Part 1

Part 2

Part 3

Part 4

 

Jonathan’s POV

Straight from her mouth…
I was never hers, and never will be.
Really?
Gusto ko sanang magreklamo sa sinabi niya pero nanahimik na lang ako. Isinara ko na lang ang bibig ko. Hindi yun dahil sumasang-ayon ako, kung hindi dahil… hindi ko naman kasi siya masisisi.
Sa una pa lang kasi, wala na akong ginawa kundi iparamdam sa kanya na katawan lang ang habol ko sa kanya…
Na isa lang siya sa mga babae ko kaya’t kayang-kaya ko siyang palitan anytime…
Na hindi ko siya iginagalang dahil ipinahiya ko na siya noon sa maraming tao…
Na wala akong respeto sa pagkababae niya dahil sa pagpuwersa ko noon sa kanya na makipagtalik sa akin…
Na wala akong pakialam sa nararamdaman niya nang nasaktan ko na siya minsan sa aspetong pisikal.
Na wala siyang halaga sa akin kaya’t basta ko na lang siya iniwan sa ere…
It was all my fault kung bakit ganun ang nararamdaman niya.
She doesn’t feel stable and secured with me dahil sa umpisa pa lang… siya lang ang consistent na nagmahal kumpara sa akin. Siya lang ang nagbigay ng lahat ng kaya niyang ibigay, at lumunok ng lahat ng pait na kalakip pagkatao ko para lang makasama niya ako. Wala akong idinulot sa kanya kundi sakit ng ulo, pasakit, panganib at kunsumisyon.
Sabi ng ilan sa mga kabarkada ko… napatunayan ko na naman daw na mahal ko talaga siya noong iniligtas ko siya sa kamay ng mga Buenaventura. Ang sa akin lang naman ay… Bakit? Kung hindi ba naman ako gagong basta na lang siya pinabayaan eh mapapahamak ba siya ng ganun? I want to play hero… her knight in shining armor, but I can’t, because I am NOT. Dahil kung iisipin, hindi ko naman kakailanganin siyang iligtas kung hindi ako nagpabaya. At hindi siya mapapasakamay ng mapanganib na si Carlos kung hindi ko siya iniwan.
Ako ang gago.
Ako ang walanghiya.
Ako ang pabaya.
Ako ang hindi marunong magmahal.
Sa una pa lang… ako na ang may kasalanan kung bakit wala siyang tiwala sa akin.
“Hindi na issue dito kung iiwan ka ba eventually ni Abby o hindi Jon,” Si Bernard, habang nag-uusap kaming tatlo kasama si Art dito sa munting gathering naming magkakaibigan sa bahay nina Art. Kasama namin ang aming mga asa-asawa at mga girlfriends. “Dahil mukha namang hindi ka iiwan ni Abby eh.” Sumulyap siya kay Abby na kausap sina Maggie at Laura–ang asawa ni Art, sa hindi kalayuan. “Ang issue dito, eh kung paano mo mabibigyan ng kinang ang mga mata niya kapag kasama ka.”
Kinang sa mata? Ano yun?
“Tingnan mo sila,” Si Art, habang itinuturo ang kinaroroonan nina Abby, Laura at Maggie. Mukhang napansin niya na hindi ko naintindihan ang ibig sabihin ni Bernard, “Lahat nakangiti, hindi ba? Kahit si Abby, nakangiti rin. Kay daling sabihin na, uy! Nakangiti siya, ang saya saya naman nya! Pero hindi ganun yun eh, dahil minsan may mga taong nakangiti pero malungkot naman ang kanilang mga mata. Tingnan mo ulit silang tatlo,” Itinuro ulit niya ang kinaroroonan nina Abby, Maggie at Laura. “Subukan mong pagmasadan ang kanilang mga mata… dun mo malalaman kung totoo ba ang kanilang mga ngiti.”
Tumingin naman ako.
Oo nga ano. Napansin ko na habang nakangiti sina Maggie at Laura ay nakangiti rin ang kanilang mga mata. Parang kumikinang pa nga ang mga iyon kapag nagagawi ang mga mata nila kay Bernard at Art. Pero si Abby… Nakangiti rin siya pero malungkot ang kanyang mga mata, at kapag nagagawi ang tingin niya sa akin, lalo itong lumalamlam… na parang kulang na lang ay bumukal ang kanyang mga luha.
Hindi ako makapagsalita. Malungkot na sinulyapan ko lang si Bernard at Art, kasabay ng aking pagbuntong hininga.
“If you truly love a person.” Si Art, ulit, “You don’t do everything to make her stay… but rather do everything to make her WANT to stay. At magagawa mo lang yun kung aalamin mo ang bawat detalye niya, kung ano ang gusto niya at ayaw niya…kung ano ang makapagpapasaya sa kanya at makapagpapalungkot.” Tinapik niya ang balikat ko, “The first step of making yourself whole is to admit that you are BROKEN, Jon. Basag ka kaya nahihirapan kang magpakita ng pagmamahal. Basag ka kaya nakakahiwa ka… nakakasakit at nakakasugat sa ibang tao. Pero kung susubukan mong hayaan ang isang tao, na tulad ni Abby, na pasukin ng lubusan ang puso mo para buoin ka… baka sakali, Jon. Baka sakaling mabibigyan mo rin ng kinang ang kanyang mga mata.”
It is easier said than done, but I will do it.
Papasukin ko siya ng lubusan sa puso ko.
Malalagyan ko rin ng kinang ang kanyang mga mata.
“Give her the security and confidence na sa kanya ka lang Jon.” Si Bernard naman, “Huwag na huwag mong ipaparamdam sa kanya na she is replaceable when she is not. Kung hindi mo kayang mabuhay ng wala siya, yun ang iparamdam sa kanya. We are not getting any younger, Jon. You don’t shun love when you are scared of love. Kung takot ka, mas lalong dapat kang kumapit, dahil mas lalong walang mangyayari sa iyo kung parati ka na lang tatakbo palayo. Masakit lang ang pag-mamahal kung hindi ka mahal ng mahal mo, pero mahal ka naman ni Abby, ano bang ikinatatakot mo?”
I admit, I am pretty bad on these matters. Marahil dahil… hindi ko na foresee noon, na magmamahal ako ng ganito. Hindi ko ineexptect na magmamahal ako ng iisang babae lang. Akala ko noon, masaya na ako sa iba’t ibang putahe. And sure enough… I don’t know what I was missing until I met her.
“Hoy kayong mga lalake kayo, anong tinitingin tingin niyo sa amin, ha?” Biro ni Laura nang lumapit sila ni Maggie at Abby sa aming tatlo.
“Oo nga,” Pagsingit ni Maggie, “Sulyap kayo ng sulyap sa amin, kami ba ang pinag-uuspan niyo?”
Tiningnan ko si Abby, tahimik lang siya. Pero napansin ko na pinagmamasdan niya yung pagtititigan ng mga mata at paghahawakan ng mga kamay ni Art at Laura, pati na rin ang malambing na pagyakap ni Bernard kay Maggie. Hindi man niya sabihin sa akin… alam kong naiingit siya. Himalang nararamdaman ko ang nararamdaman niyang sana… ganun din ako kalambing sa kanya.
Dahil doon hinila ko siya papalapit sa akin at hinalikan sa labi. Narinig ko naman ang pagsisigawan ng grupo nina Luke, Benj, Jason at Tristan, kasama ang nga girlfriends nila sa di kalayuan.
“Baka langgamin na kayong anim diyan!” Sigaw ni Luke.
“PDA much, inggit kami!” Sigaw ni Helga na girlfriend ni Jason. Bumaling ito kay Jason at, “Hoy, halikan mo nga ako ng ganun!” Sabay turo sa amin ni Abby. Dahil doon ay nagkantyawan na ang kahat, namula lang si Jason at saka kinamot ang ulo. Mahiyain kasi si Jason at masyadong konserbatibo. “Ano na? Halikan mo na ako!” Sabay yugyog kay Jason na tumiklop na sa sobrang hiya. Eto namang si Helga ay masyadong prangka at extrovert. “Gusto ko yung may tongue, dali!” At lalong nagsigawan lahat.
“Si Jason masyado pang pakipot oh, gusto rin naman!” Kantyaw ni Benj.
“Sige na nga!” Namumulang sabi ni Jason sabay halik kay Helga… ng may tongue nga! Kaya naman nagsigawan na ang lahat.
“Ano Jason, masarap ba?!” Kanytaw ni Luke.
“Anong paki mong hayup ka?!” Pabirong bira nito kay Luke . Sabay halakhakan ulit.
Ang saya. Mas masaya pala kapag kasama namin ang mga babae sa ganitong okasyon. Ngayon lang namin ginawa ito eh. Kapag nagsasama sama kasi kami dati, kami lang na mga lalake. Siguro dahil ngayon lang din nangyari na meron kaming mga love life lahat. Akalain niyong pati ang geek na si Tristan eh merong girlfriend ngayon?
“Thank you, Jon.” Bulong ni Abby sa akin.
Medyo bumukod kami sa tropa pero nakatanaw pa rin sa kanila.
“Thank you saan?”
“Thank you kasi, ipinakilala mo ako sa mga kaibigan mo. Ang babait nila at nakakatuwa sila. Sumakit ang tiyan ko sa kakatawa.”
“Makukulit pero, maganda ang samahan namin. May isa lang buwisit pero wala siya kanina. Mabuti na lang.”
“Sino yung isa?”
“Si Mike, brother ni Maggie.”
“M-Mike?” Parang gulat na gulat ang reaction niya.
“Oo, bakit? Kilala mo ba si Mike?”
“Hindi… may naalala lang kasi ako.”
“Ano yun.”
“May nagtangka kasing kidnappin ako noon na Mike din ang pangalan. Pero baka naman ibang Mike yun. Marami namang Mike sa mundo hindi ba?”
Huh?
“May apelyido ba ang Mike na tinutukoy mo?” Tanong ko.
“Ang sabi nung tauhan niya na binugbog ni Carlos noon… Pascual daw. Mike Pascual.”
What the f*ck?! Anong kailangan ni Mike kay Abby?
“Malamang na ikaw ang puntirya ni Mike, Jon.” Si Benj, “I’m sure galit yun sa iyo dahil tinutulungan mo si Bernard laban sa mga plano niya.” Bumukod muna kaming mga lalaki sa mga babae dahil ayokong madinig nila ang problema namin kay Mike.
“I’m sure alam nun na mahalaga sa iyo si Abby kaya siya ang pinlano niyang gamitin laban sa iyo.” Hakahaka ni Tristan.
‘”I’m sorry pre, nadamay ka pa sa problema ko.” Si Bernard, sabay tapik sa balikat ko.
“Wala kang kasalanan dun Pare,” Sagot ko, “Gago lang talaga yang bayaw mo. Adik ba yan? P*tang ina, anong kailangan niya kay Abby? Sa paanong paraan niya gustong gamitin si Abby laban sa akin?”
Nagkibit balikat lang sila lahat.
“I’m sorry Pare,” Sabi ko kay Bernard sa harap ng lahat. “Alam kong nakiusap ka noon na wag ko ng patulan si Mike… pero sana maintindihan mo na hindi ko pwedeng palampasin ito. Kung ako ang gusto niyang saktan, go ahead, fine! Palalampasin ko pa rin. Pero si Abby na ito Pare. Si Abby na ang pinag-uusapan natin dito.”
Matagal na masyado ang pagpapasensya ko kay Mike. Labis labis na ang pagtitiis ko sa kanya mula pa noong kulehiyo. But his recent attempt to hurt me through Abby was the last straw.
Panahon na para ako na mismo ang pumutol sa sungay ni Mike.
Tama na.
Hanggang dito na lang siya.
####################################
KABANATA 42
####################################
Jonathan’s POV
Hatinggabi na kami nakauwi. Pero sulit naman ang aming pagpupuyat kina Art because we really had a good time. Ang saya din ni Abby. Wala na yata akong ginawa kundi sulyapan siya buong gabi at hanapin ang sinasabing kinang sa kanyang mga mata. Wala akong nakita, pero ok lang, better luck next time. Alam ko naman na impossibleng makita ko agad ang kinang na iyon, gayung wala pa naman akong ginagawa. Nagbabakasakali lang naman ako.
Shit. Ang sexy naman masyado ng lingerie na suot niya after niyang mag-shower. Kulay itim yun na may matching na itim na lacey panty. Ang ganda ng bagsak ng tela sa katawan niya, kitang-kita tuloy ang hubog ng katawan niya.
P*tang ina. Tinayuan ako. Parati naman akong tinatayuan sa kanya kahit hindi sexy ang kanyang suot. Pero iba ito, parang doble ang arousal ko. Paano naman kasi… backless na nga yung style, ang baba pa ng cut sa harap. Kitang-kita ko tuloy ang cleavage niya.
Damn.
Tiis na tiis pa naman ako na hindi siya galawin sa pag-aalala kong hindi pa siya ok. Bigla tuloy nag-sink in sa akin na I actually did not had a sex life for almost two months now. Ang pinakahuli ko ay si Abby pa rin before all the fiascos happened. I dated someone when I left Abby for a month, yung modelong dinala ko sa birthday ni Art, and did tried to have sex with her, but as I feared, hindi ako tinayuan. Kay Abby na lang talaga tumatayo itong kumpare ko sa ibaba. Kung bakit? I don’t really know.
Hindi ako gumalaw. Nakaupo lang ako dito sa kama habang nakasandal sa headboard. Pinipilit kong umiwas ang tingin papalayo sa kanya, kaya’t nagpanggap na lang akong nagbabasa ng magazine.
Naramdaman kung umakyat na siya ng kama. Dun siya punwesto sa aking kaliwa. Kita ko naman sa aking peripheral vision na naglagay siya ng unan pahalang sa headboard, sumandal at pumuwesto rin ng tulad sa akin.
“Eherm!” Pagtikhim niya. “Ang galing mo naman magbasa, Jon.”
Ano daw? Ano ang magaling sa pagbabasa ng Magazine? The task seems ordinary to me.
Lumingon ako sa kanya at ngumiti. Nakatingin din siya sa akin at ngumiti.
“Bakit mo naman nasabi na magaling ako magbasa?” Tinanong ko na. Ang labo kasi ng pamumuri niya sa pagbabasa ko eh.
“Uhh… Well, all I can say is napaka-talented mo.” Nakabungisngis siya, “Because, it really takes a special talent like yours to read a magazine…upside down.” Sabay hagikhik.
Shit. Baliktad nga. Ahhh nakakahiya! Hindi tuloy ako makatingin sa kanya.
“Tigilan mo na ang pagpapacute mo Jon, dahil huli na kita. Nagpapanggap ka lang magbasa para hindi ko mahalata na kanina ka pa naglalaway sa akin.” Humahagihik ulit siya.
She’s darn right pero ewan ko ba. Napahiya ako dun kaya hindi ako makaimik. Hindi rin ako makagalaw.
“Sex tayo Jon. Gusto mo ba?”
Holy shit! Nagulat ako dun ah. That is so unlike Abby. Hindi ako makapaniwala. But I like it. Nyarrr!
