Part 1                              Part 2

Jonathan’s P.O.V.
Ano ba itong nararamdaman ko. Para na akong siraulo. Simula ng malaman ko na hindi naman pala niya boyfriend si Obet. Para akong nabunutan ng isang bultong tinik. Bigla akong nakaramdam ng matinding guilt sa masamang pagtrato ko kay Abby ng dahil sa… selos.
Oo na, inaamin ko na. Nagselos nga ako. Hindi naman ako selosong tao, pero ewan ko ba kung bakit pagdating kay Abby, ay nagseselos ako.
“Bakit sinabi mo kay kuya Obet na boyfriend kita?”
Katatapos lang namin ng pangalawang round. Parehas kaming nakatagilid na paharap sa isa’t isa.
“Anong gusto mong sabihin ko sa kanya, sex-mate? O di kaya naman ay, Bed buddy?” Natatawa kong tanong pabalik. “Mukha pa namang kunserbatibo ang pinsan mong iyon, baka inatake ‘yun sa puso, kung nagkataon”
“Pwede mo naman kasing sabihin na kaibigan, dahil magkaibigan naman tayo hindi ba?”
“Bakit? Ayaw mo ba akong maging boyfriend?”
Hindi siya umimik agad.
“Ayoko.”
What?!
“Bakit naman?”
“Hindi tayo bagay.” Aniya.
“Bakit mo naman nasabi yun?”
“Bukod sa bansot ako at matangkad ka. Eh mahirap ako, mayaman ka. Magkaiba ang mundo natin.”
Hindi ko alam kung bakit parang pakiramdam ko, ay sinasaksak niya ako sa dibdib ngayon.
“Akala ko ba mahal mo ako?”
Malungkot ang mga mata niyang nakatitig sa akin.
“Oo. Mahal kita Jon. Pero hanggang dun na lang yun. Ayokong makarelasyon ka na higit pa sa ginagawa natin ng sekreto. Mas maraming babaeng babagay sa iyo, ‘yung kapareho mo ng estado sa buhay. Kapag kasi ang isang katulad ko ang nakarelasyon mo, isa lang ang iispin ng mga tao; oportunista ako. Gold digger. Na gusto lang kita dahil sa pera mo. Hindi naman ganun, dahil mahal kita Jon, mahal na mahal. Pero ayokong maging boyfriend ka kaya sana, bawiin mo yung sinabi mo kay kuya Obet.”
Parang sinampal naman ako ng pananalita niya, dahil ako mismo, ay hinusgahan ko siya ng gano’n noon.
Para akong nanlambot sa sinabi niya. Pwede pala ‘yung, mahal daw niya ako pero ayaw niya sa akin. Ngayon pa naman na gustong-gusto ko na siya ng higit pa sa katawan niya… ng higit pa sa sex.
“Paano kung sabihin ko sa iyo na mahal na rin kita, Abby, at gusto kong maging tayo?”
Napahagikhik siya. Tapos ay muling lumamlam ang kanyang mga mata.
“Iba ang sinasabi sa totoong nararamdaman, Jon. Huwag mong linlangin ang sarili mo. Nag-e-enjoy ka pa kasi sa ginagawa natin kaya nalilito ka. Dadating ang panahon, magsasawa ka rin sa akin at makakita ng hindi hamak na higit pa sa akin. ‘Yung babagay talaga sa iyo. Yung kaparehas mo ng estado sa buhay.”
“A-abby naman…”
“Umuwi ka na Jon. Buong weekend na tayong magkasama. Gusto ko na ulit mapag-isa.”
“Pero Abby…”
“Please?”
Shit! Bakit parang nagugunaw ang mundo ko sa pagtanggi niya sa akin? Hindi ko maintindihan kung bakit ako naluluha, habang nagmamaneho pauwi.
Bakit kaya ang sakit? Bakit ang sakit-sakit?
“Hoy, Jon. Ok ka lang ba?”
“H-ha?”
“Kanina pa ako salita ng salita dito pero nakatulala ka naman diyan.” Si Art, during our usual lunch time.
“S-sorry pare, may iniisip lang.”
“May problema ba?”
Nagaalinlangan ako magsalita, pero ok lang siguro. Bestfriend ko naman ito, at alam niya ang istorya namin ni Abby.
“Tinanggihan niya ako pare.” Naluluha na naman ako. Ano ba ‘to?
“Sa kama?”
“Hindi. Tumanggi siya na makipagrelasyon sa akin… na maging kami na talaga.”
“Ha? Bakit naman?”
“Mahal daw niya ako pero ayaw niya akong nakarelasyon dahil magkaiba daw kami ng mundo at estado sa buhay. Ayaw niya sa akin dahil daw sa, mayaman ako.” Tumulo ng bahagya ang luha ko kaya’t kinusot ko na ang mga mata ko.
“Anong isinagot mo?”
“Tangina pare wala akong nasabi. Natameme lang ako. Naalala ko kasi kung gaano ako ka-gago na inaayawan at minamaltrato siya noon dahil sa pag-iisip ko na mukha siyang pera. Shit pare, alam mo ba kung gaano ko na siya kagusto ngayon?” Hinahabol ko na ang hininga ko, “P-tang ina pare, kahit kunin na niya lahat ang ari-arian ko, wala na akong pakialam pare, kahit kurakutin na niya ang lahat ng pera ko basta’t gustuhin niya lang akong makasama.”
Bumuhos na ang luha ko. Wala na akong pakialam. Naaninag ko ang pagbuntong hininga ni Art.
“Anong plano mo?”
“Hindi ko alam ang gagawin ko pare. Isa lang ang alam ko ngayon. Mahal ko na siya. Sigurado ako, mahal na mahal ko na siya. Hindi ko na kaya ang wala siya sa buhay ko.”
“Alam ko ayaw mo sa unsolicited advices ko, pero kung gusto mo ng suggesti—-“
“Tulungan mo ako pare. Anong suggestion mo?”
“Kung ayaw niyang umakyat para abutin ka. Ikaw ang bumaba para kunin siya.”
####################################
KABANATA 22
####################################
Abigail’s P.O.V.
Hay! nakakapagod talaga ang mag-commute. Kahit isang subject lang naman ang ipinapasok ko ay talaga namang nakaka-stress ang traffic. Grabe, alas diyes ng gabi na ako nakarating dito sa bahay, samantalang kanina pang alas-otso natapos ang klase ko. Dumiretso agad ako sa shower pag-uwi ko. Mas natitiis ko kasi ang gutom kesa sa lagkit ng katawan. Mabuti na lang at may left over pa ako sa adobong niluto ko kahapon ng tanghali, kaya’t solve na ko doon na maging kaulam ng bahaw.
I am a little tired, but too wound up. Kaya naman pabali-balikwas ako sa kama ko, while I was trying to sleep. Alam mo yung pakiramdam na, gusto mo nang magpahinga ng isip mo, pero buhay na buhay pa rin ang katawan mo?
Sa gitna nang aking pagbali-balikwas, ay nag vibrate ang phone ko sa side table.
I received a text, from Jon.
Jon: Buksan mo ang pinto, nandito ako sa labas.
Ah yun lang naman pala. Buksan ko lang daw ang pinto kasi nandun siya sa labas? W-we-wait? What? Hay naku, pagod na nga ang utak ko, kaya’t
kay tagal bago ko iyon naproseso. Nang ma-realize ko kung ano ang sinasabi niya sa text, ay pumunta na ako sa pinto, bago binuksan ito.
Tada.
Nandun nga si Jon. Seryoso ang mukha niya. Nakabagsak ang balikat niya, may dala-dala siyang maleta? MALETA? Bakit may dala siyang maleta? Bakit siya may maleta ngayon disoras ng gabi? Saan siya galing, or, saan siya pupunta?
“J-jon? A-anong ginagawa mo dito?”
Hindi ito agad sumagot. Sa halip ay pumasok ito at inilapag ang hawak na maleta sa tabi ng sofa. Umupo ito sa sofa at tinanggal ang mga sapatos. Pagkatanggal niya ng sapatos ay may kinuha siya sa bulsa ng maleta. Tsinelas. TSINELAS? Bakit siya nagti-tsinelas?
Magsasalita na sana ako nang hinubad niya ang pants niya, kaya ngayon ay naka boxers shorts na lang siya, hinubad din niya ang kanyang polo shirt, at nagpalit ng comfortable cotton shirt na kinuha rin niya sa maleta niya.
“Halika, tulog na tayo.” Aniya.
Ano raw?
Nakita niya ang pagkunot ko. Dahil doon ay ngumiti siya at lumabas na naman ang lintek na pamatay na dimples niya.
“Hindi mo ba muna ipapaliwanag sa akin kung bakit ka naririto?” Tanong ko sa smiley-faced na poging nasa harapan ko.
“Simula ngayon, dito na ako titira.” At lalo pang bumungisngis ang walanghiyang ito.
Am I missing something here?
“A-ano?”
“Ang sabi ko, simula ngayon, dito na ako titira. Halika na mahal, matulog na tayo. May pasok pa tayo bukas eh.” Hinatak niya ako sa kuwarto at talangang nauna pang humiga ang hinayupak at pagkatapos ay hinila ako kaya’t napasubsob ako sa ibabaw niya. “Pero bago matulog hmmm…” Inamoy-amoy ako. “Let’s make love muna.” At sinimulan na niya akong halikan sa labi.
Shit na malagkit! Ano ba itong nangyayari? Nanaginip ba ako?
Hindi ako malapagsalita, nakatulala lang ako nang umibabaw siya sa akin, at tiningnan ako sa aking mga matang gulat na gulat. Hahalikan niya ako sa leeg nang bigla akong natauhan. Tinampal ko ang braso niya ng malakas kaya naman napangibit siya.
“Aray naman! Ang sakit naman nun, Mahal!”
“Mahal ka diyan. Pwedeng pakipaliwanag mo ang kabaliwan mong ito? Anong ibig mong sabihin na dito ka na titira?”
“Eh ayaw mong sumama sa bahay ko, eh di, dito na lang ako. Ako naman eh kahit saan ako tumira basta’t kasama kita.” Sabay kindat. Punyetang impaktong ito, ginagamitan pa ako ng charms, palibhasa ay alam niyang lumalaglag ang panty ko kapag kinikindatan niya ako.
“Ano? H-hindi pwede Jon. Pumupunta dito ang Tita ko at mga pinsan ko, ano na lang ang sasabihin nila kapag nadatnan ka nila dito? Konserbatibo ang Tita ko Jon, malalagot naman ako sa pinaggagawa mo eh.”
“Ah basta, dito na ako titira. Paanong konserbatibo ba sila. Pero, sila ba yung tipo na kapag nakita tayong nag-aano dito eh, tututukan ako ng shotgun para panagutan ka?”
Hindi ako sumagot. Sinimangutan ko na.
