalik ko, may binigay na maliit na kulay
pink na papel sakin.
“Para sa’n `to?” Tanong ko kay Emily na binigyan din ng isa.
Hindi siya umimik at tiningnan si Jason. Nakatingin lang si Jason sakin.
“Ready na ba ang lahat? Sige na! Please, dito tayong lahat sa bandang kanan.” Sabi
nung taga volleyball team na kaibigan ni Kitchie.
May nakita akong maliit na round table katabi ng bonfire. May tatlong kandila na nakalapag at
tatlong red roses din.
May biglang humila sakin papunta dun sa bandang kanan na sinabi. Wala akong nagawa. Nagulat
ako dahil sa nangyari kanina kay Brent at Chad. Nasaktan ako at di maalis sa isip ko ang salitang
‘trophy’. Galit ako at naiinis sa sarili ko. Ba’t pa kasi ako naniwala! Sinasabi ko na nga ba… Eto
yung dahilan kung bakit hanggang ngayon hindi ako bumibigay sa kanya.
Kung sana naalala ko ‘to kanina bago ako pumunta dito… kung sana naalala ko kung paano ko
nalamang playboy siya… kung sana naalala ko yung lahat ng babaeng nakita kong pinaiyak niya,
hindi sana magkakaganito. Ang tanga tanga ko.
Naaninaw ko si Brent. Naglalakad siya papunta sa amin at nagkukunwaring walang nangyari.
Pagkakita ko sa kabilang dulo, nakita ko si Chad na kararating lang. Tulad ni Brent, nagkunwari
din siyang walang nangyari. Agad siyang binigyan ng maliit na papel.
Nang palapit na si Brent, may narinig akong nag simulang tugtog sa violin. Napalingon kaming
lahat at nakita ko ang isang teammate ni Brent na tumutugtog dito. Saka ko napagtanto kung ano
talaga ang mangyayari.
Bakit ako nandito?
Pero di na ako makaalis. Lalo na nung biglang nagpakita sa KItchie. Sinalubong si Brent na
papunta sa akin… sa amin. Nasa likuran na ako ni KItchie ngayon. Siya, iniintay ang bawat
hakbang ni Brent.
Naramdaman ko ang pag aalinlangan ni Brent, pero nagpatuloy siya sa paglalakad. Ang mga mata
niyay nakatuon sa akin. Napayuko ako.
“Brent…” Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Kitchie.
“She loves Brent because he is very handsome and kind.” Sabi nung nasa dulo.
Sinundan naman ng katabi niya, “She loves Brent because of his voice when he sang
‘Crazy for this Girl'”
At sumunod na katabi, “She loves Brent because of his expressive eyes.”
At sa sumunod pa, “She loves Brent because he inspires her to do well in school.”
At sumunod pa, “She loves Brent because he’s always there when she needs him.”
Ako na pala yung kasunod.
Sa pag bukas ko sa papel na maliit, naramdaman ko ang pagbubukas ng aking pag-iisip sa
katotohanang totoong nangyayari ang lahat ng kabaliwang ito.
“She loves Brent… because he is the only person who made her believe… in love.”
Sabi ko.
Biglang tumahimik at halos malimutan ng katabi ko na siya ang susunod.
“Ehe-Ehem, she loves Brent because…”
“Max, pwede mo ba akong samahan?” Tanong ni Emily na nasa likuran ko.
Hindi na ako nakapagsalita. Kinuha niya ang kamay ko at hinila palayo sa kanila.
Ganun pa man, narinig ko parin ang pagsasalita ni Kitchie…
“Alam kong isa lang ako sa napakamaraming babaeng na in-love sayo. Pero sana
yung kaibahan ko sa kanila ay… ang pagseseryoso mo. I love you so much, Brent
Damien Cruz!”
***********************
V3.HELLO!
Tulala ako sa loob ng kwarto ni Ara. Dun ako dinala ni Emily.
“Ilabas mo na yung luha mo.” Sabi niya. “Hindi pwedeng dun mo ilabas sa event na
yun.”
Kahit anong pilit ko, walang lumalabas na luha. Gusto ko lang ng ganito… tulala.
May biglang kumatok sa pintuan. Binuksan naman ni Emily. Si Chad.
“Maiwan ko na muna kayo. Max, just call me when you need something.” At umalis si
Emily.
Tinitigan ko si Chad. Inisip kong sana siya parin yung gusto ko hanggang ngayon, hindi sana ako
magkakaganito.
“Max… I love you… And you told me you like me… and I believed you. Akala ko
tumakbo ka nung masquerade kasi hindi ka pa ready at masyado kitang na
pressure. Naniwala kasi talaga akong gusto mo ako…”
“Noon.” Sabi ko. “Crush kita, Chad.”
Katahimikan.
Kinuha niya ang frame sa table. Yung frame na may picture nila ni Brent at Ara.
“So its him?” Tanong niya.
Umiling ako. Tumulo ang luha ko na agad kong pinunasan bago pa niya makita.
“Akala ko hindi ka kailanman magkakagusto sa kanya. Lagi ka niyang
pinopormahan pero kampante akong hindi siya ang tipo mo.” Nakita kong bumuo ng
luha ang kanyang mga mata.
“Gusto kita Chad, noon. Ayaw na ayaw ko sa kanya. Pero hindi ko alam kung bakit
ganito na ngayon. Hindi ko maintindihan. Siguro na uto niya talaga ako. Ay hindi…
talagang na uto niya ako!” Sabi ko. “Sana ikaw parin yung gusto ko hanggang
ngayon.”
Tumulo ang luha niya at yinakap ako.
“Bakit pa kasi siya yung nagustuhan mo, nasaktan ka tuloy.”
Damang-dama ko yung yakap ni Chad. Yakap ng kaibigan. Yakap na kailangan ko ngayon.
“But I’m sorry, I can’t help you with that. I can’t help you win him.” Sabi niya.