“Hmmmm.” Ungol ko habang inaamoy at hinahalikan ko ang mabango niyang leeg. “Ang bango mo naman, Abby ummh!” Ibinaba ko ang paghalik ko sa kanyang dibdib at pinagpyestahan ang magaganda at firm niyang mga bundok. Pababa sa tiyan, sa magkabilang singit at doon sa paborito kong tambayan…ang gitna ng kanyang mga hita.
“J-joooonnnn!” Daing niya ng nilantakan ko na ang kanyang perlas. Naramdaman ko naman ang pagsabunot niya sa aking buhok at ang pagngudngod niya sa mukha ko sa ano niya habang bahagyang umaangat ang balakang niya. Yes! Mukhang nag-eenjoy siya. Hindi ko naman tinigilan yun hanggat hindi ko nalalasahan ang kanyang juice.
“P*tang ina shet!” Napamura na ako sa sarap after kong mag-grand entrance sa mainit, masikip pero madulas niyang kanya. At dahil sa dalawang buwan akong diyeta, ay parang doble ang excitement at sensasyon na nararamdaman ko. “Ahhh! Ahhh! Shet ang sarap mo Abby! Ahh! Ahh! Ahhhh.”
“Isagad mo Jonnnn!” Daing ni Abby.
And so I did.
“Haaaaaaahhhhh!” Pagsinghap niya nang maramdaman ang buong bulto ng aking kargada. Ramdam ko ang paghigpit ng kapit niya sa braso ko. Alam kong my size is too much for her, kaya naman nasusurprise pa rin ako kapag hinihingi niya ang kabuoan ko. “Shit Jon you’re too huge but I like the feeling of the whole of you inside me ohhhhhhh!”
Hayup sa init ang nararamdaman ko. I am just too f*cking horny. At umaapaw na sarap ang nararamdaman ko dahil ang katalik ko ay ang babaeng pinakamamahal ko.
“Hindi mo ba ako mumurahin, Jon?” Lalo akong nagiinit ngayong kagat-kagat niya ang kanyang mga labi.
“P*tang ina ka sa sarap Abby!” Bulong ko sa tenga niya.
“Dirtier please. Ohhhhhh.”
Holy sweat! Is this really Abby? My Abby?
“Ang sarap mong h*nd*tin Abby… ang sarap ng p*kpek mo! F*ck you. Teanamo!” Bulong ko ulit.
“Ahhhh haaaahhhhh!” Sigaw niya. Mas binilisan ko kasi ang kilos ko. “Ang sarap Jon, wag kang hihinto. Ohhhhhhhh!”
Paano pa ba ako hihinto eh malapit na ako.
“Shet Abigail!!! Malapit na ako uggghhhh! Ahhh! Hahhhhh! Taena shet!.”
“Ako rin Jon… sabay tayo pleaseeeee ahhhh!”
“Ayan na akoo uggghhhhh!”
“Give it to me! Ohhh!”
“Taaaanggg-iiiiinaaaahhhh! Ahhhhhhhh.”
Oh Wow. Halos malagutan ako ng hininga sa sarap nun ah. Ibang klase talaga ang ano ni Abby. Pinakamasarap sa lahat ang kanya sa daan-daang babeng natikman ko. Ok na sa akin kung sa kanya lang ako tinatayuan. Siya na lang naman ang gusto kong sex partner at wala ng iba.
“Abby?” Ungot ko habang nakaunan siya sa dibdib ko.
“Bakit?” Itinuon niya ang kanyang baba sa aking dibdib para magkaharap ang aming mga mukha.
“Nag-pipills ka pa ba?”
“Oo, bakit?”
“Kahit noong magkahiwalay tayo?”
“Oo. It helps regulate my period kasi eh, bakit?”
“Makakasama ba kung ihihinto mo?”
Napakunot siya.
“Hindi naman siguro pero bakit mo naitanong?”
“Gusto kong magkaanak na tayo, Abby. Para sumaya naman itong bahay natin” Sagot ko.
Ang inaasahan ko ay magugulat siya o di kaya naman ay magdadahilan pa siya at magrere-fuse to stop it o di kaya naman ay susupalpalin na naman ako ng mga pananalitang… ayaw niyang magkaanak sa akin katulad ng ayaw niya akong maging boyfriend noon.
“Ok.” At umunan ulit sa dibdib ko.
Did she just agreed just like that?
“May lakad ka?” Tanong niya sa akin kinaumagahan after we had our breakfast.
“Oo, pero sandali lang ako, babalik din ako agad.”
Hindi naman siya palatanong kung may lakad ako o wala, alam kong nagtataka lang siya dahil linggo ngayon.
“Oh ang bilis mo naman.” Gulat ma gulat siya na bumalik din ako agad after 45 minutes.
“May kinuha lang ako kay Papa.”
Buti na lang hindi siya usisera. Ipinagdadasal ko kasi na huwag na niyang tanungin kung ano ang kinuha ko.
“Ooooohhhh shet Abby.” She was riding me.
Eto ang trip namin ngayon. Sex to sawa… ang tagal kaya naming nagkahiwalay, kaya we are just making up for lost time.
“Jonnnn!”
Hindi na ako makatiis. Bumalikwas ako at iginiya siya for Scissors Sex Postion. Grabe lalo ang arousal ko. Ang sexy niya grabe.
“Abby?! Ahhhhhhhhh!”
“Bakit?! Ohhhhhhh”
Napaungol siya kasi sa position na ito ay nagawa kong isubo ang kanyang right toe habang tinitira siya.
“Abbbbbyyy?! Ugghhh!”
“Bakit sabi! Ah… ah… ahhh!”
“Will you…. w-will youuuu….”
“Will I what? Ohhsssshhhhtt!”
“Will you marry me?” Sabay kuha sa diamond ring na nakalagay sa hinliliit ko at iniaabot sa kanya between her legs. Diretso pa rin ang pag-aanuhan namin.
Napapakagat naman siya sa labi habang tinitingnan ang diamond ring na iniaabot ko. Ito yung kinuha ko kay Papa kanina. Gustuhin ko man na ako ang bumili ng diamond ring for Abby ay hindi ko nagawa dahil ibinilin daw sa Papa ni Mama noon na ito daw ang ibigay kong engagement ring sa mapapangasawa ko. Sing-sing ito ni Mama kaya’t meron itong sentimental value.
“A-ang ganda naman niyan at ang laki ng bato! Ahhhhh shhhhetttt ang sarap Jon!”
“Ano na Abby? Aaannno ang sagot mo?! Ahhhhh! I think I am cominggghh ahhh… ahhhhh…. ahhhhhh!”
“Yess! Yessss! YEEEEHHHHHSSSSS!” Sabay abot sa kaliwang kamay niya kaya naman sumabay sa orgasm namin ng pagsuot ko ng sing-sing sa kanyang daliri.
Yes, indeed. We are officially engaged. Nasurpresa din ako sa bilis ng pagpayag niya. Kasing bilis ng pagpayag niya sa paggawa namin ng baby.
What’s up with that Abby? May kinalaman kaya dito si Maggie at si Laura? Para kasing nag-iba siya since they were introduced last night.
“Ang galing mo talaga, Jon.”
Magkayakap kami ngayon at nagpapahinga. That was one wild sex, I tell ya! Nakaunan siya sa may kaliwang kilikili ko habang nakapulupot ang kaliwang braso ko sa balikat niya.
“At ikaw naman,” Sabay kalabit ko sa kanyang ilong. “Sobrang sarap.”
Napatawa siya.
“Handa ka na bang maging misis ko?”
“Oo naman.”
Woah. Ibang-iba talaga siya ngayon. Payag lang ng payag. Ano kayang meron?
“You seem different since last night… may sinabi ba si Maggie at Laura sa iyo?”
“Oo.” Ngumiti siya sa akin.
“Pwede ko bang malaman?”
“No.”
“Bakit naman hindi?”
“Sa amin na lang yun no.”
Ah ganun? May secrets na sila. Ganun kabilis ang bonding nila? Well, that’s good to know.
“Nag-imbita si Papa ng dinner mamaya. Ok lang ba sa iyo?”
“Absolutely.”
Wow! Pumayag din agad. Kung ano man ang impluensya ni Maggie at Laura sa kanya… I am truly liking it.
Hmmmm… masubukan pa nga ng isa…
“Abby?”
“Hmmm?”
“Huwag ka na muna magtrabaho. Mag-aral ka lang muna at kumuha ng bar. I’m pretty sure tatanggapin ka ulit ni Tito Vince kung gusto mo pa ring magtrabaho sa Firm niya.”
She loves her job there, but if we are getting married and going to have a baby at pagkatapos ay nag-aaral pa siya, baka hindi na niya kayanin kung nagtatrabaho pa siya.
Hmmmm. Let us see kung mabilis pa rin ang pagpayag niya.
“Ok.”
Hahaha! Wow! Taas na ang kamay ko sa powers ni Maggie at Laura, because I am certainly liking the new Abby.
####################################
KABANATA 43
####################################
Abigail’s POV
“Mahal na mahal ka ni Jonathan, Abby.” Bulong ni Laura sa akin kagabi. Si Laura ay ang maybahay ng bestfriend ni Jon na si Arthur. Pilit kong itinanim sa isip ko ang lahat ng mga sinabi niya sa akin para mas maintindihan ko ang kaguluhang nangyari sa amin ni Jon. “Medyo may pitik lang yun pero mabait naman. Nasabi ni Art sa akin kung bakit niya nagawang iwan ka. Natakot daw kasi si Jon na iiwanan mo siya tulad ng pag-iwan sa kanya nun ni Ella. Alam mo bang ilang beses siyang nag attempt mag-suicide nung iniwan siya ni Ella?”
Gulat na gulat pero umiling lang ako.
“Triple ang pagmamahal niya sa iyo kumpara kay Ella, Abby. Yun ang dahilan kung bakit natakot siya na kapag iniwan mo siya ng hindi siya handa ay baka matuluyan na siya. Hindi niya alam kung tama, pero yun ang dahilan kung bakit sinubukan niyang dumistansya sa iyo… at sinubukan ding bumalik sa dating gawi…yung, alam mo na, pambababae. Para daw maibaling niya sa iba ang atensyon at mabawasan ang pagkahumaling niya sa iyo. Ganun naman ang Jonathan na nakilala mo noon di ba? Parang buffet, available para sa lahat ng mga babaeng gustong tumikim sa kanya. Takot kasi yung mainlove ulit.”
Napasulyap ako kay Jon na nahuli ko namang nakatitig sa akin sa di kalayuan. Kausap niya si Arthur at si Bernard.
“Nung mawala ka at hindi niya alam kung saan ka dinala ng mga Buenaventura, halos mabaliw siya. Galit na galit siya sa sarili niya, iyak ng iyak. Hindi makakain. Hindi nakatulog. Hindi namin alam kung paano ka niya nahanap pero hindi siya huminto hangga’t hindi ka niya nakikita. Hindi siya perpekto. Hindi rin ideal. Madalas, palpak ang nga decisions niya pagdating sa love, pero mahal na mahal ka niya, Abby. Kung ako sa iyo, hindi na ako mag-aalinlangan pa. Sa iyo lang nagkaganyan yan. Sabi ni Art, handa na rin daw si Jon na ayusin ang sarili niya para sa iyo. Kaya sana, bigyan mo siya ng pagkakataong mas maging mabuting lalake para sa iyo.” Napaka-soft spoken ni Laura at ang ganda-ganda.
“Busugin mo sa sex para mas bumait!” Humahalakhak na pagsingit ni Maggie, ang misis naman ni Bernard. Ang ganda rin niya. Matangkad at mestisahin.
“That too…” Natatawa namang sagot ni Laura.
May kapilyahan din pala sila. Which is kind of cool.
“Kapag nahahalata mong nagpipigil.” Dagdag ni Maggie, “Huwag mo ng pahirapan, ibigay mo na agad ang hilig. You’ll see, parating maganda ang mood at hindi na nakakaisip mangaliwa.” Nakakatawa si Maggie, napaka-pilya.
“Ano ba yan Maggie, puro naman sex ang nasa isip mo!” Sabi ni Laura sa kanya.
“Ito naman!” Sabay palo niya sa balikat ni Laura, “Kunwari ka pa, mahilig ka rin naman.”
At nagtawanan na kami.
“Basta kapag may hiniling sa iyo si Jon.” Si Maggie ulit, “At sa tingin mo ay hindi naman masama, at para sa ikabubuti naman ng relasyon niyong dalawa, huwag ka na magpakipot. Ibigay mo na para wala ng arguments. Mas masarap yata mag-orgasm kesa mag-away ano!”
Pinalo siya ni Laura.
“Tumigil ka nga Maggie, puro kalaswaan ang itinuturo mo kay Abby eh.”
“Hmp.” Pag-nguso ni Maggie kay Laura, “Sorry po Mother Superior. If I know, wet ka na ngayon sa pag-imagine kay Art.”
Sinamaan siya ng tingin ni Laura. Natawa na lang ako. Nakakatuwa si Maggie. She’s actually cool.
Kapwa naman sila may point. May tiwala ako sa mga advices nila, marahil dahil rin sa nakikita kong magandang relasyon nila sa kani-kanilang mga asawa. Susubukan kong wag na muna masyadong kontrahin si Jon. Kung para naman sa kapakanan namin ang iniisip niya, susubukan kong hindi na siya kontrahin pa. At syempre sa sex… susubukan kong ako naman ang mga-initiate minsan. Kung totoo man ang sinasabi ni Maggie na bumabait ang lalaking busog sa sex, hindi naman siguro masamang subukan ko kung gagana yun kay Jon. It is worth a try kung mababawasan ang kasungitan niya at… pambababae.
Grabe. Ang galing ng advice nila. Wala pa kasing 24 hours kita ko na agad ang result. Ako ang nagyaya sa kanyang mag-sex kami last night, at hindi na ako kumontra pa ng sinabi niyang gusto niya akong buntisin. Akalain mong the following day which is this morning lang eh…nag-propose na agad siya sa akin? At so far huh? So far… hindi pa siya nagsusungit ulit. Maghapong maganda ang mood niya which is so unlike him.
“Saan niyo planong magpakasal?” Tanong ng Papa ni Jon. Nag imbita kasi ito ng dinner sa bahay niya.
“Ok lang ba kung ikaw muna ang magkasal sa amin bago ang sa simbahan?” Sagot ni Jon, “Kunserbatibo kasi ang Tita ni Abby, I’m sure hindi niya talaga gusto na nagsasama kami ngayon ng hindi pa kami kasal.”
“Paano ba ang plano niyo?”
“Napag-usapan namin ni Abby na sana ay maikasal niyo kami this coming weekend. Yung sa Church naman ay three months from now.”
“Walang problema kung iyan ang gusto niyo.”
Mabait naman pala si Judge Raul Romero sa personal. Sa Courtroom lang mukhang mabagsik.
“Abby.” Seryoso si Jon habang nagmamaneho pauwi.
“Bakit?”
“May sasabihin ako sa iyo, pero sana huwag kang magagalit. Sana, huwag mong babawiin ang pag-oo mo sa akin. I just need to confess this to you so I can start a clean slate.”