“Oo, ganun na nga, pipikutin ka nila para sa akin.” Para kabahan naman siya. “Ikaw na rin ang nagsabi sa akin na hindi ka marrying type di ba? Na, hindi mo nakikita ang sarili mo na mag-aasawa ever. Kapag ikaw nadatnan ng Tita ko dito, pipilitin ka no’n na pakasalan ako, at kung hindi eh puputulin niya iyang kaligayahan mo,” Sabay turo ko sa kanyang medyo–galit na galit na yatang hinaharap.
“I didn’t see myself marrying before because I was blind, pero malinaw na ang mata ko ngayon kaya nakikita ko na.” Nakakaloko ang bungisngis ng hinayupak na ito, “Nakikita ko na, na ako ay kasal sa iyo at inaanakan ka ng labing-dalawa.”
*TOK*
Pinukpok ko na ng bote ng lotion para matauhan. Nagha-hallucinate eh..
Napahawak ito at hinaplos ang bumbunan niyang pinukpok ko.
“Karinyo brutal ka naman, Mahal. Ang sakit nun ah.”
“Are you on drugs or something?”
“Oy, naging lasenggo ako once upon a time pero hindi ako adik. Adik sa kepyas mo pwede pa.”
*TOK*
Pinukpok ko uli (Laugh trip!). Ok na stress release pala ito. Binungis-ngisan ko siya na parang nakakaloko. Para maasar naman siya. Alangan naman na ako lang ang naasar sa kanya di ba?
“Subukan mong pukpukin pa ako ng isa pang beses Abby, yayariin na talaga kita na parang walang buka–“
*TOK*
(Laugh trip!)
“Ah gano’n…” Aniya, bago niya ako inumpisahang kilitiin.
Hindi na halos ako makahinga sa katatawa, dahil huling-huli niya ang lahat ng kiliti ko sa katawan.
“Ahhhh… ahhhh… ahhhh…” Pabulong niyang ungol sa akin tenga.
Saan pa nga ba kami mauuwi? Sa ganunan naman palagi. At ang aking problema, ay hindi ako makahindi.
“P-pagod na pagod na ako Jon, pahinga naman muna ohhhhhh. M-may pasok pa tayo bukas, este, mamaya na pala yun dahil madaling araw na! Ohhhh!”
Tinotoo ng walanghiya. Niyayari nga niya ako na parang walang bukas!
“Uuhhhh… Para sisiryosohin mo na ang mga banta ko sa susunod. Ahhhhhh shettt Abby, p-tang ina ang sarappppp ahhhh. shet ka! Uuuggghhhhhh.”
“Ang sakit na kasi ng singit ko Jon, kanina ka pa nakadagan sa akin eh. Ahhh.”
“Ok sandali,” Idinapa niya ako, hinawakan ang aking balakang, itinuwad at pagkapos ay ini-angat ito, bago muling pinapasok ang perlas ng silangan ko. “Ohhhhhhh shet, yes! Yes! Yes! P-tang ina kaaaaa, kahit saan tiranin ang sarap mohhhh!”
“Ohhh Jon.” Pagod na talaga ako (huhu!)
Ilang in and out pa, before he finally came. Kaya nga Hay! Sa wakas!makakapag-pahinga rin ako.
“O ano, Abigail? Magtatanda ka na siguro ano?” Nagkangising sabi niya habang inilalapat ang kanyang likod sa kama.
“No. It’s more on, nagkaroon ako ng brilliant idea.” Sagot ko.
“Anong idea?”
“Idea na sa susunod na pupukpukin kita, eh yung kawali na, para naman makatulog ka ,at magpatulog ka rin ng maaga.” Tumawa ako ng malakas.
“Pilya! Isa pa nga…”
*SPLAT*
Sinapak ko na. Pagod na nga ako sabi eh. Tumawa naman siya ng tumawa.
Nang humupa na ang tawa niya ay ipinatong niya ang kanyang ulo sa aking dibdib, at saka yumakap sa akin.
“I love you, Abby.” Malambing niyang sambit, “Kung kailangan kong i-give up ang lahat-lahat ng meron ako, ay gagawin ko, maging akin ka lang.”
####################################
KABANATA 23
####################################
Jonathan’s P.O.V.
I have never slept this well ever. Ang sarap palang matulog ng may kasiping. Lalo na at ang kasiping mo ay ang taong mahal na mahal mo. I have slept with many women beyond my personal count, pero kay Abby lang ako nag-take ng risk to literally sleep with all night. Una noong nand’on kami sa Palawan, pangalawa ay dito sa kanyang apartment.
Kahit nga kay Ella noon, hindi ako natutulog na katabi siya hanggang umaga. Marahil, dahil iyon sa paranoia ko at kawalang tiwala sa mga babae. Paranoid kasi ako na magising na lang na nakataling hubo’t hubad, o kaya naman ay magising sa sakal, o kaya naman ay magising na lang na nilimas na ng mga babaeng ‘yan ang laman ng aking wallet at bank account. Wala talaga akong tiwala sa mga babae, kaya’t hindi ako natutulog ng kasama sila.
Pero kay Abby. Buo ang tiwala ko kay Abby. Matagal ko na iyong nararamdaman, pero hindi ko lang masigurado. Tuluyang nabuo ang tiwala ko sa kanya nang nakilala ko siya ng husto. ‘Yung pagiging mapagpatawad niya kahit sinaktan ko siya, emotionally, mentally and physically. Yung pagmamahal niya sa akin na walang hinihintay na kapalit. Yung hindi niya pag-alis sa tabi ko kahit karapatdapat na akong iwanan. Yung pagyakap niya sa akin sa kabila ng masangsang kong pag-uugali. Yung paglalambing niya sa kabila ng aking kalupitan.
I can now say. I never knew what love was until I met her. Sana nga lang, pumayag na siyang maging pormal ang relasyon namin. Sana, maniwala na siya na mahal ko na talaga siya. Na hindi na lang katawan niya ang habol ko ngayon. Na gusto ko na siyang maging akin ng buong buo. Na hindi na lang libog ito… kundi tunay na pag-mamahal.
Nagising akong wala na si Abby sa aking tabi. Ewan ko kung bakit bigla na lang ako ninerbyos. Nagmadali akong bumangon at hinanap siya sa bawat sulok ng kanyang maliit na apartment. Wala talaga siya. Nasaan na siya? Nasaan na ang mahal ko?
“Oh Jon, gising ka na pala.” Hayun siya, pumasok galing sa labas.
“S-saan ka ba naggaling?” Nakakunot at medyo iritable kong tanong.
“Ito naman ang aga-aga ang sungit. Bumili lang po ako ng pandesal dyan sa bakery sa harap. Inagahan ko kasi baka maubusan ako.”
Nun ko lang napansin na may hawak nga siyang supot na brown. Dumetso siya sa kusina at inilapag iyon sa lamesa. Niyakap ko siya mula sa likuran, yumuko at hinalikan siya sa panga.
“Pasesya na Abby. Nag-aalala lang ako. Baka kako nakikidnap ka na.”
“Ang OA mo naman Atty. Romero. Ok lang ba sa iyo ang agahang pang-mahirap?”
“Sobra ka naman. Paborito ko ang pandesal ano? Hindi ko ipagpapalit yan sa Bagel at Wheat Bread.”
“How do you want your eggs?” Nakita kong inihahanda na niya ang kawali, cooking oil at mga itlog.
“Licked.” Sabay ngisi.
Sinamaan niya ako ng tingin. Kinuha ang isang itlog at inilapit sa nguso ko.
“O yan, himurin mo.” She was giggling. Ang cute niya talaga. Grrrrr. “Hindi nga, how do you want your eggs and how many?” Inilayo na niya yung itlog.
“Two over lights please.” At umupo na akong pinagmamasadan siyang nagluluto.
“How do you like your hotdogs?” Nakatalikod siya. Gusto ko ulit siyang biruin pero natatawa na ako bago ko pa masabi
Lumingon tuloy siya at nahuli akong pinipigilan ang pag-tawa. Ngumiti siya at tumalikod ulit.
“Puro ka kalokohan, Jon.” Aniya.
“I want my hotdog… sucked.” At hindi ko na napigilan. Tumawa na ako ng tumawa.
*Shwath*
Hinataw niya ako ng fly swatter sa noo.
“Umayos ka Jon… kailangan na nating makakain agad at baka malate tayo.” Sabi niya, “Ano nga?”
“Medyo toasted.” Natatawa pa rin ako.
Wala akong masabi sa pagiging maasikaso niya. Pag-aasikasong ngayon ko lang naranasan. Ang sarap ng pakiramdam, sobrang saya ko.
Hindi ko maipaliwanag ang kaligayahan ko nang siya mismo ang nag-ayos ng tie ko at nagsuot ng coat ko. Nakikita ko na ang preview kung balang araw ay mapapapayag ko siyang maging asawa ko.
“Simula ngayon hatid at sundo na kita.” Habang pinagbubuksan siya ng pinto ng kotse ko.
“Hindi pa ako pumapayag na tumira ka sa bahay, Jon. Seriously? Hindi pwede. Sinabi ko na sa iyo ang dahilan.”
“Eh di dun ka na nga tumira sa akin kung hindi pwede sa iyo.”
“Ayoko nga Jon. Ang kulit mo.”
“Ano ba ang gusto mong gawin ko, Abby? Gusto mo bang magpakasal na tayo. Payag ako, kahit ngayon din mismo. Judge ang Papa ko, ano gusto mo bang pumunta na tayo sa kanya ngayon?”
“Ayaw nga kitang maging boyfriend, maging asawa pa kaya?” Malamig niyang sagot.
Natahimik ako. Ang sakit nun ah.
“Dahil na naman ba sa sinasabi mong pagkakaiba ng mundo natin?” Nanghihina kong tanong.
Siya naman ang hindi umimik.
“Hindi lang yun ang dahilan, Jon.”
“Eh ano pa?”
Ang tagal niya sumagot. Nakaka-frustrate.
“I’m not really sure kung mahal nga ba kita.”
####################################
KABANATA 24
####################################
Jonathan’s POV
Hindi na kami nag-imikan buong biyahe. Ikaw ba naman ang sabihan ng ganun, may masasabi ka pa ba? Sinundo ko siya sa Firm nina Tito Vince kinahapunan, wala siyang klase kaya diretso lang kami sa apartment niya, pero noong nandun na kami ay inayos niya ang maleta ko at siya mismo ang nagbuhat nito para ilagay sa sa backseat ng kotse ko. Ni hindi na kami naghapunan na magkasama. Medyo nabadtrip din ako dahil hindi ko maintindihan kung bakit ang sungit-sungit niya.
“Ginawa ko naman ang sinabi mo, pero wa-epek. Akala ko ok na, ang saya-saya ko na nga eh tapos biglang bigla na lang na WHAM! Sinupalpal ako sa mukha. Sinabi na niya sa akin noon na mahal niya ako, tapos ngayon, hindi na daw siya sigurado. Ganun ba talaga ka fickle minded ang mga babae?”
Mabuti na lang at matiyaga talagang makinig itong si Art.