“Hindi naman ako nagpapatulong eh. Alam ko nang talo ako. Nagpakatanga lang
ako. Alam kong di siya kailanman magseseryoso.”
Katahimikan…
“HELLLLLOOOO!?” Sabay bukas ni Kitchie sa pintuan ng kwarto ni Ara.
Kasama niya si Brent at kitang kita nilang yakap ako ni Chad. Agad kaming kumalas.
“Ooops! I just want to say, uh, thank you, at may midnight snack at bonfire party sa
labas… Anyway, baka nakaistorbo lang kami…” Tumawa si Kitchie.
Si Brent, nasa labas at mukhang disappointed.
Disappointed ka? Ako din…
Kasi naniwala ako sayo.
***********************
V4.Walk away
Hindi na ako lumabas. Wala na akong lakas para lumabas pa. Naririnig ko sila sa labas na
naghihiyawan. Para bang nag ce-celebrate. Kung ano man yung nangyari, gusto ko na lang
kalimutan ang lahat. Kalimutan na nagpauto ako. Kalimutan na minahal ko siya ng totoo.
Kalimutan na nabigo ako.
Tinakpan ko ng unan ang mga tenga ko pero naririnig ko parin sila.
Ilang oras din akong nanatiling ganuna hanggang sa nawala din yung ingay. Siguro natutulog na
sila. 3am na din kasi… Hindi ako makatulog.
Lumabas ako ng kwarto. Gusto ko ng fresh air. Umakyat ako sa ikatlong palapag. Inakyat ko ulit
ang pang-apat. Kanina ko pa kasi napapansing may rooftop dito sa rest house nila.
Una kong nakita ang mga lata ng Carlsberg sa isang bench. Ang lamig ng simoy ng hangin.
Nakita ko ang nakatalikod na umiinom ng napakaraming Carlsberg. Napabuntong hininga siya…
Si Brent. Tumalikod ako at aalis na sana…
“Max…”
Paglingon ko, nakaharap na siya sakin kasama ang malungkot niyang mukha.
“Hindi ko sinagot si Kitchie…” Aniya.
“Wala akong pakealam kung sinagot mo siya o hindi. Mas mabuti nga kung sinagot
mo siya diba?”
“Max, I love you… I’ve been such a jerk before, but I love you now.”
“Really Brent?” Naglakad ako papalapit sa kanya. This is it! Lalaban ako! At ito na ang
panghuli. Pagkatapos nito, ayoko na! Tama na! Sobra na!
“Trophy?! Ako?! Trophy mo lang ako kaya tigilan mo na yan! Mas malaking trophy si
Kitchie! Kaya please, tama na ang kasinungalingan mo! Nakakahiya ka na! Sobrang
playboy mo na!”
“I never said that! Hindi ko kailanman sinabing trophy kita! I liked you before and
I’ve been loving you ever since, Max!”
Nabunutan ako ng tinik sa sinabi niya. Hindi niya sinabing trophy lang niya ako?
“So, sinasabi mo ba na sinungaling si Chad? Ha, Brent?”
Natahimik siya at natulala. Nakita kong pinigilan niya ang luha ng bumuo sa mata niya.
Tumingala siya ng mga ilang segundo.
“Yan ang problema eh. Coz you only see him… ONLY HIM! Akala mo siya lang yung
mabait sayo! Siya lang yung nakikita mo! Siya lang ang alam mong hindi ka kayang
saktan! What about me, Max?”
Tumingin siya sa malayo habang pinipigilan ang luha niya.
“God! I can’t believe I’m begging for someone’s attention!” Bulong niya. “Can’t you
see? Lalaban ba ako ng ganito ka tagal… kung hindi kita mahal! Lalabanan ko ba si
Chad, kung hindi kita mahal! Why don’t you see that Max! For just…one… time…
look at me… see me…”
Napabuntong-hininga siya.
Tinitigan niya ako.
“Mahal na mahal kita! Pero kung hindi mo kayang maniwala sakin…” Umiling siya.
“Sumuko ka na!” Hamon ko sana. Pero tunog-utos yung pagkakasabi ko. “Yun naman yung
palagi kong sinasabi diba? Sumuko ka na!”
“Yun ba talaga ang gusto mo, Max?”
“Oo!”
Umalis ako… Pero hindi pa ako nakakalabas sa pintuan. Narealize kong mahal ko talaga siya at
ang lahat ng sinabi niya ay maliwanag na kawakasan ng lahat ng tungkol sa amin. Hindi ko kaya.
Paglingon ko sa kanya, nandun parin siya, nakatayo. Parang tinitingnan lang ang pag alis ko… o
inaabangan ang pagbabalik ko.
Naglakad ako pabalik…
Pero bago ko pa nasabi lahat ng gusto ko…
“Hindi pa ba kayo natutulog?”
Kung hindi niya sinagot si Kitchie, bakit parang ang saya nila kanina? Bakit parang wala lang
nangyari sa kanila?
“Matutulog na ako…”
Umalis ulit ako at linagpasan si Kitchie. Magsama kayong dalawa. Masakit. Pero kakayanin ko ‘to.
Kasalanan ko rin naman eh. Wala akong masisisi kundi ang sarili ko.
***********************
V5.dahil mahal ko siya.
Hindi ko alam kung nakatulog ba ako o pinikit lang ang aking mata pero dilat ang isipan. Hindi
kasi naalis sa isip ko ang lahat ng nangyari. Hindi ako umiyak. Nag isip lang. Pabalik-balik ang
pag-iisip ko. Parang sirang plaka na inuulit-ulit ang lahat ng nangyari kahapon. May mga
pagkakataon na inisip ko ang unang pagkikita namin ni Brent. Ang unang naramdaman ko sa
kanya.
Pero kahit anong gawin ko, di ko na maibabalik yun.
“Max, tulungan na kita.” Sabi ni Emily.