“Ano yun?”
“I dated someone nung dumistansya ako sa iyo ng isang buwan. It only lasted for 3 days pero sinubukan ko yun kasi akala ko kaya kong bumalik ulit sa dati kong gawi. Akala ko… kaya kitang palitan. Aka—“
“I know.”
“Y-You know?”
“Ipinakita sa akin ni Ella yung litrato niyo nung birthday ni Art.”
“H-ha?”
Tumango ako at ngumiti ng bahagya.
“Nasaktan ako at nagdamamdam sa iyo, pero naalala ko rin agad na… ganun ka na bago pa naging tayo. Na kasama yun sa mga nilunok kong hindi ko mababago tungkol sa iyo. Hindi ba nga, natanggap ko rin na isa lang ako sa marami?”
Napansin ko ang kanyang pagbubuntong hininga.
“Hindi na mangyayari ulit iyon Abby. Simula ngayon, hindi ka na isa lang sa marami.” Sinulyapan niya ako, “kung hindi ang nag-iisang nagpatumba lang naman sa marami.”
Huminto kami dahil sa stop light.
“One of my greatest regrets is to ever think I could replace you with somebody else and actually tried to execute it. Pinagsisishan ko ang kataksilan ko sa iyo. Pinagsisihan ko ang kawalanghiyaan ko…ang pagpapabaya ko at kawalang pagpapahalaga ko sa iyo. Gusto kong magsimula ulit para maitama ko ang mga mali ko, Abby. Tama si Art. I am a BROKEN MAN. Kahalintulad ko ang isang basong basag na hindi kayang buoin ang kanyang sarili. Kaya ang lahat ng nagtatangkang humawak sa akin ay nasasaktan… nahihiwa… nasusugatan…”
Nag GO na ulit ang traffic lights. Muli kaming umandar.
“Kaya nga it will really take a person who believes that there’s a hope in me…. kahit na nahihiwa at nasusugatan siya sa pagpulot sa akin. Isang taong katulad mo, Abby. Isang loving at unselfish woman na katulad mo na willing na pulutin ang mga basag na bahagi ko kahit nasasaktan ka. Bagama’t hindi na mawawala ang lamat ko… at least, nabubuo mo akong muli.”
Papaliko na kami sa intersection nang may itim na kotseng nag-cut sa amin. May apat na armadong kalalakihang lumabas doon at sabay sabay na itinutok sa amin ni Jon ang kanilang baril.
“Baba! O pasasabugin namin ang mga bungo niyo!”
Nagpanic ako habang kalmado lang naman si Jon. Hinawakan niya ang kamay kong nanginginig na sa takot. May napansin naman akong red button na pinindot niya sa ilalim ng kanyang kinauupuan at pagktapos ay may maliit na chip na inalagay niya sa kanyang bibig at saka nilunok. Pagkatapos noon ay tiningnan niya ako at sinabihang bumaba na tulad ng inuutos ng mga armadong lalaki.
Nun ko napansin na may paparating na puting van, tumigil ito sa harap, bumukas ang pinto at doon kami ipinagtulakan ng mga armadong lalaki. Pagkasara ng pinto ay doon na kami tinalian at pinosasan.
“Sino kayo? Anong kailangan niyo sa amin?” Mangiyak-ngiyak kong tanong dun sa mga pangit na lalaki.
“Sa iyo wala, pero dito!” Sabi nung isang pangit sabay suntok sa mukha ni Jon, “Meron.”
Nakakapagtakang kalmado lang si Jon at hindi man lang umiimik. Tiningnan lang niya ako habang nangungusap ang mga mata niya na huwag akong matakot.
“Patay ka na ngayon Romero. Katapusan mo na!” Kantyaw nung isa pang pangit.
Bakit ganun? Saan planeta ba sila galing? Bakit ang papangit nila?
Huhuhu…
Alien abduction yata ito waaa…
Saan kaya nila kami dadalahin?
####################################
KABANATA 44
####################################
Jonathan’s POV
Inaasahan ko na ito. Hindi ko alam na ngayon, pero inexpect ko na ito. Nakatakas siya sa koreksyonal, apat na buwan na ang nakalilipas. Simula noon. Pinaghandaan ko na ang pagdating ng araw na ito.
“How’s everything going…” Bungad niya with that smug look on her face, “Son.” Pusturang-pustura, akala mo ay kung sinong donya. May paingles-ingles pa, trying hard naman ang kinalabasan niya.
Sinaksak ko siya ng isang sulyap at pagkatapos ay sinulyapan sandali si Abby na sumulyap din naman sa akin. Mukha namang kalmado na rin siya.
“Nagulat ka ba?” Iniikutan niya ako habang nakatayo ako at nakaposas ang aking mga kamay sa aking likuran. “Akala mo siguro nagtanggumpay ka ng bulukin ako sa blingguan ano?” Huminto siya sa mismong harapan ko kaya’t alam kong kitang-kita niya ngayon ang pag-ngisi ko.
“Bakit, mukha ba akong nagulat…HELEN SEBASTIAN?” Idiniin ko talaga ang pagkakasabi ng kanyang pangalan. Nakita ko naman ang pagkainis sa kanyang mukha, just the way I want it. “Para namang hindi ko alam kung anong kayang gawin ng p*kpek mo para maakit mo kung sino mang gago iyon na nagpatakas sa iyo…”
*PAK* Sinampal niya ako. Pero nginisian ko lang siya. P*TANG INA SIYA… and I literally mean that. Ano ba kasing mali sa sinabi ko? Totoo na man yun ah!
“Hmmm…ang tangkad mo ha?” Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa.
Noon kasi ay mas matangkad siya sa akin. Sampung taon lang kasi ako ng huli kaming magkita ng personal. Ngayon ay hanggang balikat ko na lang siya. “Kita mo nga naman.” Tinaasan niya ako ng kilay, nang tumama na ang kanyang mga mata sa aking mukha, “At kamukhang-kamukha mo pa talaga ang demonyo mong Ama.”
Ngumisi ako, pagkatapos ay tumawa at pakatapos ay humalakhak.
“That made me a pure bred Devil then!” Itinuloy ko lang ang pagkalakhak ko. “Demonyong ama, MAS Demonyang ina, saan ka pa?”
Sinamaan niya ako ng tingin at pagkatapos noon ay nilingon niya si Abby.
“So,” Lumapit siya kay Abby, tinitingnan mula ulo hanggang paa habang iniikutan niya ito, “Ito pala ang napakamalas na babaeng kinalolokohan mo ha? Hmmm….” Huminto ito sa kanang tabi ni Abby, naghalukipkip habang hinihimas ng kanang kamay ang kanyang baba. “Anong klaseng babae ka ba at nagkagusto ka bastardong ito?” Tanong niya kay Abby.
Tumingin sa kanya si Abby, tinaasan siya ng kilay at…
“Sasagutin ko lang ang tanong mo kung sasabihin mo muna sa akin kung… Anong klase kang ina, at nasikmura mong pagmalupitan ang sarili mong anak?”
Nagulat ako sa bangis ng pagkakasabi niya. Bagama’t nagtataka ako kung paano niya nalaman na pinagmalupitan ako noon ng ina ko? Wala pa naman akong sinasabi sa kanya sa bahaging iyon ng nakaraan ko ah.
Napansin ko naman na natigilan si Helen–ayoko ng tawagin siyang ina o mama, masyadong marangal ang mga titulong iyon para sa kanya.
“Aha! At matalas ang dila mo ha…”
*PAK* Sinampal niya si Abby.
Susugurin ko sana siya pero hinawakan ako ng apat sa kanyang mga tauhan.
Humalakhak siya sa naging reaksyon ko.
“Eh ito lang naman pala ang sagot para tablan ka ng takot eh!” Sabay…
*PAK* Sinampal niya ulit ng mas malakas si Abby sa kabilang pisngi. Nagpupumiglas ako pero apat ang nakahawak sa akin kaya’t hindi ako makalapit.
“Sawa na akong saktan ka, ANAK!” Aniya habang papalapit sa akin at hinawakan ang aking baba. Iniiwas ko naman ang aking mukha para kumawala sa hawak na iyon. “Kaya, napag-isipisip ko na… kesa ikaw ang patayin ko sa sakit ng katawan ngayon…eh siya na lang.” Sabay turo niya kay Abby na pulang pula na ang pisngi sa pagkakasampal niya.
“Subukan mo, Helen!” Nanginginig at nanggigigil kong sigaw sa kanya, “Subukan mong lumapat ulit mga kamay mo sa kanya, at ako na mismo ang papatay sa iyong demonya ka!”
Humalakhak na naman siya sabay senyas sa isa niyang mga naka standby na tauhan, na kunin ang kanyang latigong nakapatong lang sa maliit na lamesita sa may sulok ng silid na iyon. Pagkaabot sa kanya nito ay iwinasiwas agad niya ang kahabaan nito at pinakawalan sa hangin.
*Whooooshhhh* *Chhaakhh* Tunong ng latigong pumailanlang sa hangin na pumilantik naman sa sahig.
“P*tang ina mo HELEN! Hayup ka, papatayin kita!!!!!” Sigaw ko, habang inihahanda niya ang sarili para latiguhin si Abby. Nakangising demonya ito sa akin at saka sinenyasan ang kanyang dalawang tauhan na italikod si Abby.
“Hindi naman talaga ito ang plano ko,” Nang-aasar sa hirit ni Helen, “Dahil hindi ko naman alam na may ididamay ka sa paghihiganti ko sa iyo, “Ang plano ko talaga eh, tatapusin ko lang ang hindi ko natapos noon. Mukha yatang, hindi masyadong malakas ang pagkakahataw ko ng baseball bat sa ulo mo, nabuhay ka pa eh. Ang tindi mo anak. Isa ka talagang masamang damo. Ang hirap mong patayin!” Bumaling naman ito kay Abby at, “Handa ka na ba?”
Nakatalikod si Abby sa anggulo namin, kaya’t hindi ko alam kung ano ang reaksyon niya ngayon. Magiyak-ngiyak na ako. P*tang ina! Hindi ko alam ang gagawin ko. Nasaan na ba kasi ang mga pulis at ang mga tauhan ko? Nakapag-send naman ako ng signal bago kami bumaba ng sasakyan kanina ah. Naka-activate din naman ang tracking device na nilunok ko kanina, saan na kayang lupalop sila napunta?
*Wwhhhoooooshhh* *Chhhaackkkhhhh* Unang lapat ng latigo sa likod ni Abby. Kita ko agad ang guhit ng latay sa likuran ng kanyang mga braso. Nakatali rin kasi ang kanyang mga kamay sa kanyang likuran. Nadinig ko ang impit na daing ni Abby. Kaya naman parang tumatagos papunta sa akin ang sakit.
“P*tang ina mo Helen! Papatayin kita!” Sigaw ko habang nagpupumiglas.
Humahalakhak lang naman ang PUTA kong ina habang naghahanda sa susunod niyang paghagupit.
*Whhhooooooshhh* *Chhhacckkkkkhhh* Dumaing ulit si Abby at napaluhod sa sakit. Inulit pa niya ang paghagupit ng marami pang beses hanggang sa mapansin kong nanginginig na sa sakit si Abby. Umiiyak na rin siya at halos sumusob na.
Hindi na ako makasigaw sa sobrang galit. Alam kong nanginginig na rin ang aking buong katawan.
Nang mapansin ni Helen na hindi na ako sumisigaw ay iniabot na niya ang latigo sa isa sa kanyang mga tauhan. Nilapitan ang halos nakadapa ng si Abby at binitbit ito sa pamamagitan ng pagsabunot at paghila niya sa buhok sa likuran ng ulo nito.
Doon na tumambad sa akin ang mukha ni Abby na lunod na lunod na sa sariling luha; matinding sakit at pait ang nakikita ko sa kanyang mukha.
“Mukhang hindi na effective ang latigo eh, kaya eto na lang…” Sinakal niya si Abby gamit ang kaliwang kamay, sabay senyas niya sa isa sa mga tauhan niya na isuot ang brass knuckles sa kanyang kanang kamay. Pagkasuot na pagkasuot niya ng brass knuckes ay sinuntok niya si Abby sa sikmura. Nakita ko ang pagdaloy ng kaunting dugo mula sa bibig ni Abby. Akmang susugod ulit ako nang mabilis na kinuha ni Helen ang baril sa isa sa mga tauhang nasa tabi niya, at agad na itinutok sa noo ni Abby. “Subukan mong lumapit Jonathan!”
Tumulo na ang luha ko. Nanginginig na ang buong katawan ko sa magkahalong galit kay Helen at sobrang awa kay Abby.
Ang hirap palang makita ang taong pinakamamahal mo na naghihirap at nasasaktan pero wala kang magawa.
Sobrang hirap.
Kung pwede lang sana na magpalit na lang kami ng puwesto.
Nagkatinginan kami ni Abby. Sa kabila ng kanyang paghihirap ay nakita kong bumuka ang kanyang duguang bibig at walang tinig na sinabing…I LOVE YOU, kasabay ng pagtulo ng kanyang mga luha. Naluha na rin ako at ibinuka ang bibig ko sa katulad na paraan… I LOVE YOU TOO.
Yun lang at ginulantang kami ng isang Hummer na giniba ang pader ng kinaroroonan namin. Nandito na sa wakas ang aking mga tauhan kasama ang hindi ko mabilang na parak; Naaninag ko rin ang Papa at ang Tito Vince.
Nangatog ang mga tuhod ng mga tauhan ni Helen at walang kahirap-hirap na itinapon ang kanilang mga baril at nagsisuko.
Hah!
Napaghahalata tuloy na puro mga bagito ang mga tauhan ng demonya kong ina.
“Mga duwag!” Sigaw ni Helen sa kanyang mga tauhan at saka bumaling sa akin at, “Hindi ka na muling magtatagumpay na ipakulong ako Jonathan!”
Yun lang at binitbit niya si Abby at itinutok ang baril na hawak niya sa tagiliran nito.
“Pagbabayaran mo ng mahal ang kayabangan mo!” Umiiyak niyang sabi sa akin.
“Maghunos dili ka Helen, huwag mong idamay si Abby. Wala siyang kinalaman dito!” Sigaw ni Papa.
Umiyak lang ng umiyak si Helen. Alam na niya sigurong wala na siyang pupuntahan.
Para namang tambol ang pagtibok ng puso ko habang pinipigilan ko ang hininga ko sa pagtingin sa hawak-hawak niyang baril na nakatutok sa tagiliran ni Abby.
“Magpaaalam ka na sa mahal mo, Jonathan.” Nakangisi siyang parang baliw sabay…
*BANG*
Ipinutok niya ang baril sa tagiliran ni Abby. Kitang kita ko ang pag-iktad ni Abby sa impact ng tama nga baril sa kanyang tagiliran, pati na rin ang pag-agos ng isang bultong dugo mula sa kanyang bibig, bago siya tuluyang bumagsak.
Mabilis ang pangyayari, wala pang dalawang segundo ay itinutok ni Helen ang hawak na baril sa kanyang sariling baba at…
*BANG”
Bumulagta na rin siya sa sahig.