“Unfortunately, yes!”
“Anong advice mo?”
“Kung talagang gusto mo siya, tiyagain mo lang pare. Baka gusto lang niya masiguro na mahal mo nga siya. Hindi rin naman kasi madali ang pinagdaanan niya sa kamay mo ano. Lalo pa at pinag-buhatan mo siya ng kamay. Baka takot lang na maging battered wife. Tapos pinupuwersa mo siya noong makipag-sex sa iyo. Baka natatakot lang na kapag naging kayo na, lalo kang umabuso.”
Hindi naman talaga ako nananakit physically, kaya’t hindi ko talaga alam kung ano ang pumasok sa utak ko at nasaktan ko siya noong nasa Palawan kami. At lalong hindi ko naging ugali ang mamuwersa ng babae, lalong lalo na sa sex, kaya’t hindi ko rin matanggap sa sarili ko kung bakit ko nagawang pwersahin siya ng ilang beses.
Shit. Tama si Art. Ako ang may kasalanan ng lahat. Tarantado kasi ako. Siraulo. May topak.
“Anong dapat kong gawin, pare? Paano ko mapapakampante ang loob niya na hindi-hindi ko na ulit gagawin ang mga yun?”
“Humingi ka ng tawad and be very specific kung ano yung inihihingi mo ng tawad. At kapag humingi ka ng tawad, huwag mo ng i-defend kung ano yung maling ginawa mo. Pwede mong i-explain kung bakit mo nagawa yun but you have to make it clear to her that, that is not an excuse. Be transparent. Kung kailangan mong ikuwento sa kanya ang istorya ng buhay mo, na hindi rin naman naging madali, gawin mo pare. We are talking about the woman you want to be with for the rest of your life, kaya’t dapat alam niya kung sino ka talaga. Tapos, bawas-bawasan mo yang kalibugan mo. Kapag alam mong pagod at wala sa mood, huwag na muna. Makiramdam ka pare, wag yung tira ka ng tira. Tao rin si Abby, nasasaktan, natatakot, napapagod…”
Ang galing talaga mag-advice ng tukmol na ito. Siya dapat siguro ang naging Abogado, hindi ako.
“One more thing…” Dagdag niya, “Paminsan-minsan, ikaw naman ang mag-silbi sa kanya. Hindi yang, para kang alagaing bata. Kung gusto mo siyang maging kapareha ng buhay mo, dapat ipakita mo sa kanya na partners kayo, at hindi yang parang alila mo siya.”
Tama. Tama si Art. As usual.
“Abby…” Sabay sulyap sa kanya.
“Hmmm?” Hindi siya nakatingin. May kinakalkal siya na kung ano sa bag niya.
Sinundo ko siya sa school niya, at pauwi na ngayon sa apartment niya.
“Pwedeng dun ako matulog sa apartment mo tonight?”
“H-ha?” Tumingin siya sa akin. Ang expression ng mukha niya ay para bang sinasabi niyang–Oh no! “Jon, wag ngayon, medyo pagod ako.”
Huh? Anong kinalaman noon sa—- ah teka, ito yung sinasabi ni art na bawas-bawasan ko ang kalibugan ko, na makiramdam ako… naisip ko na ngayon na, na baka kaya ayaw niya na kasama ako sa iisang bubong eh, parati ko siyang pupuwersahing makipag-sex sa kanya kahit pagod siya o wala sa mood. Oo tama, naalala ko na, nag-complain nga pala siya sa akin noong isang gabi na pagod na siya sa ginagawa namin, na gusto na niyang magpahinga. Bakit ba kasi napaka-insensitive ko?
“Eh Abby, hindi ko naman hihingiin yun ngayong gabi dahil alam ko namang pagod ka sa trabaho at iskwela mo. Gusto lang sana kita makasiping sa pagtulog. Kahit, hanggang yakap lang, sige na please?”
Nakita kong nagbuntong hininga si Abby at saka ngumiti.
“Ok.”
YES! Ang galing talaga ng advice ni Art.
“Abby…”
“Hmmmm…” Habang maghuhugas siya ng bigas para magsaing.
“Ok lang ba na ako ang magluto ng ulam natin tonight? Para naman makapag-pahinga ka.”
Tiningnan niya ako ng parang nangungusap na—‘Are you for real?’
“Are you sure?”
“Yup, I am sure. Eto nga o, dala ko ang mga ingredients pati meat.” Ipinakita ko sa kanya ang dala kong paper bag.
Sinisilip-silip ko siya sa salas na busy sa pagbabasa ng sangkatutak na notes at libro. Dun ko narealize kung gaano kahirap ang tinatyaga niya sa buhay araw-araw: stress sa trabaho sa Firm, sa iskwela, sa trabaho at puyat sa Bar, sa pagpapatakbo ng Center, sa kunsumisyon sa akin…stress na dulot ko sa buhay niya na maaring pinaka-malala sa lahat. Napaisip tuloy ako…isa siyang babaeng walang pahinga.
My poor Abby.
Maaring naisip niya na kung magsasama kami… lalong lala ang sitwasyon niya.
Bumalik ako sa pagluluto. Nag-concentrate ako para matapos na. I’m sure gutom na si Abby, gutom na rin kasi ako eh.
Pinatay ko na ang stove at tatakpan ko na ang kaserola nang maramdaman kong niyakap niya ako sa likod. Humarap ako at nakita ko ang mapupungay niyang mga mata. Hinawakan ko ang mukha niya at hinalikan ng bahagya sa labi.
“Pasensya ka na sa akin Jon, exam week kasi namin kaya I’m in a lot of stress.”
“Ok lang yun, naiintindihan ko. Halika? Kumain na tayo.”
Mukhang nagustuhan niya ang luto ko. Sarap na sarap siya eh at ang dami niyang nakain. Halatang sumigla na siya ng kaunti pagkakain.
“Ako na ang maghuhugas ng pinagkainan natin, Jon.”
“Huwag na ang Abby, ako na. Magpahinga ka na lang dun,” itinuro ko ang salas, “O kaya mag-aral ka.”
“Tapos na akong mag-aral Jon,” Habang hinahakot ang mga plato sa lababo.
“Ako na sabi, Abby.” Sabay agaw ko sa plato sa kamay niya.
“Hmph.” Naghalukipkip siya, “O sige, papayag ako na ikaw ang maghugas ng pinggan, sa isang kundisyon.”
“Anong kundisyon?”
“Sabay tayong maligo.” And then there was her naughty…naughty grin.
Oh. My. G*d.
“Ahhhh, Abby… Grabe ka.”
“Ummmmhhh”
She’s s*cking me, down there, habang nakaupo ako sa covered toilet bowl.
“P-plano ko, pagpapahingain kita ahhhhh tonight. Tapos eto ka naman ugh shit!”
“Kasalanan mo yan…” While she was standing up to ride on top of me. Holy shit. “You turned me on sa paglalambing at sensitivity mo sa situation ko, tapos you made dinner pa. Ohhhh f*ck Jon, you’re just… tooo huge ohhhh!”
“Ughhhh ahhh, yes baby ride meeehh! Akala ko ba pagod ka?”
“O-Oo nga…”Kuntodo giling, “Pero ok lang naman kahit dalawang round lang and then we’ll sleep na kasi may pasok ulit tayo bukas Ooohh.”
Yes! One more round to go…. yeeehaaa!
I love this woman.
And I’m not going to stop until she’s 100% mine.
####################################
KABANATA 25
####################################
Abigail’s POV
Eto na naman. Sa pangalawang pagkakataon ay ginising ako ng nananginip na si Jon.
“Huwag po Mama,” Aniya, “Huwag niyo po akong ikulong. Aaahhh tama na po ahhhh maawa na po kayo ahhh.”
“Jon?” Tinapik ko ang kanyang pisngi. Nang hindi pa rin siya natatauhan ay dinoble ko ang tapik, “Jon?! Jon gising!” Kinapa ko ang kanyang leeg, pinagpapawisan siya ng malamig.
“Parang awa niyo na Mama, huwag niyo akong saktan. Nagugutom lang po ako. Hindi na po ako uulit.”
Huh? Ano ba ang napapaniginipan nitong si Jonathan? D*yos ko, bakit ayaw niyang magising?
“JON GISING!” Sinigawan ko na siya sa tenga niyug-yog siya ng bahagya.
“Huh?” Biglang bangon niya, nanlalaki ang mga mata, hinahabol ang hininga.
“Sandali, kukuha lang ako ng tubig.”
Ang advantage ng maliit kong apartment, ang bilis kong nakakuha at nakabalik. Ibinigay ko sa kanya ang isang basong malamig na tubig, inabot naman niya ito ay ininom hanggang kalahati. Hinaplos ko ang kanyang likuran ng aking kanang kamay, at ang kaliwa naman ay sa kanyang buffed na braso.
“Parati mo ba talagang napapanaginipan ang Mama mo?”
Halata ko na natigilan siya. Hindi siya nakatingin sa akin.
“I don’t mean to meddle Jon. Pangalawang beses na kasi ito.”
“Hindi naman. Salamat sa tubig. Halika, tulog na ulit tayo.” Ipinatong niya sa side table ang baso at muli niyang inilapat ang likod sa kama.
“Hindi mo man lang ba ise-share sa akin ang napanaginipan mo?”
“H-ha? W-wala yun, panaginip lang yun. H-hindi ko na nga masyadong maalala kung ano ang eksaktong napanaginipan ko. Halika na Abby, mahiga ka na dito sa tabi ko. Matulog na ulit tayo.”
Nice one Jon. But I have a bad news for you. I am not stupid.
Humiga ako, pero dilat pa rin ang mga mata, nilingon ko si Jon, nakapikit siya pero alam kong gising pa siya.
Paano ba mapapaamin ng isang abogado ang isang tao na magsabi ng totoo?
ASK THE RIGHT QUESTIONS, Abby.
“Anong ginawa sa iyo ng Mama mo, Jon?”
Hindi siya umimik. Pero dinig na dinig ko, sa katahimikan ng gabi, ang naglel-abor niyang paghinga. Alam kong narinig niya ako.
“Sinaktan ka ba niya? Ikinulong? Ginutom?”
Hindi pa rin siya umiimik. Pero naririnig ko na lalong nag-labor ang kanyang paghinga to the point na parang nanginginig na ang kanyang buong katawan.
“Answer me Jon.”
Hindi pa rin siya sumagot. Tumagilid siya patalikod sa akin kaya’t inakap ko naman siya mula sa likuran.
“I love you.” Bulong ko sa kanya at saka hinalikan siya sa balikat. “Hindi na kita pipilitin…good night.”
Naramdaman ko naman na hinawakan niya ang kamay kong nakapulupot sa tiyan niya.
“I love you too, Abby.” Bulong niya, “Good night.”
Something is definitely wrong with Jon. Hindi ako nakatulog sa pag-iisip ko sa mga pangyayari. I know in my heart that the only way I could be at peace again is to find things out myself.