Tinulungan niya akong ilagay ang ibang gamit pabalik sa bag ko. Uuwi narin kasi kami. Isang
araw lang naman ang stay namin dito kasi balik-school na naman.
“Salamat.”
“Uh, sasabay ka ba kay Brent?” Tanong niya nang papalabas na kami sa kwarto ni Ara.
“Ewan ko…”
Bago pa kami nakababa sa second floor, nakasalubong namin agad si Brent at Kitchie.
“Wow! Timing!” Sabi ni Kitchie.
Si Brent, ganun parin ang mukha. Malungkot parin.
“Max! Pwede bang ako na lang sumabay kay Brent pauwi?” Sabi ni Kitchie with puppy
eyes. “Pretty, please?”
Ngumiti ako pero halos ayaw sumunod ng panga ko. Hindi ko alam kung ngiti nga ba yung
ginawa ko.
“Si Brent kasi, sabi niya magpaalam daw sayo.”
“Sure!” Sabi ko agad pagkasabi niya nun.
May kung ano sa sinabi niya na at sumakit ang puso ko.
“Walang problema.”
NAG-EXPECT akong aapila si Brent o may sasabihin siyang kasalungat sa gustong mangyari ni
Kitchie, kaso wala eh. Wala siyang ginawa.
“Okay na, Brent?” Sabi ni Kitchie.
“Okay, kung yun ang sabi ni Maxine.”
“Kung yun ang gusto niyo.” Sabay halakhak ko ng konti, tinatago ang pagsabog ng utak.
Agad kong hinila si Emily pababa ng stairs.
“I can’t believe na sinabi yun ni Brent. Ano ba kasing nangyari?” Sabi ni Emily.
Sinimangutan ko na lang si Emily. Hindi ako sigurado kung anong isasagot ko kaya sinabi ko sa
kanya lahat ng nangyari.
Nakatunganga siya sakin habang papalapit kami sa sasakyan ni Jason. Sasabay na raw ako sa
kanila. At grabe naman si Brent, di man lang inalam kung kanino ako sasabay ngayong hindi ako
makakasabay sa kanila.
“I can’t believe this!!!” Sabi ni Emily. “Dapat sinabi mo na lang sa kanya na gusto mo
rin siya. Haaay! Kaso baka kasi masaktan ka.”
“Aamin na sana ako. Kaso biglang dumating si Kitchie. Aamin naman talaga ako,
masaktan man ako, aamin ako.” Sabi ko.
Nakita kong dumaan ang sasakyan ni Brent, naiisip ko kung ano ang itsura niya sa loob. Baka sa
likod ng tinted glass na yan ay masaya pala siya.
Pero ang totoo, hindi ko alam kung paano. Nandyan si Kitchie. Tapos si Chad. Naaawa ako sa mga
taong nasa paligid. Hindi naman ako ang nauna. Nahuli ako sa pagrealize na mahal ko pala siya.
Wala akong karapatan.
Sa likuran ako ng sasakyan ni Jason pinaupo. Tulala ako kahit alam kong pabalikbalik akong
sinusulyapan ng dalawa sa salamin habang bumabyahe kami.
Alam ko, kasalanan ko. Maayos ko pa kaya ‘to? At ano pa ba ang aayusin ko? Mukhang wask na
wask na yung lahat.
Kanina pa naka-on yung ipad ni Emily na puro mga backtraxks boyband ang kumakanta.
Westlife, A1, Nsync, 98 degrees at iba pa. Baduy pero naalala ko si Brent sa isang kanta.
*I wish you’d look at me that way
Your beautiful eyes looking deep into mine
Telling me more than any words could say
But you don’t even know I’m alive
Baby, to you all I am is the invisible man
Oh, you don’t see me baby*
Sorry, Brent. Pinag hintay kita ng napakatagal. At kung di mo na talaga ako mahihintay, okay
lang. Ang importante, no regrets. Tumulo ang luha ko sa sakit ng sitwasyon, pagkakataon, pride
na dapat iurong, mga taong masasaktan, at sariling di na mapipigilan. Sigurado na ako,
babawiin ko siya. Hindi dahil nasaktan ako, kundi dahil mahal ko siya.
***********************
W-arcs
***********************
W1.all at once
Simula na naman ng second sem. Oo, plano ko talagang bawiin si Brent sa kahit anong paraang
pwede.
Plan A. Una kong plano ang pagiging normal lang. Normal life. Kasi ang alam ko, bumabalik at
bumabalik siya sa akin kahit anong gawin ko.
Plan B. Pag di gumana ang plan A, magpapapansin na ako ng todo.
Yun lang muna ang naisip ko sa ngayon. Ayokong masyadong agresibo. Nasaktan ako, nasaktan
ko rin siya, kailangan pang maghilom ang mga sugat.
Naglalakad ako sa corridor papunta sa klase ko nang bigla kong nakita ang mga kaibigan at
teammates niya.
Hindi ko alam kung haharapin ko ba o tatakbo na ako kasi kabang-kaba na ako.
“Hi Max!” Isa-isa ko silang tinignan.
“Hello!”
Wala siya! Napawi yung kaba ko. Haay! Akala ko ba strike back na?
Oo, strike back na! Yun lang ang naisip ko nang nakita ko siya sa harapan ko. Naglalakad siya
papunta sakin.
Nagpatuloy ako sa paglalakad, normal… normal lang… dapat walang pagbabago. Plan A.
“Br-“
Hindi ko na tinuloy ang pagsasalita ko… kasi nilagpasan niya na ako.
HINDI NIYA AKO PINANSIN!
“HINDI NIYA AKO PINANSIN!” Sabi ko kay Emily.
Nagiging hysterical na ako sa harapan niya sa locker room habang nagbibihis ako ng jersey.
Simula na rin ng practice namin for volleyball.
“Anong gagawin mo ngayon? Eh di ka niya pinansin?”
“Baka… baka hindi niya ako nakita?” Sabi ko.