“Aaaabbbbbbbyyyyy!” Sigaw ko. Hindi ko alintanang nakaposas pa pala ako kaya naman napasubsob ako sa tabi ng nakadapang si Abby.
Nakapikit na ang mga mata niya. At napansin ko na kumakalat na sa sahig ang mga dugong nagmumula sa kanya!
Para na akong baliw sa pag-atungal habang tinatawag ang pangalan niya. Umaasa akong magigising siya at imumulat ang kanyang mga mata.
Hindi iyon nangyari.
Naramdaman kong may nagtanggal ng posas sa likod ko. Kaya naman nang makalawala ako ay kinuha ko si Abby at kinalong.
Para akong nabibingi.
Ni hindi ko na marinig ang sarili kong iyak.
Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko.
Isa lang ang sigurado ko
Ang sakit.
Ang sakit, sakit.
Sobrang sakit.
Ito na yata ang pinakamasakit na nangyari sa tanang buhay ko.
####################################
KABANATA 45
####################################
Jonathan’s POV
Hindi lang ako basag. Durog na ako ngayon. Ang sabi nila, kahit anong pilit na buuin ang isang basag na baso ay wala na ring silbi iyon. Kaya’t mas mabuti pang durugin na lamang ito, idarang sa apoy, tunawin at saka ihulmang muli.
Sa bago kong hulma, ay marami akong nauunawaan na ngayon, na hindi ko maunawaan noon.
Dati rati, tinatawanan ko lang ang mga taong sentimental na tulad ni Papa. Na kahit anong pilit kong sabihin sa kanya na humanap na ng makakasama niya nang mawala na si Mama, ay mas minabuti niyang tumanda na lang na mag-isa. Hindi ko noon maintindihan ang kanyang paninindigang ang Mama–Linda, lamang ang nag-iisang babaeng gusto niyang makasama. Na kung hindi rin lang siya. Hindi na lang bale. Pero ngayon. Alam ko na. Naiintindihan ko na. Nauunawaan ko na ang nararamdaman niya.
Bago ko makilala si Abby. Ang lahat ng bagay ay minamaliit ko lang. Kahit nga siya ay minaliit ko rin. Lahat ng tao ay kinakayakaya ko lang. Maging siya ay kinakayakaya ko rin.
Napakadali sa akin noon ang sirain ang buhay ng iba. Napakadali rin sa akin noon ang manakit. Ayoko mang aminin pero…Tama si Helen…
MAYABANG ako.
At ngayon nga’y pinagbabayaran ko ng mahal ang resulta ng kayabangan ko.
“Jon.” Tinapik ni Papa ang aking balikat. Nakatulala na naman pala ako sa kawalan. “Anong plano mo rito?” Ang tinutukoy niya ay ang abo na nasa Urn na hawak-hawak niya.
Tumingin ako sa paligid. Nagsisimula na palang magsialisan ang mga taong nakiramay. Ang naroroon na lang na parang walang balak umalis ay ang aking mga kabarkada; kasama ang kanilang mga asawa at mga nobya.
Lalo akong nahabag sa sarili ko.
“Gustong pumunta rito ni Mike,” Sabi ni Bernard, habang tinatapik ang aking balikat, “Para humingi ng tawad sa iyo, pero nasa kulungan siya ngayon, nahulihan kasi siya ng 4 na gramo ng shabu sa kanyang sasakyan. Hindi muna namin pinyansahan, para matuto ng leksyon.”
Tumango lang ako. Ano pa ba ang sasabihin ko sa asungot na surot na yun? Bahala siya sa buhay niya. Katatawanan na lang siya sa amin. Ang galing umastang kontrabida, parati namang palpak. Palibhasa eh bobo. Tanga. Hunghang. Nagaangas-angasan eh wala namang binatbat. Puro lang siya hangin.
“Jon,” Ang Tita ni Abby, kabuntot ang kanyang mga anak, maliban kay Obet. “Lakasan natin ang ating loob.” Sabay yakap sa akin, yumakap naman ako pabalik at nag-umpisa na naman ang pag-tulo ng aking mga luha. “Alam mo kung saan kami pupuntahan…” Dagdag niya habang naghihiwalay ang aming yakap. “Tutuloy na kami.”
Tumango lang ako at pinagmasdan ang kanilang paglisan.
“Jon…” Si Ella naman. Himalang malungkot ang kanyang mukha para sa akin, “My condolences.” Yayakap sana siya sa akin pero pinigilan ko siya. Ayokong makipagplastikan sa kanya. Kaya naman umalis na lang siya ng tahimik.
Noon ko na napansin na nakapila na pala ang mga tao para isa-isang magpaalam sa akin.
[Author’s Note: Forbidden Love main characters]
“Jon…” Si Samantha, isa sa mga closest Friends–with benefits ko dati. Kasama ang kanyang nobyong si Karl. Umakap siya sa akin, habang kinamayan naman ako ni Karl. Umalis din sila pagkatapos.
Mahaba yung pila. Ang karamihan sa mga nakapila ay ang mga babaeng nagdaan sa akin noon. Ang iba’y nagpapacute, ang iba naman ay nagpaparamdan, ang iba ay nagpapadaplis, habang may ilan din namang nakikiramay talaga.
Nakaalis na rin sa wakas ang mga nakiramay sa akin. Ang natira na lamang ay ang aking Papa, si Tito Vince at ang asawa niyang si Tita Luisa, ang mga kabarkada ko at ang mga asawa’t nobya nila. Silang natural na malalapit sa akin… sila na lang ang narito.
Tahimik akong sumalampak sa couch at sinimulang alalahanin ang kaunaunahang araw na dumapo ang aking mga mata kay Abby.
Nasa office ako ng Tito Vince noon, nang pumasok siya para ibigay kay Tito ang ilang mga papeles na kailangan niyang basahin. Hindi siya nakatingin sa akin, hindi ko alam kung nakita ba niya ako o hindi. Pero isa ang sigurado ko. Tinamaan agad ako. I made myself believe that it was just physical attraction and lust. But the truth is, there is something about her that make me feel excited and frightned at the same time; excited ako kapag nakikita ko siya, through I was too afraid to admit that it was for a reason beyond sex.
Sunod-sunod na ang mga gunita sa aking isipan. Simula sa lahat ng mga alalaalang pinagsaluhan namin. Napapangiti ako sa masasayang alaala, naiiyak naman sa mga pagkakataong nasaktan ko siya at ang sa huli’y ang labis na pangungulila sa kanya, lalo pa’t naalala ko na ipakakasal na sana kami ni Papa kamakalawa.
“Jon, tahan na.” Pag-alo sa akin ni Laura, ang asawa ng aking matalik na kaibigang si Art. Habang si Art naman ay nakatayo sa kabilang tabi ko habang tinatapik-tapik ang balikat ko.
Hindi ko napansin na umiiyak na pala ako, at lahat sila ay nakapalibot at nakatingin sa akin. Masyado na palang napalalim ang iniisip ko, dahil nang tingnan ko ang wall clock, ay isang oras na pala ang nakalipas ng hindi ko namamalayan. Ganito pala ang pakiramdam ng lutang. Yung… ni hindi mo na kontrolado ang sarili mong galaw.
*Krriiinnggg* *Krriinngg* Somebody’s phone was ringing, but I am pretty sure it wasn’t mine.
“Hello?” Kay Tristan pala. “O, Pareng Jason!” Anya, at dun ko lang napansin na bukod kay Mike ay wala rin pala si Jason, ang nandirito lang pala ay ang kanyang fiancé na si Helga. “Oo, nandito…” Sabay sulyap ni Tristan sa akin. “H-ha? T-talaga?” Napatingin ang lahat sa gulat na gulat na expression niya. “Oo, sige. S-sasabihin ko. Sige bye!” At pinindot na niya ang kanyang cellphone at tumingin sa akin.
“Anong sabi ni Jason?” Naatat na tanong ni Luke kay Tristan habang ang lahat ay nag-aabang ng kasagutan.
“Ah eh… J-Jon.” Tiningnan ko lang si Tristan. “Si Jason yun. Mukhang patay daw ata ang cellphone mo kaya ako ang tinawagan niya.” Dinukot ko ang cellphone ko sa bulsa. Nakapatay nga. Nag-lowbatt siguro at namatay na ng tuluyan. “Gusto lang niyang ipaabot sa iyo na…” Inilibot niya ang tingin sa lahat ng naroroon.
“Potang….Tristan, sabihin mo na nga, ano ba yan?!” Naiinip na singhal ni Benj.
“Nagkamalay na daw si Abby.”
Napatayo ako. Parang lumundag ang puso ko, nabuhayan ang buong pagkatao ko. Naglundagan at nag-iyakan ang mga babae, habang niyayakap ako ng mga katropa ko na hindi ko na matukoy kung sino-sino.
“Pinasasabi rin niya na ilalabas na siya sa ICU ngayong hapon kaya pwede na daw siyang tumanggap ng bisita bukod sa mga kamag-anak niya.” Si Tristan pa rin.
Ilang araw din kasi siyang in coma sa ICU. At dahil istrikto ang ospital kung saan siya naroroon, ay walang pinahihintulutang pumasok at dumalaw sa kanya kundi ang kanyang pinakamalapit na kamag-anak. Yun ang dahilan kung bakit wala si Obet kanina, siya kasi ang madalas na nakatokang magbantay kay Abby.
This is one great relief. Ilang araw na rin kasi akong hindi makahinga dahil sa hindi naman ginarantiya ng mga doktor na makakaligtas siya. Marami raw kasing nadamage na tissues and organs sa kanya, kaya initially ay binigyan lang kami ng 20% chance na makakaligtas siya. Halos magdesisyon na nga ang kanyang Tiyahin na isuko na lang siya dahil na rin daw sa wala silang sapat na halaga para ituloy ang pagpapagamot sa kanya. Ako naman, kahit 1% pa yan, hindi ko siya isusuko, at kahit pa maubos ang pera ko ay itutuloy ko pa rin ang laban.
“I am happy for you, Hijo.” Sabay yakap sa akin ng Papa. Hawak pa rin niya ang Urn na kinalalagyan ng abo ni…Helen. “Napagdesisyunan mo na ba kung saan mo ilalagak ang abo ng iyong ina?” Ako lang naman kasi ang natitirang kamag-anak ni Helen. Wala naman siyang mga kapatid at kaanak na kilala ko.
“May kinuha na po akong Columbarium slot sa Manila Memorial Park. Doon ko na lang po siya ilalagak.”
“Sasamahan ka na namin doon, Pare.” Pagprisinta ni Art. Tumango lang naman ako.
Napopoot ako kay Helen. Sinusumpa ko siya. Pero sa sobrang saya ko sa pagkakaligtas ni Abby ay palalampasin ko na lang ang galit kong ito. Kung sa bagay naman ay huli na ito. Marapat lang siguro na magpasalamat pa ako. Dahil pagkatapos ng lahat ng ito, ay habangbuhay na siyang mawawala sa sistema ko. Dapat nga sigurong ibaon ko na rin kasama niya ang galit ko sa kanya… dahil ang galit na iyon ay ang mismong bumasag sa buong pagkatao ko.
Sa bago kong hulma, na ngayon ay buo na at hindi basag, ay kailangang patawarin ko na rin siya. Ito ay para mabawasan na rin ang pait na nakatarak sa dibdib ko ng napakahaba ng panahon. Kailangang palayain ko na ang sarili ko sa matinding pagkamuhi. Para sa akin din naman ito… para hindi na niya ako masasaktang muli.
####################################
KABANATA 46
####################################
Abigail’s POV
Sa wakas. Matapos ang dalawa’t kalahating linggong paglalagi sa Ospital ay nakauwi na rin kami.
“Sino ka? Anong ginawa mo sa Jonathan ko?” Biro ko kay Jon habang buong ingat niya akong inaalalayan pabalik sa kama galing sa banyo. Ayoko kasing magpabuhat na mas madalas niyang gawin.
Paano naman kasi, nakakapanibago talaga siya. Simula ng magkamalay ako, hanggang sa ngayon ay napansin ko na parang nag-complete turn around and demeanor niya. Sobrang sweet, gentle at maasikaso ang Jonathan na kasama ko ngayon. Siya nga ang consistent na nagbabantay sa akin araw at gabi. Halos doon na nga siya nakatira sa Ospital habang naka-confine ako.
“Wala na yun, hindi ka na babalikan ng bastos na yun.” Nakangiti niyang sagot habang itinataas niya ang mga binti ko sa kama.
“Hmp. Kahit bastos yun, mahal ko yun no.” Nakangisi ako. Sinulyapan niya lang ako, bahagyang ngumiti at saka niya ako hinalikan sa noo.
“Hindi ka mahal ng bastos na yun, pero ako mahal na mahal kita, kaya huwag mo na sanang hanapin ang taong wala na.” Sabay hawak niya sa baba ko at hinalikan ako sa labi.
Di pa ba ako kikiligin?
“Wala ka bang trabaho?” Noong isang linggo ko pa gustong itanong yun.
“Ah, yun. Nagresign na ako, dalawang linggo na.”
“P-pero?”
“Wag ka mag-alala Abby, hindi ikaw ang dahilan kung bakit ako nag-resign doon. Matagal ko ng binalak yun, mabuti nga at natuloy na rin. Para naman maka-focus na ako sa mga negosyo natin.”
Ano raw? Negosyo namin?
“Bakit?” Tanong niya nang nahalata niya ang pag-tataka sa mukha ko. “Akala mo ba yung trabaho ko na yun ang bumubuhay sa akin? Kulang pa nga sa mga bisyo ko ang kinikita ko dun eh.” Nakabungisngis siya. “May mga negosyo ako Abby, bukod sa bar at dun sa share ko sa hotel.” Hinaplos niya ng bahagya ang mga binti ko, “May mga tao lang ako na nag-aasikaso ng mga iyon, pero pito ang negosyo natin… bukod doon sa dalawang alam mo na. I just chose to be employed para ma-practice ko ang propesyon ko. But, that’s just about it.”
“Ayaw mo na bang mag-practice?”
“Gusto.” Habang kinukumutan niya ako.
“Gusto mo naman pala eh, bakit ka nag-resign?”
“I just want to take a break for now, get married, have kids, focus on building our family and our own businesses on the side, and then we’ll see, maybe in the future, I might consider practicing again. But for now, I just want to be with you all day, everyday. Thank G*d for internet, mobile phones, and highly qualified and reliable employees, I can be a work-at-home business man.”
O. M. G.
Hindi ko na yata talaga kilala ang Jonathan nasa harapan ko ngayon.
“Hindi naman kaya magsawa ka na sa pagmumukha ko kung lagi na lang tayo magkasama?” Nakangiti ako.
Nakita kong nagbuntong hininga siya, umupo sa kaliwang gilid ng kama namin kung saan ako nakapuwesto ng paupo, at pagkatapos noon ay kinuha niya ang kaliwang kamay ko at hinalikan iyon. Maya-maya pa ay napansin ko na parang suminginghot siya. Itinunghay niya ang mukha niya eventually, at doon ko na nakumpirma na umiiyak nga siya; yun ay habang pigil-pigil pa rin niya ang aking kaliwang kamay na idinadampi at ikinikiskis niya sa kanyang kanang pisngi.