“Good morning, Abby!” Bungad ni Jon sa akin kinaumagahan. Mukhang inunahan talaga niya ako sa paggising. “I made some breakfast.”
“Ikaw ang bumili ng pandesal?”
“Oo, grabe pala ang mga tao dun. Buti na lang kinindatan ko yung tendera kaya ako yung inuna niya haha.”
“Ikaw talaga. Pati tindera ng pandesal ginagamitan mo ng charms mo. Oo, mabili dun masyado. Sila lang kasi ang bakery sa lugar na ito.”
Wow at talagang siya na ang naprito ng itlog, hotdogs at ngayon may bacon pa.
“Paano ka natutong magluto, Jon?” Habang isinusubo yung hotdog.
Nakita kong napanganga siya. Nakatingin siya sa bibig ko. Tulala.
“Hoy, Jonathan. Narinig mo ba ako?”
“A-ah eh… kay Mama. She’s a good cook.”
Mama? Aling Mama? Yung napanaginipan niya kagabi? Yung nagkukulong sa kanya, nanakit at ginugutom siya sa panaginip?
“Are you close to her?”
“Noong nabubuhay pa siya, oo.”
“Oh… I’m sorry Jon…”
“Don’t be. Ahm… she died when I was 11.”
Abby…. kailangan mo ng itanong….
“Siya ba yung napanaginipan mo kagabi?”
Nakita kong natigilan siya sa pag-nguya. Nakatungo. Hindi tumitingin sa akin.
“No.” Matipid niyang sagot at saka kumain ulit.
“Wow, ang dami mo namang, Mama. Mabuti ka pa kasi ak—–“
“Would you please shut up?! Kagabi ka pa ah!”
Oh. Em. Ji. That mood swing again? Ang aga-aga.
“I’m sorry Jon gusto ko lang namang maki—“
“Makialam?! Alam mo ba na yan ang pinakaayaw ko kaya hindi ako pakikipagrelasyon ng higit pa sa k*ntutan?!”
Ang gusto ko lang naman ay ang MAKI-lala siya ng lubusan.
Hindi ako nakaimik, tumungo na lang ako at itinuloy ang pagkain. Nakikita ko naman sa aking peripheral vision na galit na galit siyang nakatingin sa akin, abot-abot ang paghinga.
Gusto kong maiyak.
“S-sorry Jon,” Hindi ako tumitingin sa kanya para maitago ko ang naglilingid kong mga luha. “Hindi ko sinasadyang mangulit. Gusto ko lang na makilala ka ng lubos pero, w-wag ka mag-alala, hindi na ako magtatanong at sinisiguro ko sa iyo ngayon na…” Nangiginig ang boses ko, “Hinding, hindi ako mag-aambisyong makikipag-relasyon sa iyo ng higit pa sa…k-kant*tan. Pasensya na kung nakalimutan kong lumugar. Sorry, Nakalimutan ko rin na, isa nga lang pala ako sa marami. W-wala akong karapatang mag-usisa at maki-alam sa buhay mo. Pasensya na talaga, hindi na mauulit…”
“A-Abby?”
Hindi ko na mapigilan ang pagtulo ng luha ko kaya’t tumayo na ako, nagtungo sa kuwarto, kumuha ng tuwalya, pumunta sa banyo, naligo, bumalik sa kuwarto at dali-daling nagbihis.
“Abby, I’m sorry…” Paulit-ulit niyang sinasabi habang sinusubukan niyang harangan ang dinadaanan ko, pero iniiwasan ko lang siya.
Ok lang naman, napatawad ko na siya agad sa puso ko, ganun naman palagi… eh kasi mahal ko talaga siya. Pero kailangan kong makalayo para makapag-isip ng maayos.
Shit masyado pang maaga para pumasok pero papalabas na ako ng bahay.
“Pakilock na lang ang pinto pag-alis mo.” Malamig kong sabi sa kanya habang mangiyak-ngiyak siyang nakatayo sa may salas. Kailangan ko siyang tiisin… magulo din kasi ang isip ko.
Isinara ko ang pinto paglabas ko. Hindi naman siya sumunod. Salamat na lang sa Diyos at may parating na tricycle habang papalabas ako, kaya’t walang lingon akong nakaalis agad.
….Ano ba kasi ang iniisip mo, Abby? He is Atty. Jonathan Romero, bigating corporate lawyer, multi-milyunaryo at makapangyarihan tao. Paano mo naisip na ang isang tulad niya ay basta na lamang ibabahagi ang sarili niya sa iyo? Oo nga at nagpapahiwatig siya ng pagtingin sa iyo, pero nakalimutan mo na bang siya rin si Jonathan Romero, ang ultimate playboy? Sa bibig na niya mismo naggaling noon… Isa ka lang sa mga babae niya, Abby. Isa ka lang sa marami…
Isa lang ako sa marami…
Mahal ko siya pero alam kong hindi ako nababagay sa kanya. Ilang beses ko na siyang pinagtangkaang tanggihan at iwasan, pero hindi ko alam kung bakit hindi ko nagawang panindigan. Kaya’t heto ako ngayon, unti-unting nalulunod.
Kailangan ko ng umahon…
Pero kailangan ko na itong panindigan…
Bago ako tuluyang malubog.
####################################
KABANATA 26
####################################
Abigail’s POV
As expected, napaaga ako ng pasok. One hour pa bago ang actual scheduled time ko, kaya minabuti ko na munang tumambay sa isang coffee shop na malapit sa Firm.
Ok na rin ito… Para may pagkakataon akong makapag-isip.
“Abby?!” Tinig iyon na nagmumula sa gilid ko.
“O, Carlos, ikaw pala.”
Si Carlos Buenaventura. Isa sa mga masugid na nanliligaw sa akin since G*d knows when… 5 years maybe. Nagkakilala kami sa isang orphanage kung saan ako ay naging volunteer social worker; where his family was a benefactor. Guwapo naman siya, mayaman at mabait. Pero dahil din nga sa “Mayaman” siya feeling ko, gold digger ang dating ko kung sasagutin ko siya.
May dala siyang isang malaking cup ng kape at isang donut. Agad siyang umupo sa harapan ko; ear to ear ang ngiti.
“Araw-araw ako dito pero ngayon ka lang nagawi dito ah.” Anya. “Wala ka bang trabaho?”
“Meron, pero masyado pang maaga. Ikaw? Dito ka rin ba sa area na ito nagtatrabaho?”
“Diyan lang a block away from here. Yup, I can say that… dun ako sa office ni Papa.”
“I see.” Nang may bahagyang ngiti.
“Abby, bakit mo binayaran ang mga pinadala kong bigas sa Center?”
“Alam mo na ang sagot diyan, Carlos.”
“Si Papa at Mama ang nagbigay sa inyo noon, hindi ako, kaya’t medyo nagtampo sila.”
Huh?
“B-bakit naman ako bibigyan ng mga magulang mo ng ganoong donasyon. Hindi ko naman sila nakikilala pa.”
“Hindi mo pa sila nakikilala kasi hindi mo pa ako sinasagot, Abby. Pero kilala ka nila, alam nilang ikaw ang nililigawan ko. At bilib sila sa ginagawa mo sa mga mahihirap doon sa lugar niyo. Nagsimula din kasi sila sa wala.”
“P-pakisabi pasensya na. Ayoko kasing mahaluan ng kung ano ang adhikain namin ni kuya Obet.”
“Nagtatampo sila pero lalo mo silang napabilib, Abby. Madalang na daw ang babaeng katulad mo kaya naman…”
Napakamot siya sa ulo…
“…Huwag ko raw titigilan ang panliligaw ko sa iyo hanggat hindi kita napapasagot. Ang sabi ko naman sa kanila, wala naman talaga akong balak tumigil kahit hindi nila sabihin.”
Shet na malagkit. Isa rin kasi itong si Carlos sa mga iniiwasan ko dahil… ubod din ng guwapo. Yung tipo bang mangitian lang ako ay baka mapasagot ako ng hindi oras at makalimutan ko na iniiwasan kong magka-boyfriend ng ubod ng yaman.
Simpleng tao lang ako, if I have a choice, ang gusto ko, simpleng tao rin lang ang makapareha ko sa buhay. Yung tipo bang, sabay kaming aangat sa pagtutulungan…. yung sabay kaming magsusumikap na maka-ahon sa kahirapan. Yung katulad ng sa mga magulang ni Carlos.
Maganda ang tindig ni Carlos. Maganda ang pangangatawan at magaling manamit. Hindi siya kasing tangkad ni Jon, pero matangkad din siya. Probably 5’9″ to 5’10”? Ewan ko ba, kakapiraso naman ako pero puro matatangkad ang nagpapahara-harang boylet sa harapan ko.
“Ano ba ang nakita mo sa akin, Carlos? Mas di hamak naman na mas maraming magagandang nagkakagusto sa iyo.”
Hinawakan ng kanang kamay niya ang kaliwang kamay kong nakalapag sa lamesa.
“Ang hinahanap ko ay yung gusto ko, hindi yung may gusto sa akin. You are everything I ever dreamed of, Abby. Babaeng may paninindigan… may substance at hindi yung puro ganda lang. Ikaw, maganda ka sa loob at sa labas. Gustong-gusto talaga kita Abby, sana isang araw bigyan mo rin ako ng pagkakataong mahalin ka.”
Hindi ako makagalaw. Ang init ng kamay niya. Hindi ko alam kung dahil ba yun sa kape na hawak-hawak niya kanina o talagang mainit lang talaga ang kamay niya.
“Carlos, ayokong umasa ka. Wala pa kasi sa isip ko ang nga bagay na iyan. Gusto ko munang tapusin ang—“
“Maghihintay ako hanggang makatapos ka sa iyong pag-aabogasya. Maghihintay ako kahit gaano katagal. Mahal, na mahal kita Abby.”
Oh my G*d. Hindi ko alam kung bakit ako natataranta eh wala naman akong gusto sa kanya. Ewan ko ba kung a bakit ako kinakabahan. Yung kabang parang may nakaambang mangyari na hindi maganda. Bagama’t nakahawak pa rin siya sa kamay ko, ay umiwas ako ng tingin sa kanya.
Sa pag-iwas ko ay napatingin ako sa labas; napapalibutan lang kasi ang coffee shop ng fiberglass, kaya naman nagkakakitaan kung sino ang nasa loob at nasa labas. Nagulat naman ako ng may naaninag akong nakatayo doon sa kabilang kalye. Nakatingin ito ng diretso sa akin, nagbabaga ang kanyang mga mata, at nakatikom ang kanyang mga kamay.
Si Jonathan.
Nakita ko siyang humahangos palapit. Papunta at papasok dito sa coffee shop. Hindi ako makapagsalita, lalo na nang bigla na lang niyang kinuwelyuhan ang walang kamalay-malay na si Carlos at sinuntok sa mukha. Tumilapon si Carlos sa sahig, kitang kita ko na umagos agad ang dugo sa labi niya.