Nagbabakasali.
Bumuntong-hininga si Emily.
“Susubukan ko ulit… Normal.”
“Sigurado ka ba? Baka kailangan mo ng magpapansin?” Tanong ni Emily.
“Masyado pang maaga para magpapansin.”
Ang weird ng pinag uusapan namin. Para akong may masamang plano! Pero bakit naman kaya di
ako pinapansin ni Brent?
Nagtanong pa ako, eh alam ko na naman eh. Pero di lang ako makapaniwala na ganun. Ganun ba
talaga ka lala yung nangyari at di niya na ako pinapansin ngayon?
Habang papunta ako sa court, nakita ko si Ara. Good timing!
“Ara!”
“Uy Max! Kamusta yung hacienda?”
“Uh, okay lang naman. Salamat nga pala sa pagpapatulog sakin sa room mo.”
“No problem! Dapat talaga ikaw dun no! Baka si Kitchie pa ang makatulog dun!
Feeling!” Sabi niya.
Wala na akong masabi. Para naman kasing wala siyang alam.
“Practice niyo?” Tanong niya.
“Oo.”
“Nasaan si Brent?”
“U-Uhh, hindi ko alam eh.”
“Hindi paba kayo nagkikita today?”
“Nagkita kami kanina… Uh… Hindi ako sigurado. Siguro ako lang yung nakakita.”
“Huh? Ano?”
“Nagkasalubong kasi kami, di niya ako pinansin.”
“Huh? Bakit?”
“Hindi ko alam.”
“Wala naman siyang sinasabi sakin. Sige, wait, hanapin ko lang siya at magtatanong
ako.”
“Ara, wa’g na.”
“Don’t worry, whatever it is, its gonna be okay.” At umalis.
Hindi ko alam kung anong mangyayari pagkatapos nito. Natatakot ako na baka pati si Ara ay wala
ng magagawa. I missed my chance. It might be too late. But I need to at least try to extend my
hand, eat my pride, break my own heart and do it all at once.
***********************
W2.Commence the war
Pinilit ko ang sarili kong maniwala na hindi ako nakita ni Brent. Habang nagpa-practice kami,
naglalaban ang isipan ko.
Hindi ako pinansin ni Brent! Totohanan na ‘to! Talagang galit siya at ayaw niya na sakin!
Pero pwede ring talagang di niya ako nakita?
Wake up, Max! Nagkasalubong kayo! Bulag lang yung hindi makakakita!
Si Brent yun! Hindi yun si Chad! Si Brent! KSP yun! Laging nagpapapansin sakin! Hindi pwedeng
ako naman ngayon ang di niya mapansin!
“Ouch!” Yun na lang ang nasabi ko nang di ko namalayang takbo pala ako nang takbo kaya eto at
na-cramps ang paa.
“Point sa amin.” Sigaw ni Chloe na nasa kabila.
Siya ang huling tumira. Walang pumansin sa tira niya dahil may cramps na ako.
“I think we won.” Dagdag pa niya.
“Chloe, tumigil ka nga diyan! Kita mong namimilipit si Maxine sa sakit dito.”
Tinulungan ako ng ibang teammates ko, habang si Chloe ay nagpahinga lang sa bench. Hindi ko
na pinansin at di na ako lumaban dahil masyadong masakit na ang cramps ko. Nakita kong
dumaan si Brent malapit sa court kasama ang lima sa mga ka-teammates niya.
Ngayon, pag si Brent ay si Brent parin, mag-aalala yun sakin.
“Arayyy!” Sabi ko sa sobrang sakit.
Napapikit ako ng konti.
“Max! Kaya yan!” Sigaw ni Jason at Emily na kanina pa nanonood ng practice sa labas ng court.
Imposibleng sa sigaw na yun ay di ako napansin ni Brent. Ni lingon, wala siyang ipinakitang
senyales.
Napawi na yung cramps. Tiningnan ko sa malayo si Brent. Hanggang sa nawala na.
Padabog kong sinarado ang locker pagkatapos kong magbihis. Wala na akong class. Sina Emily at
Jason meron pa.
5PM na, wala na akong gagawin kaya uuwi na lang ako. Useless na araw. Wala akong
improvement kay Brent.
Pagkalabas ko sa locker room, nakita ko si Brent!
Nagkasalubong ang mga mata namin! Wala siyang takas!
Pero may biglang dumaan sa harapan naming dalawa. Isang batalyon ng freshmen. Hinanap ko
talaga ang mga mata niya para magkatagpo ulit. Pero nang nakaalis na yung mga freshmen,
nakita ko siya, pero may iba ng kasama – si Kitchie.
“Max! Ikaw pala!” Sabi ni Kitchie.
“Uh, oo.” Sabay ngiti.
Hindi na ako makatingin sa mga mata ni Brent ngayon. Siya naman yung nakatingin sakin.
“Uuwi ka na?” Tanong ni Kitchie.
“Oo eh.”
“Ihahatid ka ba ni Chad?”
“Uh, hindi eh. Mag ta-taxi na lang siguro ako.”
Napatingin ako ng konti kay Brent. Normal lang naman ang reaksyon niya.
“Kayo?” Tanong ko.
Tinitigan ko siya at hinintay na sumagot. Nagkatinginan muna sila… at nagsalita si Kitchie.
“Pumayag ka na kasi…” Sabi ni Kitchie.
Masyado namang nakakakilig ang scene na ‘to. Parang nanunuyo lang na mag kasintahan ah.
“Max, sabihin mo nga kay Brent? Yinaya ko kasi siyang mag dinner sa bahay. Eh
ayaw, nahihiya.”
Nagngititan pa ang dalawa.
“Kung nahihiya siya, edi next time na lang.” Straight to the point kong sinabi yon.
Wala akong pakealam kung anong sasabihin nilang dalawa. Kung hindi man ako makatingin sa
mga mata ni Brent pagkatapos kong sabihin yon, okay lang.