“The old as*hole may… but this Jonathan will never get tired of being with you, Abby. Because unlike the old jerk who was too afraid to care for anybody besides himself and his dick… this new person is madly in love with you and you alone.”
Hindi pa ba ako maiiyak sa sobrang ka-romantiko ng bagong Jonathan na ito? Pinunansan niya ng likod ng kaliwang kamay niya ang aking mga luha, hinawakan ulit ang baba ko, at saka niya inilapit muli ang kanyang mukha para halikan ang mga labi ko. Very passionate ang halik niya at dampi lang. Grabe, kahit sa pag-halik, iba na. Dati-rati, kapag ganito, nakasaksak agad ang dila niya sa bibig ko.
“Pag-galing mo, mahal.” At kinilig naman ako nang tinawag niya akong mahal, “Nagyayaya ang buong barkada ng celebration sa Aklan. Sila na daw ang bahala sa beach wedding natin. Pero siyempre, tuloy pa rin naman ang kasal natin sa biyernes kay Papa, at yung kasal natin sa simbahan dalawang buwan mula ngayon.”
“H-ha? Ilang beses ba dapat tayong mag-pakasal?” Natatawa kong tanong. Hindi na nga yata ito yung kilala kong Jonathan na hindi raw marrying type. Mukha kasing addict naman sa pagpapakasal ang isang ito.
“Tatlo ang naka-linyang date,” Nakangiti niyang sagot, “But who knows? Baka nga kapag nag-honeymoon tayo sa Paris ay magpakasal din tayo dun, o kaya naman ay kapag nag-bakasyon tayo sa Las Vegas, mag-pakasal din tayo ulit.”
Tinaasan ko na siya ng kilay.
“What?” Nakabungisngis niyang tanong, kaya naman nakalabas na naman ang lintek na mga dimples niya.
“OA na yan Jon ha? Hindi na nakakatawa. Hindi naman yung dami ng ulit ng pagpapakasal ang mahalaga, kundi yung, itatagal ng pagsasama.”
“I know.” Sabay kindat, “You can count on me to work on that with you, every single day.” At saka siya tumayo, “O paano mahal, I will just need to check my emails, and sign some papers na dadaanan mamaya ng assistant ko. Nandun lang ako sa library sa kabilang kuwarto. Kapag kailangan mo ako, i-intercom mo lang ako, or text me, or call me through my cellphone, whichever is easier for you. Hindi naman ako mag-tatagal, pero just in case lang na kailanganin mo ako at hindi pa ako bumabalik.”
“Take all the time you need, Jon. Hindi naman ako mabo-bore dito dahil marami akong babasahin,” Sabay turo ko sa mga law books and lecture notes na ipinakuha ni Jon sa mga professors ko. Nakalapag ang mga iyon sa kanang bahagi kama at sa side table sa side ko. ” I have three weeks worth of lessons I need to catch up, you know.” Buti na lang pumayag ang iskwelahan at ang mga professor na ituloy ko ang pag-aaral ko dito sa bahay habang hindi pa ako lubusang gumagaling. Medyo high-profile cases kasi ang mga nangyari sa akin mula pa noong kinidnap ako ng mga Buenaventura hanggang dun sa pagdukot sa amin ng Mama ni Jon; kaya naman they were very considerate about my situation.
“Alright, but don’t strain yourself, your honor!” Biro niya. “Pero ops, may nakalimutan ako… teka.” Lumabas siya ng kuwarto sandali at mabilis ding bumalik dala-dala ang isang leather na messenger bag at ipinatong iyon sa aking mga hita.
“Ano ito?” Tanong ko.
“Brand new yan, kaya lang in-unboxed ko na at inilagay sa bag para ready to use na. Naka-install na rin diyan ang mga kakailanganin mong softwares.”
Binuksan ko ang bag at bumulaga sa akin ang isang itim na ultrabook laptop. Nanlaki ang mga mata ko. Palibhasa eh dukha ako kaya’t ito pa lang ang kauna-unahan kong beses na makakagamit ng ganitong klaseng gadget.
“Nakiusap kasi ako sa mga professor mo na, i-email na lang nila yung mga lecture notes na kailangan mo para mas mabilis. Ibinigay ko na lang yung personal email ko para dun na nila ipadala. Nakalagay na sa sticky note diyan yung username and password ko kaya ikaw na ang bahala. So paano mahal, dun muna ako sa library sandali. I love you.” Sabay halik ulit sa labi ko.
So sobrang excitement ko ay binuksan ko na ito at binuhay. Walastik! Ang pogi naman ng computer na ito. Feeling ko tuloy ang susyal ko na. Nakita kong naka-dikit nga ang sticky note, na may username and password ng email ni Jon, sa computer screen. Kinuha ko yun, binuksan ang browser na naka-default sa email logon at ti-nype doon ang username and password ni Jon.
Pagkabukas ko ng email ay nagulat ako nang may biglang nag-pop up na isang katutak na chat window na parang galing sa iba’t ibang babae, o lalake, o di tiyak… ah basta, ang dami.
On the same screen ay nagtataka ako nang napansin kong kusang may nag-tatype sa chat windows under Jon’s email handle eh samantalang hindi ko naman hinahawakan ang keyboard. Pero hindi naman ako ganun ka shunga para hindi ma-figure out kaagad na baka naka-login din si Jon sa library at siya ang nagta-type sa mga chat windows na iyon. Hindi niya lang siguro alam na mag-lologin ako agad dahil sa dami ng nakahelerang babasahin ko.
With Girl Chatter # 1…
Girl Chatter # 1: Hi Jon, what’s up? Wanna hang out tonight?
Jonathan Romero: Nope.
Girl Chatter # 1: Why not?
Jonathan Romero: I’d rather hang out with my wife.
Girl Chatter # 1: What the eff? You’re married?
Jonathan Romero: Before the week ends. GTG. Bye.
With Girl Chatter # 2…
Girl Chatter # 2: Hi Jon, want to f*ck? It’s been a while…
Jonathan Romero: Make that ‘while’ forever. I am getting hitched.
Girl Chatter # 2: The more we should… more like your last hurrah!
Jonathan Romero: No, thank you. Bye.
With Girl Chatter # 3…
Girl Chatter # 3: Hello lover boy. Kita naman tayo.
Jonathan Romero: No thanks. Bye.
Maya-maya lang ay napansin kong isa-isa niyang tinanggal ang pop-up windows at saka nag-send ng mass email.
(Beginning of email)
Dear Friends and whatnot,
I am so pleased to inform you that this is my one and only email address; there is no other and there will never be another thereafter. I am so happy to announce that I will be sharing this same email address with my wife from now on. Just so you know, that after I gave you this warning and still choose to send me your good ol’ indecent lingos and invites, I will no longer be responsible for what my wife is going to do to you. I do not and will not keep secrets from her, so if you are plotting to use our transparency set-up to mess around and make our life a living hell… you will only be wasting your time.
Thank you for your understanding.
Truly yours,
Jonathan
P.S.
By the way. My WIFE is ARMED and DANGEROUS. She is a SHARPSHOOTER and a Karate BLACK BELT. You don’t really want to make her furious, so please… please be forewarned.
(End of Email)
What the…
Halos mautas ako sa katatawa. Sumakit tuloy ang sugat ko sa kalokohan nitong si Jonathan. At kailan pa ako naging Karate black belter? Bakit parang hindi ko yata alam yun? Haha!
####################################
KABANATA 47
####################################
Abigail’s POV
I don’t know how he exactly held up not having a sex life until we got married for the third time. But all I can say is, this new Jonathan doesn’t seem to mind at all. Ilang beses ko siyang niyaya, pero siya mismo ang nagsasabi sa akin na maghihintay na lang siya until I have fully recovered.
Grabe. Ang ganda dito sa Paris. Trip dito for our honeymoon kasi ang ipinangakong regalo ng aking butihing biyenan sa aming mag-asawa. Yes, I am referring to THE Judge Raul Romero, ang taong kinatatakutan ko noon dahil sa bagsik nito sa courtroom at sa tindi ng background nito sa kanyang propesyon; hindi lang bilang isang hukom, kundi na rin sa kanyang pagiging former hotshot criminal lawyer. Sobrang napapamahal na siya sa akin ngayon, dahil sa sobrang bait naman pala niya sa pribado buhay.
“So paano Mrs. Romero,” Bulong ni Jonathan sa akin habang nakayakap siya sa aking likuran. Narito kami ngayon sa balcony ng hotel na tinutuluyan namin. “Handa ka na bang buoin ang panganay natin dito?” Sabay buong lambing na hinahalikan niya ang kanang bahagi ng aking leeg pababa sa aking kanang balikat.
Humarap ako sa kanya kaya naman sumagad ang tingala ko sa sobrang tangkad niya kumpara sa kabansutan ko. Nahalata niya naman na hindi ako kumportable kaya naman binuhat niya ako ng paharap sa kanya habang iginiya niya ang aking mga binti na ipulupot sa bewang niya; ipinulupot ko na rin naman ang aking mga braso sa kanyang leeg. Nang magkatapat na ang aming mga mukha ay buong lambing niya akong hinalikan.
Ibang-ibang na nga talaga ang Jonathang asawa ko na ngayon, sa Jonathan na on and off na nobyo ko noon. Iba na ang kanyang mga halik. Iba na rin ang kanyang mga yakap. Kahit sa kama iba na rin. Hindi na siya nagmumura, dahil doon ay hindi na rin ako makapag-mura. Feeling ko tuloy I am currently having sex with a completely different man.
Kung noon ay halos laspagin na niya ang katawan ko sa panggigil niya; ngayon, he takes time to worship me from head to toe. Lahat na yata ng parte ng katawan ko ay hinahalikan niya, pati na rin nga ang kili-kili ko hindi pinatawad (buti na lang wala akong madilim ba sikreto haha). Sa una, akala ko made-deminish yung dati naming sexual satisfaction, but I found myself surprised na parang dumoble pa nga yata ang sarap. Bawat pagdadampi ng aming mga balat ay parang may kuryente; sa mga halik at haplos niya pa lang ay nag-oorgasm na ako.
“I love you, Abby…” Bulong niya sa tenga ko habang dahan-dahan siyang nag-eentrance dun sa you know where ko. Pati pag in and out niya sa akin may halong lambing na, may pakagat-kagat pa siya ng labi habang nakapikit ang kanyang mga mata. “Uhhhh… uuuuhhhh, Abby….” Mahina pero buo ang pag-ungol niya.
My golly, I have never felt this good in the entirety of our sex lives.
“Jon… ang sarap.” Bulong ko sa kanya. Hindi ko na mapigilang sabihin.
Ngumiti siya at hinalikan ako sa labi. At pagkatapos noon ay bumilis ang kilos niya. Nag-labor ang kanyang hininga habang ako naman ay nawala na sa aking sarili.
“Joooonnn, f*ck!” Sigaw ko.
“Shhhhh…. ” Bulong niya at lalong tinindihan at binilisan ang kilos niya.
“Jooonnnn….” Ungot ko.
“Ahhh…ahhh….ahhhh…ahhhh!” Tumitirik-tirik pa ang mga mata niya. “Abbyyyy… ahhhhh…. ahhhh… ayan na ako! Ummmhhhh! Hahh! Ahhhhh! Ahhhhhhhhhhhhh!”
Oh wow. Nabuo namin ang isang quality round na ako lang ang medyo nakapag-mura.
“Hindi mo na ba trip mag-mura?” Tinanong ko na, habang magkatabi kaming nagpapahinga matapos ang aming mahaba at mainit na aksyon.
“Ewan ko. Hindi na siguro.” Sabay halik niya sa noo ko, “Hindi na kita kayang murahin, mahal ko. At parang ayoko na ring magmura. Siguro… dahil masayang-masaya na ako. Wala na akong dahilan para magmura. Siguro, kapag napag tripan ulit nating pareho someday… pero hindi ngayon. Kung ako ang masusunod, ayoko na munang magmura. Lalo pa at binubuo natin ang panganay natin.”
Oh shet… ewan ko kung anong meron sa sinabi niya pero na-on ako, kaya naman umibabaw ako sa kanya at pinaghahalikan siya from head to toe; tulad ng ginawa niya sa akin.
“Abbyyyyy…” Ungol niya habang gumigiling ako sa ibabaw niya. Hawak-hawak ng magkabilang kamay niya ang aking bewang. “Ahhhh….ahhhh!”
Pagkatapos noon ay ibinaligtad niya ako at pinasok from behind.
“Jooonnnn!”
Hindi kami nagtagal sa ganung position dahil sandali lang ay kumubabaw siya sa akin, pinaghiwalay ang aking mga hita at gumiling sa gitna. Sa una ay dahan-dahan, pero unti-unti itong bumibilis at tumitindi.
“Ahhh…ahhhh….ahhhh…ahhh! I love you Abby.”
“I love you too, Jon.”
Matagal-tagal din naming ninamnam ang naghuhugpong naming katawan, bago kami sabay na nakarating sa ikapitong langit.
Holy sweat.
Daig pa namin ang tatlong oras na nagwork-out sa pawis na bumalot aming mga balat.
“Mahal,” Ungot niya habang ako naman ay antok na antok pa. Umaga na pala. Napasarap yata ang tulog ko sa tindi ng mga ginawa namin kagabi. “Pasyal and shopping time!” Tatawa-tawa niyang bulong.
“Pasyal na lang tayo Jon, alam mo namang hindi ako mahilig mag-shopping.”
“I know, pero kasi minsan lang naman tayo magagawi dito kaya we might as well grab some stuff na hindi nabibili o mahirap hanapin sa Pilipinas.”
“Hmp. Ayoko lang naman na mag-bago ako ng lifestyle, porke’t isang ubod ng guwapong multi-milyunaryo ang nabulag sa kagandahan ko ano.” Natatawang biro ko sa kanya.
“Ikaw,” Sabay kiliti sa akin, “Binobola mo pa ako ha. Hindi ako nabulag. Malinaw na malinaw ang paningin ko nang mabighani ako sa kagandahan mo…naks! Ok ba ang pananagalog ko?” Tumataas baba pa ang kilay ng poging lolo niyo.
“Hmp. Maligo na nga tayo para makapagbihis na.” Sabay bangon at lundag ko pababa sa kama.”
“Hey!” Sabay habol niya, “Sabay na tayo!” At hinabol niya ako ng kiliti papuntang banyo.
Sa haba ng binti niya, paano ba namang hindi niya ako aabutin. At siyempre, dahil perfect moment na naman, natural na nag-ano na naman kami dun.
Isang linggo kami sa Paris, at sa bawat araw ng isang linggong yun, eh yun lang ang pinaggawa namin ni Jon. Relax, pasyal, shopping, kain, uwi, ligo at siyempre… sex. Ang sabi ko nga sa kanya eh… kapag hindi pa naman kami nakabuo nitong buong linggong ito, eh ewan ko na.
“Kamusta ang honeymoon?!” Kukurap-kurap na tanong ni Maggie.