Medyo nagkagulo ang mga tao. May iba pang sumisigaw. Bumangon si Carlos at tingnan si Jon ng may pagtataka.
“S-sino ka ba? Bakit bigla ka na lang nanakit?” Malumanay pa rin si Carlos; ang bait talaga.
Ambang susuntukin ulit siya ni Jon nang pumagitna ako. Huli na pala dahil naitapon na ni Jon ang kamao niya kaya’t ako ang tinamaan ng padaplis sa aking kaliwang pisngi. Padaplis man, ay masakit pa rin. Napasubsob ako sa dibdib ni Carlos. Nang makita ni Carlos na nasaktan ako ay sinugod na rin niya si Jon at sinuntok sa mukha. Malakas din pala itong si Carlos kaya’t napatihaya niya si Jon sa mga lamesa at upuang nasa likod niya. Nagkasapakan na sila at tuluyang nagkagulo na sa coffee shop.
May mga lalaking dumalo at inawat sila, kasama na ang dalawang security personnel na matatangkad at malalaki ang katawan.
“Siya po ang nag-umpisa,” Sabi noong isang matandang babae habang itinuturo si Jon, “Nanahimik po ang batang ito ay basta na lang siya sinuntok.” Itinuturo si Carlos.
“Tarantado ka tantanan mo ang girlfriend ko!” Sigaw ni Jon kay Carlos.
Tumingin naman si Carlos sa akin na parang nagtatanong kung totoo ba? Nakita ni Jon ang pagtitinginan namin ni Carlos, kaya’t nakita rin niyang umiling ako kay Carlos. Eh hindi naman talaga eh. Hindi naman talaga kami.
Narinig ko namang bumulong si Jon ng “P*tang ina.” At saka ako binalingan.
“Ganun ba? Ha Abby?!” Sigaw ni Jon sa akin. Nagbabaga ang tingin niya. “Nag-papak*ntot ka sa akin tapos hindi mo pala ako boyfriend?!” Sigaw niya ng nakangisi.
Narinig ko ang bulungan ng mga tao habang nagdidilim naman ang paningin ko sa sobrang kahihiyan.
“Bakit Abby, ha?” Tatawa-tawa niyang dugtong, “Mas magaling ba ang tarantadong ito sa akin?” Itinuro si Carlos.
Napaupo ako, itinungo ang ulo sa sobrang kahihiyan, tinakluban ko ang mukha ko ng magkabilang kamay at saka umiyak. Naramdaman ko naman ang paglapit ni Carlos sa akin, pagyuko at pagyakap. Sa ginawa niyang iyon ay narinig ko na namang bumulong si Jon ng “P*tang ina!”
“Abby, ok ka lang ba?” Bulong ni Carlos.
Hindi ako makapagsalita. Hindi ko maiharap ang mukha ko kahit kanino. Ito na yata ang pinakamatinding kahihiyan na naranasan ko sa tanang buhay ko. At ang masakit pa rito. Dulot pa ito ng kaisa-isang lalaking minahal ko at minamahal pa rin sa kabila ng kanyang mga kahinaan.
Ewan ko. Siguro, ito na nga, ito na ang tuldok ng pagmamahal kong iyon. Sana nga, kasi pagod na ako. Panahon na siguro na mahalin ko naman ang sarili ko, na mas madalas kong nakakalimutan para lang sa ibang tao.
“Carlos,” Bulong ko kay Carlos na nakayakap pa rin sa akin, nakataklob pa rin ang mga kamay ko sa mukha ko. “Pwede bang ihatid mo ako palabas?”
“Oo naman, Abby… Halika na.”
Itinayo nya ako, hinila ng kanang kamay niya ang aking batok para maibaon niya ang aking mukha sa kanyang dibdib. At saka ako iginiyang palabas habang hinahawi niya ang mga usisero sa dinadaanan namin. Habang papalabas kami ay nadinig ko na naman ang sigaw ni Jon.
“I’m sorry Abby,” Umiiyak siya, “Mahal na mahal lang kita kaya ko nagawa ito! Patawarin mo ako, Abby.”
Napatigil si Carlos ng lakad kaya’t napatigil din ako.
“Tumahimik ka nga!” Dinig kong sigaw ni Carlos sa kanya, “Siraulo lang ang nagmamahal ng katulad ng sa iyo. Hindi mo mahal si Abby, dahil hindi mo dapat sinasaktan ang taong mahal mo!”
Natahimik siya….
Natahimik ang lahat….
Habang tuluyan na kaming lumayo sa lugar na iyon.
“Abby…” Bulong ni Carlos sa akin nang medyo nakalayo na kami. Nakasubsob pa rin ako sa may kanang dibdib niya, “Wala akong pakialam kung may nangyari na sa inyo ng tarantadong yun. Tanggap ko kahit ako ang pangalawa, basta’t ako ang huli. Mahal na mahal kita, Abby. Mas lalo akong mapupursiging suyuin ka, para hindi ka na saktan ng tarantadong iyon.”
Ang sarap pakinggan pero wala akong maisagot dahil gulong-gulo ang utak ko ngayon.
Si Jonathan ang mahal ko, pero hindi ko matanggap ang pagyurak niya sa dignidad ko kanina.
Ang sakit.
Ang sakit-sakit.
Sobrang sakit.
Mas masakit pa sa pisikal na suntok niya.
Wala na sigurong sasakit pa sa ginawa niyang ito sa akin…
… Pero gagamitin ko ang sakit na ito para patayin ang natitirang pagmamahal ko sa kanya.
####################################
KABANATA 27
####################################
(Beginning of Flashback)
Author’s POV
*WHACKH!* Haplit sa likod.
Tunog iyon ng haplit ng buntot pagi sa napakamura niyang balat.
“Araykupooooo, M-mamahhh! Tama na po….”
Parang hindi naman siya naririnig.
*WHACKH!* Haplit sa likod ng mga hita. Lumatay agad sa lakas.
“Ahhhhhhh! M-mama huhuhu!”
*WHACKH!* Haplit ulit sa likod na naguumpisa ng magsugat.
“M-mmamaa.” Sabay hikbi.
*WHACKH!* Ilang ulit pa. Hangga’t hindi na siya makadaing sa sobrang sakit.
Ito ang mapapala niya kapag nagkakasala siya sa mata ng kanyang ina, maliit man o malaki… parehas lang ang bigat ng parusa.
*KLANK* Tunog iyon ng kadenang nakakabit sa kamang papag. Ikakadena na naman siya. Dun sa madilim at mabahong silid. Kung hanggang kailan? Hindi niya alam.
*THUGH* Tunog iyon ng kanyang murang katawang bumagsak sa matigas na papag na parang isa lamang tipak ng karne. Inihagis siya roon ng kanyang amain–ang kinakasama ng kanyang ina, matapos na siya ay halos patayin na sa mga hagupit.
“Magtatanda ka na sigurong, P*tang ina mo! Palamunin, pabigat at malas sa buhay. Tssss.” Utas ng kanyang amain sabay dura sa kanyang mukha.
*PAK* Sinampal siya sa mukha ng kanyang ina habang nakahandusay na halos wala ng malay.
“Sa uli-uli, pati mukha mo lalatayan ko.” Matigas na pagbabanta ng sariling ina.
Ang kasalanan niya? Bumawas siya ng diumano’y “mamahaling” biskuwit sa sobrang gutom. Buto’t balat na siya dahil minsanan sa isang linggo lang siya pinapakain. At sa minsanang iyon, ay kaning baboy pa.
Anak sa pagkadisgrasya si Jonathan. Pagkadisgrasya dahil ginahasa daw diumano ang kanyang ina ng isang dayuhan. Isang foreigner na amerikanong puti na nakilala nito sa pinagtatrabahuhang beer house bilang waitress. Ilang beses siyang pinagtangkaang ipalaglag ngunit hindi ito natutuloy sa takot ng kanyang ina na baka daw pati siya ay mamatay.
Binuhay nga niya si Jonathan, pero mas masahol pa sa hayup ang trato niya rito.
“Bakit ba hindi ka mamatay-matay?!”
Yun ang madalas sabihin ng kanyang ina sa kanya. Noong una ay nasasaktan siya, pero nang mag-laon ay nakasanayan na rin niya na marinig iyon. Nakasanayan na rin niya ang makarinig ng pagmumura at ng malalaswang salita na numumumutawi sa bibig ng kanyang ina at amain habang ang dalawa ay nagtatalik sa kabilang silid. Nakasanayan na niyang tawagin siyang tanga, tarantado, walang-kuwenta, walang-hiya, walang silbi, pabigat at malas.
Noong nabubuhay pa ang lola niya—ang ina ng kanyang ina, ay nasa maayos naman siya. Mahal na mahal kasi siya ng kanyang lola. Ipinagmamalaki pa nga siya nito sa mga kapitbahay dahil sa talagang napaka-guwapo naman niyang bata. Bagamat nakuha niya ang morenong balat sa kanyang ina ay mukhang foreigner talaga ang features at tindig niya, maging ang tangkad.
Nagbago ang lahat ng namatay ang kanyang lola nang siya’y maglilimang taong gulang pa lamang. At sa murang edad na iyon nagsimula ang impyernong buhay niya sa kamay ng kanyang sariling ina.
“Ughhh!” Ungol niya nang minsanang pinagtripan siyang gawing ashtray ng amain habang nakatingin lang ang kanyang ina. Tama bang patayin niya ang upos ng kanyang sigarilyo sa pamamagitan ng paglapirot ng may sindi pang upos nito sa kanyang batok?
“Akhhh!” Sipa ng kanyang ina sa kanyang sikmura, bago ito umalis.
“Mamatay ka na kasi para hindi ka na naghihirap!” Bulong ng kanyang ina sa kanyang tenga.
(End of Flashback)
Jonathan’s POV
Hindi ko alam ang gagawin ko. Bakit ba kasi napaka-sama ko? Bakit parang natural lang sa akin ang magbigkas ng masasakit na salita? I’m a sick man, up here in my head, but this sick man is in love with the only woman he feels safe to be with.
My poor Abby… I know I hurt her so bad dahil lang sa matinding pagseselos ko. Sino ba kasi ang lalaking iyon na nakahawak pa sa kanyang kamay? Dapat akin lang siya eh. Dapat ako lang ang hahawak sa kanya. Mahal na mahal ko siya, Diyos ko! Mahal na mahal ko talaga siya, but I am a sick, sick man! And I don’t know how I can fix myself.
“I know you don’t need me to nag on you right now, Jon,” Nakakunot na panenermon ni Art, “Pero ilang beses ko ng sinasabi sa iyo na ayusin mo na ang issue mo sa nanay mo at sa nakaraan mo. The more you nurse your anger, the more emotionally unstable you become, and the more emotionally unstable you become, the more na lumalala ang pag-uugali mo. Kita mo na? Pati si Abby nadadamay sa malaking sira diyan sa tuktok mo. Paano na ngayon yan? Nasa iyo na, ipinatalo mo pa dahil lang diyan sa problema mong ayaw mong solusyunan!”