“Hmmmp! Ano ba yan, Max! Hindi mo man lang ba pipilitin si Brent for me? Sige na
Brent, pleaseee?”
“Hehe. Hindi naman kasi magandang pinipilit mo kung ayaw…”
LOL! Para akong naghahanap ng away dun sa sagot ko kaya bigla kong tiningnan ang wrist watch
ko at…
“Sige, ingat kayo! Alis na ako. Baka kasi gabihin pa ako. Wala pa namang
maghahatid. Sige, Brent, Kitch… Bye!”
***********************
W3.tawag
Alam niyo ba yung feeling na gusto mong ipakitang aalis ka na pero ayaw mo pa talaga? Simula
kahapon nang umalis ako sa harapan nina Kitchie, eto na ang nararamdaman ko. Isang salita lang
– MAPAIT.
“Hi Max!!” Sabi ni Kitchie bago pa ako makaiwas sa kanya.
“Hello!”
“May pasok ka?”
Sasabihin ko na sanang wala pero naisip ko baka yayain niya ako sa game ni Brent. Kaso ang
bagal ko kasing mag-isip kaya naunahan niya na ako.
“Lika na! Watch tayo sa game ni Brent!” Sabi niya sabay hila sakin.
“Pero may gagawin pa kasi-“
“Naku naman! That can wait! Friend ka ni Brent diba? Dapat suportahan mo siya!”
Sabi niya.
“Uh, o sige.”
Tama, Max! Ano bang ginagawa mo at parang iniiwasan mo pa ang mga bagay na mas
makakapagpalapit sayo kay Brent? Hindi lang siguro ako sanay na pumupunta kung saan siya.
Sanay akong umiwas pero hinahabol niya. Pero ngayon, magbabago na ang lahat.
Pagkapasok namin sa gym, nakita ko agad ang pag lay-up niya. Ayun na naman ang kagwapohan
at kayabangan niya. Walang kupas na pamamayagpag.
“Go Breeeent!” Sigaw ni Kitchie…
Nakuha niya naman ang atensyon ng halos lahat ng tao sa gym kaya tumili ang iba.
Nakita ko ang pamumula ng pisngi niya nung nakatingin na ang lahat ng tao sa kanya. Ang weird
naman ng lugar na ‘to. Ang ibig kong sabihin, ang lugar ko. Di tiyak. Ang alam ko, gusto ako ni
Brent… Hindi ko lang alam kung dapat ba present-progressive ang gagamitin kong tense o past
tense na talaga. Nakatingin ako dito sa babaeng akala ng sangkatauhan ay gusto ni Brent. Mabait.
Hindi mahirap magustuhan.
“Go Breeeeeeent!” Sigaw ulit niya ng nag three-point shot si Brent na sumablay. “You’re the
best!”
Umupo kami sa front na bleachers.
May kung ano akong nararamdaman sa lalamunan at tiyan ko. Para bang naiinggit ako kay
Kitchie. Nakatuon sa kanya ang madla dahil ang akala ng lahat ay sila na ni Brent. At kung ako
man yung makakatuluyan ni Brent, di maaaliw ang mga tao sakin. Hindi naman kasi ako
nakakaaliw. Di ako sumisigaw pag may game siya. Tahimik lang akong nanonood.
“Nga pala Kitch, kumusta naman yung dinner niyo with family? Tumuloy ba si
Brent?” Tanong ko.
Napatingin si Brent samin ni Kitchie.
“Oo.” Sabi niya habang nakangiti kay Brent.
Tumango na lang ako. Di kaya… talagang mawawala na si Brent sakin?
“Alam mo ba? Gustong-gusto siya ni mama at papa!” Ngumiti siya sakin. “First time
kong nagdala ng guy nun eh. Kinabahan ako pero grabe! It was worth it.”
Hindi gumana yung advice ko nung isang araw. Walang hiya. Ang sarap lang sumipa ng kahit
anong bagay sa inis ko sa sarili ko.
Pagkatapos nung game, nakita kong papalapit si Brent samin pero ilang beses napigilan dahil sa
coach at mga teammates niyang bumabati at sa ibang kaibigang nakikipag-usap sa kanya. Andun
kami ni Kitchie, parehong nakatayo at nag-aabang sa kanyang makarating samin. Napaka
estupidang tanawin naman ‘to. Aalis na ako.
“Kitch, mauna na ako.”
“Huh? oh sige… Di mo na ba talaga hihintayin si Brent?”
“Di na.”
Umalis na ako agad. Nakita ko si Chad sa malayo. Nanood din pala siya sa game.
*bump*
“Opps sorry.” Sabi nung nakabangga sakin.
“Sorry.” Sabi ko.
Concentrate sa pag-alis sa gym. Kay daming tao.
“Miss, you’re phone…” Sabi niya sakin. Nahulog ko pala.
Natigilan kaming dalawa sa gitna ng nag-aalisang mga tao. Kinuha ko ang phone ko.
“I’m Renzo, by the way. You don’t look familiar…”
Hinayupak. Ikaw din, hindi.
“Are you from here?” Tanong niya.
Habang may nabanggang babae sa shoulders ko.
“Oo.”
“Ingat naman diyan…” Sabi niya dun sa babae. Pero nginitian siya. “That’s why pala… I’m
not from here.” Ngumiti siya. Ngumiti din ako.
“Max-“
“MAX!”
Halos sabay ang pagtawag ni Chad… at… ni Brent sakin…
***********************
W4.walang pakealam
Nakatingin pa ako kina Brent nang lumapit na si Chad sakin at umalis na yung Renzo.
“Sorry, kilala ko kasi yung si Renzo eh. Playboy yun. Alam mo na.”
“Ah, ganun ba?”
Wala namang kaso sakin yun eh. Si Brent nga na mas gwapo pa sa Renzo na yun eh di ako
napasagot… wait… pero in love ako sa kanya.