Nagsama-sama na naman kasi ang buong barkada na kasama kaming mga asasawa at mga nobya. Dalawang buwan na ang nakalipas nang dumating kami galing Paris, pero dahil madalang kami magkita, ay ngayon lang kami nakapagkuwentuhan ulit.
“Ok naman. Ang ganda dun, pero iba pa rin ang Pilipinas. Mas gusto ko dito. Mas at home ang feeling ko.”
“Hmmm… wala pa bang laman yan?” Tanong ni Laura, sabay turo sa puson ko.
“Ewan ko nga ba? Sana nga, pero wala naman akong nararamdamang kakaiba. Hindi ba kapag buntis, may morning sickness at naduduwal? Wala naman akong nararamdamang ganun kaya…. baka wala pa. Susubok na lang siguro kami ulit.”
“Hoy, wala rin naman akong naramdaman noong ipinagbubuntis ko si Paulo at Patrick.” Si Laura yun, tinutukoy niya ang mga anak nila ni Art na parehong lalaki. “Hindi ko naranasan yang duwal-duwal at paglilihi stage. Normal lang, parang wala bukod sa paglaki ng aking tiyan.”
“Iba-iba naman kasi ang pagbubuntis, Abby. Noong ipinagbuntis ko si Andre,” Tinutukoy ni Maggie ang panganay nila ni Bernard, “Hirap na hirap ako, pero dito sa pangalawa, hindi naman.”
Nagkatinginan kami ni Laura sa huling sinabi niya.
“Buntis ka?” Nagduet pa talaga kami ni Laura.
Tumango lang si Maggie kasabay ng ear to ear na ngiti.
“Alam na ng asawa mo?” Tanong ni Laura.
“Oo naman.” Sagot niya kay Laura, “Alam mo Abby, halika…” Pagbaling niya sa akin, “May extrang pregnancy test kit ako dito, kung gusto mo i-check na natin… wala namang mawawala kung hindi pa talaga eh, pero kung meron, aba… eh this is the perfect time to celebrate dahil magkakasama ang tropa nila. O ano? Halika, punta tayo dun sa bathroom.”
Dahil persuasive si Maggie, pumayag ako. Tutal, kaming tatlo lang naman ang makakaalam kung ano man ang result. Pinainom nila ako ng tubig, para daw mapa-ihi ako; kailangan daw kasi ng urine sample para ma-test kung buntis nga ba ako o hindi. Wala naman kasi akong nararamdamang kakaiba kaya medyo wala akong inaasahang positive na resulta.
Nang napapa-ihi na ako ay binigyan ako ni Maggie ng instruction kung paano ang gagawin ko, at pagkatapos ay binilinan nila ako pareho na lumabas din ako agad para sabay-sabay naming malaman ang result. Hindi naman sila masyadong atat, hindi ba? Pero paano ko naman mapipigilang hindi tingnan ahead of them ang result, eh samantalang hindi ko pa naisusuot ng pabalik ang pants ko eh lumabas na ang mga linya na may corresponding meaning. Kapag isang guhit daw, negative. Kapag dalawa, positive. Eh alangan namang magmadali ako sa pagsasara ng ply ko para lang hindi ko makita na…. dalawang linya.
Dalawang linya?
DALAWANG LINYA?
“OMG!!!!!!!!!” At nag-duet pa talaga sa pagtili si Maggie at si Laura habang papabalik kami sa grupo. Tulad ng sinabi ko, hindi naman sila masyadong atat kaya naman sila ang nauunang tumitili at naglulundag; habang ako naman ay napapailing lang na sumusunod sa kanila.
“Anong meron?” Tanong ni Art kay Laura.
Imbis na sumagot ay tumagos ang tingin nito kay Jonathan na katabi lang ni Art na noong moment na yun ay nagsasalita dahil nakikipagkuwentuhan siya kay Jason at Bernard.
“Bakit hindi si Abby ang tanungin natin?” Sabay lingon ni Laura sa akin.
At doon na binalot ng katahimikan ang kapaligiran. Maging si Jon ay napahinto sa pagsasalita at napalingon na sa gawi ko.
“Ano Abby, sabihin mo na.” Nakangising sambit ni Maggie sabay ibinunggo niya ng bahagya ang balakang niya sa balakang ko.
Napapasulyap ako kay Jon na nag-uumpisa ng kumunot ang noo. Parang nag-aalala pa ito na tumayo sa kinauupuan niya para lapitan ako.
“Is there anything wrong?” Tanong niya habang sinasapo niya ng magkabilang kamay niya ang aking mukha.
“Wala naman, Jon.” Napasulyap ako kay Maggie at Laura na kumakaway-kaway na sabihin ko na raw. “A, eh… ano kasi eh.” Bigla naman akong naconscious nang mapansin kong nakatingin silang lahat sa akin.
“Ano yun?” Lalong nadagdagan ang pag-aalala sa mukha niya.
“Ano kasi eh… I-Im… I’m pregnant… Jon.”
Nakita ko ang unti-unting panlalaki ng kanyang mga mata, na nauwi sa pagbuhat niya sa akin, at sa pagsisigaw sa kanyang mga kabarkada na MAGIGING TATAY na daw siya. Naghiyawan naman at nagpalakpakan ang lahat.
Man! He’s one happy Dad.
####################################
KABANATA 48
####################################
Jonathan’s POV
Ganito pala kapag masaya ka, parang dumadaan lang ang panahon. Tatlong buwan matapos sinabi ni Abby na magkakaanak na kami, ay hindi na ako makapag-hintay na masilip siya sa loob ng tiyan ni Abby. Mas curious ako kung babae ba siya o lalaki at kung ayos lang ba siya dun sa loob. Kaya naman hindi maaring hindi ako kasama sa pag-ultrasound sa tiyan ni Abby.
“Congratulations Mr. and Mrs. Romero, I can see two heartbeats,” Sabi ng ultrasound technician habang itinuturo sa amin ang dalawang heartbeats na tinutukoy niya.
Huh? Ibig sabihin ba nun dalawa ang puso ng anak ko? Oh no!
“B-bakit two hearbeats? Bakit ganun? May problema ba sa puso ng anak namin?” Nag-aalala kong tanong. Napansin ko naman na parang natatawa si Abby sa akin.
“Naku hindi po… ang ibig ko pong sabihin ay kambal po ang anak ninyo. Dalawang baby po ang nasa tiyan ni Misis.”
Napangaga na lang ako sa tuwa. Nakadalawa agad kami? Wow, ang galing naman namin!
“Malalaman na ba namin kung babae o lalaki ang mga anak namin?” Kukurap-kurap kong tanong.
“See this Mr. Romero?” Sabay turo isang bahagi ng black and white screen, “And this?” Turo sa isang pang bahagi. Pero hindi ko ma-get. Puro guhit-guhit lang naman kasi ang nakikita ko eh.
Pinagtatawanan na nga yata ako ni Abby na alam kong pinipigilan lang niya habang nakahiga siya. Pakiramdam ko tuloy ay ang tanga-tanga ko. Eh sa Abogado ako at hindi ultrasound technician, kaya hindi ko alam kung ano ba yung mga nakikita niya.
“I don’t see anything, I’m sorry. Wala bang mas malinaw diyan. Wala bang colored o 3d?” Reklamo ko.
“We will get the 3d pictures after this pero yung mga tinuturo ko po eh yun yung sex organs ng mga babies niyo.”
“Ano na nga? Mga babae ba o mga lalake?”
Diyos ko tulungan niyo ako, kapag mga babae, baka himatayin ako sa dami ng atraso ko.
“Fraternal po ang babies niyo. Isang babae, isang lalake.”
Nakita ko ang pag-nganga ni Abby at maluha-luhang tinakpan ng dalawa niyang kamay ang nakanganga niyang bibig. Agad ko naman siyang hinalikan sa noo.
Wow! That was a pleasant surprise. Sobra ang saya ko.
“I’m happy for you, Pare. Ang tindi mo, dalawa agad. At babae at lalake pa ha?” Sabay yakap sa akin ni Art nang dinalaw niya kami dito sa bahay. Mag-isa lang siya. “Gusto ni Laura na magkaroon kami ng babae, puro barako kasi ang nabuo namin eh, pero natatakot siyang magbuntis ulit at pagtapos eh lalake din daw pala ulit. She said she had enough testosterone in the house, hindi na daw niya kaya ang isa pa.” Sabay halakhak.
“Salamat, pare. Pero paano naman kayo makakababae kung hindi naman kayo magbabaka sakali ulit?”
“Ewan ko dun… gusto ko pero parang nagdadalawang isip siya. Eh hindi naman ako ang maghihirap magbuntis at manganak kaya’t ayaw ko siyang pilitin.” Natatawa siya. “Mabalik nga tayo sa inyo.” Dagdag agad niya, “You really look great pare. That’s not to say that you don’t look great before, what I mean to say is… maaliwalas ang mukha mo ngayon, you look very happy. Mukhang masaya rin si Abby the last time I saw her. You finally succeeded to put sparkles in her eyes. Your businesses are doing good. You are having 2 babies coming up at the same time. What else can you ask for?”
Natahimik ako. Sa finances, family life and love life… wala na nga siguro akong mahihiling pa. I have never been this happy in my whole life. Pero alam ko, sa sarili ko, na mayroong isang bahagi pa ng buhay ko na hindi ko pa nahahanapan ng sagot
“Actually pare, meron pang isa…” Siryoso kong sinabi sa kanya.
“Ano yun?”
“M-may mga tao akong matagal ko ng hinahanap, pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin sila nakikita.”
“Ang biological father mo?”
“Hindi. Matagal ko ng alam kung nasaan ang tunay kong ama. Nasa Amerika na ulit. May pamilya pala ang tarantadong yun. May mga anak na mas matatanda pa sa akin. Hindi siya ang hinahanap ko.”
“Eh sino?”
“Yung Pulis na tumulong sa akin para mapunta ako sa poder ng Mama at Papa. Hindi ko kasi maaalala ang pangalan niya. Parang alam ko ang pangalan niya noon. Pero kahit anong gawin kong pagpiga sa utak ko ngayon ay hindi ko maaala kung anong pangalan niya. Si Mama kasi ang nakakakilala sa Pulis na iyon, sa pagkamatay ng Mama bago pa man ako tuluyang gumaling, hindi na ako nagkaroon ng pagkakataong tanungin siya kung sino ang Pulis na iyon. As you already knew, may maliit na part pa rin sa nakaraan ko ang hindi ko talaga totally maalala, mukha lang ang naalala ko sa Pulis na yun. Mukha niya at nung mag-ina niya. Nakilala ko kasi sila noong mga panahong nagkaraoon ako ng temporary amnesia dahil sa head injuries na tinamo ko sa kamay ni Helen. Isa pa, sa sobrang tagal na nun, nag-aalala ako na baka iba na rin ang itsura nila ngayon.”
“Paano nangyaring naalala mo ang mukha pero hindi ang pangalan? Gaano katagal mo na sila hinahanap? At if ever man na makita mo sila, anong plano mo?”
Nagbuntong hininga ako.
“Yun nga rin ang hindi ko maintindihan. Simula noong unti-unting nagbalik ang alaaala ko nung highschool pa tayo, ay nag-umpisa na akong hanapin sila. Gusto ko silang makita kasi gusto ko silang pasalamatan. Dahil kung hindi dahil sa kanila, malamang patay na ako o kaya naman eh palaboy. Sila ang kauna-unahang nagligtas sa akin. Kung nasaan man sila ngayon, sana ok lang sila. Utang ko sa kanila ang buhay ko ngayon.” Naiiyak na ako. Tinapik-tapik naman ni Art ang balikat ko. “Hindi ako lubusang matatahimik hangga’t hindi ko sila nakikita at nasisigurong nasa mabuti silang kalagayan. Gusto kong ibahagi sa kanila ang kaginhawahang tinatamasa ko sa ngayon, Pare. Pero hindi ko alam ang gagawin ko, hindi ko alam kung papaano ko sila mahahanap.”
Nagbuntong hininga si Art.
“Kung hindi sila mahanap ng isang Jonathan Romero, mas lalong hindi sila mahahanap ng isang katulad ko. Sana nga lang, alam ko kung paano ka matutulungan, Pare.”
“Huwag mong intindihin yun Art. Problema ko yun, kaya’t ako ang dapat lumutas nun.”
“By the way… nasaan si Abby?”
“Natutulog sa kuwarto. Napagod sa pagbabasa. Finals na nila next week. And by next month, gagraduate na siya.”
“Bilib din naman ako diyan sa asawa mo, determinado talagang maging abogado.”
“Oo. Bilib din ako. I wasn’t that determined before. Ang tamad ko nga eh.”
“Eh dun naman kami bilib ng tropa sa iyo Pare… hindi namin alam kung paano ka napasama sa dean’s list eh ang tamad mo ngang mag-aral nung kulehiyo. Puro nga pambabae ang inaatupag mo nun eh. Tapos a week before your bar exams eh, wala ka ng ginawa kundi magbulakbol, pero pumasok ka pa rin sa top 20. Tamad ka nga pare, pero magaling yang ulo mo. Yun, ang totoo.”
Napailing na lang ako sa pamumuri ng bestfriend ko. Mabuti naman at pinupuri na niya ako ngayon. Mas madalas kasi noon, ang inaabot ko lang sa kanya ay katakot-takot na sermon.
“O, ano ito?” Tanong ko kay Abby nang may napansin akong mga asin na nakabudbod sa mga gilid ng mga bintana. Kagagaling ko lang sa business engagement na kinakailangan ng personal attendance ko.
“Hay naku Jon, huwag ako ang tanungin mo, yung mga kabarkada mo ang may pakana niyan. Ginanyan din daw nila yung bagong bahay nina Maggie at Bernard dahil buntis din si Maggie.”
“Sinong barkada?”
“Eh sino pa eh di yung apat na weirdo mong friends. Si Doc Jason, si Tristan, si Benj at si Luke. Dito nga sila nananghalian eh.”
“Para saan daw ito?”
“Pangontra daw sa Aswang.”
What?!
“Naniniwala ka ba sa Aswang?” Tanong ko kay Abby.
“No.”
“O, eh bakit ka pumayag?”
“Eh baka magsipagtampo pa eh. Pinabayaan ko na lang, wala naman kasing nawawala kung hayaan ko lang ang mga asin na yan. Hindi naman halata sa malayo eh.”
“Eh ano naman yun?” Sabay turo ko sa parang kwintas na may mga puting…. ewan ko ba kung beads yun…. hindi ako sure. Medyo malayo kasi eh. Nakasabit iyon sa doorknob ng kuwarto namin.
“Ay yan? Bawang yan, galing kay Helga. Ilagay ko raw sa pinto ng kuwarto natin. Pangontra din daw sa mga aswang.”
Sigh. Diyos ko. Kung bakit ba naman kasi nang nag-distribute ka ng mga weirdos na kaibigan… apat agad ang ibinigay mo sa akin.