Hindi ako makapagsalita. Totoo naman ang lahat ng sinasabi niya eh. I am psychologically imbalanced. I used to see a psychiatrist who diagnosed me with Chronic Depression also known as Dysthymia. It is a less severe form of depression na sumusumpong-sumpong na ang suspetsa ng aking psychiatrist ay dahil sa trauma ng matinding pagmamaltrato ng aking sariling ina, particularly noong gamuntik na niya akong mapatay dahil sa tubong inihambalos niya sa ulo ko.
“A-anong gagawin ko Art, alam kong kailangan kong harapin ang mga issues ko, pero hindi ko kayang mawala si Abby sa buhay ko.”
“Sinabi ko na sa iyo ang dapat mong gawin bago pa nangyari ito. Hindi ba’t sinabi ko sa iyo na sabihin mo na sa kanya ang lahat-lahat ng tungkol sa iyo, lahat-lahat kasama na ang mga pinagdaanan mo? Pero ano ang ginawa mo? Imibis na gamitin mong opportunity ang mga pagtatanong niya para mailahad ang lahat ng iyon, eh sinumpungan mo ng topak mo! Imbis sagutin mo ang mga katanungan niya, siya pa itong ininsulto mo and worst, tinapakan mo pa ang pagkababae niya…ang pagkatao niya sa harapan ng maraming tao. Ibinigay niya ang sarili niya sa iyo Jon, minahal ka niya kahit may topak ka, tinanggap ka niya kahit pinagbuhatan mo siya ng kamay, hindi siya umalis sa tabi mo kahit halos babuyin mo na ang pagkababae niya. She will never, ever deserve what you just did.”
“I know, Art, I know… please help me fix this?”
“Anong gusto mong gawin ko? Milagro?” Kitang-kita sa mukha niya ang pagka-irita sa akin. “Kalimutan mo na si Abby, Jon. She doesn’t deserve you. Ipaubaya mo na siya sa lalakeng mas tatratuhin siya ng maayos, yung mamahalin siya at sasambahin. And you, you better fix yourself bago may mabiktima ka na namang iba.”
Umiyak na ako at ginulo-gulo ang buhok. Parang sinabi niya na rin kasi sa aking… mamatay ka na Jon. Sana nga mamatay na ako. Parang tama ang ina ko, “Bakit ba hindi ako mamatay-matay?”
Wala akong makuhang tulong mula kay Art, mukhang maging siya ay punding-pundi na sa akin. Kaya’t minabuti kong puntahan si Bernard sa opisina niya. Ewan ko, baka sakaling pwede ko siyang abalahin.
“Yes, I’ve heard that incident. One of our customers was there and she was very shocked sa inasal mo.” Kuwento ni Bernard patungkol sa coffee shop incident. “And speaking of Abby… nagsumbit na siya ng resignation. Ayaw ko sanang tanggapin dahil kulang tayo sa tao this coming Friday, pero hindi ko naman siya masisi. Hindi ko ipinaalam sa kanya na alam ko ang nangyari, baka kasi lalong mapahiya yung tao.”
Natahimik ako. Magkabarkada kami since College, but I am not used to talking to Bernard with my personal matters. Pero with Art’s suggestion that I give up Abby, he left me with no choice but to ask for a second opinion in the person of Bernard, my second closest buddy.
“Wala akong maia-advice sa iyo Jon kung hindi ang humingi ka ng tawad, kung kailangang sa harap din ng maraming tao, gawin mo. Kung kailangan mong lumuhod, magmakaawa, magmukhang tanga… gawin mo para mapatawad ka niya. Pero Pare, kung ano man ang isagot niya pagkatapos noon, eh igalang mo na lang. Medyo kasi mahirap patawarin ang ginawa mo sa kanya eh. Santa na lang siya o di kaya eh, abot langit talaga ang pagmamahal niya sa iyo kung mapapatawad ka pa niya at tatanggapin ka ulit. At kung mangyari man ang milagrong tanggapin ka pa niya ulit eh… utang na loob pare, umayos ka na. Ayusin mo na ang sarili mo para sa inyong dalawa. Hindi naman habang panahon eh kailangan mong alagaan yang pagiging topakin mo.”
At least may kaunting pag-asa pang nakikita si Bernard. Kahit 1% na pag-asa lang, ngayon ay papatusin ko.
Gagawin ko…
Gagawin ko ang lahat….
Mapatawad lang ako ni Abby…
####################################
KABANATA 28
####################################
Abigail’s POV
Ang sakit-sakit ng ginawa niya sa akin, pero bakit namimiss ko siya? Shit na puso ito, nakakapikon na talaga. Lalo ko siyang namimiss kapag nakikita ko siyang matyagang nakabantay sa labas ng apartment ko buong magdamag, o di kaya naman sa labas ng Firm, o sa labas ng school. Nag-quit na ako sa bar nila kaya kahit paano, nabawasan na ang mga lugar na madalas kaming magkita.
Kahit saan ako pumunta nandun siya, at kapag nagtatama ang aming paningin kitang-kita ko ang kalungkutan at pagsisisi sa kanyang mukha. May bahagi ng pagkatao ko na gustong patawarin siya, pero may bahagi rin namang umaayaw na.
“Anong ginagawa mo rito?!” Sigaw ni Carlos kay Jon nang maging sa Center ay pinuntahan ako. Hindi naman umimik si Jon, pero hindi rin siya umalis. Dahil doon, lalong napikon si Carlos. “Ang kapal din naman ng mukha mong umasa na patatawarin ka ni Abby! Umalis ka na dito bago pa kita masapak ulit.”
Sinamaan lang siya ng tingin ni Jon, pero hindi ito kumibo sa kinatatayuan.
“Alis sabi eh!” Sigaw ni Carlos, kasabay ng paglapit niya at pagtulak kay Jon. Medyo napaatras si Jon sa pagkakatulak ni Carlos pero hindi siya lumaban, hindi rin siya umalis.
“Alis sabi eh!” Mainit na talaga ang ulo ni Carlos at mas nilakasan ang tulak. Napaatras ulit si Jon pero hindi pa rin gumanti… hindi rin umalis.
“Napipikon na ako sa iyo ha!” Sinuntok na siya ni Carlos sa mukha, tumilapon si Jon, humarap at nakita kong dumugo agad ang labi niya pero… hindi siya gumanti kay Carlos, nakatingin lang ang malungkot niyang mga mata sa akin.
Ilang beses pa siyang sinuntok ni Carlos, napasubsob na siya, napatihaya, tumilapon, halos madurog na ang mukha niya pero hindi siya gumanti, nakatingin lang siya sa akin habang nagpapabugbog siya kay Carlos.
Shit. Bakit ba niya ginagawa ito? Ayoko na nga sa kanya eh. Pagod na ako. Pagod na ako sa kanya.
“Tama na Carlos!” Sigaw ko na nakahawak sa kayang braso. Napansin kong mas nasaktan pa si Jon sa paghawak ko kay Carlos kesa sa nga sugat at bukol niya mukha. Ilang saglit pa’y sa wakas, dumating na rin sina kuya Obet at ilang mga kalalakihan mula sa depressed area at inawat si Carlos.
“Umalis ka na Jon.” Nakakunot noong sabi ko sa bugbog saradong si Jon. Kalahati ng pagkatao ko ay umiiyak para sa kanya, pero ang kalahati ay humahalakhak habang sinasabing, mabuti nga sa iyo Jonathan Romero. Kulang pa yan sa sakit at kahihiyan na naranasan ko sa kamay mo. “Wala ka ng aasahan sa akin Jon. Huwag ka ng mag-aksaya ng panahon.”
Nakita kong tumulo ang kanyang mga luha at tuluyan ng humagulhol. Lumuhod siya sa harapan ko at hinalikan ang mga paa ko.
Nagbulungan naman ang mga taong nanonood sa amin.
Shit. Anong ginagawa niya?
“I’m so sorry Abby…. I’m so sorry… mas mabuti pang patayin mo na lang ako kesa sabihin mong wala na…”
Natutukso akong itayo siya at yakapin, pero kailangan kong panindigan at kalimutan siya. Kaya naman mas minabuti kong tumalikod, umalis, at iwan siya doong nakaluhod na parang tanga.
Shit… Bakit ako naiiyak? Bakit ako nalulungkot na talikuran siya. Buwisit na puso ito talaga, ayaw sumunod sa utak ko.
Umuwi na lang ako sa apartment para mag-mukmok… naguguluhan talaga ako. Hindi ko maintindihan kung bakit kahit gaano kasakit ang ginawa niya sa akin eh mahal ko pa rin siya.
Dumungaw ako sa labas ng bintana kung saan ko siya madalas nakikitang naghihintay sa tabi ng poste for two weeks now. Nakita kong nandun nga siya, siya at ang bugbog sarado niyang mukha. Samahan pa ng shirt na may mga tulo ng dugo at mantsa ng mga dumi. Nakasandal siya sa kanyang kotse, na nakaparada sa may poste sa harapan ng apartment ko.
For 2 weeks now, nandun siya gabi-gabi. Umaalis na lang siya kapag umaga na. Para bang nagbabantay siya kung may pupunta sa aking ibang lalaki sa gabi. Damn, possessive idiot. A sweet possessive idiot.
“Ano kayang nangyari kay Attorney Romero?” Bulungan ng mga katrabaho ko sa Firm nang makita nila si Jon na tadtad ng plaster ang mukha.
Alam kong nakatingin siya sa akin habang dumadaan siya sa area namin pero sinadya kong hindi tumingin.
“Hoy alam niyo ba ang istorya ng buhay niyang si Attorney Jonathan?” Dinig na dinig kong bulungan nga mga katrabaho kong may mga crush kay Jon.
“Ano?” Sabi ng isa.
“Alam niyo ba na ang tunay niyang pangalan ay Jonathan Sebastian? Yun ang tunay niyang pangalan bago siya ampunin ni Judge Raul Romero at ng sumakabilang buhay niyang asawa.”
“Ampon siya? Kaya naman pala hindi kamukha, maliit lang kasi si Judge, tapos ang tangkad nitong si Attorney Jonathan. At ang pogi pogi ni Attorney Jonathan, si Judge eh slight lang.”
At sabay-sabay na mahinang nagtilian.
Ang laladot nga mga ito. Sorry na lang kayo, natikman ko na siya (haha).
“Oo, nasilip ko yung case file niya dun sa archives room sa itaas. Si Attorney Santiago mismo ang naghawak ng kaso niya. Grabe pala ang pinagdaanan ng taong yan. Kawawa talaga. Hindi ko pwedeng idetalye sa inyo kasi baka masisante ako. Pero grabe, nakakaawa siya talaga. Hoy huwag kayong maingay ha? Bawal ipagsabi yun eh. Huwag niyo akong isasabit ha. Lagot kayo sa akin.”