Ano bang kinakatakutan nila?
Tumingin ako kay Brent. Andun lang siya at kausap si Kitchie na para bang walang nangyari.
“Teka lang Chad ah, narinig ko kasi kanina na tinawag ako ni Brent.”
Pumunta agad ako kina Brent at Kitchie.
“Ano yon, Brent?”
“Ha?”
“D-Diba tinawag mo ako.”
“Kilala ko kasi yung kausap mo. Alam mo na. Baka pormahan ka eh andami ng
pinaiyak na babae nun.” Sabi niya.
“Si Renzo yun. Classmate ko nung high school.” Sabi ni Kitchie.
“Ahhh. Okay.”
So nagkakasundo pala talaga sila ni Kitchie ah?
Naiinis ako. Ano bang pakealam nila? Si Brent… ano ngayon kung paiyakin ako nun? Eh mukha
namang wala na siyang pakealam sakin. Pagkatapos niyang sabihin yun, nakipagharutan ulit siya
kay Kitchie.
Umalis na si Chad kasama si Chloe. At si Brent naman, nakatuon ang atensyon kay Kitchie na
halata namang trying hard para magpa-impress kay Brent.
“Uuwi ka na ba?” May biglang nagsalita galing sa likuran.
Isang ka teammate ni Brent. Kakalabas ko lang sa locker room. Mukhang hinintay niya talaga
akong lumabas kasi inabangan niya ako.
Naisip kong kailangan nga ng third party para makuha ko ang atensyon ni Brent. Kaya…
“Oo. Bakit?”
Hindi pa kami nakakalayo sa locker. Marami ng nakatingin samin.
“Sabay na tayong lumabas ng gate.” Sabi niya.
“Tol! Sa’n ka? Di ka papasok?” Sabi nung isa pang kateammate ni Brent sa kasama ko. Pero
sakin siya nakatingin. Para bang nagtataka kung bakit sabay kaming naglalakad.
“Nabuking naman ako dun.” Sabi niya.
“Akala ko naman uuwi ka na. May pasok ka pa pala.” Ngumiti ako. “Sige na, baka ma-
late ka.”
“Hindi naman. Ihahatid lang naman kita sa gate eh. Kung ayos lang sayo.” Ngumiti
siya. “By the way I’m Luis.” Sabi niya.
“Ah Oo. Kilala lang kita sa mukha dahil teammates kayo ni Brent… I’m Max-“
“Maxine… Of course! Kilala ka rin namin.”
Nagngitian kami habang naglakad papuntang gate.
Hindi ako komportable. Hindi naman kasi ako ganito na bigla-bigla na lang nag eentertain ng
kung sinu-sino. Ganito na ba talaga ako ka desperada kay Brent? Eh mukha namang wala na
siyang pakealam sakin.
“Hanggang dito ka na lang.” Sabi ko nang nasa gate na kami. “Mali-late ka na.”
“Okay! Salamat nga pala at pinayagan mo akong ihatid ka.” Sabi niya sabay kuha sa
cellphone niya. “Can I h-have y-your number?”
Tumawa ako. So awkward. Hindi ako ganito… pero… “Sure.”
Pagkalabas ko ng school, marami akong inisip. Sa sakayan… tumingin ako sa paligid. Walang
kahit anino ni Brent.
Ganito na lang ba talaga? Tapos na ba talaga?
Kailangan mas pagbutihin ko pa ang mga moves ko.
***********************
W5.May problema ba tayo?
Binisita ko ang Facebook ni Brent. Online siya. Online din si Kitchie.
May dalawang status siya ngayong araw.
Ang una: ‘When I looked at her face, I felt absolutely nothing anymore.’
Ang pangalawa: ‘Maybe, its just not meant for me.’
Maraming nag like at nagcomment, kasama pa si Kitchie.
Parang may kung ano sa lalamunan ko. ang sakit. Parang gusto ko na lang umiyak nang umiyak.
Ba’t ako iiyak eh kasalanan ko naman ang nangyari? Ako kasi eh… ang tagal kong naniwala.
Natapos na yung Championship ng volleyball at pinanalo ko ang team namin… pero di parin ako
nananalo kay Brent.
Ilang linggo na yung nakalipas at ganito parin kami ni Brent. Yung tanong… may kami pa ba?
“Siya yung si Maxine diba?”
May binibili ako sa isang convinient store malapit sa school nang narinig ko iyon galing sa grupo
ng schoolmates ko na nasa loob din.
“Oo.” Tumingin sila sakin at sa isang magazine.
Binalewala ko na lang.
“Si Luis na yung kasama niya palagi eh.”
Simula nung nagkakilala kami nung Luis lagi niya na akong hinahatid palabas ng gate. Kainis
naman, ba’t ba kami pinag-uusapan? Tinitigan kong mabuti ang magazine ni tinitignan nila.
Preview. Yan na kaya yung issue na nandun si Kitchie at Brent? Sa counter, bumili ako ng isang
kopya at umalis na.
Plan A. Normal lang… Yun ang plano ko. Normal lang… Hindi magpapakita ng motibo. Pero ayan
na at nakikita ko siyang parating. Magkakasalubong kami. Seryoso yung mukha niya. Bitbit ko pa
yung Preview magazine. Ang sarap ihagis ng dala ko! Ayokong makita niyang binili ko ‘to kasi nga
dapat normal lang. Si-Maxine-na-hindi-fan-ni-Brent and dapat ipakita ko.
“Maxine!!!” May biglang sumigaw. Dalawang babae. Akala ko kakilala ko.
Natigilan ako. Si Brent, patuloy sa paglalakad at papalapit na sakin.
“Pwede pa p-picture?” Sabi nung isang babae.
“Akin na ang camera.” Sabi ni Brent.
Ikinabigla ko.