####################################
KABANATA 49
####################################
Jonathan’s POV
“Pambihira naman kayo mga Pare,” Reklamo ni Bernard sa apat na weirdo, “Hindi naman yung paglalagay niyo ng mga pangontra sa mga sinasabi niyong Aswang ang inirereklamo ko, kundi yung, bakit niyo naman tinakot si Maggie ng ganun? Hindi tuloy siya makatulog at laging paranoid na baka raw may nagbabantay at nagmamasid sa kanyang impakto.”
Napansin ko ang pagtitinginan ng apat na para bang meron silang gustong sabihin na hindi nila masabi-sabi.
“Pasensya na Bernard,” Mukhang si Luke ang napili nila ngayong spokesperson. “Hindi naman namin intention na takutin si Maggie. Pre-caution lang kasi…” Tumingin ito sa tatlo na nakatingin din lahat sa kanya na parang may iningunguso sa kanya, “Ah basta, mabuti na ang nag-iingat.” Baling ulit nito kay Bernard, “Ang mali nga lang siguro namin eh, ipinaalam namin kay Maggie yung ginagawa namin. Paano naman kasi, mas malaki na ang bahay niyo ngayon, mas naraming sulok na kailangang…” Tumingin ulit ito sa tatlo, nakita ko si Benj na iginagalaw ang index finger niya sa leeg niya na parang sinasabi nito na CUT IT OFF, “Ahm… actually Bernard, ginawa rin namin ito sa panganay mo noon ang kaso nasa condo lang kayo kaya mas madali naming nalagyan ng hindi niyo alam. Sorry pare. Nag-iingat lang.”
Nakita ko namang napapikit si Bernard habang umiiling-iling at pagkatapos ay tumingin ito sa akin. Cue ko na yata yun para magsalita ako.
“Bakit ba paniwalang-paniwala kayo sa ganyan? Kulehiyo pa tayo eh parang ginisa ang apartment natin dahil sa mga kung ano anong ibinubudbod ninyo sa mga pinto at bintana?” Tanong ko sa apat.
Nagkatinginan silang apat at wari’y nakikiramdam sa isa’t isa kung sino ang gustong sumagot sa tanong ko.
“Naniniwala kami kasi totoo.” Si Benj ang nag lakas loob. “Alam naming hindi kayo naniniwala, pero hindi naman kayo ililigtas ng hindi niyo paniniwala. Ang mga Aswang ay hindi parang mangkukulam na nawawalan ng kapangyarihan sa hindi niyo paniniwala. Umaatake ang Aswang, maniwala man kayo sa kanila o hindi.”
“Katulad na lang ngayon,” Pagsingit ni Luke, habang tumitingin sa kesame, “May nagmamasid sa atin. Hindi kasi namin nalagyan ng proteksyon ang itaas dahil ayaw ni Maggie.” Nandito kami sa bagong bahay ni Bernard. “Mabuti nga hindi tumutol si Abby,” Sabay tingin sa akin, “Na lagyan namin ang bawat sulok ng bahay niyo, Jon. Pero dito…” Sabay tingin ulit sa itaas, “Dito may butas na pwede silang makalusot.”
Napatingin si Bernard sa akin, napakibit-balikat lang ako. Ano ba ang magagawa ko, kung mas accommodating at relax lang ang Misis ko. Kahit hindi naniniwala, eh hinayaan lang niya ang kalokohan ng mga weirdong ito at pinakain pa ng tanghalian. Saan pa kayo?
Sasagot pa sana si Bernard nang may narinig kaming kalabog sa bubungan. Nagkatinginan lang kami saglit at saka nauna nang tumakbo si Bernard paakyat ng second floor ng bahay nila; sumunod naman kaming lima.
Sumalubong naman si Maggie sa amin na buhat-buhat ang kanilang panganay na si Andre. Nanginginig ito sa takot.
“Anong yun?” Tanong ni Bernard.
“M-may nakita akong maitim na lalaki na naka-upo dun sa may balkunahe. Pero madilim na kaya’t hindi ko alam kung saan siya nagpunta. Tumalon siya sa bubungan sa itaas.” Umiiyak na ito.
Noon na kami nagkatinginan ni Bernard at sabay na nilingon ang apat; sabay-sabay naman silang nagkibit-balikat.
“Just go ahead mga Pare. Ilagay niyo na kung ano ang gusto niyong ilagay.” Sabi ni Bernard sa apat habang pasulyap, sulyap sa akin.
I can’t believe that after all these years ng ka-weirduhan ng apat na ito, ay we will end up biting to their mythical beliefs.
“Sasakyan ko na lang…”Bulong ni Bernard sa akin, Habang pinapanood yung apat na nagbubudbod ng kung ano-ano sa mga gilid-gilid. “I’m still not convinced. Maggie might just have imagined that because of the paranoia these guys put her into. Baka magnanakaw lang.”
“Magpalagay ka kaya ng alarm systems and security cameras,” Suggestion ko, “Sabihin na nating hindi Aswang yun, na baka magnanakaw lang, you still have to protect your family either way. Yan, si Tristan o, yun ang negosyo niya, bakit hindi mo kontratahin. Siya ang naglagay dun sa bahay ko last year eh.”
“Mabuti pa nga siguro.”
Umuwi din ako agad, medyo nga madilim na. Though kampante naman ako sa bahay dahil maraming nagbabantay kay Abby, eh iba pa rin kung ako ang nandodoon.
“Anong napag-usapan niyo? Nagalit ba si Bernard?” Tanong ni Abby habang naghahanda kami para matulog.
“Hindi naman. Cynical lang siya tulad ko.” Sumampa na ako sa kama at tinabihan ang mahal kong asawa.
“It’s the thought and the pure intentions that counts Jon. Kahit hindi tayo naniniwala, wala namang masama na iappreciate natin ang ginagawa ng mga kaibigan natin para sa atin. Concerned lang naman sila kaya sila nag-aabala eh.”
“Buti hindi ka natakot. Si Maggie daw kasi nagpapanic na.”
“Sa dami ba naman na real-life horror na nangyari sa buhay ko, matatakot pa ba naman ako sa mga ganyan? Mababait naman yung mga kabarkada mo eh, weird lang. They, or whatever they say, don’t scare me at all.”
Naks. Ang bait talaga ng Misis ko. At grabe, kahit malaki na ang tiyan niya, ang ganda pa rin niya. Hindi ko tuloy maiwasang mapatanga.
“Hoy Jon, baka matunaw na ako niyan!” Sabay yug-yog niya sa akin. “Kaya ka ba nakatitig ay gusto mo?”
Napakunot ako.
“Gusto ko ng alin?”
“Hay naku Jon, guwapo ka na kaya huwag ka na magpa-cute. Maglilimang buwan pa lang naman ang tiyan ko at hindi naman ipinagbawal ng duktor ang sex kaya huwag ka ng magtiis diyan.” Tatawa-tawa niyang… ewan ko ba kung biro yun o kung seryoso siya. Pero nakuha ko rin at last ang ibig niyang sabihin.
Susugod na sana ako nang biglang pumasok naman sa isip ko yung nangyari noon kay Bernard at kay Maggie. They did “it” noong buntis pa si Maggie sa panganay nila, but Bernard end up stuck while Maggie was on labor. Pinagtawanan ko pa naman siya noon, natatakot tuloy ako ngayon na baka ma-karma ako.
“Ahm, ano kasi Abby… wag na lang muna. Makakapaghintaynaman ako.”
Really, Jon?!
“You mean you can wait 5 more months plus 6 to eight weeks after I give birth?”
Ulk. Ganun katagal?
“A… eh..” Napakamot ako.
“That’s perfectly fine with me, Jon. Ikaw lang naman ang inaalala ko eh. Good night!” Sabay higa at tumagilid ng patalikod sa akin. Ops, mukhang na offend ko ata ang misis ko ah. Hindi man lang kasi humalik.
“Mahal?” Bulong ko mula sa likuran, sabay haplos ko sa baby bump niya.
Hindi siya umimik. Naku. Mukhang nagtampo nga.
“Mahal naman, huwag ka na magtampo,” Sabay baon ko ng mukha ko sa kanyang kanang leeg, habang hinihimas ko pa rin ang baby bump niya. “Nag-aalala lang naman kasi ako na ma-karma ako. Tinawanan ko kasi si Bernard noon nung na stuck siya sa ano ni Maggie habang nag-aano sila while she was pregnant.”
Hindi pa rin siya kumikibo. Argh. Anong gagawin ko?
Ah… alam ko na.
“Ummmmmhhhhh.” Ungol niya. The power of my tongue, never failed me. Sinasabunutan na niya kasi ako habang lalo pa niyang iningungudngod ang mukha ko sa ano niya. She’s very wet even before I tasted her there, kaya naman pala medyo naa-upset siya sa pagpapa-cute ko.
Kinakabahan pa rin akong mag-grand entrance, pero bahala na, hindi ko na rin kaya eh.
“Ahhhhh… ahhhh..!” Natutukso akong mag-mura. Ang sarap eh.
“Jonnnn…” Daing ni Abby. “P*tang ina mo Jon ohhhhh!”
Arrrgggghhh! Nag-mumura siya, gusto ko rin pero kailangan kong manindigan na hindi na muna ako magmumura grrrr!
“Ohhhhhhh shiiiiiitttt Jon! P*tang ina mo!” Nang iniangat ko ang balakang niya at isinagad ang akin.
Ano ba Abby? Huwag mo akong tuksuhing mag-mura. Grrrrrrr!
“Ahhhh… ahhhhh….ahhhh… Puuuu…” Ang hirap magpigil. Zip it Jon, ZIP IT!
“Say it Jon…”
Argh. Tinutukso niya ako ahhh!
“Abby, please huwag kang ganyan… ahhhh! Ayoko munang mag-mura eh ahhhh!”
“Bakit ba? Eh tayong dalawa lang namang ang nakakarinig? Ohhhhh! Shit Jon, ang galing mo! Ohhh. Ummmmmhhhhh!”
“Mahal naman eh… Ugggghhhh!”
Dahil doon ay hinila niya ako sa likod ng leeg para mailapit niya ang bibig niya sa aking tenga.
“I want to hear it…” Bulong niya.
Ghhhhaaah!
“Sige na Jon… Sige na Mahal…Ummmhhhhhh!”
Argh. Malapit na yata ako. Konti na lang Jon. Huwag kang magpadala sa tukso.
“Sige na pleaseeee….”
“Puuuuu….”
“Sige na pleaseeee…”
“Puuuuttttt…uggghhhh…” Malapit na Jon, huwag kang bibigay!
“Sige na mahal….ohhhh.”
“Puuuttttt….”
“P*tang ina Jon kapag hindi mo itinuloy yan bibitinin kita!” Sigaw niya.
Hindi pwede… kaya mo yan Jon! Malapit na…. malapit na… ayan na!
*PLOK*
Huh?
Nabunot. Itinulak ako ni Abby.
Noooo……
“Sasabihin mo ba o mamatay ka sa bitin!” Galit niyang singhal.
Hinila ko ang mga binti niya at ipinuwesto ko ulit ang sarili ko.
“Huwag ka namang ganyan Abby…” Sabay entrance ulit.
*PLOK*
Argh! Pumalag siya. Noooooooo… not now!
“Ayoko na!” Sabay alis niya sa kama.
Nooo… bitin na bitin ako… anong gagawin ko?
“Abby naman eh…”
“Ayoko!” Para siyang batang nagmamaktol na humalukilip sa harap ng tukador.
Lintek na buhay, ang sakit ng puson ko.
“Abby!” Kunyari ay galit ako.
Ngumuso lang siya.
“ABBY!” Nilakihan ko ang mga mata ko.
Binelatan lang ako at umirap.
“P*tang ina Abby, kapag hindi ka lumapit dito, diyan kita k*k*ntutin!”
Ops.
And then there was her evil grin.
Nooooooo!!!!!!!!!!!!!!!!!
“Ahhhh… Shet… Abby… Taena… may shabu ba ang P*k-pek mo? Ahhhh!” Wala na rin namang silbi ang pagpipigil, nadulas na ako eh. Itotodo ko na ito. Ayaw lumapit kaya’t ipinatong ko na lang siya dito sa tukador, at doon ko itinuloy ang muntik ng mabitin. Nakangisi pa talaga ang Mrs. Romero na ito. Ugh! Nagwagi na naman siya. Grrrr…
“Sige lang Jon… sige lang Mahal…” Bulong niya.
Lintek naman kasi sa hot nitong asawa ko, ang hirap tanggihan. Taena, bahala na, ako lang naman ang nagbawal sa sarili ko, hindi naman talaga bawal kay Abby!
“Ayan na ako Abby, T*ng ina huwang mong bubunitin malilintikan ka sa akin! Ahhhh! Ahhh!”
Humalakhak lang siya. Ugh. Pinagtitripan niya ako!
“Shiiiit ayan na… ohhhhhh… ohhhhh…. P*tang ina Abby ang sarap mo….. ahhhhh! ahhhh! Aahhhhhhhhhhhhhhhhhh” At doon na nanginig ang buong katawan ko.
Salamat shet! Nakaraos din Ugh.
Wala namang hinto sa paghalakhak si Abby habang papabalik ulit kami sa kama para magpahinga. Pinagtatawanan niya ako. Nakakainis. Pasalamat siya mahal na mahal ko siya, kaya naman pinabayaan ko na lang siya.
“Ano, Mr. Romero? Feel better?” Nakangising tanong niya.
“Pilya!” Nakakunot kong sagot.
“Kunwari ka pa, nag-enjoy ka naman.” Tatawa-tawa niyang panunukso.
“Ikaw…” At inumpisahan ko na siyang kilitiin. Ang sarap ng tawa niya kaya’t nahawa na rin ako.
Ang totoo, nag-enjoy naman talaga ako. Mataas lang ang pride ko kaya’t ayokong aminin sa kanya. That was actually awesome. Ang sarap. As usual. Ang swerte ko. Ang swerte ko talaga sa asawa ko.
####################################
KABANATA 50
####################################
Abigail’s POV
Hay naku, sa wakas. Nakagraduate din ako. Hindi nga lang ako naka-attend ng graduation dahil naka bed rest ako. Eh ikaw ba naman ang kakapirasong katulad ko at pagkatapos ay kambal pa ang nasa tyan mo.
Susunod ko ng bubunuin ang Bar exams (hee-hee). Pero nakiusap sa akin si Jon na saka na lang ako mag-umpisang mag-review pagkapanganak ko; para na rin daw makapahinga naman muna ang isip ko.
YES! Konting hinga na lang ay matutupad ko na ang pangarap kong mapantayan ang titulo ni Darna, bilang tagapagtanggol ng mga naapi. Ewan ko ba, ito kasi talaga ang gusto ko, kahit mahirap, kahit masalimuot at kahit wala akong sidekick na ang pangalan ay Ding… at nilulunok na puting bato… at puting panyulito sa pundiyo.
Mabuti na lang talaga at very supportive si Jon; siya pa nga ang madalas tumulong sa akin sa pag-aaral ko. Nakakainggit nga lang ng taong yun, masyadong matalino. Ang kagandahan naman dun, eh may constant na napapagtanungan ako.