Nakita kong naghiwahiwalay ang mga tsismosa nang dumaan si Attorney Vince at ang iba pang mga abogado.
Jonathan Sebastian? Yun ang tunay niyang pangalan? Kawawa siya? Grabe ang pinagdaanan? Bakit? Ano bang nangyari sa kanya?
Natutukso ako… natutukso akong pumunta sa archives room. May access din ako dun eh.
“Ate Mercy, may kukuhanin lang akong cold case files sa itaas.”
“Ah ok.”
Nangangatog ang tuhod kong tinungo ang archives room. Hindi dahil sa takot akong mahuli, dahil hindi naman ako bawal dun, kundi sa maari kong matuklasan tungkol kay Jon. Hinanap ko ang file boxes na nagsisimula sa “S” at nagsimulang hanapin ang file ni Jonathan Sebastian.
I found it.
Damn. Nangangatal ako sa pagbuklat.
Tumambad sa akin ang kanyang personal information at ang 2×2 picture niya noong siya’y batang-bata pa… malamang mga pito hanggang walong taong gulang. Ang guwapo na niya noon, kahit mukhang gusgusin at payat na payat. Humantong ako sa mga litrato na labis kong ikinagulat. May litrato ng mukha niyang halos hindi na makilala sa sobrang daming bukol at sugat. May litrato rin ng murang katawan niya na puro pasa, latay, hiwa, paso ng sigarilyo at malalim na sugat. Nakita ko ang litrato ng marahil ay ina niya na kinasuhan ng child abuse at attempted murder dahil sa labis na pagpapahirap, pananakit at tangkang pagkitil sa buhay ng sariling anak.
Hindi ko na namalayan ang pagtulo ng luha ko.
Naalala ko si Biboy. Akala ko, grabe na yung kaso ni Biboy… Mas grabe pala itong kay Jon.
Diyos ko! Hindi ko maimagine kung gaano kahirap ang dinanas niya sa kamay ng sariling ina. Iyon siguro ang dahilan kung bakit siya nagalit sa akin noong tinanong ko siya tungkol sa kanyang Mama. Yun siguro ang dahilan niya kung bakit iniiwasan niyang magkuwento tungkol sa panaginip (o memorya) niya tungkol sa kanyang Mama. Naalala niya kasi siguro yung labis-labis na sakit at pagdurusa na naranasan niya.
Diyos ko.
Parang gusto ko tuloy hanapin siya at yakapin ngayon mismo. Oo, nasaktan ako at napahiya sa mga sinabi niya sa akin sa harap ng mga tao dahil marahil sa pagseselos niya kay Carlos. Pero mas nangingibabaw talaga ang pagmamahal ko sa kanya.
Sapat na siguro ang dalawang linggo para marealize niya na mali ang ginawa niya sa akin.
Sapat na siguro ang dalawang linggong walang humpay na paghingi niya ng tawad sa akin.
Dahil ako? Hindi na yata ako tatagal ng isang araw pa na hindi siya nayayakap at nahahalikan.
Mahal ko talaga si Jon. Mahal na mahal.
####################################
KABANATA 29
####################################
Jonathan’s POV
Kahit ano titiisin ko, mapatawad lang ako ni Abby. Kahit pa magbilad ako sa araw maghapon, para makita ko lang siya ng ilang segundo bawat araw ay masaya na ako. Hindi ko inakalang magmamahal ako ng ganito. Kahit anong tanggi ko noon na hindi ko siya mahal… na hindi ko siya gusto, alam ko, na noon pa man, tumututol na ang puso ko sa mga kasinungalingan ko. Natatakot kasi akong magmahal ulit, dahil halos mawasak ako noon nang iniwan ako ni Ella–ang una kong siniryosong babae.
Nang iniwan ako ni Ella noon, nasaktan ako, pero hindi ko siya hinabol. Ni hindi ako nag-makaawang bumalik siya. Pero kay Abby…nasasaktan ako dahil alam kong nasaktan ko siya. Hinahabol ko siya dahil siya na ang may-hawak ng puso ko. Kaya naman kung mawawala siya sa sistema ko, siguradong daig ko pa ang isang patay. Mas mabuti pa na hindi na lang ako huminga, kung mawawala din lang siya sa buhay ko.
Pinuntahan ko siya sa Center kahapon, at hinayaan ko lang na bubugin ako sa harapan niya noong lalaking umaaligid-aligid sa kanya. Gusto ko kasing malaman niya na kahit anong sakit ng katawan, kaya ko, kahit mamatay pa ako, kaya ko, mapatawad lang niya ako. Kulang pa ang mga suntok na tinamo ko sa sakit na idinulot ko sa kanya, kaya’t mas minabuti kong huwag na lang gumanti.
Heto ako ngayon, tulad ng mga nakakaraang araw, nakaabang lang ako sa labas ng apartment niya. Maya-maya lang, alam ko, darating na siya galing trabaho. Wala siyang pasok sa iskwela ngayon, kaya’t sigurado kong uuwi na siya anytime.
Natatawa ako sa reaksyon ng mga taong dumadaan sa kalye nila, tinitingnan nila ako at ang puro plaster kong mukha, siguro, iniisip nila, ako si Frankenstein o di kaya naman eh isang boksingerong talunan. Wala akong pakialam kung ano ang iniisip nila, ang mahalaga sa akin ngayon ay ang makita si Abby kahit man lang sa pagbaba niya sa tricycle hanggang sa pagpasok niya sa apartment niya. Ok lang, kahit hindi niya ako pinapansin. Basta’t makita ko lang siya, masaya na ako.
Huh? May pumatak na tubig sa braso ko. Parang uulan pa yata, pero wala akong pakialam, hihintayin ko siya rito kahit malunod pa ako sa baha.
Maya-maya pa’y nakarinig na ako ng paparating na tricycle. Sinipat ko kung sino ang sakay… hindi si Abby, lumampas lang ito sa harapan ko. Makalipas ang dalawang minuto ay may narinig ulit akong isa pang tricycle na parating, sinipat ko ulit, hindi pa rin si Abby at lumampas din lang ito sa aking harapan. Napabuntong hininga ako, lalo pa’t palakas na ng palakas ang pag-ambon. Tumingala ako sa langit, madilim na ang mga ulap. Dahil doon ay nakakasiguro akong malakas ang ulan na paparating.
Nakatitig pa rin ako sa ulap nang may narinig ulit akong tricycle na parating, hindi ko na ito sinipat, pero napatingin ako nang huminto ito ilang dipa ang layo sa akin, at iniluwa si Abby na nakatingin sa akin. Tiningnan ko rin siya at bahagyang ngumiti. Akala ko ay tatalikuran ulit nya ako katulad ng mga nakakaraang araw. Kaya naman laking gulat ko nang ngumiti siya pabalik sa akin. Nagngingilid ang kanyang mga luha at amba ng iiyak.
“Abby?” Malabing kong samabit habang pinapanood ko siyang unti-unting lumalapit sa akin.
“Jon…” Sabay yakap sa akin.
G*d! Napaiyak na rin ako habang niyayakap ko na rin siya ng mahigpit. Ramdam ko ang magkahalong ligaya at pananabik sa dibdib ko. Damn. I missed her so much.
“Abby…” Yun lang ang nasasabi ko ng paulit-ulit. “I’m so sorry… Kahit ano, gagawin ko, mapatawad mo lang ako. Mahal na mahal kita, Abby.” Hindi ko na mapigilan ang paghagulhol. Siya lang talaga. Siyang-siya lang talaga ang kauna-unahang babaeng iniyakan ko.
“Pinapatawad na kita Jon,” Ang sarap pakinggan, “Mahal na mahal din kita” Lampas langit ang kaligayahan ko ngayon.
Hinalikan ko siya, gumanti naman siya. Parang hindi na alintana sa amin na nasa kalye pa kami.
And then the rain poured. Kaya naman parehas kaming nabasa. Humalakhak siya, napahalakhak na rin ako.
“Pasok muna tayo Jon, baka magkasakit tayo pareho.”
Tumakbo kami papasok sa apartment niya, pero pagkapasok na pagkapasok namin, ay hindi ko na natiis. Hinalikan ko ulit siya, gumanti naman siya at dali-dali naming hinubaran ang isa’t isa.
####################################
KABANATA 30
####################################
Jonathan’s POV
We were both half naked at nasa gitna ng aming paghahalikan nang biglang nag-ring ang cellphone niya. Sa una ay hindi niya ito pinapansin, pero dahil pareho kaming nakukulili sa tunog, ay mas minabuti na niyang sagutin ito.
“Hello,” Aniya.
Sinusulyapan ko ang mukha niya habang buong lambing kong hinahalikan ang kanyang leeg. Nakakandong siya sa akin ng pabukakang paharap dito sa sofa sa kanyang salas.
“Ha?!” Pabigla niyang sinabi matapos may sabihin sa kanya ang kanyang kausap. Nang dahil doon ay napatigil ako ng paghalik sa kanya at nag-aalalang pinagmasdan na lang ang kanyang mukhang, mukhang nag-aalala din.
“Oo sige kuya Obet, pupunta na ako diyan.” Sabay baba niya ng telepono at tiningnan ako.
“Anong nangyari?” Nag-aalala kong tanong.
“J-Jon, pasensya na, pero kailangan kong puntahan ang Tita ko.” Bumaba na siya mula sa kandungan ko, tumayo, dinampot ang mga basa naming damit na nagkalat sa sahig, tumungo sa may banyo para ilagay ang mga iyon sa hamper, kumuha ng dalawang puting tuwalya sa kanyang kuwarto at saka bumalik sa salas. Ang bilis niyang kumilos habang ako naman ay nakatulala lang na pinapanood siya.
“Jon, eto ang tuwalya para matuyo mo ang buhok mo,” Sabay abot sa akin ng isang tuwalyang tinanggap ko naman. “Nasa kuwarto ko yung maleta mo,” Dagdag niya “Malilinis ang lahat ng damit mo doon, ikaw na ang bahalang pumili kung ano ang gusto mong suotin.” Nauna na siyang tumungo sa kuwarto niya; sumunod naman ako, at nagkanya-kanya ng bihis.
“Anong nangyari, Abby?” Habang isinusuot ko ang isa sa mga faded jeans mula sa maleta ko.
“Isinugod ang Tita sa hospital sa kabilang bayan, kailangan ko siyang puntahan.”
“Sasamahan na kita.”
Natigilan siya at sinulyapan ako.
“Ayokong makaabala sa iyo, Jon.” At muling itinuloy ang pag-aayos sa sarili.
“Hindi ka abala sa akin, Abby. Kung maari nga eh, kung nasaan ka, nandun din ako parati.”
“Are you sure?” Sabay tingin sa akin.
“Absolutely.”
Pagkatapos noon ay pinanood ko lang siya habang nakaharap siya sa salamin ng kanyang tukador na sinusuklay ang kanyang buhok. Ang ganda talaga niya kahit na gulo-gulo ang buhok niya. Ni hindi na niya kinailangang magmake-up tulad ng ibang mga babae dahil napakakinis ng balat niya. Mamula-mula ang kanyang mga labi at natural na kulay rosas ang kanyang magkabilang pisngi.