“Wow! Si Brent pa talaga ang magpi-picture? Brent, sa next picture kayo naman
dalawa ni Maxine yung kasama namin ah?” Sabi nung dalawang babae.
“O sige bah!” Sabi ni Brent.
Pumwesto na yung mga babae sa tabi ko habang ni-click na ni Brent ang camera. Halos di ako
makangiti.
“O isa pa! Yung kasama na si Brent.” Sabi nung babae.
Simula nung natapos yung championship. May bigla na lang nagpapapicture sakin. Ewan ko kung
bakit. Ang alam ko, may fan page na daw ako sa Facebook sabi ni Emily.
Pumwesto si Brent sa tabi ko.
Tinignan ko siya. Ang laki ng ngiti. Eh ako halos umiyak na dito.
“Ay! Ano ba yan… Pwede bang ulit? Si Maxine, hindi nakatingin sa camera.”
Tumingin si Brent sakin habang nakangisi. Tinignan kong mabuti ang mukha niya. May nagbago.
May gap… May wall na siyang ipinapakita. Hindi tulad noon. Palabiro at totoo. Ngayon, parang…
reserved.
*click*
“Thank youuuu! BrentMax!” Tapos umalis din naman yung mga babae.
Kami na lang ni Brent yung naiwan.
Nagkatinginan kami.
“May pasok ka?”
Tinignan niya ang hawak kong Preview. Kaya di na ako nagpaliguy-ligoy pa.
“Binili ko to. Gusto ko kasing makita yung pictures niyo ni Kitchie.” Ngumiti ako.
Gusto kong makita yung mukha mo. Di na kasi tayo nagkikita at nagkakasama. Miss na miss
na kita.
Napabuntong-hininga siya. “Oo, may pasok ako mamaya. Ikaw? Congrats nga pala sa
championship.”
“Thanks.” Nanood ka ba?
Katahimikan.
“May problema ba tayo?” Tanong ko.
Tumingin siya sa malayo, iniiwasan ang mga mata ko.
“Mamaya parin yung pasok ko eh.”
***********************
W6.plan B
“May problema ba tayo?”
“What do you think?” Tanong ni Brent.
Seryosong seryoso ang mukha niya.
“Wala.”
“So… wala.” Humalakhak siya.
“Kung ganun, ba’t mo ko iniiwasan?”
Ang sakit sakit na. Alam ko. Magaling ako sa ganito. Pinipigilan ko ang sarili kong magpakita ng
kahit ano.
“Iniiwasan?” Nakangiti siya. “Hindi kita iniiwasan.”
Nakakainis lang! Kaya niyang ipakita sakin ang ngiti niya habang deny nang deny sa halatang
nangyayari.
Tahimik lang ako at tinitigan siyang mabuti. Hindi ko alam kung bakit ginagawa niya ‘to sa amin.
“Ah. Sorry. Nahuli ako sa balita. Ganito na pala talaga tayo kung magpansinan
simula pa noon. Akala ko kasi may nagbago… yun pala… dati ng ganito.”
Umalis ako sa harapan niya. Hindi ko kaya. Hindi ako umiyak o nanginig man lang nang sinabi ko
yun at nang tinalikuran ko siya. Naiyak lang ako nang habang papalayo ako sa kanya… ay hindi ko
man lang naramdamang nanghinayang siyang hindi ako pinigilan.
Sa araw na yun, di ako pumasok ng school. Umuwi ako nang bahay at nalaman kong kami lang ni
yaya at Carlo ang nasa bahay buong araw dahil si mama at papa may inasikaso.
Text ni Emily:
Sa’n ka? Ba’t absent?
Reply ko:
Gusto kong maglasing.
Hindi totoo yun. Hindi totoong gusto kong maglasing. Hindi ko ugali yun at lalong lalo nang hindi
ko kailanman naisipang maglasing, pero inuudyok ako nang sitwasyon. Kailangan kong
magpapansin kay Brent. Oo. Alam kong OA na ‘to. Pero pa’g di gumana ang Plan A, Plan B na
naman ako – ang magpapansin kay Brent.
Nasimulan ko na… tatapusin ko. Ang sakit… Masakit sa pride. Masakit sa puso… Masakit na
masakit. Ang sakit sakit pero kasalanan ko. Hindi ko masisi si Brent. Nagsisisi ako. Sinisisi ko ang
sarili ko. Kaya para wala na akong pagsisisi, sasagarin ko na.
Text ni Emily:
Why would you do that? what happened?
Hindi ko na nireplyan.
Ang unang mission, pumunta sa bar at magpakalasing. Alam kong ayaw ni Brent na nagpupunta
ako dun. Kaya yun ang gagawin ko…
***********************
W7.Mystery Man
Pumunta ako dun sa kasagsagan ng sayawan. May sumasayaw sa akin habang naglalakad ako sa
dancefloor at naninibago sa mga nangyayari. Pakiramdam ko nawawala ako sa isang lugar na
ngayon ko lang napuntahan. Naka dress ako. Black na longsleeve pero maiksi. Pamatay ang shoes
ko. At mismong ako masasabing mukha akong parating nagba-bar sa soot at mukha ko. Pero ang
totoo, pangalawang beses ko pa yata ‘to.
“Maxine…” Sabi nung lalaking mejo lasing na na sumasayaw sakin.
Una, pinandilatan ko siya at kinabahan ako. Pero ilang sandali ang nakalipas, naisipan kong
sumabay sa kanya. Ito naman ang pinunta ko dito diba?
“Whoa!!!” Namangha siya dahil sinayawan ko.
Pero agad naman akong naglakad ulit palayo. Hanggang sa ilang lalaki na ang sumayaw sa akin.
Di ko na lang pinansin at nagpatuloy sa paglalakad. Hanggang sa may naramdaman akong
humipo sa legs ko.
“Ano bah?” Sigaw ko. Natigilan ang ibang taong nakarinig sa sigaw kong mas malakas pa sa
stereo.