Ang bilis ng panahon. Parang hindi ko namalayan na ika third trimester ko na. Ito palang mga huling buwan ay yung tinatawag na Nesting stage ng mga nagbubuntis. Yung stage na, parang lahat ng bagay sa lungga ko ay inaayos at inihahanda ko para sa mga darating supling ko. Feeling ko nga ay naging OC o Obsessive Compulsive na ako, lalo na nitong huling buwan ng pagbubuntis ko sa kambal.
“What are you doing?” Nag-aalalang tanong sa akin ni Jon. Nadatnan kasi niya akong nag-aayos ng mga lumang abubot ko, tulad ng mga lumang diaries, mga sulat at photo albums.
“Inaayos ko lang itong mga naka-box ko pa na gamit na ipinadala mo dito mula sa dating apartment ko.” Sagot ko habang tuloy-tuloy ang paghahalwat.
“Bakit hindi mo na lang iutos sa mga katulong? Mapapagod ka niyan eh. Baka makasama pa sa iyo at sa mga baby natin yang ginagawa mo.” Tumabi na siya sa akin at tinulungan akong mag-sort.
“Jon, mga gamit ko ito na may sentimental value sa akin. Gusto ko ako ang mag-aayos ng mga ito. Mamaya niyan, mabasa pa nila ang mga diaries ko.” Sabay buklat ko sa isang diary.
“Hmmm,” Nakita kong nanghaba ang leeg ni Jon sa pagsilip kung anong nakalagay sa diary ko, “Nakasulat ba ako sa mga diary na yan?” Sabay ngisi.
“Mga diary ko pa ito nung teenager pa ako kaya, syempre, hindi.”
Nasulyapan kong nakanguso siya.
“Tapos ka na ba dun sa mga papeles na inaayos mo kanina? Ok lang naman kasi ako dito Jon. Hindi naman mabigat ang pag-aayos ko dito. Hindi naman ako nagbubuhat ng mabigat.”
“Tapos na, kaya tutulungan na kita dito.” Sabay abot niya sa isang lumang photo album at binuklat iyon.
Nagdirediretso lang naman ako sa pag-kakalkal sa iba ko pang mga lumang abubot nang nasulyapan ko na parang nakatulala si Jon sa isa sa mga litratong nakita niya sa photo album ko.
“Huy!” Sabay pitik ko ng daliri ko sa may tenga niya, “Bakit ka nakatulala diyan? Ano ba yang tinitingnan mo?”
Hindi siya umimik agad, dahan-dahang tumingin sa akin at pagkatapos ay ibinaling ulit ang tingin sa kung ano mang litrato ang tinitingnan niya.
“A-Abby, sino sila?” Sabay turo niya sa litrato ng nasira kong mga magulang
Umusog ako ng mas malapit sa kanya at tiningnan ang lumang family picture namin na tinitingnan niya. Naku, ang liit-liit ko pa sa litratong yun, apat na taong gulang pa lang yata ako ng kinuhanan yun.
“Sila ang mga magulang ko. Eto ang Papa kong si Daniel,” Sabay turo sa litrato ng aking Papa, “At ito naman ang aking Mama na si Cecilia.” Sabay turo ko sa litrato ng aking Mama. “Sayang nga lang at hindi mo na sila na-meet, maaga kasi silang kinuha ng panginoon sa akin. Miss na miss ko na nga sila eh.” Napapaiyak na sana ako pero mas nangingibabaw ang pag-tataka ko sa kakaibang pagtitig ni Jon sa mga litratong iyon.
Maya-maya lang ay narinig ko na siyang suminghot.
Umiiyak siya?
“O, bakit ikaw ang umiiyak? Di ba dapat ako ang umiiyak kasi mga magulang ko yan?”
Nakita kong pinahid niya ang mga luha niya na parang bata. Nakatungo pa rin siya at nakatitig pa rin sa mga lumang litrato ng aming pamilya.
Matagal siyang walang imik.
Humuhikbi.
Sumisunghot.
Umiiyak pa rin.
“Naalala mo ba noong una tayong nagkita, Abby?” Hindi siya nakatingin sa akin. Nakatutok pa rin siya sa mga litrato.
This time ay napansin kong hinahaplos niya sa pamamagitan ng hintuturo niya ang aking mukha noong ako’y batang-bata pa.
“Hmmm… sa loob ng Firm?”
Umiling siya.
“Sa labas ng Firm?”
Umiling ulit.
“Sa bubong ng Firm?”
Tumingin siya sa akin ng siryoso, bahagyang nakakunot pero mukhang kawawa…
“Sa dingding ng Firm?”
Lalo siyang kumunot.
“Sa kesame?”
Sumimangot na siya. Serious much?
Nagpapatawa lang naman kasi ako pero hindi naman siya tumawa.
Nalugi tuloy ang joke ko.
Nilangaw.
Hmp. Minsan na nga lang ako mag-joke, hindi pa bumenta. Kung baga sa pelikula, ay nag plop!
“Puro ka naman kalohokohan Abby eh, siryoso ako.” Malumanay niyang sinabi sa akin. “Hindi mo ba talaga naalala?”
Ano ba kasi ang pinagsasabi ng lalaking ito, eh sa Law firm ni Attorney Santiago naman talaga kami unang nagkita… that is, as far as I remember at the very least.
Wala naman akong amnesia para may makaligtaan akong memorya, kaya naman nang wala na akong mapiga sa alaala ko ay umiling na ako.
Akala ko naman ay napikon siya sa akin nang bigla siyang umalis, pero napawi din ang pag-aalaala ko bumalik din siya agad na may dala-dalang bendang puti. Lumuhod siya sa harapan ko at saka ipinulupot ang bendang iyon sa ulo niya. Matapos niyang ipinulupot iyon ay kinuha niya ang magkabila kong kamay at isinapo niya ang mga ito sa magkabilang pisngi niya.
“Alalahanin mo Abby… sana maalala mo!” Nanliligid ang nga luha niya. “Wala akong nakatagong lumang litrato dahil ayoko ng maalala ang nakaraan ko, pero sana maalala mo noong una tayong nagkita Abby.”
Ako na ang napakunot ngayon. Ano ba kasi ang pinagsasasabi niya?
Nagkatitigan kami ng mata sa mata kaya naman kitang-kita ko ang detalye ng paglilingid ng mga luha niya; maging ang tuluyang pagtulo ng mga iyon.
“Alalahanin mo, please alalahanin mo mahal ko.” Humahagulhol na siya kaya naman medyo nag-panic na ako sa pilit na pag-alala. “Please?!” Sabay halik niya sa kanang palad ko.
Makaraan ang mahigit isang minutong pakikipagtitigan sa kanya, kasama na rin doon ang pilit kong pag-ugnay ng mukha niya sa bendang inilagay niya sa ulo niya ay…
O. M. G.
Naalala ko na!
Shucks…
Naalala ko na!
Siya yon?!
####################################
EPILOGO
####################################
“Mamang Pulis, mamang pulis!” Hinihila ni Jonathan ang manggas ng pulis na humuli sa kanya, “Parang awa niyo na po, patayin niyo na lang po ako! Huhuhu.”
Nahabag naman ang Pulis na iyon sa kanya kaya imbis dalahin agad sa presinto ay iniuwi niya muna ito at pinakain.
Umiiyak pa rin ito habang kumakain.
“O, bakit umiiyak ka pa rin? Hindi mo ba nagustuhan ang pagkain?”
Imbis sagutin agad ay binasa niya muna ang nameplate ng Pulis.
“S-San-t-tos!” Pagbasa niya ng malakas habang ikinakaway ang kutsarang hawak. “Santos? Santos po ba ang pangalan niyo? Heneral po ba kayo?”
Natawa naman ang pulis.
“Santos ang apelyido ko, pero Daniel ang pangalan ko. Hindi ako Heneral. Ako si SPO3 Daniel Santos. Ikaw, anong pangalan mo?”
Sumubo ulit ng isang kutsara.
“Jonathan po.” Tumulo ulit ang luha nito.
“Bakit ka ba umiiyak, Jonathan? Sumasabaw na sa kinakain mo yang luha mo o.”
“Naiiyak po ako, kasi, ang sarap po kasi nitong pagkain ninyo, ngayon lang po ako nakatikim ng ganito kasarap na pagkain.” At dirediretso ang pagdaloy ng mga luha niya habang abot-abot ang pagsubo.
Napapaiyak siya sa sarap ng pagkain? Iyon ang tanong sa isipan ng pulis. Nagtataka siya kasi galunggong, monggo at kanin lang naman ang inihain sa kanya, pero kung namnamin ito ng bata ay para siyang kumakain ng handa sa piyesta.
Maya-maya lang ay may lumapit na babaeng may dalang plato na punong-puno ng puto. Si Cecilia, ang maybahay ni Daniel.
“Eto ang puto,” Nakangiting sabi ni Cecilia, “Magbaon ka kung gusto mo.”
“Talaga po?”
“Oo.” Sablay haplos nito sa ulo niya.
Pagkatapos noon ay nagawi ang tingin niya sa parang certificate na may maliit na litrato ng isang batang babae sa dingding. May nakasulat ditong malalaking letra.
“Sino po yun.” Tanong niya sa mag-asawa.
“Ah yan ang anak namin, nasa iskwela siya ngayon kaya wala siya rito. Ikaw ba? Hindi ka ba pumapasok?”
“Hindi po. Ayaw po ng Mama ko. Pero may nagtuturo pong mga dayo doon sa amin, sila ang nagturo sa aking sumulat at bumasa.” Sumubo ulit siya at, “Pwede po bang dito na ako tumira?”
Nagkatinginan naman mag-asawa.
“Hindi ganun kadali yun hijo. Baka makasuhan kami ng kidnapping kapag basta ka na lang namin kinupkop.” Sagot ni Daniel.
“D-Dadalhin niyo pa rin po ba ako sa presinto? Ikukulong niyo pa rin po ba ako?” Umiiyak na naman si Jonathan.
Nagkatinginan ang mag-asawa.
“Alam mo hijo, ganito na lang. Hindi na kita dadalhin sa presinto pero may pagdadalahan ako sa iyo na pwedeng makatulong sa iyo. Pagkakain mo, dadalahin kita kina Ma’am Linda.”
“Sino po yun?”
“Ah si Ma’am Linda Romero ay isang mabait na babae na tumutulong sa mga tulad mo. Asawa siya ng isang hukom at pilantropong tumutulong sa mga nangangailangan.”
“Sa kanya na po ako titira?”
“Naku hindi ganun kadali yun hijo. Siyempre kailangan niya munang malaman ang sitwasyon mo at makausap ang mga magulang mo.”
At doon na nag-umpisang umiyak si Jonathan na hindi mapatahan.
“Saan ka na naman ba nanggaling na bata ka!” Salubong ni Helen, sa kanyang anak habang pinipingot ang tenga nito. “At ano itong dala mo?!” Sabay sa hablot supot na hawak niya.
“Mama, sa akin po iyan. Bigay po sa akin iyan nung magandang guro.”
“Sinong magandang guro?!”
“Yun pong asawa nung pulis.”
Animo’y binuhusan ng malamig tubig si Helen sa pagkagulat.
“Anong sinabi mo sa pulis? Ha?” Sabay batok kay Jonathan.
“Wala po Mama huhuhu. Ang sabi ko lang po nagugutom ako?”
“Aha!” Sabay dinibdiban ang batang paslit, “Nagugutom? Pinapalabas mo ba na ginugutom kita? Isinumbong mo sa pulis na ginugutom kita ano, ha? Dapa!” Sabay kuha sa sinturon. Yung dulo na may buckle ang siya niyang ihahataw sa murang katawan ni Jonathan.
“A-aray ko po Mama! Huhu! Wala naman po akong isinumbong sa pulis.”
“Sinungaling!”
*PLAK!*
“Ahhhhhh aray ko po Mama!”
“Hayup kang bata ka! Balak mo akong ipakulong ano?”
*PLAK*
“Ahhhhh… hindi po Mama. Hindi po!”
“Papatayin muna kita bago mo ako maisuplong!” Parang baliw na si Helen, wala na sa sarili. Palibhasa’y nong araw ding iyon ay iniwan na siya ng kinakasama para sumama sa ibang babae.
Binitawan niya ang sinturon at kinuha ang baseball bat na napulot niya noong isang araw sa basurahan. Kaya naman hindi pa siya nakakalapit ay tumakbo si Jonathan sa may bintana at nagsisigaw ng tulong sa kapitbahay.
May mga nakarinig sa kanya, kaya naman tinawag na ng mga ito ang Kapitan ng kanilang lugar, kasama na rin ang mga baranggay tanod.
“Diyos ko si Helen nasisiraan na yata ng bait!” Sigaw ng isang matandang babae, “Tulungan niyo ang bata! Ilabas niyo ang bata!” Sigaw niya sa mga paparating na mga baranggay tanod.
Pero huli na ang lahat. Nadatnan na lang nilang walang malay na nakahandusay na si Jonathan. Duguan ang ulo nito dahil sa malakas na pagkakahataw ng nababaliw na Ina.
“Kamusta po ang bata?” Tanong ni SPO3 Daniel Santos sa duktor na gumagamot kay Jonathan. Naka civilian siya, kasama ang kanyang may bahay na si Cecilia at maliit na anak na babae na akay-akay niya.
“May malay na siya pero wala siyang maalala. Hindi rin niya alam ang pangalan niya.” Sagot ng duktor, “Pero hindi na ito bago sa mga pasyenteng nagtamo ng major head trauma o injury. It may take time, pero malaki naman ang posibilidad na unti-unti ring magbabalik ang memorya niya sa pagdaan ng panahon.”
Sinilip ni Daniel ang bata na may bandage ulo. Nang nilapitan niya ito ay doon na niya nakumpirma na maging siya ay hindi naaalala ng bata, samantalang kahapon lang sila nagkita.
“Jonathan, hijo. Pupuntahan ka na dito ni Ma’am Linda Romero, siya na muna ang inatasang kukukop at mag-aalaga sa iyo.”
Tiningnan lang siya ni Jonathan na parang wala naiintindihan sa sinabi niya. Bumaling ulit si Daniel sa duktor na may sinabi pang ilang detalye sa sitwasyon ni Jonathan habang nakikinig lang naman si Cecilia sa kanila.
“Masakit ba ang ulo mo?” Tanong ng maliit pero bibong batang babae na akay-akay ni Daniel. Nakatayo ito sa tabi lang ng kamang hinihigaan ni Jonathan.
Tumango lang si Jonathan. Pero titig na titig siya dito dahil mukha itong manika.
“Anong pangalan mo?” Tanong ng bibong batang babae na mukhang manika.
Umiling lang si Jonathan. Hindi niya talaga maalala maging ang pangalan niya.
“Ah, ako nga pala si Abigail! Huwag ka mag-alala, bata!” Sabay hawak nito sa kamay ni Jonathan. “Gagaling din yang ulo mo. Kapag magaling ka na, IBIBIGAY MO NA SA AKIN ANG PANGALAN MO, HA?” Sabay bigay ng malaking ngiti.
Tumango lang naman si Jonathan at nginitian din naman niya si Abigail pabalik.
[The End]
Credit: Itim na nobela
The Broken Man ⓒ DyslexicParanoia 41-50 Finale
Advertisements