Nginitian niya ako mula sa repleksyon ng salamin; nasa malayong likuran kasi niya ako. Nahalata niya siguro na nakatulala lang ako sa kanya.
Lumingon siya sa akin, kinuha ang hairbrush, lumakad patungo sa akin, pinaupo ako sa edge ng kanyang kama at inumpisahang suklayin ang aking buhok. Pangalawang beses na niyang ginawa ang suklayan ako na parang bata, ewan ko ba kung bakit, pero gustong-gusto ko kapag ginagawa niya ito. Hinawakan ko kanyang magkabilang balakang, at saka niyakap ng mahigpit ang kanyang bewang.
G*d! I am really, really in love with this woman. Noong nagkahiwalay kami ng mahigit dalawang linggo, doon ko mas na-realize na hindi na ako makukumpleto kung wala siya sa buhay ko.
“T-Tita? Kamusta na po kayo?” Inakap niya ang kanyang Tita na nakahiga sa kama sa hospital.
“Maayos na ako, hija.” Nakatingin ang kanyang Tita sa akin na agad namang napansin ni Abby. “Sino siya, Abby?”
“Ah,” Sabay hila niya sa braso ko; nagpakatianod naman ako, “Tita, ito nga po pala si Jon ka—“
“Kasintahan po niya.” Sagot ko sabay abot ko sa kanyang kanang kamay para magmano. Sumingit ako dahil ang suspetsa ko ay sasabihin niya na KAibigan niya lang ako. Hindi pa naman kasi kami nakakapag-usap ng maayos ni Abby.
Napangiti naman ang Tita niya kay Abby, hindi ko alam kung bakit. Basta! Nagtitinginan lang sila na parang nag-uusap ang kanilang mga mata.
“Ikaw pala ang nobyo nitong si Abby na tinutukoy sa akin ni Obet.” Aniya. “Mabuti naman at nagkakilala na tayo ng personal.”
Awkward moment. Hindi ko kasi alam ang sasabihin ko. Hindi ko kasi alam kung ano ba ang sinabi ni Obet sa kanya. Hindi ko rin kasi sigurado kung kasama ba dun sa mga sinabi niya yung tampuhan namin ni Abby, pati na rin ang nangyari sa amin sa Center.
“Ano po ba ang nangyari, Tita?” Tanong ni Abby habang hinahaplos niya ang noo ng kanyang Tita.
“Na—“
“Nanikip ang dibdib sa sobrang pagod.” Pagsingit ng isang tinig mula sa may pintuan. Si Obet. May mga dala-dala siyang plastic bags. Sumusulyap-sulyap ito sa akin. At habang pumapasok ito sa loob ng silid, ay para bang takang-taka ito na nandun ako.
Ipinatong niya ang kanyang mga bitbit sa bedside table at saka tagusang tumingin sa lukuran namin ni Abby—kung nasaan ang pintuang pinasukan niya kanina.
“Carlos, pasok ka.” Sabi ni Obet doon sa tinitingnan niya sa aming likuran.
Nilingon ni Abby si Carlos, pero hindi ako gumalaw. Ni hindi ko siya nilingon. Nakita ko na lang ang mapapel na lalaking iyon nang nilampasan niya ako. May mga dala siyang mga bulaklak at ilang boxes ng–cake siguro yun, para sa Tita ni Abby. Lumapit din ito sa matanda, iniabot ang mga bitbit niya at nagmano rin.
Sipsip.
Damn S*cker.
Hindi naman porke’t hinayaan ko siyang bugbugin ako, eh hindi ko ginustong wasakin ko rin ang pag-mumukha niya.
Tumingin siya kay Abby.
Ngumiti.
And it damn made me want to whack his head off!
P*tang inang gago!
Bantay salakay.
May araw din siya sa akin.
Isang oras din ang itinagal namin doon. Alang-alang kay Abby ay pinigilan ko ang sarili kong huwag nang patulan pa ang pangisi-ngising tingin ng Carlos na iyon habang parang tinitignan-tignan niya ang mga pasa at galos na idinulot niya sa mukha ko.
P*tang ina niya!
Sa pag-resbak ko sa kanya. Sisiguraduhin kong hindi na siya makakatayo.
“Salamat, Jon.” Biglang sinabi sa akin ni Abby habang nagmamaneho ako pabalik na sa apartment niya.
“Salamat saan?” Tanong ko.
“Nararamdaman ko kasi ang tensyon sa inyo ni Carlos kanina. Maraming salamat at hindi mo siya pinatulan.”
Napabuntong hininga ako. Natutukso kasi akong magtanong kung sino ba talaga si Carlos sa buhay niya, at kung bakit hawak-hawak nito ang kanyang kamay noon sa coffeshop. Pero ayokong pagmulan na naman iyon ng aming hindi pagkakaunawaan. Hindi pa kasi kami lubos na nagkakaayos ni Abby, ayokong maging mitsa na naman iyon ng aming pag-aaway. Hindi ko na kayang ulitin ang mawalay kay Abby ng ganoon katagal. Masisira na ng tuluyan ang ulo ko, kung magkataon.
“Dinner muna tayo sa labas, bago tayo umuwi, Abby.” Yaya ko.
“H-ha? Pwede naman akong magluto sa bahay ah.”
“You had a long day Abby, sa labas na lang tayo kumain para hindi ka na mapagod. May resto si Bernard dito sa malapit. Dun na lang tayo pumunta.”
Hindi na naman siya tumanggi. Tahimik kaming kumakain nang…
“Jon?” Tinig iyon ng isang babae na nagmumula sa aking likuran. Nakita kong sumulyap si Abby sa likuran ko dahil magkaharap lang kami. “Jon! Ikaw nga!” Lumakad ito sa sa gilid ko, enough para makita ko kung sino siya.
“E-Ella?”
“Ako nga, kamusta ka na? Pero, anong nangyari sa iyo,” Hinaplos niya ang pisngi ko, tinabig ko naman ito agad, “Bakit puro galos ang mukha mo?”
Hindi ako umimik. Kinunutan ko lang siya ng noo. Naiirita kasi ako sa kanya. Sumulyap ako kay Abby. Halata sa mukha niya ang pagtataka sa kung sino ba ang bagong dating na babae at basta na lang akong hinaplos sa mukha ng ganun.
“Hello,” Pagbati niya kay Abby sabay lahad ng kanyang kamay, “I’m Ella, you are?”
“Abby.” Bahangyang ngumiti si Abby sabay abot nito sa kamay ni Ella.
Lalo akong nairita nang pagkatapos noon ay hindi pa rin siya umalis. Nakatayo pa rin siya sa may gilid ng table namin habang salitang tinitingnan kami ni Abby.
“Ahrm!” Ako, sabay lagay ko ng kanang kamao sa bibig ko, “W-wala ka bang kasama? Ang asawa mo, nasaan?” I just want her to leave us, and that’s it.
“No, mag-isa lang ako. Nasa America ang asawa ko, umuwi lang ako para magbakasyon.” Nakabungisngis pa siya na lalo kong ikinairita. Ewan ako ba. Hindi na naman ako galit sa kanya, pero parang naiirita pa rin ako sa prisensya niya. Meron kasi itong masamang ugali na pagiging intrimitida; mahal ko siya noon kaya’t pinalalampas ko ito dati. “Ok, lang ba if I will join you?”
“Su–” Si Abby. Alam ko na sasabihin niya na ‘”Sure!”
“No, Ella.” Pagsingit ko, “As you can see, I am having a romantic dinner with my wife.”
Napansin ako ang panlalaki ng mga mata ni Ella, maging ni Abby.
“You are married?!” Gulat na gulat na tanong ni Ella, “Attorney Jonathan Romero is married? Since when? Parang hindi yata nabanggit ni Art na ikinasal ka na. At kung ikinasal na kayo? Nasaan ang…mga wedding rings niyo?” Sinipat niya ang aming mga kamay.
Nakakairita na ang babaeng ito. Eh ano ba kasi ang pakialam niya? Hindi na lang ako umimik. Baka kasi kung ano pa ang masabi ko sa sobrang inis ko sa kanya ngayon.
“I knew it!” Sabay halakhak, “Sino ba kasi ang niloloko mo, Jon? Ang sabihin mo, bitter ka pa rin sa pag-iwan ko sa iyo noon.”
Napansin ko ang pagka-ilang ni Abby lalo na nang bumaling ito ng tingin sa kanya.
“Don’t worry, Abby. I don’t really care whatever relationship you have right now. Ang sa akin lang, umatras ka na habang may pagkakataon ka pa. This guy isn’t exactly a dream husband material. Magsisi ka lang kung makakasal ka sa kanya. Do you know why?”
Sumulyap lang si Abby sa akin at pagkatapos ay pabalik kay Ella.
“Because behind this pretty face,” Dugtong nito habang hinaplos niya ulit ang mukha ko na tinabig ko naman ulit, “Is nothing but a cold hearted sick guy with serious issues in the head. Kung magkakataon, baka imbes na congratulations ang pagbati ko sa iyo eh, condolence.” Humalakhak ulit ito.
Dammit. Ano ba kasi ang problema niya?
Tumayo na ako. Masasapak ko na talaga ang babaeng ito.
“Abby… tara na.” Sabay hila ko sa kamay ni Abby.
“Bakit Jon? Natatakot ka ba na malaman ni Abby ang totoo?” Sumulyap ulit ito kay Abby, “Natatakot ka ba na iwanan ka rin niya kapag nalaman niya na you are nothing but a sick son of a bitch? Concerned lang ako sa kanya ah. Dahil ako? I don’t regret ever leaving you.”
“You do not regret naman pala eh, then, why don’t you just leave us alone?”
Nanginginig na talaga ako sa galit sa babaeng ito. Ano ba kasi ang alam niya tungkol sa akin bukod sa mga kababawang sinabi ko sa kanya noon? Wala naman talaga siyang alam tungkol sa akin. Naging kami noon at minahal ko siya, pero wala siyang alam sa akin… sa aking pinagmulan… sa aking nakaraan. Hindi niya alam kung sino talaga ako at kung bakit ako nagkakaganoon at nagkakaganito.
Pero…
Biglang napaisip din ako dahil….
Naalala ko…
Na maging si Abby ay wala rin namang alam tungkol sa akin.
Sa mga pagdurusang pinagdaanan ko sa murang edad, na nagdulot ng matinding trauma sa aking pagkatao.
Huwag naman sana na bigla na lang din akong iwanan ni Abby nang dahil sa mga pananakot ni Ella tungkol sa akin.
Huwag naman sana.
D*yos ko, wag naman sana.

            Part 2              Continue Reading Part 4

Credit : Itim na nobela
The Broken Man ⓒ DyslexicParanoia 21-30
Advertisements