“Easy…” Nakangisi ang isang lalaking nakatingin sakin habang natigilan ang mga kasama niyang
kanina pa sayaw nang sayaw sa harapan ko.
Pinandilatan ko sila. Nainis ako pero alam kong kasalanan ko. Ba’t pa kasi ako nagpunta dito
kung hindi ko naman gusto na ganun ang mangyari. Umalis ako sa harapan nila at umupo
malapit sa barista.
“Tequila?” Sabi ng bartender.
“Sige.”
Isang shot lang. Ayokong malasing.
“Hindi kita masyadong nakikita dito. First time?” Sabi ng babaeng bartender nang
binibigay ang tequila.
“Oo.”
Iniwan niya ako para pumunta sa ibang customer.
Hinintay kong mag isang oras bago umorder ulit ng isa pa. Walang Brent na dumating. Kailangan
ko na talagang tanggapin ang katotohanan: na si Brent ay hindi na yung dati. Hindi siya
superhero o prinsipe… tao lang siya, nagsasawa rin. Nainis ako sa sarili ko. Pero wala akong
magawa. Naiisip ko paring gagawin ang mga plano ko kahit wala na talagang pag-asa. Para bang
sumusugal ako para sa bagay na alam kong di kailanman mananalo. Bahala na! Yun ang gusto ko!
Parang may kung ano sakin na hindi papayag at hindi makokontento kung hindi ko gagawin yung
gusto ng puso ko.
Pagkalipas ng ilang oras, napailang shot na ako ng Patron. Sumayaw ako at…
Bumangon ako…
Nasa kwarto na at umaga na??? Paano nangyari yun? Nalasing ba ako kagabi? Tinignan ko ang
soot ko… Pajama at T-shirt? Teka? Panaginip lang ba yung bar?
*Krrrrriiiiing*
“Hello?” Si Emily.
“O Emily?”
“OH MY GOD! Thank God sinagot mo na talaga! Kagabi pa kami tawag nang tawag
sa’yo! Hinalughog na namin ang lahat ng bar dito at hindi ka namin na kita!”
So totoo yung nagpunta ako sa bar?
“Nasan ka ba?”
Ang sakit ng ulo ko.
“Nasa bahay.” Hinawakan ko ang ulo ko. Hangover.
“Sinong kasama mo kagabi? Grabe! Pumunta kami sa bahay niyo kagabi kasi nag-
aalala na kami ni Jason. Sabi ni Carlo, wala ka nga talaga… Asan ka ba?”
“Nasa Core ako kagabi.”
“Kaya naman pala eh hindi namin yun napuntahan. Sa kaydami-daming bar at kay
lalaki, hindi na namin naubos! Anong nangyari?”
“Hi-Hindi ko ma alala eh.”
“Ano? Nakainom ka ba kagabi?”
“Oo.”
“Ohh my God!”
“Tawag ka na lang mamaya. Mag-aayos muna ako.”
Binaba ko ang cellphone ko at pumunta sa sala kung saan nanonood ng Basketball TV si Carlo.
Tinitigan ko siya.
“May pagkain sa kitchen.” Sabi niya pero nakatingin parin sa TV.
“Alam mo ba kung saan ako pumunta kagabi?”
Kinabahan ako. Baka kasi isumbong niya ako kina Mama at Papa. Tapos mukhang umuwi yata
akong lasing.
“Oo. Sa kaibigan mo. Nagmovie marathon kayo. Yung pinanood niyo ay How to
Train Your Dragon, 3 Idiots, at My Name is Khan.”
“Ha?”
“Oo.”
“Sinong nagsabi sa’yo niyan?”
“Ikaw!”
“Saan sina mama at papa?”
“Mamayang gabi pa sila uuwi.” Sabi ni Carlo.
May weird na nangyayari.
“Anong soot ko kagabi?”
“Short pants at jacket… Yung pink mong jacket?”
“Parang robot ka namang makasagot! Sigurado ka ba? Wala akong maalala.”
“Wa’g mo nang isipin yun! Kumain ka na lang.”
“Wa’g ka ngang magsinungaling, Carlo? Okay! Wala na akong pakealam kung
isumbong mo ako basta sabihin mo lang sakin ang tunay na nangyari.”
Natahimik siya at tinignan niya ako.
“Yun nga ang totoong nangyari!”
“Umalis ako dito kagabi, pulang-pula ang labi ko… Soot ko yung black dress na
maiksi, naka Louboutins pa. Pumunta ako sa Core. Uminom at nalasing. Paano ako
nakauwi?”
“Hinatid ka ng mga kaibigan mo.”
“Sino?”
“Si??? Emily at Jason???”
“Sigurado ka ba?”
“O-Oo.”
“Sino ang nagpalit ng damit ko?”
“S-Si Emily at Jason?”
Tinitigan ko siya. Nakakainis ang mga pagsisinungaling niya!
“Okay… okay! Umuwi ka dito ng lasing… Wearing the same dress. Sumuka ka kaya
pinalitan na. Kaya yan yung soot mo ngayon.”
“Sino ang naghatid sakin dito?”
Si Brent ba? Si Brent ba?
Hindi makatingin si Carlo sakin.
“H-Hindi ko kilala.”
“Si Brent ba?” Sabi ko.
“H-Ha? H-Hindi no! Hindi!!! Ang feeling mo talaga ate. Hindi si Brent! Hindi ko nga
kilala! Sige! Ang dami mong tanong, isumbong kita riyan kay Yaya nang
masumbong ka kay mama!”
“Ano? Hindi alam ni yaya? Kung ganun sinong nagpalit ng damit ko?”
“Si-no? Ako! Syempre!”
Hinagis ko ang pinakamalapit na unan sa mukha niya. Nainis ako kaya tinigilan ko na lang.
Pero di ko mapigilan ang pag-iisip ko… Sino kaya talaga yung naghatid sakin?
Credit: Itim na nobela
Advertisements